31
Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO Morpolohiya Ito ay isang pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito upang makabuo ng isang salita. Morpema - ito ay ang pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. - ito ay hindi isang pantig. Halimbawa: Masipag [binubuo ng 2 morpema- ma+sipag] [binubuo ng 3 pantig- ma+si+pag] Anyo ng Morpema 1. Morpemang binubuo ng salitang ugat na walang panlapi - Matatawag ding malayang morpema dahil nakakatayong mag-isa: Halimbawa: bata sipag takbo gawa 2. Morpemang binubuo ng panlapi - Nagtataglay ng kahulugan na matatawag ding di- malayang morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa. Halimbawa: um - gawi o ginagawa [tum akbo, um alis, hum iyaw] ma - pagkamayroon [ma sipag, ma tapang, ma sungit] ka - kapangkat [ka sama, ka baro, ka hati] mala - may hawig [mala -prinsesa, mala -aso, mala -agila] 3. Morpemang binubuo ng ponema - May kahulugang taglay na nagsasaad ng kasarian ponemang a at o Halimbawa: Maria- Mario

filipino lecture

Embed Size (px)

DESCRIPTION

lessons we discussed !!!!

Citation preview

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOMorpolohiya Ito ay isang pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito upang makabuo ng isang salita.

Morpema- ito ay ang pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. - ito ay hindi isang pantig. Halimbawa: Masipag [binubuo ng 2 morpema- ma+sipag] [binubuo ng 3 pantig- ma+si+pag] Anyo ng Morpema 1. Morpemang binubuo ng salitang ugat na walang panlapi - Matatawag ding malayang morpema dahil nakakatayong mag-isa: Halimbawa: bata sipag takbo gawa

2. Morpemang binubuo ng panlapi - Nagtataglay ng kahulugan na matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa. Halimbawa: um- gawi o ginagawa [tumakbo, umalis, humiyaw] ma- pagkamayroon [masipag, matapang, masungit] ka- kapangkat [kasama, kabaro, kahati] mala- may hawig [mala-prinsesa, mala-aso, mala-agila] 3. Morpemang binubuo ng ponema - May kahulugang taglay na nagsasaad ng kasarian ponemang a at o Halimbawa: Maria- Mario Doktor- Doktora Mga Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon - Ang pagkakatulad sa katabing tunog ng isang salita.

Mga Uri ng Asimilasyon a. Parsyal- may pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensiya ng kasunod na tunog. Halimbawa: pang+tali = pantali

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOpang+bili= pambili b. Ganap- may pagbabagong nagaganap sa ponemang n at m Halimbawa: pang+tali= pantali= panali pang+palo= pampalo= pamalo 2. Pagkawala ng ponema Halimbawa: tupad+in= tupadin= tupdin bigay+an= bigayan= bigyan takip+an= takipan= takpan 3. Pagpapalit ng ponema a. d-r Halimbawa: ma+dumi= madumi= marumi ma+dunong= madunong= marunong b. o-u Halimbawa: biro+an= biroan=biruan bilog+an= bilogan= bilugan c. h-n Halimbawa: tawa+han= tawahan= tawanan matuto+han= matutohan= matutuhan 4. Pagpapalit- diin Halimbawa: linis+an= linisan kain+an= kainan

Reduksyon- nagiging maikli kaysa orihinalHalimbawa: winika ni= ani hayaan mo= hamo tingnan mo= tamo bakit= bat

Reduplikasyon- pag-uulit ng unag pantig ng salitaHalimbawa: pamalo= pamamalo hinakit= hinanakit 5. Metatesis Halimbawa: yakap+in= yinakap= niyakap lamas+in= linamas= nilamas

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO6. Pagkakaltas- sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng salita Halimbawa: sunod in= sunodin= sundin takip+an= takipan= takpan dala+han= dalahan= dalhan 7. Maypalit- may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita. Nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng dalawang patinig. Halimbawa : ma+dami= madami= marami bakod+bakudan= bakuran 8. Pagpapaikli ng salita- Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita. Halimbawa: hinatay ka= tayka= teka tayo na= tayna= tena, tana wikain mo= ikamo= kamo wika ko = ikako= kako Nahahati sa dalawang (2) pangkat ang mga tunog sa Filipino: 1. Mga tunog na patinig 2. Mga tunog na katinig Sa katawagang panglinggwistika, ag mga tunog na bumubuo sa wika ay tinatawag na

ponema. Samakatwid, ang mga tunog na patinig ay tinatawag ding ponemang patinig; at ang mga tunog na katinig at tinatawag ding ponemang katinig. Tintawag naming ponemang segmental, ang mga tunog na patinig at tunog na katinig. Ang mga ponemang katinig ay /a/, /e/, /i/, /o/, /u/. Iisa lamang ang bigkas sa bawat patinig di tulad sa Ingles na ang isang patinig ay maaaring magkakaroon ng ibat- ibang bigkas. Ang mga ponemang patinig ay /b/, /k/, /d/, /g/, /h/, /l/, /m/, /n/, /ng/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, /y/, at /?/. Ang simbolong /?/ ay para sa tunog na impit o global naisa ring tunog na katinig. Mga ponemang malayang nagpapalitan - Ito ay pares na salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi nagbabago ng kahulugan. Halimbawa: /e/ at /i/ lalake-lalaki babae-babai /o/ at /u/ sampo-sampu pito-pitu /r/ at /d/ marami-madami

