15
Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata Oktubre 22-28, 2017 Isinalin sa Tagalog Ni: Clemence B. Esperanza

Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

Isang Linggong Panalangin

Ng Mga Bata

Oktubre 22-28, 2017

Isinalin sa Tagalog Ni: Clemence B. Esperanza

Page 2: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

2

Sanlinggong Panalangin ng Mga Bata Oktubre 22-28, 2017

Unang Sabado

Ang Katotohanan Tungkol Sa Dios

“Oras na para sa ating pagsambang pampamilya,” ang tawag ni Dad. “Dalhin na ninyo ang

inyong mga Biblia.”

Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong

si Dad, “Alam ba ninyong may panahong walang Biblia sa kanilang mga tahanan ang mga tao?

“Wala ba silang perang pambili?” ang tanong ni Jake.

“Napakamahal ng Biblia at iba pang aklat dahil ang mga ito’y kinokopya lang sa pamamagitan

ng kamay,” paliwanag ni Mom. “At saka ang Biblia ay isinulat sa Latino at karamihan sa mga tao’y

hindi alam basahin ito.”

“Kaya paano nila nalaman ang tungkol kay Jesus?” Ang tanong ni Tess.

“Sinasabi ng pastor ang mga kuwento mula sa Biblia ng iglesia,” ang sabi ni Dad. “Ang

problema’y sinasabi ng ilang mga tao na ang Dios ay malupit at gusto Niyang saktan ang mga tao.

Luc maaari bang basahin mo ang Mga Awit 11:7 para sa atin?”

Binasa ni Luc, “Sapagka't ang Panginoon ay matuwid; minamahal niya ang katuwiran”.

Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang Dios ay laging matuwid. Hindi Niya sinasabi, iniisip o

ginagawa ang anomang bagay na mali,” wika ni Dad.

Sa halaman ng Eden nagsinungaling si Satanas kay Eva at pinaniwalaan niya siya,” wika ni

Jake. “Hindi siya nagtiwala sa sinabi ng Dios.”

“Nais ng Dios na makasama Niya ang lahat Niyang kaibigan dito sa lupa,” sabi ni Dad. “Subalit

lalong dumami ang tao sa lupa, nagsimulang sabihin ng ilang mga tao ang kuwento ni Satanas na ang

Dios ay malupit at di-mapagmahal.”

“Si Martin Luther, isang batang lalaki na nakatira sa Germany, ay narinig ang mga

kuwentong malupit ang Dios at tiyak niyang galit sa kanya ang Dios. Kaya sinikap niyang mabuhay

ng perpektong pamumuhay,” ang wika ng kanilang Mommy. “Natuto siyang magbasa ng Latin at nag-

aral upang maging abogado. Isang araw sa isang matinding unos ang nangyari at nangako si Martin

na gagawa siya para sa Kanya. Naging pastor at pinag-aralan niya ang kanyang Biblia nang buong

husay. Bagamat hindi nagdulot nang labis na kasiyahan ito sa kanya. Naniwala pa rin siyang

kailangan niyang mabuhay ng perpektong pamumuhay. Habang sinisikap niyang lalong magpakabuti

, lalo naman siyang nakakaramdam ng kapighatian.”

Page 3: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

3

“Kung mahal ni Martin si Jesus, bakit lalo siyang nagiging malungkot? Ang tanong ni Tess.

“Pag-uusapan natin iyan bukas sa oras ng ating pagsamba,” ang sagot ni Dad.

Talata sa Biblia:

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa

pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (2 Timothy 3;16)

Gawain:

Kapag naisip mo ang Dios, anong larawan ang nakikita mo sa iyong isipan? Gumuhit ng larawan

ng Dios upang maibahagi sa inyo pamilya.

Pangkaisipang Katanungan:

Kung wala kang Biblia, paano mo maaala-ala ang mga bagay na nais ng Dios na malaman mo

tungkol sa Kanya?

Sanlinggong Panalangin ng Mga Bata

Linggo

Ang Planong Pagliligtas Ng Dios

Sabik si Luc sa kanilang family worship. Gusto niyang marinig ang maraming kuwento tungkol

kay Martin Luther.

Pagkatapos manalangin ni Tess, binalikan sa ala-ala ni Dad na naganap ang kasalanan dahil sa

pasuway at paghiwalay ng tao sa Dios. Pinaala-ala rin niya sa kanyang pamilya na nais ni Satanas na

papaniwalain ang mga tao na ang Dios ay malupit at di marunong magmahal. Naniwala si Martin

Luther sa bagay na ito at lagi niyang sinisikap sa ganang kanyang sarili na mabuhay nang perpektong

pamumuhay.

