37
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang Klasiko sa Europa TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Kabihasnang Minoan 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10 Aralin 2: Kabihasnang Mycenaean 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 19 Aralin 3: Kontribusyon ng mga Kabihasnang Minoan at Mycenean sa Daigdig 21 Layunin Natin 21 Subukan Natin 22 Alamin Natin 23 Pag-aralan Natin 23

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

  • Upload
    others

  • View
    131

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 8, YUNIT 5

Kabihasnang Klasiko sa Europa TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

Aralin 1: Kabihasnang Minoan 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5

Alamin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Suriin Natin 9

Sagutin Natin 10

Pag-isipan Natin 10

Gawin Natin 10

Aralin 2: Kabihasnang Mycenaean 12

Layunin Natin 12

Subukan Natin 13

Alamin Natin 14

Pag-aralan Natin 14

Suriin Natin 18

Sagutin Natin 19

Pag-isipan Natin 19

Gawin Natin 19

Aralin 3: Kontribusyon ng mga Kabihasnang Minoan at

Mycenean sa Daigdig 21

Layunin Natin 21

Subukan Natin 22

Alamin Natin 23

Pag-aralan Natin 23

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Suriin Natin 26

Sagutin Natin 27

Pag-isipan Natin 27

Gawin Natin 27

Karagdagang Kaalaman 29

Pagyamanin Natin 30

Paglalagom 32

Dapat Tandaan 33

Dagdag Sanggunian 33

Gabay sa Pagwawasto 34

Sanggunian 37

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 5

Kabihasnang Klasiko sa Europa

Sa pagitan ng 1600 at 1400 BCE (Before Common Era), umusbong ang kabihasnan sa mga

pulo at baybayin ang Aegean Sea, sa Silangang Mediterranean. Ang maunlad na uri ng

pamumuhay rito ay nakasentro sa pulo ng Crete, na itinuturing na duyan ng kabihasnang

Europa, kasama ang Greek Peninsula.

Ang kabihasnang Minoan at Mycenaean ay itinuturing ng mga historyador bilang

pinagmulan ng kabihasnan sa Gresya. Ang kultura at pamumuhay sa mga kabihasnang ito

ay nagkaroon ng impluwensiya sa umusbong na kabihasnang Gresya.

• Ano-ano ang elemento ng kabihasnang Minoan at Mycenaean?

• Ano ang pagkakaiba ng kabihasnang Minoan at Mycenaean?

• Bakit naging mahalaga sa kasaysayan ang kabihasnang Minoan at Mycenaean?

• Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga ambag ng kabihasnang Minoan at

Mycenaean?

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Lokasyon ng mga Kabihasnang Klasiko sa Europa

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Kabihasnang Minoan

Tinawag na kabihasnang Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Hinango ang

pangalan nito sa hari ng pulo na si Minos, na ayon sa alamat, ay isa sa mga anak ni Zeus,

ayon sa alamat. Sinasabing nasimula ang kabihasnang ito nang makarating sa Crete noong

4000 hanggang 3000 BCE and mga mahuhusay na mandaragat na.

Sa araling ito, ating sasagutin ang sumusunod na tanong:

• Ano ang kasaysayan ng kabihasnang Minoan?

• Ano ang larawan ng pulitika, ekonomiya, at lipunan ng kabihasnang Minoan?

• Paano nakaimpluwensiya ang kabihasnang Minoan sa sumunod pang kabihasnang

Kanluranin?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga

elemento ng kabihasnang Minoan.

Mga Labi ng Lungsod ng Knossos

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Hanapin sa kahon at lagyan ng guhit ang mga salitang nasa listahan. Ang ayos ng

bawat salita ay maaaring pahalang, pababa, pahilis, o pabalik.

MINOAN FRESCO

CRETE LINEAR A

KNOSSOS EUROPA

G E E C E T I F E R E K K

A R P O R T U R U L E E N

R E M I N O S E P E U U A

I O L F N Y A S H S R P S

N U T R P S C C R P O S S

A C R E T E T U T E P O A

O R G S L I N E A R A S S

N T R C P I P P S Y O S M

I A I O E U R O P E M O E

M E S O P O T A M I A N R

L I N A R B O W W A R K O

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Ang kabihasnang Minoan ay natuklasan ni

Arthur Evans, isang arkeologong Ingles.

Si Evans na rin ang nagbigay ng pangalang

“Minoan” sa kabihasnang ito alinsinunod kay

Haring Minos na nagmula sa mitolohiya ng

mga Griyego. Ito ang unang kabihasnang

umusbong sa rehiyong Aegean.

Kasaysayan ng Kabihasnang Minoan Ang kabihasnang Minoan ay umusbong sa isla

ng Crete sa dakong timog-silangan ng

tangway ng Balkan noong 2800 BCE. Dahil sa

lokasyon ng Crete na malapit sa kalakhang

Europa, hilagang Aprika, at kanlurang Asya,

naging masagana ang kabihasnang Minoan

dahil sa pangangalakal nito sa iba’t ibang

kaharian sa ibayong dagat.

Noong 2000 hanggang 1450 BCE, naabot ng

kabihasnang Minoan ang tugatog ng

kanilang kaunlaran at nanguna sila sa

pangangalakal sa silangang bahagi ng

Dagat Mediterranean. Subalit noong 1450

BCE, ayon sa mga historyador, nagsimula

ang pagbagsak ng kabihasnang Minoan

dahil sa isang malakas na pagsabog ng

bulkan sa isla ng Thera na sumira sa mga

siyudad sa hilagang bahagi ng Crete.

