32
Epekto ng paagbabago ng Panahon sa Produksyon ng Agrikultura

Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Embed Size (px)

DESCRIPTION

efeefeef

Citation preview

Page 1: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Epekto ng paagbabago ng Panahon sa Produksyon ng

Agrikultura

Page 2: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Kabanata IKaligiran ng Pananaliksik

Page 3: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

  Ang pagbabago ng panahon o climate changeay ang

pagbago-bago ng init at lamig ng temperature, at matinding tag-ulan at tagtuyot dahil sa abnormal na pagbabago ng klima sa bansa, ito ay tinatayang umaabot ng isang dekada o higit pa. Ito ay maaaring dulot ng mga natural na proseso o salik sa mundo na maaaring gawa o likha ng tao. Ang mga salik na likha ng tao ay dahilan ng pagbabago ng panahon.

  Ang pagkapal ng GHG (Greenhouse Gas) sa atmospera na

nagiging sanhi ng paghaharangan ng mga infrared waves na tinatayang naiipon at nagiging dahilan ng pagtindi ng init sa mundo. Dahil na din sa paggamit ng mga tao ng pataba, pagsunog ng fossil fuel ibang paggamit sa lupa at iba pa na nagiging sanhi ng pagdami o pagkapal ng GHG (Carbon doixide (CO2), Methane (CH4), Nitrous oxide(N2O).

1.1 Panimula

Page 4: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

kasalukuyan na siyang ikinamatay ng kanilang mga pananim tulad ng mais, saginan, palay at ang pagkawala ng suplay ng tubig sa kabukiran, sa pagbabago ng panahon dumadami ang mga peste, fungi at mga baktirya.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura at kumalap ng mga ompormasyon tungkol sa climate change.

Page 5: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

1.2 Pagpapahayag ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay may mga na

katanungan na sisikaping matugunan :

1. Anu-ano ang mga epekto ng temperature, tagtuyot (El Niño), at tag-ulan (La Niña) sa produksyon ng agrikultura ?

2. Paano maiiwasan ang pagkapal o pagdami ng greenhouse effect ?

3. Paano nakakaapekto sa produksyon ng agrikultura ang mga Methane (CH4) ,Carbon dioxide (CO2) , at Nitrous oxide (N2O) ?

Page 6: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman na kung

ano ang epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura. Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang magkaroon ng impormasyon sa mga mababanggit na tao :

  Magsasaka.Malaman na kung paano maka adap ang kanilang

produksyon sa mga panahon ng pagbabago ng panahon at magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa climate change.

Negosyante.Malaman na kung paano maiwasan ang pagkalugi ng kanilang produksyon sa panahon ng kalamidad aat magkaroon pa ng mga impormasyon tungkol sa climate change o pagbabago ng panahon.

  Mga Bagong Mananaliksik.Magagamit itong pag-aaral na ito

upang mapagtibay at mapalawak pa ang mga impormasyon tungkol sa epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura.

Page 7: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

1.4 Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa epekto ng

pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura. Ang climate change o pagbabago ng panahon ang dahilan kung bakit patuloy ang pagbaba ng mga ani ng mga magsasaka.

Ang mananaliksik ay nagbigay ng dalawangpu (20) katanungan para sa mga magsasaka sa barangay Lungos at barangay Wawa sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Ang pag-aaral na ito ay para lamang sa ikalawang semester.

Page 8: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

2.3 Katuturan ng mga Terminolohiya

Ang terminong ito ay makakatulong upang higit na maunawaan ang mga napapaloob ng mga nababanggit na salita sa pananaliksik na ito at upang lumawak pa ang mga kaalaman at maging pamilyar sa mga salitang ito.

Agrikultura - Ang agrikultura ay ang paraan ng paggawa ng pagkain, feed, fiber at iba pang ninanais na produkto sa pamamagitan ng pagbubungkal ng mga ilang halaman at pagpapalaki ng mga maamong hayop. Kilala din sa tawag na pagbubukid o pagsasaka ang agrikultura. (wikifilipino)

Carbon Dioxide – Ang carbon dioxideay walang kulay at walang amoy kapag mababa ang konsentrasyon nito; ngunit matalas ang baho kung tumataas naman ang konsentrasyon. Nagsisilbi itong asphyxiant at irritant at kung malalanghap ito nang may mataas na konsentrasyon, makapagdudulot ito ng maasim na lasa sa baba. Ito ang epekto ng gas na nalulusaw sa mucous membrane at sa laway kaya’t nagdadala ito ng dighay pagkatapos uminom ng carbonated beverage tulad ng soda (e.g. coke). (wikifilipino)

Climate Change – Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperature ng mundo, dadami ang sakit kagaya ng dengue, malnutrisyon at iba pa. (govph)

