31
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand 9

Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

  • Upload
    others

  • View
    35

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand

9

Page 2: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Demand Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Vennesa N. Pagaduan Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD

Emily F. Sarmiento, PhD

Page 3: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

9

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Demand

Page 4: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

ii

Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Demand.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

iii

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

iv

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

1

Alamin

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kabuuang

kasanayan: Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang-araw-

araw na pamumuhay. Matapos basahin at gawin ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahan din

na:

1. natutukoy ang konsepto ng demand; 2. natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa demand at paano ito

nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o

paglilingkod ang bibilhin? a. Batas ng negosyo b. Batas ng demand c. Batas ng konsyumerismo d. Batas ng pangangailangan

2. Ano ang tawag sa dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang

takdang panahon? a. timbang b. suplay c. demand d. badyet

3. Ano ang tawag sa mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili

upang magkaroon ng bentahan? a. pamilihan c. lansangan b. sanglaan d. pasyalan

Page 8: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

2

2

2 4

Presyo

Dami

4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante? a. bahay-kalakal b. tindahan c. bodega d. daungan

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan

ng interaksyon ng suplay at demand? a. pagtatakda ng makatarungang buwis b. pagtatakda ng bilang ng mamimili c. pagtatakda ng dami ng paninda d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano matutugunan

ang walang katapusang pangangailangan ng tao? a. pamahalaan b. mamimili c. prodyuser d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang

nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at demand ng mga konsyumer?

a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer. b. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo. c. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga

konsyumer. d. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga

konsyumer.

8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o downward sloping?

a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo. b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand. c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand. d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

1

Page 9: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

3

9. Upang masabing demand ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung 30,000 lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang nasa Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya ngunit sa bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang 20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang maituturing na demand ng sardinas?

a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Ano ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at ipinakikita sa pamamagitan ng grapikong paglalarawan?

a. Kurba ng Presyo c. Kurba ng Negosyo b. Kurba ng Demand d. Iskedyul ng Demand

11. Alin sa mga sumusunod na di-presyong salik na nakaaapekto sa demand ang

limitado? a. Espekulasyon c. Sweldo ng mamimili b. Populasyon d. Panlasa ayon sa edad at kasarian

12. Alin sa mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang posibleng tumaas

ang presyo kapag tumaas ang halaga ng harina? a. tinapay at cake c. kape b. asukal at trigo d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, paano naapektuhan nito ang demand?

a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay

b. Ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng demand ng mga pagkain

c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag marami ang bagong sweldo

d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na kompetisyon

14. Sa lalawigan ng Pampanga sa panahon ng pandemiko, ano ang pinakamataas na demand ng mga mamamayan?

a. Disenteng trabaho b. Maayos na pabahay c. Masustansyang pagkain d. Ayuda galing sa gobyerno

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng Pampanga

dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na produkto ang naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa panahong wala pang pandemiko?

a. Alkohol b. Bitamina c. Face Mask d. Milk Tea

Page 10: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

4

Balikan

Bago mo tuklasin ang bagong aralin, balikan mo muna ang iyong natutunan tungkol sa pagkonsumo. Sa pamamagitan ng dayagram sa ibaba, balikan mo ang natutunan mo sa paksang pagkonsumo.

Panuto: Gayahin ang dayagram sa ibaba sa iyong sagutang papel o portfolio at punan ng tamang impormasyon tungkol sa pagkonsumo.

Karapatan ng Mamimili

Tungkulin ng mamimili

Page 11: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

5

Tuklasin

Madalas ka bang pumunta sa palengke o kaya sa mall para bumili ng iyong kailangan? Kung oo, may mga bagay ka bang isinasaalang-alang bago mo bilihin ang mga ito? Naiisip mo ba kung paano pinapatawan ng presyo ng mga nagtitinda ang kanilang mga produkto?

Panuto: Basahin ang maikling tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong na sumunod sa iyong sagutang papel.

Gabay na tanong:

1. Ano ang tinutukoy ng maikling tula? 2. Nagagawa mo ba ang mga nabanggit sa tula? Paano?

Tala para sa Guro

Sa puntong ito, maaaring ipabigkas nang malakas sa mag-aaral ang maikling tula upang mas mabigyang-diin ang diwa nito at madaling maiproseso ang tula.