Bagamat sinubukan ng mga Minoan na

muling itayo ang kanilang mga siyudad,

sinakop ng mga Mycenaean ang mga

pangunahing sentro ng kanilang

kabihasnan.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• tangway – peninsula; bahaging

lupa na halos napaliligiran ng

bahaging tubig

• tugatog– pinakamataas; rurok

• palikuran – kasilyas; comfort

room

• luwad – clay

• enggrande – magarbo,

maringal

• labyrinth – sala-salabat;

masalimuot

• alulod – paagusan ng tubig

Ang kasalukuyang Crete ay bahagi ng Greece.

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Pagkakatuklas ng Knossos Noong 1899, nagsagawa ng paghukay sa Knossos, isang matandang lugar na nabanggit ni

Homer, ang sikat na manunulat ng Iliad at Odyssey. Nahanap ni Evans ang mga gumuhong

estruktura ng malaking palasyo. Ang naturang palasyo ay yari sa makikinis na bato.

Marami itong palapag na pinatitibay ng malalaking haligi. Ang mga dingding ay may

dekorasyong makukulay na larawang ipininta nang madalian subalit pulido at mahusay

ang pagkakagawa. May sistema rin ng padaluyan ng tubig sa silong ng palasyo at ang isa sa

mga silid nito ay may sariling paliguan at palikuran. Ang punong lungsod ng Crete ay ang

Knossos, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo.

Kasanayan at Sining Mahihinuha na napakaganda ng palasyo dahil ang mga Minoan ay mahuhusay na

tagatapyas ng bato gamit ang mga kasangkapang yari sa tanso. May kasanayan din sila sa

paggawa ng mga paagusan ng tubig o drainage upang maiwasan ang pagbaha sa tuwing

uulan nang malakas sa panahon ng taglamig. Ginamit din nila ang pinag-aagusan ng tubig

upang matipon ang tubig-ulan para naman magamit sa panahon ng tag-init.

Sa dalawang paraan o larangan, ipinakita ng mga

Minoan ang kanilang kasanayan sa pagpinta. Una, sa

pamamagitan ng ng mga fresco (larawang mabilisan

subalit mahusay na ipininta) at ikalawa, sa

pamamagitan ng mga palayok. Madalas na inilalarawan

ng fresco ang bull dancing na may layuning mahawakan

ng manlalaro o mananayaw ang mga sungay ng toro

hanggang makasakay sa likod nito. Samantala, sa

paggawa ng palayok, ang malimit na disenyo ay tungkol

sa kapaligiran lalo na sa mga bagay na nasa dagat dahil

malaki ang pagpapahalaga nila rito bilang bahagi ng

kanilang pamumuhay.

Sistema ng Pagsusulat Sa ginawang paghuhukay sa Knossos, maraming lapida ang natagpuan. Gawa ang mga ito

sa luwad. Sa mga lapidang ito, nakita ni Evans ang dalawang sistema ng pagsulat. Binigyan

niya ito ng katawagang Linear A at Linear B. Ayon sa isang cryptologist, ang Linear A ay ang

paraan ng pagsulat ng mga Minoan, na hindi pa rin naiintindihan hanggang sa ngayon.

Ang Linear B naman ay ang ginamit ng sumunod na kabihasnan.

Mga Galamay ng Pugita,

Halimbawa ng Fresco Painting

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Kalakalan at Kabuhayan Dahil sa heograpiya, madaling maunawaan

na ang mga Minoan ay mangingisda,

mandaragat, at mangangalakal. Madaling

umunlad ang Crete dulot ng

pakikipagkalakalan sa ibayong dagat.

Pangunahing produktong ikinakalakal nila sa

ibang lugar ay ang kanilang mga palayok at

mga armas na gawa sa tanso. Kapalit ng mga

ito ang mga ginto, pilak, at mga pagkaing

wala sa kanilang islang mabato at hindi

mataba ang lupa. Nakarating hanggang sa

mga baybayin ng Dagat Aegean, Cyprus, at

Ehipto ang mga kalakal ng mga Minoan.

Pulitika, Pananampalataya, at Lipunan Ang kabihasnang Minoan ay nakasentro sa ilang

siyudad katulad ng Knossos, Phaestos, at Mallia.

Pinamunuan ito ng mga hari na namalagi sa palasyo

sa kabiserang Knossos. Ang enggrandeng

estrukturang palasyo ng Knossos ay nagmimistulang

labyrinth, kung kaya naman inihalintulad ito ni

Arthur Evans sa labyrinth na ipinatayo ni Haring

Minos sa alamat ng minotaur. Binubuo ang palasyo

ng daan-daang kuwarto, mga sala, pagawaan,

paliguan na may mahuhusay na alulod, at mga

imbakan ng mga bagay na ipinambayad bilang

buwis sa mga hari. Ang mga larawang nasa palasyo

ay nagpapakita ng mga diyosa, magagandang

hardin, mga palaro (katulad ng boksing at bull

dancing), at mga hayop katulad ng mga unggoy,

kambing, at toro. Ayon sa mga gawang sining, ang

relihiyon ng mga Minoan ay nakasentro sa mga

diyosa. Pinaniniwalaan na pantay ang pagturing sa

mga babae at lalaki sa kabihasnang ito, at maaaring

gawin ng mga babae ang trabaho at mga aktibidad na ginagawa ng mga lalaki.

Ruta ng Kalakalan

Larawan ng

Babaeng Minoan

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag.

____________________ 1. Ang kabihasnang Minoan ay umusbong sa isla ng Crete sa Greece.

____________________ 2. Ang kabisera ng Crete ay ang Knossos na matatagpuan sa hilagang

bahagi ng pulo.

____________________ 3. Ang fresco ay mga dekorasyong makukulay na larawang ipininta

nang madalian subalit pulido at mahusay ang pagkakagawa.

