2
Maraming buhay ang nasisira ngdigmaan. Nagdudulot ito ng kahirapan, at bilyon-bilyon ang naaaksayang salapi bawat taon. Ang taumbayang nasa gitna ng karahasan ang siya mismong nakakaalam kung ano ang mga sanhi ng suliranin. Ngunit kadalasan, hindi sila isinasali sa paglutas ng mga suliraning ito. Itinataguyod ng Conciliation Resources ang taumbayang nasa gitna ng labanan na nagsisikap makahanap ng mga solusyon sa ganitong labanan. Nakikipagtulungan kami sa kanila upang mapalalim ang aming kolektibong pagkakaunawa sa labanan, ipinaghaharap ang mga komunidad na mayhidwaan, at lumilikha ng mga pagkakataon upang masaayos nila ito sa mapayapang paraan. Naririto kami para magbigay ng payo, suporta, at mga praktikal na dulugan hangga’t kinakailangan. Ibinabahagi namin ang mga napag-aralan namin sa mga gumagawa ng patakaran sapamahalaan, at sa ibang nagsisikap na tapusin ang labanan, sa layuning mapahusay ang alituntunin at pagpapalaganap ng kapayapaan sa buong mundo. Mga gawain namin Pagtaguyod ng pagkaunawa sa mapayapang pamamaraan ngpaglutas ng suliranin Dahil sa karanasan namin, alam namin na nakatutulong sa mga taong nasa gitna ng labanan ang bagong pananaw sa dati nang mga suliranin, at mula sa mga pagkakataon na makakuha ng mga bagong ideya para sa kalutasan nito. Kami at ang aming katuwang ay lumilikha ng mga pelikula, namamahagi ng mga publikasyon at artikulo, at nag-oorganisa ng mga gawaing magpapataas ng antas ng kamalayan at pag- uusap.Pakay nito na baguhin ang mga kaisipang de-kahon. Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: cr@c-r.org Web: www.c-r.org Twitter: @CRbuildpeace Conciliation Resources Nakikipagtulungan sa taumbayang nasa gitna ng labanan upang mapigilan ang karahasan at magpanday ng kapayapaan Saan kami kumikilos Ang amin programa ay tumututok sa pitong rehiyon sa mundo na napapasabak sa labanan: Colombia Silangan at Gitnang Aprika Fiji Kashmir Pilipinas Timog Caucasus Kanlurang Aprika Isinusulong namin ang mas mahusay na pagkilos sa pamamagitan ng seryeng publikasyon naming Accord sa pamamagitan ng pagkakatuto mula sa mga partikular na konteksto ng labanan at temang pangkapayapaan. Sinisikap rin naming mapahusay ang mga patakaran sa pandaigdagang labanan, na nakatutok sa UK, EU at UN, at sa mga rehiyon na kinikilusan namin. 4 4 4 4 4 4 4 www.c-r.org/our-work © David Turnley/Corbis

Conciliation Resources

  • Upload
    vokiet

  • View
    238

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Conciliation Resources

Maraming buhay ang nasisira ngdigmaan. Nagdudulot ito ng kahirapan, at bilyon-bilyon ang naaaksayang salapi bawat taon. Ang taumbayang nasa gitna ng karahasan ang siya mismong nakakaalam kung ano ang mga sanhi ng suliranin. Ngunit kadalasan, hindi sila isinasali sa paglutas ng mga suliraning ito.

Itinataguyod ng Conciliation Resources ang taumbayang nasa gitna ng labanan na nagsisikap makahanap ng mga solusyon sa ganitong labanan. Nakikipagtulungan kami sa kanila upang mapalalim ang aming kolektibong pagkakaunawa sa labanan, ipinaghaharap ang mga komunidad na mayhidwaan, at lumilikha ng mga pagkakataon upang masaayos nila ito sa mapayapang paraan.

Naririto kami para magbigay ng payo, suporta, at mga praktikal na dulugan hangga’t kinakailangan. Ibinabahagi namin ang mga napag-aralan namin sa mga gumagawa ng patakaran sapamahalaan, at sa ibang nagsisikap na tapusin ang labanan, sa layuning mapahusay ang alituntunin at pagpapalaganap ng kapayapaan sa buong mundo.

