81
DEPED COPY 4 Edukasyon sa Pagpapakatao Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagamitan ng Mag-aaral Yunit 1 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

  • Upload
    others

  • View
    118

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

i

4Edukasyon

sa Pagpapakatao

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagamitan ng Mag-aaralYunit 1

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 2: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

ii

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2015ISBN: _____________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 at 634-1072E-mail Address: [email protected]

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Consultant: Fe A. Hidalgo, PhDMga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at

Joselita B. GulapaMga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera, Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan, Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales, Noel S. Ortega, Marilou D. Pandiño, Adelaida M. Reyes, at Portia R. SorianoMga Tagaguhit: Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. Mendoza Mga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-UrbanoPunong Tagapangasiwa: Joselita B. GulapaPangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. Pandiño

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 3: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

iii

Paunang Salita

Ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito ay inihanda para sa iyo na nasa Ikaapat na Baitang upang makatulong sa iyong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao na isa sa mga asignatura sa K to 12. Layunin sa paggamit ng kagamitang ito na mapatnubayan ka upang higit mong makilala ang iyong sarili, bahaging ginagampanan sa pamilyang kinabibilangan, at pamayanang ginagalawan bilang isang Pilipino na inaasahang makikibahagi sa pagbuo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, pagmamahal at pagmamalasakit. Ang iyong gulang, interes, at pangangailangan upang makaangkop sa kasalukuyang panahon ay isinaalang-alang sa pamamagitan nang masusing pagpili, pagsasaayos, at paglalahad ng mga kuwento, sitwasyon, tula at awit na hinango sa pang-araw-araw na pangyayari at karanasan... Inaasahang kawiwilihan at palaging isasakatuparan bilang isang hamon ang pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, at pagpapasiya, at pagkilos bago gumawa ng desisyon na may kinalaman sa iyong pamumuhay bilang isang bata saan man naroroon.

Ang kagamitang ito ay hinati sa apat na yunit na may apat na kuwarter ng pag-aaral sa loob ng isang taon ang Kagamitan sa Pag-aaral.

Yunit I - Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

Yunit II - Pakikipagkapuwa-tao

Yunit III - Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa

Yunit IV - Pananalig at Pagmamahal sa Diyos: Paninindigan sa Kabutihan

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 4: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

iv

Katulad sa una, ikalawa at ikatlong baitang ginagamit at nasundan mo sa pamatnubay ng iyong guro ang mga hakbang at proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at iba pang karanasan sa paglinang ng pagpapahalaga. Muli, gagabayan ka ng iyong guro sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ng mungkahing mga Gawain na maaaring pang-indibidwal o pangkatan. Ginamit upang maging makahulugan ang mga sumusunod na hakbang o Gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin, Isapuso Natin, Tandaan Natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin.

Sa pagtatapos sa Ikaapat na Baitang, inaasahang maipapamalas mo ang pag-unawa sa makabuluhang gawain na may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapuwa, bansa, at Diyos.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 5: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

v

Talaan ng Nilalaman

Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya ..........…………………….….…. 1

Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko ........… 2Aralin 2 Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko! ……………..… 11Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin! ……………..... 20Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!......……………………..... 28Aralin 5 Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay ………………………………………….. 38Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking Pagkakatuto ……………………………….. 45Aralin 7 Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya ...... 54Aralin 8 Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali ………....…. 62Aralin 9 Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon ....…. 70

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 6: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

1

Yunit I

Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 7: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

2

Aralin 1Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko

Hunyo. Unang araw ng pasukan. Balik-eskuwela ang mga mag-aaral. Bilang mag-aaral, naranasan mo na ba ang magpakilala sa harap nang may lakas ng loob at di nahihiya? Paano mo ipinakikilala ang iyong sarili sa iba? Magagamit mo ang lakas ng iyong loob sa pagharap sa iyong guro at mga kamag-aral sa simula ng klase. Kayang-kaya, di ba?

Basahin ang kuwento.

Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko!

Umpisa na naman ng klase. Nakagawian na ng mga guro sa paaralan na maging maayos ang unang araw ng pasukan. Siyempre, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay kilala ang bawat isa. Si Roniel ay bagong lipat lang na mag-aaral sa klase ni Bb. San Pablo kaya siya ang unang tinawag upang magpakilala.

Roniel: Magandang umaga sa inyong lahat lalo na sa ating guro na si Bb. San Pablo. Ako ay si Roniel M. Lakasloob. Galing ang pangalan ko sa pantig ng mga pangalan ng aking mga magulang na sina Roda at Daniel Lakasloob. Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod ng Marikina noong Hunyo 5. Ang paborito kong asignatura ay Matematika; mahilig akong magbasa ng mga kuwento tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Malakas ang aking loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa pagsulat. Ang paborito kong kasabihan ay “ang batang matatag at

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 8: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

3

may lakas ng loob, ganda ng buhay ay di-matitibag.” Ito ang ipinamulat sa akin ng aking mga magulang.

Guro: Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong naipakilala ang iyong sarili sa harap ng mga bago mong kaklase. Nagpapakita ito ng katatagan at lakas ng iyong loob.

Roniel: Maraming salamat po sa inyo, ma’am. Ito po ang turo sa akin ng aking nanay. Hindi daw po dapat ikahiya ang sarili lalo na kapag wala namang ginagawang masama.

Guro: Nais kong makausap ang iyong mga magulang. Maaari mo ba silang papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap na ika-siyam ng umaga?

Roniel: Opo, ma’am. Ipararating ko po sa kanila ang inyong kahilingan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 9: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

4

Sagutin at gawin ang sumusunod:

1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang nagpapakita ng katatagan ng loob? Isa-isahin ito at patunayan.

2. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay ito sa klase.

3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming tao?

4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili.

5. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga magulang ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan.

Gawain 1

1. Pumikit nang ilang sandali at magkaroon ng maikling repleksiyon sa sarili.

2. Isipin mo ang iyong mga natatanging kakayahan o talento. Halimbawa: Nakatutugtog ng ukulele.

3. Isipin mo rin ang iyong mga kalakasan.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 10: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

5

4. Sa iyong talaang papel, punan ng mga salita ang mga pangungusap na ito:

“Ako ay si _____________________. Ang ilan sa aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga __________________________. Ang mga kalakasan ko naman ay _______________________."

Gawain 2

1. Magkaroon ng pangkatang gawain. Pumili ng lider.

2. Ibahagi sa pangkat ang iyong mga naisip nang magkaroon ng repleksiyong pansarili sa unang gawain. Ibahagi mo rin ang papel na ginagampanan ng iyong pamilya sa mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan na iyong tinataglay. Kasabay ng pagbabahagi ay ipakita ito sa iyong pangkat.

3. Sa pamamagitan ng lider, buuin ang mga naibahagi ng mga kasapi ng pangkat gamit ang balangkas sa ibaba:

Pangalan Mga Natatanging Kakayahan

Kalakasan Papel na Ginagampanan

ng Pamilya

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 11: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

6

1. Sa mga narinig na ulat mula sa iba’t ibang pangkat mula sa A - C, isulat ang sumusunod sa venn diagram:

a) sa bahaging titik A, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat A;

b) sa bahaging titik B, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat B;

c) sa bahaging titik C, ang mga natatanging kakayahan o talento at kalakasan mula sa pangkat C; at

d) sa gitna, ang pare-parehong natatanging kakayahan o talento at kalakasan ng lahat ng pangkat.

2. Bilang mag-aaral, papaano mo naipakikita ang iyong mga natatanging kakayahan o talento nang my lakas, katatagan, o tibay ng loob lalo na sa harap ng maraming tao?

Isapuso Natin

A B

C

Ang aming pare-parehong natatanging kakayahan o talento at kalakasan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 12: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

7

Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at natatanging kasanayan ay isang regalo mula sa Maykapal. Ibinigay ito ng Diyos kung kaya’t dapat natin itong pagyamanin at paunlarin.

Ang kakayahan ng isang tao ay natatangi. Hindi ito itinatago at ikinahihiya sapagkat ang ibang tao ay nangangailangan ng mga katangiang ito. Halimbawa, ang isang tao na mahusay sa pagsayaw ay di makasasayaw kapag walang mahusay na makagagawa ng isang tugtugin. Ang isang mahusay na mang-aawit ay di makaaawit kung walang isang mahusay na kompositor o manunulat ng awit.

Ang lakas, katatagan, at tibay ng loob ay lubhang kailangan upang mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan. Ito ay ipinakikita upang maitama, mapabuti,at mapaunlad ang kakayahan, kung kinakailangan para maabot ang kahusayan.