TAMANG KONSUMO, DI KONSUMIDO ni: Venn Pagaduan

Bago mo aralin, tuklasin muna natin

Sa iyong pamimili, ano ang ýong layunin? Kagustuhan lang ba o pangangailangan din?

Kaya dapat nagpaplano pa rin.

Ang plano ng pagkonsumo Ito ba ay ginagawa mo Sa bawat pamimili mo Di ka na konsumido?

Page 12: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

6

Suriin

A. Konsepto ng Demand

Naitanong mo na ba sa sarili mo kung paano mo matutugunan ang mga pangangailangan mo? Saan mo makakakuha ang mga ito?

Sa puntong ito, mahalagang pag-usapan ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko:

1. Ano-ano ang produktong ipoprodyus, 2. Gaano karami ang ipoprodyus o lilikhain? 3. Paano ito ipoprodyus? at 4. Para kanino ito ipoprodyus?

Ang mga katanungang pang ekonomikong ito ang pinagmulan kung bakit may

konsepto ng demand. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais bilhin sa isang takdang presyo at lugar. May demand ang isang produkto at paglilingkod kapag nakapagbibigay ito ng kasiyahan o nakatutugon sa isang pangangailangan. Ang mga binibili natin tulad ng pagkain, damit, mga personal na gamit gaya ng cellphone at iba pang gadget ay mga halimbawa ng demand. Napakahalagang batayan sa pagbili ng isang pangangailangan ang presyo. Bumibili tayo depende sa kakayahan natin o sa badyet na mayroon tayo. Kaya napakahalaga na matutunan natin ang wastong pagbabadyet upang matugunan natin ang pang-araw-araw na demand para sa mga pangangailangan natin.

Aralin

1 Konsepto at Salik na

Nakakaapekto sa Demand

Page 13: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

7

B. BATAS NG DEMAND Isinasaad ng Batas ng Demand na may magkasalungat o inverse na ugnayan

ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumababa ang presyo, tumataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ibig sabihin ng ceteris paribus ay ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, kapag kayo ng iyong pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin.

Tatlong Pamamaraan ng Pagpapakita ng Konsepto ng Demand:

1. Demand Schedule – isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

Demand Schedule ng Face Shield

Presyo bawat Piraso Quantty Demanded Php100 10

90 20 80 30 70 40 60 50 50 60 40 70 30 80 20 90 10 100 0 110

Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa face shield sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang Php50, animnapu (60) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Mapapansin na habang tumataas ang presyo ng face shield, bumababa naman ang dami ng gusto at kayang bilhin. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded.

2. Demand Curve – isang kurba sa graph na nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.

Page 14: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

8

0 50

Ang graph ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kobinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para sa face shield. Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay isang daang piso (Php100), sampu (10) ang

dami ng face shield na gusto o handang bilhin ng mamimili; sa punto B ang presyo ay siyamnapung piso (Php90), dalawampu ang dami ng face shield na gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ito ang tinatawag na demand curve. Ang paggalaw sa kurba mula punto a papuntang punto, makikita na sa pagbaba ng presyo mula isang daang piso (Php100) pababa ng limampung piso (Php50), ang demand sa face shield ay tataas ng ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng sampung piso (Php10) makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso.

Ipinapakita sa graph sa susunod na pahina, ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng face shield ay bumaba mula Php100 sa Php90, makikita sa graph na lilipat ang punto mula puntong A patungong punto B. Kung tataas naman ang presyo mula Php50 patungong Php60, lilipat ang punto mula C patungong D.

100

90

80

70

60

50

10 20 30 40 60

A B

C

F

E

D

PRES

YO

50

Page 15: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

9

Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve)

3. Demand Function – ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba.

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimil. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:

Qd = a – bP

Kung saan:

Qd = quantity demanded

P = presyo

a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)

b = slope = Qd

P

Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

50

60

70

80

90

100

0 10 20 30

40 50 60

A

B

C

D

E

F

Page 16: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

10

Demand function mula sa Demand Schedule para sa Face Shield:

Qd = 110 – 1P

Kapag ang P = 100 Qd =? Kapag ang P = 50 Qd=?

Qd = 110 – 1P Qd = 110 – 10P

Qd = 110 – 1(100) Qd = 110 – 1(50)

Qd = 110 – 100 Qd = 110 - 50

Qd = 10 piraso Qd = 60 piraso

Gamit ang demand function, maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo ng piso sa variable na P at i-multiply sa slope na -1. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 110. Mula rito ay makukuha ang sagot na 10 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa naman ay Php50 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 60 piraso.

C. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGBABAGO NG DEMAND

Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nagiging dahilan upang magbago ang demand tulad ng panlasa, kita, presyo ng kahalili o kaugnay na produkto, bilang ng mamimili, at mga inaasahan ng mga mamimili sa hinaharap.

Panlasa. Ang pagbabago sa panlasa (taste) ng mga mamimili ay may epekto sa demand ng produkto. Halimbawa, ang paglabas ng milk tea ay lubhang nagpababa sa demand para sa mga lokal na palamig tulad ng sago at gulaman maging ng soft drinks. Ang pagtaas ng kamulatan ng mamamayan sa kalusugan ay nagpataas ng demand para sa mga

produktong may kaugnayan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng mga pagkaing may mababang calorie, bitamina, at pagkaing walang artipisyal na sangkap.

Kita. Ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan ng mga produkto dahil lumaki ang kakayahan ng tao na makabili. Ang pagbaba naman ng kita ay nangangahulugan din ng pagbaba ng demand. Halimbawa, sa pagtaas ng kita nagkakaroon ng kakayahan ang mga tao na bumili ng mamahaling produkto tulad ng kotse, bakasyon sa ibang bansa, o bagong mga appliances sa bahay. Ang ganitong uri ng mga produkto ang tinatawag na normal goods.

Ang mga murang produkto na binibili ng mga pamilyang may maliit na kita ay tinatawag naman na inferior goods. Halimbawa, kapag tumaas ang kita ng isang pamilya, bababa naman ang demand para sa mga produkto tulad ng ukay-ukay at

Page 17: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

11

mga produktong nagamit na (tulad ng second-hand mobile phones, bisikleta at iba pa). Sa pagbaba naman ng kita, tataas din ang demand para sa inferior goods.

Presyo ng Kahalili (alternatibo) o Kaugnay na Produkto

Ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay (complement) na produkto ay may epekto sa demand. Ang kahaliling produkto ay iyong maaring gamitin kapalit ng isang produkto. Halimbawa nito ay ang karne ng manok na kahalili ng karne ng baboy. Kapag tumaas ang presyo ng baboy, tataas ang demand para sa karne ng manok dahil sa tuwiran itong kahalili para sa karne ng baboy. Ibig sabihin, ang kurba ng demand para sa karne ng manok ay lilipat pakanan samantalang bababa ang dami ng demand para sa karne ng baboy. Ang produktong magkaugnay naman ay ginagamit na kapareha ng iba pang produkto tulad ng kape at asukal. Kapag tumaas ang presyo ng kape, bababa ang demand para sa asukal. Kapag bumababa naman ang presyo ng kape, tataas naman ang demand para sa asukal.

Bilang ng Mamimili

Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki ang populasyon. Ang paglaki ng populasyon ay magdudulot ng paglaki ng demand na magdudulot naman ng pagtaas ng produksyon para sa kanilang mga pangangailangan.

Inaasahan ng mga Mamimili

Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap, daragdagan nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan. Halimbawa, inaasahan na ang dinaranas nating pandemya ay magtatagal pa ng isa o dalawang taon ayon sa mga eksperto. Dahil dito, ngayon pa lang ay naghahanda na tayo ng mga bagay na kakailanganin tulad ng pag-iimbak ng mga pagkain at gamot na siyang nagpapataas ng demand nito sa pamilihan at magreresulta ng pagtaas ng presyo.

Ano ang maaari mong gawin bilang isang matalinong mamimili?

1. Iwasan ang pagsunod sa uso o moda ng damit at gamit dahil ang pagtaas sa demand at nangangahulugan ng pagtaas din ng presyo ng mga produktong ito.

2. Magtipid at huwag gumasta nang higit sa kinikita. Ang labis na paggasta ay hindi mainam sa panahong mababa ang antas ng produksyon at magdudulot ng pagtaas ng presyo. Hindi rin mabuti kung mababa ang antas ng paggasta dahil magdudulot ito ng pagtamlay ng ekonomiya. Dapat ay nasa tamang antas lamang ang paggasta. Ang dapat ay “eksaktong paggasta lamang”.