“Isang araw habang binabasa ni Martin ang aklat ng Taga Roma, may bagay na nagpabago sa

kanyang buhay,” ang wika ni Dad. Basahin natin ang Roma 1:16,17:

Page 4: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

4

Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita. Ito ang kapangyarihang ginagamit ng Dios upang

iligtas ang bawat taong maniniwala … Ipinakikita ng Magandang Balita kung paano ginagawang tama

ng Dios ang tao sangayon sa Kanyang sarili. Ang paraan ng Dios na itama ang tao sangayon sa Kanya

ay nagpapasimula at nagtatapos sa pananampalataya. Gaya ng sinabi ng Banal na Kasulatan, “Ang

taong ginawang tama ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay nang walang

hanggan. (ICB)

Nagtanong si Luc, “Hindi ba ang magandang balita ang kuwento ni Jesus at Kanyang buhay?”

“Tama iyan,” pampalakas loob ni Dad.

“At sinasabi ni Paul na kapag pinaniwalaan ang kuwento at pinaniwalaan namatay si Jesus,

maililigtas sila ng Dios,” ang wika ni Luc. “Gayon pa man hindi ko sigurado kung ano ang ibig sabihin

ng ‘ginawang tama’.

“Ang ibig sabihin hindi sinisisi ng Dios ang tao sa anomang bagay na ginawa nitong mali,” wika

ni Dad. “Romans 3:10 ang nagsasabi walang taong nilalang na walang kasalanan. Ang Dios lamang

ang tanging laging tama. Napagtanto ni Martin ang Roman 1 na nagsasabi sa atin na may panukala

ang Dios na iligtas ang tao mula sa kasalanan. Nang mamatay si Jesus sa krus, iyan ang bahagi

ngpanukala. Kailangang magkaroon tayo ng pananampalatayang ililigtas Niya tayo.”

“At nagsimulang sabihin ni Martin sa ibang tao,” ang wika ni Mommy “Gumawa pa nga siya ng

95 na ideya tungkol dito at kanyang ipinako sa pinto ng kaniyang iglesia sa Wittenberg, Germany.

Nalaman ng ibang tao na nais ng Dios na magtiwala sila sa Kanyang panukala. Sa parehas na panahon

isang lalaking nangangalang Johannes Gutenberg ang umimbento ng printing press na magagamit

upang maimprenta ang Biblia,” ang wika ni Dad. “At nagsimulang isalin ng mga iskolar ang Biblia sa

Ingles. Di-nagtagal maraming mga tao ang nakabasa at nagkaroon ng sariling mga Biblia.”

Pag-aaralan ko ang aking Biblia araw-araw, ang nasa isip ni Luc.

Talata sa Biblia:

Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. Awit 119:137

Gawain:

Hanapin ang syudad ng Wittenberg, Germqany sa mapa.

Gumawa ng talaan ng mga dahilan kung bakit gusto mong sabihin sa iba ang tungkol sa Dios.

Pangkaisipang Katanungan:

Palagay mo ba kailangan ni Martin Luther ng lakas ng loob upang maipako ang talaan ng mga

ideya sa pinto ng simbahan?

Page 5: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

5

Sanlinggong Panalangin ng Mga Bata

Lunes

Abutin ang Kamay Ni Jesus

Binuksan nina Luc at kaniyang pamilya ang pintuan ng bodega at nagsimulang ilabas ang mga

kasangkapan para sa bakuran. Ang bagyo nang nakaraan gabi’y nagdulot ng malaking pinsala.

Nagsimulang mamulot ng mga patpat sina Tess at Jake. Pinapunta ni Mom si Luc na tulungan ang

kanyang dad, na nagtatayo ng hagdanan malapit sa bahay. Lilinisin ni Dad ang mga sanga na inilipad

ng bagyo sa kanilang bubungan.

Umakyat sa hagdanan si Dad pataas sa bubungan.

“Mataas ka na po,” ang wika ni Luc.

Mabilis na hinila ng Dad ang mga sanga sa bubungan, at nagbalik sa hagdanan at tiningnan sa

ibaba si Luc.

“Nagpapaala-ala sa akin ang hagdanan na ito ng ating mga pinag-usapan sa ating worship,”

ang wika ni Dad.

“Paanong ang hagdanan ay may kaugnayan sa kasalanan at pagiging matuwid?” ang tanong ni

Luc.

“Takbo sunduin mo ang iyong Mom, si Tess at si Jake”, ang wika ni Dad.

Nang maipon silang lahat, agad nagsalita si Dad, “Pinag-aaralan natin ang tungkol sa

kasalanan na naghiwalay sa atin sa Dios. Ang hagdanang ito ang nagpaisip sa akin tungkol kay Jesus,

ng Kanyang kamatayan, at ano ang kahulugan nito sa atin. Kahit ating iunat ang ating mga braso

hanggan sa makakaya nating layo, hindi natin mahihipo ang bawat isa. Nang magkasala si Adan at

Eva, nakagawa sila ng puwang sa pagitan nila at sa Dios.”

