Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    1/23

    Module 53

    6666

    FilipinoPagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi

    ng Mga Tauhan

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    2/23

    Mahalaga ang iyong pagkatuto sa mga aralin upang maginghanda ka sa mataas na paaralan. Heto na naman ang isang aralin.

    Galingan mo nang matuto kang mabuti.

    Anuman ang ginawa o ikinilos ng mga tauhan sa kwentotiyak mayroon kang maibibigay na katwiran nito. Upang lalo mo

    pang magawa ito, pag-aralan mo ngayon ang pagbibigay ng

    katwiran sa mga kilos o gawi ng mga tauhan sa akda.

    Basahin ang kwento at pagkatapos sagutin ang mga tanong.

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    3/23

    Hala, Kunin Mo... Ngunit Huwag Mong Sasaktan ang Sino Man(anekdota )

    Sa mga artista at direktor ng pelikulang Tagalog

    maituturing na Higante si Lamberto V. Avellana. Kilala siyang

    manunulat, artista, at direktor sa pelikula. Ang kanyang

    pelikulang Anak- Dalita at Badjao ay hinangaan ng buong

    daigdig nang ang mga ito ay itanghal sa ibang bansa at magkamit

    ng maraming gantimpala, kabilang na ang gawad na

    pinakamahusay na pelikula sa Asya. Ngunit isang bahagi ng

    kamusmusan ni Lamberto ang hindi niya makakalimutan.

    Noong musmOs pa si Lamberto ay pinangarap na niyang

    makapag-aral. Sinang-ayunan naman ito nang kanyang mga

    magulang. Mangyarit nakita nila kay Lamberto ang kakaibangtalino, sipag at tiyaga nito sa pag-aaral.

    Ibig ko pong makatapos ng pag-aaral nang may karangalan,

    ang sabi ni Lamberto sa kanyang ama.

    Hala, kunin mo... Ngunit huwag mong sasaktan ang sino

    man, ang laging paalala ng kanyang ama.

    Nagpatuloy ng pag-aaral si Lamberto. Sa likas niyang talino

    ay hindi niya naging suliranin ang mga asignaturang pinag-aralan

    niya. Naging problema niya ang panunukso sa kanya ng kanyang

    mga kamag-aral.

    Igorot! Igorot! Ang tawag kay Lamberto ng kanyang mga

    kamag-aral.

    Masakit sa loob ni Lamberto ang panunuksong iyon ngunit

    siyay hindi kailan man nagtanim ng sama ng loob sa mga

    nanunukso sa kanya.

    Hindi ko ikinahihiya, sa halip ay ikinararangal ko pang akoy

    isinilang sa Bontok, Mountain Province, ang madalas na sabihin

    ni Lamberto.Naging masipag sa pag-aaral si Lamberto. Bukod sa matalino

    sa klase ay kinilala pa rin siyang namumukod na mag-aaral ng

    kanilang paaralan. Siyay naging patnugot ng kanilang

    pahayagang pampaaralan at laging lumalabas sa palatuntunang

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    4/23

    paaralan. Nagtapos siya sa Pamantasan ng Ateneo de Manila ng

    may karangalang Magna Cum Laude.

    Naging artista at direktor sa tanghalan at pelikula si

    Lamberto hanggang sa kilalanin siyang Pambansang Alagad ng

    Sining. May malaking pangalan na si Lamberto V. Avellana sadaigdig na kanyang ginagalawan, ngunit nanatili pa rin sa

    kanyang isipan ang paalala ng kanyang ama.

    Hala,kunin mo. Ngunit huwag mong sasaktan ang sino man.

    Magagawa pa kayang saktan ni Lamberto ang mga batang

    tumutukso sa kanya noong araw na ngayon ay patuloy na

    nagsisikap para sa magandang hinaharap? Tiyak na hindi.

    Sanggunian: Bagong Filipino sa Puso at Diwa 6

    Bigyang katwiran ang mga kilos o gawi ng mga tauhan.

    Sagutin lamang ang mga tanong.

    1.Bakit pinangaralan si Lamberto ng kanyang ama?

    2.Bakit hinamak at tinukso si Lamberto ng kanyang mga

    kaklase?

    3.Bakit hindi ikinahiya ni Lamberto ang kanyang pagiging

    taga-Bontok, Mountain Province?

    4.Bakit nagsikap si Lamberto sa kanyang pag-aaral?5.Bakit naging matagumpay si Lamberto sa larangang kanyang

    pinili?

    Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo?

    Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka! Alam mo na ang

    araling ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.

