May-akda Marites B. Cruz Julia T. Gorobat Norma C. Avelino
Editor Florencia C. Domingo, PhD
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA
Distrito/Paaralan: ______________________________ Dibisyon:
_____________________________________ Unang Taon ng Paggamit:
_______________________ Pinagkunan ng Pondo (pati taon):
_________________
Binagong Edisyon 6 GOP - Textbook Funds
Yaman ng Pilipinas 6 Batayang Aklat sa Heograpiya, Kasaysayan, at
Sibika 6
Binagong Edisyon 2010 Muling Limbag 2014
ISBN: 978-971-0421-30-5 Karapatang-Ari © 2007 EdCrisch
International, Inc.
Ang aklat na ito ay pag-aari ng EdCrisch International, Inc. at
alin mang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala sa anumang anyo
nang walang nakasulat na pahintulot ng tagapaglathala.
Inilimbag ng:
EdCrisch International, Inc. 5059 Filmore St., Cor. Arellano St.,
Palanan, Makati City Tel. No. (02) 407-5953; 834-1334 email:
[email protected]
iii
PAUNANG SALITA
Ang batayang aklat na ito, Yaman ng Pilipinas 6, ay inihanda para
sa mga batang mag-aaral ng Heograpiya, Kasaysayan at Sibika sa
Ikaanim na Baitang.
Ang aklat ay binubuo ng limang yunit na may iba’t ibang aralin para
sa paglinang ng mga kasanayang itinakda ng 2002 Basic Education
Curriculum.
Sa Unang Yunit ng aklat ay matatanto ang kahalagahan ng populasyon,
kalusugan, at edukasyon, ang pagkilala sa tao bilang
pinakamahalagang yaman ng bansa, at masusuri ang mga bumubuo sa
sambayanang Pilipino. Matatalakay rin ang tungkol sa mga
pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino.
Mapag-aalaman sa Ikalawang Yunit ang heograpiya ng Pilipinas, ang
kahalagahan ng teritoryo at lokasyon ng bansa, gayundin ang wastong
pangangalaga sa kalikasan at mga likas na yamang biyaya ng
Maykapal. Mapahahalagahan ang matalinong pagpapasya sa paggamit at
pagtulong sa pangangalaga ng likas na yaman.
Sa Ikatlong Yunit ay matatalakay ang pag-unlad ng pamahalaan ng
bansa at mamamayang Pilipino sa iba’t ibang panahon at ang mga uri
ng pamahalaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, ang mahahalagang
katangian ng bansang demokratiko, sistemang pampulitika ng
Pilipinas, at kahalagahan ng pamahalaan sa isang bansa. Higit ding
mauunawaan ang halaga ng mga karapatan at kalayaan upang
mapangalagaan ang mga ito.
Makikilala nang lubusan ang dalawang uri ng soberanya ng ating
bansa sa Ikaapat na Yunit. Mababatid din ang mga karapatang
tinatamasa ng Pilipinas bilang malayang bansa at ang mga
pagtatanggol ng mga makabayang Pilipino laban sa mga dayuhang
mananakop. Sa yunit ding ito ay mapag-aaralan ang pakikipag-
ugnayan ng bansang maunlad at papaunlad gayun din ang mga samahang
pangrehiyon at pandaigdig.
Sa Ikalimang Yunit ay masusuri ang pagsisikap ng pamahalaan at
mamamayan upang mapatatag ang ating bansa. Malalaman dito ang mga
paraan ng pagiging produktibo, pagpapaunlad at pangangalaga sa
sarili, wastong paggamit ng mga kalakal o serbisyo, pagtitipid ng
enerhiya, at paglutas sa pambansang suliranin na makatutulong sa
pagpapaunlad ng ating bansa ayon sa taglay na kakayahan.
Mga May-akda
iv
Nilalaman
YUNIT I PILIPINO SA PAGSIBOL NG BANSA Kabanata 1 Populasyon ng
Bansa
Aralin 1 Katangian ng Populasyon: Malusog at Matalinong
Mamamayan...............................................................2
Aralin 2 Populasyon ng
Pilipinas.............................................. 5 Aralin 3
Distribusyon at Kapal
ng Populasyong Urban at Rural ................................. 11
Aralin 4 Pandarayuhan
.......................................................... 15
Kabanata 2 Mga Pilipino na Bumubuo sa Bansa Aralin 5 Pagka-Pilipino
.......................................................... 21
Aralin 6 Iba’t Ibang Pangkat Etniko
........................................24
Kabanata 3 Pagtataguyod ng Tao sa Bansa Aralin 7 Pagsasaalang-
alang sa Kalusugan at Edukasyon ....32 Aralin 8 Pagpapahalaga at
Paniniwala .................................. 36 Aralin 9 Mga
Tradisyunal na Pagpapahalaga at Paniniwala....39
YUNIT II ANG HEOGRAPIYA NG PILIPINAS Kabanata 4 Teritoryo ng
Bansa
Aralin 10 Hangganan at Lawak
................................................ 43 Aralin 11 Ang
Lokasyon ng
Pilipinas........................................49
Kabanata 5 Topograpiya at mga Biyayang Yaman ng Kapuluan
Aralin 12 Ang Topograpiya at mga Likas na Yaman ng
Pilipinas...............................................................52
Aralin 13 Mga Likas na Yaman Ayon sa Uri
.............................. 57 Aralin 14 Matalinong Paggamit ng
mga Likas na Yaman.......... 62
Kabanata 6 Pangangalaga sa Teritoryo at mga Likas na Yaman
Aralin 15 Mga Suliraning Pangkabuhayan
............................... 66 Aralin 16 Mga Paraan ng
Pangangalaga sa Teritoryo
at mga Likas na Yaman Nito
.....................................70
v
YUNIT III ANG PAMAHALAAN AT ANG MAMAMAYANG PILIPINO Kabanata 7 Ang
Pamahalaan ng Pilipinas
Aralin 17 Ang Pamahalaan at Layunin sa Pagtatatag Nito .......76
Aralin 18 Mga Uri ng Pamahalaan
...........................................83 Aralin 19 Mga
Katangian ng Bansang Demokratiko ................88 Aralin 20
Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas .................91 Aralin 21
Kahalagahan ng Pamahalaan ..................................
.96
Kabanata 8 Ang Mamamayang Pilipino Aralin 22 Ang Mamamayan ng
Pilipinas ..................................99 Aralin 23 Ang
Karapatan at Kalayaan
ng mga Mamamayang Pilipino ...............................104
Aralin 24 Mga Tungkulin o Pananagutan
ng Mamamayang Pilipino ....................................... 111
Aralin 25 Paraang Nakatutulong sa Pangangalaga
ng mga Karapatan ..................................................
115 Aralin 26 Mga Pangyayaring Nakahahadlang
sa Pagtatamasa ng mga Karapatan ....................... 119 Aralin
27 Kahalagahan ng Pagtatamasa
ng mga Kalayaan at Karapatan ng Tao ...................124
YUNIT IV PAGPAPAHALAGA SA KALAYAAN AT SOBERANYA NG PILIPINAS
Kabanata 9 Ang Soberanya ng Bansa
Aralin 28 Ang Kahalagahan ng Panloob at Panlabas na Soberanya ng
Pilipinas ......................................127
Aralin 29 Mga Karapatang Tinatamasa ng Pilipinas ..............132
Aralin 30 Pagbawi ng Kalayaan mula sa mga Espanyol .........136
Aralin 31 Pagkamit ng Kalayaan mula sa Amerikano .............142
Aralin 32 Pagtatanggol sa mga Hangganan at Teritoryo ng Bansa
..............................................147
Kabanata 10 Pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Iba’t Ibang
Bansa
Aralin 33 Pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Ibang Bansa sa Iba’t
Ibang Panahon ...........................................150
Aralin 34 Kalagayan ng Pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga
Bansang Maunlad at Papaunlad .................154
Aralin 35 Kontribusyon ng Pilipinas sa mga Samahang Panrehiyon at
Pandaigdig ......................................158
vi
Aralin 36 Mga Kabutihang Dulot sa Pilipinas ng Pagsapi sa mga
Samahang Panrehiyon at Pandaigdig ........162
YUNIT V PAGSISIKAP NG MAMAMAYAN AT PAMAHALAAN SA PAGPAPATATAG
NG BANSA Kabanata 11 Paraan ng Pagtataguyod
sa Kaunlaran ng Bansa Aralin 37 Mga Palatandaan ng Kaunlaran
..............................165 Aralin 38 Katangian ng Isang
Maunlad na Bansa ...................169
Kabanata 12 Paraan ng Pagpapabuti ng Edukasyon Aralin 39 Mga
Patakaran at Programang Pangkabuhayan
ng Pamahalaan
......................................................174 Aralin 40
Mga Paraan para sa Pagpapabuti ng Edukasyon ...178 Aralin 41 Mga
Paraan ng Pagpapaunlad ng Agham at
Teknolohiya.............................................................182
Saloobin sa Paggawa ............................................199
Aralin 46 Pangangalaga sa Sarili
..........................................202 Aralin 47 Katangian
ng Matalinong Mamimili .........................205 Aralin 48
Paraan ng Wastong Paggamit
ng mga Kalakal at Paglilingkod...............................208
Aralin 49 Pagtangkilik sa Sariling Produkto
...........................212 Aralin 50 Muling Paggamit ng Bagay
na Patapon Na .............215 Aralin 51 Enerhiya: Salik ng
Kaunlaran .................................219 Aralin 52
Pagpapanatili at Pagpapaunlad sa Kultura ng
Bansa................................................222 Aralin 53
Paglutas ng mga Pambansang Suliranin ................224 Aralin 54
Mga Proyekto sa Paglutas ng Pambansang Suliranin
.......................................228
Talahuluganan
.........................................................................231
Talasanggunian
.......................................................................233
76
Aralin 17 Ang Pamahalaan at Layunin sa Pagtatatag Nito
Ang pamahalaan ang nagbibigay buhay at nangangalaga sa isang bansa.
Sinu- sino ang namamahala sa pamahalaan? Sa barangay, sino o ano
ang tawag sa namamahala rito?
Alamin ang inyong pamahalaan at kilalanin ang mga pinuno sa
barangay, lungsod, lalawigan, at bansa.
Ang Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang institusyong pinatatakbo ng mga taong
inihalal o pinili ng mamamayan upang magpatupad o magsagawa ng mga
gawain at desisyon para sa kapakanan at kabutihan ng mga taong
nasasakupan nito. Naitatag ang pamahalaan upang may mamuno sa
paggawa at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa iba’t ibang
pangangailangan ng sambayanan.
Ang Pilipinas sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo
Magsimula ka
Alamin mo
77
Maraming pangyayari ang lumipas at marami ang naganap sa kasaysayan
bago lubusang naging maayos at matatag ang pamahalaang
Pilipino.
Pamahalaan Noon
Ang Pamahalaang Barangay
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang ating mga
ninuno ay mayroon nang pamahalaan. Ito ay tinawag na barangay.
Ang
pamahalaang ito ng mga Pilipino ay karaniwang binubuo ng mga
magkakamag-anak. Ang bawat pinuno ay nag-aangkin ng sariling lupain
o teritoryo.
Ang pinuno ay tinutulungan ng sanggunian ng matatanda sa paggawa ng
mga tuntunin o batas at sa paghukom o pagpataw ng parusa.
Pamahalaan sa Panahon ng Espanyol
Dumating ang mga Espanyol noong 1521 at unti-unti nilang sinakop
ang iba’t ibang barangay. Itinatag nila ang sariling pangkalahatang
pamahalaan noong 1565 sa pamumuno ng isang Gobernador Heneral na
siyang kinatawan ng Hari ng Spain. Nasa ilalim ng pamumuno ng mga
Espanyol ang Pilipinas sa loob ng tatlong daan at tatlumpu’t
tatlong taon. Marami ang nag-alsa sa iba’t ibang panig ng Pilipinas
laban sa mga mananakop dahil sa nawalang kalayaan ng ating mga
ninuno. Naging matagumpay ang rebolusyong Pilipino sapagkat sa huli
ay naideklara ang kalayaan ng kapuluan noong Hunyo 12, 1898 sa
Kawit, Cavite.
Pamahalaan Pagdating ng mga Amerikano
Sa pagkatalo ng mga Espanyol noong 1898, naipailalim naman ang
ating bansa sa mga Amerikano. Nagkaroon ng Kasunduan sa Paris at
inilipat ng mga Espanyol sa mga Amerikano ang pamamahala sa bansa
sa halagang $20,000,000. Naunang itinatag ng mga Amerikano ang
pamahalaang militar, ngunit nang lumaon ay napalitan
Ang Pamahalaang Barangay
Sanggunian ng mga Matatanda
Ang Labanan sa Mactan sa pagitan ng pangkat ni Lapu-Lapu at ni
Magellan
78
ng Pamahalaang Sibil. Naibigan ito ng ilang mga Pilipino dahil
binigyan sila ng pagkakataong makibahagi sa pamumuno sa pamahalaan,
at nagkaroon rin ng pag- asang matamo ang kasarinlan. Nang
pinagtibay ang Batas Tydings-McDuffie, nabigyan ng sampung taong
transisyon ang Pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas. Nagsimula ito
noong 1935. Pinamunuan ito ni Manuel Luis M. Quezon hanggang 1944.