3. Ang pagdami ng mga alternatibo o kahaliling produkto ay magbibigay ng pagkakataon sa mga mamimili upang raming pagpipilian na may maabang presyo. Sa kabilang banda, ang labis at kulang na pagkonsumo ay hindi mainam sa ekonomiya.

Page 18: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

12

4. Sa pangkalahatan, ang tamang paggasta at pagkonsumo ay makatutulong upang maging matatag ang kalagayan ng presyo sa pamilihan.

Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdudulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand.

Page 19: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

13

Pagyamanin

Demand Reading

Panuto: Kopyahin ang talahanayan sa isang malinis na bond paper. Lagyan ng tsek () ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa konsepto ng demand at lagyan ng ekis (X) ang kolum ng Hindi sang-ayon kung hindi ka naniniwala.

Pahayag Sang-ayon Di-sang-ayon

1. Sa pamamagitan ng demand schedule, demand curve, at demand function, maipakikita ang ugnayan ng presyo at quantity demanded.

2. Ang dami ng produktong handang ipamigay ng mga prodyuser sa pinakamahihirap na mamamayan ay kilala bilang demand.

3. Ang presyo at quantity demanded ay may tuwirang relasyon ayon sa Batas ng Demand.

4. Ginagamit ang ceteris paribus assumption ay upang ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quanity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto.

5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumataas ang preso ng produkto sa pamilihan, ang mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit ditto.

Page 20: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

14

I-demand, Itala, at Ikurba! Panuto: Iguhit ang graph sa malinis na bond paper at itala ang mga datos na hinihingi batay sa nakasaad sa kahon.

Demand Schedule para sa baso ng Buko Juice

Pamprosesong Tanong:

1. Ilan ang quantity demanded sa presyonganim na piso (Php6)?

2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula walong piso (Php8) papuntang labing-apat na piso (Php14)? Ipaliwanag ang sagot.

3. Ipaliwanag sa sariling pangunusap ang isinasaad ng batas ng demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve.

Presyo Bawat Baso (Php)

Quantity

Demanded

Ipagpalagay na dumaan ang nagtitinda ng buko juice sa tapat ng inyong bahay at pinayagan kang bumili ng iyong mga magulang. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6, Php8, Php10, hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule.

Ipagpalagay na ang demand function ay Qd= 50 - 2P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Page 21: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

15

Mag-compute Tayo! Panuto: Isulat sa malinis na papel ang iyong kompyutasyon at kumpletong talahanayan ng demand schedule.

A. Demand Function: Qd = 300 – 20P P Qd 1

200 6

100 15

B. Demand Function: Qd = 750 – 10P

SALIK-HAING POSTER Panuto: Gumawa ng isang poster sa iyong portfolio na nagpapakita kung paano nakakaapekto ang iba pang salik sa demand maliban sa presyo. Tiyaking magmula ito sa sariling karanasan Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa paggawa ng poster.

P Qd 600

30 300

60 0

RUBRIC:

Kaangkupan sa Tema : 5 puntos

Pagkamalikhain : 5 puntos

Pagpapaliwanag : 5 puntos

15 puntos

Page 22: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

16

Patalasin ang Isip

Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang tanong gamit ang di bababa sa sampung pangungusap.

Tanong: Bakit mahalagang malaman ang Batas ng Demand para sa isang isang mag-aaral at mamimiling tulad mo? Bakit mahalagang malaman rin ito ng isang negosyanteng tulad ng nagtitinda sa sari-sari store malapit sa inyo?

Grab mo: Graphic Organizer Ko!

Panuto: Kopyahin sa isang malinis na bond paper at punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong:

Mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

1.

2. •a.•b•c•d•e

Page 23: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

17

Demand Mo’to!

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang magiging epekto sa demand sa mga sumusunod na mga salik:

Salik na nakakaapekto sa Demand Epekto sa Dami ng Demand

Presyo ng computer at katulad na produkto ay tumaas dahil sa pagpatupad ng distance learning ng DepEd

Ano ang epekto nito sa demand para sa computer at ibang gadyet?

_________________________________ _________________________________ _________________________________

Pagbabago sa pagbili ng mga gamit pang-eskuwela bunga ng pandemya Salik na nakakaapekto

sa Demand

Paano ito makakaapekto sa demand para sa mga produktong pang-eskuwela?

