12
 El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral 

El Filibusterismo Kabanata 12-14

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang buod at mga mahahalagang naganap sa Kabanata 12, 13, at 14 sa EL FILIBUSTERISMO.

Citation preview

El Filibusterismo Kabanata 12: Placido Penitente Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

KABANATA 12: PLACIDO PENITENTENarrator: Si Placido Penitente ay kilala sa kanyang kasipagan at pakikipag debate. Ngunit sa isang kadahilanan na nais na niyang tumigil sa pag-aaral at umuwi sa kanyang bahay. Juanito Pelaez: Penitente! Penitente! Kamusta ang iyong bakasyon?Placido Penitente: Mabuti. Ikaw?Juanito Pelaez: Mabuting-mabuti, inimbitahan akong kura ng Tiani na magbakasyon kaya nagpunta ako. Kilala mo ba si Padre Camorra? Siya ay may magandang kalooban gaya ni Padre Paco. At dahil maraming magagandang dalaga doon, hinarana namin sila. Sinasabi ko sayo talagang nagsaya kami. Alam mo ba nakilala naming ag hangal na nobya ni Basilio, alam mo ba hindi marunong magkastila, walang pera at naging katulong. Pinaghahampas ni Padre Camorra ang dalawang nangharana sa kanya at di ko alam kung bakit hindi pa niya pinatay ang mga iyon. *sabay tawa ng malakas*Placido Penitente: (Tumingin ng masama kay Penitente) Juanito Pelaez: Ano nga palang tinuro ng ating propesor kahapon?Placido Penitente: Walang klase kahapon.Juanito Pelaez: Ay, oo nga pala. Ang hangal ko talaga. Alam mo ba nagiging hangal na ako. Eh noong miyerkules?Placido Penitente: Noong miyerkules? Umambon noon. At bago ka pa magtanong, noong martes ay kaarawan ng ating guro. Juanito Pelaez: Ay, nakalimutan ko. Napakahangal ko talaga. Tinanong niya ba ko?Placido Penitente: (nagkibit blikat si Placido) Hindi ko alam, ngunit binigyan siya ng talaan.Juanito Pelaez: Eh ano yung pinag-aralan niyo?Placido Penitente: (Itinuro niya sa pamamagitan ng kanyang daliri ang bahaging dapat pag-aralan sa pisika)Juanito Pelaez: Hayaan mo na nga yan, magliwaliw na lang tayo. Oo nga pala, alam mo bang ako ang inatasan na maningil ng kontribusyon para sa monumento ni Padre Baltazar.Placido Penitente: Sino iyon?Juanito Pelaez: Sino pa, kundi isang dominiko. Nagpapatulong kasi sila sa mga estudyante. Magbigay ka na lang ng tatlo o apat na piso para masabing galante tayo.Ah, labinlimang araw mula ngayon ay kaarawan ng ating propesor sa historya. Dapat tayo magpasalamat.Placido Penitente: Tama! Juanito Pelaez: Sige na Placido, ikaw na ang mag-ambag para ikaw ang una sa listahan. Magbigay ka na lang ng apat na piso, gagawin ko lang naman itong pain eh.Placido Penitente: (Binigay ni Placido ang hinihingi ni Juanito).Sa unibersidad,Narrator: Ilang sandali lamang ay may huminto na naming magandang karwahe sa tapat ng simbahan. Mabilis na bumababa dito si Paulita Gomez.Tadeo: Napakaganda naman niya. Pakisabi sa propesor may sakit ako. (sinundan niya ang dalaga)Estudyante 1: Penitente! Penitente! Lagdaan mo ito. Placido Penitente: Ano yan? Estudyante 1: Basta! Pumirma ka na lang. Placido Penitente: Patawarin mo ako hindi ako pipirma diyan hanggant hindi ko naiintindihan yan.Estudyante 1: Napakahaba nito, tungkol ito sa pagtutol sa kahilingan. Si Macaraig at ang iba pa ay humihiling na magkaroon ng akaddemya ng wikang kastila na malinaw na isang kahangalan.Placido Penitente: Mamaya na, nagsisimula na ang klase.Estudyante 1: Ngunit hindi ito pagsalungat kay Macaraig kundiPlacido Penitente: Binabasa na ang talaan! (tumakbo na siya)Narrator: Si Penitente ay pumasok pa rin sa kanyang klase para sa pagnanasang mapansin ng propesor dahil katumbas nito ay parang pagpasa sa pagsusulit ng isang taon. Placido Penitente: (Mabilis at maingay na pinatunog ni Placido ang kanyang mga taking habang pumapasok).Padre Millon: Napakawalang galang.

