16
UNCORRECTED PROOF KABANATA 23 ISANG BANGKAY Si Simoun nga ay hindi naparoon sa dulaan. Sapul sa ikapito ng gabi ay umalis nang ligalig at mapanglaw sa kanyang bahay; nakita siyang makalawang pumasok na ang kasama’y iba’t ibang tao; 1 nang ikawalo ay nakita siya ni Makaraig na may binabantayan mula sa kalye ng Hospital hanggang sa kalapit ng kumbento ng Sta. Clara , 2 nang kasalukuyang tinutugtog ang mga kampana ng simbahan ; 3 nang ikasiyam ay nakita siyang muli ni Camaroncocido sa paligid ng dulaan na nakikipag-usap sa isang wari’y nag-aaral , pumasok at muling lumabas, at nawala sa dilim na gawa ng mga puno . 4 1 MGA PALIWANAG May dalawang pangkat ng mga tao na kausap si Simoun bago umalis ng kaniyang bahay sa Escolta. 2 Ang hospital at kumbento ng Santa Clara ay magkatabi ay sa pagitan ay ang kalye kung saan si Simoun ay makatapatan at mayroong isang maliit na iskinita sa pagitan. 3 Ang tugtog ng kampana sa ika-walo ng gabi ay para sa mga kaluluwa ng mga taong namatay. 4 Ang Teatro Variedades ay nasa Sampaloc, madali itong napupuntahan ni Simoun dahilan sa mayroon siyang sasakyan. Maaring ang waring

El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 23ISANG BANGKAY

             Si Simoun nga ay hindi naparoon sa dulaan.

            Sapul sa ikapito ng gabi ay umalis nang ligalig at mapanglaw sa kanyang bahay; nakita siyang makalawang pumasok na ang kasama’y iba’t ibang tao;1 nang ikawalo ay nakita siya ni Makaraig na may binabantayan mula sa kalye ng Hospital hanggang sa kalapit ng kumbento ng Sta. Clara,2 nang kasalukuyang tinutugtog ang mga kampana ng simbahan;3 nang ikasiyam ay nakita siyang muli ni Camaroncocido sa paligid ng dulaan na nakikipag-usap sa isang wari’y nag-aaral , pumasok at muling lumabas, at nawala sa dilim na gawa ng mga puno.4

            “At ano sa akin?” ang sabing muli ni Camaroncocido, “ano ang mahihita ko sa pagsasabi sa bayan?”5

1MGA PALIWANAG

May dalawang pangkat ng mga tao na kausap si Simoun bago umalis ng kaniyang bahay sa Escolta.

2 Ang hospital at kumbento ng Santa Clara ay magkatabi ay sa pagitan ay ang kalye kung saan si Simoun ay makatapatan at mayroong isang maliit na iskinita sa pagitan.3

Ang tugtog ng kampana sa ika-walo ng gabi ay para sa mga kaluluwa ng mga taong namatay.4

Ang Teatro Variedades ay nasa Sampaloc, madali itong napupuntahan ni Simoun dahilan sa mayroon siyang sasakyan. Maaring ang waring estudyanteng kasama ni Simoun ay si Placido Penitente.

5 Makikita ang pagiging pabaya ni Camaroncocido. Tandaan na Kabanata 21 ay ipinakilala siya ni Rizal na waring mayroong bariles kahit saang dako. Ang bariles ay

Page 2: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

            Si Basilio, gaya nang sabi ni Makaraig, ay hindi rin nanood ng palabas.  Ang kaawa-awang nag-aaral sapul nang manggaling sa San Diego upang tubusin sa pagkaalila ang kanyang katipang si Huli ay muling hinarap ang kanyang mga aklat, ang panahon niya ay pinalipas sa ospital, sa pag-aaral o sa pagkalinga kay Kapitan Tiyago na binabaka ang sakit nito.

            Ang maysakit ay naging ugaling bugnot; sa kanyang masasamang sandali, kapag nanlalambot dahil sa kauntian ng apyan6 na pinipilit ni Basiliong mapahina , ay sinusumbatan ito, sinasaktan, minumura; tinitiis ni Basilio, na kinakalamay ang loob dahil sa batid na ang kanyang ginagawa ay ikabubuti ng pinagkakautangan niya nang malaki, at kung gipit na gipit na lamang ay saka napapahinuhod;7 matapos masiyahan ang gawi , ang masamang hilig , ay bumubuti ang ulo ni Kapitan Tiyago ,8 lumalambot ang loob, tinatawag siyang anak,9 napapaiyak sa pag-aalala sa paglilingkod ng binata, ang mabuting pangangasiwa sa kanyang mga paupahang bahay 10 at sinasabing siya niyang pamamanahan;11 malungkot na napapangiti si Basilio at iniisip na sa buhay na ito’y ginagantimpalaan pa ang pag-ayo sa bisyo kaysa pagtupad sa katungkulan.12  Hindi bibihirang naiisip niyang pabayaan nang lumubha ang sakit at papuntahin sa libingan ang nag-aampon sa kanya,13 sa isang landas

tulugan. Nais ipakita ni Rizal na ang tauhang ito ay katulad ni Diogenes na may dalang tab o paliguan na nagsisilbing kaniyang bahay at ipinapangaral ang pilosopiya ng Cynicism – o ang kahalagahan ng kaisipan ng pagwawalang bahala.