Kahit paano’y nakadama ng kalayaan sa ilalim ng pamahalaang
Commonwealth ang mga Pilipino.
Pamamahala ng mga Japanese
Natigil ang Pamahalaang Commonwealth noong 1942 nang pumasok sa
Pilipinas ang mga Japanese at tinalo ang mga Amerikano na noon ay
hindi nakahanda. Ang bansang Japan ay malapit sa Pilipinas.
Hinangad nitong mapalawak ang sariling teritoryo at maipatupad ang
East Asia Co-Prosperity Sphere kaya nilusob ang karatig bansa.
Nasakop ng bansang Japan ang Pilipinas dahil lumikas mula sa bansa
sina Heneral Dou- glas MacArthur kasama ang Pangulong Manuel Luis
M. Quezon at nangako sa mga gerilyang Pilipino na sila’y maghahanda
sa Australia at sila’y babalik.
Itinatag ng mga Japanese ang isang Puppet Republic at ipinahayag
ang kasarinlan ng Pilipinas noong Nobyembre 13, 1943. Naging
Pangulo ng Ikalawang Republika si Pangulong Jose P. Laurel.
Noong Oktubre 1944, bumalik si Heneral MacArthur at hukbo nito sa
Pilipinas kasama sina Sergio Osmeña at Carlos Romulo. Natalo ang
mga kaaway, ibinalik ang Pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas at
naging pangulo si Sergio Osmeña.
Ang Kasunduan sa Paris, 1898
Sina Pangulong Manuel Luis M. Quezon at Pangulong Franklin D.
Roosevelt ng United States of America
Ang pagbabalik ni Heneral Douglas MacArthur noong Oktubre
1944
79
Pamamahala sa Ikatlong Republika
Ipinahayag ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo
4, 1946. Tuwang-tuwa ang mga Pilipino. Ito ang Ikatlong Republika
at nahalal na unang pangulo si Manuel A. Roxas. Sinundan siya ni
Elpidio Quirino. Naging pangulo rin sina Ramon Magsaysay, Carlos P.
Garcia, Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos.
Noong Setyembre 21, 1972 idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas
Militar sa Pilipinas, at ang pagbuwag sa Kongreso. Ang uri ng
pamamahala ay naging awtoritaryan. Noong 1973, nabago ang Saligang
Batas at ginawang Parliamentaryo ang pamahalaan mula sa pamahalaang
pampanguluhan. Ganunpaman, hindi ganap na sinunod ang pamahalaang
Parliamentaryo. Si Pangulong Ferdinand Marcos ang nanatiling
makapangyarihan, at batas ang turing sa kanyang mga utos.
Si Cesar Virata ang nahirang na Punong Ministro samantalang si
Marcos pa rin ang pangulo ng bansa.
Noong Enero 17, 1981 inalis ang Batas Militar sa Pilipinas.
Pinaslang ang dating Senador Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21,
1983. Tumaas ang halaga ng mga bilihin at bumagsak ang ekonomiya
pagkaraan nito. Nagkaroon ng Snap Election noong Pebrero 7, 1986 at
ang biyuda ni Senador Benigno Aquino, Jr. na si Corazon C. Aquino
ang lumaban kay Marcos sa pagkapangulo. Hindi nagustuhan ng tao ang
resulta ng halalan. Si Ferdinand E. Marcos pa rin ang nanalo.
Naganap ang People Power Revolution sa EDSA noong Pebrero 22-25,
1986 na nagpaalis kay Pangulong Marcos sa kapangyarihan.
Ang pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Ferdinand E.
Marcos
Pagpaslang kay Senador Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21,
1983
Ang paghatid ng sambayanan kay Senador Benigno Aquino, Jr. sa
kanyang huling hantungan
80
Pamahalaan sa Ikaapat na Republika
Ang People Power ang nagluklok kay Corazon C. Aquino sa
pagkapangulo ng bansa. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, muling
naitatag ang pamahalaang demokratiko. Ito ang simula ng Ikaapat na
Republika ng Pilipinas.
Maraming pagbabagong nagawa ang dating pangulong Corazon C. Aquino.
Napataas ang pasahod sa mga kawani ng pamahalaan, nabago ang
Saligang Batas (1987), at naitatag ang Presidential Commission on
Good Governance (PCGG).
Pamahalaan sa Kasalukuyan
Ipinagpatuloy ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ang mga nasimulan
ni Pangulong Corazon C. Aquino. Naging pangulo siya ng bansa mula
1992 hanggang 1998.
Noong Hunyo 1998, naupo bilang pangulo ng Pilipinas ang nahalal na
si Jo- seph Ejercito Estrada. Ngunit di siya nagtagal sa
panunungkulan. Nawala ang tiwala sa kanya ng sambayanang Pilipino
dahil sa inihaing impeachment laban sa kanya Noong Enero 2001. Sa
bisa ng People Power o EDSA II, napilitan ang Pangulong Estrada na
lisanin ang Malacañang, at hinirang bilang pangulo ng Pilipinas ang
noo’y pangalawang pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa kanyang panunungkulan, naging pangunahing tuon ng kanyang mga
programa ang mga pabahay para sa mahihirap, patubig sa mga walang
malinis na tubig, paghuli at pagpaparusa sa mga kriminal, at iba
pang gumagawa ng labag sa batas. Noong halalan ng Mayo 2004 nagwagi
siya bilang presidente ng Pilipinas.
Bilang pangulo, sinikap ni Pangulong Arroyo na malutas ang mga
suliranin ng bansa at maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga
Pilipino. Subalit ang patuloy na kahirapan ng mga tao ay naging
sanhi ng patuloy na pagdami ng krimen at mga kaguluhan tulad ng
kidnapping, coup d’ etat, robbery, at iba pang krimen na dulot ng
pang-aabuso sa droga. Hindi rin nakaligtas ang Unang Pamilya sa mga
kritiko o puna na may kinalaman sa jueteng at isyu ng graft at
corruption.
Ang EDSA People Power noong Pebrero 1986
81
Layunin sa Pagtatatag ng Pamahalaan
May ilang mga layunin sa pagtatatag ng isang pamahalaang republika
tulad ng ating bansa. Nakasaad ang mga ito sa Saligang Batas ng
1987. 1. Makapagtatag ng isang pamahalaang kakatawan sa ating mga
mithiin at mga
lunggati; 2. Magkaroon ng pamahalaang magtataguyod ng kabutihan ng
bawat isa; 3. Mangangalaga at magpapaunlad ng ating patrimonyo; at
4. Magpapatatag ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya para sa
ating sarili
at sa angkang susunod.
A. Pumili ng salitang angkop para sa patlang upang maging ganap na
pangungusap ang mga sumusunod. Gawin ito sa iyong notebook. 1. Bago
pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, mayroon nang
pa-
mahalaan ang ating mga katutubong Pilipino. Tinawag itong ________.
2. Pagdating ng mga Espanyol, sinakop nila ang Pilipinas at
itinatag ang pama-
halaang pinamumunuan ng ________________. 3. Ang Pamahalaang
____________________ ay nagbigay ng mas malawak
na pakikibahagi ng mga Pilipino sa pamumuno. 4. Nangakong babalik
si _____________ sa Pilipinas noong lumikas sila ng
Pangulong Quezon. 5. Ibinalik ng United States ang kasarinlan ng
Pilipinas noong __________. 6. Ang People Power ay naganap noong
Pebrero 22-25, 1986 at napaalis
nito bilang pangulo si __________.
Isagawa mo
82
B. Balangkasin ang data retrieval chart. Kasaysayan ng Pamahalaan
ng Pilipinas
Ang kasaysayan ng ating pamahalaan ay mabisang patnubay upang
maiwa- san ang mga pagkakamaling nagawa ng ilan nating naging
pinuno at isabu- hay ang mga dakilang gawaing nasimulan ng marami
sa kanila. Ang sapat na kaalaman sa mga uri ng pamahalaang
pinagdaanan ng ating bansa at sa mga nagawa ng mga naging pangulo
ay makapagtuturo ng mas mabisang paraan ng pamamahala sa mga
susunod pang mga lider. Ang anumang uri ng pamahalaan ay may mabuti
at di-mabuting epekto sa bansa. Higit na mahalaga ang uri ng
pagkatao at taglay na kakayahan ng isang pangulo upang maisulong
ang bansa sa kaunlaran at pagkakaisa.
Pag-isipan at sagutin ang mga tanong. 1. Sa palagay mo, bakit kaya
hindi lubusang nagtagumpay ang dating Pangulong
Ferdinand Marcos sa isang Pamahalaang Parliamentaryo? 2. Sa opinyon
mo, tama kaya ang desisyon ni Pangulong Corazon C. Aquino sa
pagpapatupad ng bagong Saligang Batas noong 1987?
1. Kasama ang dalawang kamag-aral, pag-usapan ninyo ang paksang
ito: “Makatwiran ba ang pagpapaalis sa tungkulin bilang pangulo ng
Pilipinas kina Ferdinand Marcos noong 1986 at Joseph Ejercito
Estrada noong 2001?”
2. Isulat sa iyong diary ang mga katangiang sa palagay mo ay
nararapat taglayin ng isang pangulo ng bansa.
C. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ano ang pamahalaan? 2.
Bakit mahalaga ang pamahalaan sa mga mamamayan? 3. Ilan ang sangay
ng pamahalaan ng Pilipinas? 4. Paano nagkakaiba-iba ang mga uri ng
pamahalaan?
Mahahalagang NagawaPamahalaan Namumuno Barangay Sentralisado
Commonwealth Ikatlong Republika Roxas - Marcos
Pangkasalukuyan
Bigyang pansin at suriin
Aralin 18 Mga Uri ng Pamahalaan
May iba’t ibang uri ang pamahalaan. Nakikita natin sa telebisyon at
nababasa natin sa mga pahayagan ang uri ng pamahalaan ng iba’t
ibang bansa.
Sa ating bansa nababakas natin ang uri ng pamahalaang ating
kinamulatan at naiibigan hanggang sa kasalukuyan. Mayroon bang
dahilan upang palitan ang uri ng pamamahala sa ating bansa?
Uri ng Pamahalaan ayon sa Tunay na Pinanggalingan ng
Kapangyarihan
May mga pamahalaan na tinutukoy na Pamahalaang Awtoritaryan. Ang
pamahalaang tulad nito ay pinamumunuan ng isang tao o maliit na
pangkat ng mga tao. Sa ilalim ng pamahalaang ito, walang kalayaan
ang mga mamamayang magpahayag o sumalungat sa namumuno. Mga
halimbawa ng pamahalaang ito ay Monarkiya, Aristokrasya, at
Totalitaryan.
Monarkiya
Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan tanging iisang tao lamang
ang gumagamit ng kapangyarihan. Ang iisang taong ito ay ganap na
monarko. Ang halimbawa nito ay ang kapangyarihan ng hari o reyna
noon at punong ministro ng bansa. Sa pamahalaang ito, walang laya
sa pagpapahayag ang mga mamamayan. Nasa ilalim ng kapangyarihan ng
pamahalaan ang pahayagan, radyo, at telebisyon. Walang bahagi sa
pagpapasya ang mga mamamayan, sa pamahalaan lamang ang pagpapasya.
Ang mga mamamayan ay walang karapatang sumalungat sa
pamahalaan.
Dalawa ang uri ng Monarkiya: absolute monarchy at limited monarchy.
Kapag lahat ng kapangyarihan ay nasa nag-iisang namumuno, ito ay
ganap na monarkiya o absolute monarchy. Kung ang kapangyarihan ng
namumuno ay ayon sa konstitusyon, ito ay natatakdang monarkiya o
limited monarchy.
Aristokrasya
Pinamumunuan ito ng ilang opisyal na nabibilang sa mataas na
lipunan at may kayamanan o kapangyarihang minana sa magulang.
Magsimula ka
Alamin mo
84
Totalitaryan
Ang pamahalaang pinamumunuan ng isang diktador o isang pangkat ng
mga makapangyarihang tao ay tinatawag na totalitaryan. Sa ganitong
uri ng pamahalaan, sumasangguni ang isang pinuno sa lupon ng mga
tagapayo sa pagtatakda ng mga patakarang pambansa. Ang mga tagapayo
ng pinuno ay nabibilang sa iisang partidong pulitikal. Walang ibang
oposisyon o partido ang maaaring sumalungat sa kanila. Sila ang
nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas. Tinitiyak nila na ang
kilos ng mga taong bayan ay naaayon sa paniniwala ng pamahalaan. Sa
pamahalaang ito kinikilala agad ang mga matatalino, mahuhusay, at
may kasanayang kabataan. Itinatakda sa kanila ang uri ng edukasyon
para sa pangangailangan ng bansa. Walang makatatanggi dahil
kadalasang pinapatawan ng kaukulang parusa ang humahadlang o
sumasalungat.
Ang halimbawa ng pamahalaang ito ay ang Pamahalaang Komunista ng
Rus- sia, China, at North Korea.