1.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOmaramot-madamot 2. Mga pares ng minimal - pares na salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema, at dahil ditto nagbago ang kahulugan. Haliumbawa: /p/ at/b/ pala-bala /t/ at /d/ lapat-lapad /k/ at /g/ titik-titig /ng/ at /n/ ngawa-nawa 3. Diptonggo - Magkasamang tunog na patinig at malapatinig sa isang pantig; Ang diptonggo sa Wikang Filipino sumusunod: /iw/, /iy/, /ey/, /ay/, /aw/, at /uy/. Halimbawa: giliw luray ilaw kasoy aliw tunay hikaw aruy 4. Kambal katinig o klaster - magkasunod na ponemang katinig sa isang patinig. - maaaring makita sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig Halimbawa:

sa unahan kwento drama brasoAng mga Panlapi

sa gitnaeskwela

sa hulihan sandwitsnars beysment

kontrata konklusyon

Isa sa magandang katangian ng Wikang Filipino ay ang pagiging mayaman nito sa mga panlapi. Nagging madali ang panghihiram ng salita sa ibang wika dahil sa paglalapi. Maaari ring nakaposisyon ito sa kabilaan ng salitang ugat; o kayay nasa unahan, gitna at hulihan ng salita Halimbawa:

kabilaan paaralan palaisdaan

laguhan santinakpan magdinuguan

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOAng mga panlapi ay maiuuri sa panlaping makangalan, panlaping makauri, at panlaping

makadiwa.1. Panlaping Makangalan a. an o han - maaaring iba-iba ang kahulugan na isinasaad ng mga panlaping ito. a) lalagyan ng marami sa bagy na isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: aklatan, manukan, bigasan b) pook na ginagampanan ng kilos na isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: kainan, higaan, aralan c) panahon ng pagganap o maramihang pagganap ng isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: pistahan, gapasan, taniman d) gantihan ng kilos. Halimbawa: pukpukan, sulatan, biruan b. - in o - hin o ina) Relasyong isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: tiyuhin, amain, inapo b) Ngalan ng bagay na nagsasaad ng karaniwang gamit ayon sa salitang ugat. Halimbawa: sigangin, pirutuhin, tinggalin c) Kahugis ng isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: binalantok, sinampalok, inubas c. kaa) kasama sa pangkat. Halimbawa: kaguro, kalahi, kabaryo d. ka- -an a) nagsasaad ng pikagitna ng salitang ugat. Halimbawa: kalayaan, kanayunan, kabahayan b) nagsasaad ng kasukdulan ng pangyayari. Halimbawa: kainitan, katanghalian c) nagsasaad ng gantihan ng kilos. Halimbawa: kwentuhan, kabiruan, kasulatan e. maga) nagsasaad ng relasyong tinutukoy ng salitang ugat. Halimbawa:

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOmaglolo, magtiya, mag-ina b) ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat ay nagsasaad ng gawain o hanapbuhay. Halimbawa: magtetela, magbibigas, maggugulay f. mang/ mam/ mana) nagsasaad ng Gawain o profesyon. Halimbawa: manggagamot, mandirigma, maggugulay

g. pa- , -an a) nagsasaad ngf ganapan ng kilos na isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: patahian, pagamutan, pagawaan b) nagsasaad ng paligsahan ng kilos. Halimbawa: pakinisan, patayugan, palayuan h. pala- , -an a) nagsasaad ng sistema o pamamaraan. Halimbawa: palatuldikan, palatitikan, palatunugan i. pang/ pam/ pana) nagsasaad ng ukol o para sa bagay na binabanggit ng salitang ugat. Halimbawa: pangkulay, pambabae, panlaro tagaa) nagsasaad ng gawain na isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa tagaluto, tagahukay, tagamasid a) nagsasaad ng panahon. Halimbawa: tag- araw, tag- ulan, tag- lamig l. tala- , - an a) nagsasaad ng pagkakahanay o pagkakatala. Halimbawa: Talaarawan, talatakdaan, talatinigan

j.

k. tag-

2. Mga Panlaping Makauri a. ma a) nagtataglay ng pagkamayroon. Halimbawa: maganda, matalino, mayaman b) pagkamarami. Halimbawa:

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOmatao, mabunga, mabato b. makaa) nangangahulugan ng katig, kampi o hilig Halimbawa: makabago, maka-Amerikano, maka- Sharon c. malaa) tulad ng isinasaad ng salitang ugat. Halimbawa: malasutla, malasebo, malaporselana d. mapag a) may ugali. Halimbawa: mapagbiro, mapagtahi- tahi, makapanggawa e. mapang-/ mapam-/ mapana) may kakayahan. Halimbawa: Mapang- akit, mapamuna, mapanukso f. palaa) lagging ginagawa Halimbawa: palatawa, paladasal, palabigay

g. - an o - han a) hindi karaniwan ang laki o labis ang dami. Halimbawa: sugatan, duguan, butuhan h. - in o hin a) madalas pangyarihan. Halimbawa: antukin, sipunin, sakitin 3. Panlaping Makadiwa - sa pamamagitan ng panlaping ikinakabit sa mga pandiwa nakikilala ang focus at aspeto ng pandiwa. Fokus ng Pandiwa Fokus ang tawag sa relasyong pansematika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusa. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa. Makikita sa ibaba ang ibat- ibang Fokus ng pandiwa: 1. Fokus sa aktor o tagaganap kilos - ang simuno o paksa ang gumaganap ng gawain o kilos. Ang mga panlaping ginagamit sa mga pandiwang nasa focus actor ng um-, mag-, mang-, maka-, maHalimbawa:

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOa. Nagbasa ng aklat si Benedict. b. Uminom ng gats si Maris c. Bumili ng sasakyan si Emil. 2. Fokus sa layon - ang ng pandiwa ang binibigyang diin sa pangungusap. Ang mga pandiwang gumagamit ng fokus sa layon ay banghay sa -in o -hin at i- at an Halimbawa: a. Kinuha ni Manny ang aklat. b. Pinitas ni Amy ang bulaklak. c. Inawit ni santi ang Lupang Hinirang 3. Fokus ng Ganapan - ang binibigyang diin sa fokus na ito ay ang lugar o ganapan ng kilos. Ang mga panlaping ginamit sa fokus sa ganapan ay -an o -han, at -in o -hin. Halimbawa: a. Kinainan nina Rene at Arnie ang bagong biling mesa. b. Inakyat ni Rodel ang punong mangga. c. Inupuan ni Mylene ang karton kaya nasira. 4. Fokus sa Pinaglalaanan o Benefaktiv - ang binibigyang diin sa fokus na ito ay ang pinaglalaanan ng kilos o para kanino ang kilos. Ginagamit ang mga panlaping i-, -ipang, -ipag, sa fokus na ito. Halimbawa: a. Ipinaglaba ni Aling Anita ng damit si Jordan. b. Ipinagtimpla ni Maximo ng kape si edit. c. Ibinili ni Jena ng pruts ang kanyang ina. 5. Fokus na Kagamitan o Instrumental ang gumaganap na simuno sa pangungusap ay ang kagamitan. Ang panlaping ipangay ginagamit sa fokus na ito. Halimbawa: a. Ang sandok ay ipinanghalo ni Jhoy ng lugaw. b. Ipinamunas ng mesa ni Diana ang basing basahan. c. Ipinanguha ni Alex ng santol ang sungkit. 6. Fokus sa Sanhi o Kosativ - ang simuno sa pangungusap ay ang dahilan o sanhi. Ang mga panlaping ginagamit sa fokus sa sanhi ay ika-, ikapang-. Halimbawa: a. Ikinalungkot niya ang pag-alis ko. b. Ikinagalit ni Rico ang hindi mo pagdating. c. Ikinatuwa ni Jose ang pagtatapos ko. 7. Fokus sa Direksyon - binibigyang diin sa pangungusap ay ang direksyon o tinutunghayan ng kilos. Ginagamit ang panlaping an o han sa fokus na ito. Halimbawa: a. Pinuntahan nila ang baguio. b. Papasyalan naming ang Ocean Park sa Hongkong.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOc. Pinadalhan ni Jose ng imbitasyon si Piolo. Layunin ng tekstong ito ang magbigay ng ilang batayang estruktura at mga hulwaran ng organisasyon o pagbuo ng ibat- ibag uri at anyo ng mga karaniwang kathang sulatin na magagamit ng mga estudyante o maging ng mga guro. Dalawang (2) uri ng pagsulat: 1. Pormal na pagsulat 2. Impormal o di pormal na pagsusulat

Pormal na pagsulatMasasabing pormal ang pagsusulat kung: 1. Pinili ang paksa. 2. May layuning magpaliwanag at magbigay ng mga dagdag at at bagong impormasyon na magpapaunlad ng kaisipan. 3. Naaayon sa isang maayos na balangkas. 4. Ang mga impormasyon ay batay sa isang maingat na pananaliksik. 5. Pili ang mga salitang ginamit sapagkat angkop sa mga paksang pinili. 6. Gumagamit ng mga pangungusap na madaling maunawaan. Sapagkat maayos at tama ang kayarian. 7. Mabisa at tiyak ang paraang ginamit sa pagpapaunlad ng pinili.

Impormal o Di-Pormal na pagsulatkung ang layunin ng manunulat ay simpleng maihayag ang sariling saloobin sa paraang natural na parang nagkukwento na ang ikukwento ay sarilingf karanasan o karanasan ng ibang tao. Maaaring ang tono ay nagpapatawa o namumuna kayat maaaring ito ay nagwawasto ng isang pag-uugali o pangangaral. Hindi nasasaalng-alang sa mga katangiang hinihingi ng isang pormal na pagsulat.