6 Sa pagitan ng mga salita ay makikita ang kahusayan ni Rizal sa pagpapasok ng isang uri ng kaisipan. Isipin na lamang na ang katayuan ng maysakit na si Kapitan Tiago ay ang kolonyal na pamahalaan – bugnot kapag kakaunti ang nakukuhang buwis sa sakop na bayan. Ang pagkakaroon ng maraming salapi sa kabang yaman ay waring opyo na nakapagpapasugapa.

7 Sa pamamagitan nito ay ipinapakita ni Rizal kung papaano tinatrato ng pamahalaan ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa pamahaan.8

Ito ang mukha ng kolonyal na pamahalaan, kapag napatunayan na tama ang ipinapayo ng mga nasasakupan na inaakala nilang mga kalaban nila.9

Katulad ng pamahalaan – kapag napagbibigyan ang masamang hilig ay saka lamang kinikilala na mga anak niya kaniyang mga nasasakupan.10

Katulad ng pamahalaan, kapag napagbibigyan ay saka naaalala ang mga pagpapakasakit ng mga nasasakupang mga mamamayan.11

Pangako ng awtonomiya pagkatapos ng mahabang panahon ng paghahari.12

Parunggit ni Rizal - ito ay dahilan sa Pilipinas ay hinahangaan natin kaysa pinagsususpetsahan ang pagyaman ng mga taong yumayaman sa katiwalian.

Page 3: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

na kinalatan ng bulaklak at magagandang larawan, kaysa pahabain ang buhay sa pamamagitan ng pagtitipid.14

            “Hangal na tao ako!” ang madalas na sabi sa sarili, “ang karamihan ay hangal at yayamang nagbabayad…”

            Nguni’t iniiling ang ulo at inaalaala si Huli, ang malawak na kinabukasang nasa kanyang harap; iniisip niyang mabuhay nang hindi dudungisan ang kanyang budhi.  Ipinatutuloy ang pangangalagang takda at nagbabantay.

            Gayunman, ang maysakit ay lumulubhang unti-unti, sa araw-araw.  Si Basilio, na nagpasyang untian nang untian ang nahihitit, o kung di man ay hindi pinapayagang humitit ng higit kaysa karaniwan,15 ay natatagpuan niya sa   panggagaling sa ospital o sa isang pagdalaw na nakakatulog ang maysakit ng mabigat na tulog ng naapyan, na naglalaway at namumutlang wari’y patay.   Hindi maisip ng binata kung saan nanggagaling ang apyan:16  ang mga tanging dumadalaw sa bahay ay si Simoun at si Padre Irene, ang una’y bibihirang pumaroon, at ito namang isa’y walang humpay sa pagbibilin sa kanya na higpitan at huwag babaguhin ang pangangalaga at huwag punahin ang mga pagkamuhi ng maysakit, sapagka’t ang unang dapat ganapin ay ang mailigtas.17

            “Tumupad kayo sa inyong katungkulan, binata,” ang sabi sa kanya, “tumupad kayo sa inyong katungkulan.”           

At binibigyan siya ng isang munting sermon na ukol sa bagay na iyon sa pamamagitan ng isang buong pananalig at sigabo, na si Basilio’y

13 Hayaan na lamang na mamamatay ang kolonyal na gobyerno sa babagsak sa sarili niyang masamang bisyo at pamamahala. Ang mga taong ito na pinarurunggitan ni Rizal ay ang mga tao na kakampi ng isang magnanakaw na administrasyon at ngayon ay kakampi ng panibagong administrasyon.

14 Alam ni Basilio na kung totohanin ni Kapitan Tiyago ang kaniyang ipinangangako na pagpapamana ay hindi na siya maghihirap.

15 Ginagamot ng isang repormista ang sakit ng bayan.16

Tulog ang pamahalaan sa opyo, na nagpapamanhid sa kabuuan ng sakit ng katawan ng bayan. Ito ay bunga ng mga pambobola atlabis na pagtitiwala sa kapangyarihan na pinapanaligan niyang katulong niya.

17 Mula sa bahaging ito ay ipinapakita ni Rizal na imposibleng si Simoun ang nagbibigay ng opyo sa maysakit. Ang nagbibigay ng opyo at maraming opyo ay walang iba kundi si Padre Salvi. Magugulat kayo, kung mababasa sa mga linya ng pananalita ni Rizal ang tunay na kahulugan ng simbolismo ng opyo sa kabanatang ito.