1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing sumasapit ang buwan ng Hulyo. Sa pamamagitan ng inyong guro, magkaroon ng isang munting palabas hinggil sa Buwan ng Nutrisyon gamit ang inyong mga katangi-tanging kakayahan. Maaaring gamiting lunsaran ibinigay ang halimbawang palatuntunan.

2. Pumili ng gusto mong bahaging gagampanan sa palatuntunan. Isulat ang iyong pangalan sa bahaging napili.

Tandaan Natin

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 13: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

8

Halimbawa:

3. Pagkatapos ng palabas, itanong sa sarili/pangkat ang:

a. Naging masaya ba ako/kami sa aking/aming ipinakita at ibinahaging gawain/talento/kakayahan sa aming palabas?

b. Papaano ko inalis ang kaba sa aking mga ipinakitang talento sa palabas?

PALATUNTUNAN

Pambungad na Panalangin____________________________

Pambansang Awit____________________________

Mensahe ng Punongguro____________________________

Mga Natatanging Bilanga. __________________________b. __________________________c. __________________________

Pangwakas na Pananalita____________________________

Pangwakas na Panalangin____________________________

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 14: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

9

Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek (ü) ang pinaniniwalaang pahayag.

MGA PAHAYAG TAMA MALI

1. Ako ay may kakayahang akin lamang sapagkat iba ako kung ikokompara sa aking mga kamag-aral.

2. Mahalaga na maipakita ko sa aking mga kaibigan, kamag-aral, magulang, at kapitbahayan ang aking kakayahan upang malaman ko ang mga dapat ko pang paunlarin.

3. Ang lakas ng aking loob at katatagan ay aking ginagamit sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga mungkahi at paalala mula sa aking kapuwa.

4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling ako sa anumang bagay kaya ayokong pinipintasan ang aking mga ginagawa.

5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga tao ang aking mga nagawang mali dahil mapabubuti at maipakikita ko ang aking natatanging kakayahan.

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 15: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

10

Ang katatagan at lakas ng loob ay nabigyan ng katuparan sa iyong sarili. Humayo ka at ipakita ang mga ito gamit ang natutuhan mo sa iyong buhay.

Binabati kita! Handa ka na sa susunod na aralin dahil nasa iyo na ang katatagan upang labanan ang mga pagsubok sa pag-aaral.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 16: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

11

Aralin 2Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!

May kasabihang “Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Ito ay nagpapatunay na ang pagsusumikap ng isang indibidwal ay makakamit kung may ibayong pagpupursigi at tamang adhikain sa buhay.

Basahin natin ang talumpati ni Dr. Noel Garcia sa isang palatuntunan.

Pagiging Matiyaga, May Dulot na Biyaya

“Ako ay nagmula sa isang dukhang pamilya. Ang aking ama ay isang karpintero at ang aking ina ay tumatanggap ng labada upang matulungan ang aking ama sa mga pangangailangan naming walong magkakapatid,” panimulang paglalahad ni Dr. Noel Garcia sa harap ng mga mag-aaral ng Paaralang Legarda sa Sampaloc, Maynila.

Si Dr. Garcia ay naanyayahan ng mga guro sa naturang paaralan upang magbigay ng inspirasyon, sa pamamagitan ng kaniyang mga karanasan, sa mga mag-aaral na may nakamit na karangalan sa Araw ng Pagkilala. Tuwang-tuwa si Dr. Garcia sapagkat muli niyang masisilayan ang paaralang pinagtapusan at maibabahagi niya sa mga natatanging mag-aaral ang kaniyang mga naging karanasan upang maabot ang tagumpay na kaniyang tinatamasa ngayon. Pagkakataon na rin niyang muling makita ang kaniyang mga guro sa elementarya.

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 17: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

12

“Natatandaan ko pa noon,” ang pagpapatuloy ni Dr. Garcia, “sabik na sabik ako sa bawat araw na ako ay papasok sa paaralan. Dahil kami nga ay mahirap, madalas na wala akong baong pera, bagkus ay ipinagbabalot ako ni Nanay ng kaunting kanin at kung anuman ang natirang ulam namin. Alam ko na tinitingnan ako ng mga kamag-aral ko sa tuwing bubuksan ko ang aking baon ngunit hindi ko na lamang sila pinapansin. Ang mahalaga ay hindi ako nakakaramdam ng gutom habang nagkaklase.”

“Ang gamit kong kuwaderno ay pinagsama-samang pahina ng ginamit ko nang nakaraang taon. Matiyaga kong pinagsama-sama ang mga pahinang wala pang sulat, tinahi at nilagyan ng takip upang hindi mapansin ng aking mga kamag-aral na ito ay luma.”

“Kupasin ngunit malinis ang ginagamit kong uniporme at sapatos na matiyaga kong inihahanda sa araw-araw.”

“Ang gamit naming ilawan ay isang gasera na isinasabit ni Tatay sa haligi ng aming maliit na bahay. Pinagtitiyagaan kong gawin ang aking mga takdang-aralin at proyekto sa liwanag nito,” ang nakaaantig-damdaming kuwento ni Dr. Garcia.

“Malayo-layo rin ang paaralan mula sa aming tahanan. Ang mga kamag-aral ko na nakatira sa malapit sa amin ay sumasakay papunta sa paaralan. Nagtitiyaga akong maglakad papunta at pauwi mula sa paaralan sapagkat wala akong pamasahe,” pagpapatuloy ni Dr. Garcia.

“Sa kabila ng aming kahirapan, sinikap kong hindi lumiban sa klase. Pinagbuti ko ang pag-aaral sapagkat alam kong ito lamang ang paraan para makamit ko ang aking inaasam na tagumpay."

“Nang dumating ang araw ng pagtatapos, laking ligaya ko at

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 18: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

13

ng aking mga magulang sapagkat ako ang nanguna sa pangkat ng mga magsisipagtapos." May himig pagmamalaking dagdag ni Dr. Garcia.

“Naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo sa tulong ng mga nagbigay sa akin ng scholarship. Bukod doon, nagtiyaga rin akong magtrabaho sa isang maliit na kainan bilang tagapagsilbi pagkatapos ng aking klase upang may pandagdag sa araw-araw na gastusin. Madalas na ilang oras lamang ang aking tulog dahil sa pag-aaral ng mga leksiyon, lalo na kapag may mga pagsusulit, dahilan upang makakuha ako ng matataas na marka,” ang sabi pa ni Dr. Garcia.

“Ngayon, ako ay isa nang manggagamot na naglilingkod sa mga mamamayan. Nagbunga ang ginawa kong pagtitiyaga sa aking pag-aaral. Sana, ang aking karanasan ay magsilbing inspirasyon sa inyong lahat. Pakatandaan ninyo na napakahalaga na makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang makatutulong sa inyo upang magtagumpay. Pagsumikapan ninyo at pagtiyagaan kung anuman ang mayroon kayo ngayon. Gamitin ito para sa magandang bukas,” ang panghuling pananalita ni Dr. Garcia.

Sagutin at gawin ang sumusunod:

1. Ano ang tampok na pag-uugaling ipinakita ni Dr. Garcia habang siya ay nag-aaral?

2. Basahin mo ang bahaging magpapatunay na siya ay matiisin, matiyaga, at matatag ang loob.

3. May maganda bang ibinunga ang pagiging matiyaga ni Dr. Garcia? Patunayan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 19: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

14

4. Sa iyong palagay, nakapagtapos kaya ng pag-aaral si Dr. Garcia kung hindi siya naging matiyaga? Patunayan.

5. Ikahihiya mo ba na ikaw ay mahirap at mawawalan ka pa ba ng pag-asa na umunlad sa iyong paglaki? Pangatwiranan.

Gawain 1

1. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging matiyaga kasama ang katatagan ng loob sa oras ng pangangailangan o crisis?

2. Sa isang malinis na papel, magtala ng mga pangyayari sa iyong buhay na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matiyaga bilang isang mag-aaral.

Gawain 2

1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng magiging lider sa bawat pangkat.

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 20: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

15

2. Ang lider ay bubunot sa kahon ng metacard na may nakasulat na tema tulad ng:

• pagiging matiyaga• pagiging matatag ang loob • pagtanggap sa katotohanan

3. Gumawa ng iskrip na nagpapakita ng kahalagahan ng nabunot na tema. Gamiting batayan ang pangyayari sa buhay ni Dr. Garcia. Isadula ito sa harap ng klase.

