32
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 4: Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano 7

Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

  • Upload
    others

  • View
    48

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

Araling Panlipunan

Unang Markahan - Modyul 4:

Ang Yamang Likas at Ang

Pamumuhay ng mga Asyano

7

Page 2: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Queenza D. Villareal / Jocelyn D. Flores / Reysielyn E. Santos

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/

Benedict Viola/Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: Queenza D. Villareal

Tagalapat: John Eric B. Calderon / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

iii

7

Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 4

Ang Yamang Likas at Ang

Pamumuhay ng mga Asyano

Page 4: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay

ng mga Asyano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang-likas ng

mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naisasalaysay ang epekto ng kapaligirang pisikal sa pag-unlad ng

pamumuhay sa Asya;

2. nasusuri ang ugnayan ng kapaligirang pisikal at pamumuhay ng mga

Asyano; at

3. natatalakay ang paraan ng paggamit ng mga Asyano sa likas na yaman sa

kanilang pamumuhay noon at ngayon.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

2

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang

lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang

mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang

aralin sa modyul na ito.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asya. Ano-ano ang mga likas na

yaman na bumubuo sa Asya?

A. kagubatan at yamang mineral

B. yamang-lupa at yamang tubig

C. yamang tubig, lupa, mineral at kagubatan

D. yamang lupa, tubig at mineral

2. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bulubunduking lugar. Alin sa mga

sumusunod ang yamang mineral ang matatagpuan sa nasabing rehiyon?

A. tanso at uranium

B. tanso, phosphate at natural gas

C. langis at natural gas

D. tungsten, tinga at tanso

3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga ng hindi tamang paglinang

at pangangalaga ng likas na yaman?

A. pagkakaroon ng masaganang hanapbuhay.

B. uunlad ang ekonomiya ng bansa.

C. hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao.

D. mapapaunlad ang sistema ng agrikultura.

4. Katatagpuan ng malawak na damuhan ang Hilagang Asya. Ano ang maaaring

maging hanapbuhay ng mga naninirahan sa nasabing rehiyon?

A. pangingisda

B. pangangaso

C. pagmimina

D. pagtatanim

5. Mayroong tatlong uri ng yamang mineral sa Tajikistan. Alin sa mga sumusunod

ang HINDI kabilang sa yamang mineral ng Tajikistan?

A. industriyal na di-metal

B. industriyal na metal

C. mineral na panggatong

D. metalikong mineral

Page 9: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

3

6. Bawat rehiyon ng Asya ay may taglay na yamang likas. Anong rehiyon ng Asya

ang may kakayahang magluwas ng liquefied gas sa iba’t ibang panig ng mundo?

A. Kanlurang Asya

B. Timog Asya

C. Silangang Asya

D. Hilagang Asya

7. Ang mga tao ay itinuturing na yaman ng kanyang bansa. Ano ang maaaring

maging epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa Asya?

A. Hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao.

B. Babagsak ang ekonomiya ng bansa.

C. Maraming mawalan ng hanapbuhay ang tao.

D. Lahat ng nabanggit

8. Kilala ang rehiyon ng Silangang Asya sa husay sa paggawa ng mga kagamitang

elektroniko. Alin sa sumusunod na bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya

at tinaguriang World’s Leading Industrial Power?

A. Thailand

B. Saudi Arabia

C. Pilipinas

D. Japan

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sistemang pang-irigasyon, paggamit

ng iba’t ibang butil at makabagong abono?

A. Land Reclamation Schemes

B. Land Subdivision Schemes

C. Land Rehabilitation Schemes

D. Land Mall Schemes

10. Ang bawat rehiyon ng Asya ay nagsusumikap na mapataas ang antas ng

kanilang ekonomiya. Kinikilala ang rehiyong ito sa Asya bilang Rising Economy?

A. Silangang Asya

B. Timog-Silangang Asya

C. Hilagang Asya

D. Kanlurang Asya

11. Sagana ang Kanlurang Asya sa yamang mineral. Anong bansa mula sa nasabing

rehiyon ang may ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo?

A. Saudi Arabia

B. Dubai

C. Qatar

D. Lebanon

12. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang produkto ng Yemen?

A. langis

B. bulak

C. gas

D. palay

Page 10: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

4

13. Sa pamamagitan ng pagsasaka, natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.

Gayundin, nagkakaroon sila ng mga produktong panluwas. Ano ang ibig

ipahiwatig nito?

A. Hindi na kailangan ang pangingisda at pag-aalaga ng hayop upang punan

ang pangangailangan sa pagkain

B. Mahalagang pangalagaan ang mga lupang sakahan upang mapanatiling

sagana sa suplay ng pagkain at ng iba’t ibang produkto ang mga Asyano.

C. Hindi napapakinabangan ng mga Asyano ang mga produkto at hilaw na

materyales mula sa pagsasaka

D. Higit na mahalaga ang industriyalisasyon sa pagtugon sa

pangangailangan ng mga tao

14. Ang palay ang pangunahing pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang

Asya. Bakit ito itinuturing na mahalagang butil-pananim?

A. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.

