23
EPEKTO SA PAGPILI NG KURSO NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT NA MAY KAMAG-ANAK NA SEAMAN Isinulit ni MARVIN B. OBLENA MOSES REINIER M. MACALINAO

EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

EPEKTO SA PAGPILI NG KURSO NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT

NA MAY KAMAG-ANAK NA SEAMAN

Isinulit ni

MARVIN B. OBLENAMOSES REINIER M. MACALINAO

KABANATA I

Page 2: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.1 Panimula

Isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao ay ang

edukasyon. Ang edukasyon ay itinuturing na isang instrumento

upang makamit ang pagkakapantay-pantay sa antas ng mga

katatayuan ng pamumuhay ng tao sa lipunan na kanyang

ginagalawan. Ang isang mahirap na mamayan ay maaaring

makaabot sa katatayuan ng mga may mga nakakariwasa sa

buhay sa pamamagitan ng kanyang pinag-aralan. Ang

pagkakakaroon o kawalan ng pinag-aralan ay nagsisilbing

batayan upang maabot o makamit ang mga pangarap sa

buhay. Ito ay magsilbing hadlang sa pagkakamit ng layunin o

hangarin ng isang tao.

Ang isang taong may magandang adhikain o pangarap sa

buhay ay nagsisimulang gumawa ng mga hakbang upang

makamit ang mga ito simula sa kanyang pag-aaral sa

elementarya hanggang sa hayskul. Napakahalaga ng papel ng

magulang upang hubugin ang kaisipan ng kanilang mga anak

sa pagpili ng kanilang mga kukuhaning kurso sa kolehiyo sa

sandaling makatapos na ng pag-aaral sa mataas na paaralan.

Page 3: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

Sa mga panahon ding ito ay mayroong mga bagay o tao na

nakakaimpluwensiya sa isang kabataan sa pagpili ng kanyang

kukuning kurso . Maaaring ang mga taong ito ay ang kanyang

mga magulang, kaibigan, kapatid, mga hinahangaang

personalidad sa pelikula, sa pulitika, o kaya naman ay mga tao

na kinikilala sa kanyang pamayanan. Isang malaking

impluwensiya din sa kaisipan ng mga kabataan ay ang taong

malapit sa kanila, tulad ng mga kamag-anak, na malaki ang

ipinagbago sa kalalagayan ng kanilang mga kabuhayan ng

dahilan sa kanilang mga trabaho o propesyon. Lalo’t higit sa

mga kamag-anak na malaki na ang kinikita o sahod sa kanilang

trabaho ay halos libre pang nakapaglalakbay sa iba’t ibang

panig ng mundo, tulad halimbawa ng mga seaman. Bukod sa

naiuuwing mga pasalubong, at mga imported na mga

makabagong kasangkapan tulad ng ipod, cellphone, stereo,

laptap computers, mga laruan at iba pang magagarang bagay

tulad ng kotse, magarang bahay, at higit sa lahat mariwasang

pamumuhay.

Sa isipan ng isang kabataan, lalo’t higit ay sa mga

kalalakihan na magtatapos ng hayskul, malaking atraksyon sa

kanila ang mga kwento at pakikipagsalaran ng isang

Page 4: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

nangingibang bansa ng mga kamag-anak, na bukod sa libreng

nakakapag biyahe ay kumikita pa ng malaki. Ganoon din ang

kanilang mga kwento ng magagandang karanasan na kasama

ng kanilang gawain sa paglalakbay nila sa iba’t ibang bansa.

Malakas ang hatak ng pagiging seaman sa mga kabataang

lalaki na mahilig sa mga pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ang isang nakikitang dahilan nito ay ang mga magagandang

kwento na naririnig mula sa mga kamag-anak na nabibilang sa

ganitong uri ng propesyon, at mga bagay na konkretong

nakikita nila sa mga katotohanan ng mga materyal na bagay na

kanilang tinatamasa at ng kanilang mga pamilya.

