Upload
others
View
13
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
9
Araling Panlipunan – Ika-siyam na baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Raquel C. Castro Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librado M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan at Kahalagahan ng
Ekonomiks
ii
Paunang Salita Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan -9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 9 ) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks)
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iii
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay nakatuon sa kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks na kung saan binibigyan diin nito kung paano gagamitan ang matalinong pagpapasya sa kabila ng kakapusan na nararanasan ngunit may walang hanggang pangangailangan ang tao.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang bahagi: A. Kahulugan ng Ekonomiks B. Kahalagahan ng Ekonomiks
Pagkatapos mong maisakatuparan ang mga gawain, inaasahang
maisasagawa mo ang sumusunod na kasanayan:
1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,kasapi ng pamilya at lipunan; at (AP9MKE-Ia-1)
2. natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. (AP9MKE-la-2-3)
Kaugnay nito, inaasahan din na maisasakatuparan mo ang mga sumusunod na mga kakayahan:
1.1Nabibigyang kahulugan ang Ekonomiks;
1.2. napapahalagahan ang pag-aaral ng Ekonomiks; at
1.3.nai-aaply ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral bilang kasapi ng pamilya at lipunan.
Subukin
Panuto: Piliin ang titik at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?
a. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng likas na yaman b. Ito ay may kinalaman sa tamang paggamit ng limitadong
pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
c. Ito ay bahagi ng siyensiya na pinakamahalagang salik sa lipunan d. Ito ay pag-aaral sa tao at lipunan
2
2. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang griyego na ibig sabihin ay pamamahala ng tahanan/bahay
a. oikonomos b. oikonomiks c. oikonomia d. oikonomiya
3. Ang hindi paggamit ng tamang pagpapasya sa pagkonsumo ng mga
pinagkukunang yaman ay maaring magbunga ng a. kakapusan b. kasaganaan c. kaayusan d. kapayapaan
4. Ang mga sumusunod ay konsepto sa pag-aaral ng ekonomiks maliban sa
isa: a. tamang pagbabadget b. tamang pagpapasya c. tamang pagtitipid d. tamang pagboto
5. Sa konsepto ng ekonomiks sa bawat pagpapasya ay kalimitang may
pagpili o pagsasakripisyong nagaganap kapalit ng ibang bagay ito ay tinatawag na?
a. trade off b. lay off c. dayoff d. opportunity cost
6. Ito ay ang halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon. a. seguridad b. alternatibo c. opportunity cost d. pagpapasya
7. Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa mga karagdagang halaga
maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha sa gagawing desisyon.
a. Planning b. Decision making c. Marginal setting d. Marginal thinking
8. Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto na maaaring makahikayat
sa mga manggagawa. a. sick leave c. vacation b. day off d. incentives
3
9. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa tamang pagpapasya?
a. isaalang-alang ang mga pangarap na ninanais b. isaalang-alang ang opportunity cost o halaga ng isang bagay na
kailangang ipagpalit sa paggawa ng desisyon c. isaalang-alang ang mga kaibigan at katrabahao d. isaalang-alang ang mga kasamahan sa bahay
10. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan ang mga
sumusunod ay maaring mangyari maliban sa ___________________? a. magiging pantay ang distribusyon sa mga pinagkukunang yaman b. maaring malutas ang suliranin sa kakapusan c. mabawasan ang mga suliraning pampamilya d. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
11. Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning panlipunan?
a. magdudulot ito ng pagbabago sa badyet ng mga tao b. magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa pamilihan c. magdudulot ng malakas na lindol dahil sa pagguho ng lupa d. magkakaroon ng monopolyo sa hanay ng mga negosyante
12. Bakit tinaguriang isang agham ang ekonomiks?
a. dahil pinag-aaralan nito kung ano ang epekto ng ginagawa niyang pagpili para sa pansarili niyang pangangailangan
b. dahil gumagamit ng mga datos mula sa pananaliksik ang ekonomiks upang maipaliwanag ang ibat-ibang mga suliraning panlipunan.
c. dahil may mga tuntunin sa pag-aaral ng ekonomiks na kadalasan ay may relasyon sa pananaliksik at gawain ng mga siyentipiko.
