1 ANG PANGUNAHING DIWA Basahin ang seleksiyon. ANG SUNDUAN Noong araw, hindi umaalis ng bahay ang mga dalaga nang nag- iisa. Sinusundo sila kapag mayroon silang pupuntahan. Ito ay naging ugali na ng mga tao sa Parañaque noon. Tinatawag nila itong Sunduan. Ang Sunduan ay isang matandang kaugalian. Pagbalik-aralan Mo Kamusta ka na? Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang mga paksang pangungusap sa seleksiyong binasa, magagamit ang pangngalan bilang paksa ng pangungusap at makasusulat ng paksang pangungusap.
AIR TEMPERATURE READINGANG SUNDUAN
Noong araw, hindi umaalis ng bahay ang mga dalaga nang nag- iisa.
Sinusundo sila kapag mayroon silang pupuntahan. Ito ay naging ugali
na ng mga tao sa Parañaque noon. Tinatawag nila itong Sunduan. Ang
Sunduan ay isang matandang kaugalian.
Pagbalik-aralan Mo
Kamusta ka na? Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang mga
paksang pangungusap sa seleksiyong binasa, magagamit ang pangngalan
bilang paksa ng pangungusap at makasusulat ng paksang
pangungusap.
2
Tuwing pista sa bayan ng Parañaque, ang Sunduan ay
kanilang binubuhay. May komite na namamahala sa mga gawain at
pagtatanghal kung pista. Ang puno o chairman nito ay hermano mayor.
Kung babae ang chairman tinatawag itong hermana mayor. Ang komite
ang pumipili ng mga dalaga at binata na gaganap sa sunduan.
Magagandang dalaga at makikisig na binata na may kasiya-siyang
ugali ang pinipili. Isang karangalan para sa mga dalaga at binata
ang mapabilang sa Sunduan.
Sa kaarawan ng pista, sinusundo ng mga binata ang mga
dalaga, kasama ang banda ng musiko. Lumalakad sila sa mga
pangunahing lansangan ng bayan. Makikisig ang mga binata sa
kasuotang barong at naggagandahan naman ang mga dalaga sa kanilang
baro at saya. Makukulay ang payong nila. Nagtatapos ang masayang
paglalakad sa bahay ng hermano mayor. Isang masaganang salu-salo
ang naghihintay sa kanila roon.
Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang Sunduan? a) Parada ng mga mag-aaral b) Paggunita sa
isang matandang kaugalian c) Timpalak ng kagandahan kung pista d)
Pamamasyal sa iba’t ibang pook sa Pilipinas
2. Kailan ginagawa ang Sunduan? a) Tuwing pista sa bayan b) Tuwing
Linggo c) Tuwing mahal na araw d) Tuwing Pasko at Bagong Taon
3. Ano ang pangunahing katangian ng gumaganap sa Sunduan? a) Dalaga
at binata, mayaman b) Babae at lalaki, tapos sa pag-aaral c) Anak
ng mga pinunong bayan d) Dalaga at binata, may kasiya-siyang
ugali
3
4. Paano pinipili ang kasali sa Sunduan? a) Ayon sa laki ng ambag
sa pista b) Ayon sa dami ng naipagbiling tiket c) Pinagkasunduan ng
komite ng pista d) Pinili ng taong bayan
5. Ano ang isinusuot ng mga kasali sa Sunduan? a) Kasuotang
pampaligo b) Amerikana at gown c) Barong Tagalog, baro at saya d)
Pantalong maong at t-shirt
6. Saan nagtatapos ang Sunduan? a) Sa bahay ng hermano mayor b) Sa
loob ng simbahan c) Sa plasa ng bahay-pamahalaan d) Sa bahay ng
kapitan ng barangay
7. Bakit nanaisin ng isang babae o lalaki na makasali sa Sunduan?
a) Ito ay isang karangalan. b) Malalaking gantimpala ang
ipinagkakaloob. c) Pagkakataon na makuhang artista. d) Upang
makilala at maging popular.
8. Saan nagmula ang pagdiriwang ng Sunduan? a) Sa isang matandang
kaugalian b) Sa kagustuhan ng mga magulang c) Sa kagustuhan ng mga
dalaga at binata d) Sa pista ng bayan
9. Ano ang kahulugan ng hermano mayor? a) Alkalde ng Bayan b)
Pangunahing tagapangasiwa ng pista c) Pinakamayamang pamilya sa
bayan d) Bagong halal na pinuno ng barangay
4
10. Ang Sunduan ay isang __________? a) awiting bayan b) kaugaliang
bayan c) pamahiin sa bayan d) kasunduan sa bayan
Pag-aralan ang sumusunod na seleksiyon.
