52
Kabanata 8: Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo Aralin 27: Dahilan at Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo Report ni: Richard Kenneth U. Bandiola

Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Report about the Age of Exploration in The Renaissance Period

Citation preview

Page 1: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Kabanata 8: Unang Yugto ng Imperyalismo at

Kolonyalismo

Aralin 27: Dahilan at Epekto ng Imperyalismo at

KolonyalismoReport ni:

Richard Kenneth U. Bandiola

Page 2: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Noong 1500, ang rebolusyong pang-komersiyo ay sumaklaw sa mga pagbabago sa lawak at pamamaraan ng kalakalan. Ang mga pagtuklas ay bunga ng paghahangad ng Espanya at Portugal na maging kabahagi sa kalakalan sa Asya na noon ay monopolyo ng Italy. Nakatulong din sa malawakang pagtuklas at paggalugad ng mga bagong lupain ang pagsulong ng kaalamang pangheograpiya, at imbensiyon ng compass, astrolabe at sextant. Ang mga instrumentong ito ay nagganyak sa pakikilahok ng Britain, France, at Netherlands sa larangan ng paggagalugad.

Page 3: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Mga Dahilan ng Paggalugad at Pananakop

Kolonisasyon- ang pagtatatag ng permanenteng panirahan (kolonya) sa mga dayuhang lupain.

Mga Salik na Sanhi ng mga Paggalugad at Pananakop:1. Lumalaking Populasyon

2. Mga Pangangailangan sa mga Produkto Mula sa Silangan

3. Ang Paglalakbay ni Marco Polo4. Mga Tuklas sa Paglalakbay

Page 4: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Mga Tuklas para sa Nabigasyon Kahalagahan

Compass Instrumentong gabay sa tamang direksiyon.

AstrolabeInstrumentong panukat sa mga

anggulo ng kinalalagyan ng bituin at araw

Mercator Projection

Isang mapang nagpapakita sa latitude at longitude ng mga lugar.

SextantIsang instrumentong sumusukat sa taas ng araw o ng bituin at sa

pamamagitan ng pagsukat sa anggulo ng mga ito ay maaaring

malaman ng manlalayag ang layo o distansya ng isang lugar.

Page 5: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Compass Astrolabe

Mercator Projection Sextant

Page 6: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang Paghahanap ng Bagong Daanan

Kontrolado ng mga Muslim at mga negosyanteng Italian ang kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya. Dinadala ng mga Muslim ang mga rekado at iba pang mahalagang produkto ng Asya sa mga daungan sa Ehipto, Syria at Turkey. Mula sa mga daungan, ang mga rekado ay kinukuha naman ng mga negosyanteng Italyano sa iba’t-ibang lungsod ng Italy. Sa bawat salin ng mga produkto sa iba’t-ibang negosyante, ang halaga ng produkto ay tumataas. Nais putulin ng mga Europeo ang mga ahente at dumirekta sa mga kayamanan ng Asya. Upang isagawa ito, ang mga makapangyarihang bansa sa Atlantic, una ang Portugal at sumunod ang Espanya, ay naghanap ng bagong ruta upang marating ang Asya nang hindi dadaan ng Mediterranean Sea.

Page 7: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang Pagnanais na Ikalat ang Kristiyanismo

Sa panahon ng Repormasyon, maraming misyonero at sundalo ang ipinadala sa ibang

lugar upang binyagan ang mga tao sa Kristiyanismo. Ang diwa ng Renaissance na

pagiging mausisa ay nagpaalab sa pagnanasang malaman at marating ang mga

lupain sa labas ng Europa. Para sa mga namumuhunan, may pangangailangan ang mga taong makipagsapalaran para sa katanyagan. Para naman sa Simbahan, ang paglaganap ng pananampalataya ng Diyos ang pangunahin.

Para sa mga naghaharing uri, ang bawat paglalakbay ay maaaring nangangahulugan ng

ibayong yaman para sa kanilang bayan o angkan.

Page 8: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Sa kabuuan, ang paghahangad na marating ang malayong mundo ay masasalamin

sa tatlong kataga:

Kaluwalhatian Kabanalan

Kayamanan

Page 9: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Mga Pangunahing

Bansa sa Larangan ng Kolonisasyon

Page 10: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Portugal

Page 11: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang Portugal ay ang unang bansang pumalaot sa kolonisasyon. Ito ay isang

maliit na bansa na may mahabang baybayin. Ang Portugal ay laging

umaasa sa dagat para sa kanyang kabuhayan. Habang ang kalakalan sa mundo ang pangunahing pinagmulan ng kapangyarihan at kayamanan ng

mga bansa sa Europa, nais mapakinabangan ng Portugal ang

kanilang kalapitan at kaalaman tungkol sa dagat. Layunin nilang makipag-

ugnayan sa mga kahariang mayaman sa ginto sa Africa at mahanap ang daan

tungo sa Indies.