    Kung 3 o pababa naman ang nakuha mo, huwag mag-alala

    para sa Iyo ang modyul na ito. Magpatuloy ka.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    5/23

    May mga magulang ka pa ba? Ano ang gagawin mo kungnakikita mong inaapi ang iyong mga magulang?

    Basahin mo ang kwento upang malaman mo ang ginawa ng

    isang anak para sa kanyang magulang. Ngunit bago mo basahin

    ang kwento, alamin mo muna ang kahulugan ng ilang salita.

    TALASALITAAN

    nagtatayugan - nagtataasan

    nangaglalambitin - kumakapit nang mahigpit sa mataas nabagay habang nakabitin ang katawan gaya ng ginagawa ng

    unggoy.

    itinudla - ipinatama ang patalim sa inaasinta.

    sinasalag - sinasangga

    nakiskis - nadikit ang isang bagay sa isa pang bagay

    ihinihiyaw isinisigaw

    Pag-aralan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    6/23

    Walang anak ang hindi gagawa ng paraan kapag nakita

    niyang inaapi ang kanyang mga magulang.

    Kilala niya sa pangalan ang lalaking iyon. Matagal na niyang

    naririnig ang pangalan nito. Noon pay pinangarap na niyang

    makilala at makausap ang lalaking iyon. Lubos ang kanyang

    paghanga sa angkin nitong lakas at tapang. At sa sandaling

    magkita sila ng kanyang idolo, inihanda na niya ang kanyang

    sasabihin...

    Ako si Yawyawen. Sampung taon. Mula sa tribu ng Balong.

    Kilala kita. Hinahangaan. Ngunit saan ka ba kumukuha ng lakas?

    May ibig siyang tuklasin. Ibig niyang malaman ang lahat-lahat

    dahil ibig niyang matulad sa lalaking iyon malakas, magiting atmatapang.

    Ipinagtatanong niya kung saan matatagpuan ang lalaking

    iyon. Ibig niyang makita kung papano ito makipaglaban. Nais

    niyang pag-aralan ang bawat galaw at pagkikilos nito; ang

    kanyang paglakad at pagtakbo, ang kanyang pag-akyat at

    pagbaba sa bundok, pati na ang paggamit ng mga sandata.

    Nasa kabundukan ang kanyang daigdig. Nasa pagitan ng

    nagtatayugang mga punongkahoy. Nasa nangaglalambiting mgabaging. Nasa alon ng bughaw na dagat. Nasa matatamis na katas

    ng mga sariwang bungangkahoy, nasa himig-musikang huni ng

    mga ibon. At ang malamig na simoy ng hangin at ang malamig na

    tubig-ilog ay nakapagbibigay sa kanya ng kaginhawaan at

    kapayapaan. At bago lumubog ang araw, paulit-ulit niyang

    ihinihiyaw ang pangalan ng lalaking iyon.

    Lam-ang...Lam-ang...Lam-ang...!

    Sa pangunguna ng lalaking iyon, nagkaroon ng di-

    inaasahang pangyayari sa kanilang tribu. At sa pangyayaring iyon,

    ang pananabik niya ay napalitan ng pagkabahala habang

    nakikiusap siya sa lalaking iyon na huwag nang ituloy pa ang

    gagawin sa kanyang katribu.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    7/23

    Nasaksihan niya ang katapangan ng lalaking iyon. Daan-

    daang sibat ang itinudla ng kanyang mga katribu sa katawan nito.

    Ngunit laki ng kanyang pagkamangha! Sinasalag lahat ng lalaki

    ang mga sibat na itinutudla sa kanya. Napapikit siya sa susunod

    na pangyayari. Ayaw niyang makita pa ang magaganap.

    Pagdilat ng kanyang mata ay tahimik na ang buong paligid.

    Nakahiga sa lupa ang ilan sa kanyang mga katribu. Wala nang

    buhay. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi. Nagdikit ang kanyang

    mga ngipin.

    Masama pala siyang tao. Sayang... Sayang...

    Umiiyak siya kay Apo Lakay, ang pinakamatanda sa kanilang

    tribu.

    Walang kasalanan ang magiting na lalaki. Ipinaghiganti

    lamang ni Lam-ang ang kamatayan ng kanyang ama sa kamay ng

    ating mga katribu. Walang anak ang hindi magiging mapusok

    kapag nakita niyang inapi ang kanyang ama. Lalot wala itong

    kasalanan, ang sabi ni Apo Lakay.