B. Mahirap itong itanim dahil mayroon lamang angkop na lupa para rito

C. Higit na masustansya ang ibang butil gaya ng mais, barley at trigo

kumpara sa palay.

D. Kakaunting produkto lamang ang magagawa mula sa mga palay

15. Ang sektor ng agrikultura ay maraming halaga sa isang bansa. Alin sa mga u

sumusunod ang HINDI kabilang sa halaga ng sektor na ito?

A. Pinagkukuhanan ito ng hilaw na materyales.

B. Nagbibigay ng hanapbuhay sa tao.

C. Nagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng mga magsasaka at ng may-ari ng lupa.

D. Pinagkukuhanan ito ng kitang panlabas.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

5

Aralin

1 Ang Mga Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano

Sa ika-apat na bahagi ng modyul na ito ay pag-aaralan

natin ang mga yamang likas ng Asya at ang kaugnayan nito

sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa naunang aralin ay

ipinakilala ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.

Ngayon naman ay ang epekto ng likas na yaman sa

pamumuhay ng mga Asyano.

Balikan

Bago ka magtungo sa susunod na aralin ay ating balikang muli ang iyong mga

natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing nasa ibaba.

MAYAMAN ang ASYA!

Gamit ang mapa, punan mo ang mga kahon ng limang halimbawa ng mga

katangi-tanging likas na yaman na matatagpuan at sagana sa bawat rehiyon ng

Asya. Sagutin mo rin ang mga gabay na tanong na nakapaloob sa gawaing ito.

HILAGANG ASYA

KANLURANG

ASYA

TIMOG-SILANGANG ASYA

TIMOG ASYA

SILANGANG

ASYA

Page 12: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

6

Sagutin mo ang mga sumusunod:

1. Ipaliwanag mo kung ano-ano ang pagkakatulad ng mga likas na yamang taglay

ng bawat rehiyon sa Asya.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Paano nagkaiba-iba ang mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Sa kabuuan, papaano mo mailalarawan ang likas na yamang taglay ng Asya

bilang pinakamalaking kontinente sa mundo?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Tuklasin

Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad

ng kalupaan, katubigan, malalawak na kagubatan, mga hayop, mineral

at iba pang mga katulad nito ay maituturing na yamang-likas sa isang

lugar. Kung hindi sa yamang taglay ng kapaligiran, ano kayang uri ng

pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo makagagawa ng mga

produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya ang paraan

ng ating pamumuhay?

Ating bibigyan ng mga kasagutan ang ilan sa mga katanungang ito sa

pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na

ito.

Kaya Kong Iugnay! (Pagsusuri ng Diagram)

Suriin mo ang mga larawan at alamin ang nais na ipahiwatig ng diagram na

nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan para sa

gawaing ito.

A B

Page 13: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

7

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang ipinapahiwatig ng unang pangkat ng mga larawan? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano naman ang ipinapahiwatig ng ikalawang pangkat ng mga larawan?

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Paano kaya nagkakaugnay ang ipinapakita ng dalawang pangkat ng larawan sa bawat isa?

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Nagiging mahalagang salik ba ang mga bagay na nakukuha ng tao sa kapaligiran

upang magkaroon ng pagbabago sa pamumuhay sa paglipas ng panahon?

Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Suriin

Ang mga bansa sa Asya ay nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang larangan

tulad ng agrikultura, ekonomiya at kultura. Kaya naman sa pagdaan ng panahon ay

unti-unting nakikita ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay gamit ang kani-

kanilang likas na yamang taglay. Ang mga yamang-likas na ito ay nagbigay ng hilaw

na materyales na maaaring iproseso upang maging panibagong produkto na

nakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano. Kung iyong

matatandaan sa nakaraang modyul, natuklasan mo na hindi magkakamukha ang

mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya sapagkat ito ay nakadepende

sa heograpiya o katangiang pisikal na taglay nito.

Gamit ang mga bagay na natutuhan mo tungkol sa likas na yaman ng Asya,

atin naman ngayong alamin at mas unawain ang implikasyong nadudulot ng mga

ito sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang mga ito ay nakaaapekto sa iba’t ibang

larangan ng pamumuhay ng mga Asyano kagaya ng agrikultura, ekonomiya,

panahanan at kultura.

Page 14: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

8

Sa bahaging ito ng modyul, ay ating susuriin sa kung papaano na

nakakaapekto ang likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano at ang

implikasyon nito sa mga larangan tulad ng agrikultura, ekonomiya at panahanan.

IMPLIKASYON NG LIKAS YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO

Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong

lupa, anyong tubig, anyong gubat at mineral na lubos na nakaaapekto sa takbo ng

pamumuhay ng mga Asyano. Bukod sa naging panirahan ng tao, ang anyong lupa

ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kultura at pamumuhay ng mga tao.

Ang mga bulubundukin ay nakatutulong upang maging tanggulan o idepensa ng

isang lugar laban sa mga mananakop at harang sa malalakas na bagyo. Ang ilang

mga disyerto, baybay-gilid at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay

nagtataglay ng samut-saring yamang mineral, mga metaliko, di-metaliko, at gas.

Ang bundok at gubat ay naging panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife.