4. Pagkatapos ng pagsasadula, maaaring magbigay ng komento ang ibang pangkat.

Nasa ibaba ang mga simbolo na nagpapahiwatig ng pagiging masipag, matatag ang loob, at matiyaga. Pumili ng isa na ilalagay mo sa pinakamataas na antas ng baitang at ang iba naman ay sa pangalawa at ikatlong baitang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Isapuso Natin

Masipag Matatag ang loob Matiyaga

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 21: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

16

Bumuo ng maikling talata tungkol sa simbolong iyong napili at ipaliwanag kung bakit mo ito inilagay sa una, pangalawa, at pangatlong baitang.

Ang pagiging matiyaga kasama ang tatag ng loob ay isang napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad mo. Ang katangiang ito ay malilinang kung palagi mo itong isasagawa. Maraming matagumpay na tao tulad ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, na sa kabila ng pagmamalabis ng mga dayuhan sa kaniyang pagkatao ay naging matatag sa paraan ng pagsusulat ng mga libro at inihayag ang kalabisang ginawa ng mga dayuhan sa mga Pilipino. Sa kaniyang pagkakakulong sa Dapitan ay naging matatag siya at hindi sumuko sa laban para makamit ang inaasam na kalayaan. Nariyan din ang ating mga guro, mga doktor, at iba pang propesyonal na nakatapos ng kanilang pag-aaral dahil sa kanilang pagiging matiyaga. Sila ay nagsisilbing modelo sa atin. Ang iba sa kanila ay maaaring mahirap ngunit hindi ito naging hadlang. Kahit na totoong sila ay kapos sa salapi at mahirap makapag-aral, tinanggap nila ito nang taos sa puso at hindi ito naging hadlang para sila ay magsikap. Gamit ang kanilang katatagan ng loob at tiyaga naging maganda ang kanilang buhay.

Tandaan Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 22: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

17

Ang pagiging matiyaga at matatag ang loob ay maaaring magawa ng isang batang tulad mo. Halimbawa, ang isang batang matiyaga ay nakagagawa ng kaniyang mga takdang gawain at iba pang proyekto upang makakuha ng mataas na marka. Natatapos niya nang mahusay at madali ang mga gawaing nakaatang sa kaniya sapagkat isinasabuhay niya ang pagiging matiyaga at may tatag ng loob.

Pag-isipan: Bilang mag-aaral, ano ang karanasan mong nagpapatunay na ikaw ay naging matiyaga? Ano naman ang naging bunga nito sa iyo?

A. Gamit ang template sa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga karanasan na nagpapakita ng pagiging matiyaga at sa katapat ay ang mga bunga nito.

Karanasan sa Pagiging Matiyaga

Bunga

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 23: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

18

B. Gumawa ng pangako ng pagiging matiyaga bilang mag-aaral at bilang mabuting kasapi ng pamilya.

C. Sumulat ng isang gawain sa bahay na maaari mong maisagawa nang higit na mahusay kung ikaw ay magbibigay ng sapat na oras at magpapamalas ng pagtitiyaga.

Halimbawa: pagliligpit ng mga kalat at pag-aayos ng mga gamit sa bahay

Lagyan ng tsek (ü) ang patlang kung nagpapakita ito ng pagtitiyaga at ekis (û) kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

______ 1. Hinintay nina Joeven at Erika si Renante sa Plasa Mabini kahit na lampas na sa takdang-oras ng kanilang usapan.

______ 2. Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdang-aralin kahit na ito ay may kahabaan.

______ 3. Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit sapagkat ayaw niyang manahi.

______ 4. Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Grace sa kanyang kamag-aral na si Nikki kahit madalas itong hindi nakatatapos sa gawain.

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 24: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

19

______ 5. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong bigas dahil alam niyang mahalaga ito at wala silang sapat na salapi para ipambili ng sobra.

______ 6. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Evan dahil nagugutom na siya.

______ 7. Tumutulong si Jomer sa kanyang kuya na mag-ipon ng tubig tuwing hapon sapagkat iyon lamang ang oras na may tubig ang kanilang gripo.

______ 8. Ihiniwalay ni Maricar ang pahina ng kanyang kuwaderno na wala ng sulat at tinahi ito upang magamit pa niya sa susunod na pasukan.

______ 9. Nanatili sa loob ng paaralan si Mayan kahit may isang oras na ang nakaraan pagkatapos ng kanilang klase upang hintayin ang pagdating ng kanyang ina na susundo sa kaniya.

_____10. Nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Manuel. Sapagkat oras na ng programang gusto niyang panoorin ay bigla niyang inilipat ang channel sa programang iyon.

Binabati kita! Lubos mong naunawaan ang napag-aralan natin tungkol sa kahalagahan ng pagiging matiyaga. Maaari ka nang tumuloy sa kasunod na aralin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 25: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

20

Aralin 3Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!

Kung ikaw ay malagay sa isang sitwasyon na kinakailangan kang magtiis, makakaya mo kaya?

May kasabihang, “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot." Ito ang ating aalamin sa araling ito.

Basahin natin ang kuwento ni Willy tungkol sa kaniyang pag-aaral.

“Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang Maunlad sa lalawigan ng Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos sa aking pag-aaral kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat kong harapin. Hindi ko iniisip kung may mga bagay na dapat kong gawin kahit na mangahulugan ito ng ibayong paghihirap.”

“Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng malalakas na bagyo. Paborito kaming pasyalan ng mga ulan at hangin. Tinitiis namin ang paglakad sa mapuputik na daan lalo na kung tag-ulan at ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay delikado at hindi dapat gawin o tularan.”

“Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo. Hindi kaagad naisagawa ang pagsasaayos sa tulay na ito sapagkat marami pang higit na kailangang unahin lalo ang naapektuhan ng bagyo.

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 26: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

21

“Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa kabilang baryo makarating lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban sa klase kahit basa na ang aking sapatos sa pagtahak sa daang may baha o putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.”

“Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na pagod ako at pawisan nang dumating sa paaralan. Nalaman niya na nasira ang tulay na malapit sa amin. Kaagad gumawa ng sulat ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang agarang pagkukumpuni ng tulay.”

“Hindi naglipat-buwan, nagawa na ang sirang tulay at muli itong nagamit ng mga naninirahan sa aming lugar. Laking pasasalamat ng lahat ng aking kapitbahay sa naisagawang pag-aayos ng tulay.”

Sagutin ang mga tanong:

1. Papaano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang mapagtiis?

2. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?

3. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa lugar nina Willy?

4. Kung ikaw si Willy, magagawa mo bang tiisin ang katulad ng mga naranasan niya? Patunayan.

5. Maglahad ng mga karanasan na magpapakita ng pagtitiis sa iyong buhay bilang mag-aaral.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 27: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

22

Gawain 1

Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon. Magtulong-tulong na alamin ang tamang desisyon na gagawin sa bawat sitwasyon. Gamitin ang Tsart ng Paggawa ng Desisyon sa pagsagot sa mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Halimbawa: Nais mong bumili ng usong laruan dahil lahat ng kaibigan mo ay mayroon nito subalit kulang ang pera mo. Ano ang gagawin mo?

Tsart ng Paggawa ng DesisyonSuliranin Tunguhin

Kulang ang perang pambili ng laruan

Makabili ng usong laruan

Maaaring Gawin Pros (+), Cons (-)

Humingi ng pera sa magulang + Makokompleto ang pambili- Masisira ang badyet ni Nanay

Manghiram ng pera sa kaibigan + Makokompleto ang pambili- Baka hindi ko mabayaran

Maghintay na makompleto ang perang pambili mula sa inipon

+ Makokompleto ang pambili- Hindi agad magkakaroon ng

usong laruanDesisyon Dahilan

Kokompletuhin ang pambili ng usong laruan mula sa inipon

Puwede naman akong mang- hiram muna ng laruan habang hindi pa ako nakabibili

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 28: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

23

1. May palatuntunang gagawin sa inyong paaralan. Miyembro ka ng isang pangkat ng mananayaw. Nagkasundo kayo na bibili o magrerenta ng costume. Subalit ayon sa iyong magulang, kung gagawin ito ay babawasan nila ang baon mo. Ano ang dapat mong gawin?

2. Papunta kayo ng kaibigan mo sa parke upang manood ng palabas. Bago ka payagan ng nanay mo, inutusan ka niya na bumili ng tinapay sa panaderya. Pagdating mo roon, napansin mo na napakahaba ng pila. Kung maghihintay ka ay posibleng magsimula na ang palabas bago ka pa makabili. Ano ang dapat mong gawin?

Gawain 2

1. Bumuo ng limang pangkat.

2. Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon na ibibigay ng guro. Bigyan ito ng mabuting desisyon bago gumawa ng anumang hakbang.