d. lahat ng nabanggit
13. Sa ekonomiks upang makapagsuri at makapagpasya ang mga mamamayan tungkol sa suliraning pang-ekonomiya kailangan ang mga sumusunod na kaalaman maliban sa:
a. kaalaman at pagkaunawa tungkol sa kalikasan at kabuuan nito b. kaalaman at pagkaunawa sa mga patakarang pinaiiral ng
pamahalahan c. kaalaman at pagkaunawa kung ano ang mga pangunahing
pangangailangan at kagustuhan d. kaalaman at pagkaunawa sa sariling kapakanan
14. Mahalaga ang ekonomiks bilang kasapi ng pamilya dahil:
a. natutuhan ang matalinong paggasta b. napapahalagahan ang pag-aaral ng mabuti c. nagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga
pangangailangan d. lahat ng nabanggit
4
15. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagdedesisyon maliban sa isa:
a. kapag ang ginawang desisyon ay maaring makatulong sa pamilya b. kapag ang ginawang desisyon ay nagamit sa mahahalagang usaping
pang ekonomiko c. kapag ang ginawang desisyon ay may kaugnayan sa pagpapaunlad
para sa sariling kapakanan. d. kapag ang ginawang desisyon ay maaring humubog sa iyong pag-
unawa at gawi na makakatulong sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
Paalala: Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Tayong lahat ay madalas nakakaranas ng mga iba’t ibang suliranin. Bilang isang mag-aaral, madalas kulang ang baon para sa mga personal at kailangan sa eskuwelahan ngunit ayaw mong humingi pa sa iyong mga magulang dahil alam mo na kapos din ang pamilya sa araw araw na pangangailangan. Pagdating mo sa eskuwelahan narinig mong nagkukuwentuhan ang iyong mga kaklase na kulang o hindi daw sapat ang sahod ng kanilang magulang kung kayat sila’y walang baon sa araw na iyon.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mapapansin mo na ang lahat ng mga suliranin na nararanasan araw-araw ay may kaakibat na solusyon. Mas madalas nga, higit ninyong natutugon ang mga pangangailagan sa bahay sampu ng iyong mga kaklase. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang kaugnayan mo sa ekonomiks at ang araw-araw mong ginagawa? Nakakatulong nga ba ang ekonomiks sa iyong pang araw-araw na pamumuhay at paano mo ito binibigyang halaga?
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga matalinong pagpapasya na mai-aaply sa pang araw-araw na pamumuhay.
Halika’t alamin natin kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks at papaano ito makakatulong sa iyo bilang isang mag-aaral.
5
Tuklasin
Sinasabing nakatuon ang Ekonomiks sa pag-aaral kung paano matutugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman ang walang katapusang pangangailangan ng tao.
Panuto: Bumuo ng sampung (10) salita (English o Tagalog) na nagmula sa salitang Ekonomiks. Mga salitang maaring may kinalaman sa pang araw-araw na gawain sa iyong buhay Maaring maulit ang letra kung kinakailagan at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa: E K O N O M I K S - INOM, SINE, KOMIKS
1 6. 2 7. 3 8.
4. 9.
5. 10.
Pamprosesong Tanong:
1. Naging madali ba ang pagbibigay ng kahulugan sa bawat letra ng ekonomiks? Kung oo, bakit? Kung hindi, bigyan ng paliwanag.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Sa mga nabuong mga salita, Alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa o
ginagamit? Bakit?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Alin sa mga salitang nabuo ang may kaugnayan sa iyong pang araw –araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
6
Suriin
A. Kahulugan ng Ekonomiks
Bawat araw nahaharap tayo sa iba’t ibang
pagpapasya, dapat ba tayong bumangon para mag-aral kapag nagsimula na ang klase o matutulog na lang? Gagastusin mo ba ang iyong pera o ipunin na lang para sa bibilhing importanteng bagay? Sa ganitong sitwasyon ay nangangailangan ng isang masusing pagpapasya upang malubos ang ating pakinabang sa oras, mga yamang materyal at di-materyal.