____________________ 4. May sariling sistema o paraan ng pagsulat ang mga Minoan bago

nawala ang kanilang kabihasnan.

____________________ 5. Pinamumunuan ng mga diyosa ang kabihasnang Minoan.

B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.

Dalawang uri ng pagpapakita ng sining ng kabihasnang Minoan

1. ________________________________

2. ________________________________

Tatlong tanyag na kalakal ng mga Minoan

3. ________________________________

4. ________________________________

5. ________________________________

Suriin Natin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sino ang nagsagawa ng paghukay ng mga labi ng kabihasnan sa Knossos?

2. Bakit maganda at organisado ang pagkakagawa ng natagpuang mga labi ng palasyo

ng mga Minoan?

3. Paano mabilis na umasenso ang ekonomiya ng kabihasnang Minoan?

Anong praktikal na aplikasyon sa buhay ang maaari nating matutunan sa estado o

kalagayan ng pamumuhay ng kababaihan sa kabihasnang Minoan?

Basahin ang kuwento ni Haring Minos at ang Alamat ng Minotaur mula sa

mitolohiyang Griyego. Ipakita ang resulta na iyong pagninilay-nilay tungkol sa

alamat sa pamamagitan ng tsart o grapikong pantulong na bumabalangkas sa

sumusunod:

1. Mga katangian ng kabihasnang Minoan na masasalamin mula sa kuwento o alamat

na ito

2. Bumuo ng konklusyon patungkol sa kabihasnang Minoan

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Hindi naipakita

ang mga

katangian ng

kabihasnan; tila

hindi

May pagsisikap

na ipakita ang

ang mga

katangian ng

kabihasnan,

Malinaw na

naipakita ang

ang mga

katangian ng

kabihasnan;

Napakalinaw

na naipakita

ang mga

katangian ng

kabihasnan;

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

naiintindihan

ang paksa;

walang saysay

ang nabuong

konklusyon

subalit kinulang

sa ibang

detalye; may

palatandaan na

nauunawaan

ang paksa; may

nabuong

konklusyon

may

natutuhan sa

paksa; may

saysay ang

nabuong

konklusyon

tiyak na tiyak

na naunawaan

ang paksa;

napakahusay

at tumpak ang

nabuong

konklusyon

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob

ng ilang

minuto/oras/

araw/linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa dahil

ipinaalala ng

guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

minuto/oras/

araw/linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Aralin 2

Kabihasnang Mycenaean

Mga Guhong Pader ng Troy

Ang mga Mycenaean ay mga taal na nanirahan sa paligid ng Dagat ng Caspian. Noong

1900 BCE, iniwan nila ang sariling lugar at tumungo sa Gresya at dito ay nagtatag sila ng

sariling siyudad. Nang lumakas ang kanilang puwersa, sinalakay at pinabagsak nila ang

Knossos at iba pang siyudad sa Crete. Ipinagpatuloy ng mga Mycenaean ang kabihasnang

Minoan.

• Ano ang kasaysayan ng kabihasnang Mycenaean?

• Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba sa pulitika, ekonomiya, at lipunan ng mga

kabihasnang Mycenaean at Minoan?

• Paano naging makabuluhan sa kasaysayan ng Europa ang kabihasnang Mycenaean?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga

elemento ng kabihasnang Mycenaean at naihahambing ito sa kabihasnang Minoan.

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Bigyang pansin ang salitang nakasalungguhit. Ibigay ang sariling pakahulugan ayon

sa pagkakagamit sa pangungusap.

1. Pinalawak ng mga

Mycenaean ang kanilang

teritoryo sa pamamagitan

ng pakikidigma, at isa sa

mga sinakop nila ay ang

mga Minoan sa Crete.

2. Sinalakay ng mga

Mycenaean ang Troy

hanggang ito ay bumagsak.

3. Tinatawag na cyclopean

ang istilo ng mga pader ng

Mycenae, dahil sinasabing

mga higanteng cyclops

lamang ang may kayang

magtayo nito.

Sariling pakahulugan:

Sariling pakahulugan:

Sariling pakahulugan:

4. Natagpuan ang mga

produkto ng mga

Mycenaean sa iba’t ibang

pook katulad ng Ehipto,

Italya, Sicily, at iba pa.

5. Nagkaroon din ng

impluwensiya ang ibang

kabihasnan sa mga

Mycenaean.

6. Ang mga Mycenaean ay

nakidigma sa mga karibal

na grupo, at humina sila

dahil sa patuloy na

pakikipaglaban.

Sariling pakahulugan:

Sariling pakahulugan:

Sariling pakahulugan:

Subukan Natin

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Ang kaalaman ukol sa kabihasnang Mycenaean

ay pangunahing nagmumula sa mga nahukay

na pook ng kanilang kabihasnan at kay Homer,

isang bulag na makata. Ang pook ng Mycenae

ay unang natuklasan ng Alemang arkeologo na

si Heinrich Schliemann. Ang Mycenae ay

itinuturing na unang estadong Griyego na

yumabong mula 1600 BCE hanggang 1100 BCE.

Katulad ng kabihasnang Minoan,

pinangunahan ng kabihasnang Mycenaean ang

klasikong kabihasnan sa Gresya.