Isang natatanging pagdiriwang ang sunduan. Nagmula ito sa
kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa.
Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan. Binubuhay ang
kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng
Parañaque.
Alamin Natin
Ano ang pinag-uusapan sa buong talata?
Tungkol sa sunduan Ano naman ang mga sinasabi tungkol sa
sunduan?
Nagmula ito sa kaugalian na ang dalaga ay hindi umaalis sa bahay
nang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang
pupuntahan.
Ano pa ang ibang sinasabi tungkol sa sunduan?
Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing pista ng bayan ng
Parañaque.
May pangungusap ba sa talata na nagsasabi ng buong diwa ng lahat ng
sinabi tungkol sa sunduan?
Mayroon!
Alin ang pangungusap na ito? Isang natatanging pagdiriwang ang
sunduan.
Bakit nasasabi na natatanging pagdiriwang ang sunduan?
Sapagkat nanggaling ito sa matandang kaugalian. Sapagkat binubuhay
ito tuwing pista ng Parañaque.
Ang pangunahing diwa ng talata ay tinatawag na paksang pangungusap.
Saan natatagpuan ang paksang pangungusap sa ating halimbawa?
Tingnan mong muli ang ating talata sa pahina 4. Nasa unahan ito ng
talata.
Basahin ang sumusunod na talata.
Matalino si Jose Rizal. Natuto
siyang bumasa sa gulang na tatlong taon. Nagtapos siya ng
edukasyong elementarya at sekundarya na nangunguna sa klase. Marami
siyang kursong natapos. Nag-aral siya ng medisina, pagpipinta,
paglililok at pagsulat. Naging matagumpay siya sa mga kursong
ito.
Hanapin ang paksang pangungusap sa talata. Alin ang paksang
pangungusap ng talatang binasa? Ito ba ang napili mo?
Matalino si Jose Rizal. Ang mga pangungusap sa buong talata ay
nagsasabi tungkol sa katalinuhan ni Rizal.
6
Narito pa ang isang talata. Basahin
Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio. Hindi siya nakapag-aral.
Maaga siyang naulila. Siya ang nagpalaki at nag-aruga sa kanyang
mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at
sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kanyang ate. Napaunlad niya
ang kaalamang ito. Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa
paaralan.
Ano ang pinag-uusapan sa talata?
Tungkol sa sariling pagsisikap ni Andres Bonifacio na matutong
bumasa at sumulat.
Bakit nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat?
Sapagkat ulila at mahirap siya.
Paano siya natuto?
Alin ngayon ang paksang pangungusap?
Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at
sumulat.
Saan ito matatagpuan?
Basahin natin ang isa pang talata.
Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila
ang gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid
ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na
taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan
ng mga Ifugao ay isang kahanga-kahangang tanawin.
Alin ang paksang pangungusap ng talata?
Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang
tanawin. Bakit?
Sapagkat ito ang nagsasabi ng pangunahing diwa ng lahat ng
pangungusap sa buong talata.
Saan ito matatagpuan?
Sa hulihan ng talata.
Ang pangunahing diwa ay maaaring isa sa mga pangungusap ng talata.
Paksang pangungusap ang tawag sa pangungusap na nagsasabi ng
pangunahing diwa ng talata. May pangunahing diwa ang bawat talata.
Ang ibang talata ay may paksang pangungusap. Ang paksang
pangungusap ay maaaring nasa unahan, gitna, o hulihan ng
talata.
Isaisip Mo
A. Basahin ang talata.
1Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. 2Ito ay noong kumalat
ang balita na hinuli at ibinilanggo ng mga Espanyol si Jose Rizal.
3Kaya’t nang gabi ng Hulyo 7, 1892 nagpulong sina Andres Bonifacio,
Deodato Arellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at Jose Dizon.
4Nagkasundo sila na gumawa ng paraan upang lumaya ang Pilipinas.
5Nilagdaan nila ang kasunduan ng sarili nilang dugo.
1. Ano ang sinasabi ng talata?
a) Kung ano ang Katipunan b) Kung paano natatag ang Katipunan c)
Mga gawain ng Katipunero d) Kung bakit hinuli si Jose Rizal
Pagsanayan Mo
2. Alin ang paksang pangungusap ng talata?
a) Pangungusap 1 c) Pangungusap 3 b) Pangungusap 2 d) Pangungusap
4
3. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap?
a) Unahan c) Hulihan b) Gitna
Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863.
Isinilang siya sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang kanilang
bahay ay nasa tapat ng kasalukuyang istasyon ng tren ng Tutuban.
Ang kanyang ama si Santiago Bonifacio ay isang sastre. Ang kanyang
ina, si Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay. Tunay na
mula sa masa si Andres Bonifacio.