Page 4: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

nagkakaroon tuloy ng pagkalugod sa nangangaral.  Bukod sa roon ay pinangangakuan siya ni Padre Irene ng isang mabuting mapapasukan, isang mabuting lalawigan, at pinabanaagan pa sa kanya ang pangyayaring siya’y mahahalal na katedratiko.18  Si Basilio naman, kahi’t hindi napadadala sa mga pag-asa, ay nagpapakunwaring naniniwala at sumusunod sa iniutos ng sarili niyang budhi.           

Nang gabing iyon, samantalang itinatanghal ang Les Cloches de Corneville, si Basilio ay nag-aaral sa harap ng isang matandang lamesa, sa tulong ng liwanag ng isang ilawang langis, na ang pantalyang bubog na malabo ay nakatatakip at nakadidilim sa kanyang mukha.19  Isang lumang bungo, ilang buto ng tao, at ilang makakapal na aklat na mabuti ang pagkakahanay ang siyang nakakalat sa dulang na mayroon pang isang palangganang tubig at isang espongha. 20  18 Si Basilio ay pinangakuan ni Padre Irene ng maraming mga oportunidad. Tandaan na si Basilio ay estudyante ng medisina at sa malaon at madali ay mapapansin ng binata ang mga sintomas ng labis na tustos ng opyo sa kaniyang katawan. Isang anyo ng kabayaran sa pananahimik.Mapapansin din na ang pangako kay Basilio ay isang mapapasukan sa malayong lalawigan. Inilalayo ni Padre Irene si Basilio sa Maynila, kung saan nagaganap ang krimen ng pari. Ang pangako ng pagtuturo ng Medisina ay isang anyo ng safety net ni Padre Irene, ito ay kung mananatili si Basilio sa Maynila.

Isang malaking kabalintunaan na ang mga pangako ni Padre Irene ay nagkaroon ng katuparan sa mismong sumulat ng nobelang ito. Si Rizal ay ipinadala sa isang malayong lalawigan ng Zamboanga (Mindanao) sa bayan ng Dapitan.

Magiging ang tagapagturo ng medisina ay isang malaking pagbibiro ng kapalaran, sapagkat si Rizal ay pinangakuan na papagturuin ng medisina sa UST, kapalit ang pagbawi sa lahat ng kaniyang mga simulat laban sa simban. Ang alok na ito ay sinagot ni Rizal na “hindi ninyo ako nalunod sa dagat, at ngayon ay nais ninyo na ako ay lunurin sa isang basong tubig.”

19 Ang mga elemento na binabanggit rito ni Rizal ay isang mahusay na simbolismo ng edukasyon sa Pilipinas. Matandang lamesa na kumakatawan sa makalumang saligan ng edukasyon, ang mga taong simbahan.Malabong ilaw na kumakatawan sa makalumang edukasyonMalabong pantalyang bubog ay kumakatawan sa sensura sa edukasyonAng madilim na mukha ni Basilio ay produkto ng kaniyang makalumang edukasyon – tandaan na ang edukasyon ay inaasahan na magbibigay ng liwanag ng isipan.20

Ang lumang bungo at mga buto na nakalagay sa lumang lamesa ay kumakatawan sa mga namatay bunga ng lumang pamamaraan ng panggagamot at sa panahon na ito ay nabubuhay ay maaring naging biktima pa ng kaapihang panlipunan. Ang katotohanang iyon ay makikita sa eksistensiya ng kaniyang bungo at buto sa lamesa ng isang mag-aaral ng medisina at wala sa isang libingan. Ang palanggana ay kinalalagyan ng mainit na tubig at ang espongha na ipinupunas niya sa kaniyang mukha ay simbolismo ng pagpapakasakit.

Page 5: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

Isang amoy-apyang nanggaling sa kanugnog na silid, ay nakapagpapabigat sa hangin at nakapagpapaantok sa kanya,21 nguni’t ang binata’y naglalaban sa pamamagitan ng pagbasa, manaka-naka, sa kanyang noo’t mga mata, handa sa hindi pagtulog hanggang sa matapos ang aklat.22  Iyo’y isang bahagi ng Medicina Legal at Toxicologia ni Dr. Mata,23 isang aklat na kanyang nahiram at dapat isauli sa may-ari sa lalong madaling panahon.24  Ang katedratiko ay ayaw magturo nang hi ndi alinsunod sa kumathang iyon,25 at si Basilio ay walang sapat na salapi upang makabili ng aklat na iyon, sapagka’t sa dahilang iyon ay bawal ng mga tagasuri sa Maynila at kailangang suhulan ang maraming kawani upang maipasok ay malaking halaga ang hinihingi ng mga nagtitinda ng aklat.26  Buhos na buhos ang pag-iisip ng binata sa kanyang pag-aaral, kaya’t hindi man pinansin ang ilang polyeto na ipinadala sa kanyang galing sa labas, na hindi maalaman kung saan, mga aklat na tumutukoy sa Pilipinas , na doo’y kasama ang sa kapanahunang iyon ay