Sa ekonomiks, isang mahalagang aspeto
ang pagpapasya, wastong pagpapasya. Ilang mahahalagang tanong ang isinaalang-alang sa
pagpapasya sa isang sambahayan, bansa o ekonomiya kung anong produkto ba ang gagawin para magamit ng mga konsyumer, gaano karami ang gagawin at para kanino ang gagawing mga kalakal at paglilingkod? Balikan natin ang ilang pakahulugan ng salitang Ekonomiks na mula sa ilang mga dalubhasa. Nagmula ang salitang Ekonomiks sa salitang pranses na “economie” na ang ibig sabihin ay pamamahala ng sambahayan. Dito naman hinango sa salitang Griyego ang salitang oikonomia na mula sa dalawang salitang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na ang ibig sabihin ay mamahala. Dahil dito, tinaguriang isang agham ang ekonomiks. Bilang isang agham, pinag-aaralan nito kung ano ang epekto ng ginagawa niyang pagpili para sa pagkamit ng kanyang mga pangangailangan. Gumagamit din ng mga datos mula sa pananaliksik ang ekonomiks upang maipaliwanag ang iba’t ibang mga suliranin na may kinalaman sa pagkilos ng tao upang mabigyang tugon ang kanyang mga walang limitasyon na pangangailangan.
Kaugnay nito maaari nating masabi na ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
Aralin
1 Kahulugan at Kahalagahan
ng Ekonomiks.
7
Sa madaling salita, ang Ekonomiks ay bahagi na ng isang tao o lipunan at naapektuhan nito ang gawi, isip at pagkilos niya sa araw-araw. B. Kahalagahan ng Ekonomiks
Sa pag-aaral ng ekonomiks, mahalagang malaman na ang tamang
pagdedesisyon sa pagtugon sa tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng isang tao ay isa sa pinakamahalagang usapin na binibigyan ng sapat na pansin sa agham na ito.
Bilang mag-aaral, mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman sa konsepto ng Ekonomiks dahil mahuhubog nito ang pagiging mapanuri at pagiging matalino sa paggawa ng desisyon.
Bilang kasapi ng pamilya maari mong magamit ang kaalaman sa ekonomiks
sa pamamagitan ng matalinong pagasta, kahalagahan ng pag-aaral ng mabuti at pagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagtugon sa iyong mga pangangailangan o kaya naman sa iyong mga kagustuhan.
Bilang bahagi ng lipunan nagagamit natin ang kaalaman sa ekonomiks upang lubusang maunawaan ang mga napapanahong usapin na may kinalaman sa mga programang ipinatutupad ng ating bansa. Matatandahan na maraming mahahalagang konsepto ang ibinigay ng mga eksperto para mabigyan ng kahulugan ang ekonomiks kaugnay nito masasabi natin na ang kahulugan ng ekonomiks ay isang sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa tamang paggamit ng mga limitadong yaman upang matugunan ang tila walang katapusang pangangailangan ng tao. Mga mahahalagang konsepto na dapat isa-alang alang sa pag-aaral ng ekonomiks upang makabuo ng matalinong pagpapasya.
Kakapusan - Ito tumutukoy ito sa pangmatagalang kalagayan kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi sapat para matugunan ang mga hindi maubos-ubos na pangangailangan ng tao.
Alokasyon - Tumutukoy sa tamang pagbabaha-bahagi ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang tumugon sa nagpapaligsahang gusto o kailangan ng mga tao.
Produksiyon - Ito ay ang proseso ng paggawa o pagbuo ng mga produkto o serbisyo na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng tao.
Trade-Off - Ang kapalit ng pinili nating desisyon kung saan isinasakripisyo natin ang isang bagay kapalit ng pinili natin. Mahalaga ito sapagkat sa pamamagitan nito ay maaring mong masuri ang mga pagpipilian upang makabuo ng magandang resulta.
8
Opportunity Cost - tumutukoy sa halaga ng isang bagay na handang
ipagpalit sa bawat paggawa mo ng desisyon. (Case, Fair at Oster,2012). Isa halimbawa ay gustong gusto mong maglaro ng computer games ngunit naiisip mo ang mga takdang aralin na iyong dapat tapusin. Alam mong hindi mo ito magagawa ng sabay kung kaya’t kailangan mong pumili. Ang halaga ng pag-aaral ay kasing halaga rin ng kaligayahang maidudulot ng paglalaro mo sa kompyuter.