Mga gawain namin

Pagtaguyod ng pagkaunawa sa mapayapang pamamaraan ngpaglutas ng suliranin

Dahil sa karanasan namin, alam namin na nakatutulong sa mga taong nasa gitna ng labanan ang bagong pananaw sa dati nang mga suliranin, at mula sa mga pagkakataon na makakuha ng mga bagong ideya para sa kalutasan nito.

Kami at ang aming katuwang ay lumilikha ng mga pelikula, namamahagi ng mga publikasyon at artikulo, at nag-oorganisa ng mga gawaing magpapataas ng antas ng kamalayan at pag-uusap.Pakay nito na baguhin ang mga kaisipang de-kahon.

Logo using multiply onlayers

Logo drawn as seperate elementswith overlaps coloured seperately

Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: [email protected] Web: www.c-r.org Twitter: @CRbuildpeace

Conciliation Resources Nakikipagtulungan sa taumbayang nasa gitna ng labanan upang mapigilan ang karahasan at magpanday ng kapayapaan

Saan kami kumikilosAng amin programa ay tumututok sa pitong rehiyon sa mundo na napapasabak sa labanan:

Colombia Silangan at Gitnang Aprika Fiji Kashmir Pilipinas Timog Caucasus Kanlurang Aprika

Isinusulong namin ang mas mahusay na pagkilos sa pamamagitan ng seryeng publikasyon naming Accord sa pamamagitan ng pagkakatuto mula sa mga partikular na konteksto ng labanan at temang pangkapayapaan.

Sinisikap rin naming mapahusay ang mga patakaran sa pandaigdagang labanan, na nakatutok sa UK, EU at UN, at sa mga rehiyon na kinikilusan namin.

4

4

4

4

4

4

4

www.c-r.org/our-work

© David Turnley/Corbis

Page 2: Conciliation Resources

Pagkakatuto mula sa katulad na karanasan at pinasadyang angkop na pamamaraan

Iba-iba ang mga hidwaan – walang iisang solusyon para sa lahat. Katuwang at kaakbay kami ng mga taumbayan sa komunidad upang maunawaan ang bawat sitwasyon at maiangkop ang aming pamamaraan dito. Malayo na ang narating ng larangan ng pagpapanday ng kapayapaan na nagresulta sa isang hanay ng mga pamamaraan, istratehiya at teorya na madalas makakatulong sa mas epektibong pagkilos. Mabibigyang inspirasyon at kakayahan ang mga tao sa mga oportunidad na malalim na pag-isipan ang tungkol sa kahalintulad na mga karanasan kung paano hinarap at tinugunan ng ibang tao ang kaparehong mga hamon.

Paglahok na walang pinapanigan

Nakikipagtulungan kami sa iba’t ibang tao, mula sa mga estado hanggang sa armadong grupo, sa mga nasa sentro ng mga proseso hanggang sa mga taong naisasantabi. Kumikilos kami sa antas na pangmasa, pang-internasyonal, at pang-gobyerno. Inuuugnay namin ang mga tao sa larangan (on the ground) ng mga gumagawa ng patakaran. Nagbibigay suporta at sumasama kami sa taumbayan sa pagpapaigting ng kanilang kakayahan sa paglahok sa mga ganitong proseso patungo sa kapayapaan.

Conciliation Resources Charity registered in England and Wales (1055436) Company limited by guarantee registered in England and Wales (03196482)