21 Ang amoy ng opyo ay katulad ng mga makalumang aral ng simbahan na nagpapatulog sa malayang pag-uusisa.

22 Ang patuloy na pag-aaral ng siyensiya ang panlaban sa aral na opyo ng ikinakalat noon ng mga tagapagturo ng kolonyal na Kristiyanismo. 23

Pansinin sana na ang pamagat ng libro na ginagamit ni Basilio sa pag-aaral ng bungo at mga buto ay “Medicina Legal at Toxicologia ” – ang medicina legal ay pag-aaral sa naging tunay na dahilan ng pagkamatay ng tao at ang kaalaman na ito ay ginagamit sa pag-iinbestiga ng mga krimen. Ang taxicologia naman ay pag-aaral kung sa epekto ng lason sa katawan ng tao. Si Dr. Pedro Mata y Fontanet (1811–73) isang dalubhasang manggamot na Espanyol, nagturo ng kursong Medico Legal sa Universidad Central de Madrid noong 1840’s. Ang kaniyang aklat na ito ay umabot hanggang sa ikalimang edisyon.24Si Dr. Pedro Mata ay isa sa mga dakilang manggagamot na nagbigay daan sa modernisasyon ng pag-aaral ng medisina sa Espanya.

Mula sa kaligiran ng personalidad na ito ay tiyakan na pinili ni Rizal na gamitin at banggitin ang aklat na kaniyang sinulat sa kaangkupan ng kabanatang ito.

Ipinapakita nito ang kahalagahan ng aklat mula sa kaniyang hiniraman.25

Ang guro ni Basilio sa aralin ay isang pangahas at mahusay na guro ayon sa aklat na ipinagamit niya sa kaniyang mga estudyante sa Medisina Legal at Taxicologia.26

Bakit ipinagbabawal na ipasok sa Maynila ang aklat ni Dr. Pedro Mata?Si Dr. Pedro Mata ay isang hindi lamang manggagamot, siya ay isang pilosopo at alagad ng panitikan. Dalawang beses na siya ay ipinatapon/exile dahilan sa kaniyang pampulitikang pananaw at ang kaniyang nobela ay ipinagbawal na mapalathala.

Tandaan na si Rizal ay nagtapos ng dalawang kurso una ay ang pagiging manggagamot at ikalawa ng pilosopo at panulat sa Unibersidad Central de Madrid.

Page 6: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

siyang napupuna ng lahat dahil sa masama at kalait-lait na pagpapalagay sa mga anak ng bayan.27  Walang kapana-panahon si Basilio upang sila’y mabuksan; marahil ay nakapipigil din sa kanya ang pag-aalala na hindi masarap ang tumanggap ng isang pag-alimura o isang paghamon at hindi makapagtanggol o makatugon.28  Noon nga, ang pagsuri sa ano mang lathala ay nagpapabayang dustain ang mga Pilipino, nguni’t ipinagbabawal sa mga ito ang sumagot.29

            Sa gitna ng katahimikang naghahari sa bahay, na mabubulahaw lamang ng ilang mahihinang paghihilik na galing sa kabilang silid, ay nakadinig si Basilio ng madalas na yabag sa hagdanan, mga yabag na dumaan sa caida at tumungo sa kanyang kinaroroonan.30  Itinaas niya ang kanyang ulo, nakitang nabukas ang pintuan at sumipot ang mapanglaw na anyo ni Simoun, sa gitna ng kanyang pagkakamangha.

            Mula sa pagtatagpo nila sa San Diego ay hindi pa nakikipagkita si Simoun, ni sa binata, ni kay Kapitan Tiyago.

            “Ano ang lagay ng maysakit?” ang tanong na tiningnang sumandali ang silid at napatitig sa mga mumunti’t maninipis na aklat na aming binanggit, na hindi pa napuputol ang mga dahon.31

27 Ano ang mga aklat na hindi binuksan ni Basilio na galing sa labas ng Pilipinas na naglalarawan ng kalait-lait na kalagayan ng bayan? Hindi pa matiyak ng nagsasaliksik ang mga iyon – subalit ang mga nilakihang salita sa bahaging ito ay magpaparamdam na ang aklat na nais tukuyin dito ni Rizal ay ang NOLI ME TANGERE.