Kasaysayan ng Kabihasnang

Mycenaean Ang mga Mycenaean ay nagmula sa pamilyang

Indo-European na kumalat mula sa gitna ng

Asya patungo sa Iran, India, at timog at

silangang Europa. Ang isa sa mga grupong

Indo-European ay pumasok sa teritoryong Gresya

noong 1900 BCE. Ang kabisera ng Mycenae ay

matatagpuan sa tangway ng Peloponnesus, at

sinakop din ng Mycenae ang mga isla sa Dagat

Aegean, katulad ng Crete at Cyclades. Pinalawak ng

mga Mycenaean ang kanilang teritoryo sa

pamamagitan ng pakikidigma, at isa sa mga sinakop

nila ay ang mga Minoan sa Crete. Nang masakop nila

ang Crete, nakuha na rin nila ang kontrol sa

pangangalakal sa Dagat Mediterranean. Muli rin

nilang itinayo ang palasyo sa Knossos, ngunit

dinagdagan nila ito ng mga higanteng batong pader.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• nomadiko – lagalag; walang

pirmihang panahanan

• monarkiya – pinamumunuan

ng hari

• alyansa – kasunduan; pangkat;

kapanalig

• geometriko – may kaugnayan

sa konsepto ng geometry

Haring Agamemnon

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Ayon sa epiko ng Iliad, nakipagdigma ang mga Mycenaean (pinamunuan ni Haring

Agamemnon) sa mga taga-Troy noong 1250 BCE. Pinaniniwalaan ng mga historyador na

ang digmaang ito ay dulot ng kompetisyon sa pangangalakal sa Dagat Aegean. Nakita ang

ebidensiya ng bumagsak ang kabihasnang Mycenaean simula noong

1190 BCE.

Ang Mycenae ay nasunog at ang ibang sentro ng kabihasnang Mycenaean ay nasira dahil

sa ibang Griyegong mananakop mula sa hilaga. Ang mga Mycenaean ay nakidigma sa mga

karibal na grupo, at humina sila dahil sa patuloy na pakikipaglaban. Nasakop sila ng mga

Dorian, mga nomadiko mula sa hilaga.

Pagsakop sa Troy Nang magpatayo ng mga lungsod ang mga Mycenaean, kanilang pinalibutan ang mga ito

ng malalaki at matitibay na pader. Matatagpuan sa loob ng mga pader ang palasyo ng hari.

Pinakamalaki sa mga lungsod ay ang Mycenae na pinamunuan ni Haring Agamemnon.

Natuklasan ni Schliemann ang mga guhong labi ng Mycenae noong 1876. Samantala, ang

Troy ay isang makapangyarihang siyudad sa Turkiya malapit sa Hellespont. Nasa baybayin

ito ng Dagat Mediterranean kung saan puwede nitong kontrolin ang pakikipagkalakalan sa

kanila ng mga Mycenaean. Subalit iba ang naging ihip ng kapalaran. Sinalakay ng mga

Mycenaean ang Troy hanggang ito ay bumagsak.

Bahagi ng Dating Makapangyarihang Troy

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Sistema ng Pagsulat Kagaya ng nabanggit na, ang mga Mycenaean ay may sariling paraan ng pagsulat. Sa mga

lapidang natagpuan, nakita ni Evans ang dalawang sistema ng pagsulat—Linear A at Linear

B. Ang Linear A ay ang paraan ng pagsulat ng mga Minoan, samantala ang Linear B ay ang

ginamit ng mga Mycenaean. Naiintindihan o nababasa na sa kasalukuyan ang sistema ng

pagsulat ng mga Mycenaean, hindi katulad ng Linear A ng mga Minoan.

Pulitika, Relihiyon, Kabuhayan, at Lipunan Ang kabihasnang Mycenaean ay binuo ng ilang malalakas na monarkiya na nakasentro sa

malalaking palasyong pinalilibutan ng matitibay at malalaking mga pader. Tinatawag na

cyclopean ang istilo ng mga pader na ito, dahil sinasabing ang mga higanteng cyclops

lamang ang may kayang magtayo ng ganoong kataas at kalaking mga pader.

Ang pamilya ng hari ay nakatira sa loob ng mga pader, samantala ang mga karaniwang tao

ay nakatira sa labas nito. Ang mga sentro ng kapangyarihan ay maaaring bumuo ng isang

alyansa ng malalayang estado. Ang Mycenae ang itinuturing na pinakamakapangyarihan

sa mga ito.

Pader ng Mycenea

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Ang lipunan ng kabihasnang Mycenaean ay binuo ng ilang pangkat ng tao.

Sa pinakatuktok ay ang hari, kasunod ang mga komandanteng hukbo, mga pari, at mga

burukratiko. Kasunod naman ang malalayang mamamayan, katulad ng mga manggagawa,

mga kawal, at mga artisano. Nasa pinakamababang uri o pangkat ang mga alipin.

Ang mga Mycenaean ay mga mandirigmang nagbigay ng halaga sa kahusayan sa

pakikipaglaban. Bukod sa pakikidigma, nakipagkalakalan din ang mga Mycenaean sa Dagat

Mediterranean, natagpuan ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang pook katulad ng

Ehipto, Italya, Sicily, at iba pa.

Ang mga Mycenaean ay naniniwala sa isang makapangyarihang diyos, si Zeus, na

naghahari sa isang pamilya ng mga diyos at diyosa.

Nagkaroon din ng impluwensiya ang ibang

kabihasnan sa mga Mycenaean. Ang ilang

aspektong kultural ng mga Mycenaean ay maaaring

hiram mula sa ibang kabihasnan. Halimbawa nito

ang paggamit ng gintong maskara sa paglibing ng

mga namatay na hari na maaring impluwensiya ng

Ehipto. Katulad ng mga Minoan, gumawa rin ng mga

fresco, palayok, at mga alahas ang mga Mycenaean.

Bagamat maraming pagkakatulad ang gawang sining

mga Minoan at Mycenaean, mayroon ding

pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kabihasnan.

Halimbawa, ang mga Minoan ay mas realistiko ang

estilo, samantalang ang mga Mycenaean ay mahilig

sa mga larawang geometriko at hindi gaanong

realistiko.

