1
VOL.3 - NO.30 - September 2015 A publication of the Public Affairs and Communication Service on DILG LG Sector News H anda na ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan na magsulat at makipagtalastasan gamit ang Wikang Filipino matapos ang kanilang pagsasanay sa Korespondensiyang Opisyal sa Wikang Filipino na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kamakailan lamang. Tatlumpu’t apat na kawani na nagmula sa iba’t ibang tanggapan ng DILG tulad ng Lingkuran ng Komunikasyon at Pakikipag-ugnayang Pangmadla (Public Affairs and Communications Service), Kawanihan ng Pangangasiwa ng Pamahalaang Lokal (Bureau of Local Government Supervision), Kawanihan ng Pagpapaunlad sa Pamahalaang Lokal (Bureau of Local Government Development), Tanggapan ng Serbisyo sa Pagpapaunlad ng Proyekto (Office of the Project Development Services), Pambansang Tanggapan ng Operasyong Pambarangay (National Barangay Operations Office) at iba pa ang nagsilahok sa nasabing pagsasasanay na ginanap sa ika-8 palapag ng DILG-NAPOLCOM Center. Sa kanyang bating pagtanggap, binigyang-diin ni Direktor Leocadio Trovela ng NBOO ang kahalagahan ng naturang seminar lalo na sa mga kawani ng pamahalaan upang mas lalo pa nilang mapabuti ang kanilang serbisyo publiko. Tinalakay naman ni G. Roberto T. Anonuevo, Direktor Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang Executive Order Blg. 335 na naglalayong gamitin ang Wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instrumentalidad ng pamahalaan DILG handa na sa Korespondensiya Opisyal sa Wikang Filipino at mapaigting ang paggamit nito tungo sa episyenteng serbisyo. Sa kabilang banda, ipinaliwanag ng batikang manunulat na ngayon ay konsultant ng KWF na si G. Rogelio G. Mangahas ang Ortograpiyang Filipino, kabilang ang mga sinaunang paraan ng baybayin at pagsusulat. Sinundan ito ng diskusyon ukol sa paghahanda ng korespondensiya opisyal ni G. Jomar I. Cañega, isang espesyalista sa larangan ng lenggwistikang Filipino at kawani ng KWF. Maliban sa mga teknisismo sa pagsulat ng korespondensiya opisyal, nagbigay din si Cañega ng mga mahahalagang kabatiran patungkol sa paggamit ng wika at ang mga serbisyong hinahandog ng Komisyon patungkol sa pagsalin sa Filipino ng mga teksto mula Ingles at iba pa. Nagkaroon din ng pagsasanay ang mga kalahok sa pagsusulat ng kanilang sariling korespondensiya tulad ng paggawa ng Resolusyon at Memorandum. Bilang karagdagang gabay sa pagpapatupad ng inisyatibang ito, ang KWF ay naghanda din ng mga teksbuk at iba pang manwal sa pagsusulat sa Wikang Filipino na tinangkilik din ng mga kalahok. Ang mga ito ay mabibili lamang sa kanilang tanggapan sa Kalye JP Laurel sa Malacañang. Ang Executive Order Blg. 335 ay umaasa na sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino, lalong mauunawaan at mapapahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsilbing instrumento ito ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran. Erika Marie E. Daza, ICRD-PACS

DILG handa na sa Korespondensiya Opisyal sa Wikang Filipinons1.dilg.gov.ph/PDF_File/reports_resources/dilg-reports-resources... · Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang Executive

  • Upload
    trinhtu

  • View
    250

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DILG handa na sa Korespondensiya Opisyal sa Wikang Filipinons1.dilg.gov.ph/PDF_File/reports_resources/dilg-reports-resources... · Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang Executive

VOL.3 - NO.30 - September 2015

A publication of the Public Affairs and Communication Service on DILG LG Sector News

Handa na ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan na magsulat at makipagtalastasan gamit

ang Wikang Filipino matapos ang kanilang pagsasanay sa Korespondensiyang Opisyal sa Wikang Filipino na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kamakailan lamang. Tatlumpu’t apat na kawani na nagmula sa iba’t ibang tanggapan ng DILG tulad ng Lingkuran ng Komunikasyon at Pakikipag-ugnayang Pangmadla (Public Affairs and Communications Service), Kawanihan ng Pangangasiwa ng Pamahalaang Lokal (Bureau of Local Government Supervision), Kawanihan ng Pagpapaunlad sa Pamahalaang Lokal (Bureau of Local Government Development), Tanggapan ng Serbisyo sa Pagpapaunlad ng Proyekto (Office of the Project Development Services), Pambansang Tanggapan ng Operasyong Pambarangay (National Barangay Operations Office) at iba pa ang nagsilahok sa nasabing pagsasasanay na ginanap sa ika-8 palapag ng DILG-NAPOLCOM Center. Sa kanyang bating pagtanggap, binigyang-diin ni Direktor Leocadio Trovela ng NBOO ang kahalagahan ng naturang seminar lalo na sa mga kawani ng pamahalaan upang mas lalo pa nilang mapabuti ang kanilang serbisyo publiko. Tinalakay naman ni G. Roberto T. Anonuevo, Direktor Heneral ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang Executive Order Blg. 335 na naglalayong gamitin ang Wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instrumentalidad ng pamahalaan

DILG handa na sa Korespondensiya Opisyal

sa Wikang Filipino

at mapaigting ang paggamit nito tungo sa episyenteng serbisyo. Sa kabilang banda, ipinaliwanag ng batikang manunulat na ngayon ay konsultant ng KWF na si G. Rogelio G. Mangahas ang Ortograpiyang Filipino, kabilang ang mga sinaunang paraan ng baybayin at pagsusulat. Sinundan ito ng diskusyon ukol sa paghahanda ng korespondensiya opisyal ni G. Jomar I. Cañega, isang espesyalista sa larangan ng lenggwistikang Filipino at kawani ng KWF. Maliban sa mga teknisismo sa pagsulat ng korespondensiya opisyal, nagbigay din si Cañega ng mga mahahalagang kabatiran patungkol sa paggamit ng wika at ang mga serbisyong hinahandog ng Komisyon patungkol sa pagsalin sa Filipino ng mga teksto mula Ingles at iba pa. Nagkaroon din ng pagsasanay ang mga kalahok sa pagsusulat ng kanilang sariling korespondensiya tulad ng paggawa ng Resolusyon at Memorandum. Bilang karagdagang gabay sa pagpapatupad ng inisyatibang ito, ang KWF ay naghanda din ng mga teksbuk at iba pang manwal sa pagsusulat sa Wikang Filipino na tinangkilik din ng mga kalahok. Ang mga ito ay mabibili lamang sa kanilang tanggapan sa Kalye JP Laurel sa Malacañang. Ang Executive Order Blg. 335 ay umaasa na sa pamamagitan ng paggamit ng Wikang Filipino, lalong mauunawaan at mapapahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsilbing instrumento ito ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran. Erika Marie E. Daza, ICRD-PACS