Demokrasya
Ang pamahalaang nasa mga mamamayan ang kapangyarihan ay tinatawag
na demokrasya. Sa pamahalaang ito, ang mga taong inihalal ng
mamamayan ang namamahala sa pagpapalakad ng bansa. Sa pamamagitan
ng halalan, ang mga tao ang nagpapasya kung sino ang mamamahala sa
kanilang bansa. Ang iboboto ng nakararami ang nagwawagi at siyang
humahawak ng tungkulin.
Sa pamahalaang demokrasya, lahat ay pantay-pantay sa pagkakataon
maging anuman ang kulay at katayuan sa buhay. Iginagalang ng
demokrasya ang dangal at kahalagahan ng isang tao pati na
kagalingan ng bawat isa.
Uri ng Pamahalaan Batay sa Saklaw na Kapangyarihan
Unitaryo
Ang pamahalaang unitaryo ay may malawak na kapangyarihan sa mga
gawain ng pamahalaang lokal. Ang Pilipinas ay isang halimbawa nito.
Ang kontrol ng mga gawaing pambansa at lokal ay ginagampanan ng
pambansang pamahalaan. Nasa Maynila ang sentro ng pamahalaan.
Maging matalinong botante
85
Federal
Sa pamahalaang Federal nahahati ang kapangyarihan sa pambansa at sa
lokal. Ang bawat isa ay nakahihigit ng kapangyarihan sa mga saklaw
nilang pook. Ang halimbawa nito ay ang Pamahalaang Federal ng
United States kung saan ang bawat estado ay may kapangyarihang
hindi saklaw ng pamahalaang nasyonal. Ganito rin ang uri ng
pamahalaan ng Germany at Malaysia.
Uri ng Pamahalaan Batay sa Ugnayan ng Tagapagpaganap o
Tagapagbatas
Batay sa mga ugnayan ng mga sangay tagapagpaganap at tagapagbatas o
kongreso, ang pamahalaan ay maaaring parliamentaryo o
pampanguluhan.
Parliamentaryo
Sa pamahalaang parliamentaryo, ang tagapagbatas ay may
kapangyarihang tagapagpaganap. Ang punong ministro na hinirang ng
tagapagbatas ay siyang punong tagapagpaganap, samantalang ang
pangulo na inihalal ng bayan ay nagiging pinunong nominal o titular
o pinuno lamang sa turing. Ang halimbawa ng bansang may ganitong
pamamalakad ay ang Australia at Malaysia.
Pampanguluhan
Kapag ang saligang batas ang nagtakda ng paghihiwalay ng
tagapagpaganap at ng tagapagbatas, ang sistema ng pamahalaan ay
pampanguluhan. Ito ang uri ng pamahalaang umiiral sa
Pilipinas.
Uri ng Pamahalaan Ayon sa Panahon ng Panunungkulan ng Pinuno
Minana
Ang pamumuno sa pamahalaan ay inililipat sa tagapagmana ng korona
ng kapangyarihan. Ang panganay na anak na lalaki ang karaniwang
nabibigyan ng ganitong pamana. Ang may ganitong uri ng pamahalaan
ay ang bansang Brunei at Saudi Arabia. Karaniwang ang prinsipe ang
itinatakdang maging susunod na pinuno ng isang bansa.
Halal
Ang mga kwalipikadong botante ang pumipili ng mga pinuno ng
pamahalaan. Ang paghahalal ay maaaring tuwiran o hindi
tuwiran.
86
Tuwirang Paghahalal Pumipili ang taong bayan ng mamumuno sa
pamamagitan ng halalan o
eleksyon.
Hindi Tuwirang Paghahalal Ang mga kinatawan ng taong bayan ang
siyang pipili ng mamumuno sa
pamahalaan.
A. Buuin ang chart upang maipakita ang iba’t ibang uri ng
pamahalaan. Isulat sa notebook ang sagot.
Ang sumusunod ay uri ng pamahalaan batay sa pinanggalingan ng
kapangyarihan:
Isang tao
Isang pangkat
Ang pamahalaan batay sa saklaw na kapangyarihan ay maaaring:
monarkiya
Uri ng Pamahalaan
Isagawa mo
87
Ang pamahalaan ayon sa ugnayan ng tagapagbatas at tagapagpaganap ay
ang sumusunod:
Ang pamamahala ayon sa panahon ng panunungkulan ng pinuno:
Sa lahat ng uri ng pamahalaang natutuhan mo, aling uri ang naibigan
mo? Isulat sa isang papel ang sagot mo.
Gumawa ng balangkas ng pamahalaang lokal sa inyong barangay at
lungsod. Gawin ito sa sagutang papel.
Pinuno
Minana Inihalal
Ang kapangyarihan ay isinalin mula sa magulang tungo sa anak o
pinakamalapit na kamag-anak.
Ang sambayanan ang pumipili sa lider sa pamamagitan ng
halalan.
Pamamahala
Ang punong ministro ang gumagawa at nagpapatupad ng batas
Barangay
Namumuno
Aralin 19 Mga Katangian ng Bansang Demokratiko
Maraming bayani ang nagbuwis ng buhay para sa ating bayan sa
paghahangad ng kalayaan. Naranasan kasi nila ang pait ng mabuhay
nang walang kalayaan.
Sa lahat ng uri ng pamahalaan na naranasan ng ating mga ninuno, ang
pamahalaang demokrasya o demokratiko ang nakitaan nila ng
pagpapahalaga sa kalayaan at pagkakapantay-pantay ng taong
bayan.
Ibig mo bang lubusang malaman ang mga katangiang ito ng bansang
demokratiko?
Malinaw at mahalaga para sa ating mga Pilipino ang mga katangian ng
bansang demokratiko. Nakita at namana natin ito sa mga
Amerikano.
Unang Katangian: Ang Pamahalaan ng mga Tao Ang kapangyarihan sa
pamamahala ay nasa mga mamamayan. Sila ang
namamahala sa pagpapalakad ng bansa. Sa pamamagitan ng halalan,
nagpapasya ang taong bayan kung sino ang mamamahala sa bansa. Ang
iboboto ng nakararami ang nagwawagi at siyang hahawak ng tungkulin.
Tinawag itong “Pamahalaan ng mga Tao” dahil mga tao ang nagluklok
sa mga pinuno sa tungkulin.
Pangalawang Katangian: Pamahalaang Galing sa mga Tao Ang mga
nahalal na pinuno ng pamahalaan ay mga kinatawan ng taong
bayan.
Ang kagalingan at kabutihan ng lahat ang kanilang layunin sa
pamamahala. May pananagutan sila sa bayan at kung naging matapat
sila sa panunungkulan, maaari silang mahalal muli.
Pangatlong Katangian: Pamahalaan Para sa mga Tao Para sa kapakanan
ng mga tao kaya may pamahalaan. Ang pinuno ay dapat
maglingkod sa lahat ng tao nang pantay-pantay at walang
kinikilingan.
Pang-apat na Katangian: Pagkilala sa Pasya ng Nakararami at
Paggalang sa Karapatan ng Sumasalungat
Ang pagpapahayag ng pagtutol sa panukalang batas ng pamahalaan ay
karapatan ng isang tao at iginagalang o dinirinig ang pagbibigay
paliwanag ukol dito. Ngunit ang pasya ng nakararami ang
nakapananaig sa lahat. Ang majority o nakararami ay kalahati at isa
ng kabuuang bilang.
Magsimula ka
Alamin mo
Ikalimang Katangian: May Karapatan ang mga Taong Sumasalungat sa
Pamahalaan
Ang sinumang tumututol o sumasalungat sa pamahalaan ay may
karapatang maipahayag ang kanilang panig. Maaari silang
magprotesta, magmartsa, o magpakita ng iba pang paraan ng hindi
pagsang-ayon. Ngunit ang pagsasagawa nito ay sa paraang hindi
nakasasagabal sa kalayaan ng iba.
Ikaanim na Katangian: Isinasaalang-alang ang mga Saloobin ng mga
Mamamayan Tungkol sa Pamamahala
Sa anumang desisyon, isinasaalang-alang ang mga saloobin ng mga
mamamayan kaya iniharap sa mga tao ang panukalang Saligang Batas ng
1986 sa isang plebesito. Ang isang reperendum ay isinasagawa upang
iharap sa mga tao ang isang panukala at upang malaman ang kanilang
pananaw hinggil dito.
Ikapitong Katangian: Pamahalaan ng mga Batas Sa demokratikong
pamahalaan,walang taong nangingibabaw sa batas. Lahat
ay pantay-pantay sa ilalim ng batas maging anuman ang katayuan ng
tao sa buhay.
Ikawalong Katangian: Lahat ng Tao’y Pantay-pantay Ang
pagkakapantay-pantay ay nangangahulugang pagbibigay ng pantay
na
karapatan at pagkakataon sa lahat ng tao, mayaman man o mahirap,
malusog o may sakit, kilala o hindi. Iginagalang ng demokrasya ang
dangal at karapatan ng isang tao.
Isulat ang salita o lipon ng mga salita na nararapat sa
patlang.
1. Sa pamahalaang demokratiko, ang kapangyarihan sa pamamahala ay
nasa mga _______________________.
2. Ang iboboto ng nakararami ang siyang
___________________________. 3. Ang mga nahalal na tao ang siyang
___________________ng taong bayan. 4. Para sa kapakanan at
kagalingan ng tao kaya may __________________. 5. Ang pagpapahayag
ng pagtutol sa panukalang batas ay _______ng isang tao. 6. Ang
pagtutol ay ginagawa ng sumasalungat na mamamayan sa paraang
hindi
nakasasagabal sa ____________________ ng iba. 7. Ang demokratikong
pamahalaan ay pamahalaan ng mga_____at hindi ng tao. 8. Ang mga
batas na pagtitibayin ay dapat alinsunod sa _________________. 9.
Ang bawat pinuno ay may ______________________________sa bayan. 10.
Ang pagkakapantay-pantay ay nangangahulugang pagbibigay ng pantay
na
_______________ sa lahat ng tao.
90
Ang mga katangian ng demokratikong bansa tulad ng Pilipinas ay ang
mga sumusunod:
1. Pamahalaan ng mga tao, galing sa mga tao, at para sa mga tao 2.
Kumikilala sa pasya ng nakararami 3. Gumagalang sa karapatan ng
sumasalungat 4. Isinasaalang-alang ang saloobin ng mga mamamayan
tungkol sa pamamahala 5. Walang sinumang nakapangingibabaw sa batas
6. Lahat ng tao ay binibigyan ng pantay-pantay na karapatan at
pagkakataon
Isalaysay mo sa ladder chart ang kahulugan ng sumusunod: Ang
Pilipinas ay pamahalaan ng tao, galing sa mga tao, at para sa mga
tao.
Pag-isipan kung ang mga katangian ng bansang demokratiko ay taglay
ng Pilipinas. Makipagpalitan ng kuru-kuro sa iyong mga kamag-aral
tungkol dito.
Pamahalaan galing sa mga taoPamahalaan
ng mga tao
Bigyang pansin at suriin
Aralin 20 Sistemang Pampamahalaan ng Pilipinas
Ngayong alam mo na ang sistema ng pamahalaan ng ilang bansa dapat
ay mas alam mo ang sistema ng ating sariling bansa.
Sistemang pampanguluhan o presidensiyal ang uri ng pamahalaan ng
ating bansa. Alam mo bang may tatlo itong sangay na naghahati sa
kapangyarihan?
Sistemang Pampamahalaan ng Bansa
Ayon sa ating Saligang Batas ng 1987 ang pamahalaan ng Pilipinas ay
isang republika at demokratiko. Sa ganitong uri ng pamahalaan, may
kalayaan ang mga mamamayan na pumili ng mga taong mamumuno sa
bansa. Sa pamamagitan ng eleksyon pinipili ang pangulo at iba pang
pinuno ng bansa. Sila ang kakatawan sa taong bayan sa pagsasagawa
ng mga batas at desisyon para sa lahat.
Ang sistema ng pamahalaan ay pampanguluhan na may tatlong sangay na
naghati-hati sa kapangyarihan.
Unang Sangay ng Pamahalaan: Tagapagpaganap o Executive Branch Ang
pangulo ng Pilipinas ang siyang tagapagpaganap at puno ng bansa.
Siya
ang commander-in-chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed
Forces of the Philippines. Ang mga tungkulin niya’t kapangyarihan
ay ang sumusunod:
1. Pamahalaan at kontrolin ang mga kagawarang tagapagpaganap, mga
kawanihan, at tanggapan;
2. Ipatupad ang lahat ng mga batas; 3. Hirangin ang mga
karapat-dapat sa tungkulin; 4. Makipagkontrata at managot ng mga
pag-utang sa labas ng bansa; 5. Pumasok sa kasunduang pambansa o
kasunduang pandaigdig; 6. Iharap sa kongreso ang pambansang badyet;
7. Ipasailalim sa Batas Militar ang bansa o alinmang bahagi nito;
at 8. Magkaloob ng kapatawaran sa nagkasalang nagpakabuti.
Magsimula ka
Alamin mo
92
Dalawa ang lupong tagapayo ng pangulo: ang sanggunian ng estado at
gabinete. Ang sanggunian ng estado ay binubuo ng mga pinunong
pambayan at mga pribadong mamamayang hinirang ng pangulo. Ang
gabinete ay binubuo ng mga kalihim ng mga kagawarang
tagapagpaganap.
