15
Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 1 Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6: LIKAS NA BATAS MORAL SIYASATIN AT TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE) Mahalaga ba sa iyo ang iyong kaligtasan? Paano mo tinatanggap ang pagbabawal, pag-uutos, pagpapaalala saiyo ng iyong mga magulang at iba pang may awtoridad? May kaugnayan kaya ang mga ito sa iyong kaligtasan? Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang kahalagahan ng isang bagay na makatutulong sa iyo hindi lang upang maging malayo sa panganib kundi ang maging isang mabuting indibiduwal. Handa ka na ba upang tuklasin ito? Sa modyul na ito, inaasahang: a. masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral? b. maisasagawa mo ang paglalapat ng wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos. Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b: a. nakagawa ng tsart ng mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko b. May lima o higit pang pasya at kilos sa bawat araw c. Kaangkupan ng mukha sa pasya o kilos batay sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral d. May entry ang kolum ng bawat araw sa loob ng isang lingo e. Nailahad nang malinaw ang ginawang pasya at kilos f. Malikhain at malinis ang pagkakagawa ng mga mukha ng mga pasya at kilos ko Paunang Pagtataya: Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba, pamilyar ba saiyo ang kuwento kaugnay nito? Ang larawang ito ay nakakabit sa anekdotang ikwinento ng ina ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na si Donya Teodora nang minsang binabasahan siya ng kanyang ina subalit hindi siya nakikinig dahil nakapako ang kanyang paningin sa apoy ng lampara.

Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

  • Upload
    dodang

  • View
    390

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 1

Edukasyon sa Pagpapahalaga I

Ikalawang Markahan

Modyul 6: LIKAS NA BATAS MORAL

SIYASATIN AT TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA

(EXPLORE)

Mahalaga ba sa iyo ang iyong kaligtasan? Paano mo tinatanggap

ang pagbabawal, pag-uutos, pagpapaalala saiyo ng iyong mga magulang at iba pang

may awtoridad? May kaugnayan kaya ang mga ito sa iyong kaligtasan? Pag-aaralan

mo sa modyul na ito ang kahalagahan ng isang bagay na makatutulong sa iyo hindi

lang upang maging malayo sa panganib kundi ang maging isang mabuting indibiduwal.

Handa ka na ba upang tuklasin ito?

Sa modyul na ito, inaasahang:

a. masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?

b. maisasagawa mo ang paglalapat ng wastong paraan upang baguhin ang mga

pasya at kilos.

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b:

a. nakagawa ng tsart ng mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko

b. May lima o higit pang pasya at kilos sa bawat araw

c. Kaangkupan ng mukha sa pasya o kilos batay sa unang prinsipyo ng Likas na

Batas Moral

d. May entry ang kolum ng bawat araw sa loob ng isang lingo

e. Nailahad nang malinaw ang ginawang pasya at kilos

f. Malikhain at malinis ang pagkakagawa ng mga mukha ng mga pasya at kilos ko

Paunang Pagtataya:

Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba, pamilyar ba saiyo ang kuwento kaugnay

nito? Ang larawang ito ay nakakabit sa anekdotang ikwinento ng ina ng ating bayaning

si Dr. Jose Rizal na si Donya Teodora nang minsang binabasahan siya ng kanyang ina

subalit hindi siya nakikinig dahil nakapako ang kanyang paningin sa apoy ng lampara.

Page 2: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 2

Gamu-gamo sa Lampara

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:

1. Ano ang sinabi ng inang gamu-gamo sa kanyang anak?

________________________________________________________________

2. Bakit pinaalalahanan ng ina ang anak?

________________________________________________________________

Kwento ng Gamu-gamo sa Lampara:

Pinagsabihan ng inang gamu-gamo ang kanyang anak na huwag lumapit sa apoy ng lampara para hindi siya masunog ngunit hindi nakinig ang anak. Siya ay lumipad at naglaro malapit sa apoy ng lampara at walang anu-ano ay nahagip siya ng apoy at namatay. Kung nakinig sana ang anak sa kanyang ina, sana ay hindi siya napahamak.