Ito rin ay nagbibigay ng mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na

materyales. Ang kapatagan at mga lambak naman ay binubungkal, sinasaka at

nililinang ng tao para sa mga pananim. Ang mga damuhan at mga burol ay

ginagawang pastulan na nakatutulong sa pagtustos sa pang-araw-araw na

pamumuhay. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-

ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

Katulad sa sinaunang kabihasnan, ang mga anyong tubig tulad ng lawa at

ilog ay pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na

gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga sakahan at

taniman, daanan ng mga transportasyong pantubig, kalakalan at pinagkukuhanan

ng mga pagkain at mga palamuti.

Agrikultura

Ang agrikultura ay isang napakahalagang

sektor sa isang bansa dahil ito ang nagbibigay ng

kabuhayan sa maraming mamamayan. Ang pagkain

at ilang produktong panluwas ay nagmumula sa

pagsasaka. Ang mga Asyano ay may organisadong

irigasyon, may malawakang kultibasyon ng lupain,

paggamit ng araro at pagkakaroon ng

espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng

burokratikong kontrol. Sa paglaki ng produksyon,

ang ilang kompanya ay gumagamit ng makabagong

makinarya upang mapabilis at maparami ang

produkto. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagtugon

ng pangangailangan ng mamamayan.

Page 15: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

9

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA SA BANSA

Pinagkukuhanan ng kitang panlabas.

Pangunahing nagbibigay trabaho sa mamamayan.

Pinagkukuhanan ng hilaw na materyal upang makabuo ng bagong produkto.

Ekonomiya

Ang likas na yaman ang naging susi sa pag-

unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. Ang

ekonomiya ay sumasagot sa tanong na: Paano

tutugunan ng pamahalaan ang walang katapusang

pangangailangan at kagustuhan ng mga tao? Ang mga

bansa sa Asya ay unti-unting umunlad gamit ang

kani-kanilang likas na yaman na ginawang panustos

sa materyales na kailangan sa mga pagawaan. Ang

ilang salat sa likas yaman ay umaangkat at

nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang

bansa upang tugunan ang kanilang pangangailangan

sa produksyon. Nakatutulong nang higit ang

makabagong teknolohiya sa pagtaas ng pambansang

kita na nakabubuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Panahanan

Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay

nakaaapekto nang lubos sa likas na yaman. Ang

pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang

hanggan ngunit ang pinagkukunan ng yaman ay

limitado lamang. Sa katunayan, ang populasyon ng

Asya ay mabilis na lumolobo ngunit ang lupa ay

mananatili sa sukat nito. Samakatuwid, lumiliit ang

espasyo ng lupa para sa panahanan ng mga tao. Kung

kaya’t ang ilan ay isinagawa ang land conversion na

nakapagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Ginagamit ng tao ang

espasyo ng panirahan na dapat lamang ay para sa mga hayop. Dahil sa talino ng

mga tao sa kasalukuyan at bunga ng teknolohiya, nakakayang baguhin ang

kakayahan ng lupa at kanilang kapaligiran.

Ngayon ay nalaman mo na kung saan sa mga pangunahing larangan ng

pamumuhay ng mga Asyano nagkakaroon ng implikasyon ang likas na yaman. Sa

puntong ito, atin namang suriin ang implikasyon ng agrikultura, ekonomiya at

panahanan sa pamumuhay ng mga Asyano. Gamit ang mga impormasyong nakatala

sa sumusunod na smart art graphic organizer na magbibigay ng mas malalim na pag-

unawa sa pag-angkop ng bawat rehiyon sa Asya upang matamasa ang pag-unlad sa

kanilang pamumuhay. Unawaing mabuti ang mga impormasyon upang masagutan

at maisagawa mo ang mga gawain na kaugnay nito.

Page 16: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

10

HILAGANG ASYA

SILANGANG ASYA

Itinuturing na sentro ng agrikultura sa rehiyong ito ang Fergana

Triangle at ang lambak ng Chui River. Ito ay kilala rin sa pagkakaroon

ng masagana at mayamang lupain. Ang Syr Darya River at Amu Darya

River naman ang pinagmumulan ng kuryente sa malawak ng lupain ng

rehiyon. Samantala, ang kagubatan ng Alpine naman ang sumusustento

sa pangangailangan ng mga alagang hayop. Sa ilang bansa naman sa

Hilagang Asya ay pagtatanim ng palay, trigo, barley, bulak, tabako, sugar

beets, sibuyas, ubas at mansanas ang kanilang ikinabubuhay.

Agrikultura

Maliban sa produktong agrikultural, kilala ang rehiyong ito na mayaman

sa mga mineral tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, at natural gas.

Itinuturing din ang rehiyong ito na pangwalo sa pinakamalaking

prodyuser ng ginto at kemikal sa buong mundo, sapagkat ito ay sagana

sa yamang-mineral. Sa rehiyong ito rin matatagpuan ang pinakamalaking

minahan sa buong mundo, ang Muruntau Gold Mine na matatagpuan sa

disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan.

Ekonomiya

Ang Kazakhstan ay isa sa may malaking pagtaas sa bilang ng populasyon

sa Hilagang Asya.