Pintang Mycenean sa fresco

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Nanakop sa mga Minoan

A. Schliemann

2. Isa sa mga hari ng kabihasnang

Mycenaean

B. Homer

3. Kinilalang diyos ng mga Mycenaean

C. Zeus

4. Makapangyarihang lungsod na nasakop

ng mga Mycenaean

D. Agamemnon

5. Nag-aral ng tungkol sa kabihasnang

Mycenaean

E. Troy

F. Mycenaean

G. Knossos

B. Isa-isahin ang hinihinging sagot.

Ang kaalaman ukol sa kabihasnang Mycenaean ay pangunahing nagmumula sa:

1. ________________________________

2. ________________________________

Ang malalayang mamamayan ng Mycenae ay binubuo ng:

3. ________________________________

4. ________________________________

5. ________________________________

Suriin Natin

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Saan nagmula ang mga Mycenaean?

2. Ano ang pagkakaiba ng sistema ng panulat ng mga Minoan at Mycenaean?

3. Ano ang patunay na naimpluwensiyahan ng kabihasnang Ehipsiyo ang kabihasnang

Mycenaean?

Bakit mahalagang pag-aralan at paghambingin ang kasaysayan at kultura ng kabihasnang

Minoan at Mycenaean? Ano ang kinalaman nito sa paghubog ng kasalukuyang

kabihasnan?

Punan ang tsart upang malinaw na makita ang paghahambing ng mga kabihasnang

Minoan at Mycenaean.

Minoan Mycenaean

Pagsikat (Rise)

Kultura:

a. Pananampalataya

b. Pulitika

c. Lipunan

d. Ekonomiya

Pagbagsak (Fall)

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Sinubukang

maghambing,

maraming mali;

hindi nag-isip;

tila walang

natutunan sa

aralin

Sinubukang

maghambing,

may ilang mali;

nag-isip nang

bahagya; may

kaunting

natutunan sa

aralin

Mahusay at

malinaw ang

paghahambing;

pinag-isipan

ang kasagutan;

halatang

natuto sa aralin

Napakahusay at

napakalinaw ng

paghahambing;

pinag-isipang

mabuti ang

kasagutan; tiyak

na tiyak na

natuto sa aralin

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

dahil ipinaalala

ng guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

minuto/oras/

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

minuto/oras/

araw/linggo ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Aralin 3

Kontribusyon ng mga Kabihasnang Minoan at

Mycenean sa Daigdig

Ang mga kabihasnang Minoan at Mycenaean ay itinuturing na pundasyon ng kabihasnang

Griyego, dahil sa mga ambag ng mga kabihasnang ito sa umusbong na kabihasnan sa

Gresya, mga 300 hanggang 400 na taon ang lumipas pagkatapos bumagsak ang

kabihasnang Mycenaean.

• Ano ang mga pamana o ambag ng mga Minoan at Mycenaean sa daigdig?

• Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko

sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang napahahalagahan ang

mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang

kamalayan.

Isang Fresco na Naglalarawan ng Pagtalon at Pagsakay sa Ibabaw ng Toro

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Tukuyin at ilagay o isulat sa tamang kahon ang sumusunod na mahalagang

kontribusyon:

Linear A Linear B

Alamat ng Minotaur

Sistemang

alkantarilya

Pagtalon sa ibabaw ng toro

Realistikong sining

Malalaking pader Chariot

Cyclopean style

Minoan Mycenaean

Subukan Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Bawat kabihasnan ay may pamana sa

sangkatauhan. Ang mga ambag na ito ay

ginagamit, pinakikinabangan, at pinauunlad

pa ng sumunod na kabihasnan at

nagpapatuloy ang ganitong kalakaran.

Mas tumitingkad ang halaga ng isang

kabihasnan dahil sa mahahalagang

kontribusyon nito sa mundo.

Mga Ambag ng Kabihasnang Minoan Ang mga Minoan, sa kanilang

pakikipag-ugnayan sa Ehipto ay

natutong magsulat gamit ang

mala-heiroglyphic na sistema. Ngunit

nang lumipas ang panahon, nagkaroon

sila ng sariling sistema ng panulat na

tinatawag na Linear A. Katulad ng Linear

B ng mga Mycenaean, ang Linear A ay

isinusulat gamit ang mga linya, sa halip

na mga mala-kunyas na karakter ng

cuneiform. Bagamat hindi pa

naiintindihan ang Linear A sa

kasalukuyan, pinaniniwalaang may

impluwensiya ang wika ng mga Minoan

sa bokabularyong nabuo ng mga

Mycenaean na naipasa sa sumunod na

mga kabihasnan sa Gresya.

Bukod sa kanilang wika, ang kahusayan ng mga Minoan sa arkitektura at sining ay

sinasabing nagbigay ng inspirasyon para sa literatura katulad na lamang ng kuwento ni

Haring Minos at ang Minotaur. Ayon sa ilang historyador, maaaring nagmula ang

kuwentong ito sa komplikadong estruktura ng palasyo sa Knossos at sa mga larawan ng

mga toro na nakaguhit sa mga pader ng mga palasyo.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na mga

salita:

• bokabularyo – talasalitaan

• komplikado –masalimuot

• mag-ensayo – magsanay

Linear A

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Ayon sa mga gawang sining ng kabihasnang Minoan, ang mga Minoan ay nagbigay

ng pagpapahalaga sa mga palaro katulad ng boksing, wrestling, at pagtalon sa ibabaw ng

toro (bull-leaping). Pinaniniwalaan na nagsisimulang mag-ensayo sa murang edad ang mga

Minoan. Pinaniniwalaan din na ang mga palarong ito ay may kaugnayan sa mga ritwal sa

kanilang relihiyon, katulad na lamang ng olimpiyada na ginanap sa kabihasnan sa Gresya

na may kaugnayan sa mga pista para sa diyos na si Zeus. Bukod sa mga larawan ng palaro,

malaki rin ang ambag ng mga Minoan sa sining ng pagpipinta, na makikita sa realistiko

nilang paglalarawan ng kalikasan, lipunan, at paniniwala.