Pormal man o impormal ang gagawing pagsusulat, ito ay maaaring gumamit ng apat na anyo ng pagpapahayag: 1. Paglalarawan - Ang pagpapahayag ay nakatuon at nagbibigay diin sa pagbuo nang malinaw na larawan ng tiyak na anyo, hugis, kulay, at iba pang mga katangian ng isang bagay, tao, lugar o kayay isang pangyayari. Dalawang (2) uri ng paglalarawan: a. Karaniwan o Obhektibong paglalarawan- layunin ay basta makabuo lamang ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa o nakikinig. b. Masining o Subhektibong paglalarawan- layuning pamukaw ng guni-guni ng mambabasa o nakikinig. - gumagamit ng tayutay na syang nagpapaganda sa paraan ng paglalarawan - nagsasaalang- alang sa damdamin at kuru-kuro ng manunulat. 2. Pagsasalaysay

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOpangunahing layunin ng pagpapahayag na ito ay maikwento ang isang pangyayari na maaaring maihango sa mga karanasan, sa mga narinig, sa mga nabasa, sa mga nakita at iba pa.

3. Paglalahad - layunin nitong magbigay ng impormasyon o pagpapaliwanag tungkol sa isang bagay o paksa na saklaw ng karunungan ng tao. Mahalagang bahagi ng Isang Paglalahad A. Simula/ Panimula Maaring ang panimula: 1. Isang tanong 2. Isang pangungusap na nakakatawag ng pansin. 3. Isang siping pahayag 4. Isang pagsasalaysay 5. Isang saligang kautusan B. Katawan Sa bahiging ito ay ibinibigay ang mga impormasyon o detalye na nais ilahad tungkol sa paksang tinatalakay. C. Wakas Maaaring gawin sa paraang: 1. Pabuod-mahahalagang impormasyon na binanggit sa pinakakatawan ng paglalahad. 2. Pag-uulit sa ginamit na panimula. 3. Pagbuod ng hinuha Ibat- ibang uri ng paglalahad I. Pagbibigay Katuturan paglilinaw sa kahulugan ng isang salita o lipon ng mga salita upang lubos na maunawaan.

Dalawang (2) uri ng Pagbibigay Katuturan 1. Katuturang maanyo/simpleng depinisyon - nasasalig sa isang makatwirang paghahanay ng mga salita na nagbibigay ng lalong malawak na kaalaman Tatlong (3) Sangkap: a. salita o pariralang binibigyan ng katuturan b. kauriang kinabibilangan ng bagay na binibigyang katuturan c. kaibahan o mga katangiang ikinakaiba sa mga kauri

Panibugho- uri ng damdaming nadarama ng isang tao kung nakikita niyang ang kanyangminamahal ay nagbibigay ng atensyon sa iba.

Pagsasaling- wika- sining ng paglilipat sa isang wika ng diwa o mensaheng isinasaad ng orihinalna teksto.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOMga Dapat Tandaan sa Pagbuo ng Katuturang Maanyo: 1. Iwasan ang pas-uulit ng salitang binibigyang katuturan. 2. Iwasan ang paggamit ng ay yaong 3. Gumamit na salitang magaan at madaling maunawaan kaysa salitang binibigyang katuturan. 4. Tiyaking ang kaurian ay may sapat na laki upang mapaloob ang lahat ng nasasaklaw ng salitang binibigyang katuturan. 5. Tiyaking ang kaibahang ibinibigay ay talagang ikinaiiba nito sa kanyang kauri. 2. Sanaysay ng pangkatuturan - isang mahaba- habang pagpapaliwanag. - makapagpapasigla at kinawiwilihan sapagkat maaring gawin sa ibat ibang kapaparaanan tulad ng paglalarawan , pagsasalaysay , paglilista, pagsusunod-sunod, sanhi at bunga, hambingan o kontras, problema at solusiyon. II. Ulat ano mang pagbibigay ng mga impormasiyon batay sa isinasagawang pagbabasa, pakikinig, pagaaral at pananaliksik.

Tatlong (3) Uri ng Ulat 1. Ulat tungkol sa Pananaliksik - paglalahad ng mga natuklasan sa imbestigasiyon at masusing pagaaral tungkol sa isang problema o suliranin. - gumagamit ng pamamaraang sarbey, pagmamasid, pakikipanayam (interview) o kaya eksperimentasyon.

2. Ulat ng Tekniko - uri ng ulat ginawa bunga ng isang isisnasagawang pagaaral o pagsusuring teknikal. 3. Ulat tungkol sa narinig na panayam o pagbabasa - halimbawa nito ay ang mga na hinihingi ng mga guro sa mga estudyante kung sila ay pinadalo sa isang seminar o lektyur tungkol sa isang paksa. Halimbawa: Reaction paper. Uri ng ulat 1. Paksa 2. Gamit / tungkulin 3. Paraan o istilo ng pagkasulat 4. Haba 5. May- akda 6. Pormat o anyo

Ayon sa paksatumatalakay sa disiplina o larangang kinauugnayan ng ulat at akawnting, ekonomiks, bisnes,edukasyon, inhinyera atbp.