Katangian ng Pangulo
Ang nais maging pangulo ng bansa ay dapat may katangiang tulad ng
sumusunod: 1. Katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas; 2.
Apatnapung taong gulang man lamang sa araw ng halalan; 3.
Nakababasa’t nakasusulat; 4. Rehistradong botante; at 5.
Naninirahan sa Pilipinas sa loob ng sampung taon bago sumapit
ang
araw ng eleksyon.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang pangulo ng Pilipinas ay
tuwirang inihahalal ng taong bayan para sa terminong anim na taon
na walang muling paghahalal. Pinaniniwalaang sapat na ang anim na
taon upang matapos ng isang pangulo ang kanyang mga programa at
proyekto para sa sambayanan.
Ang mga punong tagapagpaganap ng mga pamahalaang lokal ay ang
Kapitan ng Barangay, Alkalde at Bise Alkalde ng lungsod o bayan,
Gobernador at Bise Gobernador ng lalawigan, at mga opisyal ng
rehiyon.
Ikalawang Sangay: Tagapagbatas o Legislative Branch
Ang Kongreso ng Pilipinas ang humahawak ng kapangyarihan ng
tagapagbatas. Ang paggawa, pagsusog, at pagwawalang-bisa ng mga
batas ang pangunahing gawain o kapangyarihan nito. Binubuo ng
dalawang kapulungan ang Kongreso – ang Mataas na Kapulungan o
Senado at ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga
Kinatawan.
Katangian ng Mambabatas
Ang nais maging senador ay dapat may katangiang tulad ng sumusunod:
1. Katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas; 2. Tatlumpu’t
limang taong gulang man lamang sa araw ng halalan; 3. Nakababasa’t
nakasusulat; 4. Rehistradong botante; at 5. Naninirahan sa
Pilipinas sa loob ng dalawang taon bago sumapit ang araw
ng eleksyon.
93
Ang nais maging kinatawan o kongresista ay dapat may mga katangiang
tulad ng sa senador maliban sa edad na 25 taong gulang sa halip na
35 taong gulang at isang taong paninirahan sa Pilipinas sa halip na
dalawang taon.
Ang iba pang tagapagbatas ay nasa pamahalaang lokal tulad ng
Sangguniang Panlalawigan para sa lalawigan, Sangguniang Bayan o
Lungsod para sa bayan o lungsod, at Sangguniang Pambarangay para sa
barangay.
Pangatlong Sangay: Tagapaghukom o Judiciary Branch
Ang Korte Suprema at mabababang korte ang bumubuo ng kapangyarihang
panghukuman. Ang hukuman ang nagpapasya upang mapangalagaan ang mga
karapatan, buhay, at ari-arian ng bawat tao. Ang katarungan ay
sinisikap ibigay sa dapat tumanggap nito.
Mga Katangian ng mga Kasapi ng Korte Suprema
Ang nais maging kasapi ng Korte Suprema ay dapat may katangiang
tulad ng sumusunod:
1. Apatnapung taong gulang man lamang; 2. Katutubong ipinanganak na
mamamayan ng Pilipinas; 3. Naging hukom ng isang hukuman o
nagpraktis bilang abogado sa Pilipinas
sa loob ng 15 taon o mahigit pa; at 4. May subok na kakayahan,
kalinisan ng budhi, katapatan, at malayang
pag-iisip.
Mga Kapangyarihan ng Korte Suprema
1. Magtalaga ng mga pansamantalang hukom sa mga mababang hukuman;
2. Humirang ng lahat ng mga pinuno at kawani ng mga hukuman ayon
sa
batas ng serbisyo sibil; 3. Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng
mga hukuman at sa mga tauhan ng
mga ito; 4. Disiplinahin ang mga hukom ng mga mababang hukuman o
iatas ang
kanilang pagkatiwalag sa tungkulin; 5. Iatas ang pagbabago ng lugar
ng paglilitis upang maiwasan ang pagbabago
ng pagpapairal ng batas; 6. Gumamit ng orihinal na hurisdiksyon sa
usaping may kinalaman sa mga
ambassador at iba pang mga ministro; 7. Muling pag-aralan,
rebisahin, baligtarin, o pagtibayin ang pag-apela sa
isang kaso; 8. Magtakda ng mga alintuntunin tungkol sa pangangalaga
at pagpapatupad
ng mga karapatang konstitusyonal; at 9. Lumikha at pangasiwaan ang
isang Judicial at Bar Council.
94
Isulat sa notebook sa loob ng balloon ang mga gawain ng bawat
sangay ng pamahalaan na nasa ibaba.
Tagapaghukom Tagapagbatas Tagapagpaganap _____________
_____________ ______________ _____________ _____________
______________ _____________ _____________ ______________
_____________ _____________ ______________ _____________
_____________ ______________
1. Pag-aralan at rebisahin ang hatol 2. Ipatupad ng mga batas 3.
Magkaroon ng superbisyon sa lahat ng hukuman 4. Disiplinahin ang
mga hukom 5. Humirang ng mga kagawad ng gabinete 6. Gumawa ng mga
batas 7. Pagtibayin ang badyet 8. Ipatupad ang Batas Militar 9
Ipawalang bisa ang mga batas
Ang Pilipinas ay may sistemang pampanguluhan. Tatlo ang sangay ng
pamahalaan na naghahati ng kapangyarihan: Tagapagpaganap,
Tagapagbatas, at Tagapaghukom. Ang Tagapagpaganap ay ginagampanan
ng pangulo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas. Siya ay
tinutulungan ng pangalawang pangulo at ng mga miyembro ng gabinete.
Ang Sangay Tagapagbatas o Kongreso ang siyang gumagawa ng batas
para sa kapakanan ng sambayanan. Ang Sangay Tagapaghukom ay
pinamumunuan ng Korte Suprema o Kataas-taasang Hukuman. Ito ang
nagpapaliwanag ng batas na ipinasa ng Kongreso.
Isagawa mo
95
Bakit kaya ibinalik sa pampanguluhan mula sa parliamentaryo ang
sistema ng ating pamahalaan? Isulat sa isang papel ang iyong
haka-haka.
A. Isulat sa talahanayan ang kapangyarihan at ilang kwalipikasyon
ng bawat sangay ng pamahalaan. Gawin ito sa sagutang papel.
B. Magtanungan
Kinatawan SenadorKapangyarihan
Kaya mo ito!
1. Magtanungan tayo. Sinu-sino ang mga punong tagapagpaganap sa
Pilipinas? 2. Alam ko ang sagot.
Sa pambansa ay ang____, sa lalawigan ay ang ____, sa lungsod ay ang
_____.
3. Sinu-sino naman ang mga tagapabatas?
4. Madali iyan! Sa barangay, ang tagapagbatas ay ang _____, sa
bayan o lungsod ay ang ____, at sa lalawigan ay ang ____.
5. Sinu-sino naman ang namamahala sa gawaing panghukom?
6. Nasa kamay ito ng_________ at iba pang ___________ itinatag ng
bansa.
96
Aralin 21 Kahalagahan ng Pamahalaan
Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng lahat ng mga taong
sakop nito. Kung wala nito, walang kapanatagan sa bawat lipunan
dahil walang susupil sa masasamang gawain at mga kaguluhan.
Kung may pamahalaan, may pag-asang umunlad ang sambayanan at
magiging maganda ang ekonomiya o kabuhayan ng bansa. Sa oras ng
kagipitan ay may matatakbuhan ang isang mamamayan at may handang
tumulong sa kanya.
Napakahalaga talaga ng pamahalaan dahil sa pagbibigay halaga nito
sa edukasyon, kalusugan, kaligtasan, at iba pang pangangailangan ng
taong bayan.
May naiisip ka pa bang dahilan kung bakit umiiral ang isang
pamahalaan? Maging matatag kaya ang ating bansa kung wala itong
pamahalaan? Bakit?
Ang Kahalagahan ng Pamahalaan
Mahalaga at kailangan ng bansa ang pamahalaan dahil sa iba’t ibang
nagagawa nito para sa sambayanang Pilipino. Kabilang dito ang mga
sumusunod:
Pinapangalagaan ng pamahalaan ang bansa sa pamamagitan ng
pagkakaroon nito ng sariling hukbong sandatahan na magtatanggol sa
bansa at magpapanatili ng katatagan nito. Ang ahensya ng
pamahalaang namamahala rito ay tinatawag na Hukbong Sandatahan ng
Pilipinas o Armed Forces of the Philippines.
Sa pamamagitan ng pamahalaan, ang Pilipinas ay nagkakaroon ng
ugnayang diplomatiko sa ibang bansa kung saan ito ay
nakikipagtulungan upang mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayang
Pilipino. Ito ay tungkulin ng Department of Foreign Affairs
(DFA).
Magsimula ka
Alamin mo
97
Pinangungunahan at itinataguyod ng pamahalaan ang maingat na
pagtanggap sa mga dayuhang nais manirahan sa bansa. Ang Bureau of
Immigration and De- portation (BID) ang sumusuri kung dapat payagan
ang pagtigil ng mga dayuhan sa bansa. Ginagawa ito upang
mapangalagaan ang mamamayan ng bansa sa mga dayuhang masasama o
gumagawa ng mga labag sa batas.
Ang pagdinig sa salungatan ng interes at sigalot ay isa ring
mahalagang tungkulin ng pamahalaan. Ang mababang hukuman ay
tumutugon sa reklamo o pangangailangan ng isang mamamayan laban sa
isang tao o institusyon. Upang maiwasan ang pang-aapi sa sinuman at
mabigyan ng pantay na karapatan at pagkakataon ang bawat isa,
dinidinig ang panig ng dalawa. Ang mga hukuman ay nasa ilalim ng
Department of Justice (DOJ).
Ang gobyerno din ang nagtatakda ng mga batas upang maiwasan ang
pang- aabuso ng mga tao sa mga tinatamasang karapatan. Ang Kongreso
at Senado ang may gawain nito.
Itinataguyod din ng pamahalaan ang kaunlaran ng bansa sa
pamamagitan ng pagtulong sa maliliit na industriya at pagbibigay ng
iba’t ibang tulong at pondo upang ang mga ito ay umunlad at
sumulong. Gawain ito ng Department of Trade and Industry
(DTI).
Binibigyang prayoridad din ng gobyerno ang edukasyon sa pamamagitan
ng pagpapatayo ng mga paaralan at pagbibigay ng libreng pag-aaral
sa mga paaralang pampublikomula mababang paaralan hanggang sa
mataas na paaralan. Ang De- partment of Education (DepEd) ang
namamahala rito.
Ang pamahalaan din ang nagbibigay ng mga babala sa taong bayan bago
sumapit ang kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol, pagsabog ng mga
bulkan, at epidemya. Tumutulong ang pamahalaan sa mga nasalanta ng
kalamidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain at gamot. Ang
Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of
Health (DOH), Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(PHIVOLCS), at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical
Services Administration (PAGASA) ang nagtutulungan para dito.
Pinapangasiwaan din ng pamahalaan ang pisikal, pangkabuhayan,
panlipunan, at pangkulturang kaunlaran. Ang pamahalaan ay gumagawa
ng mga kalsada, tulay, at mga gusaling pampubliko para sa kaunlaran
ng bansa. Pinangangasiwaan din nito ang mga negosyante at kalagayan
ng mga manggagawa. Ang Department of Public Works and Highways
(DPWH), Department of Labor and Employment (DOLE), National
Commission for Culture and the Arts (NCCA), at ang Na- tional
Economic Development Authority (NEDA) ang mga ahensyang namamahala
sa mga ito.
Pinangangalagaan ng pamahalaan ang mga tao at kanilang mga
ari-arian. May mga alagad ng batas na nangangalaga sa bawat
pamayanan sa umaga at sa gabi upang maprotektahan ang buhay ng mga
tao, pagkain, ari-arian, at naipundar na kabuhayan. Pinamamahalaan
ito ng Philippine National Police (PNP).
98
Pumili ng tatlong ahensya ng pamahalaan at isalaysay kung paano
nakatutulong sa mga mamamayan ang bawat isa. Isulat sa isang papel
ang iyong sagot.
Ahensya ng Pamahalaan Tungkulin
1. 1. 2. 2. 3. 3.
Mahalaga ang pamahalaan sa bansa dahil ito ang nagsisilbing gabay
sa mga mamamayan sa pagtahak sa tamang direksyon. Pinapangalagaan
ng pamahalaan ang kapakanan ng bansa at ng buong sambayanang
Pilipino. Isinasaalang-alang ng pamahalaan ang nararapat na
pagpapatupad ng mga batas. Itinataguyod ng pamahalaan ang kaunlaran
ng bansa. Nagtuturo ito ng iba’t ibang paraang nakatutulong sa
pagsulong ng kabuhayan ng mamama- yan. Binibigyan ng pamahalaan ng
pantay na pagkakataon at karapatan ang bawat mamamayan.
1. Maraming bagay ang ginagawa ng pamahalaan para sa iyo.
Maibibigay mo ba ang tatlong pinakamahalaga? Bakit pinakamahalaga
ang mga ito para sa iyo?