KABANATA 13: ANG KLASE SA PISIKAPadre Millon: (nagtuturo at napansin niya si estudyante 2 na humihikab) Hoy ikaw! Antukin! Tamad siguro hindi mo alam ang leksiyon ano! Estudyante 2: (Biglang tayo) Tinatawag na salamin ang lahat ng bagay na makinis sa ibabaw na ginawa upang makabuoPadre Millon: Tigil! Tigil! Hesus, para kang pugak. Sige nga, saan mo ibibilang ang isang piraso ng kahoy na pinakinis ng mabuti at binarnisan. Ano?Estudyante 2: (nautal) Ang una ay binubuo ng tanso o pagkahalo ng ibat ibang metal. Ang ikalawa ay Padre Millon: Tsk. Tsk. Hindi iyon! NApakalayo naman ng sagot mo. (inulit muli ang tanong)Estudyante 2: (Binulungan ni Juanito) Ang salaming kamagong ay kabilang sa salaaming kahoy. Klase: (nagtawanan)Padre Millon: Napakabuti mong halimbawa ng kamagong! Alin ang tinatawag mong salamin: Ang ibabaw ba o bagay na kumkumpleto dito, ang bagay na kinakapitan ng ibabaw na nagkakaroon ng pagbabago dahil sa ibabaw nito? Tignan natin kung ano ang isasagot mo.Estudyante 2: Tinatawag na salamin ang lahat na kininis sa ibabaw.Padre Millon: Kung ang pang-ibabaw ay salamin, walang halaga ang nasa ilalim nito dahil anuman ang bumubuo sa ilalim nito ay walang pakinabang. Kaya pang-ibabaw lang ang salamin. Tinatanggap mo ba o hindi?Estudyante 2: (natatakot) Tama po. Padre Millon: Maaari kong kayurin ang puting tingga sa salamin at palitan ko ng bibingka at magkakaroon pa ba tayo ng salamin?Estudyante 2: (tumingin sa likod at nakita na walang makakatulong sa kanya)Juanito Pelaez: (bumulong) Bibingka.Estudyante 2: tumahimik ka hangal!Padre Millon: (nabaling ang tingin kay Juanito) Ikaw! Masasagot mo ba ang tanong? Juanito Pelaez: (bumulong kay Penitente) tulungan mo ko. Nego consecuentim, padre!Padre Millon: Aha! Kung gayoy probo consequentian! Ang pang-ibabaw na kininis ba ang siyang bumubuo sa salamin?Juanito Pelaez: Nego Suppositum! Placido Penitente: (hinila ang damit ni Juanito) Papaano? Juanito Pelaez: Nego!Padre Millon: Pinaniniwalaan mong ang nasa ilalim ang nagbibigay halaga sa ibabaw?Juanito Pelaez: Nego!Padre Millon: Saan tayo niyan mauuwi?Juanito Pelaez: turuan mo ko, dali! (inapakan si Placido)Placido Penitente: Aray!Padre Millon: Hoy ikaw tagabulong! Hindi kita tinatanong pero sumasagot ka. Ngayon, sagutin mo ko. Juanito Penitente: (masayang umupo)Padre Millon: Ang salamin ay binubuo ng tanso at ibat ibang metal totoo ba o hindi?Placido Penitente: Kung iyan po ang nakasaaad sa libro, Padre.Padre Millon: Huwag kang magpanggap na marunong ka pa sa aklat. Ang makinis na magkabila ng salaming bubog ay binubuo ng estanyo totoo ba ito?Placido Penitente: Kung ayan ba ang nakasaad sa libro, Padre.Padre Millon: Metal din ba ang estanyo?Placido Penitente: Kung ayan ba ang nakasaad sa libro, Padre.Padre Millon: Kung gayon, may halo rin itong merkuryo na isa ring metal. Ang salaming bubog ay salaming metal Hindi maliwanag ang pag-uuri rito. Paano mo mapapaliwanag iyan, magaling na tagabulong?Placido Penitente: (hindi makasagot)Padre Millon: Ibig bang sabihin nito na hindi mo pinag-aralan ang iyong leksyon mesirableng kaluluwa? Hindi mo naiintindihan ngunit tinuturuan mo ang iyong katabi.Klase: (tumawa)Padre Millon: Ikaw ano ang pangalan mo?Placido Penitente: Placido po.Padre Millon: Aha! Placido Penitente. Mas mabuting itawag sayo ay Placidong tagabulong. Bibigyan rin kita ng parusa.Narrator: Inutusan ng propesor si Placido na isalaysay ang leksyon. Dahil sa gayong