7
Center for Women’s Resources | Disyembre 2013 Ang World Trade Organization o WTO ay isang organisasyong pangkalakalan na binubuo ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig. Layunin ng WTO ang malayang kalakalan, ibig sabihin ay ang pagtatanggal ng mga restriksyon sa ekonomya at pagbubukas nito para sa pagpasok at paglabas ng produkto mula sa iba’t ibang bansa. Anu-ano ang mga kasunduan sa ilalim ng WTO? Dala-dala ng WTO ang 20 pang kasunduang multilateral gaya ng General Agrement on Trade in Services (GATS), ang Trade-Related Intellectual Property Rights Agreement (TRIPS), ang Agreement on Agriculture (AoA) at ang Trade-Related Investment Measures Agreement (TRIMS). Sa ilalim ng Agreement on Agriculture (AoA), binuksan ang ekonomya ng Pilipinas sa mga naglalakihang dayuhang kumpanya para magpasok ng produktong agrikultura sa bansa ng walang taripa o tax. Sa kasunduan ring ito mas tinanggalan ng gobyerno ang subsidyo nito sa mga magsasaka para sa lokal at pang-eksport na produksyon. Sa GATS, binukas ng gobyerno ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya para mamuhunan sa mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, transportasyon, patubig, kuryente, at iba pa. Sa pagliberalisa ng panlipunang serbisyo, naisapribado ang mga serbisyong dapat sana’y libre at pampubliko. Sa TRIPS, binigyang proteksyon at eksklusibong paggamit ang mga korporasyon at indibidwal sa pamamagitan ng pagbigay ng “patent” sa teknolohiya, disenyo, imbensyon at mga proseso ng mga lokal na rekurso o hilaw na materyales ng bansa. Nilalayon ng TRIMS ang pantay na pagtrato sa dayuhan at lokal na pamumuhunan. Inaalis nito ang mga restriksyon at rekisito na igagawad ng pamahalaan sa mga dayuhang mamumuhunan. Hindi tunay na malaya at may pagkapantay-pantay ang kalakalan sa ilalim ng WTO. Sa lahat ng kasunduan, nangingibabaw ang desisyon at kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna ng Estados Unidos. Bago pa man ihapag sa kapulungan ang mga pagkakasunduan ay napagkaisahan na nga iilang mayayamang bansa ang desisyon. Dahil dominante ng mayayamang bansa ang kalakalan, walang panalo sa WTO ang mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. At dahil sunud-sunuran ang pamahalaan ng Pilipinas sa kagustuhan ng mga imperyalistang bansa lalo na sa US, pinapanatili nitong nakapaloob ang bansa sa mga di-pantay na kasunduan ng WTO. Ano ang dapat gawin? Dahil ang mga batayang sektor kabilang na ang mga kababaihan ay lubhang naaapektuhan ng mga di-pantay na kasunduan sa ilalim ng WTO, nararapat lamang na tutulan ito ng mga mamamayan. Dapat ilantad ng mga mamamayan ang WTO bilang kasangkapan ng mga imperyalistang bansa partikular ng US para magsilbi sa interes nitong magkamal ng yaman sa mundo na nagiging dahilan ng mas malalang krisis sa mahihirap na bansang tulad ng Pilipinas. Mailalantad natin ito sa pamamagitan ng masigasig at kritikal na pag-alam ng mga isyu at balita. Ngayon, higit kailanman, ang sama-samang pagkalampag ng mamamayan sa pamahalaang Aquino at igiit ang pag-alis ng bansa sa WTO. Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Center for Women’s Resources, Inc. 127-B Scout Fuentebella, Quezon City, Philippines, 1103 (02) 920-1373 / (02) 411-2796 | www.cwrweb.org facebook.com/cwr1982 | @cwr1982

Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna

  • Upload
    dangnhu

  • View
    305

  • Download
    16

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna

Center for Women’s Resources | Disyembre 2013 Ang World Trade Organization o WTO ay isang organisasyong pangkalakalan na binubuo ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig. Layunin ng WTO ang malayang kalakalan, ibig sabihin ay ang pagtatanggal ng mga restriksyon sa ekonomya at pagbubukas nito para sa pagpasok at paglabas ng produkto mula sa iba’t ibang bansa. Anu-ano ang mga kasunduan sa ilalim ng WTO? Dala-dala ng WTO ang 20 pang kasunduang multilateral gaya ng General Agrement on Trade in Services (GATS), ang Trade-Related Intellectual Property Rights Agreement (TRIPS), ang Agreement on Agriculture (AoA) at ang Trade-Related Investment Measures Agreement (TRIMS). Sa ilalim ng Agreement on Agriculture (AoA), binuksan ang ekonomya ng Pilipinas sa mga naglalakihang dayuhang kumpanya para magpasok ng produktong agrikultura sa bansa ng walang taripa o tax. Sa kasunduan ring ito mas tinanggalan ng gobyerno ang subsidyo nito sa mga magsasaka para sa lokal at pang-eksport na produksyon. Sa GATS, binukas ng gobyerno ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya para mamuhunan sa mga panlipunang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, transportasyon, patubig, kuryente, at iba pa. Sa pagliberalisa ng panlipunang serbisyo, naisapribado ang mga serbisyong dapat sana’y libre at pampubliko. Sa TRIPS, binigyang proteksyon at eksklusibong paggamit ang mga korporasyon at indibidwal sa pamamagitan ng pagbigay ng “patent” sa teknolohiya, disenyo, imbensyon at mga proseso ng mga lokal na rekurso o hilaw na materyales ng bansa.

Nilalayon ng TRIMS ang pantay na pagtrato sa dayuhan at lokal na pamumuhunan. Inaalis nito ang mga restriksyon at rekisito na igagawad ng pamahalaan sa mga dayuhang mamumuhunan. Hindi tunay na malaya at may pagkapantay-pantay ang kalakalan sa ilalim ng WTO. Sa lahat ng kasunduan, nangingibabaw ang desisyon at kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna ng Estados Unidos. Bago pa man ihapag sa kapulungan ang mga pagkakasunduan ay napagkaisahan na nga iilang mayayamang bansa ang desisyon. Dahil dominante ng mayayamang bansa ang kalakalan, walang panalo sa WTO ang mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. At dahil sunud-sunuran ang pamahalaan ng Pilipinas sa kagustuhan ng mga imperyalistang bansa lalo na sa US, pinapanatili nitong nakapaloob ang bansa sa mga di-pantay na kasunduan ng WTO. Ano ang dapat gawin? Dahil ang mga batayang sektor kabilang na ang mga kababaihan ay lubhang naaapektuhan ng mga di-pantay na kasunduan sa ilalim ng WTO, nararapat lamang na tutulan ito ng mga mamamayan. Dapat ilantad ng mga mamamayan ang WTO bilang kasangkapan ng mga imperyalistang bansa partikular ng US para magsilbi sa interes nitong magkamal ng yaman sa mundo na nagiging dahilan ng mas malalang krisis sa mahihirap na bansang tulad ng Pilipinas. Mailalantad natin ito sa pamamagitan ng masigasig at kritikal na pag-alam ng mga isyu at balita. Ngayon, higit kailanman, ang sama-samang pagkalampag ng mamamayan sa pamahalaang Aquino at igiit ang pag-alis ng bansa sa WTO.

Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino

Center for Women’s Resources, Inc.127-B Scout Fuentebella, Quezon City, Philippines, 1103

(02) 920-1373 / (02) 411-2796 | www.cwrweb.org facebook.com/cwr1982 | @cwr1982

Page 2: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna
Page 3: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna

WTO: Pahirap sa Kababaihang Magbubukid Bahagi ng kasunduan sa ilalim ng WTO ang usapin sa kalakalan sa sektor ng agrikultura. Sa Pilipinas, dahil mayorya ng populasyon ay mga magsasaka na nakaasa sa agrikultura, sila rin ang pumapasan ng pinakamabibigat na dagok ng epekto ng liberalisasyon sa agrikultura. Lubhang apektado ang mga kababaihang magsasaka dahil maliban sa partisipasyon nila sa produksyon, sila rin ang inaasahang magtiyak sa pangangailangan ng pamilya. Pagpapatindi ng kawalan ng lupa at kabuhayan

Nananatiling mahirap ang mga magsasaka sa Pilipinas dahil pito sa bawat sampung magsasaka ay walang sariling lupa. Dahil sa tunguhin ng WTO na pagnenegosyo ng agrikultura, inihain ng gobyerno ang matabang lupa ng bansa para sa dayuhang pagnenegosyo ng mga malalaking multi-national agro-corporations katulad ng Dole at Del Monte sa Mindanao. Nagresulta ito ng palalang kawalan ng lupa para sa magsasaka.

Dahil sa kawalan ng lupa, napipilitan ang mga magsasaka na pumasok sa mga agro-corporations bilang mga manggagawang bukid kung saan napakaliit ng sahod. Ang mga kababaihang maggaggawang bukid ay tumatanggap ng sahod na mas mababa sa mga kalalakihan. Sa mga sugar plantation halimbawa, mas mababa ng 18% ang nakukuha ng mga kababaihan.

