Upload
aurora
View
482
Download
13
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Ang Gamit ng Gitling. ni : Jewelle Dela Cruz Enero 12, 2012 Filipino 5. Paggamit ng Gitling (-). Ginagamit ang gitling sa pagitan ng dalawang salita 1) Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat Halimbawa : araw-araw , buhay-buhay - PowerPoint PPT Presentation
Citation preview
Ang Gamit ng Gitling
ni: Jewelle Dela CruzEnero 12, 2012Filipino 5
Paggamit ng Gitling (-)
Ginagamit ang gitling sa pagitan ng dalawang salita
1) Sa pag-uulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat
Halimbawa: araw-araw, buhay-buhay Iba pang halimbawa?
Paggamit ng Gitling (-) cont.
2) Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na pinangungunahan ng impit na tunog (glottal catch)Halimbawa: pag-ibig, mag-usap, tag-araw
Iba pang halimbawa?
Paggamit ng Gitling (-) cont.
3) Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawag salitang pinagsama Halimbawa: bahay-bata, buhay-alamang, menos-gastosIba pang halimbawa?
Paggamit ng Gitling (-) cont.
4) Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, bagay, o kagamitan, sagisag o simboloHalimbawa: maka-Rizal, taga-Quezon, pang-Mahal na ArawIba pang halimbawa?
Paggamit ng Gitling (-) cont.
5) Kapag ang panlaping ika- ay iniuunlapi sa numero o tambilangHalimbawa: ika-9
Paggamit ng Gitling (-) cont.
6) Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng praksyonHalimbawa: tatlong-kapat = 3/4
Paggamit ng Gitling (-) cont.
7) Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambalHalimbawa: punong-kahoy, tubig-alat, lakad-takbo, may-anak, may-ari
Paggamit ng Gitling (-) cont.
8) Kapag pinagkakabit ang apelyido ng babae at ng kanyang asawaHalimbawa: Fernandez-Guanzon
Paggamit ng Gitling (-) cont.
9) Kapag pinutol ang isang salita sa dulo ng isang linyaHalimbawa: ………………………magan-dang babae si Maria
Saan ilalagay ang gitling?
Araw araw siya gumigising ng maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. DakuykuyKailangan naming mag usap.
Araw-araw siya gumigising ng maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. DakuykuyKailangan namin mag usap.
Saan ilalagay ang gitling?
Araw araw siya gumigising nang maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. Dakuykuy.Kailangan naming mag usap.
Araw araw siya gumigising nang maaga.Siguro, taga-Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. DakuykuyKailangan naming mag usap.
Saan ilalagay ang gitling?
Araw araw siya gumigising nang maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. Dakuykuy.Kailangan naming mag usap.
Araw araw siya gumigising nang maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay-Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. Dakuykuy.Kailangan naming mag usap.
Saan ilalagay ang gitling?
Araw araw siya gumigising nang maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. Dakuykuy.Kailangan naming mag usap.
Araw araw siya gumigising nang maaga.Siguro, taga Quezon sila.Magiging Mrs. Dulay Dakuykuy na ako kasi asawa ko na si Mr. Dakuykuy.Kailangan naming mag-usap.
Tapos na!