Ano ang katunayan na Noli Me Tangere ang aklat na tinutukoy?“na doo’y kasama ang sa kapanahunang iyon ay siyang napupuna ng lahat dahil sa masama at kalait-lait na pagpapalagay sa mga anak ng bayan” Sa panahong isinusulat ni Rizal ang El Filibusterismo ay ipinagbabawal na ang pagbabasa ng Noli sa Maynila at ang may kalakip na parusang pagkakulong ang sinuman na mahuhulihan nito.28

Hindi masarap na makabasa ng insulto na hindi mo naman masasagot.29

Sinesensor ang mga pahayag na laban sa gobyerno at simbahan, subalit pinahihintulutan ang mga lathalain na dumudusta sa mga Pilipino.30

Sa mismong salas na iyon sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere ay makikita ang kasayahan ng kapaligiran at katuwaan ni Kapitan Tiago. Sa pagkakataon na ito ay inilarawan ang iisang tagpuan sa napakapanglaw na ambiance31

HALIMAW TALAGA ITO SI RIZAL. – Pansinin na ang tinatanong ni Simoun ay ang maysakit, samantalang ang tintingnan naman niya ay ang mga polyetos at NOLI ME TANGERE na tumatalakay sa kanser ng lipunan .

Page 7: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

            “Ang tibok ng puso ay babahagya… ang pulso ay mahinang-mahina… pagkain ay hindi makakain nang anuman,” ang tugong marahan ni Basilio na malungkot ang ngiti, “sa magmamadaling-araw ay pinagpapawisan ng katakut-takot.”32

            At sapagka’t nakikitang si Simoun, dahil sa tungo ng mukha, ay nakatingin sa mga tinurang mumunting aklat, at sa pangingilag na muling mabanggit ang pinag-usapan sa gubat, ay nagpatuloy:33

            “Ang buong katawan ay nakakalatan na ng lason; bukas o makalawa ay mangyayaring mamatay na wari’y tinamaan ng kidlat… ang lalong maliit na sanhi, isang walang kabuluhang bagay, isang sulak ng kalooban ay mangyayaring makamatay sa kanya…”34

            “Gaya ng Pilipinas!” ang mapanglaw na sabi ni Simoun.35

            Hindi napigil ni Basilio ang isang ngiwi, at sa dahilang ipinasya na niya ang huwag muling mapag-usapan ang bagay ay nagpatuloy na wari’y walang anumang nadinig.

            “Ang lalong nakapagpapahina sa kanya ay ang mga pagpapanaginip, ang kanyang mga pagkatakot…”36

            “Gaya ng pamahalaan!” ang muling turing ni Simoun.37

32 Napakatalas ni Rizal – ang mga sinasabi ni Basilio kay Simoun ay mga sintomas ng karamdaman ng isang pasyente na biktima ng pagkalason.

33 Talagang ibang pasyente ang tinutukoy ni Rizal sa pamamagitan ng titig ni Simoun sa aklat.

34 Ang ipinapaliwanag ni Basilio sa bahaging ito ay ang marupok na kalagayan ng pasyente – tinatawga ito ng mga nag-aral ng medisina na septic shock.35

Gaya ng Pilipinas na kalat na ang lason ng korupsiyon at ang mga organo ng katawan ay hindi na gumagana na mabuti at ang isang biglaang pangyayari ay maaring makapagpabagsak sa kolonyal na pamahalaan.36

Napansin ni Basilio na ang kaniyang mga paliwanag na medikal ay binibigyan ng politikal na komparison ni Simoun at dahil dito ay iniba niya ang pagpapaliwanag sa kalagayan ng maysakit – mulo sa punto ng taxicologia tungo sa pagpapaliwanag na ang gamit ay sikolohiya.37

Makikita ang talas ni Simoun, ito ay nang patuloy pa rin niyang hindi pinalalampas ang pagbabagong paksa ni Basilio. Ang nagpapahina sa pamahalaan ay ang takot at bangungot.

Page 8: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

            “May ilang gabi nang nagising nang walang ilaw at inakalang siya’y nabulag; nanggulo ng katakut-takot, naghinagpis at nilait ako na ang sabi’y dinukit ko ang kanyang mga mata… Nang pumasok akong may dalang ilaw ay pinagkamalan akong si Padre Irene at tinawag akong kanyang tagapagligtas.” 38

            “Walang pinagka-iba sa pamahalaan!”39

            “Kagabi,” ang patuloy ni Basilio na nagbibingi-bingihan, “ay nagbangon at hiningi ang kanyang manok, ang kanyang manok na may tatlong taong patay na, napilitan akong bigyan siya ng isang inahin, at nang magkagayon ay pinakapuri-puri ako’t pinangakuan ng libu-libo…”40

            Nang mga sandaling iyon ay tumugtog ang isang orasan ng ikasampu’t kalahati.41

            Si Simoun ay kinilabutan at pinigil ang binata sa isang kilos.           

“Basilio,” ang marahang sabi, “pakinggan ninyo akong mabuti, sapagka’t ang mga sandaling ito’y lubhang mahalaga.  Nakikita kong hindi man ninyo binuksan ang mga aklat na ipinadala ko; wala kayong paglingap sa inyong bayan…”

            Ang binata’y nagtangkang mangatwiran.

