13
MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PAGGAWA NG SULATING PANANALIKSIK

filipino 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

hakbang at kasanayan sa pagsulat ng sulating pananliksik

Citation preview

MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PAGGAWA NG SULATING PANANALIKSIK

MGA HAKBANG AT KASANAYAN SA PAGGAWA NG SULATING PANANALIKSIKSampung hakbang para makagawa ng panahunang papel:1. Pagpili at paglimita ng paksa2. Pagbuo ng konseptong papel3. Paghahanda ng bibliograpi4. Pagbuo ng tentatibong balangkas5. Pangangalap ng mga datos6. Pagpapahalaga, paggamit at pagsasaayos ng mga datos.7. Pagbuo ng faynal na balangkas8. Paggamit ng ibat-ibang sistema ng dokumentasyon9. Pagsulat ng burador at pagrebisa nito10. Pagsulat ng faynal na kopya ng papelLEKSYON 1: PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA-isa ito sa pinakamahirap na hakbang sa paggawa ng sulating papel.-ang hakbang ito ay isa sasa mga batayan sa paggawa ng panahunang papel.MGA PANUNTUNAN SA PAGPILI NG PAKSA:Kailangan interesado rito ang estudyante: -Maging madali para sa isang pananaliksik kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan o interes. 2. Hindi dapat masaklaw ang paksa upang kayang gampanan sa loob ng limitadong nakatakda para sa naturang pananaliksik - kailangan na tiyak at limitado ang paksa upang mas madali at madaling matapos ang sulating pananaliksik sa takdang panahon3. Siguraduhing may magpakukunang na ng sapat na materyales - Kailangan may sapat na mapakukunan ng mga impormasyon ukol sa napiling paksa katulad ng laybrari, internet, pelikula, telebisyon, radyo at iba pa.

4. Ang lubhang teknikal na paksa at dapat iwasan sapagkat maaring may kahirapang gaganapin ang mga termino at hindo angkop para sa panimulang pananaliksik -kailangan angkop sa kanyang antas ng kaalaman ang paksang na pinag-aaralan.5. Kailangang napapanahon ang paksa.-Kailangan ang paksa ay naayon sa isang bagay na makikita sa kapaligiran upang makita kung ano ang bago at hindi pa nalalaman ng babasa ang napakaloob sa pape na isinusulat.

6. Makakapagbigay aral ang paksa-ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. 7. Magagampanan ng paksa ang iyong pangangailangan sa kurso.-kailangan na matutupad ng paksa ang nararapat sa isang mananaliksik at hindi lamang sa koleksyon ng impormasyon tungkol sa Paksa.

Dapat alalahanin na ang paksa ay kailangan limitado o tiyak upang matapos sa nakatakdang panahon. halimbawa:Pangkalahatang paksa: Pag-aara sa wika ng mga sabungeroNilimitang paksa:Pag-aaral sa wika ng mga sabungero sa malakihang sabong o derbi.Lalo pang nilimitang paksa: Pag-aara sa wika ng mga sabungero sa malakihang sabong sa iligan City.

Pangkalahatang paksa:Epekto ng pagtaas ng tuition fee ng mamayang pilipino.Nilimitang paksa:Epekto ng pagtaas ng tuition fee sa mga estudyanteLalo pang nilimitang paksa:Epekto ng pagtaas ng tuition fee sa mga estudyante ng mga pribadong paaralan.