67
1 | S.Y. 2020-2021 G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN PANGALAN: I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang Aralin / Lunsaran KUWENTONG BAYAN LUNSARAN: “SI USMAN, ANG ALIPIN” Sanggunian: Ang Pluma p.6-14 Rex Interactive (Online Educational Portal, for Teachers, Students, and Parents) https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf https://pubhtml5.com/kkxf/jelf/basic https://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng- pangyayari/ https://www.youtube.com/watch?v=dQUOh8S-tTA (Reel Time : Kultura at Tradisyon ng mga Muslim) http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin / Balik-aral Ang Mindanao na pangalawang pinakamalaking pulo ng bansa at sinasabing tahanan ng maraming Muslim sa bansa ay tinatawag ding Lupang Pangako ng Pilpinas. Ito ay binubuo ng mismong pulo ng Mindanao at ng kapuluan ng Sulu. Nahahati ito sa anim na rehiyong kinabibilangan ng Rehiyon IX (Peninsulang Zamboanga), Rehiyon X (Hilagang Mindanao), Rehiyon XI (Rehion ng Davao), Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN), Rehiyon XIII (Caraga), at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Sa panitikang Mindanao masasalamin ang kultura at paniniwala ng mga Muslim at mga pangkat-etnikong maninirahan dito gaya ng Mёranao, Tausug, Bagobo, Yakan, T’boli, Badjao, at iba pa. Karaniwang paksa ng kanilang panitikan ay may kinalaman sa kanilang relihiyon at paniniwala gamit ang kanilang lingua franca, wikang Bisaya, at Cebuano. Layon ng araling ito ang makilala ang kaugalian at kalagayang panlipunan sa Mindanao gamit ang kanilang mga Kuwentong-Bayan upang magkaroon tayo ng higit na malalim na pang- unawa sa ating mga kapatid na taga-Mindanao. Sa pag-aaral ng mga panitikang Mindanao, inaasahang higit mong mauunawaan at mapahahalagahan ang iyong pagka-Pilipino. Isang masayang pagbati sa iyo aking minamahal na mag-aaral! Tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa kuwentong-bayan na mula sa Mindanao. Mayroon ka bang ideya tungkol dito? Huwag kang mag-alala kung WALA ang sagot mo, tutulungan kita sa iyong pag-aaral ukol dito. Handa ka na ba? Siguradurin lamang na buo ang iyong atensyon at walang anumang abala habang mag-aaral tayo. SIMULAN NA NATIN!

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

  • Upload
    others

  • View
    1.011

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

1 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PN-Ia-b-1

Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan

II. Paksang Aralin / Lunsaran

KUWENTONG BAYAN LUNSARAN: “SI USMAN, ANG ALIPIN”

Sanggunian: Ang Pluma p.6-14 Rex Interactive (Online Educational Portal, for Teachers, Students, and Parents) https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/FilipinoGr7Qtr1-Reg.pdf https://pubhtml5.com/kkxf/jelf/basic https://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng- pangyayari/ https://www.youtube.com/watch?v=dQUOh8S-tTA (Reel Time : Kultura at Tradisyon ng mga Muslim) http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin / Balik-aral

Ang Mindanao na pangalawang pinakamalaking pulo ng bansa at sinasabing tahanan ng

maraming Muslim sa bansa ay tinatawag ding Lupang Pangako ng Pilpinas. Ito ay binubuo ng mismong pulo ng Mindanao at ng kapuluan ng Sulu. Nahahati ito sa anim na rehiyong kinabibilangan ng Rehiyon IX (Peninsulang Zamboanga), Rehiyon X (Hilagang Mindanao), Rehiyon XI (Rehion ng Davao), Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN), Rehiyon XIII (Caraga), at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa panitikang Mindanao masasalamin ang kultura at paniniwala ng mga Muslim at mga pangkat-etnikong maninirahan dito gaya ng Mёranao, Tausug, Bagobo, Yakan, T’boli, Badjao, at iba pa. Karaniwang paksa ng kanilang panitikan ay may kinalaman sa kanilang relihiyon at paniniwala gamit ang kanilang lingua franca, wikang Bisaya, at Cebuano.

Layon ng araling ito ang makilala ang kaugalian at kalagayang panlipunan sa Mindanao gamit ang kanilang mga Kuwentong-Bayan upang magkaroon tayo ng higit na malalim na pang- unawa sa ating mga kapatid na taga-Mindanao.

Sa pag-aaral ng mga panitikang Mindanao, inaasahang higit mong mauunawaan at mapahahalagahan ang iyong pagka-Pilipino.

Isang masayang pagbati sa iyo aking minamahal na mag-aaral!

Tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa kuwentong-bayan na mula sa

Mindanao.

Mayroon ka bang ideya tungkol dito? Huwag kang mag-alala kung WALA ang sagot mo,

tutulungan kita sa iyong pag-aaral ukol dito.

Handa ka na ba? Siguradurin lamang na buo ang iyong atensyon at walang anumang abala

habang mag-aaral tayo. SIMULAN NA NATIN!

Page 2: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

2 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin Bilang panimulang gawain, tignan natin kung ano ang iyong nalalaman hinggil sa

Mindanao. Sagutin ang gawaing pinamagatang A-KNOW?

MAHALAGANG TANONG Sa palagay mo bakit kailangang basahin at kilalanin ang mga akdang sumasalamin sa mayamang kultura ng Mindanao?

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin Ang mababasa mong kuwento ngayon ay isang kuwentong-bayan ng Maguidanao na tinatawag ding Maguindanaon, Maguindanau, o Magindanaw. Ang kanilang wika ay may pareho ring katawagan. Ang mga taga-Maguidanano na nangangahulugang mga taong taga-kapatagan o people of the flood plains ay itinuturing na pinakamalaking pangkat-etniko ng mga Pilipinong

Muslim. Matatagpuan sila sa gitna ng katimugang bahagi ng Mindnaao at ang kanilang rehiyon kilala bilang Cotabato, isang lambak na napaliligiran ng mataas na kabundukan maliban sa bahaging kanluran. (Stewart, 2016)

Ano nga ba ang kuwentong-bayan?

Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.

Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.

Gawain: 1

Pamagat: A-KNOW?

ANO ANG AKING ALAM TUNGKOL SA MINDANAO?

ANO ANG AKING PINAKA-AASAM – ASAM NA MAKITA/ MAPUNTAHAN SA MINDANAO?

MINDANAO

ANO ANG PINAKAHULING BALITANG NARINIG KO TUNGKOL SA MINDANAO?

ANO ANG GUSTO MO PANG MALAMAN TUNGKOL MINDANAO?

Page 3: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

3 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.youtube.com/watch?v=oKYnZI-jsMI

Para sa Face to Face at Modular Distance Learning (MDL):

SI USMAN, ANG ALIPIN (Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni DAtu Abdul Sampilna isang

Maguindanaoan mula sa lungsod ng Cotabato (1983).

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, mataas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.

Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakawalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak. “Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili. “Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi

siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng

lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.

Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang

lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo. Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang

pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao. Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan. Nang

makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting kalooban.

Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.

Page 4: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

4 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong

kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang

panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Panuto: Punan ng wastong titik ang mga blankong kahon sa ibaba upang mabuo ang kasingkahulugan ng salita.

1. Pagsusumamo -

P M A K W A

2. Panangis

A - I K

4. NAPAGTANTO

A L M

5.

3.

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. 1. Ano-ano ang mga katangian ni Usman? Bakit kahit wala naman siyang nagawang kasalanan ay ipinabilanggo siya ng sultan?

2. Paano mo mailalarawan ang sultan bilang isang pinuno? Ano kaya ang mangyayari sa isang pamayanan kung katulad niya ang magiging lider o pinuno? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Bakit nagmakaawa si Potre Maasita, ang anak ng sultan, upang pakawalan si Usman?

5. Kung ikaw ang anak ng sultang ito, ano-ano ang mga gagawin mo para mapag-isipan ng iyong ama ang maling ginagawa niya at baka sakaling magkaroon ng katahimikan hindi lamang sa inyong tahanan kundi maging sa kahariang kanyang nasasakupan?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Tandaan na kapag sinabing PAGHIHINUHA ito ay tumutukoy sa prediksyon sa mangyayari gamit ang mga impormasyon at mga pangyayari sa akda. Ito ay mga clues (himaton) o tanda, bakas, palatandaan na ginamit sa binasang kuwento. Dapat ding tandaan na magagawa lamang ang PAGHIHINUHA (inferring) kung lubos na nauunawaan ng mambabasa ang kanyang binasang seleksyon.

Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti ng magbabasa, buhat dito ay makakayanang bumuo ng isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag- unawa niya sa nabasa Samakatwid tatak ng pagkaunawa sa bumabasa ang kakayahang gumawa ng paghihinuha (inferring) sa hinihingi ng binabasang akda. (https://prezi.com/bfsp3339nnqr/paghihinuha-at-paghuhula-sa-kalalabasan-ng-pangyayari/)

Gawain: 2

Pamagat: SALA-SALITA

Gawain: 3

Pamagat: Anong SAY Mo?

Nas awi

N A T Y

MAG LA HO

M W A

Page 5: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

Gawain: 4

Pamagat: Mahulaan mo kaya?

Panuto: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang binatang si Usman ay pumunta sa isang palengke malapit sa palasyo ng sultan. Mahihinuhang ang lugar ng sultan ay …

a. mas maunlad at may mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao b. ginagawang pasyalan ng iba pang mga tao c. katatagpuan ng kayamana at mahahalagang pilak

d. tirahan ng mga kamag-anak at mga kaibigan ng binatang si Usman

2. Dahil hindi matanggap ng sultan ang kanyang itsura, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanya ang pisikal na anyo ay dapat kitlin at maglaho. Sinunod lahat at hindi man lang ito tinutulan ng kanyang mga tauhan. Mahihinuha sa pahayag na ito na?

a. malapit sa kanyang mga tauhan ang sultan b. kinatatakutan ang makapangyarihang sultan c. mayaman at maraming ari-arian ang sultan d. masipag at mapagmalaki ang sultan

3. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay …

a. matigas ang kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi d. matalino

4. Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawang ito ng dalaga na …

a. matatakutin siya at madaling sumuko sa mga pagsubok b. matalino siya at laging umiisip ng paraan c. mapagmalaki siya at hindi basta nakikinig sa magulang d. malakas ang kanyang loob at hindi siya basta sumusuko

5. Nang magkaroon ng malakas na lindol sa kanilang lugar ay hindi nagdalawang isip sina Usman

at Potre Maasita na tumulong sa mga kababayang nasalanta. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. Mahihinuhang ang taumbayan ay …

a. nagagalak sa pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng nagdaang malupit na pinuno

b. nag-aalala na baka ang susunod na pinuno ay malupit ding tulad ng nauna c. namamayani ang kagustuhan para sa mga pinunong may magagandang itsura

d. nagbabakasakaling makatagpo na sila ng mga pinunong makatutulong upang maging mayaman ang bawat isa sa kaharian.

5 | S.Y. 2020-2021

Page 6: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 5

Pamagat: Pagsusuri: Trailer ng Pelikula

Panooring mabuti ang trailer ng pelikulang Bagong Buwan sa link nahttp://www.youtube.com/watch?v=v0Gj84B47kM

Bigyang-pansin ang mga kaganapan, diyalago, tagpuan at mga kaugaliang itinampok. Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos panoorin ang video clip.

1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ng pangunahing tauhan na “Hindi lahat ng ipinaglalaban natin ay makukuha sa armas at dahas”?

2. Ipaliwanag ang pahayag na ito: “Ipagpatuloy natin ang laban sa paraang mapayapa at kung kinakailangan ay sa paraan ng digmaan.”

3. Ano ang ipinahiwatig ng pangunahing tauhan nang sinabi niyang “Layunin ko ang makatulong sa aking kapwa tao, Kristiyano man o Muslim”?

4. Ipaliwanag ang pahayag na: “Kung ang lahat ng batang katulad mo ay sasabak sa digmaan, ano pang mangyayari sa bansa natin?”

5. Mayroong bahagi ng trailer kung saan ipinakikita na nagdarasal ang isang pamilyang Muslim at dalawang Kristiyano. Paano mo maiuugnay ang pananampalataya ng dalawang pangkat ng tao sa napanood na trailer?

6. Anong impresyon ang nabuo sa iyong isipan ukol sa mga kaganapan sa Mindanao batay sa napanood mong video clip? Bakit?

7. Ano ang iyong tungkulin kaugnay ng mga suliraning kinakaharap ng bansa kaugnay ng Mindanao? Bakit?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay Isulat sa mga ulap ang mahahalagang

kaisipan ang iyong personal na opinion sa

Halimbawa:

tanong sa ibaba. Sa kulturang Muslim napakalaking

respeto ang iniuukol sa kanilang pinuno at nakatatanda. Kung ikaw ang tatanungin susundin mo ba ang utos ng isang pinuno

Paliwanag:

o lider kung alam mong taliwas ito sa tama? Ipaliwanag ang sagot. Maaaring magbigay ng halimbawa H. Paglalahat ng Aralin

Ano kaya ang nalinang na kaisipan sa iyo pagkatapos ng mga gawain ito? Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

6 | S.Y. 2020-2021

Nalaman ko batay sa kuwentong-bayan tungkol kay USMAN na ang mga taga-Mindanao pala ay

Ang mga kaugaliang at kulturang Muslim na nalaman ko sa araling ito ay

Page 7: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot. 1. Ang mga taga-Maguindanao ay itinuturing na pinakamalaking pangkat-etniko ng mga Pilipinong_?

a. Katoliko b. Igorot c. Muslim d.Ita 2. Ang mga sumusunod ay mga katangiang taglay ni Usman MALIBAN sa:

a. Matapang b. Matapat c. Maputi d. Mataas 3. Ano ang naging kautusan ni Sultan Zacaria sa kaniyang mga tauhan?

a. Itapon sa malayong lugar ang sinumang makahigit sa kaniyang kayamanan. b. Kitlin at maglaho ang mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal. c. Palalayasin sa kanilang lugar ang sinumang manliligaw sa kaniyang anak. d. Igalang siya ng lahat ng tao at yumuko sa tuwing siya’y dadaan.

4. “Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang pagmamakaawa ni Potre Maasita sa kanyang ama subalit hindi man lang siya pinansin nito. Mahihinuhang si Sultan Zacaria ay …

a. matigas ang kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi d. matalino 5. Ano ang ipinahihiwatig sa ibaba nang nagpahayag? “Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi

ng isa kay Tuan Putli. “Maaaring isa lamang siyang espiritu!” a. Nasa panahon sila na may malalim na paniniwala ukol sa mga engkanto. b. Nasa panahon sila na talamak na ang pangangaliwa. c. Nasa panahon sila na unti-unting lumalim ang inggitan. d. Nasa panahon ito ng paglalaban ng paniniwala at pag-ibig.

6. Ano ang katangian ng ahas sa kanyang pahayag? “Tinalo mo ako, kaibigan! Paanong nangyari iyon?” tanong ng ahas sa pagong. a. mapagduda b. mapagkumbaba c. mayabang d. mandarambong

7. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang mga panitikan mula sa Mindanao kaugnay sa pag-unawa sa mga Mindanaoan? a. Dahil hindi ito ganap na natatalakay sa pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas b. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepsyon sa mga taga-Mindanao c. Sapagkat dumarami ang mga panitikang Mindanao na nalalathala sa kasalukuyan d. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa Mindanao

8. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kulturang Mindanao? a. Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao. b. Makikilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao. c. Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao. d. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao.

9. Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi totoo sa Mindanao? a. Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan. b. May iba’t ibang kultura ang mga mamamayan dito. c. Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Mindanao. d. Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang Mindanao.

10. Paano nailahad sa mga akdang Mindanao na may pagkakasundo at pagkakaisa sa Mindanao? a. Itinatampok sa mga akda ang kultura ng mga tribo. b. Inilalahad ang magandang ugnayan ng mga tao sa akda. c. Inilalarawan ang pangarap ng isang tao na magtagumpay. d. May iba’t ibang paniniwala’t wika ang Mindanao.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

7 | S.Y. 2020-2021

Page 8: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

8 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay

II. Paksang Aralin / Lunsaran

PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY Lunsaran : “Ang Lanao del Sur”

Sanggunian: Ang Pluma p.18 -24 Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan – p. 7-10 Rex Interactive (Online Educational Portal, for Teachers, Students, and Parents) https://prezi.com/qx65alairefm/mga-pahayag-sa-pagbibiga-ng- patunay/?frame=42f37099f02f3d36bb4fc657d1d9e86cb0922900 https://www.academia.edu/40013227/KONTEKSTUWALISADONG_BANGHAY- ARALIN_SA_FILIPINO_BAITANG_7_KWARTER_1?auto=download https://www.slideshare.net/cli4d/mga-37194330

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin at /o Balik-Aral

Sa puntong ito, natitiyak kong nagkaroon ka na ng makabuluhang pang-unawa hinggil sa

konsepto ng kuwentong-bayan at ilang paniniwala at tradisyon ng mga taga-Mindanao. Sukatin

natin tama ito at sagutin ang katanungang ito:

TANONG: Masasalamin ba ang mga paniniwala at katangian ng ilang taga-Mindanao sa kanilang

mga kuwentong-bayan? Ipaliwanag ang sagot sa loob ng 2 pangungusap.

Ang iyong misyon sa paksang ito ay kailangan magamit mo nang wasto ang mga pahayag sa

pagbibigay ng patunay hindi lang sa larangan ng akademiko kundi maging sa iyong pang-araw-

araw na gawain/buhay.

Isang masayang pagbati sa iyo aking minamahal na mag-aaral!

Tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa mga PAHAYAG NA NAGBIBIGAY NG

PATUNAY. Huwag kakaligtaang ang pokus pa rin ng mga panitikang

tinatalakay natin ay nakaangkla pa rin sa mga Kuwentong Bayan ng mga taga-

Mindanao. Mayroon ka bang ideya tungkol dito? Huwag kang mag-alala kung WALA ang sagot

mo, tutulungan kita sa iyong pag-aaral ukol dito.

Handa ka na ba? Siguradurin lamang na buo ang iyong atensyon at walang anumang abala

habang mag-aaral tayo. SIMULAN NA NATIN!

Page 9: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

9 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Bilang panimulan, tignan ang larawan sa ibaba at sagutin ang kaugnay na tanong.

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Para mapatunayan ang KATOTOHANAN sa mga isasagot sa mga tanong, ano ang

kailangang ibigay ng taong sasagot nito?

Halimbawa ang tanong ay ganito, Paano mo mapapatunayang anak ka ng tatay at nanay

mo? Maaaring isasagot mo ay kasi sa kanila ka lumaki at sila ang nakalakhan mong mga

magulang. Ngunit mayroon ka bang ebidensiyang magpapatunay na lehitimong anak ng mga

magulang mo? Ano ang sagot mo?

Maaaring ang isasagot mo ay mayroong kang Birth Certificate na magpapatotoong sila

nga ang mga magulang mo.

Sa makatuwid sa pagbibigay ng PATUNAY sa isang bagay mahalagang masundan ito ng

mga EBIDENSIYA o DATOS.

May iba pang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-patunay.

Halina’t basahin ang mga ito

Para sa Online Distance Learning (ODL): maaari ring bisitahin ang mga sumusunod na link https://www.slideshare.net/cli4d/mga-37194330

https://prezi.com/qx65alairefm/mga-pahayag-sa-pagbibiga-ng- patunay/?frame=42f37099f02f3d36bb4fc657d1d9e86cb0922900 https://www.youtube.com/watch?v=Qt2w-ca8nAo

Para sa Face to Face at Modular Distance Learning (MDL):

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.

Makatutulong ang mga pahaag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay

maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwaang ang mga

pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay

sa katotohanang inilalahad.

PAMPROSESONG TANONG

Ano ang iyong ginawa upag masagot mo ang tanong sa itaas? Magtanong ka ba sa mga magulang mo ? o kaya sa ate/kuya mo? Nag research ka ba sa internet? Nag-chat sa kaklase? SAGOT

Gawain: 1

Pamagat: PATUNAYAN MO!!!

TANONG: ALIN ANG NAUNA? ITLOG O MANOK?

SAGOT: (PATUNAYAN MO ANG SAGOT MO)

Page 10: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

10 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Naririto ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:

1. May dokumentaryong ebidensya – ang mga ebidensyang magpapatunay na maaaring

nakasulat, nakalarawan, o naka-video.

2. Kapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensya, patunay, at kalakip

na datos ay kapani-paniwala ay maaaring makapagpatunay.

3. Taglay ang matibay na kongklusyon – isang katunayang pinalalakas ng ebidensya,

pruweba, o impormasyong totoo ang kongklusyon.

4. Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya subalit

sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

5. Nagpapakita-salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo/ tunay.

6. Nagpapatunay/katunayan – salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala

sa ipinahahayag.

7. Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang

pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

MGA HALIMBAWA: Pansinin ang pagkakaiba ng mga halimbawa sa Hanay A at HAnay B Hanay A Hanay B

Mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay.

Ayon sa Department of Health (DOH), mapipigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng kamay, hindi paghawak ng kamay sa mukha, at pagpapanatili ng distansya sa pagitan ng sarili at sa iba.

Nakamamatay ang COVID-19. Ang pagdami ng bilang mga mga mananatay sa COVID-19 sa buong mundo ay nagpapahiwatig ng pagiging mapanganib ng virus na ito.

Buhay ang diwa ng bayanihan sa Pilipinas sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

Ang tulong na ibinigay ng iba’t ibang sector at indibidwal ay nagpapakita na buhay ang diwa ang bayanihan sa ating bansa sa gitna ng pandemyang kinakaharap natin.

Ang COVID-19 ay mapanganib dahil sa mataas na bilang ng mga apektado ng virus na ito sa buong mundo.

Ang COVID-19 ay peligroso dahil sa mataas na bilang ng mga apektado ng virus na ito sa buong mundo. Sa datos na ibinigay ng CNN umaabot na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mahigit 6.3 milyon ngayong Hunyo 2, 2020.

Maraming mga Pilipino ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa dokumentong inilabas ng DOH na sinertipikahan ng RITM ang bilang ng kaso na nagpositibo sa COVID-19 ay umabot na sa 18,997 ngayong araw, Hunyo 2, 2020.

Anong mapapansin mo sa mga halimbawa sa Hanay A at Hanay B? Mayroon ba silang pagkaka-iba? Ano sa tingin mo ang pagkakaiba nila?

TAMA ka kung sinabi mong ang mga pahayag sa Hanay B ay gumamit ng mga Patunay upang mapatotohanan ang mga pahayag.

Hindi ba’t nagkakaroon ng bigat at kredibilidad ang PAHAYAG kapag mayroon PINAGBATAYAN ang isang KATOTOHANAN?

Page 11: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

11 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Naisip mo ba na sa susunod na makipag-usap ka o magsulat ka ng isang katotohanan ay magiging matibay ang iyong patotoo kung magbibigay ka ng mga patunay dito?

TANDAAN: Sa pagbibigay ng PA na salita/mga salita: ✓ Ayon sa ✓ Katunayan ✓ Nagpapahiwatig

✓ Nagpapakita

HAYAG NA NAGPAPATUNAY maaring ✓ Makikita sa datos na ibinigay ✓ Sa dokumentong ipinakita ✓ Pinatutunayan ng mga ebidensya

✓ Batay sa datos na ibinigay

gamitin ang mga sumusunod ✓ Makikita sa larawan ✓ Sa inilabas na datos ✓ Mapapanood sa video

✓ Sa datos na ibinigay

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Panuto: Basahin ang maikling teksto tungkol sa isa pang lugar sa Mindanao, ang Lanao del Sur. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong gamit ang mga PAHAYAG NA NAGPAPATUNAY.

ANG LANAO DEL SUR

Ang Lanao del Sur ay isa sa limang lalawigang kabilang sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang Lanao del Sur ay binubuo ng 39 na bayan at isang lungsod, ang lungsod ng Mawari na siya ring kabisera ng lalawigan.

Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang “lawa”. Matatagpuan kasi rito ang Lawa ng Lanao na siyang pinakamalaking lawa sa Mindanao at pangalawang pinakamalaki sa buong Pilipinas (sumusunod ito sa Lawa ng Laguna. Apat na ilog ang bumubuhay sa lawa habang ang Ilog ng Agus lamang ang ilog na dumadaloy mula rito. Ang lawa ay mahalagang bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito kaya naman, ang mga Mёranao na siyang tawag sa mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding “mga tao sa lawa”. Kapag araw ng palengke, makikitang ang buhay ng mga tao ay nakasentro sa lawa ng Lanao na labis na abala sa dami ng mga bangkang nagyayao’t dito sa pagdadala ng mga paninda. Ito rin ng isa sa mga pangunahing paraan ng transportasyon sa mga bayan ng Lanao del Sur.

Mёranao rin ang tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigang ito. Ang nakararaming mamamayan sa Lanao ay mga Muslim. Kilala ang mga Mёranao sa pagiging malikhain. Mikikita sa kanilang kagamitang panseremonya at iba pang mga kagamitan ang mga ukit na tinatawag nilang okir kung saan ang pinakilala ay ang sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na hugis ahas na madalas makita sa hawakan o puluhan ng kanilang mga kampilan.

Mapalad ang mga Mёranao sa pagkakaroon ng magandang klima, hindi masyadong mainit at lihis din sila sa daanan ng bagyo kaya hindi sila gaanong nasasalanta ng mga bagyong dumaraan sa ating bansa.

Sagutin ang mga tanong GAMIT ANG MGA PAHAYAG NA NAGPAPATUNAY.

1. Batay sa binasa, ano-ano ang magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao sa buhay ng mga Mёranao?

Gawain: 2

Pamagat: SUBUKIN NATIN

Page 12: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

12 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

2. Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na malikhain at may katutubong sining ang mga Mёranao?

3. Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri ng klimang umiiral sa Lanao del Sur?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Karagdagang Kaalaman

Ang PAGPAPAHAYAG ay paraan ng pagsasabi ng isang tao kung ano ang

nararamdaman, opinion, damdamin, at impormasyong nais ibigay sa kausap. Ito ay mabisang

paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan sa ibang tao gamit ang iba’t ibang midyum o

paraan. Maaari itong pasalita o pasulat

Ang ilang anyo ng pagpapahayag na kailangan ng patunay ay ang BALITA, EDITORYAL,

PORMAL NA SANAYSAY, at iba pang sulating katulad nito na ang pangunahing layunin ay

magpabatid. (Correa, 2015)

Panuto: Ilagay sa kahon ang kung ang pahayag ay NAGBIBIGAY NG PATUNAY at ang kung HINDI ito nagsasaad ng patunay.

1. Ang mahigit labing-anim na milyong boto para kay Pangulong Duterte ay patunay na nakatawag-pansin sa maraming mamamayang Pilipino ang kanyang pangakong pagbabago.

2. Umaasa ang marami na may magbabago nga sa kani-kanilang buhay.

3. Unti-unting nabibigyang-pansin ang mga personalidad mula sa Mindanao at bilang patunay rito, ang tatlong matataas na personalidad sa pamahalaan ay pawang mga taga-Mindanao.

4. Ang Department of Agriculture ay maglalaan ng 30 bilyong pisong badyet para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng sapat na bigas o pagkain sa loob ng dalawang taon.

5. Huwag lang sana tayong salantain ng malalakas na bagyo. 6. Pinatutunayan ng mga dokumentaryong ebidensya na ang Pilipinas ay bansang

pinakalantad sa mga bagyo dahil sa kinalalagyan nito at sa mahigit pitong (7) libong islang lantad sa hangin at ulang dala ng mga bagyo.

7. Katunayan, sa bawat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o Philipine Area of Responsibility.

8. Maging handa tayo sa pagdating ng mga mapaminsalang bagyo.

9. Pinatunayan ng ginawang pag-audit sa mga operasyon ng minahan sa bansa na may ilang minahang sumisira sa kapaligiran kaya naman ang apat sa mga minahang ito ay ipinasara ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.

Gawain: 3

Pamagat: TAMA o MALI?

Page 13: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

13 | S.Y. 2020-2021

10. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating saligang batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.

Page 14: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 4

Pamagat: SULAT-TALATA

Panuto: Sumulat ng isang talata na pinatutunayang ang mga katutubong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. (Gumamit ng mga paghayag na nagpapatunay)

Panukalang Ribrik sa Pagmamarka 1. Ang Talata ay binubuo ng 5 o higit pang pangungusap - 5 pts

2. Gumamit ng 3 o higit pang pahayag na nagbibigay ng patunay- 5 pts

3. Tumpak ang sinulat sa paksang hinihingi (sumasalamin sa tradisyon at kaugalian - 5 pts

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Anong pagpapatunay ang ibibigay mo sa sitwasyong ito?

Ang iyong kapatid ay mahilig kumain ng mga junk foods (kagaya ng mga kendi, chichirya, chocolates, burgers, pizza at soft drinks), patunayan mo sa iyong kapatid na masama sa kalusugan ang pagkain ng mga ganitong uri ng pagkain. (Gumamit ng mga patotoo / ebidensya)

H. Paglalahat ng Aralin

Tugunan ang hinihinging impormasyon ng Chart sa ibaba. Sa pamamagitan nito, matataya mo ang sariling pagtamo at pag-unawa sa napag-aralang paksa. ABaKa Chart

A Ano ang nalaman ko tungkol sa pahayag na nagbibigay ng patunay?

Ba Bakit mahalagang ang malaman ang pahayag na nagbibigay patunay

Ka Kailan ginagamit ang mga pahayag na nagbibigay ng patunay?

13 | S.Y. 2020-2021

Sagot: Alam mo ba na masama sa kalusugan ang mga Junk Foods dahil

Page 15: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay paraan ng pagsasabi ng isang tao kung ano ang nararamdaman, o iba pang opinion,

damdamin, at impormasyong nais ibigay sa kausap.

a. Pagbabasa b. Panonood c. Pakikinig d. Pagpapahayag

2. Ano ang kailangang gawin upang mapatunayang totoo ang ibinibigay na pahayag?

a. Magbigay ng mga patunay b. Salungatin ang pahayag

c. Manahimik at huwag magpahayag d. Maghabi ng mga ebidensya o patunay

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pahayag na nagbibigay ng patunay

a. Ayon sa … b. Siguro ay …

c. Katunayan ay ... d. Makikita sa datos…

4. Alin sa mga pahayag ang magbibigay ng patunay?

a. Sa aking palagay mayaman ang kultura ng mga Taga-Mindanao.

b. Muslim ang relihiyon ng mga taga-Mindanao.

c. Tunay ngang nararapat na pag-aralan ang mayamang panitikan ng mga taga-Mindanao dahil

sumasalamin ang mga ito sa kanilang mayamang kultura at kaugalian.

d. Marahil ay matutuhan natin ang ugat ng kultura ng mga Muslim kung pag-aralan natin

aang kanilang panitikan.

5. Alin sa sumusunod na kaisipan ang hindi totoo sa Mindanao?

a. Marami itong magagandang tanawin na maaaring pasyalan.

b. May iba’t ibang kultura ang mga mamamayan dito.

c. Pangkaraniwan ang digmaan sa lahat ng bahagi ng Mindanao.

d. Bunga ng mga pangyayari sa kasaysayan ang kasalukuyang Mindanao.

Panuto: Isulat sa patlang ang P kung ang pahayag ay nagbibigay ng patunay at ang DP kung

hindi ito nagsasaad ng patunay

6. Si Anna ang pinakamasipag sa klase.

7. Pinatutunayan ng I-Witness na sadyang maraming kabataan ang nagsusumikap sa buhay

makatapos lamang ng pag-aaral.

8. Ang salapi o sobrang pagmamahal pera ay nagiging ugat ng lahat ng kasamaan sa ating

mundo.

9. Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ng Korte Suprema ang senador na

magkasala hinggil sa Pork Barrel Scam.

10. Ayon sa nakalap na larawan, kapani-paniwala nga ang matinding problemang dulot ng

Codiv-19 sa ekonomiya ng Pilipinas.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

14 | S.Y. 2020-2021

Page 16: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

15 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PN-Ic-d-2 Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan.

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Pabula Lunsaran: “Natalo Rin Si Pilandok”

Sanggunian: Pinagyamang Pluma, pahina 26-42 Rex Interactive (Online Educational Portal, for Teachers, Students, and Parents) https://www.youtube.com/watch?v=Sss56DWyIWQ https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18629551695 https://prezi.com/zu1cie_yltd3/natalo-rin-si-pilandok/

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin / Balik-aral

Marahil sa mga nakaraang pag-aaral mo noong nasa elementarya ka pa nakapagbasa ka

na ng mga babasahing hayop ang gumaganap sa kuwento. Alam mo ba kung ano ang tawag sa

mga akdang pampanitikang ito? Tama ka kung ang sagot mo ay PABULA.

Sa Modyul na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa PABULA.

Tuturuan din kita sa paghihinuha ng kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwento.

Inaaasahan na pagkatapos ng araling ito ay malalaman mo kung ano ang ibig sabihin ng

Pabula, bibigyan din kita ng mga halimbawa ng kuwentong pabula, at tuturuan din kitang

makapaghinuha ng kalalabasa ng mga pangyayari gamit ang mga binasang pabula.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Panuto: Ibigay ang mga pangalan ng sumusunod na hayop. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

1 2 3 4 5

Magandang Umaga!

Handa ka na ba sa isang panibagong aralin na tiyak mong kagigiliwin? Ang

paksang ating tatalakayin ay tungkol sa PABULA.

May ideya ka ba rito? Kung WALA ay huwag kang mag-alala dahil sa araling ito ay tutuklasin

natin at papayabungin ang bagong kaalaman na ito.

Paalala lamang ibigay ang buong atensyon upang lubos na maunawaan ang paksa.

HALINA, SIMULAN NA NATIN!

Gawain: 1

Pamagat: HULAAN MO BES!

Page 17: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

16 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Ang mababasa mong kuwento ngayon ay isang halimbawa ng pabula na pinamagatang

“NATALO RIN SI PILANDOK”, bago tayo dumako sa kuwento talakayin muna natin Ano nga ba

ang ibig sabihin ng PABULA? Paano ito nagsimula?

Para sa Online Distance Learning (ODL) Maaaring bisitahin ang mga susmusunod na sites: (PABULA)https://www.slideshare.net/maryjeandemate/pabula-77162625 https://pubhtml5.com/gvyd/kfkc/basic https://www.youtube.com/watch?v=Sss56DWyIWQ

Para sa face to face at Modular Diatance Learning (MDL):

Ang PABULA ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan. Isa itong salaysay

o kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita, ngunit sa mas malalim na

pakahulugan ng kuwento, ang mga hayop na ito ay nagsisilbing representasyon ng mga tao sa

lipunan.

PAANO NAGSIMULA ANG PABULA?

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA

Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o “mito”. Nagsimula ito sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng ga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan. Ang ilan sa mga naunang kilalang koleksiyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga bansa sa Silangan. Ang iba pang koleksyon ay nagmula naman sa mga Griyego at Romano kung saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga elementong panrelihiyon.

Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni Aesop na gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang mga tao bilang mga pangungahing tauhan. Si Aesop na isang Griyego at

nabuhay noong panahong 620 hanggang 560 BC ay itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula (ancient fables). Tinatayang siya ay nakasulat ng mahigit 200 pabula sa kaniyang buong buhay.

Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa kabilang ang ating bansa. Naging laganap ito maging nang bago pa dumating ang mga mananakop. Nagamit din ng ating mga ninuno ang mga kuwento at aral na taglay ng mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang- asa; at mabuting pamumuhay sa mga tao lalong-lalo na sa kabataan.

Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao tulad ng pagiging malupit, makasarili, mayabang, tuso, madaya at iba pa. Itinuturo rin ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at makataong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa, Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

May ideya ka ba kung ano ang hitsura ni Pilandok? Kung wala, halina ipapakita ko si Pilandok sa iyo.

Ang pilandók (Tragulus nigricans) o Philippine Mouse-deer sa wikang Ingles, ay kilalá rin sa tawag na Balabac Mouse Deer. Ito ay matatagpuan lámang sa maliliit na isla ng Balabac, sa timog- kanlurang Palawan. Itinuturing itong subspecies ng Greater Mouse-deer

May kulay itong itim o kayumangging balahibo na may mga guhit ng kulay putî sa may dakong leeg at dibdib. Payat ang mga binti nitó. Ang lalaki ay walang mga sungay tulad ng isang tunay na usa. Ginagamit nitó ang matatalas na mga ngipin, na katulad sa mga aso, bilang pananggalang sa sarili o sa pakikipaglaban para sa teritoryo.

Page 18: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

17 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Sa mga kuwentong-bayan sa Filipinas, binibigyang buhay ng pilandok ang isang tuso at mapanlansing hayop. Sa isang kuwentong Maranaw, nakumbinsi ng pilandok ang isang prinsipe na ibigay sa kaniya ang isang bag na may lamang ginto. Nanganganib na mapuksa ang pilandok dahil sa pagkawala at pagkasira ng kanilang tirahan sa kagubatan, panghahanting, at hindi matigil na kalakalan ng mga mababangis na hayop.

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.youtube.com/watch?v=_vQgRa53g9Y Sipi ng pabula: http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2017/01/natalo-rin-si-pilandok-pabula.html

Para sa Face to Face at Modular Distance Learning (MDL):

NATALO RIN SI PILANDOK “Maging mapanuri sa karakter ng isang tao Upang

maiwasang mabiktima ng mga tuso at manloloko”

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito, bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.

Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na magpunta sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na magkakalasog-lasog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata. “Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awang-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.” Ang dugtong pa nito.

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo.

“Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag- iisip. “Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong tiyak na makabubusog sa iyo”. ang paniniyak nito.

“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo. “Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng pilandok. “Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at

pinalalaki ang kanyang dibdib. “Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis

mong tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo.

Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok.

Page 19: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

18 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng pilandok sa baboy-ramo.

Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon. Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.

“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masis iyahan diyan,” ang sagot ng pilandok.

“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng baboy-ramo.

“Doon, sa gawing hilaga,” ang sagot ng pilandok. Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking

nagtatanim. Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston. “Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi

ako matitinga riyan,” ang sabi ng baboy-ramo. “Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na

lang iyan. Hindi iyan nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.

Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok.

“Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi ng pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.

“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising sabi ng pilandok.

“Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong nakabangon at napaputok ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.

Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom. Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang may sumunggab sa kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang umiinom sa batis.

Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong pilandok. “Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok.

Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya ngayon ay natuto na siya. Baka isa na namang patibong ito ng pilandok.

Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat- kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong pilandok

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit ang suso ay naisip ng Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang- kaya niyang talunin ang pilandok.

Page 20: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

19 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang pagiging tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-parehong itsura.

Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya nang magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso. Kinamayan niya ang suso at buong pagpapakumbaba niyang sinabi, “Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo ako.”

Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay Pilandok.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa pangungusap. Bilugan ang nakitang kasingkahulugan. Ang unang bilang ay ginawa na bilang halimbawa 1. Ipinagbunyi ng mga hayop ang pagkapanalo ng isang munting hayop laban kay Pilandok

subalit lalo nilang pinagdiwang ang narinig na pagbabago na ni Pilandok.

2. Mabuti na lang at nakalundag si Pilandok palayo dahil hindi naman nakatalon ang mabigat at

malaking buwaya.

3. Sinagpang ng buwaya ang kaniyang paa subalit hindi siya nagpahalatang nasaktan kahit pa

sinunggaban siya nito.

4. “Ang matikas na baboy-ramong tulad mo ay nababagay lamang kumain ng isang matipunong

tao” ang pambobola ni Pilandok sa baboy-ramo.

5. Isang baboy-ramo ang nakatago sa malalabay na sanga kaya’t hindi ito nakita dahil sa

malalagong dahong tumatakip dito.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Ang paghihinuha o inferring sa Ingles ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na nauunawaan niya ang kaniyang binabasang artikulo o seleksyon.

Maaaring gamitin ang mga sumusunod na salita sa paghihinuha:

Baka Tila Wari Marahil Siguro

Halimbawa sa Pangungusap: - Marahil totoo ang kanyang sinasabi. - Si Maria ay tila maglalaba mamaya. - Siguro may bagyong darating dahil makulimlim. - Baka matagalan pa bago siya bumalik

Gawain: 2

Pamagat: I-tala-SALITA-an!

Page 21: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

PANUTO: Maghinuha batay sa nabasa o napakinggang akda. Bilugan ang titik na iyong napili. Bigyang-paliwanag din ang iyong hinuha.

1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya hayop

a. iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kaniya. b. mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga halimbawa niya.

c. pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kaniyang mga kapwa hayop. dahil

2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag- krus uli ang landas ng dalawa?

a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok. b. Muli na naming maiisahan ni Pilandok ang buwaya. c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya.

dahil

Gawain: 4

Pamagat: BILUGAN NATIN!

Suriin ang sumusunod na pangungusap. Panuto: Bilugan ang salitang naghihinuha sa bawat pangungusap.

1. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo. 2. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala. 3. Baka kaya hindi tayo umaasenso kasi kulang tayo sa gawa. 4. Tila maganda ang suhestiyong ‘yan lalo na kung marami ang magkakaisa para maipatupad ito. 5. Waring daig mo pa ang isang bayani sa iyong ginagawang sakripisyo.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 5

Pamagat: Isulat Mo!

Basahin ang sitwasyon: Nakatanggap

ka ng isang LIHAM na naglalaman ng isang

katanungang … “Naloko ka na ba?”

Nais kong makita ang iyong tugon sa

pamamagitan din ng isang liham upang

mapabatid ang karanasang iyong nasapit sa

mga taong manloloko. Ano ang nangyari? Ano

ang ginawa mo? Isalaysay ang pangyayari.

Maaaring gumamit ng isang buong papel / stationary/bond

paper para sa iyong output

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw

na Buhay

Sa panahong ngayon, maraming tuso

at manloloko. Iba’t ibang paraan ang kanilang

ginagamit upang makapanloko lamang tulad ng dugo-dugo, budol-budol at laglag barya kung

kaya’t hindi namamalayang ng mga biktima ay naisahan na pala sila.

20 | S.Y. 2020-2021

Page 22: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

Kung gayon, ano-anong hakbang o tip ang maaari mong maibigay para sa iyong sarili at sa ibang

tao para maiwasang maging biktima ng mga taong manloloko o mapanlinlang? Maglahad ng dalawa.

Pumili sa mga sumusunod baka, tila, wari, marahil, siguro at iba pa.

H. Paglalahat ng Aralin Panuto: Punan ng sagot ang kahon upang masukat natin ang iyong nalaman sa aralin na ito.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sinong griyego na itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula? a. Aesop b. Agio c. Soap d. Tulalang

2. Anong uri ng akdang panpanitikang ang mga kuwentong “Natalo rin si Pilandok”? a. Epiko b. Pabula c. Alamat d. Nobela

3. Sa kuwentong Natalo rin si Pilandok, kilala siya sa pagiging tuso at mapaglinlang. Sino siya? a. Buwaya b. Suso c. Pilandok d. Baboy ramo

4. Ano ang ginagawa ni Pilandok sa ibang mga hayop sa gubat? a. nagmamatigas b. nanloloko c. Nagpapaawa d. Nagdadamot

5. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli ang landas ng dalawa? a. Liliko ng landas ang isa b. Magiging magkaibigan ang dalawa c. Muling maiisahan ang buwaya d. Hindi na makakawala ng buhay si Pilandok

6. Si Pilandok ay kilala ng ibang hayop na manloloko at mapanlamang sa kapwa hayop, kung magpapatuloy pa rin si PIlandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa hayop ano ang maaaring maging kalabasan nito? a. Iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kaniya. b. Mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop c. Pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kaniyang mga kapwa hayop. d. Magiging kaibigan siya ng lahat ng hayop

7. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI ginagamit sa paghihinuha? a. baka b. tila c. sapagkat d. siguro

8. Base sa daloy ng kuwento magbigay ng paghihinuha kung ano sa palagay mo ang susunod na nagyayari sa kuwento. Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-kagat mo. Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat na paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang mabilis itong makalundag palayo.

a. mahuhuli ni buwaya si Pilandok b. mapuputulan ng paa si Pilandok c. Mamamatay si Pilandok d. Makakatakas si Pilandok

9. Ano aral ang maaaring mapulot sa kuwentong Natalo rin si Pilandok? a. Kapag may tiyaga may nilaga. c. Habang maiksi ang kumot matutong mamaluktot. b. Maging mapanuri sa karakter ng isang tao. d. Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

10. Paano sinasalamin sa pabula ang tradisyong Mindanao? a. Makikita sa kanilang mga pabula ang kultura at paniniwalang Mindanao. b. Maraming hayop na makikita sa Mindanao c. Ang mga taga-Mindanao ay mahilig magbasa ng pabula d. Sumasalamin ang mga pabula sa karahasang nagyayari sa Mindanao

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

21 | S.Y. 2020-2021

Sa aralin na ito, natutunan ko na

Page 23: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

22 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PB-Id-e-3

Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Wika: Sanhi at Bunga Lunsaran: Indarapatra at Sulayman

Sanggunian: Rex Interactive (Online Educational Portal, for Teachers, Students, and Parents) https://www.slideshare.net/may212015/konseptong-may-kaugnayang-lohikal https://www.youtube.com/watch?v=r23WlPYJp5I&list=PLhJC-- 85yB8M1qvFBVb0COQJmJAeB3GVc&index=2&t=59s https://tl.wikipedia.org/wiki/Mindanao https://www.youtube.com/watch?v=r23WlPYJp5I&list=PLhJC-- 85yB8M1qvFBVb0COQJmJAeB3GVc&index=2&t=59s https://philnews.ph/2019/07/06/indarapatra-at-sulayman/ https://quizlet.com/175279253/indarapatra-at-sulayman-sagutin-ang-tanong-flash-cards/

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Narinig no na ba ang salitang SANHI at BUNGA? Sa Modyul na ito ay ipapaliwanag natin ang SANHI at BUNGA.

Layunin ng araling ito na matulungan kang intindihin ang kahulugan at gamit sa sanhi at bunga. Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahang magiging malinaw sa iyo ang kaibahan ng sanhi at bunga upang makatutulong ito sa pagpapahayag ng iyong saloobin.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Bilang panimulang gawain, gamitin natin ang mga larawan na sa ibaba. Isulat sa kahon ang bilang

1 kung ang larawan ay nagpapakita ng unang pangyayari at 2 naman kung sa iyong palagay ay

nagpapakita ang larawan ng kinalabasan isang pangyayari.

Kamusta? Handa ka na ba sa isang panibagong aralin na tiyak mong kagigiliwin?

Kung gayon umpisahan na natin ang pagtalakay tungkol sa SANHI at

BUNGA.Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang ito? Kung HINDI ay huwag kang mag-

aalala dahil sabay nating tutuklasin at palalawakin ang iyong kaalaman.

Siguradurin lamang na buo ang iyong atensyon at walang anumang abala habang mag-aaral

tayo. SIMULAN NA NATIN!

Gawain: 1

Pamagat: Alin ang nauna?

Page 24: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

23 | S.Y. 2020-2021

sanhi bunga

nking galing sa pakikipaglaban at determinasyon ni Sulayman, natalo

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Alam mo ba na ang SANHI ay isang ideya na maaaring humantong sa isang BUNGA? Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag-aral kang

mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman sanhi. Tandaan na hindi sa lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Ilagay natin sa sitwasyong mas madaling maintindihan, ANONG IDEYA O PANGYAYARI

ANG NAUNANG NAGANAP (SANHI)? ANO ANG KINALABASAN (BUNGA)? Mga Panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga:

1. dahil sa 4. kasi 7. palibhasa 10. sanhi 2. sapagkat 5. buhat 8. kaya 11. epekto 3. nang 6. mangyari 9. tuloy 12. bunga nito

Mga halimbawa ng pangungusap:

pananda

1. Dahil sa a ang tatlong halimaw na nanalasa sa mga tao.

niya

Subuking sagutin ang sumusunod na mga halimbawa. Bilugan ang ginamit na pananda, ikahon ang sanhi at salungguhitan ang bunga.

1. Nakita ni Indarapatra na unti-unting nalanta ang halaman kaya kaagad siyang naglakbay upang hanapin ang kaniyang kapatid.

2. Matagumpay na natalo ng magkapatid na Indarapatra at Sulayman ang mga halimaw na sumasalakay sa kanilang nasasakupan bunga nito nagkaroon ng tunay na kapayapaan sa kanilang lugar.

3. Ipinagkatiwala ng hari ang kaniyang anak na babae kay Indarapatra upang ipakasal sapagkat iniligtas nito ang kanilang buong kaharian.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.youtube.com/watch?v=r23WlPYJp5I&list=PLhJC-- 85yB8M1qvFBVb0COQJmJAeB3GVc&index=2&t=59s Para sa patulang bersyo ng epiko: https://mariacristyjaranilla.files.wordpress.com/2010/12/epiko-

indarapatra.pdf

Para sa face to face at Modular Distance Learning (MDL)

INDARAPATRA AT SULAYMAN (Ang epikong ito ay isinulat ni Bartolomeo Del Valle. Ito ay tungkol sa dalawang magkapatid na si Indapatra, isang

hari at mandirigma, at si Sulayman, isa ring mandirigma, at ang kailang laban sa apat na halimaw na nangangalang: Kurita, Pah, Tarabusaw, at ang Ibong may Pitong Ulo.)

Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Mantapuli. Ang Mantapuli ay matatagpuan sa bahaging kanluran ng Mindanao, doon sa malayong lupain kung saan ang araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang makapangyarihang singsing, isang mahiwagang kris at isang mahiwagang sibat.

“Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan at lupigin mo ang aking mga kaaway!” ang makapangyarihang utos ng hari. Pagkatapos magdasal, inihagis niya ang sibat na

Page 25: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

24 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

si Hinagud nang ubod lakas. Nang makarating na ito sa Bundok Matuntun, agad na bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang hari.

“Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga Maguindanao. Sila’y pinahihirapan at kinakain ng mga walang-awang halimaw. Sinisira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang mga kabahayan. Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!” ulat ni Hinagud.

Nagalit si Indarapatra sa narinig. “Sino ang mga halimaw na iyon na walang awang pumapatay sa mga walang kalaban-laban na mga taga-Maguindanao?” galit na tanong ni Indarapatra.

“Ang una po ay si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain, kahit limang tao’y kayang maubos,” sagot ni Hinagud. “Ang ikalawa’y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang tao na nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang tao na kanyang mahuli’y agad niyang kinakain. Ang ikatlo’y si Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kweba na naninirahan upang makaligtas sa salot. Ang ikaapat ay isa pang ibon na may pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat maaari niyang matanaw ang lahat ng tao.” Sunud-sunod na paliwanag ni Hinagud.

Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang pinakadakilang mandirigma ng kaharian. “Mahal kong kapatid, humayo kayo at tulungan ang mga taga-Maguindanao. Heto ang aking mahiwagang singsing at si Juru Pakal ang aking mahiwagang kris. Makakatulong sa iyong pakikidigma ang mga ito.” Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at ipinakiskis niya ang singsing na ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi,”Ang halamang ito ay mananatiling buhay habang ikaw ay buhay at mamamatay ito kung ikaw ay mamamatay.”

At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta patungong silangan at lumapag sa Maguindanao. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Juru Pakal, ang mahiwagang kris, at kusang sinaksak si Kurita. Taas-baba si Juru Pakal hanggang mamatay si Kurita.

Pagkatapos nito ay kinalaban naman si Tarabusao. “Lisanin mo ang lugar na ito, kundi ay mamamatay ka!” ang malakas na utos ni Sulayman.

“Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!” sagot ni Tarabusao.

“Narito ako upang tapusin na ang inyong kasamaan”” ang matapang na sabi ni Sulayman. “Matalo man ako, mamamatay akong martir!” sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at natalo

ni Sulayman si Tarabusao.

Naglakad si Sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang bundok Bita ay balot ng mga kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal at pinunit nito ang isang pakpak ni Pah. Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman. Namatay si Sulayman.

Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa Maguindanao at hinanap ang kapatid. Nakita niya ito at siya’y nagmakaawa sa Diyos na buhayin muli ang kapatid. Tumangis siya ng tumangis at nagdasal kay Allah.

Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay Sulayman at biglang nagising pagkainom. “Huwag kang umiyak, aking kapatid, nakatulog lang ako nang mahimbing,” sabi ni Sulayman. Nagdasal sila Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos. “Umuwi ka na, aking kapatid, at ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw,” utos ni Indarapatra. Umuwi si Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa Bundok Guryan at doon nakipaglaban kay Balbal.

Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang natira. Dahil dito, lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si Balbal habang

Page 26: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

25 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

tumatakas. Ngunit ayon sa matatanda ay buhay pa si Balbal at patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.

Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagsipagtago sa kuweba ngunit walang sumasagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya’y magutom at mapagod. Gusto niyang kumain kaya’t pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsasaing ni Indarapatra. Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra.

Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang tiwala nito. Itinuro ng prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa kaharian nila. Nang makita ni Indarapatra ang raha, inialay ng raha ang kanyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus kanyang hiningi ang kamay ng prinsesa.

Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya ang mga tao kung paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi, magsaka, at mangisda.

Pagkalipas ng ilang panahon pa, nagpaalam si Indarapatra. “Tapos na ang aking pakay

dito sa Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa, manganak ka ng dalawa, isang babae at

isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-

Maguindanao, sundin ninyo ang aking kodigo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mg utos

hanggang may isang mas dakilang hari na dumating at mamuno sa inyo,” paalam ni Indarapatra.

Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kana. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

KALIWA KANAN

1. Nanalasa ang mga halimaw sa ilang lugar na nasasakupan ni Indarapatra

2. Pagkamatay ni Sulayman sa pakikipaglaban sa halimaw na si Pah

3. Iniligtas ni Indarapatra ang prinsesa mula sa kapahamakan

4. Hindi tumigil si Sulayman sa pakikipaglaban sa mga halimaw

5. Pilit na itinaboy si Sulayman ng halimaw na si Tarabusao

a. kaya ipinakasal ang dalawa b. dahil sa tungkulin nito bilang c. Namatay ang halaman d. kaya nagalit si Sulayman e. ipinadala ni Indarapatra ang

kaniyang kapatid na si Sulayman

Isulat sa patlang letrang S kung ang may salungguhit ay tumutukoy sa sanhi at letrang B naman kung tumutukoy ito sa bunga.

1. Nakita ni Indarapatra na nalanta ang halaman na itinanim niya tuloy ay kinutuban siya na

namatay ang kaniyang kapatid na si Sulayman.

2. Dahil sa determinasyon ni Sulayman na mapanatili ang kapayapaan sa kanilang kaharian

hindi ito nadalawang isip na labanan ang mga halimaw.

Gawain: 2

Pamagat: Subukin natin!

Gawain: 3

Pamagat: SAGUTIN NATIN

Page 27: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

26 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

3. Iniligtas ni Indarapata ang prinsesa kaya naman nagdesisyon ang ama nito na ipakasal

sa kaniya ang dalaga.

4. Lumipad agad si Sulayman patungo sa lugar kung saan nananalasa ang mga halimaw

upang talunin ang mga ito.

5. Nagsilikas ang mga tao sa iba’t ibang bayan dahil sa pananalasa ng mga halimaw sa

kanilang lugar.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Basahin ang buod ng kuwento at ibigay ang bunga batay sa sanhi ng pangyayari. Gumamit ng mga pananda sa pagbuo ng pangungusap.

1. Naghangad ang mga tao na higitan ang Diyos

2. Naghanap sila ng isang lugar na mapagtatayuan nila ng isang tore

3. Ginamit nila ang pagkakataon na sila’y may iisang wika

4. Naging mapangahas at mayabang ang mga tao

5. Hindi mapapantayan ng sinuman ang kapangyarihan ng Dakilang Diyos.

Gawain: 4

Pamagat: Pagtuklas sa tunay na pangyayari

Page 28: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://varsitarian.net/sci-tech/20160830/panganib-sa-kalusugan-dulot-ng-nagbabagong-klima

Panganib sa Kalusugan Dulot ng Nagbabagong Klima

Sa climate change, bumibilis at tumitindi

ang pagpapalit ng panahon. Sa bilis ng pagbabago, nahihirapan ang katawan ng tao na umangkop sa kalikasan kung kaya’t lumalala at bumibilis ang paglaganap ng mga sakit. Nagdudulot din ito ng mga bagong sakit.

Malaki ang papel ng klima sa paglala ng mga banta sa kalusugan. Salik din ito sa paglitaw ng bagong mapanganib na mga species tulad ng Zika virus na wala pang nahahanap na lunas, ani Professor Moises Garcia, Ph. D., isang environmentalist at propesor sa College of Accountancy ng Unibersidad.

Ang pagkalbo sa mga gubat at ang kawalan ng disiplina sa kapaligiran na siyang nagbigay-tahanan sa mga lamok na nagbitbit ng sakit ang naglapit ng Zika virus sa mga tao.

May kinalaman rin sa lalong pag-init ng klima ang kawalan ng puno sa mga lungsod. “Mas mainit na klima, mas maraming lamok, na maaaring maging vector,” sabi ni Garcia.

Matuturing na vector ang lamok kapag nakasipsip ito ng dugo mula sa taong may sakit tulad ng dengue o Zika virus fever, sapagkat dadalhin ng lamok ang sakit sa susunod nitong sisipsipan ng dugo.

Gawain: 5

Pamagat: Mahulaan mo kaya?

Panuto: Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap. 1. Ang labis na pagkalbo sa mga kagubatan ang isa sa mga nakikitang dahilan sa mabilis

na pagbabago ng klima sa mundo. 2. Dumarami ang mga lamok dahil sa mga basurang pinamamahayan ng mga ito. 3. Kawalan ng displina ng mga tao ang nagiging dahilan ng tambak-tambak na basura sa

Pilipinas. 4. Ang sakit na Zika virus ay nagmumula sa mga lamok na nagtataglay ng dugo ng isang

taong may dengue. 5. Ang mainit na panahon dulot ng climate change ang isa sa mga dahilan kung bakit marami

sa mga tao ang nagkakasakit.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Isulat sa mga ulap ang mahahalagang kaisipan ang iyong personal na opinyon sa tanong sa ibaba.

Sa gitna ng krisis na ating nararanasan sa kasalukuyang panahon, ano ang nais mong itanim (gawin) bilang isang mag-aaral na sa tingin mo ay magbubunga (mapakikinabangan natin) sa darating ng panahon? Ipaliwanag ang iyong sagot sa loob ng ulap.

27 | S.Y. 2020-2021

Page 29: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

H. Paglalahat ng Aralin Ano kaya ang nalinang na kaisipan sa iyo pagkatapos ng mga isinagawa nating pagsasanay? Sukatin natin. Pagmasdan ang larawan at dugtungan ang pahayag na, “Sana pala…”.

Sana pala…

I. Pagtataya ng Aralin Pagtukoy ng Sanhi o Bunga

A. Bilugan ang SANHI sa bawat pangungusap. 1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi. 2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat. 3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro 4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si Tatay.

5. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.

B. Salungguhitan ang BUNGA sa bawat pangungusap. 1. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain. 2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig. 3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol. 4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka’t nahimatay siya sa pagod.

5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

28 | S.Y. 2020-2021

Page 30: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

29 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PD-Id-e-4

Nasusuri ang isang dokyu-film batay sa ibinigay na mga pamantayan II. Paksang Aralin / Lunsaran

Sanggunian:

MAIKLING KUWENTO (Dokyu-film) LUNSARAN: “Pagislam”

Ang Pluma 72-86 https://tl.wikipedia.org/wiki/Muslim https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryong-pantelebisyon/ https://www.coursehero.com/file/p68t6ld/1-Titser-2-Edukasyon-3-Kabataan-Gagamitin-ang-mga- ideya-at-papalawigin-ito-E/ https://www.edrawsoft.com/template-story-elements-graphic-organizer.php https://www.youtube.com/watch?v=sHevyiFBTSg https://www.youtube.com/watch?v=dFVNRE5ZyA4 https://maiklingkwento.blogspot.com/2009/02/ang-musikerong-muslim.html https://i.pinimg.com/736x/0e/32/e9/0e32e9cdac1d5a9f0bc2bf4d55fb7ae1.jpg

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Alam mo bang ang mga Muslim ay mayroon tinatawag na pagislam?

Ang pagislam ay kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag sa mga Kristiyanismo. Ang seremonyang ito ay karaniwang ginagawa ng mga Muslim sa Mindanao hanggang sa kasalukuyan.

Sa akdang babasahin ay iyong matutunghayan kung nasunod ba ng mag-asawang Muslim ang seremonyang ito – ANG PAGISLAM

Halik subaybayan natin!

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon.

Ano ang paniniwala mo o ng iyong pamilya tungkol sa pagbibinyag?

Naranasan mo ba ang pagbibinyag? Kailan at saan ito nangyari?

PAGBIBINYAG

Sa palagay mo, bakit kailangan binyagan ang isang tao?

Isang masayang pagbati sa iyo aking minamahal na mag-aaral!

Tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa maikling kuwento na pinamagatang

“Pagislam” na mula pa rin sa Panitikang Mindanao asahan na sa araling ito ay gagawa

tayo ng isang pagsusuri- dokyu-film. Mayroon ka bang ideya tungkol dito? Kung WALA,

huwag kang mag-alala, tutulungan kita sa iyong pag-aaral. Handa ka na ba? Siguraduhin

lamang na buo ang iyong atensyon at walang anumang abala habang mag-aaral tayo.

Gawain: 1

Pamagat: LET’S SHARE IT!

Page 31: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

30 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Ang mababasa mong kuwento ngayon ay isang maikling kuwento ng mga Muslim. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan. Malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan at kanilang pagiging matapat. Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Maguindanao, Maranao, Samal, Tausug, Yakan, at Badjao

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.slideshare.net/eijrem/elemento-ng-maikling- kuwento-116846902

Ayon kay Genoveva Edroza-Matute, ang MAIKLING KUWENTO ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan.

Ang maikling-kuwento ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan. Karaniwang ang isang kuwento ay natatapos basahin sa isang upuan lamang.

Narito ang mga elemento at ang bahaging bumubuo sa banghay ng isang maikling kuwento.

- Tauhan - ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwneto. Ang tauhan ay maaaring maging mabuti o masama.

- Tagpuan - ang panahon at lugar kung saan nangyari ang maikling kuwento.

Malalaman dito kung ang kuwento ay nangyari ba sa panahon ng tag-ulan, tag- init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o lalawigan, sa bundok o sa ilog.

- Banghay - ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. o Simula - ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito

ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento. o Tunggalian - dito makikitang ang pakikitunggali ng pangunahing tauhan sa mga

suliraning kanyang kahaharapin. o Kasukdulan - ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang

pinakamaaksyon. Sa bahaging ito nabibigyang-solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.

o Kakalasan - sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas.

o Wakas - ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwnetong maaaring masaya o malungkot.

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.youtube.com/watch?v=GbXmEQaUq5s

Para sa Face to Face at Modular Distance Learning (MDL):

PAGISLAM (Mula sa aklat ng Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas nina Patrocino Villafuerte, et al.)

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman

niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-baruan

patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na

MAHALAGANG TANONG

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala, o kultura ng iyong lugar na kinalakihan o kinabibilangan?

Page 32: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

31 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

dumating na … dumating na ang kanyang hinihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki

kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay … Hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya.

Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah.

“Lalaki! At malusog na malusog!” mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang

bagong silang na sanggol.

“Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating

panalangin,” wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.

Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng panday. Gayon

na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa

pag-iyak.

“Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang ama,” bulong

sa sarili ni Ibrah.

Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang

kanyang ina.

“Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa ang kanyang

bang.”

Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sinabi ng ina. Magaan ang loob na tinungo

niya ang tirahan ng Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at

magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na

anak ng Muslim. Ikinagalak ito ng Imam at dali-daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa

gagawing seremonya.

Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinubulong ng

Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang.

“Allahu Akbar, Allabu Akbar

Allahu Akbar, Allabu Akbar

Ash-hadu, Allah Ilaaha

Ash-hadu, Allah la Ilaaha

Ash-hadu, Allah la Ilaaha

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullalah

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullalah

… ang magagandang aral niya.”

“Ngayong isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa’y panatilihin mo ang magagandang

aral niya,” dugtong pa ng Imam.

“Kailan naman ang paggunting?” nakangiting tanong ng Imam.

“Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon,” sagot ni Ibrah.

Masuyong inilalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan.

Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa mag-asawa. Totoong di nila

maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang

kaya.

Ilang araw bago sumapit ang paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan

sa anak.

“Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?” sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah.

“Abdullah,” sagot ni Aminah

Page 33: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

32 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

“Kaygandang pangalan, Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak,” pagmamalaki

ni Ibrah.

At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay maraming tao; halos naroon nang lahat

ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang

kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling.

Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng

masasarap na kakainin para sa mga panauhin.

Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at ilang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang

katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang imam kay Abdullah na kasalukuyang

kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na kapirasong buhok ay

maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.

“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang

nakapaligid.

Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang

mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang

hinaharap nito sa buhay.

Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga

panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang

nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.

“Ilang panahon pa’y, masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni

Abdullah,” wika ng isang panauhin.

“Pihong mas malaking handaan iyon, ano, Ibrah?” biro pa ng isa pa.

“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot

naman ni Ibrah.

“Sana, kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.

“Tiyak iyon,” halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan

ang inaantok na si Abdullah.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Panuto: Isulat mo sa angkop na hanay ang mga bagong salita o salitang hindi mo alam ang ibig sabihin mula sa binasang kuwento. Ibigay ang kahulugan nito batay sa pagkakagamit sa maikling kuwento o maari ding gamitan ng diksyunaryo o internet para sa gawaing ito. Isulat sa angkop na hanay ang kahulugan nito at saka gamitin sa makabuluhang pangungusap.

Mga Bagong Salita para sa Akin Kahulugan batay sa Pagkakagamit sa Akda o Mula

sa Diksyunaryo / Internet

Makahulugang Pangungusap

Gawain: 2

Pamagat: GAMIT-SALITA

Page 34: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

33 | S.Y. 2020-2021

Mga Tauhan: Banghay

Tagpuan:

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong 1. Ano ang tinutukoy na dumating sa buhay ni Ibrah na matagal na niyang hinihintay? Ilarawan ang kanyang naging reaksiyon nang makita niya ito.

2. Paano niya ipinakitang nagpapasalamat siya kay Allah sa biyayang natanggap?

3. Isalaysay ang mga pangyayari nang dumating ang panahon ng paggunting. Ano ang naidulot nito hindi lamang sa mag-asawa kundi maging sa kanilang pamayanan o mga kakilala?

4. Sa anong mahahalagang pangyayari sa iyong buhay maihahalintulad ang seremonya ng paggunting?

5. Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan ang ganitong uri ng mga paniniwala?

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Bukod sa maikling kuwento, ang mga dokumentaryong tumatalakay sa kuwento ng isang tauhan ay isa ring uri ng akdang pasalaysay at mayroon ding mga elemento katulad ng sa maikling kuwentong tinalakay natin sa unang bahagi.

Ang dokyumentaryo ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord ng kasaysayan.

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryong- pantelebisyon/

Panuto: Buoin ang dayagram sa ibaba upang masuri ang kuwentong “Pagislam” batay sa mga elementong napag-aralan natin sa bahaging titik C

Panimula:

Tunggalian:

Kasukdulan:

Kakalasan:

Wakas:

Gawain: 3

Pamagat: SAGUTIN NATIN

Gawain: 4

Pamagat: ISULAT NATIN MULI!

Page 35: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 5

Pamagat: Pagsusuri: Dokyu-film

Panooring mabuti ang dokyu-film na “Titser Ani” ni Kara David sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=sHevyiFBTSg

Sa bahaging ito ikaw ay inaasahang matiming manonood, upang matiyak na nauunawaan mo ang dokyumentaryo, susuriin mo ito katulad ng iyong ginawa sa kuwentong “Pagislam”. Gamit ang graphic organizer hihimayin mo o susuriin ang dokyu-film upang mas maging maliwanag. Sa gagawing pagsusuri isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka na matatagpuan sa ibaba.

PAMAGAT

MGA TAUHAN TAGPUAN TUNGGALIAN

BANGHAY

PANIMULA

KASUKDULAN

KAKALASAN

KAKALASAN

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Ngayon nalaman mo na ang malaking pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang kinagisnang kultura at natunghayan mo sa isang dokyu-film ang malalim na pagpapahalaga ni Titser Ani sa mga magulang at mag-aaral na Mangyan. Ikaw naranasan mo na bang ibigay ang ganitong uri ng pagpapahalaga? Anong pagpapahalaga ito? At kanino mo ito inialay? Halika’t ikuwento mo sa kahon ng salaysay.

H. Paglalahat ng Aralin

Ano kaya ang nalinang na kaisipan sa iyo pagkatapos ng mga gawain ito? Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

34 | S.Y. 2020-2021

Nalaman ko batay sa maikling kuwentong PAGISLAM na ang mga Muslim pala ay

Ang mga kaugaliang at kulturang Muslim na nalaman ko sa araling ito ay

Pamantayan sa Pagsusuri

1. Nilalaman ng Pagsusuri - 40%

2. Organisasyon ng pagsusuri – 30%

3. Kahusayan sa pagkalap ng datos o nilalaman – 30%

Kabuuan 100%

Page 36: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

I. Pagtataya ng Aralin

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Ang pagislam ng mga Muslim ay kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag sa mga Kristiyanismo. Ilang bahagi nahahati ito?

a. 4 b. 3 c. 2 d. 1 2. Itinuturing ang mga Muslim na pinakamatapang na pangkat dahil ?

a. malawak ang kanilang pangkat b. sila ay makapangyarihan c. hindi sila nasakop ng mga dayuhan d. sa kanilang Allah

3. Ano ang karaniwang nilalaman o paksa ng isang dokyumentaryo? a. Tumatalakay sa mga isyu o problemang panlipunan b. Inilalahad ang katotohanan o impormasyong pampolitikal c. Inilalahad ang katotohanan o impormasyong pang-historikal d. Lahat ng nabanggit

4. Kailan isinasagawa ang unang bahagi ng pagislam ng mga Muslim? a. Ilang oras pagkapanganak ng sanggol b. Ilang araw pagkapanganak ng sanggol c. Ilang linggo pagkapanganak ng sanggol d. Ilang buwan pagkapanganak ng sanggol

5. Kapag ikaw ay nanonood ng isang dokyu-film, ano ang maaaring maidulot nito sa iyo? a. Maaari akong mapahamak b. Magiging magulo ang aking isipan c. Maaari ko itong maging gabay sa buhay d. Magiging malabo ang lahat ng bagay

6. Elemento ng maikling kuwento na kung saan maayos na ipinapakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay d. Tunggalian 7. Kung susuriin ang pahayag na “Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak,

manang-mana sa kanyang ama,” bulong sa sarili ni Ibrah. Si Ibrah ay a. Nagmamalaki sa sarili b. Hindi makapaniwala sa sarili c. Walang tiwala sa sarili d. Humanga sa sarili

8. Sa dokyu-film na sinuri, ang pangunahing tauhan ay ang a. Mag-aaral na Mangyan b. Komunidad c. Guro na si Titser Ani d. Magulang na Mangyan

9. Ang tawag ng mga Muslim sa mataas na punong Panrelihiyon ay… a. Pandtita b. Imam c. Pinuno d. Guro

10. Ang isang dokyumentaryo ay naglalayong i record ang ? a. Katotohanan pangyayari sa isang lugar b. Piling pangyayari ng isang lugar c. Guluhin ang isang lugar

d. Tamang pangyayari

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

35 | S.Y. 2020-2021

Page 37: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

36 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PS-Id-e-4 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Wastong Gamit ng Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari (Banghay) Lunsaran: Reynang Matapat

Sanggunian: Rex Interactive (Online Educational Portal, for Teachers, Students, and Parents) https://prezi.com/p/bom6dv0aru5t/banghay-ng-maikling-kuwento/ https://mgabayani.ph/reynang-matapat-reyna-sima/ https://www.youtube.com/watch?v=lulN1JT63QM

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Panuto: Batay sa naging talakayan sa nakalipas na aralin, anong kultura o kaugalian ng mga

Muslim ang hindi nawawala maging sa kasalukuyang panahon? Gamitin ang mga larawan upang

magkaroon ng ideya sa tamang proseso ng kaugalin ng mga Muslim. Isulat sa kahon ang iyong

sagot.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13-siglo sa pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan.

Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.

Magandang araw! Ikinagagalak ko na iyong napagtagumpayan ang nakaraang

aralin. Nasasabik ka na ba sa isang panibagong aralin?

Ito ay tungkol sa WASTONG GAMIT NG PAGKASUNOD-SUNOD NG MGA

PANGYAYARI. Bago natin simulan ang aralin siguradurin lamang na buo ang iyong

atensyon at walang anumang abala habang mag-aaral tayo. SIMULAN NA NATIN!

1. Unang Seremonya 2. Ikalawang Seremonya 3. Ikatlong Seremonya

Mahalagang Tanong: Paano ipinapakita ng mga taga-Mindanao ang pagpapahalaga nila sa kanilang kultura batay sa pagislam?

Page 38: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

37 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.

Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao.

Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina, Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula.

Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas na sakop ng Luzon.

Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.

Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang

Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga

Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay

Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas,

Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan, na hindi pa

kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.

Gamitin ang timeline graphic organizer upang maipakita ang wastong pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari patungkol sa paglaganap ng Islam sa Pilipinas. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Gawain: 1

Pamagat: may ka-SAYSAY-an!

1390 Pagdating ng mga Datu

Ika-13 siglo 1475 1521

Page 39: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

38 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Mahalaga ang malinaw at maayos na pagbibigay ng ideya upang lubos mong maintindihan ang iyong binabasa. Halimbawa ano sa tingin mo ang mangyayari sa iluluto mong pandesal kung hindi tama ang proseso na iyong ginawa?

Ngayon ay tatalakayin natin ang tungkol sa wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o banghay ng isang kuwento.

BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga

magkakaugnay na pangyayari sa isang kuwento. Inilalahad dito ang maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mga pangyayaring ito sa binasang akda.

1. PANIMULANG PANGYAYARI Sa bahaging ito pinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na mapukaw sa interes ng mga mambabasa na ipagpapatuloy ang pagbabasa ng akda. 2. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 3. PATAAS NA AKSYON Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa sukdulan.Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at tunggalian na may suliraning lulunasan o lulutasin ng tauhan. 4. KASUKDULAN

Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan. 5. PABABANG AKSYON

Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda.Dito inihuhudyat ang pababang aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na katapusan ng akda. 6. WAKAS AT KATAPUSAN Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad nito.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Ang iyong mababasang kuwento ay tungkol sa isang pinuno na

kinalulugdan ng lahat ng kaniyang nasasakupan. Siya ay si Reyna

Sima o mas kilala sa bansag na Reynang Matapat. Pero paano nga

ba siya naging isang pinuno ng lahat gayong siya ay isang babae?

Tunghayan natin ang kuwento ni Reynang Matapat.

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://prezi.com/p/bom6dv0aru5t/banghay-ng-maikling-kuwento/ https://mgabayani.ph/reynang-matapat-reyna-sima/

Para sa Face to Face at Modular Distance Learning (MDL):

REYNANG MATAPAT (Reynan Sima)

Noong mga panahon na ang ating bansa ay binubuo pa ng iba’t ibang tribo, isa sa mga nito ay si Reyna Sima. Siya ay matalino, matapang at may katangi-tanging kariktan. Nakilala

Page 40: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

39 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

siya hindi lamang sa mga katangiang nabanggit kundi pati narin sa katapatan niya sa kanyang mga nasasakupan.

Ang kahariang Kutang-Bato na kanyang pinamumunuan noon, ay ngayo’y tinatawag na nating Cotabato. Isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, tahimik na umunlad at namuhay ng masagana ang mga taga Kutang-Bato.

Mahigpit niyang ipinasusunod ang mga batas. Ang sinumang lumabag sa mga tuntunin at ipinag -uutos ng Reyna ay ginagawaran ng parusa. Halimbawa, ang pagiging magalang, masipag at tapat.

Ayon sa isang kuwento, nakaiwan raw minsan ang isang mangangalakal na intsik ng isang supot ng ginto. Mahigpit na ipinagbabawal ni Reyna Sima ang paggalaw ng supot sa pinag- iwanang mesa, para sa pagbalik daw ng may-ari ay doon din niya ito makikita.

Makalipas ang ilang araw at inabot na ng buwan ay walang nag-aangkin sa supot na ginto sa mesa. Isang araw nakita ng Reyna na nagalaw ang ilang piraso ng ginto. Tinawag niya ang mga kawal at ipinagtanong ang tungkol dito, wala namang maisagot ang mga kawal. Ang matandang ministro ang naglakas-loob na nagsabing ang anak pala ng reyna ang hindi sinasadyang nakagalaw sa supot.

Ipinasundo kaagad ng reyna ang anak na nagkasala at pinagsabihan ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng katapatan sa anak. Dahil hindi naman pala sadya ang pagkakagalaw ng bata, ito’y hindi ginagawaran ng matinding parusa na gaya ng iginawad sa ibang nagkasala.

Nang maibalita ang pangyayaring ito sa ibang pook, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapanatili ng katapatan, lalong-lalo na sa mga naglilingkod at mga opisyal ng kaharian.

Panuto: Mula sa kuwentong binasa suriin ang sumusunod na mga pangungusap at tukuyin ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng bilang 1 hanggang 10. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang kahariang Kutang-Bato na kanyang pinamumunuan noon, ay ngayo’y tinatawag na nating Cotabato na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

2. Mahigpit na ipinagbabawal ni Reyna Sima ang paggalaw ng supot sa pinag- iwanang mesa, para sa pagbalik daw ng may-ari ay doon din niya ito makikita.

3. Mahigpit niyang ipinasusunod ang mga batas. Ang sinumang lumabag sa mga tuntunin at ipinag -uutos ng Reyna ay ginagawaran ng parusa

4. Ang matandang ministro ang naglakas-loob na nagsabing ang anak pala ng reyna ang hindi sinasadya’y nakagalaw sa supot.

5. Isang negosyanteng Arabe ang nakaiwan ng supot na ginto sa palasyo.

6. Noong mga panahon na ang ating bansa ay binubuo pa ng iba’t ibang tribo, isa sa mga nito ay si Reyna Sima.

7. Nang maibalita ang pangyayaring ito sa ibang pook, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapanatili ng katapatan, lalong-lalo na sa mga naglilingkod at mga opisyal ng kaharian.

8. Ipinasundo kaagad ng reyna ang anak na nagkasala at pinag-sabihan ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng katapatan sa anak.

9. Isang araw nakita ng Reyna na nagalaw ang ilang piraso ng ginto. Tinawag niya ang mga kawal at ipinagtanong ang tungkol dito, wala namang maisagot ang mga kawal.

10. Nakilala siya hindi lamang sa mga katangiang nabanggit kundi pati na rin sa katapatan niya sa kanyang mga nasasakupan.

Gawain: 2

Pamagat: Pagsunod-sunurin mo!

Page 41: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

40 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong 1. Paano pinamunuan ni Reyna Sima ang kaniyang nasasakupan?

2. Ano-ano ang mahigpit na ipinag-utos ni Reyna Sima sa kaniyang mga tauhan?

3. Ano ang naging epekto ng mga ipinag-utos ni Reyna Sima sa kaniyang lalawigan?

4. Paano pinatunayan ni Reyna Sima ang kaniyang pagiging isang mabuting pinuno?

5. Naging matagumpay ba si Reyna Sima sa kaniyang mga naging panukala sa lalawigan ng Kutang-Bato? Patunayan ang iyong sagot.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

PANUTO: Batay sa iyong nalaman patungkol sa banghay ng maikling kuwento muling ikwento ang Reynang Matapat sa pamamagitan ng Roller coast-STAR. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

Pataas na Aksyon

Pababang Aksyon

Suliranin o Tunggalian

Kasukdulan

Panimulang Pangyayari Wakas

Gawain: 3

Pamagat: Ano ang iyong pananaw?

Gawain: 4

Pamagat: Roller coast-STAR!

Page 42: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 5

Pamagat: Pagtuklas sa tunay na pangyayari

Para sa mga Online Distance Learning (ODL):https://www.youtube.com/watch?v=lulN1JT63QM

Panuto: Basahin/Panoorin ang kuwentong Mapalad si Isan at ibigay ang wastong pagkasunod ng mga pangyayari. Gamitin ang diagram sa ibaba para sa iyong sagot.

Kasukdulan

Pataas na Aksyon Pababang Aksyon

Suliranin o Tunggalian Wakas

Panimulang Pangyayari

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay

Sa panahon ng pandemiya, napakahalaga ng wastong pangangalaga sa ating kalusugan. Paraan ito upang maiwasan natin ang anumang sakit lalo sa covid-19. Isa sa dapat nating gawin ay ang wastong paghuhugas ng ating mga kamay.

Para sa susunod na gawain sumulat ka ng mga hakbang ng wastong paghuhugas ng kamay batay sa iyong nabasa, napanood o maging ng sarili mong nalalaman.

WASTONG PAGHUHUGAS NG KAMAY

Unang

Hakbang

Ikalawang

Hakbang

Ikatlong

Hakbang

Ikaapat na

Hakbang

Ikalimang

Hakbang

H. Paglalahat ng Aralin Ngayon ay isulat mo kung ano ang tumatak sa iyo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pahayag...

Mahalaga ang maayos na

pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari dahil…

Nakatutulong ang wastong

pagkasunod-sunod ng pangyayari

sa…

Page 43: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

41 | S.Y. 2020-2021

Page 44: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.

1. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. a. Pabula b. maikling kuwento c. Epiko d. dula

2. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kwento kung saan makakamtan ng

pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. a. kakalasan b. tunggalian c. kasukdulan d. wakas

3. Bahagi ng maikling kwento na tumutukoy sa pagsasunod-sunod ng mga pangyayari sa

kwento.

a. Simula b. banghay c. gitna d. wakas

4. Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento. a. Suliranin b. kasukdulan c. Tunggalian d. pababang aksyon

Panuto: Ayusin ang sumussunod na mga pangyayari ayon a wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang numerong 1 hanggang 6, 1 para sa unang pangyayari, 2 para sa ikalawa, hanggang umabot sa anim (6).

1. Kapitbahay namin ang nanakawan. Magnanakaw sana siya sa amin subalit sumigaw ako nang malakas dahil nakita ko siya.

2. Isang madaling araw, biglang nagkagulo sa aming lugar. Mayroon kasing magnanakaw.

3. Agad-agad dumating ang aming mga kapitbahay upang saklolohan kami. 4. Ang iba ay mabilis na humabol sa magnanakaw at kaagad itong hunuli.

5. Dahil sa pangyayaring ito ay napagkaisahan naming magkakapitbahay na magroronda na gabi-gabi ang mga kalalakihan.

6. Galit na galit naming ipinakulong ang magnanakaw upang hindi na siya muling makapagnakaw pa.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

42 | S.Y. 2020-2021

Page 45: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

43 | S.Y. 2020-2021

Know Mga bagay na alam ko na

tungkol sa Pang-ugnay

Want Mga gusto kong malaman

tungkol sa Pang-unay

Learn Mga natutuhan ko sa Pang-

ugnay

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7WG-If-g-4

Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa), sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang araw, samantala), at sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat (totoo/tunay, talaga, pero/ subalit, at iba pa)

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Wika: RETORIKAL NA PANG-UGNAY Editoryal na Nanghihikayat

Sanggunian: Pinagyamang Pluma p.87-90 https://www.slideshare.net/MaeAnnLegario/retorikal-na-pag-uugnay https://prezi.com/ubiv_8ny8yof/pang-ugnay/ https://noypi.com.ph/pangatnig/

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Subukin natin. Isulat sa K-W-L chart ang mga bagay na alam mo sa pang-ugnay, mga gusto mong malaman at mga natutunan mo ukol dito. Punan ang grapiko ng iyong kaalaman.

K W L

Layunin ng araling ito na magamit nang mahusay ang retorikal na pang-ugnay, mga pang-ugnay sa paglalahad at mga pang-ugnay sa editoryal.

Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay upang mahasa ang kakayahan mo sa paggamit ng mga pang-ugnay na nabanggit.

Magandang Buhay! Panibagong araw, panibagong paksa ang ating tatalakayin.

Ngayong araw ay tutuklasin natin ang Pang-ugnay na ginagamit sa paglalahad

ng akda at sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat. May kaalaman ka ba sa ating

paksa? Kung wala, huwag mabigla o mataranta kaibigan sapagkat narito ako

upang tulungan ka. HALINA SIMULAN NA NATIN!

Page 46: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

44 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Bago tayo dumako sa aralin bigyang-pansin ang

larawan. Ano ang nakikita mo sa larawan? Nakakita

ka na ba nito? Ipaliwanag mo ang larawan na nasa

ibaba. Ano sa palagay mo ang silbi nito? Para saan

ito?

Pagpapaliwanag:

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Para sa Online Distance Learning (ODL):https://www.youtube.com/watch?v=7F1dMKZIiH4 https://www.youtube.com/watch?v=s-UwmV1wthk https://www.youtube.com/watch?v=ovpMNntCe_4

Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay. Ang pang-ugnay ay ang salita na nagpapakita ng kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap.

Isang representasyon nito ay ang tulay na kung saan tulad ng pang-ugnay ang gamit nito ay magbuklod ng dalawang bagay. Ang tulay ay nag-uugnay ng dalawang pampang gilid sa ilog. Sa gayon ang paglipat mula sa isang panig ng ilog patungo sa kabila ay nagiging madali at maalwan. Gayundin ang pang-ugnay na kung saan ito ang nagsisilbing tulay ng isang salita papunta sa kabilang salita.

Narito ang mga ilang halimbawa ng pang-ugnay: na ngunit at Sa o ayon sa/ kay sapagkat Kung

Halimbawa: Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin. (Ang salitang nakasalungguhit ay isang halimbawa ng pang-ugnay na nagsasaad ng kondisyon.) Ikaw naman ang sumubok! Ikahon mo ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. 1. Kapag may isinuksok, may madudukot. 2. Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.

RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Ang pang-uugnayan ng iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ungkol at pangatnig.

Maraming uri ng Pang-ugnay mayroong Pang-ugnay na Pang-angkop, Pang-ugnay na Pang-ukot at Pang-ugnay na Pangatnig. Sa Modyul na ito bibigyang pansin lang natin ang mga Pang-ugnay na Pangatnig

Ang Pangatnig ay mga kataga o salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Narito ang mga uri nito:

Uri ng Pang-ugnay Mga

Halimbawa

Halimbawa sa Pangungusap

1. Pangatnig na pandagdag:

Nagsasaad ng pagpuno o

pagdaragdag ng impormasyon.

at,

pati

Masustansyang pagkain ang gulay at prutas.

Pati ang aso ay kanyang inampon.

Page 47: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

45 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

2. Pangatnig na pamukod:

Nagsasaad ng pagbubukod o

paghihiwalay.

o,

ni,

maging

Ako ba o siya ang pipiliin mong makapareha

sa sayaw?

Mahal kita maging sino ka man.

3. Pagbibigay sanhi/ dahilan:

Nag-uugnay ng mga lipon ng

salitang nagbibigay-katwiran o

nagsasabi ng kadahilanan.

dahil sa,

sapagkat,

palibhasa

Walang kuryente dahil sa pagkasira ng poste

sa tapat ng bahay.

Bumagsak ka sapagkat hindi ka nag-aral

nang mabuti.

4. Paglalahad ng bunga o

resulta: Nagsasaad ng

kinalabasan o kinahinatnan.

bunga,

kayâ,

kayâ naman

Umamin na si Mando kaya makakalaya na

ang napagbintangang si Rico.

Naglaro sa ulan si Adong kaya siya ay

nagkasakit.

5. Pagbibigay ng kondisyon:

Nagsasaad ng kondisyon o

pasubali.

kapag,

‘pag,

kung,

basta

Gawin mo na agad ang sinabi ni itay kung

ayaw mong mapalo.

Kapag sumama si Noah ay sasama na rin

ako.

6. Pagsasaad ng kontrast o

pagsalungat: Nagsasaad ng

pag-iba, pagkontra o pagtutol.

ngunit,

subalit,

datapwat,

bagama’t

Magarbo ang handaan ngunit baon naman sa

utang.

Nakakuha ako ng mataas na marka sa

pagsusulit bagaman hindi ako nakapag-

review.

Mga Pag-ugnay sa Paglalahad Sa Paglalahad, malaki ang maitutulong ng mga panandang diskurso. Ito ay nagbibigay –

linaw sa mahihirap na bahagi ng teksto at naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Ang ilang panandang maaaring gamitin sa paglalahad ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ay:

1. Una 4. Huli 7. Pagkatapos 10. Sumunod na araw 2. Ikalawan 5. Sunod 8. Saka 11. Isang araw 3. Katlo/ Ikatlo 6. At 9. Samantala

Halimbawa: Pagluluto ng La Paz Batchoy

Una, igisa ang bawang, sibuyas, at luya. Isunod ang hiniwa-hiwang karne at halu-haluin. Ikalawa, lagyan ng patis at pamintang buo at saka isangkutsa nang isang minute. Ikatlo, maglagay ng gustong dami ng sabaw. Takpan at hayaang kumulo upang lumambot ang karne. Huling ilagay ang hiniwa-hiwang atay ng baboy at hayaang kumulo bago ilagay ang sili. Sunod na ilagay ang sayote at miswa. Haluin at saka timplahan ng asin ayon sa panlasa. At siyempre kapag luto na ay ihain habang mainit pa.

Mapapansin na dahil sa mga pang-ugnay na ginamit (una, ikalawa, huling, sunod, at) naging mas malinaw ang paglalahad ng proseso.

Page 48: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

46 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Ngayon ikaw naman ang maglahad ng iyong paboritong pagkain. Paano ito inihahanda? Ano ano ang mga proseso? Maaaring panoorin si nanay o tatay sa paghahanda ng pagkain upang malaman ang proseso nito.

Pagluluto ng

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Paano nga ba gamitin ang pang-ugnay?

Narito ang ating gawain, gamitin natin ang mga larawan na sa ibaba. Bumuo ng

pangungusap gamit ang mga pang-ugnay na pinag-aralan natin. Bilugan ang panandang ginamit.

`

1. 2.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

PANUTO: Piliin sa kahon ang tamang pangatnig na nawawala sa pangungusap.

kaya samantala ngunit upang dahil habang para at

1. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral nang mabuti makapasa sa kanilang pagsusulit. 2. Nakikinig sila sa paliwanag ng guro naiintindihan nila ang paksa. 3. Tuwang-tuwa ang kanyang magulang mataas ang kanyang marka sa Filipino 4. Ang mga Pilipino ay umaasa nananalig na uunlad ang Pilipinas. 5. Si Ana ay nagsusulat si Dex ay nagbabasa.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Alam mo ba na sa pagbuo ng editorial na nanghihikayat ay gumagamit din tayo ng mga pang- ugnay? Kalimitang ginagamit ang mga pang-unay na totoo/tunay, talaga, pero/subalit at iba pa.

Ang editoryal ay tinatawag ding pangulong-tudling ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu. Itinuturing itong tinig ng pahayaga dahil ditto mababasa ang paninindigan nila ukol sa isang napapanahong isyu. Ito rin ay naglalayong magbigay-kaalaman, magpakahulugan, humikayat at kung minsa’y luibang

Gawain: 1

Pamagat: Gamitin mo AKO!

Gawain: 2

Pamagat: Gamitin mo AKO!

Page 49: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

47 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

sa mambabasa. Layunin nitong magpaliwanag, magbigay-alam, magpabatid, o bigyan ng kahulugan ang mga pangyayari sa lipunan.

Narito pa ang mga halimbawa: 1. Talagang kailangan ng iba ang tulong natin.

(Ang salitang talaga sa pangungusap ay nakakahikayat o nakakakumbinsi ng mga mambabasa upang ipaunawa ang pananaw o panindigan ng manunulat.)

2. Totoo, lahat tayo’y nagkakasala pero hindi naman naman napakalaking pagkakasala ang nagawa ni Amparo para parusahan siya ng ganoon. 3. Tunay na nalungkot ang buong bayan sa pagkakamatay ng kanilang idolo.

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2017/07/29/1722923/kumain-nang-maraming-gulay

Bilugan ang mga pang-ugnay na nanghihikayat na ginamit sa editoryal. Ikahon naman ang pangatnig na pang-ugnay.

Kumain nang maraming gulay Lagi nating naririnig na dapat damihan ang pagkain ng gulay at prutas. Mas marami raw

kasing bentahe ang mga ito para sa ating kalusugan. Totoo naman dahil mayaman sa fiber ang mga ito. Marami nga akong kakilala na nag-switch na sa pagiging vegetarian: puro gulay na lamang ang kinakain. Iniiwasan na nila ang pagkain ng karne lalo na ang karne ng baboy.

Pero sa lahat ng mga kinakain natin, masasabi kong ang gulay lamang ang puwedeng kainin ng walang limitasyon. Ang prutas, lalo na kung matatamis, ay nagtataglay din ng natural sugar at kung marami nito ang kakainin ay puwedeng magdag•dag ng calories o magpataas ng blood sugar. Hindi kagaya ng mga gulay na kahit ang mga diabetiko ay puwedeng kainin nang hindi sila nag-aalala. Maganda rin ang mga gulay para sa ating puso. Mayaman din sa anti-cancer property.

Dahil mataas ang fiber content at water content ng mga gulay, mabuti ito para sa ating digestive system. Madali tayong makaramdam na full na tayo. Tapos, may kakaibang hatid na lutong ang ilang gulay kapag kinagat lalo na kung ginawa itong fresh salad o pinapak lamang gaya ng pipino, singkamas, at carrots. Nagiging madali rin ang pagpupu kapag maraming gulay ang kinain dahil sa dagdag na ‘bulk’ nito sa stool.

Isa pang kakaiba sa mga gulay ay may iba-iba itong hatid na nutrisyon sa atin: bawat isang gulay ay mayaman sa bitamina, mineral, at anti-oxidants. Kung mamasdan sila, maihahalintulad ang mga gulay sa bahaghari na kaakit-akit sa taglay nitong kulay.

Hindi boring ang mga gulay. Ang mga anak natin, habang bata pa, ay dapat na nating sanayin sa pagkain ng gulay. Gawi nating makulay – na gaya ng bahaghari – ang paghahanda natin ng pagkain na mayaman sa gulay.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Bumuo ka ng isang editoryal na nanghihikayat upang makumbinsi mo ang mga mambabasang ipanawagan na kahit anong kulay na mayroon ka ay matatamasa mo pa rin ang paggalang sa karapatan pantao. Gumamit ka ng mga pahayag na nanghihikayat.

Gawain: 3

Pamagat: Tukuyin Natin!

Gawain: 4

Pamagat: Ano ang iyong opinyon?

Page 50: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay Isulat sa kahon ang mga mahahalagang kaisipan ukol sa tamang pagkain ng gulay gamit

lamang ang mga pang-ugnay na makikita sa larawan. Ilahad nang malinaw ang saloobin at karanasan? KUMAKAIN KA BA NG GULAY?

at Una

totoo

o

H. Paglalahat ng Aralin Ano ano kaya ang nalinang na kaisipan sa iyo ukol sa Pang- ugnay? Isa-isahin ang mga ito natutunan sa aralin na ito.

I. Pagtataya ng Aralin

Ang pang-ugnay pala ay…

Ang mga uri ang pang-ugnay ay ang mga...

Makakatulong sa aking ang mga pang-ugnay dahil

Pagkilala sa pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. I. Panuto: Salangguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. May mga pangungusap na higit sa isa ang pang-ugnay.

1. Bagaman mayaman ay nagawa niyang makisalamuha sa mga simpleng tao. 2. Dahil sa sipag at tiyaga’y umunlad siya sa buhay.

3. Maging maingat sa lahat ng iniisip at ginagawa upang maiwasang mapanakit ng damdamin ng iba. 4. Mahirap maging kaibigan ang mga taong sinungaling at mapaggawa ng kuwento kaya mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. 5. Ano ba ang mas mainam na ipakain sa mga bata para sa meryenda, tinapay o biskwit?

II. Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang pang-ugnay sa pangungusap. Pero Kaso Talagang Ngunit Kaya Totoo

1. Umuwi siya ng maaga nabigla ang ama niya. 2. Gusto kong kumain wala namang ulam. 3. Magbabayad siya hindi pa ngayon. 4. Kailangan ko lumabas nawawala ang quarantine pass ko. 5. kailangan ng iba ang tulong natin.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

48 | S.Y. 2020-2021

subalit

sapagkat

Page 51: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

49 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PB-Ih-I-5 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan

II. Paksang Aralin / Lunsaran

DULA LUNSARAN: “ANG MAHIWAGANG TANDANG”

Sanggunian:

Rex https://allysamprn.wordpress.com/2017/10/12/marawi-city-lanao-del-sur/ https://www.slideshare.net/mylittlestobsession/dula-16253630 https://tl.wikipedia.org/wiki/Katotohanan http://clipart-library.com/clip-art/boy-transparent-21.htm https://www.slideshare.net/kathy_mac/ang-mahiwagang-tandang-fil-7 https://www.123rf.com/photo_79419960_stock-vector-boy-portrait-fun-happy- young- expression-cute-teenager-cartoon-character-and-happyness-little-kid- fla.html

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Ano ang unang pumapasok sa iyong isip kapag narinig mo ang lugar ng Marawi? Oo tama ka, ang nakakakilabot na pangyayari sa gitna ng giyera at labanan ng pangkat ng Maute at ng pamahalaan.

Alam mo ba na, ang Marawi City ay opisyal na kilala bilang Islamic City of Marawi. Ito ang capital at ang pinaka-malaking lungsod sa lalawigan ng Lanao del Sur sa isla ng Mindanao dito sa loob ng Pilipinas. Nasa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM)

Layon ng araling ito na makilala mo ang kanilang kultura, tradisyon, kaugalian at paniniwala ng mga Mëranao sa pamamagitan ng kanilang dula.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Gawain: 1

Pamagat: PANGARAP NA BITUWIN

Bawat tao ay may kahilingan o pangarap na nais

abutin sa buhay. Kung bibigyan ka ng pagkakataong humiling

ng isang bagay para sa iyong buhay, ano ang hihilingin mo?

Isulat mo sa loob ng bituwin ang iyong kahilingan o

pangarap at kung ano ang maaaring mangyari sa iyo kung

sakaling makuha mo ito

Isang masayang pagbati sa iyo aking minamahal na mag-aaral!

Tatalakayin natin ngayon ang tungkol sa dula na mula sa Meranao.

Mayroon ka bang ideya tungkol dito? Huwag kang mag-alala kung WALA ang

sagot mo, tutulungan kita sa iyong pag-aaral ukol dito.

Handa ka na ba? Siguraduhin lamang na buo ang iyong atensyon at walang anumang abala

habang mag-aaral tayo. SIMULAN NA NATIN!

Page 52: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

50 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

ng mababasa mong kuwento ngayon ay isang dula ng

mga Mëranao. Ang mga tao sa Marawi ay tinatawag na

Maranao (Mëranao o Maranaw) at nagsasalita nang sarili

nilang lengguwahe (Maranao language). Ang siyudad ay

tinatawag ding “Summer Capital of the South” dahil ang

kinalalagyan nito ay nasa taas at kalamigan ng kanyang

klima. Ito ay tinaguriang mga tribong nasa timog. Ang

kahulugan ng Maranao ay “People of the lake” o “Mga tao

sa ragat”. Kilala sila na rehiyon ng mga Muslim sa isla ng

Mindanao. Ang Maranao ay parte ng mas malawak na

katutubong grupo ng Moro.

Para sa Online Distance Learning (ODL): https://www.slideshare.net/mylittlestobsession/dula- 16253630

Ang DULA ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ayon

kay Arrogante (1991), ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa pamamagitan ng dula, nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot, masaya, mapagbiro, masalimuot at iba pa.

Naging mayabong ang dulaan sa bansa ng dumating ang mga Espanyol. Naipakilala nila sa atin ang iba pang uri ng dula partikular ang mga dulang panlasangan at pantanghalan. Ilan sa mga nakilalang dulang panlansangan sa bansa na laganap pa rin sa kasalukuyan ay ang Tibag, Senakulo, Panunuluyan, Moriones, at Santakrusan.

Basahin ang piling bahagi ng dulang Ang Mahiwagang Tandan. Maaari mo rin panoorin ang dula sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=66CQmwn598w

ANG MAHIWAGANG TANDANG

(Kuwentong mahika ng mga Mëranao na batay sa pananaliksik ni Victoria Adeva) ni Arthur P. Casanova

Mga tauhan:

Lokus a Mama - ang ama ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Babae

Lokus a Babae - ang ina ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Mama

Bagoamama - anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae

Mahiwagang Tandang - ang manok na nagsasalita at may angking hiwaga

Sultan Abdullah - ang sultan ng Kahariang Agamaniog

Reyna Aliah - ang reyna ng Kaharian ng Agamaniog

Sabandar - isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasangyaw ng sultan

Kanankan - isa sa dalawang pinagkakatiwalaan mangsasangyaw ng sultan

Guwardiya 1 at 2 - mga bantay ng palasyo

Bata 1 at 2 - mga kalaro ni Bagoamama sa palasyo

Dama 1 at 2 - mga alalay ng reyna at ng sultan

Mga Mandirigma - magigiting na kawal ng sultan

Taumbayan 1, 2, 3, 4, 5, at 6 - mga mamamayan ng Kahariang Agamaniog

Page 53: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

51 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Korong Babae - pangkat ng kababaihang tagapagsalaysay, set at props ng dula

Korong Lalaki - pangkat ng kalalakihang tagapagsalaysay, set at props ng dula

Tagpuan:

Sa kaharian ng Agamaniog. Isang matulaing kaharian ng mga Mëranao sa Lanao del Sur.

Korong Babae: Noong panahon ng ating mga ninuno, may naninirahang mag-asawa sa isang

maliit na kaharian.

Korong Lalaki: Si Lokus a Mama

(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Lokus a Mama. May dala siyang mga sanga ng kahoy

at itak. Tinatanggalan niya ng mga dahon ang sanga.)

Korong Babae: Noong unang panahon ng ating mga ninuno, may naninirahang mag-asawa sa

isang maliit na kaharian.

Korong Lalaki: Si Lokus a Mama.

(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Lokus a Mama. May dala siyang mga sanga ng kahoy

at itak. Tinatanggalan niya ng dahon ang mga sanga.)

Korong Babae: At si Lokus a Babae.

(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae. May dala siyang plangganang puno

ng labahin.)

Korong Lalaki: May isa silang anak na lalaki. Si Bagoamama.

(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Bagoamama. Pupunta siya sa gitna ng etablado at

maglalaro ng kasipa.)

Lokus a Babae: Ang hirap talaga pag natatambakan ang labahin. Sumasakit ang beywang ko.

Nasaan na si Bagoamama? Bagoamama, Bagoamama!

Bagoamama: Bakit po, Ina?

Lokus a Babae: Tulungan mo nga ako sa pagsasampay nitong aking mga nilabhan.

Bagoamama: Akin na po at isasampay ko sa likuran ng bahay.

Lokus a Babae: Naku ang hirap pa namang magpatuyo ng damit nitong mga nakaraang araw.

Halos hindi nagpapakita ang araw. Bago matuyo ang mga damit eh may amoy na ang mga ito.

Dumating na ba ang Itay mo?

Bagoamama: Naroon po sa kusina at inaayos ang mga panggatong na kinuha niya sa gubat

kanina.

(Makikita si Lokus a Babae na dumarating si Lokus a Mama mula sa kusina na may dalang

isang buwig ng saging. Mapapansin siya ni Lokus a Babae.)

Lokus a Babae: Nariyan ka na pala. Marami ka bang nakuhang makakain mula sa gubat?

Lokus a Mama: Kakaunti nga eh. May dala akong isang buwig ng saging. Mga tatlong araw pa

bago mahinog ang mga iyan.

Page 54: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

52 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Lokus a Babae: Eh gulay, may dala ka?

Lokus a Mama: Sayote at kalabasa. Pakaunti nang pakaunti ang mga ligaw na gulay. May bigay

pa ba tayo?

Lokus a Babae: Dumaan ako kina Usman kanina bago naglaba sa lawa. Nakahiram ng kaunti.

Kasya na sa atin iyon sa loob ng tatalong araw.

Lokus a Mama: Kailangan nating bayaran ang bigas na iyan ng mga manok.

Lokus a Babae: Halos wala na rin tayong manok. Aba’y sumama ka kina Bashier sa pangingisda

sa lawa at nang hindi tayo nag-iisip kung saan kukuha ng ulam. Malapit na ring maubos ang mga

bulad natin.

Lokus a Mama: Hayaan mo’t kakausapin ko si Bashier mamaya para makasama ako sa kanilang

pangingisda sa lawa bukas.

Lokus a Babae: Naawa na nga ako riyan kay Bagoamama. Bihirang-bihira na siyang nakatitikim

ng sariwang isda.

Lokus a Mama: Hindi lang siya, Sawang-sawa na ako sa manok. Ni hindi tayo makabili ng karneng

baka.

Lokus a Babae: Ikaw kasi hindi ka na natuto-tuto sa pag-aararo ng bukid.

Sayang iyang malawak na lupaing ipinamana sa atin ng aking ama.

Hindi nabubungkal at natataniman. Disin sana’y hindi tayo naghihirap nang ganito.

Lokus a Mama: Aywan ko ba hindi ko talaga natutuhan iyan. Lumaki kasi ako sa paggawa ng

brass. Simula naman ng maging mag-asawa tayo, tumigil na ako sa paggawa ng brass. Malaki

ang puhunan sa paggawa ng brass.

Lokus a Babae: At simula noon, ang pangunguha na lang ng mga prutas at gulay ang nakayanan

mong gawin.

Lokus a Mama: Hayaan mo mangingisda ako bukas. Sana maganda ang panahon bukas. Ulan

kasi nang ulan nitong mga huling araw. Kung hindi ulan, puno naman ng hamog ang kapaligiran.

Lokus a Babae: Harinawang sumikat ang araw bukas nang makatikim naman tayo ng tinolang

kadurog.

Lokus a Mama: Magluto ka ng ating hapunan at ginutom ako sa paghahalughog sa gubat.

Lokus a Babae: Mabuti pa nga. Palagay ko’y gutom na rin ang anak natin.

(Magpopormang kusina ang Korong Babae. Tatlong babae ang magpopormang tatlong

tungko ng kalan at apat namang kababaihan ang magpoporman palayok. Magluluto ng pagkain

si Lokus a Babae. Babalik sa Korong Lalaki si Lokus a Mama at sa Korong Babae naman si Lokus

a Babae.)

Korong Lalaki: Ai-Dao! Tunay na kahabag-habag. Isang araw…

Page 55: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

53 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae na may dalang banig at malong. Ilalatag

niya ang banig. Mula sa Korong Lalaki ay lalabas naman si Lokus a Mama na may sakit. Hihiga

siya sa banig at kukumutan siya ni Lokus a Babae ng malong.)

Lokus a Mama: Allah! Tulungan ninyo po ang aking asawa. Pagalingin po ninyo siya.

(Lalabas si Bagoamama mula sa Korong Lalaki.)

Bagoamama: Ina, kumusta na po si Ama?

Lokus a Babae: Tatlong araw nang mataas ang kanyang lagnat, Hindi gumagaling sa gamot na

ibinibigay ng albularyo.

(Pagmamasdan ni Bagoamama ang nakaratay niyang ama. Damang-dama ni Bagoama

ang kalagayan ng kanyang ama.)

Korong Babae: Sa pagkakataong iyon, naalala ni Bagoamama ang buhay sa palasyo ng sultan.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

Panuto: Hanapin sa kahon ang mga bagong salitang natagpuan sa binasang dula. Isulat ito sa isa pang kahon na nasan ibaba. Pagkatapos ay ibigay ang kahulugan nito batay sa akda o mula sa diksyunaryo. (Mga hinahanap na salita: DAMA, TOROGAN, KALILANG, BULAD, PUKPOK, ALIMPAKU)

A P U K P O K A L I M P U K O

N A M I L V N G B C A N M A M

B B U B N I O I E M N I B L D

U B N O E C W L L S Y S R I I

L K A A T S N H N U H E E L K

A A G L M D A M A L A V L A Y

D S I U O A A B Y I I O L N E

S E L M T T N E S N U L A G M

I T L P N S T O R O G A N A A

G T M N A C O N S A L B E M O

Mga Bagong Salita Kahulugan Batay sa Pagkakagamit sa Akda o mula sa Diksyunaryo

1.

2.

3.

4.

5.

6.

Gawain: 2

Pamagat: HANAP SALITA

Page 56: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

54 | S.Y. 2020-2021

Gawain: 4

Pamagat: PA-TOTOO-HANIN MO!

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. 1. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Lokus a Babae nang magkasakit si Lokus a Mama? Paano ipinakita sa bahaging ito ang kabutihan niya at malalim na pananampalataya?

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Lokus a Babae na ang kahirapan ng kanilang mag-anak ay kagustuhan ni Allah? Patotohanan ang iyong sagot.

3. Maganda ba ang paraang naisip ni Bagoamama upang makatulong sa kanyang magulang? Bakit oo o bakit hindi ang iyong sagot?

4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bagoamama, susundin mo ba ang lahat ng sinabi ng Tandang? Ipaliwanag ang sagot.

5. Ano-ano ang mahahalagang aral sa dulang iyong nakuha? Magbanggit kung paano mo ito isasabuhay.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Tandaan na kapag sinabing KATOTOHANAN ay kaugnay ng prinsipyo ng

katumpakan, katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtiman, at mabuting

paniniwala. Katumbas din ng salitang totoo ang terminong matimyas. Ito ang kabaligtaran ng

katagang kasinungalingan.

Kadalasan din ginagamit ang katotohanan upang ipakahulugan ang isang pagpapalagay

na kaisa ng katunayan o realidad, o katumpakan sa isang orihinal o pamantayan. Minsan din na

binibigyan kahulugan ang katotohanan sa makabagong konteksto bilang isang ideya ng "totoo sa

sarili", o autentisidad. https://tl.wikipedia.org/wiki/Katotohanan

Panuto: Buoin mo ang pahayag na nasa ibaba upang maipakita ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari na mula sa binasang dulang “Ang Mahiwagang Tandang.”

2. Naging mabuti ang si Sultan Abdullah sa mag-ina sapagkat _ _

Gawain: 3

Pamagat: SAGUTIN NATIN

1. Mabuting ama at asawa si Lokus a Mama dahil

3. Natupad ang pangarap ni Bagoamama dahil

Page 57: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 5

Pamagat: Makatotohanan o ‘Di Makataotohanan?

Suriin ang mga pangyayaring nakatala sa ibaba mula sa dula. Isulat sa mga linya kung ito’y makatotohanan o ‘di makatotohanan batay sa iyong sariling karanasan o karanasan ng mga taong napanood mo sa telebisyon o nababasa sa mga balita at akda at saka magbigay ng patunay kaugnay ng iyong napiling sagot. 1. Si Lokus a Mama ang naghahanap ng makakain ng mag-anak habang nasa bahay na naglalaba at nagluluto si Lokus a Babae.

2. Ang gamot mula sa albularyo ay hindi nakatulong upang bumuti ang kalagayan ni Lokus a Mama.

3. Pinangarap ni Bagoamamana balang araw ay makatira rin siya sa palasyo ng sultan.

4. Nakahuli ng mahiwagang tandang na nagbibigay ng magarang damit at ginto si Bagoamama na nagpabago sa kanilang buhay.

5. Ang simpleng mamamayang katulad ni Lokus a Babae ay mabilis na binigyan ng tulong ng sultan nang pumunta ito sa kanyang palasyo.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Papaano pinatotohanan ni Bagoamama ang kasabihang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”? Ikaw, base sa iyong sariling karanasan, naniniwala ka ba sa kasabihang ito? Patunayan ang sagot sa pamamagitan ng pagsulat nito sa magkabilang kahon ng salaysay.

Bagoamama IKAW

55 | S.Y. 2020-2021

Page 58: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Pananalangin lalo na sa oras ng pangangailangan

Pananalangin lalo na sa oras ng pangangailangan

(Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

H. Paglalahat ng Aralin Ang dulang iyong nabasa ay isang dulang Mëranao. Naipakita rito ang ilang paraan ng

pagsamba, ritwal at iba pang paniniwala ng mga Mëranao na nakatala sa kabilang pahina. Balikan ang mga ito at ilarawan sa iyong sariling salita kung paano isinasagawa at bakit isinasagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pagkompleto sa web organizer.

Pagsamba o Ritwal ng mga Tauhan sa Dula

I. Pagtataya ng Aralin Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang M kung ang pahayag ay MAKATOTOHANAN o maaaring mangyari sa tunay na buhay at DM naman kung ‘DI MAKAKATOTOHANAN o imposibleng mangyari sa tunay na buhay. Isulat sa patlang bago ang bilang ang sagot.

1. Hindi gumaling sa gamot na ibinigay ng albularyo si Lokus a Mama kaya siya ay namatay.

2. Dahil sa kahirapan hindi nagawang mapabendisyunan ang bangkay ni Lokus a Mama ng kanyang pamilya.

3. Nang lumingon si Bagoamama laking gulat niya ng makita niya ang malaking tandang na nagsasalita.

4. Nang makita ni Bagoamama ang palasyo pinangarap niyang tumira dito. 5. Nagsumbong sina Sabandar at Kanankan sa sultan dahil sa malaking pagbabagong

nangyari sa buhay nina Lokus a Babae at Bagoamama. 6. Hindi mapakali sina Sabandar at Kanankan kaya pumasok sila sa bahay nina Lokus a

Mama, laking gulat nila nang binati sila ng mahiwagang tandang. 7. Tinanggap na lang ni Lokus a Babae ang kapalaran ibinigay sa kanila ng kanilang

Allah. 8. Nag-isip ng paraan si Bagoamama kung paano niya matutulungan ang kanyang ina. 9. Dahil sa sumbong nina Sabandar at Kanankan, inutusan ng sultan ang kaniyang mga

kawal na magtungo at takutin si Bagoamama kung sakaling hindi siya papayag na ibenta ang mahiwagang tandang.

10. Nagalak ang mga taumbayan dahil maraming lumabas na makukulay na tela mula sa bibig ng mahiwagang tandang.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

56 | S.Y. 2020-2021

Page 59: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

57 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PANGALAN:

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

F7PN-Ij-6 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag F7PB-Ij-6 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure) F7PT-Ij-6 Naipaliliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo (halimbawa ang paggamit ng acronym sa promosyon) F7PD-Ij-6 Naibabahagi ang isang halimbawa ng napanood na video clip mula sa youtube o ibang website na maaaring magamit F7WG-Ij-6 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at panaghikayat na proyektong panturismo

II. Paksang Aralin / Lunsaran

PETA - Performance Task Paggawa ng Travel Brochure

Sanggunian: Ang Pluma p.25, 48-49,90-92, 135-138 Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan p. 89-100 https://thehappytrip.com/2019/10/tourist-spots-in-mindanao/ https://itsmorefuninthephilippines.co.uk/brochures/ http://www.readwritethink.org/files/resources/lesson_images/lesson961/Things2Include.pdf https://www.youtube.com/watch?v=nY9ayMpARHg

III. Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Ito na ang huling aralin para sa Unang Markahan. Sa mga naunang araling pinag-aralan natin, inaasahang

napaglalim ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga hindi lamang sa pisikal na yaman at ganda ng

Mindanao kundi gayundin sa taglay nitong makulay at mayamang kultura at tradisyon. Ang mga naunang

aralin ay isang paghahanda para sa pinakamakabuluang gawain, ang tawag natin dito ay PETA –

Performance Task o Pamantayang Pagganap. Kailangan natin ng awtput (output) para sa modyul na ito.

Gamitin mo ang iyong imahenasyon. Ito ay isang ROLE PLAYING. Ang bida dito ay IKAW.

Narito ang iyong role:

Isang mapagpalang araw sa iyo!!!

Nais kitang batiin sapagkat hindi biro ang ibinigay mong pagod at

determinasyon upang maabot ang puntong ito.

Alam mo bang masayang masaya ako sa makikita kong paglago at pag-unlad simula

nang una tayo magka-usap? Napakalayo na rin ng iyong nalakbay.

Nakarating ka na sa MINDANAO!!! At nalibot mo na rin ang iba’t ibang parte ng lugar na ito.

At bilang PANGHULING PAGSUBOK, hinahamon kita, IMBITAHAN mo ako sa sa IKALAWANG

PINAKAMALAKING PULO SA PILIPINAS - ANG MINDANAO

Page 60: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

58 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Ikaw ay isang Advertising Executive na kinomisyon ng Departamento ng Turismo sa Mindanao

upang bumuo ng travel brochure na makapang-aakit ng mga turista upang dalawin o pasyalan ang iba’t

ibang lugar sa Mindanao. Ngayon ay gusto mong patunayang “It’s More Fun in the Philippines” o sabihin

nating “Its more fun in Mindanao.” Ang iyong misyon kailangan kapag natapos mo ang TRAVEL

BROCHURE at makumbinsi mo kaming pumunta sa MINDANAO, sa pamamagitan ng iyong OUTPUT.

Tara! Simulan na natin!

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Panuto: Lagyan ng TSEK ang mga lugar na napasyalan/napuntahan mo na.

Alam mo ba na bawat lugar ay mayroong tinatawag na TOURIST ATTRACTION?

Tourist Attraction ang tawag sa mga lugar na maaaring maka-hikayat sa mga tourist upang

dumayo dito. Kadalasan ang mga ito ay may kinalaman sa malawak na kultura ng lugar, halagang pang-

historikal, natural na ganda ng pook, libangan na maaring ihandog nito, o kaya naman ay pagkain o

produkto.

Maari mo bang isulat sa ibaba ng kahon ang mga lugar na maaring puntahan kung pupunta tayo

sa Mindanao? Ang unang tatlong hanay ay naibigay na bilang halimbawa.

Lugar sa Mindanao Tourist Attraction ng Lugar na ito

1. Davao Durian

2. Cagayan de Oro Water Rafting / Water Sport

3. Camiguin White Beach

4.

5.

Maaaring bisitahin ang website na ito https://thehappytrip.com/2019/10/tourist-spots-in-mindanao/

para sa iba pang kasagutan sa tanong sa itaas.

Maaari mo na ring i-save ang mga larawang makikita sa site na ito para sa gagawing brochure.

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Sa kasalukuyng panahon, nakatuon ang pansin ng bansa sa Mindanao, unang pinakamabigat na

dahilan – dahil ang ating presidente ay nanggaling dito. Isang magandang pagkakataon ito upang ipakita

Gawain: 1

Pamagat: PARA PO!!!

Page 61: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

59 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

sa buong mundo ang taglay na ganda at yaman nito. Sa halip na mga balitang pangkarahasan ang

pagtuunan natin ng pansin, mga positibong balita naman ang ibaling sa Mindanao.

Ang TRAVEL BROCHURE O GABAY SA PAGLALAKBAY – ay isang maliit na boolet o leaflet na ginawa upang magsilbing patnubay ng mga manlalakbay patungo sa kanilang destinasyon. Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon tulad ng mapa, palarawang deskripsyon ng lugar at mga mamamayan, kasaysayan ng mga tanging pook, tampok na produkto at iba pa. Layunin nitong mapadali at makawilihan ng mga turista ang pagtungo sa lugar. Nagsusulong ito ng turismo na nagdudulot naman ng pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar.

Sa puntong ito magsisimula na ang paghahanda mo para sa gawaing iyan. Pag-isipan at paghandaan mo ang mga datos at kagamitang

kakailanganin mo para maging epektibo at makatotohanan ang travel brochure na bubuoin mo. Ilahad sa ibaba ang mga datos o kagamitang kakailangaanin, gayundin ang mga gagawin mong paraan sa pagkuha ng mga datos.

Mga Datos o kagamitang kakailanganin sa Pagbuo ng Travel Brochure tungkol sa Mindanao

Mga Paraang Gagamitin sa Pagkuha ng mga Datos na Ito

Pag-usapan nating ang tungkol sa pananaliksik. Ang PANANALIKSIK ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon na

humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.

Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangang isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang:

1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa: Kung walang tiyak paksang sasaliksikin, siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.

2. Paglalahad ng Layunin: Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik.

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya: Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang material. Maaari ding gamitin ang internet. Maging maingat lamang at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyong mula rito ang kaduda-duda o walang katotohanan.

4. Paghahanda ng tentatibong balangkas: Makatutulong ito para sa mas mabilis na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng dereksiyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala.

5. Pangangalap ng tala o note taking: Sa pangangalap ng tala ay imunumungkahing gumamit ng index card.

6. Paghahanda ng iwinastong balangkas o final outline: Sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang kabuoan ng pananaliksik na gagawin.

7. Pagsulat ng borador o rough draft: Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin sa bahaging ito ang mga maling pangungusap.

8. Pagwawasto at pagrebisa ng borador: Sa bahaging ito ay bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat pagyundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng mga salita.

9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik: Isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.

Page 62: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

60 | S.Y. 2020-2021

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

PAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK Kung ikaw ay sasabihang manaliksik tungkol sa isang paksa, alam mo ba kung saan-saan

makakukuha ng mga impormasyon o datos para maisagawa ito?

INTERNET

Makatutulong kung ang mga web site na may domain extension na .edu (educatin), .org

(organization), .info (information) o .gov (government) ang panggagalingan ng

impormasyon dahil maaaring beripikado ang nilalaman ng mga ito kaysa iba. Dapat ding

tandaan ng nananaliksik na hindi niya basta puwedeng kopyahin at angkinin ang mga

immpormasyong makukuha sa mga web site dahil ito’y paglabag sa intellectual property

rights at copyright ng mga ito. Mahalagang banggitin o bigyang-pagkilala ang

pinagmulan ng mga impormasyon.

AKLAT O LIBRO

Ang mga nakalimbag na aklat at maging ang mga e-book ay mabisa pa ring

mapagkukunan ng impormasyon. Kasama na rito ang iba’t ibang sanggunian tulad ng

encyclopedia, almanac, atlas, at diksiyonaryo. Mahalaga lang na tingnan ang petsa ng

pagkakalimbag o pagkakasulat sapagkat kapag masyado nang luma ang aklat ay

maaaring may mga masbago nang impormasyong hindi na taglay ng mga ito.

ARTIKULO SA MAGASIN AT DIYARYO

Sa mga magasin at diyaryo man ay marami ring artikulo o tekstong maaaring pagmulan

ng kinakailangang impormasyon.

VIDEO

Mga video mula sa youtube, mga dokumentaryo, at iba pang palabas pantelebisyon. Ang

mga impormasyon ay hindi lang nagmumula sa mga nababasang pinagkukunan kundi

gayundin sa mga napapanood na video, dokumentaryo, at iba pang palaba sa

pantelebisyon.

PANAYAM, SEMINAR, AT WORKSHOP

Ang ilang napapanahong impormasyon ay maaari ding magmula o makuha sa mga

panayam, seminar, at workshop kung saan ang mga tagapagbalita o tagapanayam ay

mga eksperto sa paksang kanilang ibinibigay para sa mga tagapakinig.

Tignan natin ang galing mo sa pagsasaliksik gamit ang internet.

Panuto: Magsaliksik ng mga HALIMBAWA ng TRAVEL BROCHURE.

Pansinin ang talahanayan sa ibaba, nakita mo ba ang mga ito sa sinilip mo? Lagyan ng tsek ang table kung

OO ang iyong sagot

Para sa Online Distance Learning (ODL): Maaaring bisitahin ang mga link na ito upang makakuha ng impormasyong at ideya: https://itsmorefuninthephilippines.co.uk/brochures/ https://www.behance.net/gallery/1280409/Travel-Brochure-Philippines

Gawain: 2

Pamagat: “SILIP-TUGON”

Page 63: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

Ang tawag natin sa mga indicators na nasa itaas ay mga ELEMENTO ng travel BROCHURES.

Ibig sabihin pala kung gagawa ka ng iyong sariling travel brochures makikita dapat ang mga elementong iyan.

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

1. Pangalan ng lugar

2. Lokasyon ng lugar o mapa

3. Pangunahing lungsod/ tanging pook (landmarks) / makasaysayang lugar

4. Recreational Activities / Libangan (sports, park, water)

5. Uri ng transportasyon mayroon ang lugar

6. Tampok na produkto / pagkain

7. Mga larawan / graphics

8. Ibang mga impormasyon (isulat)

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG MAKATOTOHANAN AT MAPANGHIKAYAT NA PROYEKTONG PANTURISMO (TRAVEL BROCHURE)

1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong Travel Brochure Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahit ito ang aakit sa mga turista upang ang lugar ay pasyalan. Makabubuti kung gayon na magsaliksik at magbasa ka upang marami kang maibahagi tungkol sa lugar na ito. Makatutulong ang pagsagot sa tanong na nasa ibaba:

Anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure? Sila ba’y mga kabataang mahilig sa adventure? mga backpacker na may limitadong badget? mga mag-aaral na gusto ng isang educational fieldtrip? pamilyang may mga anak? mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na bakasyon?

2. Pagpili ng mga Larawan Isasama sa Travel Brochure Pumili ka ng mga larawang aangkop sa iyong binubuong travel brochure. Ang mga larawang ito ay inaasahang lalo pang makapang-aakit sa target mong uri ng turista. Makabubuti kung mas maraming larawan kang pagpilian dahil hindi naman lahat ng larawang ito ay isasama mo. Maliban sa larawan ng iba’t ibang pasyalan o magagandang tanawin ay huwag mo ring kalimutang magsama ng mga larawan ng puwedeng gawin sa mga lugar na ito tulad ng pangangabayo, pagsi-sipline, pagpi-piknik, o simpleng paglalakad-lakad sa malapulbos na dalampasigan. Tiyaking ang mga larawan ay sadyang makaaakit, bago, at may mataas na kalidad o hindi malabo.

3. Pagbuo ng Borador para sa iyong Travel Brochure Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng borador para maging huwaran o template ng iyong bubuoin. Sa pagbuo ng borador o draft at tiyaking nagamit mo ang wasto at angkop na wikang Filipino upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi makapanghihikayat din sa target na mambabasa. Kahit wala munang mga larawan o teksto, iguhit lang muna kung saan ilalagay ang mga ito gayundin kung paano titiklupin ang travel brochure. Karaniwang tinitiklop sa tatlo ang travel brochure.

4. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure Mula sa borador ay handang-handa ka na sa pagbuo ng aktuwal na travel brochure. Gagamitin mo na ngayon ang mga impormasyong iyong nasaliksil gayundin ang mga larawang pinili mo. Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure. Iwasan ang masyadong maliliit na titik. Bigyang-diin ang pinakamahahalagang bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng ibang kulay o paggamit ng diin (bold face) sa mga ito.

Sino-sino ang inaasahan mong gagamit ng gagawin travel brochure? Mga LOKAL NA TURISTA ang target na mambabasa ng iyong brochure. Hihikayatin natin ang mga Pilipino na tangkilikin ang local na turismo, upang hindi tayo maging banyaga sa ating sariling bayan. Dahil mga Pilipino ang mga maglalakbay, wikang Filipino ang gagamitin natin sa ating gagawing brochure. Tiyakin ang antas ng wikang gagamitin. Kailangang bumagay ito sa pangkalahatang populasyon ng mambabasa.

Gawain: 3

Pamagat: PAGGAWA NG BORADOR 61 | S.Y. 2020-2021

Page 64: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

Gawa tayo ng isang borador para sa iyong travel brochure. Ang ibang tawag dito ay template o draft.

Makikita sa ibaba ang mga halimbawa ng template, sa isang blankon kahon gawin mo ang iyong borador.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2

Isa-isahin na natin ang ating mga nagawa na: ✓ Alam mo na ang mga turistang gagamit ng brochure (LOKAL NA TURISTA) ✓ Mayroon ka na ring nai-save na mga larawan (Gawain 1) ✓ Alam mo na ang mga ilalagay na impormasyon sa gagawing brochure (Gawain 2) ✓ Nakagawa ka na rin ng template (Gawain 3)

Dumako na tayo sa AKTWAL NA PAGBUO NG BROCHURE.

Para sa Online Distance Learning (ODL): Maaaring bisitahin ang mga link na ito upang makakuha ng impormasyong at ideya sa paggawa ng brochure gamit ang

MICROSOFT WORDhttps://www.youtube.com/watch?v=nY9ayMpARHg

https://www.youtube.com/watch?v=y6RJSJLbYZI DESKTOP PUBLISHING https://www.youtube.com/watch?v=lZltyts11Mg https://www.lucidpress.com/blog/how-to-make-a-travel-brochure-that-looks-stunning

PARA SA MGA WALANG COMPUTER. Kung sakaling wala kang computer/deskop/laptop at hindi mo kayang i-lay-out sa computer ang iyong output. Huwag mag-alala maari mong gawin ito sa bond paper o kaya gamit ang construction paper. Panoorin ang video na ito sa iyong cellphone para magkaroon kang ideya kung paano ito gagawin. Narito ang mga link

https://www.youtube.com/watch?v=kpAUr8Hoyyg https://www.youtube.com/watch?v=pdfDUOFZb9k https://www.youtube.com/watch?v=rnAmi9v2DPw https://www.youtube.com/watch?v=3si1538LuvA https://www.youtube.com/watch?v=TR30St9Ed3o https://www.youtube.com/watch?v=7x9V-fjkrKs Kung sakaling wala ka cellphone na magagamit sa panonood. Mayroon kang makikita mga halimbawang larawang nakalagay sa ibaba. Maaari mo itong sundan bilang gabay.

Narito ang mga halimbawa:

62 | S.Y. 2020-2021

ILAGAY DITO ANG IYONG GINAWA

Page 65: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

Gawain: 4

Pamagat: TRAVEL BROCHURE

GAWAIN: IKAW ay isang Advertising Executive na kinomisyon ng Departamento ng Turismo sa Mindanao upang BUMUO ng TRAVEL BROCHURE na makapang-aakit ng mga LOKAL NA TURISTA upang dalawin o pasyalan ang iba’t ibang lugar sa MINDANAO. Ngayon ay gusto mong patunayang “It’s More Fun in the Philippines” o sabihin nating “Its more fun in Mindanao.”

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain: 5

Pamagat: PAGSUSURI NG GINAWANG BROCHURE

Pagkatapos mabuo ang travel brochure, bilang isang advertising executive ay kailangang mo itong iharap sa iyong mga kliyente, ang mga kinatawan ng Kagawaran ng Turismo sa Mindanao. Ilalahad mo ang mga hakbang na ginawa mo sa pagkuha ng datos gayundin ang mga hakbang ng ginawa mo kaugnay ng binuong proyekto.

Kung gayon, bago ka mag-ulat o maglahad ng nabuo mo sa kanila ay sagutin muna ang sumusunod na tanong tungkol sa iyong travel brochure at sa gagawing pag-uulat.

Lagyan ng tsek ( ) kung nagawa mo at ekis sa hindi. Bago ka maglahad ng nabuo ay muling balikan at ayusin ang mga nilagyan mo ng ekis ( ) upang matiyak na naisagawa mo tio nang buong husay.

Nakabuo ka ba ng isang makatotohanang proyektong panturismo?

Naisa-isa mo ba ang mga hakbang na ginawa mo sa pananaliksik ng mahahalagang datos tungkol sa Mindanao?

Nasuri mo ba ang ginamit o pinagkunan ng dastos o impormasyon sa pananaliksik? Angkop o mapagkakatiwalaan ba ang pinagkunan mo ng mga datos o impormasyon? Kumpleto ba ang mga elemento ng brochure?

Naisa-isa mo ba ang mga tamang hakbang at panuntunan sa paggawa ng proyekto?

Nagamit mo ba nang wasto at angkop ang pormal na wikang Filipino sa pagsasagawa ng iyong proyktong panturismo?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay Presentatasyon ng ginawang brochure. Ang presentasyon ay maaaring gawing Online Presentation, Video (na ipapasa sa messenger, email), photo collage (Instagram), photostory (facebook), o iba pang inobatibong pamamaraang maisip ng guro o bata.

PAMANTAYAN SA PAGBUO NG TRAVEL BROCHURE 5 4 3 2 1 1. Panghikayat ng pamagat at ng takip ng brochure

2. Kasiningan ng presentasyon

a. Pang-akit ng lay-out (desenyo, kulay at anyo)

b. Materyales na ginamit

c. Lenggwaheng ginamit

d. Orihinalidad

3. Kalinawan ng tema

a. Pagsusulong ng kulturang Mindanao

b. Panghihikayat sa turismo

4. Kahusayan sa pananaliksik

a. Kahalagahan at katiyakan ng mga impormasyon

b. Pagkakaugnay-ugnay ng mga impormasyon

5. Kalinawan ng sariling katangian ng travel brochure

6. Kaayusan ng mga pahayag at kawastuan ng gamit ng mga salita

KABUOAN

63 | S.Y. 2020-2021

Page 66: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN (Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:

Seksyon: Petsa:

H. Paglalahat ng Aralin

Magbigay ng tatlong mahalagang natutunan mo sa pangwakas na gawaing ito.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Ito ay isang maliit na booKlet o leaflet na ginawa upang magsilbing patnubay ng mga manlalakbay patungo sa kanilang destinasyon.

a. travelogue b. Tourist Spot c. Travel Brochure d. Tourist Destination 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng travel brochure?

a. Malaman ang mahalagang impormasyon ng lugar b. Manghikayat ng turista c. Mapadali ang pagpunta sa lugar d. Magdulot ng kalituhan sa lugar

3. Ito ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong paraan.

a. Pananaliksik b. Pagtatanong c. Pagbabasa d. Pagsusulat 4. Ano ang unang hakbang sa pananaliksik?

a. Isa-isahin ang mga datos b. Alamin ang paksa c. Ilahad ang mga layunin d. Gumawa ng borador

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI elemento ng brochure? a. Mapa b. Tanyag na Pagkain c. Polusyon ng lugar d. Makasaysayang lugar

6. Paano higit na mapababatid sa mga mambabasa ang kaisipan o diwa ng isang isinusulat na akdang pampanitikan?

a. Dapat malikhain ang pagkasulat. b. May sapat na kakayahang pangwika ang manunulat. c. Tumutugon sa tema o paksa ng panitikan. d. Gumamit ng matatalinhagang pagpapahayag

7. Ano ang mabuting maidudulot ng mayabong na turismo ng Mindanao sa ating mga Pilipino? a. Darami ang taong pupunta sa Mindanao b. Mawawala na ang digmaan sa Mindanao c. Uunlad ang ekonomiya ng bansa d. Maraming pupuntang turista sa Pilipinas

8. Bakit mahalagang malaman nating mga Pilipino ang buhay at kulturang Mindanao? a. Mababatid natin ang epekto ng digmaan sa Mindanao. b. Makikilala natin ang magagandang tanawin sa Mindanao. c. Masusuri natin ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao. d. Mauunawaan natin ang mga kababayan sa Mindanao.

9. Ginugunita ang araw ng kapanganakan at araw ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal. Dahil dito, naglunsad ng online na patimpalak ang Jose Rizal State University. Pinili ka ng iyong paaralan upang maging kinatawan nito sa patimpalak sa pagsulat ng bayograpikal na sanaysay ukol sa pananatili ni Dr. Jose P. Rizal sa Mindanao. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang na dapat gawin upang makasulat ng higit na mahusay na sanaysay?

a. Basahin at suriin ang mga akdang sinulat ni Rizal. b. Magbasa ng mga online blog ukol sa magagandang tanawin sa Mindanao. c. Makipanayam sa mga guro sa kasaysayan ukol sa kanilang persepsyon kay Rizal.

d. Manaliksik ukol sa naging buhay ni Rizal. 10. Paano mo higit na mahihikayat ana mamasyal sa Mindanao ang maraming tao nang mamalas nila ang kagandahan at pag-unlad ng mga bayan sa Mindanao?

a. Bumuo ng sanaysay ukol dito b. Ikuwento ang Mindanao sa mga kaibigan c. Ipagwalang bahala d. Gumawa ng isang Travel Brochure at i-upload ito sa online

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang

iyong nakuhang puntos? Binabati kita! Hanggang sa muli!

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

64 | S.Y. 2020-2021

2. 3.

1.

Page 67: G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN · Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan II. Paksang

G7-FILIPINO/UNANG MARKAHAN

65 | S.Y. 2020-2021