Page 12: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Umunlad ang kaalamang pandagat ng mga Portuguese dahil sa suporta ni Prince Henry the Navigator. Ang mga barkong Portuguese ay naglayag patungo sa Strait of Gibraltar, na papasok ng Mediterranean Sea. Nagapi nila ang isang lungsod ng mga Muslim – ang Ceuta sa Hilagang Africa.

Noong 1488, ang nabigador na si Bartolomeu Diaz ay lumibot sa dulo ng Africa. Dahil may malakas na bagyo, siya ay napadpad sa pook na tinawag niyang Cape of Storms. Ang tagumpay ni Diaz ay nagpahiwatig na may daan patungong Silangan. Masaya niya itong ibinalita sa hari ng Portugal at ang Cape of Storms ay napalitan ng Cape of Good Hope.

Page 13: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Bartolomeu Diaz

-siya ang nabigador na

lumibot sa dulo ng Africa, at ang

kanyang paglalakbay ay

nagpahiwatig na mayroon ngang daan tungo sa

silangan.

Page 14: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang paglalakbay ni Diaz ay biyaya para sa Portugal. Ang pinakamalaking tagumpay ay nang marating ni Vasco da Gama ang kanlurang baybayin ng India noong 1498. Bagama’t mahigpit ang kontrol ng mga Muslim sa kalakalan, nagawa ni Vasco da Gama na magtakas ng kalakal na cinnamon at paminta. Itinuring siyang bayani sa kanyang pagbabalik sa Portugal noong 1499. Sa pagputol niya sa monopolyo ng kalakalan ng Italy sa Silangan, mabilis na nakilala ang kapangyarihan ng Portugal.

Page 15: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Vasco da Gama-siya ang

nabigador na nakarating sa

kanlurang baybayin ng India

noong 1498.

Page 16: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Espanya

Page 17: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Habang naggagalugad ang Portugal sa

mga baybayin ng Africa, isang kapitang Italian na nagngangalang Christopher Columbus ay naghahanap ng ebidensya na isang ruta patungong India ang mararating sa pamamagitan ng paglalakbay pakanluran. Dala-dala ang mga mapa, naglakbay si Columbus patungong Espanya at Portugal upang kumbinsihin ang mga hari na gastusan ang kanyang paglalakbay. Hindi siya nakakuha ng suporta kay Haring John II ng Portugal at Isabela I ng Espanya. Pagdating ng 1942, pumayag si Ferdinand V na pondohan ang kanyang ekspedisyon.

Page 18: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Christopher Columbus

-isang kapitang Italian na

nakahanap ng ebidensiya na may isang ruta

patungong India na maaaring marating sa

pamamagitan ng paglalakbay pakanluran.

Page 19: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Haring John II-ang hari ng Portugal na tumangging

pondohan ang ekspedisyon ni

Christopher Columbus.

Page 20: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Reyna Isabella I

-ang reyna ng Espanya na tumangging

pondohan ang paglalakbay ni

Christopher Columbus.

Page 21: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Haring Ferdinand V

-ang hari noong 1492 na

nagpondo kay Christopher

Columbus para maisagawa ang

kanyang ekspedisyon.

Page 22: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Nagkaroon ng apat na paglalakbay si Columbus sa tinaguriang New World, at naabot niya ang mga lugar na ngayon ay Dominica, Antigua, Venezuela, at Panama.

Ang eksplorer naman na si Amerigo Vespucci, isang Italian, ay nagsagawa ng ekspedisyon sa Timog Amerika noong 1499 hanggang 1502. Sa kanya ipinangalan ang Amerika at napatunayan niya na ang New World ni Columbus ay isang bagong kontinenteng hindi bahagi ng Asya.

Page 23: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Amerigo Vespucci-isang Italian na nagsagawa ng ekspedisyon sa Timog Amerika

noong 1499-1502. Sa kanya ipinangalan

ang Amerika.

Page 24: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Naging mahigpit na magkalaban ang Espanya at Portugal. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng alitan dahil sa kanilang mga inangking lupain.