kalagayan nakagawa si Placido na higit pa sa tatlong mali.Padre Millon: Palencia, Palomo, Panganiban, Pedrasa, Pelaez, Penitente, labinlimang ulit na kusang hindi pagpasok sa klase!Placido Penitente: Labinlimang ulit na hindi pumasok, Padre? (nagulat)Padre Millon: Labinlimang ulit na kusang hindi pagpasok sa klase. Isa na lamang ay makakapagliwaliw ka na!Placido Penitente: Apat na ulit lamang po ako lumiban, at kung isasama ang araw na ito ay lima lamang.Padre Millon: Inaamin mo na lumiban ka ng limang araw, at alam ng Diyos kung ilan pa. Sa tuwing nakakakita ako ng isang pagliban ay nilalagyan ko ng limang guhit laban sa kanya. Nakalimot ka na ata sa multiplikasyon. Ilan na ang lima na pinarami ng lima?Placido Penitente: Dalawamput lima padre.Padre Millon: Kung gayon ay makakalamang ka pa ng sampu sapagkat pangatlo lamang kitang nahuling lumiban. Isa pang pagkakamali ang gawin mo, lumabas ka na ng pinto. Ah! Yung ngayon nga pala may pagkakamali ka sa leksyong ito. (nilagyan ng isang guhit ang pangalan ni Placido)Placido Penitente: Ngunit padre, kung lalagyan niyo ako ng guhit sa leksyong hindi ko inaral kailangan po tanggalin niyo ang guhit sa pagliban ko sa pagpasok ngayon.Padre Millon: Aba! At bakit naman?Placido Penitente: Sapagkat hindi ko lubos maisip kung paano ang sinumang wala sa klase ay makakapagsalaysay sa leksyon sa klase.Padre Millon: Naku pilosopo pa! Hindi mo ba naisip na maaaring hindi pumasok sa klase ang mag-aaral at kasabay ang hindi pag-alam ng leksyon. At ang hindi ba pagpasok ay nangangahulugan na ng karunungan. Ano ang sagot mo batang pilosopo?Placido Penitente: Tama na Padre! Tama na! Maaari niyo akong markahan ng lahat ng liban na naisin ninyo ngunit wala kayong karapatan insultuhin ako. Dito kayo sa inyong klase ngunit ako ay hindi na makakatagal dito (lumabas)Klase: (nagulat)Padre Millon: (nagsermon) (tumunog ang batingaw) Klase: (Nagdasal at bulung-bulungang lumabas ng klase)

Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaralNarrator: Habang wala pa si Macaraig, ay nagkakagulo naman ang mga mag-aaral sa katatanong ukol sa kanilang petisyon. Lahat sila ay nagtatanong kung sino kila Padre Irene o Padre Sibyla. Karamihan sa mga batang mag-aaral kabilang sina Isagani at Sandoval ay positibo na magkaroon ng katuparan ang kanilang kahilingan. Ayon kay Pecson, ay hindi na siyang umaasa na paboran sila sa kanilang layunin dahil hindi nila kininsulta si Monseor A, Padre B, at Padre Probinsyal C o kung nagbigay o hindi ang mga ito ng payo na ipakulong ang lhat ng mag mag-aaral na nakasali sa samahan.Juanito Pelaez: Huwag niyo akong isangkot diyan! Sandoval: (nagalit) Ang tinuran mo ay isang mababang pagkukuro-kuro ukol sa Kapitan-Heneral. Alam ko na makaprayle sya subalit sa ganitong kaso, hindi siya padadala sa mga prayle. Sabihin niyo nga Pecson, kung ano ang natayan ninyo sa paniniwalang walang sariling pagkukuro ang Heneral?Pecson: Wala akong ibig sabihin ukol diyan, Sandoval. Naniniwala akong may sarili siyang pagukuro at ang mga ito ay ayon lamang sa naaabot ng kanyang mga kamay at itoy maliwanag!Sandoval: Huwag ninyong guluhin ang mga bagay-bagay! Subalit bigyan ninyo ako ng patunay, magbigay kayo ng isang kaso! Lumayo tayo sa mga walang saysay na pag-uusap sa walang laman na kasabihan. Pumunta tayo sa katotohanan. Katotohanan lamang, katotohanan! Ang ibay mga haka-haka lamang at alin man sa mga ito ay ayokong tawaging subersibo. Hayan na! pagiging