Page 3: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 3

3. Paano ito tinanggap ng anak?

________________________________________________________________

4. Ano ang naging epekto ng pagbabalewala ng anak sa sinabi ng ina ?

________________________________________________________________

5. Saan maaaring ihalintulad ang paalalang ito?Ipaliwanag

________________________________________________________________

PAGTUKLAS

Sa buhay mo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata, lagi mong naririnig

ang mga pagpapaalala mula sa iyong magulang o maging sa mga taong

nakatatanda sa iyo. Minsan ito ay nasa anyong pag-uutos o kaya’y pagbabawal,

sa iba pang pakahulugan ito ay maaaring tawaging batas.

Naitanong mo na ba kung bakit ibinibigay ito saiyo?

Muli mong balikan ang kwento ng gamu-gamo sa lampara. Suriin ang

kahulugan nito at pununan ang puwang sa bawat kahon upang mabuo ang diwa

nito.

Ang apoy ng lampara ay ________________________________________________________________________________________

______________________

Kapag nadikit ang isang bagay sa apoy katulad na gamu-gamo ay __________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________

Katulad sa gamu-gamo ako ay maaaring _______ _____________________________________________________________________________________________

Natuklasan kong ____________________________ ____________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 4: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 4

LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)

Ano ang pinagbabatayan ng pasya at kilos ng tao? Ano ang

epekto kapag nasusunod ang batayang ito? Mahalagang maunawaan

mo na ang kilos ng tao ay ginagabayan ng batas upang gawin niya ang

mabuti at iwasan ang masama. Tinatawag itong Likas na Batas Moral (natural moral

law). Lubos mong maiintindihan ang batas na ito habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral

ng modyul na ito.

Sa bahaging ito, gagawin mo ang “Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko”.

Makatutulong ito upang matukoy ang iyong damdamin kapag gumagawa ka nang ayon

sa batas o taliwas dito. Mahalagang mataya mo ito upang matukoy kung kailangang

ituwid ang iyong paniniwala o pananaw ukol dito.

Sundin ang Panuto: 1. Gunitain ang mga ginawa mong pasya o kilos sa isang araw.

Halimbawa: Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin.

2. Isulat ang dalawang pasya o kilos mo sa bawat araw sa unang kolum sa tsart ng

“Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko” sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa.

3. Sa ikalawang kolum, iguhit ang angkop na mukha batay sa ginawa mong pasya

o kilos. Sundin ang nasa ibaba:

Masaya kung sinunod ang Likas na Batas Moral Malungkot kung hindi sinunod ang Likas na Batas Moral 4. Sa ikatlong kolum, isulat ang kabutihan ng pagsunod sa batas.

5. Gawin ang paglilistang ito araw-araw sa loob ng isang linggo.

Page 5: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 5

Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko

Araw Pasya o Kilos Mukha ng Pasya o Kilos

Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas

Lunes 1. Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin.

Ang pagsunod sa magulang ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila.

2.

Martes 1.

2.

Miyerkules 1.

2.

Huwebes 1.

2.

Biyernes 1.

2.

Sabado 1.

2.

Linggo 1.

2.

Kamusta, nagustuhan mo ba ang gawain? Ngayon, kunin ang journal at sagutin ang

mga sumusunod na tanong.

Page 6: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 6

1. Ano ang iyong natuklasan sa ginawa mong pagsusuri sa iyong mga kilos at pasya?

2. Masaya ka ba kung ginagawa mo ang mabuti? Pangatwiranan.

3. Malungkot ka ba kung ginagawa mo ang masama? Pangatwiranan.

Ngayon, kunin mo ang iyong kwaderno at tapusin ang mga di tapos na pangungusap sa

ibaba:

a. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?

PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)

Narito ang inihandang babasahin para sa iyo upang lalo pang

mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol sa batas, higit sa lahat ang Likas na Batas

Moral. Sa tulong ng babasahing ito mauunawaan mo ang katangian ng nabanggit na

batas at ano ang kahalagahan nito sa iyong pagpapakatao. Matutulungan ka rin nito

upang ganap na mahinuha ang Kakailanganing Pag-unawa (EU) tungkol sa paksa.

Ang Likas na Batas Moral ay

----------------------

Ang batas na ito ay makatutulong sa akin upang --------------------- --------------------- ------------------------

Page 7: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 7

LIKAS na BATAS MORAL: Gabay sa Kilos at Asal

Paano mo malalaman kung ang isang bagay ay mabuti o masama? Ano ang sukatan o

pamantayan sa pagkilala kung ano ang makabubuti o makasasama?