            “Hindi na kailangan!” ang matigas na patuloy ni Simoun, “sa loob ng isang oras ay susulak ang himagsikan sa isang hudyat ko, at bukas ay wala na ang pag-aaral, wala nang unibersidad, wala kundi labanan at patayan. 

38 Paglalarawan ni Basilio sa labis na estado ng disilusyon ng pasyente.39

Nagagalit ang kolonyal na pamahalaan sa mga nagmamalasakit na taong bayan at inaakala na ang mga liwanag na kaniyang nakikita ay galing sa mga alagad ng kolonyal na simbahan. Tama po ba ako Father… kelan po uli tayo magkakaroon ng pagkilos laban sa RH Bill?

40 Ang kolonyal na pamahalaan ay hinahanap-hanap ang kaniyang mabuting nagawa noong mga nakalipas na panahon, na kinupasan ng bisa. Ang pagbibigay ni Basilio ng isang inahin, kapalit ng isang namatay na tandang ay simbolismo na ang maliit na remedyo at ang malaking pagbabago ay magkapareho lamang sa kolonyal na pamahalaan.41

Nota: Magkakaroon ako ng pagtutuwid o kalibrasyon sa kronolohiya sa nakalipas na anotasyon sa kabanata 22. Ang ikasiyam sabay ng pag-awit ng scit, scit, scit, ay lumilitaw na panahon ng pagtatanim ng bomba sa tanghalan at ang gagamitin ay isang uri ng time bomb.

Page 9: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

Inihanda ko ang lahat at hindi mahahadlangan ang aking tagumpay.  Kapag kami’y nanaig, lahat niyong makatutulong sa amin at hindi kumilos ay aariing kalaban.  Basilio, naparito ako upang ialok sa iyo ang inyong kamatayan o ang inyong tutunguhing kinabukasan!”

            “Ang aking kamatayan o ang aking kinabukasan!” ang ulit na wari’y walang nalilinawan.

            “Sa piling ng pamahalaan o sa piling namin,” ang sabi ni Simoun, “sa mga sumisiil o sa inyong bayan.  Magpasya kayo sapagka’t tumatakbo ang panahon!  Naparito ako upang kayo’y iligtas alang-alang sa mga alaalang nagtali sa atin!”

           “Sa mga maniniil o sa aking bayan!” ang marahang ulit.           

Ang binata’y lito; tinitingnan ang manghihiyas ng matang kinalalarawan ng pagkasindak, naramdamang ang kanyang mga paa’t kamay ay nanlalamig at libu-libong magkakasalimuot na pagkukuro ang nagdaraan sa kanyang pag-iisip; nakikitang ang mga lansangan ay nagdadanak sa dugo, naririnig ang putukan, napapagitan siya sa mga patay at sugatan at katangi-tanging lakas ng hilig!  Nakikita niyang siya, na suot ang damit sa paggawa, ay nagpuputol ng mga hita’t nag-aalis ng mga punglo.42

            “Hawak ko ang kalooban ng pamahalaan,” ang patuloy ni Simoun,

“aking ipinara at inaksaya ang kaunti niyang lakas, at nagugugol sa mga haling na pagsalakay, at sinilaw ko siya sa kapakinabangang maduduwit; ang mga pangulo niya ay tahimik na nasa dulaan ngayon at nangalilibang sa pagdanas ng isang gabing lipos-kasayahan, nguni’t walang isa mang hihilig na muli sa unan…43 Mayroon akong mga regimiento at mga taong nasa aking kapamahalaan, pinapaniwala ko ang ilan na ang may utos ng paghihimagsik ay ang Heneral, ang iba’y pinaniwala kong ang mga prayle ang may kagagawan; ang ilan ay binili ko sa pangako, sa katungkulan, sa salapi; ang marami, ang maraming-marami ay kikilos upang makaganti, sapagka’t nangasisiil, at sa dahilang natatayo sa kalagayang mamatay o pumatay… Si Kabesang Tales ay nasa lupa at sinamahan ako hanggang dito!  Inuulit ko sa inyo, sasama kayo sa amin o ninanasa ang malaan sa pagdaramdam ng aking mga kabig?  Sa mga sandaling

42 Akala ni Basilio, ang kaniyang magiging papel sa himagsikang pasisimula ni Simoun ay serbisyong medikal para sa mga masusugatang kalahok nito.

43 Ipinapaalam na ni Simoun na sa isang iglap ay lilipulin na niya ang mga matataas na pinuno ng pamahalaan at militar sa Maynila at ito ay ang pagsabog ng tanghalan.