Ang tirahan ng mga tao sa rehiyong ito ay tinatawag na yurts na animo

isang tolda na madaling itiklop sa sandaling kailangang ilipat ng lugar

upang makapanginain ang kanilang mga alagang hayop. Samantala, sa

pook-urban naman nananahan ang mga tao sa mga pabahay na gawa sa

modernong arkitektura.

Panahanan

Ang mga lambak-ilog ng China, ang Huang Ho at Yangtze, ay nakatulong sa

pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino sapagkat ito ay nagbibigay ng matabang lupa

para sa pangunahing produkto ang trigo, palay, barley, bulak, tabako, sugar beets,

sibuyas, ubas at patatas. Sa rehiyong ito ay ipinatupad ang land reclamation

shemes, sistemang irigasyon, paggamit ng iba’t ibang uri ng butil at makabagong

abono.

Agrikultura

Sa rehiyong ito matatagpuan ang pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten,

tin, antimony, zinc at iba pang metal at maging sa yamang hydropower.

Ilan sa mga bansang kilala rito ay sagana sa iba’t ibang likas na yaman tulad ng:

China- ito ay may langis at iba pang mineral na karaniwang nagmumula sa gitna

at hilagang kabundukan nito.

Taiwan-nakatulong ang wind at solar energy sa pag-unlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng gadget.

Japan- naman ang naging kauna-unahang economic miracle sa rehiyon, bagay

na nagbigay-daan sa World’s Leading Industrial Power.

South Korea- naging maunlad sa produktong tela, plastic, abono, at mga

kagamitang elektroniko. North Korea naman ay nanguna sa mga produksyon ng graphite, tungsten at

magnesite.

Mongolia- na mayaman sa mineral na ginto at wolfam.

Ekonomiya

Page 17: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

11

TIMOG – SILANGANG ASYA

Ang klimang monsoon ang nagbibigay ng higit na

masaganang produksyon ng bigas at iba pang produkto sa

mga bansa ng rehiyong ito. Halimbawa ang bansa ng

Indonesia na katatagpuan ng masaganang sakahan na

ikinabubuhay ng mga tao roon. Sa Malaysia, Thailand at

Cambodia naman matatagpuan ang malawak na

plantasyon ng goma.

Kinilala bilang Rising Tiger Economy o may maunlad

na ekonomiya sa mundo ang rehiyong ito. Naging

mahalagang produkto ng mga bansa rito ang mga

pampalasa tulad ng paminta, luya, bawang at nutmeg.

Samantala, 70% naman ng ekonomiya ng Cambodia ay

nakatuon sa paggawa ng mga kahoy na

pangkonstruksiyon. Mahalaga naman sa Malaysia ang

industriya ng timber samantalang, binigyang pansin ng

Laos ang industriyang handricraft. Ang Vietnam naman ay

kilala sa paggawa ng tela, electronics at sasakyan.

Samantala, nalinang ng Singapore ang kalakalang

extended entrepot na may kinalaman sa pagbili ng hilaw

na materyales mula sa ibang bansa. Ang bansang ito ay

kilala sa kasalukuyan bilang pinaka-industriyalisadong

bansa sa Timog-Silangang Asya.

Ilan sa mga bansa rito ay karaniwang gumagamit ng

prefabricated o pinagkabit-kabit na materyales sa pagbuo

ng panahanan. Ang tirahan ng mga mangingisda na malapit

sa tabing-dagat ay sinusuportahan ng mga poste.

Sa bansang Indonesia, ipinatupad ang transmigration

policy. Ito ay pagtugon ng kanilang pamahalaan sa mga

taong walang tahananna naninirahan sa mga lugar na

punung-puno ng tao. Sila ay tutulungan ng pamahalaan na

lumipat at magkaroon ng bahay sa isang lugar na kakaunti

ang mga tao.

Agrikultura

Ekonomiya

Panahanan

Karaniwang magkakalapit na pamayanan na gawa sa luwad at adobe ang

tirahan ng mga magsasaka. Sa probinsya ng Sichuan, China, gawa sa ladrilyo ang

tirahan na karaniwang nakatayo sa gilid ng bundok. Ang mga Tsinong

naghahanapbuhay sa lungsod ay naka-condominium. Samantala, nomadic o walang

permanenteng tirahan ang buhay sa hilagang bahagi ng Xinjiang at Tian Shan. Sa

mga magsasaka Koreano, sila ay karaniwang naninirahan sa Hilagang bahagi ng

South Korea na nang naglaon at nagsimula ang modernisasyon ay unti-unting

lumipat sa lungsod upang mag-aral at maghanapbuhay.

Panahanan

Page 18: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

12

TIMOG ASYA

Ekonomiya

Panahanan

Agrikultura

Ang 80% ng populasyon ng Timog Asya ay umaasa sa

pagsasaka. Ang mga bansa na sakop nito ay umaani ng palay,

trigo, jute, tubo, mais, patatas, kamote.

Katulad sa Bangladesh, pinakamahalaga sa kanila ang

sektor ng agrikultura. Gayon din sa Bhutan at Nepal na

pagsasaka at paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay.