1.2 Layunin

Nais ng pag-aaral na tukuyin at ilahad ang relasyon ng

pagpili ng kurso ng isang hayskul gradweyt kung meron o wala

siyang kamag-anak na seaman.

Ang mga sumusunod na tanong ay nais sagutin ng pag-aaran

na ito:

1. Nakakaepekto ba ang pagkakaroon ng kamag-anak na

seaman sa pagpili ng kurso ng isang hayskul gradweyt?

Page 5: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

2. Anong kurso ang pinapaboran ng mga hayskul gradweyt

na may kamag-anak na seaman?

3. Anung kurso ang di-pinapaboran ng mga hayskul

gradweyt na may kamag-anak na seaman?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagaaral na ito ay magbibigay liwanag at tulong sa

paghihikayat ng iba’t ibang institusyon. Matutulungan nito ang

mga institusyon kung saan at sino ang kanilang hihikayatin

para sa isang kursong kanilang iaalok. Sa pamamagitan nito

makakatipid at mas mapapadali ang mga institusyon sa

paghahanap ng mga magiging estudyante.

1.4 Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa pagsasaliksik

sa tatlumpu’t isang magsisipagatapos at kolehiyo sa mga piling

mataas na paaralan na matatgpuan sa Lucban, Quezon.

Gagawin ito habang ginaganap ang Christmas Break 2010-

2011.

Gumamit lamang ang pag-aaral na ito ng mga naaprubahang

talatanungan upang makakuha ng datos. Sinisisguro nito na

Page 6: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

ang bawat respondente ay pangangalagaan ang katauhan at

pananatilihin ang kanilang pagiging kumpedensyal.

1.5 Depenisyon ng mga Terminolohiya

Nilalaman nito kung ano ang kahulugan ng mga salitang

batay sa kahulugang literal at kahulugan na depende kung

paano ito ginamit sa pag-aaral na ito.

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiya

Hayskul gradweyt – mga estudyante na kasalukuyang

nasa hayskul at malapit nang magtapos na may kamag-

anak na seman.

Kurso – ang pipiliing pag-aralan sa kolehiyo ng hayskul

gradwet.

Seaman/ Marino – mga propesyonal na nagtatrabaho sa

barko.

Chapter II

Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga tala at kaugnay

na paksa mula sa iba’t ibang sinulat na mga thesis at artikulo

Page 7: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

at iba pang mga lathalain na nauna nang ginawa o napalathala.

Dito rin matatagpuan ang iba pang mga kahalintulad na thesis

na may kinalaman sa kaugnay na paksa.

Kaugnay na Literaturaang

A. Ang Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo

Sa pagtatapos ng isang mag-aaral sa high school ay

nahaharap naman sila sa isang problema: ang pagpili ng kurso

na kanilang kukunin sa kolehiyo. Kalimitan ang mga nagtapos

ay naiimpluwensyahan ng alinman sa mga sumusunod:

magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan o ano pa mang mga

balitang nagsasaad ng magandang kurso na maghahatid sa

kanila ng magandang hanap-buhay pagkatapos ng kolehiyo.

Malaki ang nagawang pagbabago sa mga nakaugaliang

paraan ng pamumuhay at pagpaili ng hanapbuhay sa

pagsisimula ng tinatatawag na industrial revoloution. Ang mga

kabataang lalaki ay kalimitang sumusunod sa yapak ng

kanilang mga magulang o ng mga nakatatandang kapatid o

mga kama-anak. Kadalasan ang mga kabataang babae ay

nanatili sa kanilang mga tahanan ayon sa nakaugalian. Subalit

sa pagpapasok ng industrial revolution sa iba’t ibang panig ng

Page 8: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

mundo ay naghatid ng malawakang pagbabago sa

nakaugaliang tradisyon na katulad nito.