Fiji: Nakatulong ang patuloy na suportang binibigay ng Conciliation Resources sa Citizens’ Constitutional Forum, Pacific Centre for Peacebuilding, at Dialogue Fiji upang pamunuan ng mga ito ang pagkilos ng taumbayan at gobyerno ng Fiji upang maibalik sa isang constitutional democracy ang bansa.Kashmir: Bilang bahagi ng aming cross-Line of Control (LoC) trade initiative, pinangunahan ng Conciliation Resources at ng mga katuwang namin ang tatlong araw na pagpupulong. Bunga nito ang paglagda ng sampung susing organisasyon ng mga mangangalakal mula sa bawat panig ng LoC sa kauna-unahang nakasulat na kasunduan para sa kooperasyon ng mga NGO. Malaking hakbang ito sa pagpapahusay ng kooperasyon ng LoC sa rehiyon.Pilipinas: Nakatulong ang pagiging kasapi namin sa International Contact Group sa pagpapalagda ng Framework Agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front.Accord: Nagbunga ng mga bagong kaisipan tungkol sa pagharap ng mga suliranin ang aming publikasyong Accord. Sinuri rito ang mga katangian ng labanan sa mga mga hangganan ng mga bansa (cross-border) at pamamaraan sa pagpanday ng kapayapaan. Itinuturing ito ng mga gumagawa ng mga patakaran sa UN natagapasimuno o ground-breaking.Silangan at Gitnang Aprika: Sa pagtatangkilik namin, may binuong bagong Regional Civil Society Task Force na regular na nagbabahagi ng impormasyon ukol sa mga pagkilos ng Lord’s Resistance Army. Tinataguyod nito ang pagtanggol sa mamamayan at pampulitikang solusyon sa labanan. Nakapanayam na ang mga kasapi ng Task Force sa radyo at TV, sa rehiyon at sa internasyonal na larangan, at nakahikayat na ang mga pananaw nila sa mga gumagawa ng patakaran sa rehiyon at sa Europa.Timog Caucasus: Sa unang pagkakataon, pinag-uusapan ngayon ang mga susing isyu kaugnay ng tunggaliang Georgian-Abkhaz, halimbawa ang pag-uwi at katarungan. Bunga ito ng pagkilos namin sa Georgia, sa mga taumbayan na lumikas at nawalan ng tahanan at kagamitan.

Mga bagong tagumpay2

2

2

2

2

2

Makatutulong ito kapwa sa mga taong nasa labas at mga taong sangkot sa labanan na maunawaan ang masalimuot na mga isyu sa bawat sitwasyon upang makahanap ng mga bagong pamamaraan sa pagtingin sa mga hidwaan.

Maglikha ng mga pagkakataon upang mag-usap ang mga komunidad na may hidwaan

Bihira ang pagkakataon ng mga grupong may hidwaan na magharap at mag-usap tungkol sa mga isyu na nakakaapekto sa kanila. Totoo ito para sa mga grupo sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa loob ng iisang bansa, o sa mga taong mula sa iba’t ibang rehiyon na naaapektuhan ng parehong labanan.

Kailangan ng puwang para sa diyalogo sa pagpanday ng kapayapaan. Inuugnay namin ang iba’t ibang mga grupo at sinisikap na isama ang lahat ng sektor sa lipunan sa mga gawaing pagpapanday ng kapayapaan.

Pagpapalakas ng patakaran at pagkilos sa pagpanday ng kapayapaan

Ibinabahagi namin ang mga karanasan namin, kasama na ang mga karanasan ng aming mga partner at mga lokal na komunidad sa mga lugar na may hidwaan, upang madagdagan ang kaalaman at maging mas epektibo ang mga patakaran, pamamaraan at aksyon para sa pagpanday ng kapayaan ng mga gobyerno at pandaidigang organisasyon tulad ng UN.

Itaguyod ang taumbayan upang magpanday ng kapayapaan

Nasa sentro ng pamamaraan namin sa pagkilos ang mga nagtutulungang samahan o collaborative partnerships. Bukod-tangi ang mga taong katuwang namin na gumawa na ng mga mahihirap na pagpapasiya upang hamunin ang karahasan at kumilos sa loob ng kanilang mga lipunan tungo sa mas mabuting kinabukasan. Inihahandog namin ang pangmatagalan at nararapat na suporta upang palakasin ang mga pagsisikap nila sa pagharap sa mga ugat ng mga suliranin na nagpapasiklab at nagpapatagal sa labanan.

Paano namin pinapanday ang kapayapaan

Tunay at tapat na samahan

Upang makamit ang makatarungan at mapapanatiling kapayapaan, kailangang maramdaman ng taumbayan na tinutugon ang kanilang mga alalahanin at may nagpapakita ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa kanila. Dapat din nilang suportahanang kalutasan ng mga hidwaan na nakakaapekto sa kanila. Katuwang kami ng mga indibidwal at organisasyon sa paghahanap ng mga pangmatagalang solusyon sa labanan. Sa mga ugnayang ito, may pagdadamayan at pagsusuporta sa isa’t isa at bukas ang isipan ng bawat isa sa mga hamon at pagkakatuto.