2. Bilang ganti, ano ang magagawa mo para sa ating bansa?
Mangalap ka ng mga larawang nagpapakita ng kahalagahan ng
pamahalaan. Lagyan ng caption sa ibaba ng bawat larawan. Humanap ng
kapareha. Pag- usapan ninyo ang inyong ginawa.
Isagawa mo
Aralin 22 Ang Mamamayan ng Pilipinas
Hindi lahat ng mga tao sa Pilipinas ay mamamayang Pilipino. May mga
pamantayan at kwalipikasyon na dapat makamit upang maituring na
isang mamamayang Pilipino. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaari
ding mawala. Alam mo ba ito?
Ang Pagiging Mamamayang Pilipino
Ang isang bansa ay tulad ng isang pamilya na ang mga kasapi ay ang
mga mamamayan nito. Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging
miyembro ng bansang Pilipinas.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV, Seksiyon I, ang mga
mamamayang Pilipino ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa
pagkakatibay ng Saligang Batas na ang ina o ama ay mga mamamayan ng
Pilipinas, yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na
ang ina ay Pilipino, at yaong mga naging naturalisadong
Pilipino.
Uri ng Mamamayang Pilipino
Dalawa ang uri ng mamamayang Pilipino. Una ay ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng kapanganakan at pangalawa ay ang mga Pilipino sa
pamamagitan ng batas naturalisasyon.
Mga Katutubong Mamamayang Pilipino
Ang mga taong natamo ang pagkamamamayan simula sa kanilang
kapanganakan ay mga katutubong mamamayang Pilipino.
Dalawa ang basehan ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan - ang Jus
Sanguinis at ang Jus Soli.
Magsimula ka
Alamin mo
100
Jus Sanguinis - Ang Jus Sanguinis ay ang pagkamamamayan ayon sa
relasyon sa dugo. Ayon dito, ang batang isinilang ay sumusunod sa
pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o ng isa man lang sa kanila.
Ang batang isinilang ng isang Pilipinong magulang ay isang Pilipino
kahit na siya’y isinilang sa ibang bansa. Kapag isinilang naman sa
Pilipinas na ang mga magulang ay parehong dayuhan, ang
pagkamamamayan ng sanggol ay ibabatay sa pagkamamamayan ng kanyang
mga magulang.
Jus Soli - Ang Jus Soli ay ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng
kapanganakan. Ang mga magulang ay walang kinalaman sa
pagkamamamayan ng batang isinilang. Ang halimbawa nito ay ang
batang ipinanganak sa United States. Ang mga batang isinilang sa
U.S. ay kinikilalang mamamayan ng America anuman ang pagkamamamayan
ng mga magulang nila.
Mga Naturalisadong Pilipino
Ang mga taong nakuha ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng batas ng
naturalisasyon ay mga naturalisadong Pilipino.
Naturalisasyon
Ang bansa ay may kapangyarihang magbigay ng pagkamamamayan sa mga
dayuhan sa pamamagitan ng naturalisasyon. Ito ay paraan ng
pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng mga
karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
Maaaring makamit ang naturalisasyon sa pamamagitan ng hatol ng
hukuman o batas ng kongreso. Dapat masusing alamin ang pagkatao ng
isang banyaga na nais maging mamamayang Pilipino.
Mga katangiang kailangang taglayin ng isang dayuhan para sa
naturalisasyon
Edad na 21 taong gulang sa araw ng pagdinig sa kaso Ang isang
dayuhan ay dapat na may 21 taong gulang dahil pinapaniwalaang
nasa hustong edad na siya at may sapat nang pagpapasya sa edad na
iyon.
Sampung taong nakapanirahan sa Pilipinas nang tuluy-tuloy Sa loob
ng 10 taong paninirahan sa Pilipinas matututuhan na ng isang
ban-
yaga ang paraan ng pakikipamuhay sa mga Pilipino.
:
101
May mahusay at malinis na record ng pagkatao Maingat ang hukuman sa
pagbibigay ng pagkamamamayan sa isang banya-
ga. Tinitiyak nito na siya ay may mabuting pag-uugali at kalagayang
moral na naaayon sa batas upang maiwasan ang suliranin at krimeng
dulot ng kaduda- dudang pagkatao.
Naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas Dapat na maunawaan ng
isang banyaga ang konstitusyon ng Pilipinas at
ganap siyang sumasang-ayon dito. Ang Saligang Batas ang gagabay sa
kanya upang maging matapat sa Pilipinas.
Nagmamay-ari ng lupain o matatag na trabaho Kung ang isang banyaga
ay may lupain at matatag na trabaho, walang da-
hilan ang korte para hindi siya bigyan ng naturalisasyon. Kung
nagbibigay siya ng hanapbuhay sa maraming Pilipino, siya ay
itinuturing na isang pakinabang sa bansa.
Nakapagsasalita ng isa sa mga pangunahing wika sa bansa Kung
magaling siyang umunawa at magsalita ng Ingles, Tagalog, o
Bisaya,
walang dahilan para hindi siya maunawaan. Mahalagang alam niyang
makipag- talastasan o makipag-ugnayan sa wikang ginagamit sa
Pilipinas.
Nagnanais na matutuhan at tanggapin ang kulturang Pilipino Ang
isang banyaga na nagpapahalaga sa kulturang Pilipino, nag-aaral
ng
wikang Pilipino, pinag-aaralan ang mga pagpapahalagang demokratiko,
o nag- papakita ng pagnanais na tanggapin ang kulturang Pilipino,
ay pinapayagang maging naturalisadong Pilipino.
Nagpapaaral ng mga anak sa paaralang itinuturo ang kasaysayan at
kultura ng Pilipinas
Naniniwala ang Kataas-taasang Hukuman na ang mga anak ng isang
dayu- han ay dapat pinapag-aral sa Pilipinas upang matuto at
mahubog sa mga kau- galian at tradisyong Pilipino. Kung magiging
naturalisadong Pilipino siya, magi- ging Pilipino na rin ang
kanyang mga anak na wala pa sa hustong gulang.
Maaaring gawing limang taon ang kailangang bilang ng taon ng
paninirahan kung ang dayuhan ay ipinanganak sa Pilipinas,
nakapag-asawa ng mamamayang Pilipino, nakapagtatag ng bagong
imbensyon o industriya, nakapagturo ng dalawang taon sa paaralang
pribado, o may hinahawakan siyang katungkulang pampubliko sa bansa.
Mahalaga para sa ating bansa ang seguridad o kaligtasan ng ating
mga mamamayan, kung kaya ipinatutupad nang mabuti at maayos ang mga
panuntunan para sa pagkamamamayang Pilipino.
102
Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
Ang mga sumusunod ay sitwasyon na maaaring maging dahilan ng
pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino:
1. Pagtataksil sa Armed Forces of the Philippines sa oras ng
digmaan 2. Tahasang pagtakwil sa pagkamamamayan 3. Pagsumpa ng
katapatan sa konstitusyon ng ibang bansa 4. Pagiging naturalisadong
mamamayan ng ibang bansa 5. Pagsisilbi o pagtanggap ng komisyon sa
hukbong sandatahan ng ibang bansa
Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayan
Ang nawalang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring makamit muli sa
pamamagitan ng alinman sa mga ito: muling naturalisasyon,
pagbabalik sa sariling bansa at pagsumpa ng katapatan sa Republika
ng Pilipinas, at tuwirang aksyon ng kongreso.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sinu-sino ang mga mamamayang Pilipino? 2. Ano ang kaibahan ng
naturalisadong Pilipino sa katutubong Pilipino? 3. Ano ang kaibahan
ng Jus Soli sa Jus Sanguinis?
Ang pagkamamamayan ay pagiging miyembro ng isang estado o bansa.
Ayun sa Seksiyon 1, Artikulo IV ng Saligang Batas ang mamamayang
Pi- lipino ay yaong mga sumusunod: a. Mga mamamayan ng Pilipinas sa
pagpapatibay ng Saligang Batas b. Ang ama o ina ay mamamayan ng
Pilipinas c. Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang
ina ay Pilipino d. Mga naging mamamayan ayon sa batas Dalawa ang
batayan ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan: Jus Sanguinis at
Jus Soli. Ang Jus Sanguinis ay nagsasaad na ang bata ay sumusunod
sa pagkama- mamayan ng kanyang mga magulang o ng isa sa kanila.
Kung ang isa sa kanyang mga magulang ay Pilipino, siya ay
mamamayang Pilipino saan man siya isinilang.
Isagawa mo
103
Ang Jus Soli ay pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan. Ayon
dito ang mga magulang ay walang kinalaman sa pagkamamamayan ng ba-
tang ipinanganak. Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan ng
pagtanggap sa isang dayuhan at pagbibigay sa kanya ng mga
karapatang tulad ng tunay na mamamayan ng bansa.
Ipaliwanag at bigyan ng halimbawa.
1. Ang kahulugan ng naturalisasyon 2. Ang pagiging mamamayang
Pilipino
A. Lagyan ng tsek ( ) ang mamamayan ng Pilipinas. Gawin ito sa
sagutang papel.
_____ 1. Ang magulang na lalaki ay isang Espanyol at ang ina ay
Pilipina _____ 2. Ang mga magulang ay parehong Amerikano at
ipinanganak siya
sa Pilipinas _____ 3. Ang ina ay ipinanganak sa Mindanao at ang ama
ay isinilang sa
Bisayas _____ 4. Ang tatay ay tubong Canada at ang ina ay tubong
Vietnam _____ 5. Ipinanganak sa Pilipinas noong 1969 at ang ina ay
Pilipino
B. Itala sa notebook ang mga paraan ng:
Pagkawala ng Pagkamamamayang
Aralin 23 Ang Karapatan at Kalayaan ng mga Mamamayang
Pilipino
Mapalad ang mga mamamayan sa isang demokratikong bansa dahil sa mga
karapatan at kalayaang tinatamasa nila.
Anu-ano ang iyong mga karapatang pantao? Anu-ano ang iyong mga
kalayaan? Nauunawaan mo ba ang bawat isa?
Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
Ayon sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ang mga sumusunod ay
karapatan ng bawat mamamayang Pilipino:
• Karapatan sa kaparaanan ng batas • Karapatan sa pantay na
pangangalaga ng batas • Karapatan laban sa di-makatwirang
paghahalughog o pagsasamsam • Karapatan sa pagiging lihim ng
komunikasyon at korespondensya • Karapatan sa paglalakbay •
Karapatang bumuo ng mga unyon, samahan, at kapisanan • Karapatang
pumasok sa mga kasunduan • Karapatan sa malayang pagdulog sa mga
hukuman • Karapatan laban sa sapilitang paglilingkod • Karapatan
laban sa malawakang kaparusahan sa iisang paglabag
Mga Kalayaan ng Mamamayang Pilipino • Kalayaan sa pananalita •
Kalayaan sa pagpapahayag • Kalayaan sa mapayapang pagtitipon •
Kalayaan sa relihiyon • Kalayaan sa paninirahan
Ang Karapatang Pantao
Nauuri ang karapatang pantao sa: Karapatang sibil at pampulitika
Karapatang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkultura
Pinagtibay ang mga karapatang pantao sa pangkalahatang kapulungan
ng United Nations noong Disyembre 16, 1966.
Magsimula ka
Alamin mo
Ang mga karapatang sibil at pampulitika ay ang mga sumusunod:
Karapatan sa buhay, kalayaan, at kagustuhan sa sarili Ayon sa ating
Saligang Batas bawat tao ay may karapatan sa buhay. Walang
sinuman ang maaaring pumatay sa isang tao dahil ang buhay ay
sagrado. Maging masama man ang isang tao dapat pa ring bigyan siya
ng pagkakataong
magbago at mabuhay. Labag sa batas ang kumitil ng buhay ng isang
tao. May ka- rampatang parusa ang sinumang lalabag dito.
Bawat mamamayan ay may karapatan sa kalayaan at kagustuhan sa
sarili. Malaya niyang magagamit ang sarili niyang kakayahan,
kasanayan, at kaalaman basta’t naaayon sa batas at hindi
nakapipinsala sa kapwa. Ang kapakanan ng lahat o nakararami ang
dapat isipin sa paggawa ng sariling kagustuhan.
Karapatan laban sa pagiging alipin Walang sinuman ang maaaring
gawing alipin ng kahit na sino. Dahil demokratiko
ang ating bansa ang lahat ay kinikilalang pantay-pantay bilang tao.
Anuman ang laki ng pagkakautang ng isang tao sa isang
pinagkakautangan ng
loob hindi siya sapilitang mapagtatrabaho dito bilang alipin.
Gayumpaman, ang sinumang nagpasyang maglingkod sa mga
pinagkakautangan ay kinakailangang bigyan din ng sapat na kaukulang
sahod. Kung kakaltasan man ang sahod niya upang makapagbayad nang
paunti-unti, kinakailangan din ang kanyang kusang pagsang-ayon o
pahintulot nito.
Karapatan laban sa malupit na parusa Ang isang tao ay di dapat
bigyan ng malupit na parusa tulad ng labis na
pambubugbog, pananakit, o pag-aalis ng isang bahagi ng katawan. Ang
sinumang gumawa ng ganito ay maaakusahan ng severe physical injury
at mapapatawan ng mabigat na kaparusahan.