Dagdag pa sa maliit na sahod, maraming kababaihan ang naitala na hindi tumatanggap ng sahod bagamat nagtatrabaho. Noong 2011, may 1.5 milyon na kababaihan ang di-binabayarang manggagawa na kalakhan ay nasa sector ng agrikultura.

Dahil sa malawakang kahirapan sa kanayunan na may bilang na 23.14 milyong Pilipino, maraming kababaihan ang napipilitang pumunta sa mga sentrong lungsod para maghanap ng ibang kabuhayan. Bunga nito, lumiit ang bahagi ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura, mula 34% noong 1995 patungong 21% noong 2010.

Kabilang sa mga trabahong karaniwang nakukuha ng mga kababaihan bilang dagdag na kabuhayan ay mga gawaing hindi makatulong para sa pag-unlad ng kanilang kaalaman

Pagkain ang malaking naaapektuhan sa polisiya ng gobyerno hinggil sa malakihang pag-eksport ng produktong agrikultural. Sa katunayan, mula 1994 hanggang 2012, 28% lamang ang inilaki ang lupain na pinagtataniman ng palay. Nabawasan ng 400,000 ektarya ang

lupaing pinagtataniman ng mais. Ang pinakamahihirap na pamilya ang kalakhan ng kumokonsumo ng mais kaya malaking kawalan sa kanila ang pagliit ng produksyon ng mais. Sa kabilang banda, lumaki naman ang lupain na pinagtataniman ng mga pang-eksport na produkto katulad ng rubber (103%), chrysanthemum (167%), at orchids (233%).

Makikita ang kahirapan sa kanayunan sa papalaking agwat ng kita ng mga pamilya sa rural at urban. Noong 1985, naitalang mas malaki ng 110% ang kita ng mga pamilya sa kalunsuran kumpara sa kanayunan. Noong 2000, tumaas ito sa 140%.

Papaliit ang suporta na ibinibigay ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura. Kung mayroon man, ito ay sa porma ng pagpapautang o microcredit loan na hindi naman nakakatulong bagkus ay naglulubog pa sa mga kababaihan sa utang. Ang mga kababaihan sa kanayunan ay target din ng mga proyektong katulad ng CCT (conditional cash transfer) o 4Ps.

Sa paghahanap ng dagdag na mapagkakakitan o trabaho, marami sa mga kababaihan ang nagiging biktima ng illegal recruiters, trafficking at prositusyon.

Panganib sa buhay ng kababaihan Dahil tunguhin ng WTO ang malakihang produksyong agrikultural,

malawakan rin ang paggamit ng mga kemikal para pataasin pa ang produksyon. Ang mga kemikal na ito kabilang ang mga pestisidyo, GMO seeds at fertilizer ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga kababaihang magbubukid dahil karaniwang sila ang humahawak nito sa produksyon.

Pagkasira ng kalikasan at kalamidad

Lumubog sa baha ang maraming komunidad sa Mindanao nang tumama ang bagyong Sendong at Pablo sa rehiyon noong 2011 at 2012. Marami sa mga namatay ay mga kababaihan at bata. Sa pagsusuri, ang malawakang pagbaha sa rehiyon ay sanhi ng pagkasira ng lupain dahil sa malalawak na plantasyong mono-cropping.

Page 4: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna
Page 5: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna

WTO: Matinding Krisis ng Kababaihang Manggagawa Bago pa man pumaloob ang Pilipinas sa WTO, balon na ang bansa ng murang lakas paggawa. Sa pagpapailalim ng ekonomya ng Pilipinas sa WTO, lalong lumalala ang kalagayan ng mga manggagawa sa pagkiling ng pamahalaan sa interes ng mga dayuhang kapitalista para sa tubo. Ang mga batas katulad ng Amended Foreign Direct Investments Act (1996), Special Economic Zone Act (1995) at Retail Trade Act (2000) ay nagsisilbi lamang para mas madaling makapasok ang mga dayuhang kapitalista sa bansa. Ang pagpapapatupad ng kontraktwalisasyon at mababang pasahod ay tumutugon rin sa interes ng mga dayuhang kapitalista.

Dahil walang malalaking industriya na lilikha ng trabaho para sa mga mamamayan, ang kawalan (unemployment) at kakulangan (underemployment) ay palagian nang problema ng bansa. Noong 2012, umabot sa tatlong milyon ang mga Pilipinong walang trabaho kung saan 1.19 milyon dito ay kababaihan.