Sapagkat masyado pang bata pagkatapos ng kanilang

high school, ang mga lalaki o babaeng kabataan ay umaasa sa

kanilang mga magulang o sa mga nakatatanda sa kanila sa

pagpili ng kurso na kanilang kukunin sa kolehiyo.

Ang mahusay na pagpapasiya sa pagpili ng kurso para sa

mga kabataang Pilipino para sa nakararami, ay dapat na

naaayon sa kanilang mga kakayahan, kinahihiligang Gawain, o

at sa kanilang aptitude. At sang-ayon sa resulta ng kanilang

mga obserbasyon at bunga ng kanilang mga pagtatanong sa

mga kinauukulan, tulda ng magulang, guidance counselor, mga

guro, at iba pa.

Dahilan sa mga nabanggit na kadahilanan ang siyang

nagigiging batayan para sa mga kabataan para sa pagpili ng

magandang kurso na kanilang palagay ay magbibigay ng

magandang hanapbuhay at maayos na hinaharap. Kadalasan,

mas ginugusto ng mga kabataang lalaki ang gayahin o tularan

ang mga yapak ng kanilang ama, nakatatandang kapatid na

lalaki, o iba pang kaanak na nagging maayos ang kabuhayan,

nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo.

Page 9: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

Sang-ayon kay Samante, Seafarers News Archive, Peb. 16,

2007, “ang Pilipinas ang pangunahing bansa na siyang nagsu-

supply ng mga seaman sa buong mundo na umaabot sa

mahigit na 30%. Napakalaki ng pangangailangan sa mga

Pilinong mandaragat. Sang-ayon pa rin sa kanya, ang mga

Pilinong seaman ang siyang mayroong pinakamalaking demand

at hinahabl sa buong mundo dahilan sa kanilang kahusayan.

Subalit sang-ayon kay G. Danilo Cruz, Labor

Undersecretary, hindi kayang matugunan ng Pilipinas ang

pangangailang ng iba’t ibang bansa ng mga seafarer dahilan sa

kadalasan sa mga kabataang Pilipino ay hindi nakakatapos ng

mga kursong pang-inhenyeriya. Kadalasan ay pinipili lang nila

ang kumuha ng mas madaling kurso na makapagbibigay sa

kanila ng pagkakataong makapagtrabaho kaagad sa mga barko

sa loob ng maikling panahon.

Inaasahan na ang kakapusan sa bilang ng mga seafarer

ay aabot sa humigit kumulang na 27,000 sa hanay ng mga

opisyal, samantalang tinataya na aabot naman ng mahigit na

167,000 para sa hanay ng mga hindi opisyal na seafarer.

Hangad ng mga magulang ang pinakamabuti para sa

kanilang mga anak lalo’t higit sa kanilang mga magigiging

Page 10: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

hanapbuhay sa hinaharap. At kadalasan, ay ginugusto naman

ng mga kabataan na tularan ang kanilang mga magulang sa

kanilang propesyon. Ang mga magulang kadalasan ang siyang

nagsisilbing modelo o huwaran para sa kanilang mga anak.

Sang-ayon naman kay John Hewitt, eHow Contributor, ang

mga bagay na nakakaapekto sa pagpili ng kurso nang mga

kabataan ay kadalasan nagsisimula sa pansariling bagay na

nuugnay sa kinalakhang tahanan na mayroong mga kaasalan,

kultura, at iba pang bagay na namamana. Sinabi rin niya na

ang iba naman ay sinusunod na lamang ang mga payo ng mga

maimpluwensyang tao sa kanilang paligid habang sila ay

lumalaki o nag-aaral pa, tulad ng guro, guidance counselor,

barkada, nakatatandang kapatid o kaanak, lalo’t higit ay

maganda na ang kanilang kalalagayan sa buhay.