3. Ilarawan ang inyong kasagutan sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng tsart.

4. Susukatin ang inyong ginawa gamit ang rubrics.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 29: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

24

Rubrics

Pamantayan 3 2 1

Pagsusuri Natukoy ng mga mag-aaral ang sumusunod: suliranin, tunguhin, at maaaring gawin upang makapag- desisyon nang tama

Natukoy ng mga mag-aaral ang dalawa sa sumusunod: suliranin, tunguhin, at maaaring gawin upang makapag- desisyon nang tama

Natukoy ng mga mag-aaral ang isa sa sumusunod: suliranin, tunguhin, at maaaring gawin upang makapag- desisyon nang tama

Desisyon Nakapagbigay ng tamang desisyon at makabuluhang dahilan kung bakit ito ang kanilang napagpasyahan

Nakapagbigay ng tamang desisyon at dahilan kung bakit ito ang kanilang napag- pasyahan

Nakapag- bigay ng tamang desisyon

Ipinakitang Pagpapa-halaga

Malinaw na naipakita ang pagpapa-halagang ginamit ng pangkat

Naipakita ang pagpapa-halagang ginamit ng pangkat

Hindi naipakita ang pagpapa-halagang ginamit ng pangkat

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 30: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

25

Marami na tayong nabasang kuwento tungkol sa mga taong nagsipagtiis upang mabuhay at magtagumpay. Isa na rito ang bayaning si Andres Bonifacio. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang magtiis upang maalagaan ang kaniyang mga nakababatang kapatid. Gumawa siya at nagtinda ng iba’t ibang bagay tulad ng pamaypay at baston upang sila ay may makain.

Sa isang bond paper, gumuhit ng isang puso. Sa loob nito ay gumawa ng isang sulat para sa isang taong alam mong nagtitiis para sa iyo. Sabihin mo sa kaniya kung ano naman ang maaari mong gawin upang masuklian ang ginagawa niya. Maaari mong gawing halimbawa ang nasa ibaba. Ipadala ito sa kaniya.

Halimbawa:

Isapuso Natin

Mahal kong Nanay,

Nais ko po sanang magpasalamat sa ginagawa mong pagtitiis na hindi magmeryenda upang makabili ako ng bagong damit.

Para masuklian ko po ang iyong kabutihan, ako po ay lagi nang susunod sa mga ipinag-uutos mo.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 31: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

26

Ang pagiging matiisin ay isang katangian na dapat taglayin ng isang bata upang siya ay magtagumpay. Sa pagiging mapagtiis, magagawa niya ang mga bagay na akala niya ay hindi niya kayang gawin. Dahil siya ay nasanay sa mga simpleng bagay upang makamit ang kaniyang mithiin, magiging higit na madali para sa kaniya ang pag-abot sa tagumpay.

Ikaw, bilang isang mabuting mamamayan ay malaki pa ang magagawa kung pauunlarin at isasabuhay mo ang iyong pagiging matiisin. Dapat mong matutuhang magtiis upang iyong makamit ang iyong mga nais. Tulad ng kasabihang binasa natin, “Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot”. Darating din ang araw na ang lahat ng iyong pangarap ay iyong makakamit, matuto ka lamang munang magtiis.

Mag-isip ng isang bagay o pangyayari na hindi mo tiniis ngunit kaya mo naman sanang tiisin. Batay sa pangyayaring ito, sumulat ka sa iyong sagutang papel ng isang pangako na pipilitin mo itong tiisin para sa iyong ikabubuti.

Tandaan Natin

Isabuhay Natin

Noon ay hindi ko kayang tiisin na _______. Ngayon ay nangangako akong gagawin ko ang aking makakaya upang maging mapagtiis at gawing ________ para sa aking ikabubuti.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 32: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

27

Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong:

Ano ang dapat mong gawin kung...

1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa seremonya sa Watawat ng Pilipinas

2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong mga kapatid. Gusto mo pang kumain

3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya kinakailangan kang maglatag at humiga sa sahig

Basahin ang tseklis sa ibaba. Lagyan ng tsek (ü) ang hanay ng iyong sagot.

Pag-uugaliLaging

Ginagawa

Paminsan-minsan Lamang

Ginagawa

Hindi Ginagawa

1. Nananatiling nakatayo at hinihintay ang hudyat para lumakad na papunta sa silid-aralan.

2. Nakapaghihintay na maluto ang pagkain kahit gutom na.

3. Pinagtitiisan kung ano lamang kagamitan ang mayroon sa bahay.

Binabati kita sapagkat naunawaan mo ang kahalagahan ng pagiging matiisin. Ngayon, handa ka na para sa susunod na aralin.

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 33: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

28

Aralin 4Magiging Mapanuri Ako!

Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o nababasa sa pahayagan ay makatutulong sa tamang pagpapasiya.

Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa mga bagay na bago sumang-ayon ay nasusuri ng lubos para mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon.

Paano kaya natin dapat suriin ang mga balitang ating napapakinggan sa radyo o nababasa sa pahayagan? Makaaapekto ba ito kung mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating kapuwa?

Suriin ang kuwento.

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 34: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

29

Ang Balita ni Tatay Nato

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Nato.

“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!”

“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng Salvacion.ItoayayonkayDr.JacobR.PlatonngVeterinaryOffice."

“Kung hindi ito maaagapan, maaari itong ikamatay. Pinag-iingat ang mga mamamayan lalo na ang mga bata.”

“Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging responsable sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.”

Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo. Kinausap niya ang kaniyang mga anak. Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.

“Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso, Tatay?” tanong ni Anika sa ama.

“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na komunsulta na agad sa doktor para malapatan ng paunang lunas.”

“Salamat po, Tatay Nato," sabi ni Anika.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 35: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

30

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa?

2. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa balitang iyong narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan.

3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag.

4. Naranasan mo na ba na tama ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa.

5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang napakinggan? Pangatwiranan.

Gawain 1

Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 36: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

31

Sagutin ang mga tanong sa ibaba at kompletuhin ang pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na masasabi mong Magandang Balita o Mapanghamong Balita?

2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o kaya ay mapanghamong balita?

Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko ay __________________________ dahil naniniwala ako na ___________________________.

Magandang Balita Mapanghamong Balita

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 37: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

32

Gawain 2

Mini Presscon

1. Dahil alam na ninyo ang mga mapanuring pamamaraan sa pagtuklas ng katotohanan sa mga balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan, kaya na ninyong magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan tungkol sa simpleng pagbabalita.

2. Bumuo ng tatlong pangkat. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

Pangkat Bumubuo sa Pangkat Gawain/Kakayahan

I Mahuhusay sa pagsasalita

Isang anchor o tagapagbalita

Kakayahan sa pagbabalita

II Magagaling sa pagsulat

Magsusulat ng simpleng balita

Kakayahan sa pagsulat ng balita

III Magsusuri ng balita

Manonood na magsusuri ng balita at magtatanong sa magiging epekto nito

Kakayahang magsuri ng balita

Gawain 3

Pagtatanghal

Ipakita ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 38: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

33

1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa sa unahan ng unang pangkat?

2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng kanilang loob sa pagtatanghal? Patunayan.

3. Pansinin naman natin ang ikalawang pangkat na sumulat ng balita. Tama ba at nasa ayos ang kanilang isinulat na balita? Patunayan.

4. Paano naman nasuri ng ikatlong pangkat bilang manonood na ang kanilang nasaksihang balita ay may positibo o negatibong epekto sa mga manonood? Patunayan.

Ngayon alam mo na ang pagiging mapanuri sa impormasyong narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan. Narito ang dart board, saang numero mo mailalagay ang iyong sarili sa pagiging mapanuri? Lagyan ng puso ang napiling numero. Gamitin ang inihandang larawan ng guro.

Isapuso Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 39: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

34

1-5 Hindi nasuri nang maayos ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan

6-10 Medyo nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan

11-15 Nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan

16-20 Nasuri nang buong puso at pag-iisip ang mga balita na narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.

May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon upang lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang puri. Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na isang libelo.

Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, ang mga elemento ng libelo ay ang:

1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa iba;

Tandaan Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 40: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

35

2. paglalathala ng mga bintang;

3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at

4. pagkakaroon ng masamang hangarin.

Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o maging sanhi ng anumang paninira ay magiging responsable.

Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay totoo. Ito ay dapat na may kongkretong ebidensiya at may patunay. Ang pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may batayan.

Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin ang tamang impormasyon.

Bigkasin nang may lakas, sigla, at damdamin ang tula sa ibaba.