    Bigla niyang naisip ang kanyang mahal na ama na hinuli at

    ikinulong ni Mar-A-Wan. Tutol kasi si Mar-A-Wan sa pasya ng

    kanyang ama na tamnan ng mga palay ang gilid ng bundok.Hagdan-hagdang palayan sa gilid ng bundok! Ito ang pangarap ng

    kanyang ama. Ngunit siyay bata pa. Hindi pa malakas. Hindi pa

    ganap na matapang. Paano niya maililigtas ang kanyang ama?

    Hahanapin ko po si Lam-ang. Hihingi po ako ng tulong sa

    kanya. Mahal ko po si ama, Apo Lakay, ang sabi niya.

    Ginawa ko na yon. Kinausap ko na si Lam-ang upang iligtas

    ang iyong ama, Ngunit hindi siya kumibo. Alam ko ang dahilan,ang iyong ama ay katutubo. Habang nasa dugo natin ang

    katutubo, tayoy maging kaaway ni Lam-ang, ang sagot ni Apo

    Lakay.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    8/23

    Ngunit siya lamang ang makakapagligtas kay Ama, ang sabi

    niya.

    Nawawalan ka na ba ng tiwala sa ating mga anito? Ililigtas

    nila ang iyong ama. Sa tulong mo at hindi ng sinumang kaaway,

    ang sabi ni Apo Lakay.

    Hinubad ni Apo Lakay ang suot niyang kwintas na yari sa

    maliliit na kabibe. Isinabit niya ito sa leeg ni Yawyawen. Isinuot

    din sa daliri nito ang isang singsing na ginto.

    Kung magkakaroon ka ng pagtitiwala sa iyong sarili,

    magkakaroon ka ng lahat ng gusto mong makuha. Magkakaroon

    ka ng lakas at tapang at maililigtas mo ang iyong ama, ang

    paliwanag ni Apo Lakay.

    Paano ko po magagamit ang mga ito? ang tanong niya.

    Tuklasin mo, Yawyawen... Tuklasin mo...

    Walang pagod na naglambitin si Yawyawen sa mga baging.

    Ibang-iba ang kanyang nadarama. Parang may kakaibang lakas na

    bumabalot sa kanyang katawan. Sa tuwing madidikit ang kabibe

    sa kanyang dibdib ay lalo siyang lumalakas.

    Sa kanyang pagmamadali, nakiskis niya ang singsing sa

    kanyang palad. Anong laking himala! Parang bulang nawala ang

    kanyang katawan. Naramdaman niyang kumikilos siya pero hindi

    niya makita ang kanyang sarili.

    Ikiniskis niya ang singsing sa kanyang palad. A, nagbalik siya

    sa kanyang dating anyo. Ngayoy nakikita na niya ang kanyang

    sarili.

    Mataas na ang araw nang marating niya ang bakuran ni Mar-A-Wan. Kayraming mababangis na hayop na nakabantay. Muli

    niyang ikiniskis ang singsing sa kanyang palad. At wala nang

    nakakita pa sa kanya. Isa-isa niyang sinibat ang mga hayop.

    Sampung mababangis na hayop ang kanyang napatay.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    9/23

    Pumasok siya sa kubol. Naawa siya sa ayos ng kanyang ama.

    Nakagapos at wariy di matagalan ang gutom at pagod. Si Mar-A-

    Wan naman ay naghahasa ng gulok. Iyon kaya ang gagamitin ni

    Mar-A-Wan sa pagpatay sa kanyang ama? Iyon ang kanyang

    naisip.Huwag po kayong maingay, Ama. Kakalagan ko po kayo,

    Nabigla ang kanyang ama. Kilala nito ang kanyang tinig.

    Anot hindi siya nakikita?

    Yawyawen...? biglang nasabi ng kanyang ama.

    Napalingon si Mar-A-Wan. Nanlisik ang malalaking mata nito

    nang makita niyang unti-unting nakakalag ang taling nakagapossa kanyang bihag.

    Paanong...

    Bago natapos ni Mar-A-Wan ang sasabihin ay muling

    ikinuskos ni Yawyawen ang singsing sa kanyang palad.

    Humarap siya sa makapangyarihang lalaki.

    Iniligtas ko po ang aking ama. Mahal na mahal ko po siya.

    Isasama ko na po siya sa amin, ang sabi ni Yawyawen.

    Lalong nagalit si Mar-A-Wan. Tatagain sana si Yawyawen

    ngunit higit na mabilis ang munting bayani. Isang sibat ang

    tumusok sa dibdib ni Mar-A-Wan.

    Ligtas na po kayo, Ama. Tayo na...

    Itinayo niya ang ama. Yakap niya ito habang ang isang

    kamay ay nakapatong sa kanyang balikat.

    Sa may daanan, isang lalaki ang sumalubong sa kanila.