Page 9: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Fossil Fuel –n. fuelna binubuo ng mga tira-tirahan ng mga organism pananatilihin sa rocks sa daigdig na may mataas na carbon at hydrogen na nilalaman. (wrdnet-dictionary)

Greenhouse Gas – n. Isanggas na contributes sa greenhouse effect sa pamamagitan ng lubhang kaganyak-ganyak infrared radiation [ syn: (greenhouse paglabas)] (wrdnet-dictionary)

Infrared–Ang infrared ay isang uri ng radyasyong elektromagnetiko ( isang alon o daluyong na may kuryente). Ang daluyong ay mas mahaba kaysa liwanag na nakikita ng mga tao at mas maiksi kaysa sa mga mikro-alon (microwave). Ang salitang infrared ay nangangahulugang nasa ilalim ng pula. Nagmula ito sa salitang latin na infra (may ibig sabihing nasa ilalim) at ng salitang ingles na red o kulay “pula”. (Wikipedia)

Page 10: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Methane – Ang metano o methane ay isang kompuwesto na may pormulang kemikal na CH4. Ito ang pinakasimpleng alkanena pangunahing bahagi ng natural na gaas at malamang ay ang pinakasaganang organikong kompuwesto sa mundo. Ang relatibong kasaganaan ng metano ay gumagawa ritong nakakaakit na panggatong. Gayunpaman. Dahil ito ay isang gaas sa normal na kondisyon, ang methane ay mahirap na ilipat mula sa pinagmulan nito. Ang atmosperang metano ay isang relatibong makapangyarihan na gaas na greenhouse. (Wikipedia)

Nitrous Oxide – Ang nitrous oxide (N2O) ay isa pang mapinsalang pollutant. Ito ay karaniwang nagmumula rin sa pagsunog ng fossil fuels at biomass. Ito ay kulay brown-red at may mabahong amoy. Ang N2O ay isa sa mga sanhi ng pagnipis ng stratospheric ozone. (wikifilipino)

Page 11: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Kabanata IIKaugnay na Literatura at

Pag-aaral

Page 12: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pag-aaral na kaugnay sa paksa ng pananaliksik na ito

  2.1 Lokal na Literatura  Ayon kay Alvarez (2012) na sa mga sarbey ng mga nasusulat ukol sa kalagayan

ng agrikultura sa Gitnang Luzon sa panahong nabanggit, pangunahing lumilitaw na tema ang pulitikal na aspeto, particular ang suliraning agraryo sa naging antas ng produksyong agrikultural sa rehiyon, pangunahing argumento at dalumat teoretikal ng papel ang sumusunod; (1) Ang kalagayan ng klima at heograpiya sa Gitnang Luzon ay nagging Malaki ang ginampangang papel sa krusyal na kondisyong agricultural na rehiyon sa mga unang dekada ng dantaon 20, bukod pa sa malakas na kalagayang pulitiko-ekonomik, at (2) ang mga Pilipino, particular ang mga magsasaka ay nagpamalas ng inisyatibo ng pagtugon at adapsyon sa mga epektong dulot ng init at ulan sa mga sakahan ng Gitnang Luzon.

  Ang mananaliksik ay sumasang-ayon sa sinabi ni Alvarez(2012) na dahil

sa mga suliraning dulot ng init at ulan pati na rin ang klima at heograpiya ang mga produksyong agrikultura ng magsasaka ay bumababa at hindi makaadap dahil na din sa pulitikal na aspeto.

Page 13: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Ayon kay Sering (2015) na ang mga umuunlad at maliliit na bansa, gaya ng Pilipinas at iyong mga kasama sa Climate Vulnerability Forum (CVF), ay gusting magkaroon nang mas ambisyosong kasunduan sa pagbabawas ng GHG emission, iyong mas malaki para maging mas mababa pa sa tinatarget na 2° C ang global temperature. Gusto naming pigilan ito o buhusan ng malamig na tubig ng mga mauunlad na bansa. Nag-aambisyon tayo ng mas malaking pagbabawas dahil nga sa kasalukuyang lagay ng global temperature na 1.5° C ay nakararanas na tayo nang matinding epekto ng climate change. Nakikita natin na ang 2° C na target ay hindi makakatulong para mapahina ang mga bagyo o matinding init.

Ang ay sumasang-ayon sa mga sinabi ni Sering (2015) na ang pagkapal ng GHG sa ating mundo na siyang nagiging dahilan ng matinding pag-init ng araw at pagbabago ng temeretura ay kailangang mabawasan upang ang ating produksyong agrikultura ay tumaas muli at maiwasan ang pagkasira n gating mundo.

