Gap Blah Bla Blah

Embed Size (px)

Citation preview

Gap Sa pagkauso sa mga kabataan ng mga Social Networking Sites, hindi maitatangging naging parte na ito ng kanilang buhay. Sa pag-aaral na ito, mas bibigyang pansin ang mga posibleng epekto nito sa mga mag-aaral sa unang taon, seksyon C ng College of Nursing upang matugunan ang mga limitasyon sa paggamit nito. Subalit sa pag-aaral na ito, tanging nasasaklaw lamang dito ay ang mga mag aaral ng seksyon C sa unang taon ng college of nursing na kung saan halos limitado lamang ang mga respondents at malilikom na datos. Hindi nito matutukoy ang ibang saloobin ng mga estudyante ng ibang kurso na maaring maging iba ang resulta sa pagpapasya ukol sa pagsagot sa talatanungan. Mas kinakailangan ang mas ibayong pananaliksik upang matukoy at matugunan ng maayos ang mga posibleng epekto ng social networking sites sa kanilang pag aaral.

Balangkas Konseptwal Makikita sa balangkas konseptwal ng pag aaral ang epekto ng social networking sites batay sa paggamit nito araw araw. Malalaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng talatanungan na naglalaman ng mga sumusunod: Sa unang bahagi (1) ay malalaman ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa posibleng epekto ng Social Networking Sites sa kanilang pag aaral samantalang sa ikalawang bahagi (2) ay tungkol naman sa mga posibleng suliranin na maaring maidulot nito sa pag aaral at ang ikatlo (3) naman ang mukhaing solusyon kaugnay sa suliranin ng mga mag aaral. Para makalikom ng mga kaukulang datos ay namudmod kami ng mga talatanungan sa mga mag aaral ng unang taon, seksyon C ng college of nursing at sagutan ito sa maikling panahon. Sa paraan na ito, mas matutukoy ang totoong saloobin ng mga mag aaral, matukoy ang problema at ang mga mukhaing solusyon sa pamamkagitan ng mga datos na nakalap mula sa mga ipinamudmod na talatanungan.

Katuturan ng Talakay Upang maging mabisa ang pagunawa sa pag aaral na ito ay binibigyang linaw ng katuturang konseptwal ang mga mahahalagang impormasyon na ayon sa pagkagamit ng mga salita sa mga talakay na napapaloob sa kasalukuyang pag aaral. Social Networking Sites. Ayon kina Boyd at Ellison (www.gartner.com, 2007), ang social networking sites ay mga serbisyong pampubliko na nagrerehistro ng nakapaloob sa isang system at kung saan makikita ang profile ng mga indibidwal na kasama rin sa kaparehong system. Facebook. Ayon kay Josie Myers (www.wisegeek.com, 2011), ang Facebook ay isang social networking site na ang pangunahing layunin ay ang pag-ugnayin ang mga magkakaibigan at magkakapamilya. Ito ang pinakamalaking social networking site sa kasalukuyan. Tumblr. Ayon kay Jonathan Jarc (www.trendingeducation.com ,2011), ang tumblr ay isang microblogging platform na pinapahintulutan ang mga gumagamit na

magpahayag ng kanilang teksto, imahe, bidyo, link, kasabihan at mga audio sa kanilang tumblelog, na isang short-form blog. Ang mga gumagamit ay puwedeng i-follow ang iba pang mga gumagamit o gawing pribado ang kanilang tumblelog. Madali itong gamitin at puwede ditong pagsamahin ang iyong Facebook at Twitter Twitter. Ayon sa www.tweeternet.com, ang Twitter ay isang social networking at microblogging service site na pinapayagan kang sagutin ang tanong ng Ano ang iyong ginagawa? (What are you doing?) gamit lamang ang maiikling mensahe na 140 karakter ang haba, o tweets sa iyong mga kaibigan, o followers.