    Tumulong ang lalaki kay Yawyawen na mailabas nang maluwalhati

    ang kanyang ama. Natatakpan ng sikat ng araw ang mukha ng

    lalaki. Ang tanging nababanaagan niya ay ang matipunong

    katawan nito. Sanggunian: Hiyas sa Pagbasa 6

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    10/23

    1.Sino si Lam-ang?

    2.Bakit tinawag na batang Lam-ang si Yawyawen?

    3.Ano ang ibig gawin ni Yawyawen?

    4.Bakit ibig makita ni Yawyawen si Lam-ang?

    5.Bakit ginawa ni Lam-ang ang pagpuksa sa katribu niYawyawen?

    6.Bakit tinulungan ni Apo Lakay si Yawyawen?

    7.Bakit nagalit si Mar-A-Wan sa ama ni Yawyawen?

    8.Paano nailigtas ni Yawyawen ang kanyang ama?

    9.Bakit sinikap ni Yawyawen na mailigtas ang kanyang ama?

    Balikan muli ang mga tanong sa itaas. Sa tanong sa bilang 2,

    4, 5, 6, 7 at 9, ganito ba ang sagot mo?

    2. Tinawag na batang Lam-ang si Yawyawen dahil taglay niya ang

    mga katangian at kakayahan na katulad kay Lam-ang.

    4. Ibig makita ni Yawyawen si Lam-ang dahil gusto niyang

    malaman kung paano ito naging napakalakas at

    napakatapang.

    5. Ginawa ni Lam-ang ang pagpuksa sa katribu ni Yawyawen

    dahil pinatay ng mga katribu ni Yawyawen ang kanyang

    ama.

    6. Tinulungan ni Apo Lakay si Yawyawen dahil sila ay magkatribu.

    7. Nagalit si Mar-A-Wan sa ama ni Yawyawen dahil nagpasya itong

    taniman ng palay ang gilid ng bundok.

    9. Sinikap ni Yawyawen na mailigtas ang kanyang ama dahilmahal na mahal niya ito.

    Kung ganito ang sagot mo magaling ka! Kung hindi namanpag-aralan mo muling mga sagot.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    11/23

    Ano ang hinihiling ng mga tanong 2, 4, 5, 6, 7 at 9?

    - Hinihiling ng mga ito ang katwiran sa ikinilos o sa gawing mga tauhan sa akda.

    - Ang kilos o gawi ng mga tauhan sa akda ay may dahilan.Malalaman mo ito kung mapanuri ka sa pagbabasa at sa

    paggamit ng iyong sariling karanasan.

    Gawain 1

    Basahin ang kwento at ibigay ang katwiran sa mga kilos o

    gawi ng mga tauhan. Sagutin lamang ang mga tanong.

    Sa Bukid Din Babalik

    Ulila na sa ina si Cesar at ang tanging kasama na lamang

    niya sa bahay ay ang kanyang ama. Pagsasaka at pag-aalaga ng

    mga hayop ang ikinabubuhay ng mag-ama sa nayon ng Sta. Ines.

    Isang araw, ipinasya ni Cesar na lumuwas ng Maynila.Nais niyang dalawin ang pinsang si Victor na matagal nang

    namamalagi sa lungsod. Inakala niyang ito ay may magandang

    hanapbuhay.

    Itay, aalis na po ako. Kayo na po sana ang bahala sa bukid

    at mga alaga kong hayop. Kung sakaling makahanap ako ng

    trabaho sa Maynila ay padadalhan ko na lamang kayo ng pera,

    ang sabi ni Cesar sa ama.

    Anak, mag-iingat ka sana. Alam mo namang magulo sa

    lungsod. Naglipana roon ang masasamang-loob at masasamang

    bisyo. Hindi naman tayo kinukulang dito at tahimik pa ang

    buhay,

    Gawin Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    12/23

    Huwag kayong mag-alala, Itay. Pangangalagaan ko ang

    aking sarili,

    Nang mga unang araw ng paninirahan ni Cesar sa barung-

    barong ng kanyang pinsan sa Tondo, hindi niya napapansin ang

    maruruming estero at pangit na kapaligiran. Halos araw-araw

    namamasyal siya at nanonood ng sine. Paglabas ng sine ay

    naghahanap na naman siya ng trabaho.

    Naubos ang baong pera ni Cesar. Noon lamang niya

    napuna ang karumihan at kapangitan ng paligid ng barung-

    barong. Kinausap niya ang pinsan.

    Victor, hindi na ako makatatagal sa paninirahan dito sa

    lungsod. Tama ang sabi ni Itay. Nasa bukid ang ating kabuhayan.Doon ay hindi tayo magugutom, ang wika ni Cesar.