Karapatang kilalanin bilang isang tao Ang isang mamamayan, mahirap
man o mayaman, ay may karapatang
tanggapin ang respeto o paggalang na nauukol sa isang tao.
Tungkulin din niyang ipakita ang nararapat na asal o ugali upang
walang dahilan ang iba na siya’y di- igalang.
Pantay-pantay na pangangalaga sa batas Kung ang isang tao ay nasa
katwiran, nararapat lamang na magkamit siya ng
katarungan anuman ang kalagayan o katayuan niya sa buhay. Anuman
ang liping kinabibilangan, ang lahat ng mamamayan sa bansa ay
nararapat na bigyan ng pantay- pantay na pangangalaga sa
batas.
106
Ang isang halimbawa nito ay sa pagbabayad ng buwis. Ang lahat ng
taong pare-pareho ang dami at edad ng mga anak, hanapbuhay, at
kinikita ay pantay- pantay ang pataw na buwis na babayaran sa
pamahalaan.
Ang isang magulang ng bata na pinagkaitan ng edukasyon o di
tinanggap sa paaralan dahil sa pagiging mahina nito at pagiging
mahirap ay puwedeng magreklamo sa punong barangay laban sa
namamahala ng paaralan. Isang paraan ito upang mabigyan ng pantay
na pagkakataon sa edukasyon ang bawat tao.
Karapatan sa isang makatarungang pasya Ang mahihirap at mayayaman
na naakusahan ng krimen ay nararapat na bigyan
ng parehong pagkakataon upang maipagtanggol ang sarili at madinig
ang parehong panig upang magkaroon ng makatarungang pasya o
desisyon. Ang isang mahirap na walang pambayad sa abogado ay
maaaring humingi sa hukuman ng libreng paglilingkod na legal.
Karapatan laban sa di-makatwirang pagdakip, pagkulong, o
pagpapatapon Kung minsan ang isang tao ay napagkakamalan lamang sa
isang kasalanan.
Dapat na humingi siya ng warrant of arrest mula sa hukuman bago
siya sumama sa mga pulis o sinumang humuhuli sa kanya. Kung siya ay
sapilitang ikinulong o ipinatapon, maaari niyang akusahan ng
illegal detention ang mga taong dumakip at nagkulong sa
kanya.
Karapatan sa isang makatarungan, hayagan, at walang kinikilingang
paglilitis
Ang isang taong inirereklamo sa hukuman ay pinapayagang kumuha ng
isang abogado na magtatanggol sa kanya. Malayang makahihiling ang
taong ito na ilipat ang paglilitis sa ibang hukuman kung nakikita
niyang may kinikilingan ang nasabing hukumang dumidinig sa kanilang
kaso.
Karapatang maituring na walang sala hangga’t hindi napapatunayan
Ang isang nademandang tao ay hindi puwedeng paratangang isang
kriminal
hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon sa hukuman at hindi pa
naibababa ang hatol ng hukuman.
Karapatan sa pagiging lihim ng pamilya, tirahan, at liham o Right
to Privacy Malayang mailihim ng isang tao ang kanyang mag-anak,
liham, at tirahan kung
kinakailangan upang mapangalagaan ang mga ito. Hindi maaaring
basahin ninuman ang isang liham o dokumento kung hindi kagustuhan
ng may-ari nito. Ang lalabag sa karapatang ito ay tatanggap ng
kaukulang parusa sa batas.
Kalayaan sa paggalaw Ang isang Pilipino ay puwedeng kumilos nang
naaayon sa batas. Maaari
siyang gumalaw, maglakbay, pumasok sa isang kalakalan, at magbigay
ng
107
suhestiyon sa isang pagpupulong. Maaari niyang gawin lahat huwag
lamang masak- lawan ang karapatan at kalayaan ng ibang tao.
Karapatan sa kanlungan o Right to Refuge Ang isang taong
tumitestigo sa hukuman laban sa masasamang loob o sindikato
ay kadalasang nanganganib ang buhay pati na ang buhay ng kanyang
pamilya. Binibigyan ng pamahalaan ng kanlungan ang taong ito pati
na ang kanyang pamilya upang maipagpatuloy nito ang pagtestigo
tungo sa ikalulutas ng krimen. Bibigyan din siya ng mga security
guards na magsisilbingproteksiyon laban sa mga taong maaaring
manakot at magtangka ng masama sa kanya at sa kanyang
pamilya.
Karapatan sa pag-aasawa at pagbuo ng pamilya Ang isang dalaga o
binata na may gulang na 18-21 ay maaaring mag-asawa
kung may kasulatang nagpapahayag ng pagpayag ng kanilang mga
magulang. Yaong nasa gulang na 21-25 ay kailangang mayroong
kasulatan buhat sa mga magulang na nagsasaad na alam nila ang
kasalang magaganap. Ayon sa nirebisang Family Code of the
Philippines na binigyang-bisa noong ika-4 ng Agosto, 1988,
ipinagbabawal ang pag-aasawa kung wala pang 18 taong gulang.
Karapatan sa pagmamay-ari Ang mga Pilipino ay may karapatang
magmay-ari at gumamit ng sariling ari-
arian. Malaya silang makabili ng sarili nilang tahanan, lote, o
anumang ari-arian na naaayon sa batas.
Ang mga dokumento ng pagmamay-ari ang magiging katunayan ng
kanilang karapatan.
Kalayaan ng pag-iisip, budhi, at relihiyon Kinikilala ng Saligang
Batas ng Pilipinas ang malayang pagpili ng relihiyon at
pananampalataya ng mga Pilipino. Iba’t iba ang relihiyon ng mga
tao, may mga Katoliko, Protestante, Iglesia ni Kristo, Saksi ni
Jehovah, at iba pa.
Sinumang Pilipino, Kristiyano o Muslim, ay malaya sa kanyang
pag-iisip. May sariling konsensya ang bawat isa. Walang
makapagdidikta ng anumang paniniwala na laban sa kanyang
budhi.
Walang pambansang relihiyon kaya makapagtuturo lang ng Katesismo sa
mga pampublikong paaralan kung may pahintulot ang mga magulang ng
mga bata.
Kalayaan sa pagpapahayag Ang kalayaan sa pagpapahayag ay pinagtibay
ng konstitusyon. Ang karapatang
ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na iparating sa
pamahalaan ang kanilang mga karaingan. Ang mapayapang pagtitipon ay
pinapayagan tulad ng rally, kilos protesta, hunger strike, at iba
pa.
Isinasagawa ang mga pamamahayag na nasabi upang tugunan ng
pamahalaan ang mga karaingan at mapagbuti ang paglilingkod sa
sambayanan.
108
Kalayaan sa pagtitipon at pagsapi sa samahan Ang mga bata, matanda,
babae, o lalaki ay may kalayaang sumapi sa isang
samahan na makatutulong sa kanilang pag-unlad. Ang mga batang
lalaki ay maaaring sumapi sa Boys Scout of the Philippines
gayundin ang mga batang babae ay puwedeng maging Girls Scout of the
Philip- pines. Ang Scouting Movement na ito ay makatutulong upang
sila’y mahasa at masanay sa pagiging mabuting mamamayan. Maraming
mga samahan ang puwedeng lahukan ng mga bata ayon sa kanilang
interes tulad ng Science Club, English Club, Drama Club,
Mathematics Club, Dance Troupe, Choir, Swim- ming Club, at marami
pang iba.
Malayang makadadalo sa pagpupulong o pagtitipon ang mga batang
kasapi sa samahan. Kinakailangan lang ang permiso o pagsang-ayon ng
kanilang mga magulang.
Karapatang makilahok sa pamahalaan Ang isang mamamayang Pilipino ay
may karapatang kumandidato upang
manungkulan sa pamahalaan. Hindi siya maaaring hirangin kung wala
sa kanya ang kakayahang nararapat.
Ang isang nahalal ay may karapatang manungkulan sa loob ng panahong
itinakda ng batas. Hindi siya maaalis sa tungkulin kung lahat ng
gawain niya ay naaayon sa batas at kinakitaan siya ng matapat na
paglilingkod.
Ang mga karapatang ito ay magbibigay proteksyon sa bawat tao upang
ang ating pamahalaan ay hindi umabuso sa kapangyarihan. Tungkulin
ng pamahalaang ibigay ang mga karapatan ng tao.
Ang sumusunod ay mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan, at
pangkultura: • Karapatan sa kasiguruhang sosyal • Karapatang
maghanapbuhay • Karapatang magpahinga at mag-aliw • Karapatan sa
isang pamantayan ng pamumuhay • Karapatan sa edukasyon • Karapatang
lumahok sa pamumuhay pangkultura
Pangangalaga sa Karapatan
Sino ang dapat mangalaga sa mga karapatan ng mga mamamayan? Ang
pangulo ba? Ang kongreso? Ang hukuman? Ang kapulisan? Walang
sinuman sa mga ito ang lubos na makapangangalaga sa mga karapatan
ng mga tao. Mismong ang mga mamamayan ang tunay na makapagbibigay
ng proteksyon sa kanilang mga karapatan. Mahalagang alam ng mga tao
ang kanilang mga karapatan at manindigan para dito. Kapag may mga
isyu kung saan direkta silang maaapektuhan, kailangan nilang ihayag
ang kanilang opinyon sa tamang paraan at gawin ang lahat ng
makakaya upang mapangalagaan ang interes ng taong bayan.
109
Limitasyon sa Kalayaan at Karapatan
May mga limitasyon sa kalayaang pangrelihiyon. Ang mga gawain sa
pananampalataya na makasasakit o makasisira sa katahimikan ng bayan
ay hindi pinahihintulutan.
Ang pagtatayo ng mga bahay sa mga lansangang bayan, liwasan, lupang
pambayan, at mga pribadong lupa na walang pahintulot ng may-ari ay
ipinagbabawal.
Ang mga samahang may layuning maghimagsik laban sa pamahalaan ay
hindi pinahihintulutan. Ang isang taong gumawa ng maling pahayag at
mga paninirang- puri tungkol sa iba ay maaaring ihabla ng libelo.
Maaari namang akusahan at hulihin sa salang sedisyon ang isang tao
kung hinihimok niya ang taumbayan na ibagsak ang pamahalaan.
Walang sinumang tao ang may karapatang magbukas ng liham ng iba
maliban kung iutos ng hukuman o kapag hinihingi ang kaligtasang
pambayan. Hindi maaaring gumalaw ang isang tao nang naaayon lagi sa
sariling kagustuhan bagkus ay dapat ding isaalang-alang ang
kagustuhan ng ibang tao at ang itinakda ng batas. Dapat tingnan ang
kapakanan ng pambansang kalusugan, kaayusan, kaligtasan, at
kagalingan ng lahat, bago gawin ang anumang sensitibong
bagay.
Isulat sa papel ang house chart na ito. Itala sa ginawang house
chart ang mga karapatan mo bilang mamamayang Pilipino at mga
kalayaan mong tinatamasa.
1.
110
Nakasaad sa Artikulo III ng Saligang Batas ang katipunan ng mga
karapatan at kalayaan ng tao. Protektahan natin ito laban sa mga
pang- aabuso ng pamahalaan at ibang tao. Ang ilan sa mga karapatan
natin bilang mamamayan ay ang sumusunod: 1. Karapatan sa pantay na
pangangalaga ng batas 2. Karapatan sa di-makatwirang paghahalughog
3. Karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon 4. Karapatang bumoto
5. Karapatan para sa kaligtasan ng buhay, pamamahay, mga
ari-arian,
papeles, atbp. Ang ilan sa ating kalayaan ay: 1. Kalayaan sa
relihiyon 2. Kalayaan sa paninirahan 3. Kalayaan sa pananalita 4.
Kalayaan sa pagpapahayag 5. Kalayaan sa mapayapang pagtitipon
• Nauuri ang karapatang pantao sa karapatang sibil at pampulitika;
at kara- patang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkultura.
• Dapat malaman at maunawaan ng isang tao ang kanyang mga karapatan
at kalayaan upang mapangalagaan ang sariling kapakanan.
Isalaysay mo ang kahalagahan ng pagboto. Ibahagi sa katabing
kamag-aral ang iyong sagot.
1. Isipin mo at ilista sa notebook ang mga karapatang pantao na
iyong tinatamasa bilang mamamayang Pilipino.
2. Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng mga karapatan na dapat
makamit nang lubusan at maayos para sa pag-angat ng katayuan sa
buhay ng isang tao.
Bigyang pansin at suriin
Aralin 24 Mga Tungkulin o Pananagutan ng Mamamayang Pilipino
Kung alam mo ang kalipunan ng iyong mga karapatan at kalayaan,
higit na dapat alamin at unawain mo ang iyong mga tungkulin o
pananagutan bilang mamamayang Pilipino. Sumasang-ayon ka ba?
Ang masiglang paglahok sa mga gawaing pampamayanan ay
nangangahulugan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan. Ang
pagpapaunlad ng sarili at pagiging kapaki- pakinabang sa bansa ay
isang makabuluhang tungkuling dapat maisakatuparan.
Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino
Maagap na pagbabayad ng buwis
Ang buwis ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may
hanapbuhay at ari-arian sa bansa. Ang buwis ay perang panggugol ng
pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga
mamamayan.