Mapanuri Ako

Mapanuri ako sa aking pinakikingganBalita man o sabi-sabi lamangO anumang pinag-uusapanDapat kong suriin at pahalagahan.

Hindi ikinakalat ang anumang usapanNa walang patunay o ebidensiya man

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 41: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

36

‘Wag nang ihatid sa iba para di-makasuhanUpang maayos ang tunay na balitaan.

Ang mabuting pagninilay sa katotohananHatid ay saya at di demanda ang patutunguhanKaya dapat lamang na mapanuri sa napakingganTamang impormasyon ilabas nang tuluyan.

Pagkatao mo’y babantayog sa katotohananKung tamang impormasyon ang iyong ipahayagMapanuri ako sa bawat minuto at orasDahil iyan ang salamin ng pusong busilak.

Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Halimbawa:

Ako, si ________________________ ay nangangako at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa pagkakaaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang pinapanigan kundi ang katotohanan lamang.

Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.

________________________Lagda ng Mag-aaral

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 42: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

37

Lagyan ng tsek (P) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan at ekis (û) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa bagyo.

______ 2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas.

______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.

______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.

______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.

Mahusay ka! Naipamalas mo ang iyong mapanuring pag-iisip. Binabati kita. Patuloy mo itong paunlarin.

Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may mapanuring pag-iisip.

Sapagkat natapos mo nang may mapanuring pag-iisip ang araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Handa ka na!

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 43: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

38

Aralin 5 Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay

Ang pagtanggap sa opinyon ng iba o paggalang ay makatutulong upang lumawak ang ating pananaw. Maaari nating buksan ang ating isipan sa pagtanggap ng pananaw ng iba.

Halina at ating suriin ang usapan ng dalawang mag-aaral.

Alamin Natin

Jessa, nakapanood ako kagabi sa telebisyon ng palabas tungkol sa digmaan.

Bong, iyan ba ang napanood mo kagabi? Hindi ka ba natakot sa pinanood mo? Marahas ang ipinakita ng pinanood mo.

Jessa, hindi naman. Kaso pag gabi na napapanaginipan ko ang aking pinanood. Napanaginipan ko nga na ako ang nabaril.

Salamat, Jessa, sa iyong payo. Ngayon alam ko na ‘yong magiging epekto ng panonood ng karahasan.

Naku! Bong. Ang payo ko sa ‘yo huwag ka nang manood ng palabas na may karahasan. Tingnan mo at napapanaginipan mo pa!

Walang anuman, Bong. Lagi mong tandaan na masayang manood ng walang karahasan. Sige na, tawag na ako ni Ama. Paalam.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 44: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

39

Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan?

2. Nakatulong ba kay Bong ang kaniyang napanood sa telebisyon? Ipaliwanag.

3. Paano ito nakaapekto sa kaniyang kaisipan at damdamin?

4. Kung ikaw si Bong, gagawin mo ba ang sinabi ni Jessa? Pangatwiranan.

5. Itala ang iyong huling napanood sa telebisyon. Ano ang naging epekto nito sa iyong damdamin at kaisipan? Ipaliwanag.

Gawain 1

Punan ang loob ng hugis ng iyong mga napanood sa telebisyon. Paano nakaaapekto ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin? Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 45: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

40

Gawain 2

1. Bumuo ng limang pangkat.

2. Magtala ng mga impormasyon ng inyong napanood sa telebisyon.

3. Masusi ninyo itong pag-aralan at pumili para sa isang dula-dulaan. Sundin ang template sa ibaba.

4. Mula sa kahon ay sumulat ng simpleng script.

5. Pumili ng mga artista at direktor mula sa script ng inyong pangkat para sa inyong palabas.

Programang Napanood Aral Hamon

1.

2.

3.

4.

5.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 46: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

41

Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa tulong ng media tulad ng radyo, pahayagan, at telebisyon.

Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong karanasan sa napanood mong balita o programa sa telebisyon. Itala ang mga ito sa kahon A, B, at C. Sa loob naman ng puso, itala ang kabutihang dulot ng iyong napanood sa telebisyon na pumukaw sa iyong damdamin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Isapuso Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 47: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

42

Malaki ang epekto ng programa sa telebisyon na maaaring nakatutulong o nakasasama sa manonood. Ang pagkakaroon ng bukas na isipan ay nagdudulot sa isang manonood ng tamang pagproseso ng pag-iisip sa kaniyang napanood. Suriing mabuti ang mga programang ipinalalabas sa telebisyon bago paniwalaan.

Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at Telebisyon o Movie and Television Review and Classification Board, dinadaglat na MTRCB, ay ang ahensiya ng pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa regulasyon ng telebisyon at pelikula, pati na rin ang sari-saring uri ng de-bidyong midya, na makikita at/o ikinakalakal sa bansa. Itinatag ito noong 1985 sa bisa ng Atas ng Pangulo Blg. 1986 sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Ang MTRCB ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo. Binubuo ito ng isang tagapangulo, isang pangalawang tagapangulo at tatlumpung (30) kasapi ng lupon, na manunungkulan nang isang taon.

Kasalukuyang gumagamit ang MTRCB ng dalawang sistema ng pag-uuri: isa para sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas at isa naman para sa mga programang ipinalalabas sa telebisyon.

Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga pangyayari ayon sa iyong napanood ay tumutulong sa atin na makapagpasiya nang matibay at tama. Ang tamang gabay at patnubay ng mga magulang sa mga bata ay kailangan. Nasa atin na ang pagsunod upang hindi tayo mapahamak.

Tandaan Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 48: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

43

Pag-isipan mo ang tanong na ito:

Gumawa ng tatlong simpleng poster sa temang “Kaya Kong Maging Mapanuring Manonood, Bukas ang Isip sa Tamang Gawi at Asal."

Ipapaskil ito sa bulletin board upang makahikayat ng mga mag-aaral na magkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay tungkol sa balita at programang napapanood

Gumuhit ng araw ( ) sa bilang ng mga sitwasyon na may bukas kang pag-iisip at ulap ( ) naman kung hindi mo ito naisagawa nang may bukas na pag-iisip. Itala ito sa iyong kuwaderno.

_______1. Nakapanood ako ng programang walang karahasan sa telebisyon.

_______2. Inililipat ko nang estasyon kapag may ipinalalabas na malalaswang panoorin.

Isabuhay Natin

Subukin Natin

Nakatutulong ba ang mga programang napanood mo sa iyong pagpapasiya pagkatapos mo itong suriin? Pangatwiranan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 49: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

44

_______3. Naiisa-isa ko ang mga taong may magandang pagganap sa teleserye.

_______4. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang programa sa telebisyon.

_______5. Naipaliliwanag ko nang maayos sa harap ng aking kamag-aral ang nangyari sa programang aking pinanood.

Binabati kita sa iyong kahusayan! Tagumpay mong naipakita ang iyong pagkakaroon ng bukas na isipan. Patuloy mo itong paunlarin. Maaari kang muling magpaunlad ng kaisipan sa susunod na aralin. Kayang-kaya mo yan!

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 50: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

45

Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking

Pagkakatuto

Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Sa loob lamang ng ilang dekada, ang computer naman ay naging pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo. Kailan ka huling gumamit ng teknolohiya sa tulong ng iyong guro?

Basahin ang nasa ibaba.

Internet: For Better or For Worse(Nakabubuti o Nakasasama)

Ang pagtuklas ng katotohanan ay nagiging mas mabisa lalo na kung ito ay ginagamitan ng pananaliksik. Sa tulong ng internet, isang pindot mo lang sa computer ay makikita mo na ang gusto mong malaman. Gayunpaman, dapat tayong maging mapanuri sa ating mga pinapasok na site o blogsite sa internet.

Upang magamit natin nang tama ang internet, kailangan nating malaman ang mga salitang dito ay umuugnay.

Makikita sa ilustrasyon ang mga halo-letra na nakalagay sa loob ng kahon. Ayusin ang mga letrang ito upang makabuo ng mga salita na may kaugnayan sa internet at teknolohiya. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 51: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

46

Narito ang mga clue upang mas lalo kang magabayan sa iyong paglalaro:

1. Pahina sa internet na makatutulong sa impormasyon.

2. Karaniwang pinananatili ng isang indibidwal na may regular na mga entry ng mga komentaryo, ang paglalarawan ng mga pangyayari, o iba pang materyales tulad ng mga graphic o video.

3. Modernong pagpapadala ng liham.

7. koafboce

4. ttertwi

1. pewabge

2. biteslog

5. legogo

8. netertin

3. ailm-e

6. oyu etub

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 52: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

47

4. Isang social networking at microblogging na serbisyo na nagbibigay-kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga tweets.