_________________________________ _________________________________ _________________________________

Epekto sa Dami ng Demand

Hindi pinapayagan ang face to face na pag-aaral ng gobyerno kaya bawal lumabas at magbiyahe ang mga mag-aaral

Ano ang mangyayari sa demand para sa mga pampublikong sasakyan?

_________________________________ _________________________________ _________________________________

Dumadami ang mga nagnanais na mag-online learning dahil sa takot na mahawa sa sakit na covid-19

Ano ang mangyayari sa demand para sa internet connections?

_________________________________ _________________________________ _________________________________

Nagtaasan ang presyo ng mga surgical at n95 na face mask

Ano ang mangyayari sa demand para sa mga tela at iba pang uri ng face mask?

_________________________________ _________________________________ _________________________________

Page 24: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

18

Isaisip

Bilang paglalagom sa iyong natutunan tungkol sa konsepto at salik na nakakaapekto sa demand, buuin ang isang concept map at ang repleksyon nito tulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong portfolio o sagutang papel.

Repleksyon:

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Demand

_______

_______

_______

________

Page 25: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

19

Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapaliwanag tungkol sa aplikasyon ng demand ayon sa napag-aralan mo sa konsepto at salik na nakakaapekto dito. Maaaring kumuha ng mga paksa mula sa napapanood sa telebisyon o kaya sa mga nangyayari sa sariling komunidad.

RUBRIC SA PAGWAWASTO SA PAGGAWA NG ARTIKULO

CRITERIA INDICATOR ISKOR Nilalaman (8 puntos) Ebidensya ng kaalamang

sa paksang tinatalakay

Presentasyon (7 puntos) Mapagpahiwatig ang mukha at pananalita

Projection at Tinig (3puntos)

Malinaw at malakas

Kabuuang Epekto (2 puntos)

Epekto o tugon ng audience

Kabuuang Iskor 20 puntos

Tayahin

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ang batayan sa pagpapasya kung gaano karaming produkto o paglilingkod

ang bibilhin ay tinatawag na ____________________. a. batas ng negosyo b. batas ng demand c. batas ng konsyumerismo d. batas ng pangangailangan

2. Ang dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang takdang

panahon at tiyak na lugar ay ____________________. a. timbang c. demand b. suplay d. badyet

3. Isang mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili upang

magkaroon ng bentahan ay ang ____________________. a. Pamilihan c. lansangan b. Sanglaan d. pasyalan

Page 26: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

20

2

2 4

Presyo

Dami

4. Dito pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante. a. bahay-kalakal b. tindahan c. bodega d. daungan

5. Ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa pamamagitan ng

interaksyon ng suplay at demand ay ____________________. a. pagtatakda ng makatarungang buwis b. pagtatakda ng bilang ng mamimili c. pagtatakda ng dami ng paninda d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sila ang may tungkuling pag-aaralan kung paano

matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. a. pamahalaan b. mamimili c. prodyuser d. konsyumer

7. Tingnan ang grap sa ibaba. Piliin ang kahulugan ng Batas ng Demand.

a. kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer. b. mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo. c. habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga

konsyumer. d. habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga

konsyumer.

8. Kapag may paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o downward sloping, ito ay nangangahulugan ng ___.

a. walang kaugnayan ang demand sa presyo. b. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand. c. sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand. d. may negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

1

Page 27: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

21

9. Kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto upang tawaging demand ang produkto. Halimbawa, kung 30,000 face masks ang kailangan ng mga frontliners sa ospital; subalit ayon sa datos, may sampung kompanya ng face masks.Sa bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang 20,000 face masks sa halagang P75.00. Tukuyin ang demand para sa sardinas.

a. 10 b. 75 c. 20,0000 d. 30,000

10. Ang tawag sa numerikal na datos sa iskedyul ng demand at ipinakikita sa pamamagitan ng grapikong paglalarawan ay tinatawag na _________________.

a. kurba ng Presyo b. kurba ng Demand c. kurba ng Negosyo d. iskedyul ng Demand

11. Ang mga sumusunod maliban sa isa ay di-presyong salik na nakaapekto sa

demand. Tukuyin ito. a. espekulasyon b. populasyon c. sweldo ng mamimili d. panlasa ayon sa edad at kasarian

12. Ang mga sumusunod na kaugnay o kapalit na produkto ang posibleng

magpataas ng presyo kapag tumaas ang halaga ng harina. a. tinapay at cake b. asukal at trigo c. kape d. alak