subersibo na ang pinag-uusapan subalit hindi ba maaaring mangatwiran ng hindi mapapagbintangan ng masama?Pecson: Noon ay nagkaroon ng isang paghuhukom sa pgitan ng mga karaniwang tao at mga prayle. Nagdesisyon ang Kapitan-Heneral na ibigay sa pinunung korporasyon dawit sa kaso ang proseso ng batas.Sandoval: Subalit ano ang maaaring batayan, sabihin ninyo, ano ang maaaring maging batayan nila upang hindi pahintulutan ang isang bagay na ikabubuti at talagang kailangan ng bayan?Pecson: Dahil sa magiging banta ito sa integridad ng bansang Espanya.Sandoval: Magandang pakinggan! Ano nga ba ang kinalaman ng integridad ng bansang Espanya sa alituntunin ng batas ng bansa? Pecson: Mga manggagamot ng kabanal-banalan simbahan ay ano nga ba ang aking alam? Marahil ay natatakot sila na baka makilala natin sila ang mga batas at sundin ito ano nga naman ang mangyayari sa sandaling tayong mga Pilipino ay magkaunawaan?Sandoval: Hindi biro ng mga bagay na ito! Ito ay seryosong bagay.Pecson: Iligtas ako ng Diyos sa aking pagbibiro kapag mayroong prayleng kasama.Sandoval: Subalit ano ang magsisilbing basihan upang tanggihan nila ang pagkakaroon ng akademya ng wikang kastila?Pecson: Dahil sa gabi ang magiging oras ng klase, makasisira raw iyon sa kagandahan asal ng mga mag-aaral, tulad ng naging paghadlang nila sa layunin ng mga kababaihang nagkaroon ng paaralan sa Malolos.Sandoval: Subalit sa gabi rin idinaraos ang pagtuturo sa akademya ng pagguhit, tulad din ng nobena at prusisyon.Pecson: Laban ito sa integridad ng ating unibersidad.Sandoval: Anong laban? Ang unibersidad ay may tungkuling tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante. Ano ba ang silbi ng mga unibersidad? Ito ba ay isang institusyong kung saan ay walang matututuhan? O marahil ay mayroong ditong mga magkakasama na sumasang-ayon sa ngalan ng karunungan at edukasyon upang hadlangan ang pagkatuto ng iba?Pecson: Palagi ng sinasabi na ang kusang pagkilos na nanggagaling sa ibaba ay dahil sa kawalan ng kasiyahan Estudyante 1: At kung sino ang nanggaling sa itaas ay tagumpay. Mayroong paaralan ng sining at kalakal.Sandoval: Hinay lang, mga ginoo. Hindi ako makaprayle. Kilala ninyo ang aking liberal na pag-iisip, subalit ipagkaloob natin kay Caesar ang kay Caesar. Ang paaralan ng sining at kalakal na pinamumunuan ng mga prayle ay isang institusyon kung saan ako ang tagapagtanggol at sa pagkakatatag nito ay ibibigay ko ang aking pagbati sa unang araw ng umaga sa munting bayan na ito.Pecson: O, aso ng hardinero, alin man ay magkapareho.Sandoval: Hayan na naman kayo! Wala kayong alam kundi negatibo. Habang walang tiyak na patunay ng masasamang hangarin ay huwag tayong mawalan ng pag-asa huwag nating hatulan ang malayang pamamalakad ng pamahalaan.Ang pamahalaan ng Espanya ay binigay sa inyo ang lahat ng walang alinlangan. Mayroong batas sa Espanya at mayroon rin dito. Nagpatayo ang mga prayle ng simbahan sa Espanya, may mga simbahan ring sa ikatlong parte ng Maynila. Mga katoliko kami, at ginawa rin naming kayong katoliko. Sa kabuuan, mga ginoo, kami ay tumatangis kapag kayo ay lumuluha, kami ay nagtitiis kapag kayo ay nagtitiis, tayo ay may katulad na bahay dalanginan, magkatulad ng hukuman, at alahat ay ibibigay sa inyo pati na ang aming karapatan at sariling kaligayahan.Katulad ng aking sinabi, mga ginoo, ang pagsikat ng araw ay hindi malayong abutin ng inyong bansa. Ang Espanya ay bukas sa minamahal niyang Pilipinas