5. Isang uri ng website na maaaring gamitin sa pananaliksik.

6. Ang magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.

7. Maaaring magdagdag din ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

8. Isang uri ng website na maaaring gamitin upang makapanood ng video o palabas.

Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang mga nabuo mong salita?

2. Alin sa mga ito ang nakatulong sa iyo sa paghahanap ng kasagutan sa iyong mga naiisip na opinyon? Magbigay ng halimbawa.

3. Kung wala ang internet, paano ka kaya makahahanap ng kasagutan sa mga tanong mula sa iba’t ibang asignatura?

4. Nakaapekto ba ang teknolohiya sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Pangatwiranan.

5. Pumili ng babasahin sa internet. Suriin ang balangkas, nilalalaman, at mensahe nito.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 53: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

48

Gawain 1

Sa loob ng mga hugis na bilog sa ibaba magtala ng mga naidudulot ng internet sa iyo bilang mag-aaral. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Halimbawa: Isports – dahil sa internet ay nalalaman ko kung nanalo ba o natalo ang paborito kong koponan sa basketball.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 54: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

49

Gawain 2

Pangkatang Gawain

1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng lider at taga-ulat para sa bawat pangkat.

2. Gumuhit ng dalawang malaking computer.

3. Itala sa loob ng iginuhit na computer ang pinagsama-sama ninyong ideya at opinyon tungkol sa epekto ng paggamit ng internet.

4. Sa unang computer itala ang positibong epekto at sa pangalawa namang computer ay ang negatibong epekto nito. Gawin ito sa kuwaderno.

Sagutin ang tanong:

“Nakaapekto ba nang malaki ang internet sa iyong buhay bilang mag-aaral?” Pangatwiranan.

Positibong Epekto Negatibong Epekto

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 55: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

50

Sa paggamit ng internet, nasa anong lebel mo maikakategorya ang iyong sarili sa pagtuklas ng katotohanan?

Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka umabuso sa paggamit ng internet? Suriin ang sarili batay sa lebel o antas na kinalalagyan. Ipaliwanag.

Isapuso Natin

Kategorya 1-2 Hindi

Mahusay 3-4 Medyo

Mahusay 5-6 Mahusay 7-8 Mahusay

na mahusay

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 56: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

51

Tunay na napakahalaga ng paggamit ng internet o teknolohiya sapagkat napapadali ang mga gagawing pananaliksik lalong-lalo na sa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan sa mga naibigay na takdang-aralin: paggawa ng pagsasaliksik, ulat-pasalaysay at marami pang iba. Sa pamamagitan na lamang ng pag-browse sa internet, napagagaan ang kanilang gawain at natututo rin ang mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan ng anumang disiplina.

Malaki ang epekto sa atin ng internet. Subalit hindi lahat ng ating nababasa sa internet ay totoo at tama. Kailangang maging mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites. Marami ring sites na nagbibigay ng kalaswaan at karahasan.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspekto ng kaalaman at edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito nang wasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masamang epekto sa atin kapag ito ay hindi ginamit sa tamang paraan.

Tandaan Natin

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 57: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

52

Panalangin ng Isang Netizen

Panginoon, lubos po kaming nagpapasalamat sa katalinuhang inilaan po ninyo sa amin. Sa naiimbento naming mga materyal na kagamitan gaya ng computer at internet, kami’y inyong gabayan. Buksan mo po ang aming mga mata para sa tamang makikita. Ilayo po ninyo kami sa tukso ng malalaswang panoorin. Gayundin ang aming mga tainga sa aming naririnig sa mga blog sites, laro sa internet na nakapipinsala sa amin.

Linisin mo po ang aming isipan sa mga bagay na nakagugulo dala ng makabagong teknolohiya. Basbasan mo po ang aming puso para maiproseso namin ang mabuti at masamang epekto ng internet at social networking sites.

Panginoon, gawin mo kaming mabuting netizen na may pagmamahal sa katotohanan at may pagtataguyod sa tamang paggamit ng bagong likhang kagamitan.

Amen.

Lagyan ng salitang Nakabubuti ang mga gawain na nagpapakita ng nakabubuti sa paggamit ng internet. Hindi Nakabubuti naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

_______1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 58: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

53

_______2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.

_______3. Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin.

_______4. Nakagagawa ng blog site tungkol sa ganda ng Sorsogon at iba pang magagandang lugar sa Pilipinas na napuntahan.

_______5. Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa YouTube.

_______6. Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa buhay ng simpleng mag-aaral na Pilipino.

_______7. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.

_______8. Nakakapag-Facebook nang magdamag.

_______9. Nakapaglalagay ng mensahe sa Instagram tungkol sa mga hinaing sa pamumuno ng isang opisyal.

_______10. Nabibigyan ng impormasyon ang mga kaibigan tungkol sa paggawa ng loombands galing sa internet.

Magaling! Tagumpay mong naipakita ang iyong pagmamahal sa katotohanan. Patuloy mo itong paunlarin.

Sapagkat natapos mo nang may pagmamahal sa katotohanan ang araling ito, ngayon ay handa ka na sa susunod na hamon ng aralin. Galingan mo pa!

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 59: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

54

Aralin 7Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya

Nais mo bang maging isang batang mapagpasensiya? Naranasan mo na bang magbigay ng pagkakataon sa iba dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon? Paano mo matatamo ang ugaling ito?

Basahin at unawain ang kuwentong ito.

Si Rolando ay isang masigasig at masipag na bata. Ang kaniyang ama ay isang tricycle driver samantalang ang kaniyang ina ay nasa bahay lamang. Hindi sapat ang kita ng kaniyang ama para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Si Rolando ay panganay sa apat na magkakapatid kaya naisip niyang tulungan sa paghahanapbuhay ang kaniyang ama para may makain sila sa araw-araw.

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 60: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

55

Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa sekondarya. Nagtinda siya ng kendi, tubig, at kung ano-ano pa. Kapag ubos na ang kaniyang paninda, nagsa-shine naman siya ng sapatos.

Gustong-gusto sana niyang makatapos ng pag-aaral ngunit nakiusap ang kaniyang ama at sinabi, “Magpasensiya ka na, anak. Unahin na muna natin ang pag-aaral ng dalawa mong kapatid. Kapag may naipon na tayong sapat na pera saka mo na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.” Sumagot si Rolando, “Huwag po kayong mag-alala, Ama, naiintindihan ko po. Alam ko na may awa rin ang Diyos sa ating pamilya.”

Pinagpasiyahan ni Rolando na ipagpatuloy ang pagtatrabaho at pagtulong sa pamilya. Hindi siya gumagastos kung hindi kailangan. Unti-unti siyang nakaipon dahil sa kaniyang pagtitipid. Nagtiis siya sa lahat ng pagkakataon hanggang sa siya ay makaipon.

Minsan, may nakapagsabi sa kaniya na may programa ang Department of Education (DepEd) na Distance Learning. Sa programang ito, makapag-aaral ang isang bata kahit hindi pormal na pumapasok sa paaralan. Agad siyang nagpalista rito at nagsimula siyang makapag-aaral sa sekondarya. Hindi naglaon ay nakatapos din siya ng pag-aaral. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang sa ipinakita niyang pagtitiis, tiyaga, at pagsisikap para makatapos sa pag-aaral. Sinabi niya sa kaniyang sarili, “Magsisikap pa ako para makapagtapos ng kolehiyo.”

Sagutin ang mga tanong.

1. Tukuyin ang mga katangiang ipinakita ni Rolando. Kahanga-hanga ba ang kanyang ginawa? Patunayan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 61: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

56

2. Papaano niya tinulungan ang kaniyang ama? Ikuwento ito sa klase nang may paghanga sa ginawa ni Rolando.

3. Masasabi mo bang mapagpasensiya ang batang si Rolando? Basahin ang bahagi mula sa kuwento na nagpapakita ng kaniyang pagtitis at pagpapasensiya.

4. Kung ikaw si Rolando, paano mo maipakikita ang pagiging mapagpasensiya at maparaan?

5. Ipaliwanag na kakambal ng pagiging mapagpasensiya ang pagtitiis at pagtitiyaga.

Gawain 1

1. Magpangkat sa tatlo.

2. Bawat miyembro ng pangkat ay humanay nang dala-dalawa. Maghawak-kamay at pagdikitin ang tig-isang paa.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 62: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

57

3. Magtalaga ng isang mag-aaral na magsisilbing poste ng bawat pangkat.

4. Mag-uunahang lumakad at umikot ang bawat pareha ng bawat pangkat sa kanilang poste na magkadikit ang paa at hindi magbibitiw ng kamay.