Magsimula ka
Alamin mo
Ang pagbabayad ng buwis ay mahalaga sa pagpaparating sa mga
mamamayan ng kailangang serbisyo at paglilingkod.
112
Pagtulong sa mga nangangailangan
Tungkulin ng bawat mamamayan na tumulong sa kapwa na
nangangailangan ng tulong sa abot ng kanyang kakayahan. Ito ay
tungkuling panlipunan at pansibiko.
Paggalang sa karapatan ng iba
Di dapat abusuhin ang ating sariling karapatan at kalayaan. Igalang
din ang karapatan at kalayaan ng ibang tao.
Maayos na paggamit ng mga ari-ariang pampubliko
Tayo ay may tungkuling gamitin nang maayos at pangalagaan ang mga
gamit pampubliko tulad ng paaralan, parke o liwasan, at iba pa
upang may magamit din ang mga mamamayan sa hinaharap.
Matapat na paglilingkod ng mga manggagawang pampubliko at
pampribado Ang tungkuling ito ay maipakikita sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
• Pagpasok sa takdang oras • Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa
paggawa • Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabubuting gawain
Makatarungang paggamit ng karapatan
Ang paghahanapbuhay na nakapipinsala sa iba ay dapat ilipat sa pook
na walang mapipinsala o itigil kung kinakailangan. Hindi natin
puwedeng tirhan o ariin ang pag-aari ng iba ng walang pahintulot
ang may-ari o pamahalaan. Hindi natin puwedeng pilitin ang iba na
sumanib sa isang relihiyon. Ito ay kalayaan niya ayon sa kanyang
paniniwala.
Ang pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan ay tungkuling
panlipunan ng bawat mamamayan
113
Pangangalaga sa kalikasan
May tungkulin ang isang tao na pangalagaan ang kalikasan dahil ito
ay pinagkukunan ng kabuhayan ng marami.
Paggalang sa batas
Tungkulin nating igalang ang batas at ang maykapangyarihan. Kung
wala ang mga alagad ng batas, maaaring mawala ang kapanatagan at
kapayapaan ng pamayanan. Tungkulin nating tulungan sila sa
pagsasakatuparan ng batas. Tungkulin din nating ipagbigay-alam sa
kinauukulan ang mga pulis at iba pang lingkod-bayan na naliligaw ng
landas.
Pagpapaunlad sa sarili
Tungkulin nating mapaunlad ang ating sarili upang maging
kapaki-pakinabang sa bansa. Dapat tayong maging yaman ng bansa
kaya’t kailangang mag-aral nang mabuti, kumain nang sapat, at
mag-pahinga sa takdang oras. Ibahagi natin sa iba ang ating mga
kaalaman, kasanayan, at talino.
Ang pagtatanim ng puno at pangangalaga sa iba pang likas na yaman
ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran, isa sa mga
tungkulin ng mga mamamayan.
Maging mapanuri, tuklasin ang mga makabagong kaalaman na
makatutulong sa pag-unlad
114
Matapat at matalinong pagboto
Sa panahon ng halalan, gamitin natin ang ating karapatan sa
pagboto. Tungkulin natin na mailagay sa posisyon ang mga taong
karapat-dapat upang umunlad ang ating pamahalaan at bansa.
Isulat mo sa isang papel ang mga tungkulin ng mga mamamayan ayon sa
hinihingi ng talahanayan.
Ang bawat mamamayan ay may tungkulin o pananagutan na dapat gampa-
nan para sa bayan. Dapat maunawaan na sa bawat karapatan na
tinatamasa, may katumbas na mga gawain at tungkuling tumutugon sa
layunin at adhikain ng pamahalaan at ng sambayanan. Ang ilan sa mga
tungkulin ng mga mamamayan ay pagmamahal sa sarili, mabuting
pakikipagkapwa-tao, pagsunod sa batas, at pangangalaga sa kalayaan
ng bansa.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Bakit dapat gamitin ang katapatan at talino sa pagboto? 2. Paano
mo mapauunlad ang iyong sarili? Bakit mo gagawin ang mga ito?
Itala ang ilan sa iyong mga tungkulin bilang batang mamamayan.
Humanap ng makakaparehang kamag-aral at talakayin ninyo ang sagot
ng bawat isa.
Maging matapat at matalino sa pagbotoIsagawa mo
Bigyang pansin at suriin
Aralin 25 Paraang Nakatutulong sa Pangangalaga ng mga
Karapatan
Alam mo na ang iyong mga karapatan ayon sa Saligang Batas ng 1987.
Batid mo na rin ang iyong kalayaan at mga tungkulin pati na ang
pananagutang kaugnay nito.
Pero alam mo na ba ang mga paraang nakatutulong sa iyo sa
pangangalaga ng iyong mga karapatan? Sa araling ito, malalaman mo
ang mga paraan upang mapangalagaan ang iyong mga karapatan.
Paraang Nakatutulong sa Pangangalaga ng Karapatang
Pampulitika
Ang karapatang pampulitika ay karapatan ng mga mamamayang makilahok
sa pamamalakad ng pamahalaan. Ito ay ang mga karapatang bumoto,
karapatan ng pagkamamamayan, at karapatan sa tungkuling
pampubliko.
Mapangangalagaan ang karapatang bumoto sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa Commission on Election (COMELEC). Makapagtatanong doon
ng mahahalagang bagay hinggil sa mga isyung may kinalaman sa
eleksyon at sa mga karapatan ng mga botante. Ang pakikinig sa radyo
o telebisyon ng mahahalagang isyu ay magbibigay ng sapat na
kaalaman bukod pa sa pagbabasa o pakikipanayam sa kaukulang
tanggapan.
Kapag may tanong tungkol sa pagkamamamayan, maaaring magtanong sa
guro, sa punong guro, at sa mga ahensya ng pamahalaan na may sapat
na kasanayan tungkol dito. Sa pakikipag-ugnayan sa barangay sa
pamamagitan ng mga opisyales nito ay malalaman ang mga bagay na
dapat matamasa tulad ng pagtanggap ng libreng bigas at grocery sa
panahon ng pangangailangan at marami pang iba.
Ang isa pang karapatang pampulitika ay karapatan sa tungkuling
pampubliko. Kung may magandang hangarin ka na magsilbi sa
sangguniang barangay upang mapaunlad lalo ang pamayanan, maaari
mong kontakin ang kalihim ng barangay o ang kapitan ng barangay.
Makipag-ugnayan sa kanila at ipaalam ang layunin. Dapat na ikaw ay
nasa wastong gulang na at alamin mo pa ang ibang kailangan o
kwalipikasyon para maipatupad ang gusto mong gawin.
Magsimula ka
Alamin mo
Pangangalaga ng Karapatang Sibil Ang karapatang sibil ay ang
karapatang makipag-ugnayan ng mamamayan sa
bawat isa. Pinangangalagaan ito ng pamahalaan upang makasiguro sa
kaligtasan at kapayapaan ng isip ng mga mamamayan.
Kalayaan sa Pananalita at Pamamahayag Mapangangalagaan ang
karapatang ito basta tama at nasa ayos ang pananalita
at pamamahayag ng isang tao o pangkat. Kapag nakakapanakit at
nakasisira ng puri ang pahayag ng isang tao, maaari siyang
maakusahan ng libelo at maparusahan kapag napatunayang
nagkasala.
Kalayaan sa Paninirahan at Pagbabago ng Tirahan Kapag nakita ng
isang pamilya na nanganganib sila sa kanilang lugar na
tinitirhan, malaya silang humanap ng malilipatan. Mapangangalagaan
nila ang karapatang ito kung wala silang hangad na takbuhan ang
kanilang pananagutan sa may-ari ng kanilang tirahan at kung lilipat
sila nang maayos at walang maiiwang obligasyon.
Kalayaan Laban sa Sapilitang Paglilingkod Ang isang anak na
sapilitang ipinasok ng ama bilang katulong sa isang mayaman
dahil sa pagkakautang dito ay puwedeng umalis sa kanyang amo sa
maayos na pagpapaalam. Ito ay kanyang karapatan lalo na kung bata
pa siya at gusto niyang makapag-aral.
Karapatan Laban sa Pagkabilanggo nang dahil sa Pagkakautang Kung
ang isang tao ay nagkautang sa kanyang amo o kaninuman at di
niya
nabayaran ito dahil sa kanyang paghihirap sa buhay, di siya
puwedeng idemanda at ipabilanggo. Ito ay sa dahilang wala siyang
kakayahang magbayad. Bibigyan siya ng kaukulang panahon upang
mabayaran niya ang kanyang pagkakautang. Mapapangalagaan niya ang
karapatang ito sa pamamagitan ng pagsangguni niya sa abogado ng
pamahalaan, pagbabasa, at panonood ng mga programa sa telebisyon na
may talakayan patungkol dito.
Karapatang Magtatag ng mga Samahang Hindi Labag sa Batas May
karapatan ang isang taong magtatag ng isang samahan kung may
magandang layunin ito at makatutulong sa pag-unlad ng isang
pamayanan, at higit sa lahat hindi kakakitaan ng paglabag sa batas.
Mapangangalagaan ito ng sarili niyang legal na papeles.
Karapatang Magtipon at Magpetisyon upang Ipaabot at Malunasan ang
Karaingan
Sa mapayapang paraan maaaring magpulung-pulong ang isang pangkat
upang maiparating sa kinauukulan ang kanilang hinaing.
Mapapangalagaan nila ang karapatang ito kung may pahintulot sila sa
Kapitan ng Barangay at punong-bayan.
117
Pangangalaga ng Karapatang Pangkabuhayan at Panlipunan
Mapangangalagaan ang karapatan sa pag-aari kung may papeles ang
isang
tao na nagpapatunay na siya ang may-ari ng isang bahay, sasakyan,
mga alahas, o salapi. Dapat ay may kopya siya ng sariling assets
and liabilities.
Dapat ay may sapat na kaalaman ang isang tao tungkol sa wastong
kabayaran para sa mga pribadong ari-ariang kinuha ng pamahalaan
para sa gamit pambayan upang siya ay mabayaran nang sapat.
Pagtanggap ng Katarungang Panlipunan Ang katarungang panlipunan ay
dapat maibigay sa isang mamamayan upang
walang sinumang maaapi. Sinuman ay dapat magkamit ng katarungan
bilang mamamayan ng demokratikong bansa.
Pangangalaga at Paggamit ng Likas na Yaman Hindi dapat aksayahin
ang likas na yaman tulad ng tubig, elektrisidad, mineral,
at pagkain. Tipirin ito kung kinakailangan upang hindi tayo
mauubusan. Pangalagaan ang ating mga yamang lupa, yamang tubig, at
iba pa upang maiwasan ang labis na paghihikahos.
Karapatan sa Edukasyon Ipinapahayag ng ating Saligang Batas ang
ating mga karapatan sa edukasyon.
Ang mga bata ay libre sa pag-aaral mula sa elementarya hanggang sa
sekundarya sa mga paaralang pampubliko. Kaya walang dahilan ang mga
magulang na di- pag-aralin ang mga anak. Mapangangalagaan ng mga
magulang ang karapatang ito kung kanilang ire-report sa kinauukulan
ang mga tiwaling opisyal ng paaralan.
Proteksyon sa Makatarungang Paglilitis Karapatan ng nasasakdal na
maprotektahan laban sa labis na pagpapahirap,
dahas, pagbabanta, o ano pa mang paraan na hahadlang sa kanyang
malayang pagpapasya. Kaya dapat ay may abogado ang isang nasasakdal
upang mapangalagaan siya sa karapatang ito.
Karapatan Laban sa Di-makatwirang Pagdakip o Paghalughog Walang
sinuman ang maaaring pumasok sa bahay ng isang pribadong
mamamayan upang maghalughog o dumakip sa isang tao na walang
warrant of arrest. Kailangang ipakita ang kasulatan ng
paghahalughog o kasulatan ng pagdakip bago gawin ito. Kailangang
mabasa ng isang tao na nakasulat ang kanyang pangalan o ang gamit
na sasamsamin. Ang mamamayan ay maaaring dakpin ng walang
ipinakikitang kasulatan kung siya ay nakita sa aktong nakagawa ng
krimen o kasalukuyang gumagawa ng krimen o may matibay na batayan
na siya ay gagawa ng krimen. Pag may kaalaman tungkol dito
mapapangalagaan ng isang mamamayan ang kanyang karapatan.