Page 10: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

mapanganib, ang hindi pag-ayon sa kanino man ay isang paglagay sa kamuhian ng dalawang pangkat na magkalaban.”44

            Makailang hinaplos ni Basilio ang kanyang mukha na waring ibig magising sa isang bangungot; naramdamang ang kanyang noo’y malamig.          

  “Magpasya kayo!” ang ulit ni Simoun.

            “At ano…ang kailangan kong gawin?” ang tanong na ang tinig ay pipi, basag, mahina.

            “Isang bagay na lubhang madali,” ang tugon ni Simoun na ang mukha’y naliwanagan ng isang sinag ng pag-asa, “sa dahilang pamamahalaan ko ang kilusan ay hindi ko maiiwan ang alin mang labanan.   Kailangan ko, na samantalang ang kaguluhan ay nasa iba’t ibang pook ng siyudad, ay panguluhan ninyo ang isang pulutong, igiba ang pintuan ng Sta. Clara at kunin ninyo doon ang isang tao na liban na sa akin at kay Kapitan Tiyago ay kayo lamang ang makakakilala… Kayo’y hindi mapapanganib .”

            “Si Maria Clara!” ang bulalas ng binata.

            “Oo, si Maria Clara!” ang ulit ni Simoun, at noon lamang nagkaroon ng tunog na malungkot at malumanay ang kanyang tinig, “ibig ko siyang iligtas, upang iligtas lamang siya kung kaya ninasa ko ang mabuhay; nagbalik ako… ginawa ko ang himagsikan, sapagka’t ang isang himagsikan lamang ang makapagbubukas sa akin ng pinto ng mga kumbento!”45

            “Ay!” ani Basilio na pinagdaop ang kamay, “nahuli kayo, lubhang huli!”

            “At bakit?” ang tanong ni Simoun na ikinunot ang kilay.

            “Si Maria Clara ay namatay na!”

            Sa isang lundag ay napatindig si Simoun at hinandulong ang binata.

44 Walang makakatayo sa gitna ng dalawang naglalabanang pangkat. Sa isang rebolusyon ay kailangang pumanig ang tao sa alinman sa dalawang naglalabang pangkat.

45 Mula sa leksiyon ng mga himagsikang anti-klerikal sa Europa na lumaya mula sa malakas na inpluwensiya ng simbahan sa kanilang mga lipunan.Maging ang Espanya sa kaniyang mga digmaang sibil noong ika-19 na siglo ang simbahan ay nakaranas na samsaman ng estado ng mga ari-arian partikular ang kaniyang mga kumbento.

Page 11: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

            “Namatay?” ang tanong na ang tinig ay nakapangingilabot.

            “Kaninang hapon, ikaanim; ngayon marahil ay…”

            “Hindi totoo!” ang sigaw ni Simoun na namumutla’t ang mata’y nanlilisik, “hindi totoo!  Si Maria Clara ay buhay, si Maria Clara ay kailangang mabuhay!  Iyan ay isang duwag na pagdadahilan… hindi mamamatay, at ngayong gabi’y ililigtas ko siya o bukas ay patay kayo!”

            Ikinibit ni Basilio ang kanyang balikat.

            “May ilang araw nang nagkasakit at ako ay pumaparoon sa kumbento upang makibalita.  Tingnan ninyo, narito ang sulat ni Padre Salvi na dala rito ni Padre Irene.   Magdamag na nag-iiyak si Kapitan Tiyago, na hinahagkan at hinihingan ng tawad ang larawan ng kanyang anak, hanggang sa natapos sa paghitit ng maraming apyan…46 Kaninang hapon ay tinugtog ang kanyang agonias .”47

            “Ah!” ang bulalas ni Simoun na pinigilan ng dalawang kamay ang ulo at napahinto.

            Naalaala ngang nakadinig siya ng tugtog ng agonias samantalang nanunubok sa paligid ng kumbento.

            “Patay!” ang mahinang bulong na waring ang nagsasalita’y isang anino, “patay!  Namatay nang hindi ko man lamang nakita, namatay nang hindi nalalamang ako’y nabubuhay dahil sa kanya, namatay na nagtitiis!”

            At sa pagdaramdam ng isang sigwang kalagim-lagim, isang sigwang may kulog at buhawi, na walang patak ng ulan, hinagpis na walang luha, sigaw na walang salita, nagngangalit sa kanyang dibdib at nagtatangkang umapaw na wari’y buga ng bulkan na malaong natimpi, ay biglang umalis sa kinalalagyang silid.  Nadinig siya ni Basilio na pumapanaog sa hagdan, na ang lakad ay walang tuto, nadinig ang isang timping sigaw, sigaw na waring nagsasabi ng pagsapit ng kamatayan, malalim, katangi-tangi, kahambal-hambal, kaya’t ang binata’y tumindig na namumutla’t nanginginig sa kinauupan, nguni’t nadinig ang yabag na papalayo at ang pinto sa daan na nag-umugong sa pagkakasara.