5. Ang huling pareha na makabalik ay bubunot ng papel sa kahong inihanda ng guro. Nakasulat sa papel ang sitwasyong inyong babasahin at sasagutin.

Halimbawa ng sitwasyon:

May usapan kayo ng kaibigan mo na maglalaro sa plasa subalit hindi ka pinayagan ng iyong Tatay na lumabas ng bahay dahil umaambon. Ano ang gagawin mo?

Gawain 2

1. Bawat pangkat ay bibigyang muli ng guro ng mga sitwasyon na susuriin.

2. Gumawa ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa sitwasyong nakuha ng pangkat.

3. Ang inyong gagawin ay susukatin gamit ang pamantayan.

4. Sa pagtatapos ng dula-dulaan, tukuyin kung anong pagpapahalaga ang dapat taglayin ng isang mag-aaral kung sakaling magkakaroon ng ganoong karanasan.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 63: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

58

Pamantayan 3 2 1Pagsusuring ginawa

Nasuri nang maayos ang sitwasyon at naipakita ang tamang paraan na dapat gawin

Nasuri nang maayos ang sitwasyon at naipakita ang dapat gawin

Nasuri ang sitwasyon at naipakita ang dapat gawin

Pagpapahalaga Natukoy at naipaliwanag ang tamang pagpapa-halaga na ipinakita sa dula-dulaan

Natukoy at naipali-wanag ang papahalaga na ipinakita sa dula-dulaan

Natukoy ang pagpapa-halaga na ipinakita sa dula-dulaan

Kooperasyon Lahat ng miyembro ng pangkat ay nakiisa sa gawain

1 o 2 miyembro ng pangkat ay hindi nakiisa sa gawain

3 miyembro ng pangkat o higit pa ay hindi nakiisa sa gawain

Mula sa mga nakaraang gawain, pagnilayan kung ano ang tumimo sa inyong mga puso. Isulat ito sa inyong reflection booklet. Gamitin ang sumusunod na tanong bilang gabay:

1. Naipakita ko na ba ang ugaling mapagpasensiya?

2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman?

Isapuso Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 64: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

59

3. Kaya ko ba itong magawa sa ngayon?

4. Paano ko ito dapat isagawa?

Pasensiya. Salitang palaging namumutawi sa bibig ng mga Pilipino. Ang pagiging mapagpasensiya ay isang mabuting pag-uugali. Kasama sa pagpapasensiya ang pagtitiis at pagtitimpi. Madaling makamtam ang ating mithiin at pangarap sa buhay kung tayo ay marunong magpasensiya. Sa pag-uugaling ito, makikita natin ang kahalagahan ng tamang panahon, tamang oras at tamang pagkakataon. Sinasabi ng matatanda na ang mga taong walang pasensiya at palaging nagmamadali ay kadalasang nagkakaroon ng problema sa buhay.

May mga taong nakilala dahil sa kanilang pagiging mapagpasensiya. Sila ay umunlad sa napili nilang larangan. Tulad ng bayaning si Andres Bonifacio na naging mapagpasensiya. Dahil sa maagang pagkamatay ng kanilang mga magulang ay nahinto siya sa pag-aaral sa edad na labing-apat. Gumawa siya ng kahoy na baston at pamaypay na papel na kaniyang itininda sa lansangan upang maging pantustos sa pangangailangan nilang magkakapatid. Kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay sinikap pa rin niyang paghusayin ang kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat.

Tulad ni Andres Bonifacio, marami pang ibang tao na bago nila narating ang kanilang kinalalagyang estado sa ngayon ay naging mapagpasensiya sila sa mga naranasang paghihirap sa buhay.

Tandaan Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 65: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

60

Gumawa ng isang commitment booklet sa iyong kuwaderno.

1. Hatiin sa dalawang bahagi ang tigkabilang booklet tulad ng halimbawa sa ibaba.

2. Ang kaliwang bahagi ay sasagutan mo at ang nasa kanang bahagi naman ay para sa iyong magulang o kahit sinong miyembro ng iyong pamilya.

3. Bawat hanay ay susulatan mo at ng iyong kapamilya ng tig-lilimang sitwasyon ayon sa hinihingi ng booklet.

Ako ay naging … Ang aking anak ay naging …

Mapagpasensiya sa . . . Dahil sa . . Mapagpasensiya

sa . . . Dahil sa . . .

1.

2.

3.

4.

5.

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 66: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

61

Lagyan ng tsek (ü) ang bilang na nagsasaad ng pagiging mapagpasensiya at ekis (û) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Matiyagang naghihintay ng pagkakataon.

______ 2. Laging nagmamadali sa ano mang gawain.

______ 3. Patuloy na nakikinig sa guro maski maingay ang mga kaklase.

______ 4. Hindi sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain sa kantina.

______ 5. Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay na tumulong sa mga gawaing-bahay.

Ngayong natamo mo na ang kaalaman sa pagiging mapagpasensiya, isagawa mo ito para lalo kang pagpalain.

Sapagkat alam mo na ang pagpapahalagang ito ay maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin.

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 67: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

62

Aralin 8Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali

Naranasan mo na bang tuksuhin o manukso ng kapuwa mo mag-aaral?

Kung ikaw naman ay palaging tinutukso ng iyong mga kalaro o kaklase, madali ka bang mainis o magtampo?

Magkaroon ng masusing pagsusuri sa mga gawaing tinatalakay sa araling ito.

Basahin ang kuwento.

Sally, Batang Mapagtimpi

Buwan ng Agosto. Ang mga mag-aaral ay naghahanda ng isang palatuntunan upang ipakita kung paano maipagmamalaki ang sariling wika.

Alamin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 68: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

63

Isang umaga, ibinalita ni Bb. Susan Cruz sa kaniyang mga mag-aaral na Pangkat Rosas ang tungkol sa gaganaping dula-dulaan. “Mga bata, magkakaroon tayo ng palatuntunan tungkol sa pagpapahalaga sa sariling wika. Tayo ay magpapakita ng isang dula-dulaan. Pipili ako ng mga gaganap,” wika ng guro.

Tuwang-tuwa ang mga bata. Sabay-sabay silang nagsabi ng kanilang interes para gumanap sa dula-dulaan. “Puwede po ba ako, Ma’am? Maganda po ang boses ko. Maaari po akong kumanta,” ang sabi ni Romeo. “Ako po ay marunong sumayaw,” sabi naman ni Haydee. “Ma’am, sanay po akong sumulat ng script,” ang buong pagmamalaking sabi ni Roy. “Lalo po ako, nakababasa nang may damdamin,” dagdag ni Rommel. “Bb. Cruz, magaling po ako sa drama,” ang sabi ni Sally.

Biglang may nagsalita na kaklase mula sa bandang likuran. “Ma’am, huwag po ninyong piliin si Sally. Hindi po siya sanay magsalita ng Filipino.” Sabay-sabay na nagsipagsalita ang mga bata, “Inglisera, inglisera!”

Gustong-gusto nang magalit ni Sally at magbitiw ng masasakit na salita ngunit naalala niya ang palaging tagubilin ng kaniyang mga magulang, “Huwag kang maiinis o magagalit kapag ikaw ay tinutukso. Magtimpi ka sa iyong sarili para wala kang kaaway.” Kaya napag-isip-isip ni Sally na dapat niyang gawin ang tamang bilin ng kaniyang magulang.

Hindi nakatiis si Bb. Cruz. Pinangaralan niya ang mga mag-aaral. Sinabi niya na dapat pamarisan si Sally sapagkat siya ay naging mapagtimpi. Hindi siya nagalit o nainis nang siya ay tuksuhin ng mga kamag-aral.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 69: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

64

Sagutin ang sumusunod:

1. Isa-isahin ang mga kaganapan sa paaralan kung bakit tuwang-tuwa ang mga bata sa kuwento.

2. Sino ang bata na naging tampulan ng tukso sa kuwento? Bakit?

3. Ano ang reaksiyon ng mga kaklase sa naisin ni Sally?

4. Papaano tinanggap ni Sally ang pangyayari? Bakit?

5. Patunayan ang malaking tulong ng nanay ni Sally sa kaniyang pag-uugali.

6. Ano ang ipinangaral ni Bb. Cruz sa kaniyang mga mag-aaral?

7. Kung ikaw si Sally, ano ang iyong gagawin kung tinutukso ka ng iyong kaklase?

Gawain 1

Ibigay at ipahayag ang iyong reaksiyon sa sumusunod na sitwasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng sagot sa kuwaderno.