Bukod sa sining, mayroon ding mga ambag sa larangan ng teknolohiya ang mga Minoan.

Ang sistemang alkantarilya o agusan ng tubig na ginamit ng mga Minoan ay isa sa mga

pinakamahusay noong panahong iyon. Ang unang kubeta na maaaring i-flush gamit ang

tubig sa mga palayok ay natagpuan sa palasyo ng Knossos. Ang ilan sa paagusan ng tubig

mula sa panahon ng mga Minoan ay ginagamit pa hanggang sa kasalukuyan sa isla ng

Crete.

Sistemang Alkantarilya

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Mga Ambag ng Kabihasnang Mycenaean Katulad ng mga Minoan, ang kaunlaran

at kahusayan ng kabihasnan

Mycenaean ay naging inspirasyon para

sa literatura, katulad ng epikong Iliad.

Ang antas ng sibilisasyon ng mga

Mycenaean ay madaling makita sa

kanilang mahuhusay na arkitektura.

Bukod sa kanilang matatatag na pader,

nagpatayo rin sila ng matitibay na

tulay, libingan, at mga palasyo gamit

ng kanilang estilong cyclopean.

Ang arkitektura nila ay itinuturing

bilang pinagmulan ng estilong

arkitektura ng mga templo sa

panahong klasikal ng kabihasnang Griyego.

Ang wika ng mga Mycenaean na nakasulat

sa Linear B at napatunayan bilang wikang

Griyego ay isa rin sa mga

pinakamahalagang ambag ng kanilang

kabihasnan. Mahalaga ang mga teksto ng

mga Mycenean sa pagpapanatili ng

sinaunang mga tula at mitolohiyang

Griyego. Ang kakayahan ng mga

Mycenaean sa pakikidigma ay mahalaga

rin sa sumunod na kabihasnan. Nagpakita

ang mga Mycenaean ng kahusayan sa

paggamit ng chariot, isang dahilan ng

kanilang tagumpay sa pakikidigma. Katulad

ng panahon ng kabihasnang Mycenaean,

ang mga digmaan ay naging isang

mahalagang bahagi sa pakikipag-ugnayan

ng mga lungsod-estado ng Gresya.

Linear B

Pader Gamit ang Estilong Cyclopean

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Isa-isahin ang hinihingi ng sumusunod na pangungusap.

A. Anim na ambag ng kabihasnang Minoan sa daigdig:

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

4. ______________________________

5. ______________________________

6. ______________________________

B. Apat na kontribusyon ng kabihasnang Mycenaean sa mundo:

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

4. ______________________________

Suriin Natin

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Bakit mahalaga ang Linear A sa pagbuo ng kabihasnang sa Gresya kahit hindi pa ito

nauunawaan hanggang sa kasalukukuyan?

2. Ano ang matibay na patunay na nakaiimpluwensiya ang mga ambag ng kabihasnang

Minoan sa kasalukuyang kabihasnan?

3. Paano nakahihigit ang kabihasnang Mycenaean sa Minoan pagdating sa arkitektura?

Sa iyong palagay, ano ang maaaring kakulangan o kahinaan ng kasalukuyang kabihasnang

Europeo o ng mundo kung hindi nagsumikap tungo sa kasakdalan ang mga pinuno at

mamamayan ng kabihasnang Minoan at Mycenaean?

Punan ang tsart.

1. Piliin at itala ang pinakamahalagang pamana, ambag, o kontribusyon ng bawat

kabihasnang klasiko sa Europa.

2. Pagkatapos, ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

3. Suriin ang tatlong itinalang pinakamahahalagang pamana at ang isinulat na

paliwanag. Pumili ng isang pinakanamumukod-tangi at pinakamaimpluwensiya sa

buong mundo.

4. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

Minoan Mycenaean

1. Pinakamahalaga

2. Paliwanag

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

3. Pinaka namumukod-tangi

4. Paliwanag

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Malabo at

magulo ang

talahanayan,

kulang ng

maraming

detalye; wala o

kulang ang

kasanayan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Medyo malinaw

ang talahanayan,

kulang ng

maraming

detalye;

kailangang

masanay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto at

malinaw ang

talahanayan,

kulang ng ilang

detalye;

naipakita ang

kakayahan sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kumpleto,

napakalinaw, at

tama ang

nilalaman ng

talahanayan;

naipakita ang

husay sa

pagsusuri at

pagpapaliwanag

Kaayusan

at Kalinisan

Walang kaayusan

at napakadumi

ng output;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Kailangang

matutong

maging maayos

at malinis sa

paggawa;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

output; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

ipinasang

output; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa ng

output sa loob ng

ilang minuto/

oras/araw/ linggo

matapos ang

Nakapagpasa ng

output sa loob ng

ilang minuto/

oras/araw/ linggo

matapos ang

Nakapagpasa ng

output sa

itinakdang

minuto/oras/

Nakapagpasa ng

output bago pa

ang itinakdang

minuto/oras/

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

itinakdang

panahon ng

pagpapasa dahil

ipinaalala ng

guro

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

araw/linggo ng

pagpapasa

araw/linggo ng

pagpapasa

KABUUAN

Makikita sa larawan sa ibaba ang Trojan Horse habang hinihila papasok sa Troy. Ito ay

isang malaking kabayong gawa sa kahoy na may malaking espasyo at butas. Sa loob nito

nagtago ang mga Griyegong kawal upang lihim na makapasok sa Troy.