Higit sa ano pa mang bagay na kailangang sukatin ay ang mismong kilos ng tao.

Kailangan ito, sapagkat ang mabuti o masamang kilos ang nagpapabuti o nagpapasama sa tao.

Ang tao ay nangangailangan ng gabay na makatutulong sa kanya sa pang-araw-araw

na pagpapasya. Ito ang kanyang kakapitan upang makatiyak na ang kanyang gagawing kilos

ay wasto at mabuti. Ayon kay Quito (2008), ang pamantayang gagamitin ay kailangang simple

at totoo para sa lahat (obhektibo) upang madaling maunawaan ng lahat. Ang gabay o

pamantayan na ito ay tinatawag na batas.

Ang tao ay may kalayaan – ang kakayahang magtakda ng layunin para sa sariling buhay

at gumawa upang makamit ito. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay may kakayahang magpasya

na kumilos o di kumilos at siya ay may kakayahang pumili. Kung kaya’t ang kanyang kilos at

pagpapasya ay dumadaan sa proseso ng pag-iisip. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang

batas. Ito ang nagbibigay ng hangganan sa kilos ng tao. Ito ang nag-uutos, nagbabawal at

nagpapahintulot. Mahalaga ito upang isaalang-alang hindi lamang ang makabubuti sa sarili

kundi upang makamit ang kabutihang panlahat. Dahil sa batas, nagkakaroon ng direksyon ang

kilos ng tao.

Ang isip ng tao ay nagsasabing nagaganap ang mga pangyayari sa mundo nang may

dahilan. Sinasabi rin nito na ang isang bagay ay may pinagmulan at kabilang dito ang batas.

Saan nagmumula ang batas? Ano ang dahilan ng pagkakaroon nito?

Ang batas ay galing sa salitang Latin na lex na nangangahulugang bigkis, tali o buklod.

Ito ay may apat na elemento ayon kay Santo Tomas:

Page 8: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 8

1. Pagsusukat ng kilos (Ito ay pagbabawal, pag-uutos at pagpapahintulot.)

2. Pinag-isipan (Ito ay makatwiran.)

3. Pinapalaganap (Ito ay pinaalam sa kinauukulan at may awtoridad o may

pwersa na ipatupad.)

4. Para sa kabutihang panlahat (Ito ang layunin ng batas.)

Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang

nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang

tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may

kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang malayang kilos-loob dahil

ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan.

Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutuhan o malaman ang

batas na ito. Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibidwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay:

Likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama.

Ang tao ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos. Ito

ay dahil kailangan niyang pamahalaan ang kanyang kilos sa pamamagitan ng tamang paggamit

ng kanyang kalayaan at kilos-loob.

.Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan. Kaya’t ang

walang kalayaan ay di sakop ng batas na ito. Nakasaad sa batas na ito ang dapat gawin at di

dapat gawin ng tao; kaya’t ito ang gumagabay sa kilos ng tao. Layon ng batas-moral na

pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa siya ng tamang pasya at

kilos. Higit sa lahat, layunin ng batas na ito ang kabutihan ng tao. Ang tao ang iisang nilikha na

maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang

dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas na Batas Moral. Maiiwasang gawin ng tao ang

masama kung susundin niya ang batas na ito. na mabisang ipinahayag sa Sampong Utos

Mga Katangian ng Likas na Batas Moral

a. Obhektibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan. Ito ay

nagmula sa mismong katotohanan – ang Diyos. Ang katotohanan ay hindi nililikha; kaya

hindi ito imbensyon ng tao. Ito ay natutuklasan lamang ng tao. Pangkalahatang

katotohanan ito na may makatwirang pundasyon. Naaayon sa reyalidad ito at hindi

nakabatay sa tao. Hindi ito naiimpluwensyahan ng anumang bagay lalo na ng pagtingin

ng tao dito. Palagi itong umiiral dahil hindi ito naaapektuhan, kilalanin man ito ng tao o hindi.

b. Pangkalahatan (Unibersal) – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw

nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa

Page 9: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 9

lahat ng pagkakataon. Ito ay dahil nakaukit ito sa kalikasan ng tao; kaya’t ito ay

nauunawaan ng lahat at ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao.