Ayon sa Panahon ng paghahanda (time interval)

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOito ay inihahanda sa ibat ibang pagkakataon at pangangailangan. karaniwang may kasamang ilustrasyon upang lalong mailahad ng malinaw ang mga detalye ng impormasyon; gamitin ang mga talahanayan, graps, dayagram, flow chart atbp.

Ayon sa Gamit: 2 uri1. Ulat Pangkaalaman (Informational) - nagbibigay ito ng mga impormasyon kaugnay ng paksa - ang mambabasa ang nagsusuri at nagbibigay kahulugan sa mga impormasyon.

2. Ulat pampagsusuri (analytic report) - ibinibigay ng manunulat ang mga impormsyon / datos at pagkatapos ay isinusuri ang mga ito. - nagbibigay ng mga konklusyon mula sa mga isinusuri ng datos at kung kinakailangan ay magbibigay diin ng mga rekomendasyon o mungkahi.

Ayon sa paraan at istilo ng pagkakasulatang isang ulat ay pormal kung sinusulat para sa isang pormal na okasyon o pangangailangan. ito ay gumagamit ng mga piling salita na nababatay sa isang maayos na balangkas. ang ulat ay maaaring maikli o mahaba depende sa bilang ng pahina nito. Ang ulat na binubuo ng 10 pahina ay inuring maikli samantalang ang mahigit dito ay tinatawag na mahabang ulat

Ayon sa haba

Ayon sa kung sino ang sumulat o may- akda1. Pampribado- kung ang sumulat ay nasa pribadong kalakalan 2. Pampubliko- ang sumulat ay nasa tanggapang pampamahalaan, institusyong pmpubliko, kolehiyoat unibersidad at mga kasapi ng mga samahang pampropesyonal.

Ayon sa kayarian o anyoIII. ang pisikal na anyo o kayarian ng ulat ay nagkakaiba-iba batay sa inaasahang ibubunga at ang kapormahan o di-kapormahan ng sitwasyon paggamit. Paglalagom/ Pagbubuod Isang uri ng paglalakad na payak sapagkat ito ay isa lamang pagbabagong- bihis sa akda ng iba. Layunin ng lagom na matulungan ang mambabasa sa pag- unawa sa kaisipang nakapaloob sa isang orihinal na teksto kayat ito ay ginagamit ng mga salitang magagaan kaysa ginagamit ng orihinal.

Ibat- ibang Anyo ng Paglalagom 1. Presi 2. Halaw 3. Tala 4. Suring-basa 5. Hawig 6. Pagpapakahulugan

Presi

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOisa itong anyo ng paglalagom na nagpapanatili sa pangunahing kaisipan at pananaw ng sumulat ng orihinal na teksto. ito ay isang uri ng paglalagom na ang layunin ay pikliin ang isang tekstong binas na sa paraang hindi mawawala ang diwa at pananaw ng sumulat ng orihinal na teksto.

Halaw-

Ibat- ibang Uri ng Halaw 1. Dagli (brief) 2. Balangkas (outline) 3. Buod (summary)

Tala- kalipunan ng mga impormasyon na mula sa ibat- ibang pinagkukunan. Dapat tandaan kung kukuha ng Tala mula sa narinig tulad ng lektyur/ panayam o talumpati: 1. Magkaroon ng kagamitan sa pagtatala. 2. Huwag mag-apura sa pagtatala. 3. Pakinggang mabuti ang sinasabi ng nagsasalita. 4. Maingat na itala ang mga mahalagang kaisipang narinig. 5. Pagmasdan ang ekspresyon ng mukha ng nagsasalita, gayundin pansinin ang pagtaas, pagbaba ng tinig ng nagsasalita. 6. Gumamit ng sariling pamamaraan sa dagliang pagtala. Ang Pagkuha ng tala ay may dalawang (2) kagamitan: 1. Para sa madailang pangangailangan tulad ng paghahanda sa aralin. 2. Para sa ginagawang pananaliksik.

Pagsusuring- Basalayunin nito ang magtimbang- timbang, magpahalaga at magpasya tungkol sa anyo ng panitikang binasa tulad ng nobelo, kwento at iba pa. tinatawag na paraphrasing sa ingles. May mga pahayag na upang lalong maunawaan ang kailangang igawa ng hawig. Layunin nitong linawin ang sinasabi ngf isang pahayag. Ang hawig ay naglalahad ng kahulugan ng orihinal sa higit na malinaw na paraan samantalang ang presi ay nagpapaikli ng orihinal sa paraang malinaw at pinanatili ang punto de vista ng may-akda. Ang presi ay higit na maikli kaysa orihinal samantalang ang hawig ay maaaring mas mahaba kaysa orihinal Pagbibigay Panuto Isang uri ng paglalahad na ang layunin ay ipaliwanag kung paano gagawin ang isang bagay at kung paano magagamit ang bagay.