Sa India naman na tinaguriang Pusong Lupain ng India at

kinilalang pinagmulan ng sinaunang kabihasnan

matatagpuan ang malawak na lambak ng Indus, Ganges at

Brahmaputra nakabilang sa pinakamatabang kapatagang

sakahan sa daigdig.

Ang mga bansa sa rehiyong ito ay mayaman sa

kagubatan. Dito matatagpuan ang mga tanyag na teak wood

at sandal wood na gamit sa konstruksyon. Sa kabilang

banda, pumapang-apat sa buong daigdig ang India na

nagtataglay ng reserbang karbon. Ang Bangladesh naman ay

mayaman sa natural gas at karbon. Samantalang, ang

Pakistan ay nagtataglay ng natural gas, petrolyo, iron ore,

tanso at limestone. Sa Nepal naman matatagpuan ang

maraming uri ng calcium carbonate, hydropower, at

gypsum. Ang hydroelectric power ay lubos na nakatutulong

sa mga bansa tulad ng India, Pakistan, Bangladesh.

Ang panahanan at kultura ng mga bansa sa Timog

Asya ay naiuugnay sa uri ng klima at topograpiya sa rehiyon.

Ang mga panahanan ay karaniwang parihaba na gawa sa

luwad, kawayan, o pulang ladrilyo. Ang mga panahanang ito

ay kailangang mas mataas sa lupa o kalsada upang

makaiwas sa baha. Sa mga pulo ng Maldives at Sri Lanka,

ang mga panahanang loob ay nakapagbibigay ng mas

malamig na pakiramdam. Sa Bhutan naman ay

kinakailangan ng tirahan na makatatagal sa mahaba at

napakalamig na klima. Samantala, ang Bangladesh ay

nanatili sa rural na uri ng buhay.

Page 19: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

13

KANLURANG ASYA

Agrikultura

• Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang Iran nakilalang pinanggagalingan ng cereal, tubo, iba’t ibangprutas, wheat at barley. Sa Armenia naman, 16% ng lupainay pawang sakahan at 10% ang lakas-manggagawangmagsasaka. Ang Azerbaijan ay 30% ang tinuturing na lakaspaggawa. Sa Turkey at Cyprus naman ay nakapagtatanimat nakapag-aani ng mais, barley at bigas. Samantalangang Yemen ay may produktong millet, sorghum at sesamengunit bulak ang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat.

Ekonomiya

• Nakapagpoprodyus ng mga produktong dairy ateksplorasyon ng mineral sa bansa at kilala sa pagluluwasng langis at natural gas. Dito kilala ang Saudi Arabia napag-aari ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buongmundo. Binigyang-pansin din ng Dubai sa United ArabEmirates ang turismo, financing, manufacturing, at sektorng serbisyo. Samantalang ang Qatar naman ang nanguna sapaglinang ng knowledge economy na tumutukoy sapagkilala at paggamit ng teknolohiya sa paglilinang,pagbabahagi, at paggamit ng kaalaman.

Panahanan

• Ang panahanan ng mga kawani ay gawa sa luwad atsemento. Sa mabubundok naman na bansa ng Lebanon, ilangbahagi ng Syria, Turkey, Iran at Iraq ay may mga panirahanggawa sa malaking tipak na bato at semento.

Page 20: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

14

Pagyamanin

A. I – Tseklist Mo!

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga rehiyon sa Asya na tinutukoy at

inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Paglalarawan

Hilagan

g

Asya

Silan

gan

g

Asya

Tim

og-

Silan

gan

g

Asya

Tim

og A

sya

Kan

lura

ng

Asya

1. Ang rehiyong ito ay kilala bilang “rising tiger

economy”.

2. Ang rehiyong ito ay mayaman sa deposito ng

langis.

3. Lubos na nakatutulong ang hydroelectric

power sa pamumuhay ng tao sa mga bansa

tulad ng India, Pakistan, at Bangladesh.

4. Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang

kinilala bilang kauna-unahang economic

miracle.

5. Dito matatagpuan ang Muruntau Gold Mine

na tinatayang pinakamalaking minahan sa

buong mundo na matatagpuan sa Uzbekistan.

6. Sa rehiyong ito matatagpuan ang Vietnam na

kilala sa paggawa ng tela, electronics at

sasakyan.

7. Sa rehiyong ito nalinang ang knowledge

economy na tumutukoy sa pagkilala at

paggamit ng teknolohiya sa paglilinang,

pagbabahagi, at pagagamit ng kaalaman.

8. Ang rehiyong ito ay mayaman sa kagubatan,

at matatagpuan ang mga tanyag na teak wood

at sandal wood na gamit sa konstruksyon.

9. Sa rehiyong ito matatagpuan ang South Korea

na naging maunlad sa produktong tela,

plastic, abono, at mga kagamitang

elektroniko.

10.Ang rehiyong ito ang pinakamalaking

prodyuser ng ginto at kemikal sa buong

mundo.

Page 21: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

15

B. Hanap Salita!

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang inilalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot

sa sagutang papel.

_______________ 1. Ito ang naging susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa

Asya.

