6
Banghay Aralin sa Filipino IX Aralin 4 USOK AT SALAMIN: ANG TAGAPAGLINGKOD AT ANG PINAGLILINGKURAN Sanaysay ng Israel Isinalin sa Filipino ni Perla A. Guerrero Pamaksa at Pantulong na Pangungusap LINANGIN I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto 1. Natutukoy ang pamaksa at pantulong na pangungusap sa binasang sanaysay 2. Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng mga tekstong nangangatuwiran 3. Nakabubuo ng sariling talata na may pamaksa at pantulong na mga pangungusap II. Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain Pag-uugnay sa Wika Panimula Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagkilala sa pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagsusuri at pagsulat ng

BANGHAY ARALIN SA TALUMPATI

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Halimbawang banghay-aralin para sa Baitang 9

Citation preview

Page 1: BANGHAY ARALIN SA TALUMPATI

Banghay Aralin sa Filipino IX

Aralin 4

USOK AT SALAMIN: ANG TAGAPAGLINGKOD AT ANG PINAGLILINGKURAN

Sanaysay ng Israel

Isinalin sa Filipino ni Perla A. Guerrero

Pamaksa at Pantulong na Pangungusap

LINANGIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto

1. Natutukoy ang pamaksa at pantulong na pangungusap sa binasang sanaysay

2. Nagagamit ang mga pamaksa at pantulong na pangungusap sa pagbuo ng mga tekstong

nangangatuwiran

3. Nakabubuo ng sariling talata na may pamaksa at pantulong na mga pangungusap

II. Proseso ng Pagkatuto

A. Panimulang Gawain

Pag-uugnay sa Wika

Panimula

Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagkilala sa pamaksa at pantulong na

pangungusap sa pagsusuri at pagsulat ng sanaysay. Makatutulong ito upang matukoy ang

mga detalye at mabigyang-inaw ang paksa.

Sagutin:

Isulat ang tinatalakay o paksa sa bawat talata.

Talata 1

________________________________________________________________________

Page 2: BANGHAY ARALIN SA TALUMPATI

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Talata 2

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Talata 3

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

B. Pagsusuring Gramatikal

1. May kaisahan ba ang mga pangungusap sa bawat talata? Patunayan.

2. Bigyang-pansin ang mga pangungusap na may salungguhit, bakit ito ang binigyang-

pokus sa bawat talata?

3. Paano naman nakatulong ang mga pangungusap walang salungguhit sa bawat talata?

Tandaan mo…

Ang Pamaksa at Pantulong na Pangungusap

1. Pamaksang Pangungusap

Lahat ng talata ay may pangunahing ideya. Ito ang nagbibigay ng pahiwatig tungkol

saan ang pag-unawa sa talata. Ipinahahayag ito sa pamamagitan ng isang

pangungusap na tuwirang natutukoy kung ano ang pinag-uusapan sa buong talata.

Halimbawa:

Tayo ngayon ay nalalagay sa gitna ng krisis pampolitika. Ang ating mga mambabasa

ay nasasangkot sa mga katiwalian. Katunayan marami ng kaso ang nakahainsa

Ombudsman. Gayundin naman ang kani-kaniyang turuan ng bawat isa kung sino

talaga ang may kasalanan. ang pangungusap na may salungguhit ay ang pamaksang

pangungusap . Ang sumunod na mga pangungusap ay pantulong na pangungusap na

Page 3: BANGHAY ARALIN SA TALUMPATI

nagbibigay detalye sa ipinahahayag ng pamasang pangungusap.

2. Pantulong na Pangungusap

Ito ang mga pangungusap na nagbibigay ng paliwanag o detalye sa isinasaad ng

pamaksang pangungusap.

May mga paraan ng pagbibigay ng detalye sa pamaksang pangungusap.

Narito ang ilan:

a. Gumamit ng mga impormasyon na maaaring mapatotohanan.

Halimbawa:

Pamaksang Pangungusap: Nanga-nganib lumubog ang Kalakhang Maynila a darating

na 2020.

Mga Detalyeng Mapatotohanan: Tuwing umuulan binabaha na ang Maynila.

b. Gumamit ng mga istadistika.

Halimbawa:

Pamaksa: Ang ekonomiya ng bansa ay unti-unti nang bumubuti.

Pantulong: Sa nakaraang buwan, umakyat ang dalawang puntos limang bahagdan ang

Gross Domestic Product ng bansa.

c. Gumamit ng mga halimbawa.

Halimbawa:

Pamaksa: Maraming mga kabataan ang nalululong sa iba't ibang bisyo.

Pantulong: Ang ilan sa mga ito'y paninigarilyo, pagsusugal at paggamit ng bawal na

gamot.

C. Pagtataya

Pagsasanay

Isulat sa unang kahon ang pamaksang pangungusap na tinutukoy sa bawat larawan.

Isunod ang mga pantulong na pangungusap.

Page 4: BANGHAY ARALIN SA TALUMPATI

Pagsasanay 2

Pumili ng isa sa mga mungkahing paksa. Bumuo ng pamaksang pangungusap at mga

pantulong na pangungusap gamit ang graphic organizer.

Mungkahing Paksa:

1. Tungkulin ng mga Anak

2. Kahalagahan ng Kagandahang Asal

3. Pagtatamo ng Pangarap

Page 5: BANGHAY ARALIN SA TALUMPATI

Pagsasanay 3

Buuin sa isang talata ang ginawa sa Pagsasanay 2. Dagdagan pa ng mga pantulong na

pangungusap. Lagyan ng pamagat.