Walang Hanggan (Eternal) – Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas na ito ay

walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ang

kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay

permanente rin. Ito ay totoo kahit saan at kahit kailan.

c. Di-nagbabago (Immutable) – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi

nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo

ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas Moral

ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito rin ang nagpapatupad ng iisang alituntunin para sa

lahat.

Sa kabuan, ang Likas na Batas Moral ay obhektibo, pangkalahatan, hindi nagbabago at

totoo kahit saan at kahit kailan. Ito ay dahil ang taong sinasakop nito ay may kalikasang hindi

nagbabago, anumang pagkakataon at saan man siya naroroon.

Layunin ng Likas na Batas Moral ang ikabubuti ng lahat ng tao sa

kanyangpagpapakatao. Hindi para sa kabutihan ng indibidwal lamang ang batas na ito kundi

para sa lahat ng tao. Hindi ako uunlad sa pagkatao kung para sa sariling kabutihan lamang ang

pagkilos ko.

Sa iyo kabataan, may paggalang ka ba sa batas kahit pa minsan ito ay hadlang sa mga

bagay na nais mong gawin?

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong

upang ipahayag ang iyong naunawaan mula sa babasahin. Isulat ang iyong mga sagot

sa iyong kuwaderno.

1. Saan dapat ibatay ng tao ang kanyang gagawing pagpapasya at pagkilos?

Pangatwiranan?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Page 10: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 10

2. Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

PAGHINUHA NG KAKAILANGANING PAG-UNAWA (EU)

Likas na

Batas

Moral

Ka

ma

lay

an

Ka

lay

aa

n

kabutihan

Sundin ang payo ng mga magulang

Gawin ang takdang-aralin at mga proyektong nakatakda sa tamang oras.

Sundin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan.

Pag-imbento ng dahilan para payagang lumabas ng bahay upang makapaglaro ng computer games.

Pagti-text habang nagtuturo ang guro.

Pagpapakawala ng aming aso tuwing umaga upang dumumi sa kalsada.

Halimbawa ng mga mabuting kilos

na dapat mong gawin

Halimbawa ng masamang kilos na

dapat mong iwasan.

Page 11: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 11

PAGSASABUHAY NG PAG-UNAWA (TRANSFER)

Naging malinaw ba sa iyo ang konsepto ng Likas na Batas Moral

mula sa

babasahin? Hangad kong naunawaan mo nang lubos ang kahalagahan ng batas na ito

saiyo bilang gabay sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Sa bahaging ito ng aralin, inaasahan na matutulungan ka upang ipamuhay ang

nakasaad sa Likas ng Batas Moral at mapatatag ang pagsasabuhay ng batas na ito.

PAGGANAP

Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, isulat mo sa unang hanay ang mga natutuhan mo

tungkol sa Likas na Batas Moral. Isulat naman sa ikalawang hanay ang mga

maitutulong ng Likas na Batas Moral sa pag-unlad ng iyong pagkatao.Sundan mo ang

naunang halimbawa.

Mga Natutuhan Tungkol sa Likas na Batas

Moral

Mga Maitutulong ng Likas na Batas Moral sa

Pag-unlad ng Pagkatao

Halimbawa:

Ito ay nakaukit sa pagkatao ng tao.

1. _____________________________

2. _____________________________

3. _____________________________

4. _____________________________

5. _____________________________

Halimbawa:

Magagabayan ako nito sa paggawa ng mabuti.

1. ______________________________

2. ______________________________

3. ______________________________

4. ______________________________

5. ______________________________

Page 12: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 12

PAGNINILAY

Ano ba ang kahalagahan ng Likas ng Batas Moral sa iyo? Ano ang naidudulot

kapag ito

ay sinusunod mo? Ano naman ang epekto kapag ito ay sinusuway mo? May paraan ba

upang mapaunlad ang iyong pagsunod sa batas na ito? Mahalagang pagnilayanan ang

mga sagot sa tanong na ito upang mabigyang halaga ang pagpili mo sa paggawa ng

mabuti at iwasan ang paggawa ng masama.Isulat ang iyong sagot sa mga katanungang

ito sa iyong journal.