13. Batay sa kita ng mamimili, ang mga sumusunod maliban sa isa ay

nakakaapekto sa demand. a. nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng

bilang ng mga konsyumer kapag may 13th month pay b. ang pagtaas ng unemployment rate ay nakapagpapataas din ng

demand ng mga pagkain c. makakakuha ng mas malaking tubo ang mga negosyante kapag

marami ang bagong sweldo d. nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na

kompetisyon

14. Sa panahon ngayon ng pandemya, ito ang paraan upang makatulong ang mga mamamayan upang hindi na maghintay ng tulong sa gobyerno.

a. Manatili sa sariling tahanan b. Maghintay ng ayuda galing sa gobyer c. Magtanim ng mga gulay at iba pang masustansyang pagkain d. Maghintay ng tamang panahon upang makabalik sa trabaho

Page 28: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

22

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, ang mga sumusunod na produkto maliban sa isa ang naging mababa ang demand kumpara sa panahon na wala pang pandemiko.

a. Alkohol b. Bitamina c. Face mask d. Milk Tea

Karagdagang Gawain

GAWAIN: GRAPH NG PAGBABAGO

Panuto: Kapanayamin o interbyuhin ang iyong nanay o isang nakatatanda sa inyong tahanan.Ipasagot sa kanya ang mga sumusunod na katanungan sa malinis na papel.

1. Kung may magkakaloob sa inyo o kikita kayo ng isang libong piso, ano-ano ang mga bagay na demand o gusto ninyong mabili para sa iyong sarili? Maaari po bang maging partikular kayo sa brand, dami, kulay, lasa, at iba pang detalye? Bakit po ang mga ito ang demand ninyo?

2. Ano-ano ang sa palagay nyo ang magiging epekto sa inyo kung bibilhin ninyo ang mga nailista ninyong demand?

3. Sa inyong palagay, magbabago po ba ang listahan ninyo kung sa sususnod na buwan ay tatanungin ko uli kayo sa inyong demand na kakasya sa isang libo? Ipaliwanag.

Page 29: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

23

Pagyamanin

Demand Reading

1.Sang-ayon 2.Di-sang-ayon 3.Sang-ayon 4.Sang-ayon 5.Sang-ayon

I-demand, Itala, at Ikurba!

PRESYO BAWAT BASO

QUANTITY DEMANDED

14 22 12 26 10 30 8 34 6 38 4 42 2 46 0 48

Mag-compute Tayo!

Qd = 300 – 20P

P Qd

1 280

5 200

6 180

10 100

15 0

Qd = 750 – 10P

P Qd

15 600 30 450

45 300

60 150

75 0

Subukin

1.C 2.C 3.A 4.A 5.D 6.C 7.C 8.D 9.C 10.A 11.B 12.B 13.A 14.C 15.D

Susi sa Pagwawasto

Tayahin

1.D 2.A 3.A 4.C 5.D 6.C 7.C 8.D 9.C 10.A 11.B 12.B 13.A 14.C 15.D

Page 30: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

24

Sanggunian Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Erwin D.J., De Guzman,

Apollo D., Lumibao, Juanito L, Mateo, Alex P., Mondejar, Irene J. (2017). EKONOMIKS Araling Panlipunan 9 Modyul Para sa Mag-aaral, pp.113 – 138, 153 – 192.

Balitao, Bernardo R., Cervantes, Miriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong Jerome

A., Ponsaran, John N., Rillo, Julia D. (2012) Ekonomiks; Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikaapat na Taon, pp. 52-56

Balitao, Bernardo R., Cervantes, Miriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong Jerome

A., Ponsaran, John N., Rillo, Julia D. (2012) Ekonomiks; Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro sa Araling Panlipunan Ikaapat na Taon, pp. 52-56

Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Vivar, Ph.D, Teofista L.

(1999, ) EKONOMIKS; Teorya at Aplikasyon, pp.146 – 173 Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Lim, Alice(2000)

EKONOMIKS; Manwal ng GUro para sa Ikaapat na Taon, pp. 52-66 Rillo, Julia D., Cruz, Nilda, and Balitao, Bernard R. (2005). Ekonomiks

Pagsulong at Pag-unlad, pp.117 -130.

Page 31: Araling Panlipunan · 2020. 11. 8. · Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks: Demand

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, city of San Fernando (P)