_______________ 2. Isa sa mga uri ng yamang-likas na may impluwensya sa kultura

at pamumuhay ng mga tao.

_______________ 3. Ito ang pangunahing iniluluwas na produkto ng Kanlurang Asya.

_______________ 4. Ito ang pinakamahalagang sektor sa isang bansa dahil dito

nagmumula ang pangunahing pangangailangan ng tao.

_______________ 5. Dito nagmula ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong

mundo.

_______________ 6. Sa rehiyong ito matatagpuan ang ilog Huang Ho at Yang Tze na

nakatutulong sa pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino.

_______________ 7. Ang bansang ito ang pang-apat sa daigdig na nagtataglay ng

pinakamaraming reserbang karbon.

_______________ 8. Dito matatagpuan ang Muruntau Gold Mine na pinakamalaking

minahan sa buong mundo.

_______________ 9. Ang bansang ito ay katatagpuan ng maraming calcium carbonate,

hydropower at gypsum.

_______________ 10. Ipinatupad sa bansang ito ang transmigration policy para sa mga

mamamayan nito na walang tahanan.

Silangang Asya Yamang-Likas Natural gas Nepal

Langis at Petrolyo Agrikultura Pagmimina India

Yamang Lupa Kanlurang Asya Indonesia Uzbekistan

Page 22: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

16

C. Describe it in a Wheel!

Panuto: Ilarawan ang katangian ng sistema ng agrikultura ng bawat rehiyon

sa Asya gamit ang describing wheel na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

D. Sagot Mo…Ipaliwanag Mo…

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, anong rehiyon sa Asya ang may mas maunlad na sistema ng

agrikultura? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Sa paanong paraan napaunlad ng mga Asyano ang kanilang sistema ng

agrikultura?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang larangan ng agrikultura upang mapaunlad

ng mga Asyanong bansa ang kanilang ekonomiya? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Sa paanong paraan nakatutulong ang agrikultura sa paglago ng ekonomiya ng

isang bansa?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Hilagang

Asya

Silangang

Asya

Timog-Silangang

Asya Timog

Asya

Kanlurang

Asya AGRIKULTURA Sa Asya

Page 23: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

17

E. Tahanang Asyano, I-Guhit Mo!

Panuto: Iguhit sa loob ng bahay ang estilo ng panirahan ng mga Asyano

gayundin ang ilan sa kanilang mga kultura batay sa kanilang rehiyon.

Gawin ito sa nakalaang sagutang papel.

F. I-Tama o Mali Mo!

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwang ipinahahayag ng

nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap at kung hindi, isulat ang

kataga o salita na maaaring magwasto rito. Isulat ang sagot sa nakalaang

sagutang papel.

___________ 1. Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang

yamang-likas.

___________ 2. Ang Saudi Arabia ang pang-apat sa buong daigdig na nagtataglay ng

reserbang karbon.

___________ 3. Ang mga bansang salat sa likas na yaman ay umaangkat at

nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang bansa.

HILAGANG ASYA SILANGANG ASYA

TIMOG-SILANGANG

ASYA

TIMOG ASYA KANLURANG ASYA

Page 24: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

18

___________ 4. Ang Pilipinas ay nangunguna sa produksyon ng langis ng niyog at

kopra.

___________ 5. Ang Kanlurang Asya ang pangunahing tagapagtustos ng tungsten,

tin at iba pang metal.

___________ 6. Ang paglobo ng populasyon ay may malaking epekto sa ekonomiya

ng bansa.

___________ 7. Ang mga bundok at kagubatan ay nagsisilbing tirahan ng mga hayop

lalo na ng mga wildlife.

___________ 8. Nangunguna ang Dubai sa paglinang ng knowledge economy.

___________ 9. Nalinang ng Pilipinas ang kalakalan na tinatawag na extended

entrepot.

___________ 10. Ang Japan ang kauna-unahang economic miracle sa rehiyon ng

Silangang Asya.

Isaisip

Punan ang patlang sa bawat pangungusap ng tamang sagot mula

sa kahon sa ibaba.

1. Ang ________________ ay masagana sa likas na yaman na kinabibilangan ng

kagubatan, iba’t ibang uri ng hayop, yamang-tubig, lupa at mineral.

2. Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng mga katangi-tanging ________________ na

nakabase sa katangiang pisikal na kinapapalooban ng mga anyong-lupa at tubig,

klima at maging vegetation cover na matatagpuan dito.

3. Ang bawat rehiyon sa Asya ay nagtataglay ng yamang-mineral, ngunit ang

________________ ang pinakasagana rito. Ito rin ang naging dahilan sa pag-unlad

ng mga bansang matatagpuan dito.

4. Ang mga lupain sa ________________ ay mainam sa pagtatanim at

nakapagpoprodyus ng sapat na produktong agrikultural.

5. Ang sobrang supply ng produkto ay kinakalakal at iniluluwas sa karatig-rehiyon

upang matugunan rin ang kanilang ________________.

