23
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY SAN PABLO CITY CAMPUS San Pablo City ADBANTAHE AT DISADBANTAHE NG PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITES SA PAG – AARAL NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG - AARAL NG HAYSKUL SA LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY SAN PABLO CITY CAMPUS Isang Mungkahing tesis na iniharap sa mga kagawaran ng Kaguruan ng Paaralang Graduwado ng Laguna State Polytechnic University Del Remedio, San Pablo City, Laguna Bilang bahagi ng Pagtupad sa mga kinakailangan para sa Titulong Pagkadalubhasa sa Sining ng Pagtuturo (Filipino) Nila LAUREEN SHAYNE V. MIRANDA CHESKA A. MORTEL

Adbantahe at Disadbantahe Ng Paggamit Ng Social Networking Sites Sa Pag

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Adbantahe at Disadbantahe Ng Paggamit Ng Social Networking Sites

Citation preview

REPUBLIC OF THE PHILIPPINESLAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITYSAN PABLO CITY CAMPUSSan Pablo City

ADBANTAHE AT DISADBANTAHE NG PAGGAMIT NG SOCIAL NETWORKING SITES SA PAG AARAL NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG - AARAL NG HAYSKUL SA LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITYSAN PABLO CITY CAMPUS

Isang Mungkahing tesis na iniharap sa mga kagawaran ngKaguruan ng Paaralang Graduwado ngLaguna State Polytechnic UniversityDel Remedio, San Pablo City, Laguna

Bilang bahagi ng Pagtupad sa mga kinakailangan para sa TitulongPagkadalubhasa sa Sining ng Pagtuturo(Filipino)NilaLAUREEN SHAYNE V. MIRANDACHESKA A. MORTELRACHEL N. DALISAYPebrero 2014DAHON NG PAGPAPATIBAYBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Adbantahe At Disadbantahe Ng Paggamit Ng Social Networking Sites Sa Pag Aaral Ng Wikang Filipino Sa Mga Mag - Aaral Ng Hayskul Sa Laguna State Polytechnic Universityay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa 1-S na binubuo nina:

Laureen Shayne V. MirandaCheska A. MortelRachel N. Dalisay

Tinanggap sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Sierra Marie AycardoPropesorPasasalamatAng tagumpay ng pananaliksik na ito ay hindi magagawa kung wala ang mga taong handang tumulong at gumabay sa mga mananaliksik. Lubos ang pasasalamat ng mga mag-aaral na gumawa ng pamanahong papel na ito.1. Unang-una sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng lakas ng pag-iisip at malakas na paniniwalang makakaya nila itong tapusin.2. Lubos din ang pasasalamat ng mga mag-aaral sa kanilang mga magulang na nagbigay ng kanilang tiwala sa kanilang mga anak upang matapos ang kanilang mga hakbangin tungo sa kanais-nais na pamanahong papel gayundin sa kanilang pag-unawa sa hindi pag-uwi sa tamang oras ng kanilang mga anak upang matapos ang pamanahong papel.3. Sa kanilang butihing guro sa Filipino 2, Gng. Sierra Marie Aycardo, na matiyagang gumabay sa mga mananaliksik sa paggawa ng maayos na pamanahong papel, at sa pagbibigay sa kanila ng sapat na oras upang matapos ang lahat ng mga kinailangang gawin.4. Malaki rin ang pasasalamat at kinikilala din ng grupong ito ang mga respondante ng mga tanong sa nasabing pananaliksik.Muli maraming salamat sa inyo, naway gabayan tayong lahat ng Poong MayKapal.

