7
E P P 4 Modified InSchool OffSchool Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELFINSTRUCTIONAL MATERIALS PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPARAMI NG HALAMANG ORNAMENTAL Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

EPP 4 MISOSA - Pangunahing Paraan Ng Pagpaparami Ng Halamang Ornamental

Embed Size (px)

DESCRIPTION

epp

Citation preview

E P P  4 

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 

PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPARAMI NG HALAMANG ORNAMENTAL 

Department of Education 

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 

DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education 

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

  This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.  

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

1

PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPARAMI NG HALAMANG ORNAMENTAL

Kung ikaw ay napapasyal o napapunta sa isang narseri, naiisip mo ba kung paano napaparami ang mga halamang ornamental. Sa inyong bakuran, nakita mo ba ang ginagawang pagpaparami ng mga halaman ng iyong tatay at kuya? Sa modyul na ito ay malalaman mo na isa sa mga gawain sa pagnanarseri ay ang pagpaparami ng halamang ornamental. Kung ikaw ay may balak magparami ng halaman, kailangan mo ang sapat na kaalaman sa pangunahing pamamaraan. Ito ay upang maging matagumpay ka sa gawaing ito. Isang hanapbuhay rin ang pagpaparami ng halamang ornamental. Isang magandang hanapbuhay rin ang pagpaparami ng halaman.

ALAMIN MO

2

Tingnan mo ang mga larawan. Pag-aralan kung paano napaparami ang

mga halamang ornamental.

PAG-ARALAN MO

1.

2.

3.

3

Sa palagay mo alin ang madaling pagpaparami ng mga halamang

ornamental? Alin naman sa mga ito ang mahirap na pagpaparami? (Basahin ang isang pakikipanayam)

Sa inyong barangay ang iyong kamag-aral na si Julio ay inanyayahan na makapanayam ang isang magaling na magsasaka ukol sa pagpaparami ng mga halamang ornamental. Narito ang mga payak na tanong ni Julio kay Mang Ruben.

Julio : Anu-ano po ang paraan ng pagpaparami ng

halamang ornamental? Mang Ruben : Marami ang mga paraan ng pagpaparami ng mga

halaman tulad ng mga sumusunod:

1. pagpupunla sa pamamagitan ng buto 2. pagpuputol o pagtatanim ng mga sanga 3. pagpapaugat (pagmamarcot) 4. pagdurugtong (grafting) 5. pagpapabuko (budding)

4.

5.

4

Julio : Marami pala ang mga paraan ng pagpaparami ng mga halamang ornamental.

Mang Ruben : Oo, mayroon tayong limang mga pangunahing paraan ng pagpaparami ng halaman.

Julio : Ang sibuyas at bawang paano po pinadadami? Mang Ruben : Ang sibuyas at bawang ay napararami sa

pamamagitan ng tubers. Maaari din sa buto. Julio : Maraming salamat po at nalaman ko ang mga

pangunahing paraan ng pagpaparami ng halaman. Maaari po bang magbigay kayo ng mga halimbawa ng mga halaman na angkop sa iba’t ibang uri ng pagpaparami.

Mang Ruben : Narito ang mga halimbawa. sa buto – ilang-ilang zinnia, tsitsirika sa sanga – Euphorbia, San Francisco, Rosal, Sampaguita pagdurugtong – gumamela, santan, white angel sa tubers o ulo – azucena, suhi, dwarf banana, bromeliad, iris lily, calla lily

Lagyan ng halimbawa ang mga puwang ng mga paraan ng pagpaparami ng halaman.

Hal: zinnia –

1. Rosal _________

Buto

2. sampaguita _________ 3. calla lily _________ 4. tsitsirika _________ 5. San Francisco _________

SUBUKIN MO

5

Ang pangunahing pagpaparami ng halaman ay ang pagpapaugat at pappupunla.

Mahalaga na matutuhan ang iba’t-ibang paraan ng pagpaparami ng halaman dahil makatutulong din ito sa inyong kabuhayan.

Subukin magpatubo ng buto ng halaman na mayroon sa inyo. Itala kung ilang araw bago tumubo.

Magtala ng limang halamang ornamental na nakikita mo sa inyong paligid

na maaaring patubuin sa buto at lima din sa pag-papaugat. Kapag nakapagtala ka at natapos mo maaari mo nang gawin ang susunod

na modyul.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

GAWIN MO

PAGTATAYA