PAGSASABUHAY

Ang tamang sukatan ng pagkatuto at pagkaunawa ng isang mag-aaral ay kung

nailalapat niya sa pang-araw-araw na buhay ang kanyang natutuhan. Sa ganitong paraan

Mga natuklasan ko tungkol sa Likas na Batas Moral

Anong mga kondisyon na nasusunod ko ang Likas na Batas Moral?

Mga dahilan ko ng hindi pagsunod sa Likas na Batas na Moral?

Paano ko mapauunlad ang pagsunod ko sa Likas na Batas Moral?

Page 13: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 13

makikita ang unti-unting pag-unlad ng pagkatao ng isang indibiduwal. Ikaw ay hinihikayat na

gawin ang gawain sa bahaging ito.

Panuto:

Mula sa sagot mo sa Worksheet na Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko, baguhin mo

ang mga mukhang malulungkot sa nagdaang linggo. Nangangahulugan ito ng pagbabago

ng iyong pasya at kilos tungo sa paggawa ng mabuti. Maaaring tularan ang halimbawa sa

ibaba.

Mga Mukha ng mga Pasya at Kilos Ko

Araw Pasya o Kilos Mukha ng Pasya o Kilos

Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas

Lunes 1. Sinunod ko ang payo ni Inay kahit taliwas ito sa nais kong gawin.

Ang pagsunod sa magulang ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanila.

2.

Martes Halimbawa:

1. Malungkot dahil sinagot ko

nang pabalang ang aking ina

nang pinagsabihan niya ako

tungkol sa pag-uwi ko nang

gabi na.

Ang pagsagot ng pabalang sa mga magulang ay nagpapakita ng kawalanggalang.

2.

Page 14: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 14

Sa susunod na linggo:

Araw Pasya o Kilos Mukha ng Pasya o Kilos

Ang Kabutihan ng Pagsunod sa Batas

Lunes 1. Masaya dahil naihingi ko ng

tawad ang ginawa kong

pagsagot sa aking ina noong

nakaraang linggo.

Ang pag-amin ng maling ginawa ay paggalang sa katotohanan.

2.

Muli binabati kita sa pagtatapos mo ng modyul na ito! Hangad ko ang iyong lubos

na pag-unawa sa konsepto ng Likas na Batas Moral. Hangad ko rin ang katatagan mo

upang panindigan ang pagsunod sa batas na ito sa bawat pagkakataon… ang piliing

gawin ang mabuti. Ngayon, handa ka na upang pag-aralan ang susunod na modyul!

Mga Sanggunian Agapay, Ramon B. (1991) Ethics and the Filipino:A Manual on Morals for Students and

Educators. Mandaluyong City. National Bookstore

Esteban, Esther J.(1990). Education in Values:What, Why and for Whom. Manila:Sinag-tala

Publishers, Inc.

Institute for Development Education Center for Research and Communication(1992)

Perspective: Current Issues in Values Education 4 Manila:Sinag-tala Publisher

Quito, Emerita S. (2008). Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc. Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa Pagtuturo

sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor

Conscience (n.d.) hinango noong November 21, 2009 from

http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience Conscience (n.d.) hinango noong November 24, 2009 from

www.gospelped/ar.com/articles/christian%20Life/moralaw.html

Page 15: Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 6 ...mgaraullo.depedmanila.com/.../2019/02/Q2_MODULE_6__LIKAS_NA_BATAS_M…masasagot mo ang tanong na: Bakit natatangi sa tao

Open High School Program, EP I Modyul 6 Page 15

Conscience (n.d.) Retrieved November 24, 2009 http://www.rosmini-in-english.org/Conscience/Book_1/CS_Bk01Ch02.htm

http//gamugamoi100.multiply.com/journal/item/kuwento_ng_Gamu-gamo_sa_Lampara hinango

noong May 201, 2011 Mga larawan, hinango sa: Http://unicohija.blogspot.com, May 20, 2011 http://journalsandpapersblog.com, May 19, 2011 http://depositphotos.com, May 19, 2011

http://www.clipartpal.com/clipart_pd/education/openbook1.htm/ , May 17, 2011

http://www.skateboardinguniversity.com My Personal Notebook Secrets, May 17, 2011