1. Naglalaro ng holen sina Rudolf at Rey. Natalo si Rey kaya siya ay nagsalita ng masama. Kung ikaw si Rudolf, ano ang gagawin mo?

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 70: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

65

2. Pinagbilinan ka ng iyong ina na huwag kang makipagkaibigan sa batang mahilig makipag-away. Ano ang iyong gagawin? Bakit?

3. Mayroon kayong ginagawang proyekto sa MAPEH. Ang isa sa iyong kaklase na kasali sa inyong pangkat ay hindi nakikiisa sa inyong gawain. Kailangang matapos agad ang inyong pangkatang gawain. Nagkataon na ikaw ang lider ng pangkat. Paano mo maipakikita ang iyong pagtitimpi?

Gawain 2

1. Basahin at unawain ang kasabihan sa ibaba.

2. Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng kanilang gawain na tulad ng sumusunod:

Unang Pangkat - Gagawa ng isang mosaic-slogan ang mga mag-aaral tungkol sa nasabing kasabihan.

Pangalawang Pangkat - Gagawa ang mga mag-aaral ng isang maikling debate tungkol sa pagiging mapagtimpi.

Pangatlong Pangkat - Magpapakita ng munting iskit ang mga mag-aaral tungkol sa batang marunong magtimpi.

"Ang batang marunong magtimpi ay palaging masaya at palangiti."

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 71: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

66

Sa iyong kuwaderno, gumuhit ng kung palaging ginagawa, kung minsan lang ginagawa, at kung hindi ginagawa ang ugaling pagiging mapagtimpi sa sumusunod na sitwasyon:

1. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan.

2. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina.

3. Itinulak ka ng isa mong kalaro dahil gusto niyang mauna sa pagkuha ng tubig sa gripo.

4. Kinuhang bigla ang iyong pencil case ng iyong kaklase.

5. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo.

Kompletuhin ang mga salitang makikita sa kahon sa ibaba.

Nasasaktan ako kasi …

Nasisiyahan ako kasi…

Nakapagtitimpi ako kasi...

Isapuso Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 72: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

67

Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang ugali na dapat isabuhay. Gaya ng ating mga magulang, sila ay nagpapakita ng pagiging mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ang ating mga guro ay ganoon din. Sa kabila ng mga kaguluhan, kakulitan, at pagiging pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan nilang magalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaral na kailangan ang ugaling ito para sa magandang pakikisalamuha at pagkikipagkapuwa-tao. Naipakikita sa ugaling mapagtimpi ang pagmamahal na tapat sa isang tao.

Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag-away. Dahil hindi siya madaling magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng marami: sa pamilya, paaralan, o pamayanan.

Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin ang magtimpi. Sa ganito, magiging positibo ang pakikisalamuha natin sa kapuwa saan man tayo tumungo.

Ako ito bilang isang nilalang na ginawa ng Diyos, paano ko maipalalabas ang aking pagiging mapagtimpi sa bawat miyembro ng aking pamilya?

Tandaan Natin

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 73: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

68

Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Para sa kanila ay kakayanin kong magtimpi sa abot ng aking makakaya.

Iguhit ang masayang mukha kung ikaw ay kayang magtimpi at malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno

_______1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit madami akong ginagawa ay nasunod ko ang utos niya.

_______2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan sa kuwarto ng nakababata kong kapatid, muli niyang itinapon ang mga ito sa aking harapan.

Ina Ama

Nakatatandang Kapatid

Lola o Lolo

Nakababatang Kapatid

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 74: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

69

_______3. Naisasaayos ko ang mga gamit na naiwan ni Ate sa loob ng silid tanggapan kahit may utos pa sa akin si Ama na pakainin ang aming aso.

_______4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hindi ko siya iniintindi sapagkat marami akong ginagawang takdang-aralin.

_______5. Punong-puno na ang aming basurahan, inutusan ko ang aking nakababatang kapatid para itapon ito ngunit ako ay kanyang ininis at tinakbuhan.

Ngayon, natutuhan mo na ang pagiging mapagtimpi. Dapat mo itong ipagmalaki at huwag ikahiya. Kaya mong maging isang mapagtimping mag-aaral. Mahusay ka!

Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin.

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 75: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

70

Aralin 9

Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon

Ikaw ba ay isang batang madaling matakot tuwing may kalamidad o isang batang mahinahon kapag may nararanasang pagsubok o paghihirap sa buhay?

Suriin ang ipinahahayag ng nasa larawan.

Alamin Natin

Ano ba kayo? Nakalimutan niyo bang nakahanda na lahat iyon. Dapat lagi tayong handa sa pagdating ng mga sakuna.

Mga kababayan, Inaasahang darating mamayang hapon, ang tinatayang pinakamalakas na bagyo. Pinaghahanda ang lahat.

Opo, nanay. Nakakatakot naman. Super

typhoon yata ang darating.

Naku, mga anak malakas pala ang bagyong darating! Ano ang dapat nating gawin? Nasaan na ba ang mga kailangan natin?! Dalian niyo mga anak!

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 76: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

71

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mensaheng ipinakikita sa larawan?

2. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba-iba sa reaksiyon nila nang marinig ang balita sa radyo?

3. Sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka ng ganitong pangyayari? Ipaliwanag.

4. Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa larawan. Tama ba ang ipinakita ng ama? Bakit?

Gawain 1

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang pagiging mahinahon. Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran.

2. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng iyong kapatid ang iyong ginagamit na pangsulat.

3. May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukwento sa iyong kamag-aral ng bigla ka niyang pinagtawanan.

Isagawa Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 77: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

72

Gawain 2

1. Magpangkat sa tatlo.

2. Magbahagi ng karanasan na nagpapakita ng pagiging mahinahon.

3. Pumili ang bawat pangkat ng isang karanasan gamit ang alinmang graphic organizer at iulat ito sa klase sa pamamagitan ng sumusunod na paraan.

A.

B.

Pagiging Mahinahon

Unang Pagpipilian

Ikalawang Pagpipilian

Ikatlong Pagpipilian

Karanasan

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 78: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

73

C.

Kaya mo na bang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon?

Gumawa ng Self-Assessment Organizer. Punan ang bawat kahon ng mga sagot batay sa iyong natutuhan. Gamitin ang mga gabay. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Isyu Pagbibigay-halaga

Mga Pagpipilian

Pumili

Gawin

Pangalan

B. Kaya Ko C. Sinisimulan Ko

D. Gagawin Ko

A. Nalaman Ko

E. Natututo Ako

Isapuso Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 79: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

74

Mga Gabay:

A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa araling ito.B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay sa mga nalaman

mo.C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang gawin.D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan mo sa araling ito.

Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng ganitong pag-uugali sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya, maayos, at maunlad ang buhay. Iniiwasan niyang gumawa ng mali. Nakangiti pa rin habang siya’y kinakantiyawan o tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng maganda tungkol sa kapuwa.

Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan, pagpapatawad, hindi madaling magalit, o humusga. Masaya sa katotohanan at hinaharap ang kinabukasan nang may katatagan at katapangan. Hindi siya natataranta at nalilito. May pokus sa kaniyang mga isasakatuparang desisyon. Ang kahinahunan ay susi sa maunlad na kinabukasan. Ang taong mahinahon ay may mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan.

Magbigay ng dalawang karanasan na nagpatunay na ikaw ay mahinahon kung may hinaharap na problema sa pamilya o paaralan.

Tandaan Natin

Isabuhay Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 80: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

75

Ipaliwanag kung paano mo ito ginawa. Gamitin ang template sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Karanasan Mga ginawa na nagpakita ng pagkamahinahon __________ ______________________________________________ ____________________________________

Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek (ü) ang sagot na nagpapatunay na isa kang mahinahong mag-aaral at ipaliwanag ito. Gawin ito sa sulatang papel.

Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag

1. Mahinahon ka ba kapag inaaway ka ng iyong kaklase?

2. Nagagalit ka ba kapag maingay ang katabi mo?

3. Kung naitulak ka habang bumibili ng pagkain, pagsasalitaan mo ba nang masakit ang may kasalanan?

Subukin Natin

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Page 81: Edukasyon sa Pagpapakatao DEPED CPY

DEPED COPY

76

Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag

4. Magiging mahinahon ka ba kung may sunog malapit sa inyong bahay?

5. Maayos kang nakapila. Biglang may sumingit, sisimangot ka ba?

Ngayon na marami ka nang natutuhan o nalaman hinggil sa pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon, magiging gabay mo ito para sa magandang hinaharap.

Binabati kita. Handa ka ng mag-aral ng susunod na aralin.