Alinsunod pa rin kay Hewitt, ang ilang mga bagay pa na

nakakaapekto sa pagpili ng kurso ng mga kabataan ay ang

mga sunusunod:

a. Magulang – dahilan sa pagpapalaki sa kanila;

b. Gawain ng magulang o kanilang hanapbuhay;

k. Pangangailangan ng merkado o ekonomiya;

d. Epekto ng merkado;

Page 11: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

e. Mga tao sa kanyang kapaligiran (kapatid at iba

pang kaanak)

g. Iba pa.

Sang-ayon naman sa isang eHow Contributor, napakalaki

diumano ng impluwensiya ng mga magulang sa mga magiging

desisyon ng kanilang mga anak sa pagpili ng kursong kukuninn

sa kolehiyo. Sa paglaki ng mga kabataan, nandoon parati ang

mga magulang sa kanilang tabi kaya inaasahan na malaki ang

epekto na susundin o gagayahin nila ang anumang

rekomendasyon para sa kanilang pag-aaral at paggawa ng

desisyon.

Ilan lamang sa mga bagay na malaki ang epekto sa pagpili

ng kukuning kurso ng mga kabataang magsisimulang mag-aral

sa kolehiyo ay ang mga sumusunod:

1. Ang hanapbuhay ng magulang;

2. Kung ano ang piniling kurso ng magulang para sa mga

anak;

3. Kung ano ang kinalakhang tradisyon o kultura sa

pamilya;

4. Kung mayroong mahusay na ugnayan o pag-uusap sa

loob o bukas na kumunikasyon sa pamilya; at

Page 12: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

5. Ugnayan sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga

anak.

Ang mga sumusunod naman ang isinasaad sa isang

bahagi ng isang aklat na sinulat ni Charlie Higgins, isang eHow

Contributor, Hulyo 20, 2010: (halaw mula sa Factors That Affect

Career Choices/eHow.com/ http://www.ehow.com/list)

1. Antas ng edukasyon ng magulang at mga kaanak;

2. Pangangailangan pang-pinansiyal o may kinalaman sa

pera ng pamilya; at

3. Hilig o interes ng mga magulang; at

4. Pansariling hilig o kagustuhan.

Ang mga sumusunod naman ang isinulat ni Vivian

Pearson, isang eHow contributor sa kanyang akda na may

pamagat na “Factors Associated with Your Career Choice.”

Sang-ayon sa kanya, malaki ang epekto ng mga bagay na

sumusunod sa pagpili nbg tamang kurso ng mga kabataan:

1. Personalidad ng mag-aaral;

2. Inaasahang suweldo o kikitain sa magiging trabaho;

3. Inaasahang mangyayari sa propesyong ginugusto sa

hinaharap;

Page 13: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

4. Inaasahang magiging magandang buhay sa propesyon

pagkatapos ng pag-aaral; o

5. Kagustuhang makatulong sa kapwa;

6. Malutas ang isang problema; o

7. Ipagpatuloy ang isang tradisyon sa tradisyonal na

propesyon ng angkan o ng magulang at ng pamilya.

Lumalabas na sang-ayon sa mga naturang aklat o

lathalain na ang isa sa pinakamalaki ang impluwensya sa

pagpili ng kurso sa kolehiyo ay ang mga magulang o mga

kaanak. Ito ay isang bagay na hindi mapapasubalian lalo’t higit

ay sa kulturang Pilipino. Isang kinalakhang tradisyon o kultura

na kinalakhan ng mga mamamayan sa ating bansa. Sa ngayon,

hindi na rin maipagkakaila na nagkakaroon na ng panibagong

pananaw ukol sa bagay na ito. Mulat na ang isipan ng ating

mga magulang at ng mga kabataan na rin ukol sa kung ano ba

talaga ang tamang pamamaraan sa pagtukoy o pagpili ng isang

kurso na inaasahan nating mabgbibigay sa atin ng magandang

pamumuhay sa pagdating ng panahon.

Page 14: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

Kabanata III

Metodolohiya

Layunin ng kabanatang ito na ihayag ang mga ginamit na

pamamaraan at sistema upang maresulba ang suliranin ng

pag-aaral na ito.