Marginal Thinking - Ang konseptong ito ay mahalaga sa pagtukoy sa karagdagang halaga ng paggawa ng produkto. Sa paggawa ng mga produkto, ang mahalagang desisyon na maaaring gawin ng prodyuser ay ibuhos ang mga pinagkukunang-yaman o pondo kung saan kikita nang mas malaki kaysa sa ginastos sa paggawa ng produkto.
Incentives - Ang gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto. Tulad halimbawa ng pag-aalok ng mas mura pero de-kalidad na produkto o serbisyo ng isang kumpanya. Ang pagbibigay ng insentibo sa trabahao kapag ikaw ay walang pagliban ay maaring makahikayat sa isang manggagawa na masipag at pumasok araw-araw.
Ang mga kaalaman sa mahahalagang konsepto ng ekonomiks ay makakatulong sa pagbuo ng matalinong desisyon upang masagot ng rasyonal ang mga suliraning maaaring maranasan araw-araw.
Malaki rin ang naitutulong ng ekonomiks dahil maaari rin itong magbigay- daan sa pagkakaroon natin ng interes sa iba’t ibang usapin ng ating bayan tulad ng nararanasan natin sa kasalukuyang pandemya (Covid 19) na makakatulong sa pagpapaliwanag sa iba, kung ano-ano ang possibleng maging epekto nito sa ating pamumuhay at sa ating ekonomiya, Pero higit rito ay ang inaasahang pagiging aktibong kabahagi lalo na sa panahon na kailangan para sa makamit ng makabuluhang ang pagbabago at pag-unlad sa ating lipunan.
9
Pagyamanin
ACROSTIC WORD PAG-USAPAN NATIN! Panuto: Bigyan ang bawat letra ng salitang Ekonomiks ng mga iba’t ibang kahulugan na sa palagay ninyo ay may kinalaman sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks. Isulat ito sa sagutang papel.
E - _____________________________________
K - _____________________________________
O - _____________________________________
N - _____________________________________
O - _____________________________________
M - _____________________________________
I - _____________________________________
K - _____________________________________
S - _____________________________________
Sumulat ng maikling pagpapaliwanag base sa nagawang acrostic word.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
10
KONSEPTO NG EKONOMIKS
Panuto: Punan ng mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks ang mga sumusunod na palaso (arrow). Bigyan ng paliwanag bakit ito makakatulong sa paglutas sa mga suliraning nararanasan araw-araw.
E K O N O M I K S
T CHART NA YAN!
Panuto: Gamit ang T –Chart ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks. Mula sa nabuong chart, sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa iyong naunawaan sa gawain. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Kahulugan ng Ekonomiks Kahalagahan ng Ekonomiks
HALIKA PAG-ISIPAN NATIN
M
A
T
A
L
I
N
O
N
G
P
A
G
P
A
P
A
S
Y
A
11
Panuto: Piliin ang titik ng sa tingin ninyo ay pinakaangkop sa iyong sitwasyon. Bigyan ng paliwanag bakit ito ang iyong napili. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ngayong panahon ng pandemya, anong oras ako gigising para mag-aral? a. 6:00 a.m b. 7:00 a.m c. 8:00 a.m d. 9:00 a.m
________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Tapos na akong mag-aral ng leksyon, ano ang aking gagawin? a. Maglalaro sa labas b. kakain c. matutulog d. pupunta sa aking kaibigan
__________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Kung papayagan ng mag-aral sa eskuwelahan pagkatapos ng pandemya, sisiguraduhin kong a. magiging masaya ako b. magtitipid ako c. mag-aaral ng mabuti d. makahanap ng bagong kaibigan
__________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Kung ako ay magtatrabaho, sa unang sahod ko bibili ako ng: a. sapatos b. cellphone c. ibibigay sa aking nanay d. ilalagay sa alkansya
__________________________________________________________________________________________________________________________________
5. Eco bag ang aking dadalhin sa pamamalengke dahil: a. Mas makakamura b. mainam sa kapaligiran c. magandang tingnan d. mas komportable
__________________________________________________________________________________________________________________________________
12
AKO AT ANG EKONOMIKS
Panuto: Punan ng mga salita ang loob ng palaso (arrow) upang mabigyang saysay ang kahalagahan ng ekonomiks. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Bilang kasapi ng pamilya
_________________________
Bilang mag-aaral
_____________________
Bilang kasapi ng lipunan
______________________
13
Paano ba Magpasya?