at sa mga oras na pagbabago. Ito ang pamahalaan na ayon sa inyo ay mapag atubili at walang maisip. Bakit hindi natin siya bigyan ng lakas ng ating pagtitiwala? Gumawa tayo ng paraan upang ipakita na tayo ay umaasa sa kanya. Ating ipaalala sa kanya sa pamamagitan ng ating samahan na tayo ay may tiwala sa kanyang magandang hangarin at hindi padadala sa mga alituntunin at iba pang huwaran bukod sa hustisya at sa mga taong namamahala.Hindi mga ginoo, hindi dapat natin tanggapin na maaaring mga kaaway ang hiningan natin ng tulong dahil kapag nangyari itoy nangangahulugan lamang ng pagpaparaya sa mga bagay na nagawa nila. Ang samahan ay tahas, matapat at walang pag-aalinlangan, ginagabayan ninyo ito ng payak at tuwid. Ang pagkilala na inyong ipinaliwanag ay hindi maaaring ipagwalang halaga. Ang inyong layunin ay ang mabawasan ang bigat ng pagtuturo sa mga unang taon at upang tulungan na mapadali ang pag-aaral ng daan-daang pag-aaral na nagsisiksikan sa silid aralan at hindi makayanan ng isang guro lamang.Pagsikat ng araw bukas ay makikita natin ang ating pagsisikap na ginagantimpalaan ng papuri at pasasalamat na galing sa inyong bansa.Lahat: (nagpalakpakan)Juanito Pelaez: Tulutan natin itong itala, mga ginoo. Na ako ang isa sa mga pangunahing gumawa ng hakbang.Pecson: (Hindi nakitaan ng kasiglahan) Sana ay hindi natin dalhin ang ating petisyon sa ating mga paa. Magaling, magaling! Talagang magaling! Subalit ang Kapitan-Heneral, paano kung humingi nga siya ng humingi ng kuro-kuro at mga palagay, ngunit pagkatapos ay hindi pa rin sang-ayon na pahintulutan tayo?Sandoval: E, di Pecson: E, di ano?Sandoval: E, di! Sa kabila ng mga papeles at mga artikulo kung saan ay pinangangalandakan nila ang hangarin na matuto kayo ay lumalabas na tila hinaharangan at pinagkakait nila ito sa inyo ngayon. Dahil dito, mga ginoo, nakasisiguro akong hindi napunta saw ala ang inyong pagsisikap sapagkat nakamit ninyo ang hindi pa nakakamit ng sinu pa man: Inalis ninyo ang kanilang maskara at nailantad ang kanilang pagbabalat kayo, kayat kailangang tanggapin ang hamon! Mga Estudyante: Bravo! Bravo, Mahusay Sandoval.Estudyante 2: Tanggapin ang hamon!Pecson: Tanggapin ang hamon? At pagkatapos? Sandoval: pagkatapos, kung isa man sa mga Pilipino ay hindi nangahas na tugunin ang hamon, ako si Sandoval, sa ngalan ng Espanya ang tatanggpan ng hamon. Naniniwala akong ang pagtanggi niyang ito ay hindi tugma sa magandang hangarin na lagi niyang sinasabing nais niya para sa kanyang nasasakupan, at sa kadahilanan ding hindi dapat tangkilikin ng Espanya o ng mga mamamayan nito ang isang taong hindi pinahahalagahan ang tungkuling iniatang sa kanya at inabuso ang nasabing kapangyarihan.(Niyakap ni Isagani si Sandoval at sinundan pa ng iba)Pecson: Magaling talaga. Napakagaling, Sandoval. Iyan din ang aking masasabi kung akoy isang peninsular na katulad mo. Subalit hindi ako katulad mo. Kung ako ang magsasabi ng kalahati ng iyong mga sinambit, ikaw mismo ang magsasabi na ako ay kasiraan. (Bagong dating) Macaraig: Mabuhay! Mga kaibigan, mabuhay! Tagumpay! Mabuhay, mga kaibigan. Mabuhay ang wikang Kastila. (Lahat ay lumuha at nagyakapan. Si Pecson lamang ang hindi)Narrator: Si Macaraig, ang lider ng kilusan, siya ang nagmamay-ari ng bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral, maganda ang kanyan ugali, at sobrang yaman. Kilala siya sa kasipagan sa kanyang pag-aaral at sikat sa kanyang kahusayan sa