    Kung ako lamang ay may mauuwiang bukid ay malaon ko

    nang ginawa iyon. Walang katiyakan ang buhay dito sa lungsod,

    sagot ni Victor.

    Akoy uuwi na bukas. Anumang oras na naisin mong

    umuwi sa atin ay bukas ang aming tahanan para sa iyo, anyaya ni

    Cesar.

    Pagkalipas ng mga araw ay masaya na naman si Cesar sa

    piling ng ama. Araw-araw ay mayroon silang sariwang gatas at

    itlog.

    Hindi nagtagal ay umuwi na rin si Victor. Hindi na ito

    muling bumalik sa Maynila. Tumulong na lamang siya kay Cesar

    sa pagsasaka.

    Sanggunian: Bagong Filipino sa Puso at Diwa

    1.Bakit nagpasya si Cesar na lumuwas ng Maynila?

    2.Bakit sinabihan ng ama si Cesar na mag-iingat siya sa

    Maynila?

    3.Bakit umuwi sina Cesar at Victor sa bukid?

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    13/23

    Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo?

    Magpatuloy ka.

    Gawain 1-A

    Basahin ang kwento. Bigyang katwiran ang mga kilos o gawi

    ng mga tauhan.

    NASA HULI ANG PAGSISISI

    Noong mga nakaraang araw ay may naninirahang mag-

    asawang maykaya sa buhay. Maligaya silang namumuhay sakanilang malaki at magandang bahay sa San Pedro. Ngunit dahil

    sa isang aksidente, ang lalaki ay nasawi. Nagdadalantao pa

    naman ang babae.

    Pagkalipas ng ilang buwan, isang sanggol na lalaki ang

    iniluwal ng naiwang asawa. Patuloy sa malusog na paglaki ang

    sanggol hanggang sa sumapit ang ikalimang taong gulang nito.

    Natutong magsugal ang ina ng bata dahil sa labis na

    kalungkutan sa buhay. Nais niyang malimutan ang nangyari sa

    asawa.

    Tuwing magsusugal ang babae ay iniiwan niya sa bahay

    ang anak. Pinatutulog muna niya ang bata at kapag mahimbing

    na saka lamang siya umaalis. Kung siyay umuuwi ng bahay ay

    nadaratnan niyang paos na ang anak sa pag-iyak dahil marahil sa

    gutom o sa kanyang pag-iisa.

    Isang hapon habang siya ay nakikipaglaro ng madyongay nagkasunog sa kabayanan. Hindi niya ito pinansin dahil

    abalang-abala siya sa pagmamadyong.

    Natinag lamang siya sa pagsusugal nang marinig niyang

    may batang nahuli ng apoy sa malaking bahay. Patakbo siyang

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    14/23

    umuwi ngunit huli na ang lahat. Natupok ang kanyang bahay

    kasama ang kanyang anak. Lubhang mahina ang tubig kaya hindi

    mapatay-patay ang apoy.

    Labis na nagsisi ang ina sa mga nangyari, subalit huli na

    ang lahat. Gayon pa man, sinikap niyang magbagong-buhay.

    Ginugol niya ang natitira pa niyang salapi at ari-arian sa

    pagtulong sa mga maysakit at mahihirap.

    Sanggunian Bagong Filipino Sa Puso at Diwa 6

    1.Natutong magsugal ang ina ng bata.

    2.Namatay ang bata.

    3.Ginugol ng babae ang natitira pa niyang salapi at ari-arian sapagtulong sa mga maysakit at mahihirap.

    Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo?

    Magpatuloy ka.

    Basahin ang kwento at bigyan ng katwiran ang kilos o gawi

    ng mga tauhan.

    ANG PANGARAP NA NATUPAD

    Bata pang maliit si Ada ay may maganda na siyang

    pangarap. Librada Avelino ang kanyang buong pangalan.

    Si Pedro Avelino at Francisca Mangali ang kanyang mga

    magulang. Sina Remedios at Vicente ang kanyang mga kapatid.

    Mga Dagdag na Gawain

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    15/23

    Maagang namatay si Aling Iska, ang kanilang ina. Nakita ni

    Mang Pedro na malulungkot ang kanilang mga anak. Siya rin ay

    nangulila sa namatay niyang maybahay.

    Kumuha siya ng ikalawang ina sa mga anak at ito ay si Aling

    Paula. Dahil sa pagiging mabuti ng magkakapatid kaya

    napamahal sila kay Aling Paula. Mula noon naging masaya muli

    ang mag-ama.