Panuto: Isulat ang opportunity cost ng bawat pasya na ginawa sa katumbas na kolum.
PASYA OPPORTUNITY COST Pag-uwi ng maaga mula sa eskuwelahan
Pagbabaon ng sariling pagkain sa eskuwalahan
Paglalaro sa kompyuter
Pagtulog ng maaga
Pamamasyal
Pagbisita sa mga kaibigan
Pagtatrabaho pagkatapos ng high school
Isaisip
Tandaan!
Ang ekonomiks ay bahagi ng buhay ng isang tao. Ito ay isang pag-aaral sa tamang paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Dapat matutunan ang konsepto ng kakapusan, alokasyon at produksiyon upang matugunan ang mga suliraning pang-ekonomiya. Mahalaga ang tamang pagdedesisyon upang higit na matamo ng isang tao ang pinakamataas na antas ng paggamit o pakinabang sa napili niyang desisyon.
14
Panuto: Bumanggit ng konsepto at kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks para sa kabataang tulad mo at magbigay ng sitwasyon na naranasan ngayong pandemya at papaano nakakatulong ang kahalagahan at konsepto ng ekonomiks para sa iyo.
Isagawa
Eko-larawan
Panuto: Gumawa ng poster o tula tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks at ang kaugnayan nito sa iyong pang-araw-araw na buhay.
•Sitwasyon
Konsepto ng Ekonomiks
•Sitwasyon
Kahalagahan ng Ekonomiks
15
Tayahin
BINAGONG TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at kung Mali palitan ng tamang sagot at isulat sa patlang. Itala ang mga sagot sa iyong sagutang papel.
________ 1. Ang salitang ekonomiks ay mula sa salitang Pranses na ang ibig
sabihin ay oikos (pamamahala) at nomos (tahanan). ________ 2. Walang limitasyon ang ating mga pinagkukunang yaman. ________ 3. May mga bagay na gusto ang tao ngunit kailangan niyang unahin ang
kanyang mga pangunahing pangangailangan. ________ 4. Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan. ________ 5. Ang pagpili o pagsasakripisyo sa isang bagay kapalit ng isang bagay
ay tinatawag na marginal cost. ________ 6. Isa sa mahalagang konsepto ng Ekonomiks ay ang paggamit ng
matalinong pagdedesisyon upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao.
________ 7. Sa proseso ng pagpili kadalasang hindi natin maiiwasan ang trade-off ito ay ang pagsasakripisyo sa isang bagay kapalit ng iba pang bagay.
________ 8. Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks bilang kasapi ng pamilya dahil nagagamit ang kaalaman mo sa pamamagitan ng matalinong paggasta, kahalagahan ng pag-aaral ng mabuti at pagkakaroon ng matalinong desisyon.
________ 9. Isa sa kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral ay nahuhubog ang pagiging mapanuri at nagkakaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan.
________ 10. Ang pag-aalok ng mas mura at magandang produkto o serbisyo ay tinatawag na incentives.
16
Panuto: Tukuyin kung anong konsepto ng ekonomiks ang tinutukoy. Pumili ng tamang sagot sa kahon at isulat sa sagutang papel.
________ 1. Ito ang kapalit ng piniling desisyon kung
saan isinasakripisyo ang isang bagay kapalit ng isang bagay.
________ 2. Tumutukoy sa halaga ng isang bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
________ 3. Tumutukoy sa pangmatagalang kalagayankung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi sapat.
________ 4. Isang agham panlipunan na tumutukoy sa tamang paggamit ng mga limitadong pinagkukunang yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan ng tao
________ 5. Ang tawag sa gustong ibigay ng tagapaglikha ng produkto para makahikayat ang mga manggagawa.
Karagdagang Gawain
Gawain I: Punan ang nakahandang talahanayan sa ibaba. Magbigay ng mga maaaring idulot kung hindi gagamitan ng konsepto ng ekonomiks. Maaaring gawing halimbawa ang unang nasa kahon.Gawin ito sa sagutang papel.