Noong 1493, hiniling ng Espanya sa Papa na bigyan sila ng karapatang tumuklas ng mga lupain sa ibayo ng Atlantic Ocean. Isang dikreto ang inilabas ng Papa na nagsasaad na lahat ng bagong tuklas na lupain sa silangan ng isang imahinaryong guhit na nasa 250 milya ng Azores ay mapupunta sa Portugal at ang nasa kanluran naman ay mapupunta sa Espanya. Tumanggi ang Portugal, kaya nagkasundo ang mga kinatawan ng bansa at bumuo ng panibagong kasunduan, ang Kasunduang Tordesillas, kung saan ang imahinaryong guhit ay inilipat ng 700 milya pakanluran.

Page 25: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Iba Pang Mga Nabigador ng Espanya

at Portugal

Page 26: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Pedro Cabral-siya ay isang nabigador na naglakbay sa

silangang baybayin ng

Timog Amerika. Natuklasan niya

ang Brazil, at inangkin ito para

sa Portugal.

Page 27: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Vasco de Balboa

-ang nabigador na nagtagumpay sa

pagtayo ng permanenteng panirahanan sa Amerika sa may

silangang baybayin ng Isthmus ng

Panama noong 1510.

Page 28: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Francisco Pizarro

-ang nabigador na nakatuklas at sumakop sa mayamang

kaharian ng Inca sa Peru. Inangkin

niya ang halos lahat ng lupain sa

Timog Amerika para sa Espanya.

Page 29: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Juan Ponce de Leon

-isang eksplorer na ginalugad ang

Bahamas at baybayin ng Florida sa

paghahanap ng tinatawag na

“Fountain of Youth”, isang bukal na

pinaniniwalaang nagpapanumbalik ng

kabataan ng sinumang maligo rito.

Page 30: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Hernando de Soto

-isang eksplorer na nagpatuloy sa

paggalugad sa timog silangang hangganan ng

Hilagang Amerika.Pinangunahan niya ang paggalugad sa mga estadong ngayon

ay ang Florida hanggang Oklahoma. Siya rin ang

isa sa mga unang Europeo na nakarating

sa Ilog Mississippi.

Page 31: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Francisco de Coronado

-Isang nabigador na ipinadala sa isang

misyon ng mga pinunong kolonyal ng

Mexico. Naglakbay siya pahilaga at nagalugad ang

rehiyong nagyo’y tinatawag na Estados Unidos. Siya rin ang

kinikilalang nakatuklas sa Grand Canyon.

Page 32: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ferdinand Magellan

-isang Portuguese na ipinadala ng Espanya upang hanapin ang daan patungong Asya, partikular ang Mollucas Islands, upang makuha ang

mga pampalasa dito at makontrol ang kalakalan sa

Europa. Tumawid siya sa Pacific Ocean, nalihis ng daan at napunta sa mga grupo ng pulong pinangalanan niyang

Felipinas, bilang parangal kay Haring Felipe II ng Espanya.

Page 33: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Haring Felipe II ng Espanya

-ang hari ng Espanya noong

panahon ni Magellan. Sa

kanyang karangalan ay ipinangalan sa

kanya ang Felipinas o Pilipinas.

Page 34: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Britain at France

Page 35: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

John Cabot (Giovanni Caboto)

-ang nabigador na kinomisyon ni Haring

Henry ng Britain upang maghanap ng mga

lupain. Narating niya ang baybayin ng

lupaing ngayon ay Nova Scotia o Newfoundland.

Inangkin niya ang lupain para sa Britain.

Page 36: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Jacques Cartier-siya ang

naglayag sa malapad na St. Lawrence River at narating ang lugar na ngayon ay tinawag na

Montreal. Inangkin niya ito para sa France.

Page 37: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Sir Francis Drake-isang eksplorador na kinomisyon ni Reyna

Elizabeth I upang hanapin ang lagusan sa kanlurang baybayin ng Amerika. Sa

pinagsamang eksplorasyon at pamimirata, biniktima niya ang mga barko ng

Espanya sa may Atlantic at Pacific Ocean. Hindi niya nakita ang ruta, ngunit nagsimula sa kanyang

paglalakbay ang pamamayani ng Britain sa

mga karagatan.

Page 38: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Nagtatag ng mga Imperyo ang mga Europeo

Pagkaraan ng unang mga tuklas, nagsimulang kontrolin ng Europa ang maraming lupain na kanilang inangkin. Ang kanilang mga superyor na armas tulad ng kanyon at mga baril at ang bilis ng kanilang mga barko at mga kabayo, ay nakatulong upang masakop ang malaking bilang ng katutubong populasyon. Pagkatapos kontrolin ang lupain ay inangkin na ito bilang isang kolonya. Hindi nagtagal, ang mga kolonyang ito ay nakapagdulot sa kanila ng kapangyarihan at kabantugan.

