57
Mga Uri ng Anyong Lupa ARALIN PANLIPUNAN 9

Araling panlipunan 9.pptx

Embed Size (px)

Citation preview

Slide 1

Mga Uri ng Anyong LupaAralin Panlipunan 9 1KontinenteAng daigdig ay binubo ng 149,000,000 kilometro kuwadradong bahagdan ng lupa na hinati sa pitong kontinente, ang Asya, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Antartiko, Europa at Australya.

Mga Teorya sa Pagkabuo ng Mga Kontinente

1. Continental Drift Theory ni Alfred WegenerTaon: 1912Panukala:Ang mga kontinente ay lupa na umuusad mula noon hanggang ngayon Ang mga kontinente ay namula sa isang supercontinent na tinawag na Pangaea at pinalilibutan ng nag-iisang karagatan, ang Panthalassa.Tinatayang 200 milyong taon na ang nakalilipas nang ang Pangaea ay nagkahiwalay at naging Laurasia (na naging Asya, Europa, at Hilagang Amerika) at Gondwanaland (na naging Aprika, Antartika, Australya, at Timog Amerika.

2. Teorya ni Alexander Von HumboldtPanukala: Ang mga kontinenteng nakapaligid sa Karagatang Atlantiko ay minsan nang magkarugtong.3. Plate Tectonics Theory ni Alfred WegenerTaon: 1960Panukala:Ang mga kontinente ay nakatuntong sa plates o malalaking tipak ng lupa na may kapal na 30 hanggang 60 milya na lumulutang sa magma.

b) Sa pag-alsa ng magma mula sa mantle, naitulak nito ang mga tipak ng lupa na maaaring napunta sa tatlong direksyon. Ang unang direksyon ay ang pagbabanggaan ng dalawang platesna maaaring magdulot ng pagkakalikha ng kabundukan. Maaaring papalubog ang pag-uumpugan ng dalawang plates na lumikha ng trenches tulad ng mga nasa karagatan.Sa ikalawang direksyon ay kikilos palayo ang dalawang plates ang pagkilos na ito ay magdudulot ng malaking puwang sa lupa o dagat na bubuo ng lambak o kaya naman ay kapatagan. Sa ganitong pagkilos ay nabuo ang mga anyong lupa at anyong tubig ng mundo.

PuloAng mga pulo o isla ay mga lupa na mas maliit kaysa kontinente, napaliligiran ito ng tubig. Matatagpuan sa daigdig ang libo-libong pulo. Karamihan sa mga ito ay nasa may kanang Pasipiko. Ang mga pulo ay maaaring nabuo sa pamamagitan ng pagputok ng bulkan tulad ng ilang pulo sa Hawaii at Japan.Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng libo-libong mga pulo. Ilan lamang sa mga kilalang pulo sa Pilipinas ay ang Boracay sa Aklan, Panglao sa Bohol, at Hundred Islands sa Pangasinan. Dinarayo ang mga ito dahil sa magagandang tanawin at mga buhangin sa dalampasigan.

Pulo

PeninsulaAng peninsula ay isang malaking bahagi ng lupa na napaliligiran ng tubig. Tinatawag din itong tangway, dahil ang isang bahagi nito ay nakarugtong sa isang kontinente o sa isang malaking masa ng lupa. Ang mga halimbawa nito ay Florida sa Estados Unidos, Hilaga at Timog Korea, at Italya.Peninsula

IsthmusAng isthmus ay isang maliit na bahagi ng lupa na nagdurugtong sa dalawang malaking masa ng lupa. Ang halimbawa nito ay ang Bosporus sa Turkey na nagdurugtong sa Asya at Europa at ang Isthmus ng Panama na nagdurugtong naman sa Hilaga at Timog Amerika.Isthmus

BundokAng pinakamataas na anyong lupa ay ang bundok. Karaniwang nagtataglay ito ng taas na 2,000 talampakan o 600 metro mula sa ibabaw ng dagat. Ang Himalayas sa Asya ang pinakamataas na sa buong mundo na may taas na 29,020 na talampakan. May mga 850 na aktibong bulkan sa daigdig at 75% nito ay matatagpuan sa Ring of Fire. Ang Ring of Fire ay isang sonang nagmumula sa kanlurang baybayin ng Amerika (mula Chile hanggang Alaska) patungo sa silangang baybayin ng Asya (mula Siberia hanggang New Zealand). Dalawampung posiyento ng bulkan na matatagpuan sa Pacific Ring of Fire ay nasa Indonesia. Ang iba naman ay matatagpuan sa apan, Aleutan Islands, at Gitnang Amerika.Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire. Sa katunayan tinatayang 22 sa mahigit na 200 bulkan sa bansa ang aktibo.

Bundok

BurolAng burol ay maliit kumpara sa bundok. Ito ay mga umbook ng lupa na karaniwang matatagpuan sa mababang bahagi ng kabundukan.Burol

KapataganAng malawak na anyong lupa ay tinawag na kapatagan. Sa Pilipinas, ang ganitong anyong lupa ay ginagamit bilang taniman at tirahan ng mga tao.Kapatagan

LambakAng patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok ay tinawag na lambak. Kilala ang mga lambak ng Indus sa India, lambak ng Ehipto, at sa Pilipinas ay lambak ng Cagayan.Lambak

TalampasAng talampas ay mataas na lupa na patag ang ibabaw. Dahil mataas, nagtataglay ng malamig na temperatura. Kaya naman mainam itong taniman at pastulan dahil sa kaaya-aya nitong klima. Talampas

DisyertoAng disyerto ay isang malawak na tuyo at mabuhanging lupa. Napakainit kung araw at napakalamig naman kapag gabi. Karaniwang matatagpuan ang mga disyerto sa Gitnang Australya, Gitnang Asya, Hilagang Aprika, at Kanluran ng Estados Unido.

Disyerto

Anyong TubigAralin panlipunan 9KaragatanAng karagatan ang pinakamalawak ang saklaw sa lahat na anyong tubig. May apat na karagatang nakapaligid sa mundo: ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, at Karagatang Artiko. Sa lahat ng karagatan ang Karagatang Pasipiko ang tinaguriang Hari ng Karagatan dahil ito ang pinakamalaki sa lahat.Karagatan

DagatAng dagat ay isang malawak na anyong tubig na katulad ng karagatan ngunit higit na mas maliit at mababaw. Dito karaniwang naglalayag ang mga bangka at iba pang maliliit na sasakyang pandagat.Dagat

LawaAng lawa ay malawag na anyong tubig na napaliligiran ng lupa. Ito ay nabubuo kung ang lebel ng malawak na lupa ay mas mababa sa nakapaligid rito. Mainam itong pangisdaan at napagkukunan ng iba pang yamang dagat. Dinadaluyan ito ng tubig na nagmumula sa ilog o sapa.Lawa

LookAng anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong ng karagatan o dagat ay tinatawag na look, halimbawa nito ay ang Look ng Maynila na kilala bilang mainam na daungan ng mga barko.Look

GolpoKung paghahambingin higit na mas Malaki ang golpo kaysa look kahit na mas napaliligiran ang golpo ng lupain. Sa Pilipinas, isa sa pinakatanyag na golpo ay ang makasaysayang Golpo ng Lingayen.Golpo

IlogAng ilog ay isang bahagi ng tubig na dumadaloy mula sa mataas tungo sa higit na mababang level tulad ng lawa. Ang ilan sa malalaking ilog sa daigdig ay nagsisimula sa malalaking hanay ng kabundukan at nagwawakas sa mga karagatan sa dagat. Naging makasaysayan ang ilang mga ilog sapagkat dito nagsimula ang sibilisasyon.Ilog