46 Mapansin na ang pagdadalamhati ni Kapitan Tiago ay nawala noong humitit o ipinahitit sa kaniya ni Padre Irene. Ang relihiyon at ang opyo ay kapwa gamit sa pampapalubag ng kalooban. Ang opyo nga lamang ay narkotiko na sinisindihan, samantalang ang opyo ng relihiyon ay sinisindihan sa pamamagitan ng kandila o ng insenso.

47 Tugtog ng kampana para sa dalamhati

Page 12: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

            “Kaawa-awang tao!” ang bulong at ang kanyang mga mata’y napuno ng luha.

            At hindi na naalaala ang pag-aaral, at ang tingin ay sa malayo, at iniisip-isip ang kapalaran ng dalawang iyon:  ang isa’y binata, mayaman, bihasa, malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayan, may magandang kinabukasan, at ang babai’y kasingganda ng isang pangarap, malinis, lipos-pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan, nakakandong sa mga giliw at ngiti, nalalaan sa isang maligayang pamumuhay, sasambahin ng kanyang mga kaanak at igagalang sa mundo; nguni’t gayunman, ang dalawang iyon, na lipos ng pag-ibig, puno ng mga akdhika’t pag-asa, dahil sa isang sawing kapalaran, ang lalaki’y naglagalag sa buong lupalop na tangay ng ipu-ipong dugo at luha, naghahasik ng kasamaan at hindi kabutihan, inaapi ang kabaitan, at inaayo ang masamang hilig, samantalang ang babae ay naghihingalo sa dilim na mahiwaga ng claustro na kanyang pinasukan, sa paghanap ng kapayapaan, nguni’t mga pagbabata marahil ang natagpo; malinis at walang bahid-dungis nang siya’y pumasok at naghingalo siya roong wari’y bulaklak na lagas…

            “Humimbing kang mapayapa, sawing anak ng aking walang kapalarang bayan!  Dalhin mo sa libingan ang kariktan ng iyong kabataan, na nilanta sa gitna ng paglusog!  Kapag ang isang bayan ay hindi makapaghandog sa kanyang malilinis na dalaga ng isang payapang tahanan, sa pagkupkop ng banal na kalayaan; kapag ang tanging maipamamana ng lalake sa kanyang balo ay kahihiyan, pagluha sa ina at kaalipinan sa mga anak, mabuti nga ang kusain ninyo ang huwag nang magbunga, at lunurin na sa inyong tiyan ang binhi ng mga kalait-lait na iaanak.48  Ah, mabuti ka na, hindi ka mangingilabot sa iyong libingan sa pagkadinig ng sigaw ng mga naghihingalo sa kadiliman, ng mga nakababatid na sila’y may pakpak nguni’t nangakagapos, ng mga naiinis dahil sa walang kalayaan! 49  Tumungo ka, na kaakbay ng mga pangarap ng makata sa kalangitang walang hanggan, anino ng  babaing nabanaag sa isang sinag ng buwan, na ibinubulong ng maigkas na kawayanan… Mapalad ang  mamatay nang mayroong umiiyak, na nag-iiwan sa puso ng sa kanya’y umiibig ng malinis na gunita, isang banal na alaala, na hindi nadungisan ng karumal-dumal na sigabo ng kalooban, na lalong lumalaki sa katagalan ng panahon!  Sumulong ka, aalalahanin ka namin!  Sa malinis na simoy ng ating bayan, sa ilalim ng kanyang langit na bughaw, sa ibabaw ng alon ng lawang nakukulong ng bulubunduking kulay sapiro at baybaying esmeralda; sa kanyang malilinaw na batisan na nalililiman ng mga punong-kawayan, hinihiyasan ng mga

48 Mapalad ang isang babae na hindi mag-aanak sa bayan na ang kaniyang anak ay magiging alipin.

49 Mga Pilipinong mulat na mayroon silang dapat na maging kalayaan, samantalang pinagkakaitan sila.

Page 13: El Filibusterismo Deciphered - Kabanata 23 Isang Bangkay

bulaklak at binibigyang-buhay ng mga tutubi’t paruparo sa kanilang walang tungo at malikot na pagliliparan, na waring nangagsisipaglaro sa hangin; sa katahimikan ng ating mga gubat, sa awit ng ating mga batisan, sa buhos na brilyante ng ating mga talon ng tubig, sa maningning na liwanag ng ating buwan, sa mga buntung-hininga ng hangin sa gabi, sa isang sabi, sa lahat ng bagay na makapagpapaalaala sa larawan ng ginigiliw, ay makikita ka naming gaya ng pinangarap naming anyo mo na marilag, maganda, nakangiting gaya ng pag-asa, kasinlinis ng liwanag, datapwa’t malungkot at mapighating tinatanaw ang aming karumal-dumal na kalagayan.