pakikipagtalo. Dahil sa mga katangian nito, kasama na ang kanyang katapangan at mabuting pakikitungo sa iba, nagkaroon ng maraming kaibigan at napiling mamuno sa samahan ng pagtuturo sa wikang kastila.Macaraig: Nakipagkita ako kanina kay Padre Irene (sa misteryosong himig).Mga mag-aaral: Mabuhay si Padre Irene! Mabuhay!Macaraig: Sinabi sa akin ni Padre Irene ang naganap sa Los Banos. Pinag-usapan nila ang panukala sa halos isang lingo. Pinaglaban at pinagtanggol niya ang ating hangarin laban sa mga padre, Kapitan-Heneral, at si Simoun. Sabad ng isa: Ang mag-aalahas na si Simoun? Subalit ano ang kinalaman niya sa ating bansa? At tayo ay hinihikayat niyang bumiliEstudyante: Tumahimik!Sabad ng isa: Marami ring kawani ng pamahalaan ang labag sa ating balak. Ang director ng pangasiwaan, ang Gobernador Sibil, at ang Intsik na si Quiroga. Estudyante: Quiroga? Tagagawa ngSabad ng isa: Tumahimik ka! Macaraig: Sa bandang huli, binalak na sanang ipagliban ng ilang buwan ang panukala nang biglang maalala ni Padre Irene ang mataas na lupon ng paaralang primarya at dito niya iminungkahing dalhin ang ating panukala kasi may kinalaman ito sa pagtuturo ng wikang kastila.Pecson: Hindi bat matagal nang di kumikilos ang lupong ito? Macaraig: Iyan nga ang kanilang isinagot kay Padre Irene. Ngunit ayon naman sa kanya, mabuti nga at mabubuhay itong muli at sa angking kasipagan ni Don Custodio, iminungkahi agad ni Padre Irene na gawin itong tagapasya. Nasa mga kamay na ni Don Custodio ang ating panukala. Ipinangako niya na magkakaroon ng kasagutan ang ating kahilingan sa buwang ito.Estudyante: Mabuhay si Don Custodio!Pecson: At kung hindi pumanig sa atin si Don Custodio?Macaraig: Iyan din ang aking hinaing kay Padre Irene, subalit sinabi niya na marami na tayong nagging pakinabang. Nailantad na natin ang suliranin at kailangang matugunan ng ating mga kalaban ang hamong ito. Kung mahihikayat natin si Don Custodio, maglalabas siya ng pahayag na pabor sa atin. Ang Kapitan-Heneral naman ay tiyak na walang pinapanigan. Isang mainitin: At paano natin mahihikayat si Don Custodio?Macaraig: Dalawang paraan ang itinuro ni Don Custodio sa akin Sabad ng isa: Ang Intsik na si Quiroga!Macaraig: Tama na ang tungkol kay Quiroga. Hindi siya pag-uukulan ng pansin ni Don Custodio.Sabad ng isa: A, isang regalo. Macaraig: Subalit may pagpapahalaga sa sarili si Don Custodio, hindi siya masusuhulan.Pecson: A, tama. Alam ko na. Si Pepay, ang mananayaw.Iba: A, tama! Si Pepay, ang mananayaw.Narrator: Si Pepay ay isang magandang babae na matalik na kaibigan ni Don Custodio.Macaraig: Umisip pa tayo ng ibang paraan.Estudyante: Ang isa pang paraan ay dumulog sa abogadot tagapayo ni Don Custodio, si Seor Pasta.Isagani: Sang-ayon ako riyan. Si Seor Pasta ay isang Pilipino at naging kamag-aral ng aking tiyuhin. Subalit, paano natin makukuha ang kanyang simpatya?Macaraig: Si Seor Pasta ay may isang mananayaw, ang ibig kong sabihin Isang mananahi. (Umiling si Isagani)Juanito Pelaez: Hindi tayo dapat maging maselan. Ang hakbang ay hindi dapat mangibabaw sa adhikain. Kilala ko si Matea na may sariling pagawaan kung saan maraming babaeng manggagawa.Isagani: Hindi, mga kasama. Gawin muna natin ito sa matapat na paraan. Ako ang pupunta sa tahanan ni Seor Pasta. At kung wala akong makamit, maaari na ninyong gawin ang nais niyo.(Sumang-ayon ang lahat sa mungkahi ni Isagani at napagkasunduan na ito ang kakausap kay Seor Pasta sa araw rin na iyon.)