Hawig-

IV. -

Balangkas na maaaring sundin: 1. Panimula 2. Mga kagamitan/ o materyales 3. Mga hakbangin sa pag-gawa 4. Pangwakas

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOV. Paglalahad sa anyo ng Pagsasalaysay anyo ng paglalahad ng sariling kaisipan at palagay o kuru-kuro ng manunulata tungol sa isang paksa sa anumang laraga o kaalaman.

Sanaysay

Uri ayon sa Paraan ng pagkakasulat a. Pormal b. Di Pormal

PangangatwiranIto ay isang anyo ng pagpapahayag na ang layunin ay manghikayat upang mabago ang paniniwala. Upang maging lalong mabisa ay tinutulungan ng pagpapahayag na pagsasalaysay, paglalarawan, at paglalahad.

Mga anyo ng Pangangatwiran 1. Pormal - May tonong seryoso, malalim ang tema ng paksa at sumusunod sa alituntunin ng tamang pagpapahayag. Halimbawa: a. Debate b. Kasulatang pangkorte c. Artikulo sa mga Journal d. Tesis e. Disertasyon

2. Impormal - Ito ay ginagamit sa pang araw araw na pakikipagtalastasan. - Ang tema ay kadalasang magaan at may pagka personal at madali ng unawain. Halimbawa: a. Karaniwang pangangatwiran sa pakikisalamuha sa buhay, paaralan, at sa pamayanan. b. Komersyal sa radyo at telebisyon c. Mga artikulo sa dyaryo at mga magasin Apat na Salik ng Pangangatwiran 1. Paksa Dapat mahalaga at makabuluhan, magkaroon ng matibay na konklusyon at hindi batay lamang sa mga opinyong subhitibo ng mga indibidwal.

2. Proposisyon - Ito ang bagay na ibig linawin sa pangangatwiran; ito ang saligan ng pangangatwiran. - Ito ay isang paghuhusga na maaring kumatig o nagpapasubali. 3. Isyu - Kabuuan ng pangangatwiran - Ito ay isang bagay na pinagtatalunan 4. Ebidensya

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOIto ang mga konkretong piraso ng mga detalye na ginagamit upang ang mga isyu ay tanggapin bilang makatotohanan o di makatotohanan Iba ang pruweba sa ebidensya. Ang pruweba ay epekto ng epektibong paghahanda ng ebidensya.

Tatlong Pinagmulan ng Ebidensya a. Tao b. Dokumento c. Bagay 1. Ang ebidensya ay maaring ilahad sa pamamagitan ng dalawang uri ng pangangatwiran: Pag buod o Induktibo Naghahanap ng mga halimbawa at mga pangyayari; Mula sa mga iniharap na halimbawa at pangyayari ay bumubuo ng panlahat na simulain. Ginagawa sa paraang nagsisimula sa bagay ana alam mo na, patungo sa mga bagay na aalamin pa .

Ibat- ibang paraan: a. Paglalahat - Gumagawa ng pagsusuri nang mga bagay bagay na nakapaloob sa isang kaurian at mula sa pagsusuring ginawa ng isang konklusyong sasaklaw sa buong kaurian. b. Pagtutulad - Makabuluhan lamang kung wala nang ibang paraang magagamit. - Itinuturing na mahina sapagkat ang mga konklusyong hinango rito ay pansamantala lamang. c. Pagkakaugnay sa sanhi - Pinagsisikapang matagpuan ang tunay na kadahilanan ng isang pangyayaring hinango ang konklusyong sa paguugnayan ng mga sanhi. 2. Pasaklaw o Deduktibo - Tinatawag ding silohismo, isang uri ng pagmamatuwid na binubuo ng isang pangunahing batayan o tinatawag na major premise sa ingles. Isang pangalawang batayan o minor premise at isang konklusyon. Mga Pangkalahatang Tuntunin sa Silohismo: 1. Tungkol sa anyo: a. Dapat magkaroon ng tatlo at tatlo lamang na termino. b. Dapat buuin ng tatlo at tatlo lamang na proposisyon.

2. Tungkol sa nilalaman: a. Ang pang- gitnang termino ay dapat na maging kalat (distributed) sa isa man lamang sa mga batayan. b. Ang terminong hindi kalat sa isang batayan ay hindi maaaring maging kalat sa konklusyon. 3. Tungkol sa uri: a. Walang konklusyong makukuha kung ang dalawang batayan ay kapwa negatibo.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOb. Kung ang isang batayan ay negatibo, ang konklusyon ay dapat maging negatibo. 4. Mga susug: a. Walang konklusyong makukuha kung ang dalawang batayan ay kapwa particular. b. Kung ang isang batayan ay patikular ang konklusyon ay particular. Paraan ng Pagbuo ng Teksto: 1. Paglilista o pag-iisa - Nagiging malinaw ang paglalahad ng teksto kung ang detalye ay malinaw na nakaayos ayon sa bahagi o mula sa una hanggang huli ayon sa pagkaka-sunodsunod ng mga pangyayari.

SikolohiyaIsang uri ng siyensya na nakatuon sa pag-aaral sa mga kaisipan ng tao. Isang maka-agham na pag- aaral ng kilos, gawi, at reaksyon.

Sangkap ng Katawan ng Indibidwal: a. Aspetong mental o pangkaisipan - bahaging sentro ng karamihan sa kilos ng tao. b. Aspetong pisikal - tumtukoy sa kabuuan na siyang nakikita. c. Aspetong emosyonal - naggiging sanhi ng sinasabing mahigit 80% na ikinikilos ng tao. d. Aspetong sosyal - nagpapahayag ng pangangailangan ng tao; pakikisalamuha ng tao sa iba. e. Aspetong ispiritwal - paniniwala sa mga ibat-iba ring mga terminolohiyang iniukol sa mga ispiritu, laluluwa, at iba pa; mga paraan na maaaring isang pwersa na alam ng indibidwal na nasa kanya subalit hindi niya ito nakikita. 2. Pag-uuri- uri o pagpapangkat- pangkat - Kasanayan sa pagkilala ng mga bagay na magkakaugnay o pagpapangkatpangkat ayon sa kanilang katangian. 3. Sanhi at Bunga - Maraming nagaganap saating kapaligiran na kung minsay nagbibigay sa ating malaking katanungan. Kung minsay hindi natin ito maipaliwanag subalit maiiwasan ang paulit- ulit na kaganapan nito kung aalamin ang pinanggalingan o sanhi at bunga ng mga bagay o pangyayaring ito. 4. Paghahambing at pagtatambis - Angkop gamitin sa paghahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay, sa iba at itoy nagiging malinaw at mabisa kung may tiyak na batayan ng paghahambing. Halimbawa:

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINOPagkakatulad at pagkakaiba ng sosyolohiya at antropolihiya

SosyolohiyaIsang siyentipikong pag-aaral ng tao ng kanyang interaksyong panlipunan sa iba pang tao, sa mga grupong panlipunan at sa lipunang kanyang kinabibilangan. Agham ng tao, ng kanyang kilos, mga gawain at produkyong magmula sa pagsipot niya sa mundo. Kapwa nila sinisikap maunawaan ang paraan ng pamumuhay ng ibat- ibang lahi. May parehong paksang aralin na magsama at magbuo ng datos tungkol sa kilos ng tao at sistemang panlipunan.

Antropolohiya Pagkakatulad:

Mga Panandang Pang- ugnay Nababatid na may tatlong bahagi ang sulatin o teksto: (1) ang pasimula, (2) ang katawan o nilalaman at (3) wakas. Ang tatlong bahaging ito ay pinag-uugnay ng mga salita, parirala, at pangungusap. Ipinakikita ng mga pang-uugnay ang kaugnayan ng tatlong bahaging ito sa isatisa. Tinatawag ang mga pang-ugnay na ito na lohikal na tagapag-ugnay. Ang mga uri ng ng pang-ugnay ayon sa mga eksaktong tungkuling ginagampanan ay: 1. Pamukod/ Eksepesyon - Ginagamit ito sa pagbubuklod o paghihiwalay gaya ng o, ni, maging, man, maliban, bukod sa, huwag lang. Halimbawa: Magbiro ka sa lasing huwag lang sa bagong gising.

2. Panubali/ Kondisyon - Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan gaya ng pag, sakali, kung, kapag, maliban. Halimbawa: Pag umunlad an gating bansa, ang mga mamamayay uunlad din. 3. Panapos/ Konklusyon - Nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita- sa lahat ng ito, sa di kawasa, sa wakas at sa bagay na ito. Halimbawa: Dumaragasa ang mga dayuhang mangangalakal Nabawasan ang porsyento ng walang trabaho. Sa lahat ng itoy dapat kumilos ang lahat upang magpatuloy ang pag-angat ng kabuhayan ng bansa. 4. Paninsay/ Kontrast/ Pagsalungat - Kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito tulad ng ngunit, pero, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahit, kahiman, sa halip. 5. Pananhi/ Sanhi/ Dahilan - Nagbibigay ito ng dahilan, o katwiran sa pagkakaganap ng kilos- dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari, palibhasa kasi, kundangan. Halimbawa: Ang bapor ay hindi nakaalis sapagkat may malakas na bagyo.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO6. Panlinaw/ Konklusyon - Ginagamit ito upang maipaliwanag ang bahagi, o kabuuan ng isang banggitanupat, kung gayon, samakatuwid, alalaon baga, sa kabilang dako, kaya. Halimbawa: Ang bilihin ngayon ay napakamahal sa makatuuwid kailangang nating magtipid. 7. Panimbang/ Pandagdag/ Adisyon - Ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang kaisipan at, saka, pati. Halimbawa: Ang pang- aabuso sa mga batang babe aka pagpatay rito ay labis na nakakabahala. 8. Pagpapatotoo - Ngsasaad ng pagpapatunay- sa totoo, sa katunayan. Halimbawa: Sa totoo lang, hindi lahat ng panalangin ay pakikinggan ng diyos. Kung= ginagamit ito upang mangahulugan ng kundisyon o pasubali Kaya= nagbibigay katwiran At= ginagamit upang pagugnayin ang mga ideya Samakatuwid= nagbibigay linaw Bagaman; sapagkat= naguugnay upang magbigay katwiran Alalaon baga= nagpapatibay sa mga nauunang pangungusap Subalit= nagpapakita ng pasalungat Anupat= ginagamit upang magbigay linaw Kung gayon= nagbibigay linaw Kung= nagsasaad ng pasubali Sa lahat ng ito= ginagamit bilang panapos Mga Salik ng Maayos, Tama, at Mabisang Pagsulat 1. Paggamit ng Malalaking titik: Mga tuntunin Isulat sa malalaking titik ang unang titik ng unang salita ng mga sumusunod: a. Pangungusap b. Siniping pahayag c. Taludtod

2. Isulat sa malaking titik ang salita ng lungsod, lalawigan, bayan, parke, ilog, daan at liwasang-bayan. 3. Isulat sa malaking titik ang lahat ng mahalagang slita sa pamagat ng mga komposisyon, kwento, aklat, awit, dula at iba pa. 4. Isulat sa malking titik ang mga dinadaglat na titulong pampaaralan. 5. Lahat ng mga salitang dinadaglat at isinusulat sa malalaking titik at ginagamitan ng tuldok. 6. Ginagamit ang malaking titik sa kabuuan ng isang parirala kapag ang layunin na nagpapahayag ay magbigay- diin at tumawag ng pansin sa nasabing salita o parirala.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO7. Isulat sa malaking titik ang mga pamagat ng aklat, akda at kabanata. 8. Isulat sa malikng titik ang mga pangngalang pantangi gaya ng mga sumusunod: a. Ang lahat ng mga pangalang ukol sa diyos. b. Ang mga tawag sa mga araw at buwan c. Ang titulong tao kasama man o hindi ang pangalan. d. Ang mga salitang Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran at mga kalaping salita. e. Ang mga bansa at kabansaan. f. Ang mga salitang pangkamag- anak kung ang mga ito ay ginagamit sa halip na pangngalan. g. Ang mga una at huling salita sa pahayag na pambati sa isang liham. h. Ang mga asignaturang pampaaralan. Paggamit ng Italika (Italics) Ginagamit ang mga salita sa isinusulat ng pahilig o sinasalungguhitan upang ipakilala ang pamagat ng magasin, pahayagan, aklat, tula, dula, at mga salitang banyaga. Halimbawa: Maraming kababaihan ang bumabasa ng Womens magazine. Pagsulat ng mga Bilang (Numerals) Ginagamit ang titik kapag ang bilang ay binubuo ng isa o dalawang salita o di kaya kung bahagi ng tambalang pang- uri. Halimbawa: Si tatang ay walumput tatlong taon na. Ang balangkas ay isa ring gabay ng manunulat upang mapanatili ang maayos na pagkakaugnay- ugnay (coherence) Ibat- ibang Uri ng Balangkas 1. Balangkas sa Paksa 2. Balangkas sa Pangungusap 3. Balangkas sa Talataan Halimbawa: Balangkas sa paksa: I. Dula A. Depinisyon B. Pinagmulan ng Dula C. Uri ng Dula 1. Trahedya 2. Komedya 3. Melodrama D. Mahahalagang sangkap ng Dula 1. Paksa 2. Tauhan 3. Tagpuan

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO4. Tanghalan E. Mga Katangian ng Dula 1. Yugtu- yugto 2. Pag-uusapan sa tanghalan 3. Inihandang tanghalan II. Mga Katutubong Dulang Pilipino A. Karagatan B. Tibaw C. Karilyo D. Pamanhikan

Balangkas sa Pangungusap: I. Mga mahalagang bagay tungkol sa dula A. Ano ba ang dula? B. Saan bagsimula ang dula? C. May dalawang uri ng dula D. May apat na mahalagang sangkap ang dula Ang mga katutubong dula ng mga Pilipino A. Karagatan B. Tibaw C. Karilyo D. Pamanhikan

II.

Balangkas sa Talataan: 1. Ang dula ay isang uri ng akdang tuluyan na nagpapakita ng mga karaniwang pangyayari sa buhay na ginagampanan ng mga tauhang sadyang inihanda para gumanap sa ibabaw ng tanghalan.

2. Mga simpleng ritwal sa pang- araw-araw na pangyayari sa buhay ng matatandang Pilipino ang pinagmulan ng mga dula. Ilang mga halimbawa ng mga ritwal na ito ay pamanhikan, bayanihan, paglalaro ng mga binata at dalaga (karagatan) atbp. 3. May ibat- ibang uri ng dula ayon sa tema nito. Ang trahedya na nagwawakas nang malungkot; ang komedya na ang tema ay katawa- tawa; at ang melodrama na may temang romantiko.

Mga tinalakay sa: PAGPAPAUNLAD SA ISTRUKTURANG FILIPINO