Page 39: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Isang Imperyong Kalakalan ang Itinatag ng Portugal

Sa kadahilanang hindi malaki ang populasyon ng Portugal,isang imperyong pangkalakalan lamang ang minimithi niyang itatag. Noong unang bahagi ng ika-16 na siglo, hinirang si Don Alfonso de Albuquerque upang wasakin ang monopolyo at kontrolin ang kalakalan sa rekado. Sa pamamahala niya ay napasakamay ng Portugal ang Dagat Indian. Noong 1557 naman ay nabigyan sila ng kolonya sa may baybayin ng Tsina at Macao.

Page 40: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Don Alfonso de

Albuquerque-ang hinirang sa

Portugal noong ika-16 na siglo upang

wasakin ang monopolyo at kontrolin ang kalakalan sa

rekado.

Page 41: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Hindi gaanong nagtagal ang monopolyo ng Portuges sa kalakalan ng rekado. Humina ang Portugal noong 1580. Naangkin ng Espanya ang gobyernong Portuges, habang nakontrol ng mga Dutch ang kalakalan ng mga rekado ng Portugal. Gayunman, nanatili bilang kolonya ng bansa ang Tsina, India, Africa, at Brazil.

Tulad ng Portugal, nagsimula ang Espanya na magtatag ng kolonya sa pamamagitan ng pananakop. Nasakop ng Espanya ang dalawang malaking imperyo, ang Aztec ng Mexico, at ang Inca ng kalakhang Timog Amerika.

Page 42: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Nadala ng mga Kastila ang isang uri ng mikrobyong nagdulot ng mga sakit tulad ng scarlet fever, influenza, tigdas, smallpox, chicken pox, at iba pa. Ang mga sakit na ito ay nagpababa sa populasyon ng mga Aztec.

Dahil malaki ang populasyon ng Espanya, nakabuo ito ng mas matatag na kolonya. Karamihan sa mga nandayuhan ay nagmula sa mahirap na bahagi ng Espanya. Umasa silang makagawa ng yaman sa pamamagitan ng mga itatayo nilang mga plantasyon sa malalawak na lupain.

Page 43: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Mga Kolonya ng Britain sa Hilagang Amerika

Itinayo ng Britain ang unang permanenteng tirahan sa Jamestown, Virginia noong 1607. Noong 1640 ay may 60,000 katao ang lumikas sa New World. Ilan sa kanila ay mga mahihirap na magsasakang natambakan ng utang at napalayas sa kani-kanilang lupa. Ang iba, tulad ng mga Quaker at Puritan, ay lumikas dahil sa persekusyong dulot ng kanilang pananampalataya. Sa tulong ng British East India Company, na naitatag noong 1600, natamo ng Britain ang mayamang kalakalan sa buong subcontinent ng India.

Page 44: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Itinatag ang Imperyong Pangkalakalang Balahibo

Sa paglalakbay sa St. Lawrence River ni Jacques Cartier sa France, naengganyo niya ang mga French na magtayo ng imperyo sa Bagong Daigdig. Noong 1608, ang eksplorer na si Samuel de Chaplain ay nagtatag ng unang permanenteng paninirahanan sa Hilagang Amerika at Quebec.

Page 45: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Samuel de Chaplain

- ang eksplorer na nagtatag

ng unang permanenteng paninirahanan

sa Hilagang Amerika at

Quebec.

Page 46: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Ang mga balahibo ay naging mahalaga sa France. Sa paghahanap ng bagong rehiyon, ang mga French ay ang mga unang Europeong gumalugad sa rehiyon ng Great Lakes. Noong 1673, sina Louis Joliet at Jacques Marquette ay nagsagwan mula sa Great Lakes patungong Mississippi. Inangkin naman ni Robert Dela Salle ang lupain para sa France at ang lahat ng mga lupaing pinatuyuan ng tubig mula sa Mississippi ay pinangalanang Louisiana bilang parangal kay Haring Louis XIV.

Page 47: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Louis Joliet & Jacques

Marquette-dalawang

eksplorador na nagsagwan mula Great

Lakes patungong Mississippi

noong 1673.

Page 48: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Natamo ng Netherlands

ang mga Kolonya ng

Portugal

Page 49: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Mga Pagbabagong

Dulot ng Pagtuklas at Pananakop

Page 50: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Pang-aalipin

Page 51: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

Sumibol ang Kapitalismo sa

Europa

Page 52: Dahilan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

The End