TOPOGRAPIYAAy ang salitang naglalarawan sa mga pag aaral sa ibabaw ng lupa.Binubuo ito ng mga lambak at maging sa mga katangian ng mga ilog at mga daan.KLIMAAng klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar ng maraming taon.Ang lokasyon ng lugar o bansa batay sa latitud at ang layo nito sa ekwador ang dahilan ng pag iba iba ng klima. Ang temperatura ng hangin at ang presipitasyon ang dalawang pinakamahalagang salik na nagtatakda sa klima.Nakakaapekto rin sa klima ang direksyon ng hangin, agos ng karagatan (ocean current), at taas ng isang lugar mula sa dagat (elevation).Ang mga tao ay namumuhay sa isang malawak na biome.BIOMESaekolohiya, angbiyomaobioma(Ingles:biome) ay inilalarawangpangklimaatpangheograpiyabilang parehong mga kondisyongpangklimasa daigdig gaya ng pamayanan ng mga halaman, hayop at mga organismo sa lupaat kadalasang tinutukoy bilang mgaekosistema.Klasipikasyon ng KlimaKatangianHalimbawaTropikalMainit at mahalumigmig ang klima sa lugar na ito. Nagtataglay din ito ng mataas na antas ng pag-ulan sa buong taon.PilipinasKlasipikasyon ng KlimaKatangianHalimbawaTuyo(Arid at Semi-arid)Nakararanas ng lubhang kainitan sa buong taon at kakaunti lamang ang pag-ulan.IranKlasipikasyon ng KlimaKatangianHalimbawaKatamtaman at mahalumigmig(Temperate)Nakararanas ang isang lugar ng pantay na panahon ng tag-araw at tag-init. Ang ulan sa mga lugar na ito ay mula katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.TurkeyKlasipikasyon ng KlimaKatangianHalimbawaSnowy Forest(Continental)Nagtataglay ng mahabang taglamig at maiksing tag-araw.Hilagang EuropaKlasipikasyon ng KlimaKatangianHalimbawaPolarNakararanas ng lubhang kalamigan sa buong taon.Mga lupain na malapit sa polo at tulad ng AntartikaKlasipikasyon ng KlimaKatangianHalimbawaTundraNakararanas ng madilim at mahangin na taglamig. Ang araw ay nananatiling abot-tanaw, ngunit di sumisinag sa lupain.Hilaga at Timog PoloMGA YAMANG LIKASAralin panlipunan 9

BioticNakukuha sa biosphere tulad ng gubat, hayop, at mga bagay na maaring makuha sa kanila: fossilna panggatong, uling, at petroleum ay kabilang din.AbioticNagmula sa mga walang buhay na materyal tulad ng lupa, tubig, hangin, at mabibigat na matel gaya ng ginto, pilak, at tanso.RenewableIto ay likas na yaman na organiko na maaaring palitan sa pagdaan ng panahon.Non - renewableMga likas na yaman na mula sa lupa at may limitadong suplay. Hindi rin ito maaaring palitan.Mga Gamit ng Likas na YamanMga Gamit ng Likas na YamanHangin kailangan ng lahat ng may buhay para sa paghinga. Pinagmumulan ng enerhiya. (wind energy)Mga halaman at hayop ginagamit ang mga ito bilang tagatustos ng pagkain, pananamit, silungan, at gamot. Lupa gamit bilang pangunahing pinagmumulan ng nutrisyon ng mga halaman.Solar nagbibigay ilaw, enerhiya, at tulong sa mga halaman na magagawa ng kanilang pagkain.Punongkahoy - gamit bilang materyal sa konstruksyon. Gamit sa paggawa ng mga kasangkapan, muwebles, at mga kagamitang pang sports.Heograpiyang PantaoAralin panlipunan 9Heograpiyang PantaoAy isa sa mga sangay ng heograpiya na tinawag din na kultura na heograpiya. Ang sangay na ito ay tumutukoy sa mga pag aaral sa mga aspetong kultural na matatagpuan sa daigdig; ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago at kung paano rin siya nagbabago o naaapektuhan ng kalikasan.