MGA MANANALIKSIK

KABANATA IANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITOPANIMULAWalang permenante sa ating mundo, lahat nagbabago. Tao, bagay o kahit ang ating wika ay sumasailalim sa pagbabago. Pagbabago na hindi natin mababatid ang naidudulot sa mga kabataang inaasahang pag-asa ng bayan. Napakaswerte natin sapagkat nabiyayaan tayo ng Diyos ng isang wika na magagamit natin sa pakikipagtalastasan na pasalita o pasulat na paraan. Kahanga-hangang wikang sadyang wagas at dalisay. Nakakahalina ngunit sagabal ang pagsilang ng bagong bersyon ng mga salitang nagbibigay kalituhan sa pag-unawa ng mga tao. Balakid sa pagyakap ng ganitong wika na nagiging kasanayan lalo ng mga kabataan sa paraan ng pagpapahayag ng saloobin o paraan ng pakikipagkomunikasyon.Sa panahon natin ngayon, itoy sadyang napaka moderno. Napakabilis na nang pag usad ng ating teknolohiya, ditoy masasabing kadikit na ng ating buhay lalot higit sa mga estudyanteng wala pang muwang sa maaaring idulot nito. Habang tumatagal ay lalong dumarami at tumataas ang kalidad ng ating teknolohiya. Maraming nasasambit sa mga mabuti at di mabuting hatid nito sa bawat indibidwal. Nariyan ang kompyuter kung saan maaari tayong makapasok sa ibat ibang website gamit lamang ang internet. Nakatutulong sa pagpapadali ng mga bagay na nooy mahirap. Ultimo sa isang simpleng selpon ay makakapasok pa rin. Isa sa pagpasok sa mga website ay ang mga Social Networking Sites na patok na patok sa mga kabataan, ilan na dito ang Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, Viber, WeChat at Skype.Isa sa kilalang kilala na social networking site ay ang Facebook na kahit batang nasa edad na 13 ay mayroon na. Sinasabing ito ay may 1.23 bilyong aktibong miyembro ang gumagamit buwan buwan. (newsroom.fb.com/Key-Facts)Napapabilis ng nasabing website ang ating komunikasyon. Nasa ibang lugar man tayo ay makakamusta natin ang ating mahal sa buhay, ito ay isa lamang sa mabuting dulot ng Social Networking Site. Ngunit ano naman ang masamang epekto nito sa mga bagong sibol na kabataan ngayong henerasyon? Ang unang naging epekto nito ay ang pagkawala o pagkamatay ng palarong Pilipino tulad ng patintero, tumbang preso, luksong-baka, sipa at kung ano ano pa. Hindi mapapaunlad ng mga kabataan ang pagpapapawis o pag eehersisyo maging ang personal na pagpapaulad at pagtataguyod ng pagkakaibigan. Maging ang hindi akmang pagsasambit ng mga salitang di angkop sa kanilang edad.Itong paksang napili ay tatalakay kung ano ang naging epekto ng mga Social Networking Sites sa pag aaral ng Wikang Filipino sa ilang kabataan ng LSPU - SPCC. Ang pagpapaikli ba ng mga salita ay nakakasama o nakabubuti sa mga estudyante? Lalo lamang bang dumarami ang mga salitang balbal na hindi akma sa mga kabataan dahil sa paggamit ng mga websites na ito? At ang pag gamit ng mga hashtags sa bawat salita ay nakakatulong ba sa kanilang pag aaral. At dahil ba sa mga website na ito ay naaapektuhan ang ating komunikasyon.Ang teknolohiya ay dapat natin gamitin sa tamang pamamaraan. Dahil ito ay maaaring magdulot ng di maganda sa atin. Katulad ng ating wika, huwag nating hayaan na tuluyang ito ay mawala. Marapat na ito ay ating pagyamanin at gamitin ng tama upang hindi maglaho. Datapwat moderno na ang ating panahon ngayon marami pa ring pamamaraan upang mapahalagahan ang ating sariling wika tulad ng masuring pagaaral nito at ang patuloy na paggamit nito sa pang araw-araw nating pamumuhay. Isa sa mga paraang ito ay ang pagbabasa ng mga librong hango sa ating wika upang patuloy pa rin nating makasanayan ang paggamit nito. Hindi lahat ng ating mga nababasa sa mga social networking sites ay marapat nating sundin at isa buhay. Kailangan natin ng matinding pagsusuri dahil hindi lahat ng mga ito ay tama at makatutulong sa paglinang ng ating sariling wika. Ang mga kabataan ngayon ay masyado ng nahuhumaling sa mga nasabing social networking sites kaya marapat na bigyan sila ng gabay upang mas mapalawig pa ang kanilang mga kaisipan sa maaring maidulot nito sa ating wika. Makikilala ang isang tao batay sa paggamit niya ng wika kung kaya't madali natin silang maiuri sa kasalukuyan kung saan siya nabibilang sa mundo nating ginagalawan. Kaya't marapat na sila'y gabayan upang maging sensitibo sila sa mga salita't wikang kanilang ginagamit ngayon, bukas at magpakailanman.

KALIGIRAN NG PAG-AARALAng Social Networking Sites ay isang website na maaaring gumawa ng pribado o pampublikong profayl. Dito ay pumapaloob ang ating mga koneksyon. Isa sa mga sikat na sikat na website ay ang Facebook.

BATAYANG TEORETIKALAng Social Networking Sites ay mga website kung saan Ayon kay Boyd at Ellison, We define social network sites as web-based services that allow individuals to (1) construct a public or semi-public profile within a bounded system, (2) articulate a list of other users with whom they share a connection, and (3) view and traverse their list of connections and those made by others within the system. The nature and nomenclature of these connections may vary from site to site. Gulang Ang mga kabataan na may parehong gulang ay may pagkakaiba sa kanilang lebel ng kakayahan, iba't-ibang paraan ng pag-unlad at pagkaunawa ayon sa kanilang katalinuhan.Ayon kay Piaget mula sa pananaliksik ni Alibuntod (2008) naglahad siya kung paanong ang kognitibong pag-unlad makukuha sa pamamagitan ng maturational stages kung saan ang proseso ng pag-iisip at pagbabago ay tumataas habang tumataas din ang gulang ng mag-aaral.Sa isinagawang pag-aaral ni Foronda (2000) ang edad ay walang kaugnayan sa kanyang isinagawang pag-aaral na lumabas din sa pag-aaral ni Pavino(2003) na walang kaugnayan ang gulang ng mga mag-aaral sa performans ng kanilang pag-aaral ma pinabulaanan ng pag-aaral ni Abuel(2003) na ayon sa kanya ang gulang ng mga mag-aaral ay may kaugnayan sa lebel ng kahalagahan ng araling Filipino.Ayon sa Educators Journal Vol.IV (2001) ang mga kabataan na may parehong edad o gulang ay may pagkakaiba s kanilang lebel ng kakayahan,iba't-ibang paraan ng pag-unlad ng pagkaunawa ayon sa kanilang katalinuhan layunin ng paaralan na huhubugin ang kanilang kakayahan o talinong tinataglay upang sila ay matutong makibgay sa mga nagaganap sa kanilang kapaligiran.Ayon sa aklat ni Belvez (2001) na nagpapatungkol sa gulang may kakayahan at katangian ang isang batang pipituhing gulang, ang isang wawaluhing taon,ang isang lalabindalawahin o ang isang lalabinlimahing taong gulang.Kasarian Ayon sa tesis ni Cecallo(2006) napag-alaman niya na ang kasarian ay walang kinalaman sa pagkatuto ng isang mag-aaral kapag ginamitan ng iba't-ibang paraan ng pagkaganyak sa pagtuturo.

PAGLALAHAD NG SULIRANINNais naming malaman kung nakakabuti ba o nakakasama ito sa pag aaral at komunikasyon ng mga mag aaral. Binigyang pokus ng pag aaral ang mga sumusunod na katanungan:1. Ano ang profayl ng mga tagasagot hinggil sa:1.1. Edad1.2. Kasarian1.3. Social Networking Sites1.3.1. Facebook1.3.2. Twitter1.3.3. Youtube1.3.4. Tumblr1.3.5. Instagram2. May epekto ba ang Social Networking Sites pagbuo ng mga pangungusap o gramatika?3. Ano ang maaaring epekto sa paggamit ng mga bantas?4. Ano ang maaaring epekto ng Social Networking Sites sa ating komunikasyon?5. Ano ang mga interes ng mga kabataan?5.1. Babasahin5.2. Panoorin6. Ano ang kabuuang marka ng mga mag aaaral sa asignaturang Filipino?7. Kabuluhang kaugnayan ng Social Networking Sites sa pag aaral ng Filipino.

HINUHAWalang makabuluhang kaugnayan ang Social Networking Sites sa pag aaral ng wikang Filipino.

KAHALAGAHAN NG PAG AARALNaniniwala ang mananaliksik na magiging mahalaga at makabuluhan ang magiging kalabasan ng pag aaral na ito sa mga mag aaral, magulang, guro, paaaralang sentro ng pananaliksik at sa mga susunod pang mananaliksik.Mag aaralMahalaga ang pag aaral na ito sapagkat matutuklasan nila ang kanilang kahinaan sa asignaturang Filipino. Mas magiging malalim ang pang unawa nila sa kahalagahan ng asignatura at magaganyak sila na mag aral tuwina dahil sa impormasyong maaaring makuha mula rito.MagulangMalaki ang magagawa nito sa mga magulang na maturuan at mabigyan nila ng gabay ang kanilang mga anak hinggil sa kabuluhan ng edukasyon at ng asignaturang Filipino sa pagpapalawak ng kaalaman.GuroMakakatulong nang Malaki ang pag aaral na ito sa mga guro sapagkat mababatid nila ang mga kahinaan ng mga magulang ng mga mag aaral sa asignaturang Filipino, mabibigyan ng mga karagdagang gawain na susukat sa kanilang kaalaman.Paaralang Gagamiting Sentro ng PananaliksikMalaking bahagi ang magagawa nito sa paaralang gagamiting sentro ng pananaliksik sapagkat malalaman ng mga namumuno ang mga aspektong dapat bigyan ng pansin upang mapataas ang performans sa asignaturang Filipino at mapagtuunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa mga suliraning nabanggit.

Sa Mga Susunonod pang MananaliksikNaniniwala ang mananaliksik na ang datos at impormasyon na malilikom sa pag-aaral na ito ay maaaring gamitin ng mga susunod pang mananaliksik sa gagawin nilang pag-aaral.

PARADIMA NG PAG AARALDI MALAYANG BARYABOL

Marka ng mga mag aaral sa asignaturang Filipino

MALAYANG BARYABOL

1. Profayl ng mga tagasagot higil sa: Edad Kasarian2. Social Networking Sites Facebook Twitter Youtube Tumblr Instagram3. Gramatikal4. Talasalitaan5. Pagbabantas6. Komunikasyon7. Interes Babasahin Panoorin

Figyur 1. Ipinapakita ng figyur 1 ang Malaya at Di Malayang baryabol ng pag aaral

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARALBibigyang-pansin ng pag-aaral na ito na matuklasan ang mga adbantahe at disadbantahe ng paggamit ng social networking sites sa pag aaral ng wikang Filipino sa mga mag - aaral ng hayskul sa Laguna State Polytechnic University - San Pablo City Campus sa taong panuruan 2013-2014. Pinagtuunan namin ng pansin ang mga kabataang nasa murang edad pa lamang. Dahil naisip namin na ang mga kabataang ito ay sumasailalim sa pinakasensitibong yugto, pagbibinata at pagdadalaga na kung saan ay madaling maakit ng mga bagay na nakakapukaw ng kanilang atensyon.Hindi bibigyang pansin ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral na nasa edad 17 pataas.Pinili namin ang eskwelang nasabi dahil dito nag-aaral ang mananaliksik, ditoy mapapabilis namin ang aming pananaliksik. 2013-2014 ang ginamit namin na taon dahil ito ang kasalukuyang panahon.KATUTURAN NG MGA KATAWAGANG GINAMITSa lalong ikauunawa ng pag aaral na ito, ang mga sumusunod na katawagan ay inihanay ng mananaliksik upang bigyang katuturan o paliwanag.Social Networking Sites website kung saan maaaring gumawa ng pribado o publikong profaylGramatikal - tumutukoy sa tamang pagbuo ng mga pangungusapTalasalitaan tumutukoy sa mga pangkat ng salita na binibigyan ng kahuluganPagbabantas tumutukoy sa tamang paggamit ng mga pananda.Komunikasyon tumutukoy sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap. Kasarian tumutukoy kung lalaki o babae ang isang indibidwalKABANATA IIMGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARALBanyaga:Ang social networking ay isang istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.Ayon kay Boyd at Ellison (2007), Ang social networking sites ay isang serbisyo na maaaring gumawa ng profayl mapapribado man o publiko. Hinahayaan nito na makita ang mga listahan ng koneksyon at makita pa ang ginagawa ng iba. Sinasabing ang kauna-unahang Social Networking Sites o (SNS) ay inilunsad noong 1995. Ito ay ang Classmate.Com, dito ay mahahanap natin ang mga kaibigan natin noong kinder, elementary, hayskul o kolehiyo ngunit hindi dito makakagawa ng profayl at gumawa ng friend list. Noong 1997 ay umusbong ang SixDegrees.Com dito naman ay maaari tayo gumawa ng profayl na kung saan makikita natin ang listahan o talaan ng ating mga kaibigan at noong 1998 ay maaari nang mag-surf sa mga kaibigan. Ipinagsama ang ideya ng dalawang nasabing website kaya maaari na tayong makakonekta sa ating mga kaibigan at kaanak sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe.Dahil sa modernong panahon at sa kagalingan na din ng mga tao ay ibat ibang SNS ang umusbong, nariyan ang Friendster.com na inilunsad noong 2002. Ayon kay Mike Masnick noong 2005 ay mas marami ang tumatangkilik sa website na Myspace.Com kaysa sa Google.Com.Ang ating teknolohiya ay pausbong ng pausbong kaya mas marami pang SNS ang lumalabas. Noong 2004 ay isang SNS ang lumabas na ginawa ng mga mag-aaral ng Harvard University. Ito ay ang Facebook.Com kung saan mas lalong pinalawak ang ating komunikasyon at hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ito. Habang tumatagal ay lalong dumarami ang tumatangkilik dito.Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang kumunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng mga sosyal na pakikipagkumunikasyon ay nabago daw nito ang estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang trabaho at madali itong nakikipagkumunikasyon sa ibang tao.Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbago, maging ang paraan na din ng pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay nakakayanan ng gumamit nito, sapagkat sadyang madali itong gamitin.Ayon kay Peter Pezaris (2008), Pangulo at Founder ng Multiply, sa isang panayam sa abs-cbnNews.com, ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pamilya at relasyon ang pangunahing dahilan ng paggamit nila ng SNS (Dizon, 2008).

Lokal:Ang kauna-unahang koneksyon ng internet ay noong Marso 1994. Sa petsang nasabi ay ang Philippine Network Foundation o PHNet ay konektado sa bansa at sa mga tao sa US sa pamamagitan ng 64kbits.Noong Setyembre 12, 2012 ay inaprubahan ang Cybercrime Prevention Act of 2012 bilang Republic Act No. 10175. Isang batas upang masugpo ang mga cybersquatting, cybersex, child pornography, identity theft at libel. Ngunit noong Oktubre 9, 2012 ay natigil ang pagpapasakatuparan ng batas dahil sa pagbatikos ng mga tao.

Idea:1. Paggamit ng abbreviations2. Hashtags at @ sign3. Pagdami ng mga balbal na salita (eg. Enebeyen, anyare?)4. Social NetworkingAdbentahe Paglalahad ng personal na impormasyon Madaling gamitin Matipid na paraan ng pag-aadbertisa Mabisang paraan ng pag-aadbertisa Mas madaling mapanatili ang komunikasyon Walang oras ng pagsasara Madaling maghanap ng mga kontak Mabisang panawag atensyon Makakikilala ng taong pareho ang interes Mas madaling makipag-usap sa isang grupo Makabubuo ng isang malawak na network Maaaring magbigay ng oportunidad sa trabaho Mabisang paraan ng paglalahad Mabisang instrumento ng komunikasyon Nakikinabang ang nakipagkilala at nakilala Maaaring makapagbigay ng bagong insayt

Disadbentahe Kailangan maghanap ng oportunidad May bayad ang ibang SNS Maaaring mali ang impormasyong makuha Maaaring peke ang profayl ng isang taoMahirap magtiwala Maaaring magamit kahit sa pinagtatrabahuhan Umaasa sa elektronik na komunikasyon Maaring makakuha ng ideya sa mga blogs Dayagram 2. Mga Adbentahe at Disadbentahe ng Paggamit ng mga SNS[1]

Sanggunian:http://newsroom.fb.com/Key-Factshttp://www.danah.org/papers/JCMCIntro.pdfhttp://snnsocialnetworkingngayon.blogspot.com/Isang Pag-aaral Ukol sa mga Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya ni Diane P. Pimentel (2009)http://gigaom.com/2005/11/03/my-space-part-deux/Cybercrime Prevention Act of 2012 (http://en.wikipedia.org/wiki/Cybercrime_Prevention_Act_of_2012)Technologies in Social Networking (https://www.facebook.com/pages/Technologies-in-Social-Networking/145606875546219_Chris Borgan, Social Media and Social Network Starting Points (http://www.chrisbrogan.com/social-media-and-social-network-starting-points/)