    Sa Pandacan, Maynila sila nakatira noon. Minsan, naglalaro

    sina Ada, Remedios at Vicente sa bakuran ng kanilang tahanan

    na nasa tabi ng isang ilog. Ayun ang malaking bahay. Hindi ba

    Maynila iyon? Ang tanong ni Ada sa mga kapatid.

    Paglaki ko ay magpapagawa ako ng malaking bahay na tuladnoon, natawa si Remedios sa sinabi ni Ada.

    Paano kayang mangyayari iyan, Ada? ang tanong ni Vicente.

    Paglaki ko ay gusto kong maging guro. Magpapatayo ako ng

    malaking paaralan para sa mga batang babae, ang patuloy na

    sabi ni Ada sa mga kaharap.

    Nagdaan ang mga taon. Nakatapos ng pag-aaral si Ada. Sa

    sipag at tiyaga natupad ang pangarap ni Ada. Nakapagpatayo siyang isang malaki at magandang gusali. Ang tawag dito ay Centro

    Escolar de Seoritas. Isa ito sa mga makabago at maunlad na

    paaralan ng mga babae. Sanggunian Bagong Filipino Sa Puso at Diwa 6

    1.Muling nag-asawa si Mang Pedro.

    2.Nangarap si Ada.

    3.Nakapagtayo siya ng paaralan.

    Matapos mong gawin ang mga pagsasanay, maaari mo nangsagutin ang mga tanong.

    Paano mo mabigyang katwiran ang kilos o gawi ng mga

    tauhan sa akda?

    ___________________________________________________________

    ___________________________________________________________

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    16/23

    Ang mga kilos o gawi ng mga tauhan sa akda o kwento

    ay may katwiran o dahilan. Malalaman mo ito sa pagiging

    mapanuring mambabasa at sa paggamit ng sariling kaalaman

    o karanasan.

    Basahin ang kwento. Bigyang- katwiran ang kilos o gawi ng

    mga tauhan sa kwento.

    Maraming kwentong-bayan ang ating bansa. Itoy mgakwentong nagpasalin-salin sa bibig ng tao. Kinagigiliwan kasi

    itong ikwento ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo. Sa

    kwentong-bayang babasahin mo ngayon ay matutuwa kang

    matuklasan ang iniwan ng ama sa kanyang mga anak na...

    YAMAN NAKABAON SA LUPA(kwentong-bayan)

    Nag-uusap ang tatlong magkakapatid sa gitna ng kanilang

    bukid. Pawisan silang tatlo dahil sa paghuhukay.

    Niloko tayo ng ating ama, ang galit na sabi ng panganay na

    si Benito. Marami na tayong lugar na hinukay, pero bakit wala

    tayong makitang yaman?

    Sariling Pagsusulit

    Tandaan Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    17/23

    Kung bakit naman naisipan pa ng tatay na ibaon sa lupa ang

    ipapamana niya sa atin, ang sabi naman ng pangalawa na si

    Fermin.

    At naniwala ka naman na may ibinaon nga si Tatay na

    kayamanan? Bastat ako ay sawa na sa kakahukay na wala naman

    tayong makuha. Kayo na lamang ni Lito ang maghukay rito. Akoy

    luluwas sa lungsod. Doon ako hahanap ng maraming pera, ang

    paggalit na wika ni Benito.

    Sasama na rin ako sa iyo, Kuya. Ikaw, Lito, baka gusto mo na

    ring sumama? ang tanong ni Fermin sa bunso nilang kapatid.

    Akoy hindi aalis sa lupang ito, ang mana natin sa ating mga

    magulang, ang nalulungkot na sabi ni Lito.

    Ipinagbili ng dalawa ang ibang ari-arian nila upang may pera

    silang mabaon sa pagpunta at paninirahan sa lungsod. Naiwan si

    Lito na lungkot na lungkot sa pag-alis ng dalawa niyang kapatid.

    Naiwan si Lito sa bukid. Binungkal niya ang lupa. Inararo ito

    at tinamnan. Maraming pananim si Lito. Bukod sa palay at mais,

    mayroon pa siyang iba-ibang gulay at mga prutas. Isang uliran at

    masipag na magsasaka si Lito. Kumita siya ng malaki mula salupa. Kaya bumili na siya ng isang traktora. Hindi na siya

    nahihirapang magbungkal ng lupa.

    Ito marahil ang sinasabi ng aming tatay na manang

    nakabaon sa lupa, ang nasabi ni Lito isang araw na minamasdan

    niya ang kanyang bukid na hitik sa gintong butil ng palay.