Ang Trojan Horse ay ipinagawa ni Odysseus

sa isang Griyegong manlililok. Nang matapos

na, sumakay sa loob nito ang

pinakamatatapang na mandirigmang

Griyego patungo sa Troy, habang ang iba ay

naglayag sa karagatan, ani mo’y pauwi na ng

Gresya. Nang matanaw ng mga taga-Troy

ang kabayong kahoy, inakala nila na ito ay

tanda ng pagsuko ng mga Griyego sa

labanan. Ang ilan ay nag-akala na ang

kabayo ay isang alay para sa kapayapaan na

ibig dalhin ng mga Griyego papasok sa mga

tarangkahan ng Troy. Dahil sa laki nito,

kinailangang baklasin ang bahagi ng pader

na nakapaligid sa Troy. Nagbunyi ang mga

taga-Troy nang maipasok na ang higanteng kabayong kahoy.

Habang mahimbing na natutulog ang mga tagaroon, lumabas mula sa loob ng kabayo ang

mga Griyegong kawal. Sinalakay nila ang mga kaaway. Dumating din ang mga barkong

pandigma ng mga Griyego at natupok ng apoy ang buong Troy.

Karagdagang Kaalaman

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Bumuo ng dalawang pangkat. Isagawa ang inaasahang pagganap (performance task).

Kayo ay mga eksperto sa iba’t ibang larangan o disiplina: kasaysayan, sosyolohiya,

arkeolohiya, at iba pa. Magsasagawa kayo ng isang komprehensibo at sistematikong pag-

aaral o pagsusuri tungkol sa mga kabihasnang klasiko sa Europa (pumili ng isa):

• Minoan

• Mycenaean

Ang pangkalahatang layunin ng gagawing pag-aaral na matalakay o masuri nang malalim

ang kasaysayan, kultura, at mahahalagang pamana ng mga kabihasnang klasiko sa

sangkatauhan. Inaasahang pagkatapos maipahayag sa buong mundo ang resulta ng pag-

aaral ay higit na mauunawaan ng mga tao ang mahahalagang kaalaman o impormasyon

tungkol sa mga nabanggit na kabihasnan, at higit na mapahalagahan ang mga

kontribusyon ng bawat isa sa kasalukuyang panahon.

Para higit na maunawaan ang inaasahang pagganap, narito ang GRASPS:

Tunguhin

(Goal)

Magsagawa ng makabuluhang pag-aaral o pagsusuri

tungkol sa mga kabihasnang klasiko sa Europa

Gampanin

(Role)

Mga eksperto sa iba’t ibang larangan o disiplina:

kasaysayan, sosyolohiya, arkeolohiya, at iba pa

Tagatanggap

(Audience) Buong mundo

Kalagayan

(Situation)

Dahil sa limitadong kaalaman, dapat maipaunawa sa

mga tao ang mahahalagang impormasyon tungkol

sa mga kabihasnang klasiko

Bunga at Pagganap

(Product and Performance)

Pagganap: Pagtatanghal (talakayang panel, debate,

talk show, pagbabalita, at mga katulad nito)

Pamantayan

(Standard) Rubrik

Pagyamanin Natin

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Mahalagang paalala: Gagampanan ng mga mag-aaral ang kani-kaniyang gampanin

o role bilang mga nasa wastong gulang (adults). Hayaan silang unawaain ang kabuuan ng

inaasahang pagganap, gagabayan lamang ng guro kung kinakailangan.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Pagtatanghal Napakagulo ng

ipinamalas na

pagganap;

nakaaantok

panoorin;

walang malinaw

na tunguhin at

hindi

napalutang ang

pangunahing

layunin; walang

gumanap ng

tamang role

Medyo magulo

ang ipinakitang

inaasahang

pagganap;

medyo walang

ganang

panoorin; hindi

nakamit ang

pangunahing

layunin; hindi

nagampanan

ng ilan ang

kani-kaniyang

role

Nairaos nang

maayos ang

inaasahang

pagganap;

bahagyang

nakahihikayat;

natamo ang

pangunahing

layunin;

nagampanan

ang kani-

kaniyang role

Napakaayos,

napakahusay,

at napakalinaw

ng pagganap;

tunay na

nakahihikayat;

natamo ang

pangunahing

layunin;

nagampanan

nang buong

husay ang kani-

kaniyang role

Pagpapahalaga Nangailangan

ng paggabay

kahit sa

simpleng

gawain;

madaling

umayaw;

umaasa sa iba

Nakayang

gawin ang

madadaling

bahagi,

nangailangan

ng paggabay;

ginawa muna

ang mahihirap

na bahagi,

maaaring

umayaw kung

walang

paggabay

Nakayang

gawin ang

mahihirap na

bahagi,

nangailangan

ng paggabay;

ginawa muna

ang mahihirap

na bahagi, kaya

pa ring

magpatuloy

kahit walang

paggabay

Pinaghirapan at

pinaghandaang

mabuti ang

gawain, hindi

na

nangailangan

ng paggabay;

madaling

nakaugnay at

natapos sa oras

ang gawain

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Pakikilahok ng

Bawat

Indibidwal

Hindi nakilahok

at walang

interes sa

paghahanda at

pagsasakatupa

ran ng gawain

May

naipakitang

kaunting

interes at

pakikilahok sa

paghahanda at

pagsasakatupa

ran ng gawain

Nagpakita ng

interes subalit

hindi gaanong

nakilahok sa

paghahanda at

pagsasakatupa

ran ng gawain

Nagpakita ng

masidhing

interes at

aktibong

pakikilahok sa

buong

paghahanda at

pagsasakatupa

ran ng gawain

KABUUAN

Kabihasnang Klasiko sa Europa

Minoan Crete

MycenaeanTimog ng Greece at Kanlurang Turkey

Mga Ambag sa Daigdig

Epiko, malalaking pader

Paglalagom

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas

malalim na pagtalakay:

