Click here to load reader

Araling Panlipunan 8 Notes

  • View
    1.485

  • Download
    19

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Grade 8 World History 3rd quarter notes

Text of Araling Panlipunan 8 Notes

PAG-USBONG NG BOURGEOISIE bourgeoisie - terminong ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Malaki ang pagkakaiba ng kanilang pamumuhay sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari. Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo. artisan - mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang. naninirahan sa mga nabuong pamayanan Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa.

MERKANTILISMO Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang ito ay nakatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. Nabuo ang prinsipyo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagamat kadalasang ikinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ito ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal; ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Ang doktrinang - ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa. Hango ang ideyang ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America. Gayundin, kinailangan nila ng mga kolonyang magkakaloob ng mga ginto at pilak. Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan. nasyonalismong ekonomiko - Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan.

PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY Malaki ang naitulong ng pagtatatag nito sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa.Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mga mamamayang nagpatupad ng batas at nagsagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador.

PAG-USBONG NG MGA NATION STATESa pagbabago sa konsepto ng monarkiya. naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo at may o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa.Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisya at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at pagkakaloob ng hustisya.Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state, nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay-daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensiya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America, at nang kinalaunan, sa Africa.

PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPEHabang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa.Sa pagsapit ng 1073, naging mas makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi tumupad ang hari sa kanyang obligasyong Kristiyano.Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng Haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang nakaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong ss Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito gawin ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italya ng tatlong araw noong 1077. Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry V. Ito ang tinatawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang liderespiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari.

Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng paguugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa. Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan sa mga susunod na panahon.

PAG-USBONG NG RENAISSANCESa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14