6. Malaki ang implikasyon ng likas na yaman sa ________________ ng tao sapagkat

ito ang tutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

7. Ang kapaligiran at mga likas na yaman ay natutuhang gamitin at paunlarin ng

mga Asyano upang makabuo sila ng natatanging ________________ na patuloy na

nababago sa pagdaan ng panahon.

hanapbuhay pangangailangan Saudi Arabia

lambak-ilog likas na yaman pamumuhay

Kanlurang Asya Asya panahanan

yaring produkto kabihasnan mineral

Page 25: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

19

8. Ang ________________ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong

daigdig.

9. Ang mga mauunlad na bansa ay umaangkat ng mga likas na yaman sa mga

maliliit na bansa na walang kakayahang gumawa at magprodyus ng

________________

10. Sa patuloy na pagdami ng tao, patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga

manggagawang nangangailangan ng ________________ at________________.

Isagawa

Ngayon ay naunawaan mo na ang implikasyon ng katangi-tanging

likas na yaman ng Asya sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay noon at

ngayon. Bilang pangwakas na gawain, gumawa ka ng isang ISLOGAN na

magpapakita ng mensahe na maghihikayat na pangalagaan at

pahalagahan ang likas na yaman dahil sa mga bagay na dulot nito sa

ating pamumuhay bilang Asyano.

Sa paggawa mo ng islogan ay isaalang-alang mo ang mga pamantayan sa

pagbibigay ng marka ng iyong guro na makikita mo sa rubrik na nasa susunod na

pahina.

“Likhang Islogan Para sa Likas na Yaman”

Page 26: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

20

RUBRIK para sa ISLOGAN

PAMANTAYAN 4 3 2 1

Mensahe

Ang mensahe

ay mabisang

naipakita

Hindi gaanong

nailahad ang

mensahe

Hindi malinaw

ang mensahe

na nais ilahad

Walang

naipakitang

mensahe

Pagkamalikhain

Napakaganda

at napakalinaw

ng

pagkakasulat

ng mga titik

Maganda at

malinaw ang

pagkakasulat

ng mga titik

Maganda

ngunit di

gaanong

malinaw ang

pagkakasulat

ng mga titik

Hindi maganda

at malinaw ang

pagkakasulat

ng mga titik

Kaugnayan sa

Paksa

Malaki ang

kaugnayan ng

mensahe

nakasaad sa

paksa

Hindi gaanong

naiugnay ang

mensahe sa

paksa

Kaunti lamang

ang kaugnayan

ng mensahe sa

paksa

Walang

kaugnayan ang

mensahe sa

paksa

Kalinisan

Malinis na

malinis ang

pagkakagawa

Malinis ang

pagkakagawa

Hindi gaanong

malinis ang

pagkakagawa

Marumi ang

pagkakagawa

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang

sagutang papel.

1. Ano-ano ang bumubuo sa mga yamang –likas?

A. yamang lupa at yamang tubig

B. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura

C. yamang mineral at kagubatan

D. yamang kagubatan, lupa, mineral at yamang tubig

2. Ang palay ang pangunahing pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang

Asya. Bakit ito itinuturing na mahalaganag butil pananim?

A. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya.

B. Maraming lupa at bukirin ang hindi angkop sa pagtatanim nito.

C. Hindi masarap ang palay kaya mas nais na kainin ang mga pamalit

tulad ng butil ng mais, barley at trigo.

D. Maraming panluwas na produkto maliban sa palay.

Page 27: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

21

3. Bakit itinuturing na pangunahing mineral ng ating bansa ang tanso?

A. Bagong tuklas ang mineral na ito sa ating bansa.

B. May mga yamang mineral sa ating bansa ang nauubos maliban sa tanso.

C. May reserba at may potensyal na mamimili nito.

D. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa ating bansa.

4. Anong yamang mineral mayroon ang lahat ng bansa sa Hilaga o Gitnang Asya?

A. ginto, tanso at uranium C. karbon, langis at natural gas

B. tanso, phosphate at natural gas D. natural gas, tingga at tungsten

5. Dahil sa malawak na damuhan sa Hilagang Asya, ano ang maaaring maging

hanapbuhay dito?

A. pag-aalaga ng hayop

B. pagtatanim ng iba’t ibang punong kahoy

C. pagtatanim ng iba’t ibang produktong pang agrikultura

D. pagtotroso

6. Ano ang maaaring maging epekto sa mga tao kung hindi nila lilinangin at

aalagaan ang ating likas na yaman.

A. pagkakaroon ng magandang hanapbuhay

B. pagkakaroon ng kasalatan sa pagkain at iba pang pangangailangan

C. pag-angat ng industriya

D. pag-unlad ng ekonomiya

7. Sa Hilagang Asya, partikular sa Tajikistan ay matatagpuan ang tatlong uri ng

yamang mineral. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang?

A. industriyal na Metal C. mineral na panggatong

B. natural gas at liquefied gas D. metalikong mineral

8. Sa pamamagitan ng pagsasaka, natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.

Gayundin, nagkakaroon sila ng mga produktong panluwas. Ano ang ibig

ipahiwatig nito?

A. Hindi na kailangan ang pangingisda at pag-aalaga ng hayop upang punan

ang pangangailangan sa pagkain

B. Mahalagang pangalagaan ang mga lupang sakahan upang mapanatiling

sagana sa suplay ng pagkain at ng iba’t ibang produkto ang mga Asyano.