• “Ancient Worlds: The Minoans” ng witch.ie

(https://www.youtube.com/watch?v=prwtx7C8hQU)

• “Mycenaean Greece” ng Thersites the Historian

(https://www.youtube.com/watch?v=T3SwmL5dHSs)

• “Mycenaeans The Civilization Of Heroes {DOCUMENTARY}” ni Nicolas Thierry

(https://www.youtube.com/watch?v=NZRbotD3sok)

DAPAT TANDAAN

• Ang kabihasnang Minoan ay umusbong sa isla ng Crete noong 2800 BCE.

Bumagsak ito noong 1450 BCE dahil sa pananakop ng mga Mycenaean. Ang

mga Minoan ay mga mandaragat at mangangalakal.

• Ang Mycenae ay itinuturing na unang estadong Griyego na yumabong mula

1600 BCE hanggang 1100 BCE. Ang kabihasnang Mycenaean ay kilala dahil

sa husay sa digmaan.

• Ang ilan sa ambag ng mga Minoan ay ang Linear A, mga gawang sining tulad

ng fresco, at ang pagsasagawa ng mga palaro.

• Ang ilan sa ambag ng mga Mycenaean ay ang Linear B, ang cyclopean na

arkitektura, at ang kanilang kahusayan sa pakikidigma.

Dagdag Sanggunian

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

34

Aralin 1: Kabihasnang Minoan

Subukan Natin

Suriin Natin

A.

1. Tama

2. Tama

3. Tama

4. Tama

5. Mali

B. Walang tamang pagkakasunod-sunod:

1. fresco

2. palayok

Gabay sa Pagwawasto

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

35

Anuman ang pagkakasunod-sunod:

3. palayok na yari sa luwad

4. armas na gawa sa tanso

5. mga yamang dagat

Aralin 2: Kabihasnang Mycenaean

Subukan Natin

Malayang sagot

Halimbawa:

1. teritoryo – sakop na lupain

2. bumagsak – nasakop

3. cyclopean – malaki

4. natagpuan – nakita; ikinalakal

5. impluwensiya – ambag; kontribusyon; pamana

6. humina - bumagsak

Suriin Natin

A.

1. F

2. D

3. C

4. E

5. A

B.

Anuman ang pagkakasunod-sunod:

1. mga nahukay na pook ng kanilang kabihasnan

2. kay Homer

Anuman ang pagkakasunod-sunod:

3. manggagawa

4. kawal

5. artisano

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

36

Aralin 3: Kontribusyon ng mga Kabihasnang Minoan at Mycenean

sa Daigdig

Subukan Natin

Suriin Natin

A.

1. sistema ng pagsulat (Linear A)

2. makakapal na pader

3. fresco

4. Kuwento ni Haring Minos

5. palaro (boksing, wrestling, at pagtalon sa ibabaw ng toro)

6. sistemang alkantarilya

B.

1. literatura (epikong Iliad)

2. arkitektura (estilong cyclopean)

3. sistema ng pagsulat (Linear B)

4. chariot

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 5 Kabihasnang …

Copyright © 2018 Quipper Limited

37

"Aegean Civilizations." Miami University. Nakuha mula sa http://www.users.miamioh.edu/

vascikgs/hst121/Frankforter_Chapter_3.pdf

"Minoan Civilization." Encyclopedia Britannica. Nakuha mula sa

https://www.britannica.com/topic/Minoan-civilization

"Minoan Crete." Foundation of the Hellenic World. Nakuha mula sa

http://www.fhw.gr/olympics/ancient/en/102.html.

"Mycenaean Civilization." The MET Museum. Nakuha mula sa

http://www.metmuseum.org/toah/hd/myce/hd_myce.htm.

"Mycenaean Greece." Foundation of the Hellenic World. Nakuha mula sa

http://www.fhw.gr/chronos/02/mainland/en/mg/achievements/index.html

Cartwright, Mark. "MinoanCivilization." Ancient History Encyclopedia. Nakuha mula sa

http://www.ancient.eu/Minoan_Civilization/

Cartwright, Mark. "Mycenaean Civilization." Ancient History Encyclopedia. Nakuha mula

sa http://www.ancient.eu/Mycenaean_Civilization/

De Feo, Giovanni, George Antoniou, Hilal Franz Fardin, Fatma El-Gohary, XiaoYunZheng,

Ieva Reklaityte, David Butler, Stavros Yannopoulos, and Andreas N. Angelakis. "The

Historical Development of Sewers Worldwide." Sustainability 6 (2014). Nakuha mula

sa http://www.mdpi.com/2071-1050/6/6/3936/pdf

Renfrew, Colin. "Word of Minos: the Minoan Contribution to Mycenaean Greek and the

Linguistic Geography of the Bronze Age Aegean." Cambridge University Press.

Nakuha mula sa https://www.cambridge.org/core/journals/cambridgearchaeological-

journal/article/div-classtitleword-of-minos-the-minoan-contribution-tomycenaean-

greek-and-the-linguistic-geography-of-the-bronze-ageaegeandiv/

6A78513BAB977B89449965B0961D9349.

Spielvogel, Jackson. Western Civilization, 9th Ed. USA: Cengage Learning, 2015.

Waters, Tommi."Minoan Civilization: Social Structure & Political Organization."

Study.com. Nakuha mula sa http://study.com/academy/lesson/minoan-

civilizationsocial-structure-political-organization.html.

Sanggunian