Page 14: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Ayon sa Wikia, ang pagbabago ng panahon sa ating basa ay dulot ng climate change. Ang epekto ng pabago bagong panahon o klima ay dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperature ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, malnutrisyon at iba pa. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasoline, ang pagputol ng mga puno na siyang sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organiko na nagbubunga ng methne.

  Sumasang-ayon ang mananaliksik sa sinabi ng wikia na

ang dulot ng pagbabago ng panahon ay ang sanhi ng pagputol ng mga puno sa kagubatan na siyang magaalis ng carbon dioxide sa hangin at dahil din sa pagkapal ng greenhouse gas at pati na rin ang methane.

Page 15: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Independent Variable Dependent Variable

TemperaturaTagtuyotTag-ulan

GHG(Greenhouse Gas)

Epekto ng Pagbabagong

Panahon sa Produksyonng Agrikultura

2.2 Paradigma ng Pananaliksik

Pig. #1. Ang paradym na ito ay nagpapakita na ang independent variable at dependent variable ay kaugnay sa pananaliksik tungkol sa epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura

Epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura

Page 16: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Kabanata IIIPamamaraan sa Pagsasaliksik

Page 17: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

3.1 Paraan ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumagamit ng deskriptiv method, ito ay dinesenyo upang sagutin ang mga katanungan sa pagaaral na ito at kumalap ng mga data at ilang mga impormasyon tungkol sa epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura. Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gumawa ng sarbey upang malaman at makakuha ng mga impormasyon kung anu-ano ang naging epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura sa mga taong nakaranas nito.

  Ang bawat sarbey ay naglalaman ng ilang katanungan na

magsisilbing intervyu at siyang daan upang makakalap ng mga data at impormasyon upang masulusyonan ng mananaliksik ang mga problema at magkaroon ng mga kasagutan tungkol dito. Ang mananaliksik ay nag obserba at gumawa ng mga problema at nagbigay ng mga solusyon.

 

Page 18: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Ang mga sarbey ay ipinamigay sa mga magsasaka o sa mga nakaranasan nito sa kanilang mga produksyon ng agrikultur upang magkaroon ng sapat na data at impormasyon na kailangan sa pag-aaral na ito.

Page 19: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

3.2 Mga Respodents

Ang mananaliksik ay magbibigay ng mga sarbey sa piling lugar sa bayan ng Balagtas, Bulacan. Ang barangay Panginay at barangay Wawa ang napiling lugar ng mananaliksik sa siyam na barangay ng bayan ng Blagtas, Bulacan na magsisilbing respodents sa pag-aaral na ito.

Sa isang barangay lima (5) respodents lamang ang napagpasyahan ng mananaliksik para kumalap ng mga data sa pananaliksik na ito. Ang bilang ng lahat ng respodents ng mananaliksik ay mahigit sa sampu (10) .

Page 20: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

3.3 Mga Kagamitan at Teknik sa Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay naghanda ng sasagutang papel na siyang naging sarbey para sa mga respondent upang makakolekta ng data at impormasyon tungkol sa epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura.

Ang mananliksik ay gumamit ng mga kagamitan sa pagkalap ng data, ito ay ang mga inihandang katanungan na magpupunan sa intervyu at obserbasyon. Ito ay naglalaman ng dalawang parte: Ang unang parte ay naglalaman ng mga demographic profile ng mga respodents tulad ng kanilang edad, kasarian, pinag-aralan, estado at trabaho. Ang pangalawang parte ay naglalaman ng mga tanong tungkol sa kanilang pagsang-ayon o di pagsang-ayon sa epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura. Ang mga katanungan na ginamit ng mananaliksik ay validity na siyang ipinamigay sa mga respondent.

Page 21: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

3.4 Paraan ng Pagkuha ng mga datos

Ang mananaliksik ay gumamit ng apat (4) na punto na siyang patungo sascale upang malaman kung ilan ang sumagot sa pangalawang parte ng tanong sa sarbey sa ilang mga sumusunod :

Interpretasyon Scale

  4 – Lubos na Sumasang-ayon 2.5 3 – Sumasang-ayon

2.0 2 – Di Sumasang-ayon 1.5 1 – Lubos na Di Sumasang-ayon 1.0

Pig. #2. Ang rating scale na ginamit sa paglikom ng mga datos

Page 22: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

 Kabanata IV

Paglalahad, Pagsusuri at PagpapahalagaSa mga Datos

Page 23: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Sa kabanatang ito ipinapakita kung paano mailalahad, masusuri at pagpapahalaga ang mga datos na siyang kinalabasan sa mga data na nakalap mula sa mga sarbey

Page 24: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Lubos na Sumasang-ayon27%