Disenyo ng Panaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay deskriptiv. Ginawa ito

upang ilahad ang relasyon ng pagkakaroon ng kamag-anak na

seaman ng isang hayskul sa pipiliin nitong kurso.

Respondente

Page 15: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

Ang mga resopndente ay kinuha mula sa mga paaralan sa

Lucban, Quezon. Gumamit lamang ng 31 piling estudyante sa

hayskul ang pag-aaral na ito. Sila ay pipiliin base sa

pagkakaroon ng kamag-anak na seaman.

Instrumento ng Pananliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng survey upang

masagot ang mga naunang mga tanong. Ang survey na ginamit

ay nasa porma ng isang questionaire na sinagutan ng mga

piling respondente.

Ang talatanungan pinuno ng mga tanong na inaprubahan

ng guro ng pananliksik. Makikita ang naaprubahang

talatanungan sa Annex I ng pag-aaral na ito.

Tritment ng Datos

Gumamit ng sistematikong pagkuha ng percentage ng

mga sumagot ang pag-aaral na ito. Base sa mga makukuhang

impormasyon sa tritment, ay kumuha ang mananaliksik ng mga

interpretasyon at kunglusyon.

Page 16: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

18 January 2011

Sa mga mahal naming respondente,

Magandang araw sa inyo

Ang mga mananaliksik po ay hinahanap ang EPEKTO SA PAGPILI NG KURSO NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT NA MAY KAMAG-ANAK NA SEAMAN. Hinihingi po namin ang inyong tulong upang mahanap namin ang sagot sa suliraning ito. Ang inyong mga sagot ay aming pangngalagaan at lubos na makatutulong sa amin.Maraming salamat.

Lubos na nagpapsalamat,D/Cdt. Moses Reinier M. MacalinaoD/Cdt. Marvin Oblena

Pangalan(optional):______________________

Edad:_____

Kasarian:__________

Paaralan:_____________

Relasyon sa kamag-anak na seaman:__________________________________________________________________________PanutoMarapat lamang po ninyong sagutan ang sumusond na mga tanong base sa inyong nararamdaman. Piliin ang nais na kasagutan sa pamamagitan ng pag-check sa iyong kasagutan, o isulat ang iyong sagot.

Page 17: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

1. Sa iyong palagay, anong klaseng kurso ang nais mong kunin?

Land-based Sea-based

2. Saan mo gustong mag-trabaho?

Sa loob ng Pilipinas Sa labas ng Pilipnas (overseas) Sa karagatan Sa iba:_________

3. Naenganyo o naakit ka ba sa propesyong ng pag-seseaman?

Oo Hindi

4. Dumating ka na ba sa punto na naisip mo rin na mag-seaman?

Oo (pumunta sa ika-5 na tanong) Hindi (pumunta sa ika-6 tanong)

5. Kung nais mong mag-seaman, anong kurso gust mong kunin?

BSMT(Marine Transportation) BSMarE(Marine Engineering)

6. Isulat sa baba ang nais mong kurso __________________________

7. Nakatulong ba ang sa pag-pili mo ng kurso ang pag-kakaroon ng kamag-anak na seamn?

Oo (Pumunta sa ika-8 tanong) Maari (pumunta sa ika-9 na tanong) Hindi (Pumunta sa ika-10 tanong)

8. Sa anung aspeto ka naakit? Sa kaisipan ng malaking sweldo Sa pagkakaroon na makaikot sa mundo ng libre Sa kwento ng mga seaman tungkol sa mga kaganapan sa iba-

ibang bansa Sa marangal na propesyon ng pag-mamarino Iba pa:________________

9. Sa anong paraan ka maaring naakit?

Page 18: EPEKTO SA PAGPILI NG ISANG HAYSKUL GRADWEYT2

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

10. Bakit hindi ka naakit sa pagmamarino?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________