PASYA OPPORTUNITY COST *maagang gumising upang maghanda sa pag-aaral
*matulog ng mahabang oras
a. Marginal thinking
b. Ekonomiks
c. Kakapusan
d. Opportunity Cost
e. Trade –Off
f. Incentives
17
Rubriks sa pagmamarka sa paggawa ng poster
Nilalaman (5)
Malikhaing pagbuo (5) Angkop na pahayag ukol sa paksa (5)
Naipakita ang buong konsepto ng kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks
Gumamit ng mga origihinal na larawan sa pagbuo poster
Naglalaman ng tamang pahayag sa larawan ukol sa kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Malinis at maayos ang ginawang poster batay kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Gumamit ng mga kakaibang paraan sa pagbuo ng poster
Madaling maintindihan ng mga nakakakita o nakakabasa.
Rubriks sa pagmamarka sa para tula
Napakagaling (15)
Magaling (10) Katamtamang 5
Nangangailagan ng pagsasanay
3
Napakalalim at makahulugan ang ginawang tula
Malalim at makahulugan ang kabuuan ng tula
Bahagyang may lalim ang kabuuan ng tula
Mababaw at literal ang tula
Gumamit ng mga simbolo/pahiwatig na nakapagpaisip sa mga nagbabasa.piling pili ang mga salitang ginamit
Gumamit ng ilang simbolo/pahiwatig na nakapagpaisip sa mga nagbabasa.may ilang piling mga salitang ginamit
Gumamit ng 1-2 simbolo na nakalito sa mga mambabasa.Ang mga salita ay di- gaanong pili.
Wala ni isang pagtatangkang ginawa upang magamit ng simbolo
Gumamit ng mahusay at angkop na sukat at tugma
May sukat at tugma ngunit may bahagyang inkonsistenti.
May pagtatangkang gumamit ng sukat at tugma ngunit halos inkonsistent
Walang sukat at tugma kung naisulat man
18
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.B 2.A 3.A 4.D 5.A 6.C 7.D 8.D 9.B 10.D 11.C 12.D 13.D 14.D 15.C
Balikan
Maaaring magkaiba-iba ang sagot
Pagpapayaman ng Aralin
Gawain 1, 2, 3,4,5,6
Maaaring magkaiba-iba ang sagot
Tayahin
1.MAKI/GRIYEGO 2.MALI/MERON 3.TAMA 4.TAMA 5.MALI/TRADE -OFF 6.TAMA 7.TAMA 8.TAMA 9.TAMA 10.TAMA
II.MATCHING TYPE
1.e 2. d 3.c 4.b 5.f
19
Sanggunian Balitao, Berbard R, Martiniano B. Edward, G. (2015)-Ekonomiks Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral. Kagawaran ng Edukasyon Pilipinas Cruz, Nilda B., Rillo, Julia D., Lim, Alice L., Viloria, Evelina M. SD Publications, INC.,
EKONOMIKS, Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon, 2000, ph. 4-20 Ferrer, Jerick C. Leonardo, Arnel M. Ariola, Tara Fonseca B: Ekonomiks para sa
Mataas na Paaralan. Nueva, Shirley. Lauron, Maria Theresa Nera. 2002 BEC- Ekonomiks para sa Filipino.
Kagawaran ng Edukasyon Opulencia, Leticia F., Peralta, Amada J. Pigon, Elizabeth P. 2004-Gabay sa Pag-aaral
ng Ekonomiks Pagoso, Cristobal M. Nayve, Ruben M. JR. Cruz, Milagros A. Phillipine ECONOMICS
2003 –Nelson Publishing house Paranque City. https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services https://www.academia.edu/39681793/Aralin_1_Kahulugan_at_Kahalagahan_ng_E
KONOMIKS https://quizizz.com/admin/quiz/5d1a800b02aa03001b9f5401/kahulugan-at-
kahalagahan-ng-ekonomiks https://owl.purdue.edu https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/APGR10Q2-Lesson-1.pdf https://idoc.pub/documents/rubric-sa-pagsulat-ng-tula-mwl17okgmjlj
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III-Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, city of San Fernando (P)