4. Ano ang tinutukoy ng talata?
a) Ang bahay nina Andres Bonifacio b) Ang ayos ng paligid ng Tondo
noon c) Ang pinagmulan ni Andres Bonifacio d) Ang hanapbuhay ng
kanyang magulang
5. Alin ang paksang pangungusap ng talata?
a) Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. b)
Ang kanyang ama, si Santiago Bonifacio ay isang sastre. c) Ang
kanyang ina, si Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay d)
Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio.
10
a) Unahan c) Hulihan b) Gitna
Melchora Aquino ang tunay na pangalan ni Tandang Sora.
Tinawag siyang “Tanda” sapagkat nang magsimula ang himagsikan noong
1896, siya ay talagang matanda na.
Siya ay nakatira sa gulod ng maliit na burol sa Balintawak. May
isa
siyang maliit na tindahan ng sarisari. Isang araw ng Agosto 1896,
libu-libong mga taong sandatahan ang
nagtipon sa Balintawak. Kabilang doon ang mga ina ng tahanan na
dala ang kanilang mga bunso. Ang mga taong iyon ay mga kasapi sa
lihim na samahang kilala sa tawag na Katipunan. Inaanyayahan ni
Tandang Sora ang mga pagod na tao sa kanyang munting tindahan.
Naghanda siya ng maraming pagkain para sa kanila hanggang maubos
ang lahat ng paninda niya.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong
sagutang kuwaderno.
1. Ano ang pinag-uusapan sa talatang binasa? 2. Alin ang paksang
pangungusap ng talata? 3. Saan ito natatagpuan? Sa unahan, sa gitna
o hulihan?
11
A. Basahin ang bawat talata. Piliin ang paksang pangungusap ng
bawat isa. Isulat kung saang bahagi ng talata ang paksang
pangungusap.
1. Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Naulila
sila noong 14 na taong gulang pa lamang. Gumawa siya ng paraan
upang buhayin ang mga nakababatang kapatid. Gumawa at nagtinda sila
ng mga abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang
mensahero sa isang kumpanya. Naging ahente din siya sa iba namang
kumpanya.
Alin ang paksang pangungusap? ___________ Saan ito matatagpuan?
__________
a) sa unahan b) sa gitna c) sa hulihan
2. Isinilang si Jose Rizal sa Calamba, Laguna noong Hulyo 19, 1861.
Mayaman ang kanyang ama. Malawak ang kanyang taniman ng palay at
tubo. Buhat sa mariwasang angkan ang kanyang ina. Mataas ang
pinag-aralan nito. Si Jose Rizal ay tunay na mula sa nakaririwasang
angkan.
Alin ang paksang pangungusap? ___________ Saan ito matatagpuan?
__________
a) sa unahan b) sa gitna c) sa hulihan
Subukin Mo
12
3. Mataas ang pinag-aralan ni Jose Rizal. Nagtapos siya sa mahusay
na paaralang Ateneo de Manila. Nagtapos siya ng medisina sa
Pamantasan ng Sto. Tomas. Nag-aral pa siya ng pilosopiya,
panitikan, pagpipinta at paglilok sa Unibersidad Central ng
Madrid.
Alin ang paksang pangungusap? ___________ Saan ito matatagpuan?
__________
a) sa unahan b) sa gitna c) sa hulihan
Maaaring nagtataka kayo kung bakit hiwalay ang pagdiriwang ng mga
Intsik ng kanilang Bagong Taon. Dahil ito sa ginagamit nilang
kalendaryo. Ang kalendaryong ito na ayon sa buwan, ang sanhi kung
bakit hindi pare-pareho ang petsa ng pagdiriwang ng Bagong Taon ng
mga Intsik.
May mga kaugalian ang mga Intsik kaugnay sa pagdiriwang ng
kanilang Bagong Taon. Naghahain at kumakain sila ng tsai tao ke
(isang kakaning gawa sa labanos) at tikoy upang magkaroon ng
pagpapala.
Nagsusuot rin ng pulang mga damit o mga damit na may
bilog-bilog
ang mga Intsik upang sila raw ay pagpalain. Gumagamit rin sila ng
mga paputok upang itaboy ang mga masasamang ispiritu.
Karaniwan ding naglilinis sila ng buong kabahayan bago
sumapit
ang kanilang Bagong Taon.
Sagutin ang mga katanungan at isulat sa inyong kuwadernong
sagutan.
1. Ano ang pinag-uusapan sa binasa? 2. Alin ang paksang pangungusap
nito? 3. Saang bahagi ng talata naroroon ang paksang
pangungusap?
Mahusay! Binabati kita sa iyong pagtatapos sa modyul na ito. Maaari
ka nang magpatuloy sa iyong susunod na modyul.
13