Sumasang-ayon36%

Di Sumasang-ayon18%

Lubos na Di Sumasang-ayon

18%

Epekto ng Pagbabago ng Panahon sa

Produksyon ng Agrikultura

Lubos na Sumasang-ayon Sumasang-ayon Di Sumasang-ayon Lubos na Di Sumasang-ayon

Pig.#3 Epekto ng Pagbabago ng Panahon sa Produksyon ng Agrikultura 

Page 25: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Ang mga epekto ng pagbabago ng panahon sa

produksyon ng agrikultura ay nagpapatunay na nakapagpapababa ng mga produksyong agrikultura ng mga magsasaka ipinapakita ng pig.#3 ang mga lumabas na resulta sa mga nakalap na sarbey na halos 37% ang mga sumang-ayon samantalang 27% naman ang lubos na sumasang-ayon dito may mga ilan pa rin ang mga di sumasang-ayon ditto marahil ay may mga iba pang factor ang sumisira sa kanilang produksyon. 

Page 26: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Kabanata VPaglalagom ng Natuklasan,

KonklusyonAt Rekomendasyon

Page 27: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Sakabanatang ito ipinapakita ang paglalagom ng natuklasan, konklusyon ng pag-aaral at rekomendasyon

Paglalagom ng Natuklasan1. Profile ng mga respondent  a. Edad – Ang pinakamatandang natala bilang

respondent sa pag-aaral na ito ay edad 75 na taong gulang at ang pinakabatng naging respondents ay edad 21 taong gulangb.Kasarian – ang lalaking respondents ay 96% habang ang mga babae ay 4%

c. Stado – 100% kasal

Page 28: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Konklusyon

Ang Climate change o pagbabago ng panahon ay ang pabago-bago ng init at lamig ng temperature at ang matinding tagtuyot at tag-ulan naranasan ng ilang lugar sa bayan ng Balagtas, Bulacan ang mga epekto ng pagbabago ng panahon sa produksyon ng agrikultura ay ang temperatura dahil sa ang mga peste, fungi at baktirya ay namumuhay sa init at lamig ng dulot ng pagbabago ng panahon at epekto rin ng pagbabago ng panahon ang tagtuyot at tag-ulan sapagkat sa sobrang init natutuyo ang mga lupa at nauubusan ng mga suplay ng tubig na walang pang irrigasyon sa kabukiran kaya namamatay ang mga pananim nakakaapekto din ang tag-ulan sapagkat nalulunod naman ito dahil sa sobra-sobrang tubig ang naiipon sa mga taniman ng palay.

Page 29: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Dahil sa pagbabago ng panahon kumakapal din ang tinatawag nating GHG o greenhouse gas sa kalangitan dahil na din sa epekto ng maling paggamit ng Nitrous gas, Methane gas at Carbon dioxide dahil dito karamihan satin ay itinatapon lamang sa kung saan-saang lugar ang mga ginamit na fossil fuel o pagtatapon ng mga may contain na biomass na siyang nagiging dahilan ng pagsingaw ng nitrous gas at methane gas at pagpuputol ng mga puno na siya sanang magiging daluyan ng carbon dioxide.

Para maiwasan ang pagkapal ng greenhouse effect sa ating mundo na ayon na din sa tugon ng mga INDC o Intendent Nationally Determined Contribution na siyang hakbang na ginawa para makaadapt sa climate change ang ating mundo maging maingat tayo sa mga bagay na makakasira sa ating mundo at sa ating produksyon ng pang agrikultura.

Page 30: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

Rekomendasyon

Ayon sa lumabas na konklusyon na natala ng pananaliksik na ito una, maging handa sa anumang mga kalamidad upang magkaroon tayo ng paghahanda at maisasaayos natin ang ating mga pananim pangalawa, iwasan ang paggamit ng anumang kemikal na maaaring makadagdag sa

Pollutantna magiging dahilan ng pagkapal ng greenhouse effectpangatlo, lagging update sa mga balita tungkol sa panahon o weather broadcast para maiwasan ang pagtatanim ng maling araw at pumunta sa mga barangay o municipal seminars sa inyong lugar.

Page 31: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez

 Pasasalamat

Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nagging bahagi ng riserts na ito na nagbigay ng kani-kanilang inspirasyon at mga impormasyon sa mananaliksik.

Mrs. Rowena Viharin, Gurong Filipino 1 sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa pananaliksik na para sa kanyang walang sawang pag gabay at pagbibigay paalala at pagtuturo bilang aming guro.

Mr. at Mrs. Lopez, bilang mga magulang ng mananaliksik para sa kainilang walang sawang pag bibigay ng mga moral na salita at suporta sa mananaliksik.

At sa mga kapwa kamag-aral ng mananaliksik, na para sa kabutihang pagbibigay tulong at paala sa mga dapat gawi at pagbibigay ng mga kaalaman para sa riserts na ito.

Page 32: Epekto Ng Paagbabago Ng Ni Chritina s. Lopez