C. Hindi napapakinabangan ng mga Asyano ang mga produkto at hilaw na

materyales mula sa pagsasaka

D. Higit na mahalaga ang industriyalisasyon sa pagtugon sa

pangangailangan ng mga tao

9. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ano ang maidudulot

nito sa mga tao?

A. Pagbagal ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.

B. Matuto ang mga Asyano na linangin at paunlarin ang kani-kanilang

taglay na likas na yaman.

C. Pagkaubos ng likas na yaman ay maaaring maranasan ng mga Asyano.

D. Pagkakaroon ng alitan at pag aagawan ng mga Asyano sa kani-kanilang

yamang likas.

Page 28: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

22

10. Alin sa mga sumusunod ang posibleng epekto ng paglaki ng populasyon ng

bansa?

A. Pagkaubos ng likas na yaman ng mga bansa.

B. Pagsasagawa ng land conversion upang may matirhan ang mga tao.

C. Pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng polusyon.

D. Lahat ng nabanggit

11. Dahil sa taglay na yamang likas ng Timog Asya partikular ang pagkakaroon ng

matabang lupa, nagdulot ito ng mabuting epekto sa tao dahil sa pagkakaroon

nila ng mapagkukunan ng hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang higit angkop na

gawaing pang-ekonomiya ayon sa kanilang likas na yaman?

A. pagsasaka C. pangingisda

B. pagmimina D. pagtrotroso at pagmimina

12. Ang Kanlurang Asya ay biniyayaan ng anong uri ng yamang mineral na

iniluluwas sa iba’t ibang panig ng mundo?

A. natural gas C. petrolyo at langis

B. liquefied gas D. lahat ng nabanggit

13. Malaki ang bahaging ginagampanan ng yamang likas ng isang rehiyon sa pag-

unlad ng kanilang ekonomiya. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?

A. Natutugunan nito ang pangangailangan sa hilaw na materyales ng bawat

bansa upang tugunan ang pangangailangan sa produksyon.

B. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa iilang mamamayan lamang

C. Natutugunan nito ang kagustuhan ng mga mayayamang tao.

D. Dahil sa yamang likas na taglay ng bawat bansa, maaaring kakaunti ang

mamuhunan sa kanila .

14. Ang sektor ng agrikultura ay maraming halaga sa isang bansa. Alin sa mga u

sumusunod ang HINDI kabilang sa halaga ng sektor na ito?

A. Pinagkukuhanan ito ng hilaw na materyales.

B. Nagbibigay ng hanapbuhay sa tao.

C. Nagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng mga magsasaka at ng may-ari ng lupa.

D. Pinagkukuhanan ito ng kitang panlabas.

15. Bakit tinaguriang “Rising Tiger Economy” ang Timog Silangang Asya?

A. Dahil sa patuloy na sigalot sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon

B. Dahil sa kakaunti ang mga namumuhunan dito

C. Dahil sa iilang bansa lamang dito ang umuunlad

D. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo

sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng

harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa

sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Page 29: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

23

Karagdagang Gawain

A. Punan Mo Ito!

Para sa mga karagdagang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na

pagasanay. Gamiting batayan ang mga salitang nakasulat sa loob ng bawat hugis

upang makumpleto ang sumusunod na diyagram. Isulat ang sagot sa nakalaang

sagutang papel.

Agrikultura

Ekonomiya

Panahanan

Silangang Asya Kanlurang Asya

Timog-Silangang

Asya

Hilagang Asya

Timog Asya

Mga Ambag ng

mga Asyano

Page 30: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

24

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1. C

2. B

3. C

4. D

5. A

6. A

7. D

8. D

9. A

10 B

11. A

12. B

13. A

14. B

15. C

TAYAHIN

1. D

2. A

3. B

4. B

5. A

6. B

7. B

8. B

9. B

10 D

11. A

12. B

13. A

14. C

15. D

ISAISIP

1.Asya

2.Likas na Yaman

3.Kanlurang Asya

4.Lambak – Ilog

5.Pangangailangan

6.Pamumuhay

7.Kabihasnan

8.Saudi Arabia

9.Yaring Produkto

10.Populasyon

PAGYAMANIN A

1.Silangang Asya

2.Kanlurang Asya

3.Timog Asya

4.Silangang Asya

5.Hilagang Asya

6.Timog Silangang

Asya

7.Kanlurang Asya

8.Timog Asya

9.Hilagang Asya

10.Hilagang Asya

PAGYAMANIN B

1.Yamang Likas

2.Yamang Lupa

3.Langis Petrolyo

4.Agrikultura

5.Kanlurang Asya

6.Silangang Asya

7.India

8.Uzbekistan

9.Nepal

10.Indonesia

PAGYAMANIN F

1.Tama

2.Ikalima

3.Tama

4.Tama

5.Silangang Asya

6.Tama

7.Tama

8.Qatar

9.Singapore

10.Tama

Page 31: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

25

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource

Management and Development System, 2014.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Page 32: Araling Panlipunan...Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]