    Dinakila ni Lito ang alaala ng kanyang ama. Inalagaan

    niyang mabuti ang kanyang mga tanim. Naging masuwerte ang

    buhay ni Lito.

    Isang araw, dumating sa bukid sina Benito at Fermin. Payat

    at gulanit ang mga damit. Hirap na hirap sa buhay. Naawa si Lito

    sa kanyang mga kapatid. Pinatuloy niya sa malaki at kongkreto

    niyang bahay. Ipinaliwanag niya sa kanila ang ibig sabihin ng

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    18/23

    kanilang Tatay nang sabihin nitong ang kanilang mana ay

    nakabaon sa lupa. Naunawaan ito nina Benito at Fermin. Silang

    tatlo ay nagtulung-tulong sa paggawa sa kanilang bukid at

    nabuhay nang masagana at maligaya.

    1.Sinabi ng Tatay na nakabaon sa lupa ang kanyang pamana.

    2.Umalis sina Benito at Fermin.

    3.Nagpaiwan si Lito sa bukid.

    4.Umuwi sa bukid sina Benito at Fermin.

    5.Nagtulung-tulong sa paggawa sa bukid ang magkakapatid.

    Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo?

    Kung 4 o 5 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka na

    sa susunod na modyul.

    Kung 3 o pababa ang nakuha mo, sagutin mo muna ang

    Pagyamanin Natin.

    Basahin ang kwento at bigyang-katwiran ang kilos o gawi

    ng mga tauhan.

    NARITO AKO

    Walang humpay ang malakas na ulan at hangin. Malalakas

    ang kulog at matatalim ang mga kidlat. Pasungaw-sungaw sanakapinid na bintana si Aling Cedes. Balisang-balisa ang ina ni

    Junior sa hindi nito pag-uwi.

    Diyos ko! Ano kaya ang nangyari sa aking anak? Madilim na

    ang paligid at hindi pa siya dumaratal, ang usal ni aling Cedes.

    Pagyamanin Natin

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    19/23

    Palakad-lakad sa kabahayan ang di-mapakaling ina. Panay

    ang usal niya ng panalangin. Huwag po ninyo pababayaan ang

    aking anak. Iligtas mo po siya sa panganib.

    Inay, bakit kaya wala pa si Kuya? tanong ni Sita. Hindi

    naman siya dating ginagabi, a,

    Kaya nga ako nababahala, Anak. Bumabagyo pa naman!

    hinagpis ng ina habang nakasilip sa bintana. Ni anino ni Junior ay

    hindi niya mabanaag sa malalaking patak ng ulang

    pinaghahampasan ng malakas na hangin.

    Sita, bantayan mo muna si Nina. Hahanapin ko ang Kuya

    ninyo, sabi ng di na nakatiis na ina sabay dampot sa payong.

    Huwag na po kayong lumabas ng bahay, Inay. Nagngangalit

    po ang hangin at ang tubig ay nagbabanta ng pananalanta.

    Paalala ni Sita sa ina.

    Ngunit akoy lubhang nag-aalala sa inyong kuya, sagot ni

    Aling Cedes.

    Nang sa darating si Junior.

    Anak, gabing-gabi ka na! Napaano ka? sunud-sunod na

    tanong ng ina.

    Wala pong nangyari sa akin. Akoy nabalam sa pag-uwi dahilpo sa isang lalaking nakuryente. Nakalugmok na po siya sakalsada ng aking lapitan. Agad po akong humanap ngmakakatulong at isinugod namin siya sa ospital! Mabuti naman atna-shock lamang daw ang lalaki ayon sa doktor. Pero kung hindiraw nadala agad sa ospital ay maaaring namatay na siya,

    Kaawa-awa naman! Pero paano nagyari ang aksidente? Usisang ina na ngayoy panatag na ang loob.

    Nakasilong po ako sa isang Waiting Shed habangnaghihintay sa paghupa ng ulan at hangin. Nang may mapatid nagawad ng kuryente at kitang-kita kong nalaglag sa lalaki na nooynaglalakad.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    20/23

    Natitiyak kong isa siya sa mga hindi nakababatid ng mgatuntuning dapat sundin kapag ganitong masama ang panahon,wika ni Sita.

    Sana nga matutunan ng lahat ng tao na dapat manatili sa

    tahanan kapag may bagyo o baha, sambit ni Junior. Kung nasadaan naman at kumikidlat, huwag maglakad sa pook na walangmasisilungan. Kapag malakas ang ulan at hangin, iwasangtumapat sa gawad ng kuryente.

    Bayani ang kuya ko! sigaw ni Nina.