Sa National Capital Region nasa P466.00 ang pinakamataas na minimum wage sa bansa. Sa ibang rehiyon, mas mababa ito na maaaring umabot lamang sa P205.00 (Ilocos region, non-plantation). Dagdag pa, ayon sa DoLE 81% lamang ng mga kumpanya o pagawaan ang sumusunod sa minimum wage. Ibig sabihin, may mga kumpanya na mas mababa pa ang ibinibigay na sahod.

Mababa na nga ang sahod, lalo pang hihilahin pababa ng two-tiered wage scheme (2TWS) ang sahod ng mga manggagawa. Sa 2TWS, itinatakda ang fixed floor wage. Ang dagdag sa sahod ay nakabatay sa produktibidad ng kumpanya o pagawaan na sa esensya ay nasa diskresyon ng may ari nga kumpanya. Ang labor wage scheme na ito ay sinuportahan ng International Labor Organization at ng Joint Foreign Chambers of the Philippines.

Noong 1995, 56% o 5.3 milyong kababaihan ang nasa services sector. Tumaas ito sa 9.9 milyon o 68% noong 2011. Nasa service sector ang kalakhan sa mga manggagawang mababa ang sahod.

Maraming kababaihan ang nasa wholesale and retail trade (4.4 milyon) na tumatanggap ng sahod na umaabot sa P261.00 kada araw lamang. Malaki ang itinaas ng bilang ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa kabahayan (1.6 milyon) na tumatanggap ng sahod na P127.00 kada araw.

Noong 2010, mahigit kalahati sa manggagawa ng BPO o call center ay kababaihan. Itinuturing na “sunshine industry” ng pamahalaan ang

BPOs. Sa katunayan, mga dayuhang imbestor ang kumikita ng malaki mula sa mga call centers dahil maliban sa mababang sahod na itinatakda ng batas sa bansa, maraming insentibo rin ang natatanggap ng mga dayuhang kumpanya katulad ng tax holidays at iba pang subsidy.

Malawakan ang pagpapatupad ng kontraktwalisasyon lalo na sa mga export processing zones (EPZs) na kalakhan ay dayuhan ang namumuhunan. Sa Timog Katagalugan, 65-70% ng mga manggagawa ay nakapaloob sa iba’t ibang tipo ng iskemang kontraktwalisasyon katulad ng agency hire, on-the-job training, interns at casual workers. Halos kalahati sa mga manggagawa sa Asia Brewery, NXP, EMI Yazaki, Aichi, Takata, Coca-cola, Ebara, Moriroku, URC at Hoya Glassdisk ay kontraktwal at karamihan sa kanila ay nasa special economic zones.

Ayon sa Bureau of Labor and Employment Statistics (BLES), umabot sa 1.6 milyon and short-term, seasonal or casual women workers noong 2011 mula 836,000 noong 1995.

Dagdag na atraksyon sa mga dayuhang mamumuhunan ang “no strike, no union” policy sa mga EPZs. Sa sarbey ng BLES, bumaba ang miyembro ng unyon ng mga manggagawa mula 692,000 noong 1995 patungong 319,000 noong 2010.

Dahil sa matinding kahirapan, ang paghanap ng makakain ay kolektibong ginagawa ng pamilya. Kaya, maraming mga bata ang tumutulong sa kanilang magulang bilang pandagdag sa kita ng pamilya. Noong 2011, may 5.5 milyon na batang nagtatrabaho, pinakamarami sa kanila ay matatagpuan sa mga rehiyong may mataas na bilang ng mga mahihirap sa bansa.

Dahil sa kawalan ng disenteng trabaho sa bansa, maraming mga Pilipino ang napipilitang mangibang bayan. Anim sa bawat 10 a kanila ang kababaihan. Kalakhan sa kanila, 73% ay mga katulong, tagaluto, at iba pa. Dahil sa katangian ng kanilang trabaho na pribado at hiwa-hiwalay, bulnerable sila sa pang-aabuso at pagsasamantala.

Ang implementasyon ng Basic Education Curriculum at ng K+12 program ay nagsisilbi sa interes ng dayuhang kapitalista na mag-empleyo ng murang lakas paggawa. Isa sa mga layunin ng K+12 ay bigyan ng skills training ang mga mag-aaaral sa high school para madaling makapasok sa technical at vocational na trabaho. Ang Basic Education Curriculum naman ay nakapokus lamang sa Math at English para diumano’y maging “globally competitive” ang mga Pilipino.

Page 6: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna
Page 7: Ang Epekto ng WTO sa Kababaihang Pilipino Nilalayon ng ...cwrweb.org/sites/default/files/CWR Disyembre 2013 - Ang Epekto ng... · kagustuhan ng mga imperyalistang bansa sa pangunguna

WTO: Atake sa Konsyumer Sa pagpaloob ng Pilipinas sa WTO, lumala ang ekonomya sa pagiging palaasa nito sa import at eksport na kalakalan. Dahil dito, apektado ang mga mamamayan lalo na bilang konsyumer.

Pagtaas ng presyo ng mga agrikultural na produkto

Tumaas ang presyo ng bigas ng 273%, mula P9.44 per kilo noong 1990 sa P35.30 per kilo noong 2012. Sa kabilang banda, 180% lamang ang itinaas ng presyo ng palay na binibili mula sa magsasaka. Ibig sabihin, bagamat murang nabibili ng mga rice millers ang palay mula sa magsasaka, ibinebenta naman ito sa mataas na presyo. Isa pa, kahit ang imported na bigas, na bahagi ng commitment ng gobyerno sa WTO, ay ibinebenta rin sa mataas na halaga.

Malaki ang importasyon sa bigas, mula 100,000 metric tons (MT) noong 1984 hanggang sa mahigit 2 milyon MT noong 1998. Noong 2007, tinaasan pa ng gobyerno ang importasyon nito sa 1.8 million MT. Noong 2010, umabot sa 2.45 million MT ang importasyon ng bigas.

Tumaas ang presyo ng manok na ini-import ng 138% mula 1995 hanggang 2012

Mula zero importation noong 1990, tumaas ang pagiging palaasa ng bansa sa imported na produktong agrikultural tulad ng kape, patatas, manok at carabeef.

Kahit pa mababa ang presyo ng ilang pagkain mula sa importasyon sa mga bansang katulad ng China at US, sa kalaunan, nagdulot ito ng pagbagsak ng lokal na agrikultura. Ito ay dahil hindi kaya ng Pilipinas ang kompetisyon sa mayayamang bansa na may relatibong malaking subsidyo sa agrikultura, kasabay pa ng kakarampot o halos walang suporta na nagmumula sa gobyernong Aquino. Dahil dito, nawawasak ang kabuhayan ng pinakamaraming mamamayan ng bansa. Kaya dagsa man ang murang produkto, kahit mismong talagalikha ng pagkain ay walang maipambibili.

Bunga nito, naitala ang mataas na tantos na kahirapan sa bansa. Ayon sa 2011 Annual Poverty Survey, 1.2 milyong pamilya ang nakaranas ng gutom. Pinakamataas na tala ng kagutuman ay sa kanayunan.

Pribatisasyon ng pampublikong serbisyo

Tunguhin ng WTO, ng IMF at World Bank, ang pribatisasyon at deregulasyon sa mga batayang pampublikong serbisyo. Sa Metro Manila, nararanasan ito sa pagsasapribado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ang mga pribadong negosyanteng may-ari ng Maynilad at Manila Water kasama ang kanilang mga dayuhang partner ang nakinabang sa pagtaas ng singil sa tubig. Mula 1997, tumaas ang “average water tariff” ng Maynilad mula P4.96 patungong P32.92 noong 2012 (564%) habang P2.32 (1997) hanggang P27.44 (2012) naman ang singil ng Manila Water (1083%).

Mataas na presyo ng gamot

Noong 2006, 63% ng kabuuang gastos sa kalusugan sa bansa ang nagmumula sa bulsa ng mga mamamayan. Sa mga mahihirap na pamilya, mahigit kalahati o 53% ng gastos sa kalusugan ang napupunta sa pagbili ng gamot.

Mataas ang presyo ng gamot sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa Asya. Kahit pa may batas katulad ng Cheaper Medicine Act, nananatiling mataas ang presyo ng gamot dahil kontrolado ng malalaking dayuhang kumpanya o multi-national companies (MNCs) ang industriya ng gamot o parmasya sa bansa.

Sa 20 pinakamalakaking pharma companies sa Pilipinas, 16 ay MNCs kabilang ang GlaxoSmithkline, Pfizer-Wyeth, Abbott Laboratories, Novartis, AstraZeneca, Sanofi-Aventis, Johnson & Johnson, Roche at Bayer. It rin ang pinakamalalaking pharmaceutical companies sa buong mundo.

Sa usapang WTO sa Doha, Qatar, ang mga malalaking kumpanya ng gamot sa US ay naglobby sa mga kongresista para impluwensyuhan ang mga ihahapag na kasunduan. Halimbawa, iginiit ng Pfizer sa mga pulitiko sa US na patawan ng karampatang parusa ang mga bansa na gagawa o mag-iimport ng murang generic drugs. Ito rin ang naggiit ng mahigpit na patent law sa ilalim ng WTO.