118
Suriin ang mga pangungusap at isulat sa notebook ang mga paraang
nakatutulong sa pangangalaga ng mga karapatan. 1. Kalayaan na
makakuha ng tama at mahalagang impormasyon sa pahayagan,
radyo, at telebisyon 2. Makapag-aral ng libre mula elementarya
hanggang sekundarya 3. Makapagsarili at magtago ng mga lihim o
sikreto (privacy) 4. Tuklasin ang talento upang mas mapaunlad o
malinang 5. Pigilin na magsabi o magsiwalat ng nararamdaman,
opinyon, o paniniwala 6. Pumili ng relihiyon 7. Mamasyal at manood
sa mga lugar na bawal para sa mga menor de edad o
batang wala pa sa hustong gulang 8. Samantalahin ang mga
pagkakataon upang mapaunlad ang sariling talento at
maging malikhain 9. Sumali sa mga samahan o organisasyong
nakapagpapaunlad ng sarili 10. Magkamit ng magandang edukasyon at
malusog na pangangatawan
Sulyapan ang mga paraang makatutulong sa pangangalaga sa mga
karapatan. Pagtatanong sa COMELEC tungkol sa karapatang bumoto
Pagbabasa ng dyaryo, pakikinig sa radyo at panonood ng telebisyon
Pakikipanayam sa mga responsableng mamamayan Pagsasangguni sa
abogado Pagtitipid sa likas na yaman upang di maubusan Paghingi ng
search warrant o warrant of arrest sa mga alagad ng batas na
magtatangkang umaresto o maghalughog sa iyong bahay Paghingi ng
tulong sa mga alagad ng batas at iba pang sangay ng militar
Pag-isipan ang sagot sa tanong. 1. Paano mo mapangangalagaan ang
iyong mga karapatang:
a) Pampulitika? b) Sibil? c) Pangkabuhayan at Panlipunan?
Kasama ang isang kaklase, pag-usapan ninyo ang sumusunod na mga
paksa: “Paraang puwedeng gawin ng nasasakdal upang maipagtanggol
ang sarili” “Mga naranasan tungkol sa paglabag sa karapatang
pantao”
Isagawa mo
Aralin 26 Mga Pangyayaring Nakahahadlang sa Pagtatamasa ng mga
Karapatan
Natutunan mo na ang mga paraang makatutulong sa iyo sa pangangalaga
ng iyong mga karapatan. Maliwanag na rin sa iyo ang kahalagahan ng
pangangalaga sa iyong karapatan. Ngayon naman ay pagtuunan natin ng
pansin ang mga pangyayaring nakahahadlang sa pagtatamasa ng ating
mga karapatan. Mahalagang maunawaan mo ang mga ito upang malaman mo
kung paano haharapin ang mga hadlang na maaari mong maranasan sa
hinaharap.
Mga Hadlang sa Pagtatamasa ng mga Karapatan
Kahirapan
Ayon sa mga pag-aaral, dahil sa kahirapan ay maraming mga Pilipino
ang namamatay sa kalye, sa hospital, o sa sariling tahanan. Malimit
na ang isang mahirap ay napagdaramutan ng kanyang karapatang
mabuhay o malapatan ng lunas sa karamdaman.
Magsimula ka
Alamin mo
120
Dahil din sa kahirapan at kasalatan sa pamumuhay, ang isang tao ay
maaaring hindi makapag-aral, dahilan upang siya ay maging mangmang
at walang pinag- aralan. Napagkaitan siya ng kanyang karapatan sa
edukasyon.
Upang maiwasan ang kahirapan, ang bawat mamamayan ay dapat magsikap
mag-aral, maghanapbuhay, at umisip ng paraan kung paano
uunlad.
Maling Pagpapahalaga
Ang mga iringan sa pamahalaan at mga isyung pampulitika ang mga
pangunahing salik na umuubos sa panahon at atensiyon ng bayan.
Kadalasan, higit na napagtutuunan ng pansin ng ilang lider ng
pamahalaan ang mga hidwaan kaysa mas mahahalagang bagay.
Katiwalian sa Pamahalaan
Hindi kaila sa marami na may mga katiwaliang nagaganap sa kahit
saang sangay ng pamahalaan, maging sa ibang bansa. Bagamat may mga
mabubuting namumuno, mayroon ding mga opisyal na umaabuso sa
kapangyarihan at gumagawa ng hindi mabubuting bagay. Ginagamit nila
ang kanilang kapangyarihan para sa pansariling kapakanan. Maraming
opisyal na ng pamahalaan ang napabalita o direktang naakusahan ng
paggamit ng pondo ng bayan para sa pansariling layunin.
Ang mga katiwalian at pandarayang ito ay lubos na nakapagpapabagal
sa pag-unlad ng bansa, kaya’t marapat lamang na ang taong bayan ay
maging mapagbantay at maging marunong sa pagpili ng mga mabubuting
pinuno.
Terorismo at mga Kaguluhan
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ay ang terorismo. Ilan
sa mga karaniwang aktibidad ng mga terorista ay ang pagdukot sa mga
dayuhan at paghingi ng ransom para sa kanilang kalayaan. Kasama rin
dito ang paghahasik ng karahasan sa pamamagitan ng pambobomba at
pananakot sa mga mamamayan . Isang pangkat ng mga terorista ang Abu
Sayyaf na patuloy na tinutugis ng mga sundalo upang magkaroon ng
katahimikan sa Mindanao.
Isa rin sa mga suliraning hinaharap ng bansa ay ang mga krimeng
katulad ng pagnanakaw, pagpatay, pang-aabuso, at iba pa na
nakapagbibigay pangamba sa mga mamamayan.
Sa kasalukuyan, pinipilit ng mga alagad ng batas na gampanan ang
kanilang mga tungkulin upang maprotektahan ang mga mamamayan laban
sa mga pagsasamantala at kaguluhan.
121
Pagkukulang sa Pangangasiwa
May ilang di-magagandang bagay ang nagaganap bunga ng kapabayaan at
kakulangan sa mabuting pangangasiwa. Isang halimbawa ay ang
di-iilang beses na insidente ng paglubog ng ilang mga barko. Kung
mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang regular na inspeksyon sa
mga sasakyan at sa mga delikadong panig ng bansa, maraming buhay
ang maililigtas sa kapahamakan. Ang maayos na pakikipag-ugnayan sa
mga sasakyang panghimpapawid, pandagat, at panlupa ay dapat na
isinasagawa upang maiwasan ang mga sakuna at pagkawala ng maraming
buhay at ari-arian.
Di-wastong Pangangalaga sa Kalikasan
Maraming kagubatan sa iba’t ibang panig ng kapuluan ang nakakalbo
na. Dahil sa pagkaubos ng kakahuyan na sumisipsip sa tubig na
umaagos mula sa kabundukan, malaking pinsala ang hatid ng mga bagyo
at malalakas na pag-ulan.
Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang
nangangasiwa sa kalikasan upang maiwasan ang mga maling gawain ng
mga kaingero, nagmimina, at nagtotroso. Ang madalas na pagsubaybay
sa mga ito ay makatutulong sa pagkakaroon muli ng kakahuyan sa
kagubatan at kabundukan.
Ang mga pangisdaan ng ating bansa ay dapat ding regular na
masubaybayan dahil sa maling pamamaraan ng pangingisda. Ang Bureau
of Fisheries and Aquatic Resources ay tumitiyak na ang mga isda at
iba pang yamang dagat ay napangangalagaan laban sa pagkalason at
paggamit ng dinamita. Ang pagpaparami ng mga pagkaing dagat ay
makatutulong sa papalaki nating populasyon.
Di-pantay na Proteksyon sa Batas
Ang mga mamamayan ay dapat tumanggap ng pantay-pantay na proteksyon
sa batas. May mahihirap na nabibilanggo nang walang kasalanan dahil
wala silang abogadong tagapagtanggol. Maraming mayamang nagkasala
ang nasa labas ng bilangguan dahil sa malakas nilang koneksyon.
Hindi dapat na ang mahihirap na salat na sa buhay ay salat pa rin
sa katarungan. Dapat pagtuunan ng pansin ang pangangailangan gayun
din ang pantay na proteksyon sa batas ng mga mahihirap, salat, at
api. Dapat pairalin ang patakarang walang kinikilingang sinuman ang
batas.
Maagang Paghahanapbuhay ng mga Bata (Child Labor)
Dala ng kahirapan o kaya’y pagiging iresponsable ng ilang magulang,
maraming kabataan ang napipilitang sumabak sa maagang pagtatrabaho.
Sa halip na pag- aralin, pinaghahanapbuhay sila ng kanilang mga
magulang. Ang iba ay pumapasok na katulong sa bahay, ang iba nama’y
katulong sa tindahan, o kargador sa palengke.
122
Ang walang mapasukang trabaho ay humihingi ng limos sa labas ng
pintuan ng simbahan, sa kalsada, o sa mga nakahintong sasakyan. Ang
masakit, ang iba sa kanila ay naaaksidente o nabibiktima ng
masasamang elemento ng lipunan dahil sa kanilang maagang
paghahanapbuhay.
Nararapat na higpitan ng pamahalaan ang mga magulang. Tiyakin na
nasa paaralan ang mga bata. Dapat tulungan ang malalaking pamilya
at pagsikapang mabigyan ng edukasyon ukol sa family planning upang
maprotektahan ang mga bata.
Anu-ano ang mga pangyayaring nakahahadlang sa pagtatamasa ng mga
karapatan? Isulat mo sa iyong notebook.
Ang mga paglabag sa mga karapatang pantao ay mga pangyayaring naka-
hahadlang sa pagtatamasa ng mga karapatan. Ang mga dahilan o sanhi
ng paglabag sa mga karapatan ay maaaring dulot ng mga kapabayaan at
pang-aabuso.
Isagawa mo
Bigyang pansin at suriin
Ilan sa mga batang lansangan, na sa murang edad ay naghahanapbuhay
na o kaya’y namamalimos, sa halip na mag-aral.
123
Ang lipunan at indibidwal ang maaaring maging sanhi sa paglabag ng
mga karapatan. Ang hindi pagtupad sa tungkulin ng mga lingkod-bayan
ay maituturing na dahilan upang mahadlangan ang pagtatamasa ng mga
karapatan.
Kung pagkakaitan ka ng iyong karapatan sa edukasyon dahil sa iyong
maagang paghahanapbuhay, ano ang gagawin mo? Bakit?
A. Makipangkat sa dalawa mong kaklase at magpalitan kayo ng opinyon
tungkol sa paksa ng:
Mga Hadlang sa Aking Pangarap: Paano Maiiwasan
B. Ipaliwanag ang inilalarawan sa balangkas.
Balangkas ng mga Paglabag sa Karapatang Pantao
mga inabuso
Pang-aabuso
Krimen/Kaguluhan
124
Aralin 27 Kahalagahan ng Pagtatamasa ng mga Kalayaan at Karapatan
ng Tao
Tinatamasa mo ba ang mga kalayaan at karapatan ng mamamayang
Pilipino? Bakit mahalagang matamasa mo ang iyong mga karapatan at
kalayaan?
Sa araling ito, iyong malalaman kung bakit kailangang maranasan mo
ang iyong mga karapatan at kalayaan sa isang demokratikong bansang
tulad ng Pilipinas.
Kahalagahan ng Pagtatamasa ng mga Kalayaan
Mahalagang matamasa mo ang iyong karapatan at kalayaan. Kung ikaw
ay nagpipigil ng iyong emosyon at mga nais sabihin dahil sa iyong
pagiging mahiyain o dahil sa takot, ikaw ay nagkakait sa iyong
sarili ng iyong kalayaan. Panahon na para gumising ka, magsalita at
alisin ang takot, makikita mo na magiging maligaya ka kapag nagawa
mong ilabas ang iyong ninanais at lalo kang masisiyahan sa
buhay.
Gusto mong makilahok sa isang mapayapang pagtitipon sa paaralan.
Nakisali ka at nahalal bilang kalihim ng samahan. Binawalan ka ng
ilang kaibigan na alam mong naiinggit sa iyo. Pinapili ka,
makilahok sa samahang iyon o iiwasan ka nila bilang kaibigan.
Makilahok ka dahil iyon ang pagkakataon mong makipagkaibigan sa iba
na di pipigil sa iyong karapatang makihalubilo. Ang tunay na
kaibigan ay nagpapahalaga sa karapatan ng iba.
Gusto mong tumiwalag sa iyong nakagisnang relihiyon. Ipaliwanag mo
ito sa iyong mga magulang upang maunawaan ang iyong panig.
Pag-isipan mong mabuti ang iyong gagawin. Magpasiya ka, kung sa
iyong palagay ay nakita mo ang katotohanan sa bagong relihiyon,
tumiwalag ka sa dati mong paniniwala at magpokus sa napili mong
relihiyon. Kalayaan mo ito na dapat mong tamasahin.
Naguguluhan ka sa iyong kapaligiran. Maingay at palaging
nagbabangayan ang iyong mga kapitbahay. Hindi ka makapag-aral nang
mabuti. Ang iyong mga magulang ay katulad mo ring naguguluhan.
Magpanukala ka na lumipat kayo ng tirahan sa isang tahimik na
lugar. Gawin ninyo ang inyong paglipat sa ikatatahimik ng inyong
pamumuhay o kaya’y iulat ang masasamang gawi ng mga
kapitbahay.
May kalayaan kang lumipat ng tirahan kung ang iyong karapatan sa
kapayapaan ay di mo makamit sa tinitirhan mo ngayon.
Magsimula ka
Alamin mo
Kahalagahan ng Pagtatamasa ng mga Karapatan
Ang isang Pilipino ay dapat magtamasa ng mga karapatan dahil nasa
pamahalaang demokrasya ang ating bansa.
Pagdating sa edad na 15 taon, ang isang kabataang Pilipino ay
maaari nang bumoto sa panghalalang pangkabataan. Pagsapit niya sa
gulang na 18 taon maaari na siyang bumoto uli sa pambansang
halalan. Dapat gamitin niya ang karapatang ito upang maranasan niya
ang kapangyarihan bil