    Hindi, Nina. Hindi lamang ako ang nagmalasakit sa taongiyon. Kung hindi ako tinulungan ng mga taong aking nilapitan,maaaring tuluyan na siyang napahamak.

    Talagang ang pagmamalasakit sa kapwa ay dapat isapusong bawat tao, pakli ni aling Cedes.

    1.Pasungaw-sungaw sa nakapinid na bintana at palakad-lakadsi Aling Cedes.

    2.Pinigilan ni Sita ang kanyang ina sa paglabas ng bahay.3.Ginabi sa pag-uwi si Junior.4.Nakuryente ang lalaki.

    Ihambing muli ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto.

    Ilan ang nakuha mo?

    Tapos ka na sa modyul na ito. Binabati kita! Magpatuloy kana sa susunod na modyul.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    21/23

    SUBUKIN NATIN1.Pinangaralan si Lamberto ng kanyang ama upang

    siguraduhing lumaki ang kanyang anak na walang

    inaagrabyado lalo na sa pag-abot ng kanyang mga

    pangarap.

    2. Hinamak at tinukso si Lamberto ng kanyang mga kaklase

    dahil sa kanyang pagiging Igorot.

    3. Hindi ikinahihiya ni Lamberto ang kanyang pAgging taga-

    Bontok, Mountain Province Dahil kanyang ikinararangal angpagiging Igorot.

    4. Nagsikap si Lamberto sa kanyang pag-aaral dahil gusto

    niyang magtapos nang may karangalan.

    5. Naging matagumpay si Lamberto dahil patuloy pa rin siyang

    nagsikap at walang inaagrabiyado.

    Gawain Natin

    Gawain 1

    1. Nagpasya si Cesar na lumuwas ng Maynila dahil inakala niyang

    maganda ang buhay doon.

    2. Sinabihan si Cesar na mag-iingat sa Maynila dahil alam ng

    kanyang ama na marami ang masasamang-loob doon.

    3. Umuwi sina Victor at Cesar dahil naunawaan na nila na mas

    mainam ang pamumuhay sa bukid kaysa Maynila.

    Gawin 1- A

    1.Natutong magsugal ang ina ng bata dahil sa labis nakalungkutan.

    2.Namatay ang bata dahil sa kapabayaan ng ina.

    Gabay sa Pagwawasto

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    22/23

    3.Ginugol ng babae ang natitira pa niyang salapi at ari-arian sa

    pagtulong sa mga maysakit at mahihirap dahil nagsisi siya

    sa kanyang mga nagawa na naging dahilan ng pagkamatay

    ng kanyang anak.

    MGA DAGDAG NA GAWAIN

    1.Muling nag-asawa si Mang Pedro dahil siya ay nangulila sa

    kanyang asawa at ang kanyang mga anak ay nangulila sa

    kanilang ina.

    2.Nangarap si Ada dahil nakita niya ang kaginhawaan ng

    mga may malalaking bahay at ng nagmamay-ari ng

    malalaking gusali.

    3.Nakapagpatayo siya ng paaralan dahil sa kanyang sipagat tiyaga.

    SARILING PAGSUSULIT

    1.Sinabi ng Tatay na nakabaon sa lupa ang kanyang pamana

    dahil ito ang kanyang paraan upang matitiyak niyang

    maalagaan ng kanyang mga anak ang lupa na siyang tunay na

    pamana.

    2.Umalis sina Benito at Fermin dahil hindi nila naunawaan ang

    sinabi ng ama.

    3.Nagpaiwan si Lito dahil pinahahalagahan niya ang lupang

    kanilang pamana.

    4. Umuwi sa bukid sina Fermin at Benito dahil sa labis na

    paghihirap sa Maynila.

    5.Nagtulung-tulong sa paggawa ang magkakapatid dahil

    naunawaan na nila ang kanilang ama tungkol sa kanilang

    pamana.

  • 7/24/2019 Filipino 6 DLP 53 - Pagbigay ng Katuwiran sa Kilos o Gawi o mga Tauhan.pdf

    23/23

    PAGYAMANIN NATIN

    1.Pasungaw-sungaw sa nakapinid na bintana at palakad-lakad

    si Aling Cedes dahil sa labis na pag-aalala sa kanyang anak

    na hindi pa umuuwi.

    2.Pinigilan ni Sita ang kanyang ina sa paglabas ng bahay dahil

    inaalala niya ang kaligtasan ng ina dahil may bagyo.

    3. Ginabi ng pag-uwi si Junior dahil tinulungan pa niya ang

    taong nakuryente.

    4. Nakuryente ang lalaki dahil hindi ito sumunod sa mga

    babala kung ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo.