Author
chandi-santos
View
5.412
Download
198
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Gamit ng pandiwa bilang aksyon pangyayari at karanasan.ppt
Gamit ng pandiwa bilang aksyon pangyayari at karanasan
Bilang Aksyon- May aksyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng kilos.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping : um, mag, ma-, mang-, maki-, mag-an.
Maaaring tao, bagay o hayop ang aktor.Hal. a.Naglakbay si Bugan patungo sa tahanan ng Diyos.b. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.
Pandiwaa.Naglakbayb.TumalimaAktorBuganPsyche
2. Bilang Karanasan-Nagpapahayag ang pandiwa kapag ito ay nagsasaad ng damdamin.
Hal.a.Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan.b.Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang pangyayari.
Karanasana.Tumawab.NalungkotAktorBumabbakerang lahat
3. Bilang Pangyayari-Ito ay nakikilala kapag ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari
Hal.Sumasaya ang mukha ni Venus sa twing siya ay pinupuri.Nalunod ang mga tao sa isang matinding baha.
PandiwaSumasaya
NalunodPangyayarisa twing siya ang pinupurisa isang matinding baha
Pagsasanay: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap kung anong gamit ng pandiwang nakasalungguhit kung ito ay bilang AKSIYON, KARANASAN AT PANGYAYARI.
1. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang pagmamahal kay Cupid.
2.Labis na nanibugho si Venus sa kagandahan ni Psyche.
3. Nalungkot si Bantugan sa utos ng hari kaya minabuti niyang lumayo na lamang.
4.Umibig ang lahat ng kababaihan kay Bantugan.
5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
6. Patuloy na naglakbay si Psyche at pinilit na makuha ang panig ng mga diyos.
7. Lalong sumidhi ang pagseselos ni Venus kay Psyche.
8. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang lalagyan na puno ng mga buto.
9. Umuwi siya sa kaharian ni Venus.
10. Dahil sa paghihirap natukso siyang tumalon.
AksiyonKaranasanKaranasanAksiyonKaranasanAksiyonPangyayariAksiyonAksiyonPangyayari