11
CALBI A. ASAIN, Ph.D. Mindanao State University - Sulu

CALBI A. ASAIN, Ph.D. Mindanao State University - Sulumanloloko/manlilinlang (anekdota), mga tamad at pilosopo. Mga Tauhan ng Kuwentong-Bayan: Engkantado/engkantada, maliit na nilalang,

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • CALBI A. ASAIN, Ph.D.Mindanao State University - Sulu

  • § Ang kuwentong-bayan ay isang kathambuhay na walang kinalaman sa relihiyon.§ Ito’y isang pasalita o palipat-dilang aspekto

    ng katutubong panitikan.§ Ang mananalaysay ay kolektibo, hindi

    indibidwal.§ May maiikli at may mahahaba.§ Iba’t ibang tawag: kata-kata (Tausug), tutol

  • (Maranao), kana-kana (Jama Mapun), sudsugid (Palawanon), nanawan (Bukidnon), susumaton (Samar), sayot/sugidanon (Mangyan), atbp. Iba’t Ibang Uri ng Kata-kata: Mga kuwentong bayan tungkol sa mga engkanto, mga hayop (pabula), tao at hayop na nagsasalita, mga manloloko/manlilinlang (anekdota), mga tamad at pilosopo.

    Mga Tauhan ng Kuwentong-Bayan: Engkantado/engkantada, maliit na nilalang,

  • mga higante, mga ibon at iba pang mga hayop, mga manloloko o manlilinlang, mga karaniwang taong may kakaibang katangian.

    Mga Tema: Pangingibabaw ng kabutihan sa kasamaan

    bilang pangkalahatang tema. “Hinang hi baran muwi kan baran” (Ang

    gina- gawa ng katawan ay uuwi sa katawan). Mga partikular na tema: kapangyarihan at

  • kahinaan, pagkakaibigan, pagmamahalan, paghihi- ganti, kamunduhan, pamilya, pakikipagkapuwa-

    tao, pangungulila, kawalang pag-asa, kasakiman, atbp.

    Pinangyarihan: Hindi masyadong espisipiko ang lugar at panahon. Pangkalahatan lang ang binabanggit, halimbawa sa isang kaharian, noong unang panahon, atbp. Balangkas o Estruktura ng Kuwentong-Bayan: May umpisa, gitna at katapusan. May eksposisyon, kumplikasyon o gusot papunta sa rurok ng mga pangyayari hanggang resolusyon. Ayon kay Dundes,

  • ang kuwentong-bayan ay binubuo ng tinatawag niyang “sequences of motifemes”: kakulangan, kakulangan likidado, pagbabawal, paglabag,

    panlilinlang, kinahinatnan, at pag- takas mula sa resulta.

    Epekto sa Tagapakinig: Paghanga, pagkasuklam, panghihinayang, katuwaan, halakhak, katarsis at iba pa depende sa sitwasyon na kasalukuyang isinasalaysay ang isang kuwentong-bayan.

  • Ang Mananalaysay:• May edad na karaniwang lolo at lola, tiyo o tiya,

    tatay o nanay at babai. Pero meron ding lalaking mananalaysay lalo na sa mga anekdotang may kinalaman sa kasarian.

    • Magaling sa pag-arte ang mga mananalaysay at ginagamit ng maigi ang katawan, mukha, bisig, at mga mata para maipamalas ang aksyon at emosyon hango sa kuwentong-bayan.

    Mga Bersyon ng Kata-Kata:• Sa Sulu, ang Hangdangaw ay Tupad Bayli sa iba.

    Ito ay Pusong sa Visayan, Cabagboc sa Bicol, Sandapal saTagalog, Sandangcal Greedy Juan sa

  • Kapampangan, Juan Tapon at Panganda- ngan sa Ilokano,Tangarangan sa Ibanag, at Carancal sa Batangas.

    Kahalagahan ng Kuwentong-Bayan: Daluyan ng kultura at katutubong wika Pinagmulan ng identidad o pagkakakilanlan ng isang lipunan

    Mga Hamon sa Kuwentong-Bayan: Makabagong teknolohiya, mga sine/teleserye, pagkawala ng mananalaysay o pagkamatay nila, kaguluhan at kriminalidad sa isang lugar.

  • Rekomendasyon: 1. Pangongolekta ng mga kuwentong-bayan 2. Pagsasalin sa Wikang Pambansa 3. Paglalathala ng mga nakolektang kuwentong-bayan 4. Pagtuturo ng pagsasalaysay 5. Pagtatag ng grupo ng mga mananalaysay

    Konklusyon: Mahalaga ang papel ng mga kuwentong-bayan sa pambansang lipunan. Pero nanganganib na mawala ito sa atin ng tuluyan pag hindi naagapan. Pag nangyari ito, malaking kawalan sa ating pambansang panitikan at sa darating pang mga henerasyon ng mga Filipino.

  • Magsukul tuud kaniyu katan.

    Maraming salamat sa inyong lahat.

    Daghang salamat sa inyong tanan.

  • Wassalam…