“Subalit ipinadala ng Dios si Jesus upang mamamatay para sa ating kasalanan.” Ang wika ni

Tess. “Hindi ba iyan ang ginawa niya sa pagitan na iyan?”

“Tama ka riyan,” ang wika ni Dad. “Si Jesus ang naging tagapamagitan sa pagitan ng Dios at

ng bawat isa sa atin.”

“Mommy, maaari bang umakyat ka hanggan sa kalagitnaan ng hangdanan?” ang tanong ni Dad.

“Pagkatapos mabuhay ng walang kasalanan, namatay at nabuhay na muli, pinunan Niya ang puwang

sa pagitan natin at ng Dios. Ngayon pag inunat ko ang aking braso sa inyong Mommy at kanya ring

iuunat ang kanyang braso patungo sa akin, ang aming mga kamay ay magkakadantayan. Ngayon Luc,

humakbang ka sa ibaba ng hagdanan at abutin mo ang iyong Mommy.”

Page 6: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

6

Maingat na humakbang at tumapak sa pinakaibabang baitang ng hagdanan at inabot ang

kamay ng kanyang Mommy.

“Kapag tinanggap natin si Jesus, kikilos tayo palapit sa Kanya at iuunat natin ang ating mga

kamay. Inaabot Niya tayo, subalit hindi Niya binitawan ang Kanyang koneksyon sa Dios,” ang wika

ni Dad. “Siya ang ating koneksyon sa pagitan natin at ng Dios.”

Talata sa Biblia:

“May iisa lang na daan upang maabot ng tao ang Dios. Ang daan na iyan ay sa pamamagitan

ni Jesu Cristo” (1 Timothy 2:5, ICB).

Gawain:

Iniunat nina Luc at kanyang mga magulang ang kani-kanilang mga braso upang ipakita kung

paano si Jesus ang tagapamagitan sa pagitan ng mga tao at Dios. Subukan ito sa inyong pamilya.

Pangkaisipang Katanungan:

Ano ang mangyayari kapag hindi nakahawak ang kamay ni Jesus sa mga kamay natin at sa

Dios?

Page 7: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

7

Sanglinggong Panalangin Ng Mga Bata

Martes Hugasan Ang Marumi

Sina Luc, Tess at Jake ay gumagawa sa kanilang halamanan ng gulay at bulaklak nang

tinawagan silang pumasok ng kanilang Mommy. “Mayroon akong ipapakita sa inyo isang bagay,” ang

wika niya.

Mabilis na naghugas ng dumi sa kamay sina Luc, Tess at Jake at pumasok sa bahay. Si

Mommy ay nakatayo sa tabi ng estante sa harapan niya’y dalawang plorera ng mapuputing mga

bulaklak.

“Nang ilagay ko ang bulaklak sa mga plorera, nagsimula akong mag-isip tungkol sa ating oras

ng pagsamba,” wika ni Mom. “Pinag-uusapan natin kung paano tayo pinawalang-sala ng kamatayan ni

Jesus sa harapan ng Dios. Ang mga bulaklak na ito ang nagpaala-ala sa akin kung ano ang mangyayari

pagkatapos na tayo’y pinawalang-sala. Maglalagay ako ng magpapakulay sa sa tubig sa isang plorera.

Nakita ba ninyo kung paano nagbago ang kulay ng tubig?

“Naging pula ito!” wika ni Jake.

“Iyan ay tama”, wika ni Mommy. Ang pulang tubig ay sumisimbolo sa dugo ni Jesus at ang

puting bulaklak ay ang ating buhay. Patuloy ninyong pagmasdan ang bulaklak at tingnan kung ano

mangyayari. Batid natin na nang mamamatay si Jesus, ibinuhos Niya ang kanyang dugo para sa

atin.”

At nagpaliwanag si Mommy, “Ang ibang salita para sa pagkamatay ni Jesus at pagbuhos Niya

ng Kanyang dugo para sa atin ay pagbabayad-sala. Nangangahulugan ito na pinalitan ang ating

kasalanan ng dugo ni Jesus at ginawa niya tayong espirituwal na malinis. Hangga’t hindi natin

tinatanggap si Jesus at Kanyang kamatayan, ang ating buhay ay marumi, gaya ng inyong mga kamay

bago ninyo ito hugasan.”

“Tingnan ninyo ang mga puting talulot nagiging pula!” gulat na wika ni Luc.

“Pulang kulay sa tubig ay nasisipsip hanggang sa talulot ng bulaklak,” wika ni Mommy.

“Ganyan ang ating buhay kapag tinanggap natin si Jesus at sundin Siya. Nagsisimula tayong

magbago at maging kakaiba ang ating pagkilos at pakikitungo sa ibang tao. Kapag hiningi nating

tulungan tayo na masabi at magawa ang tamang mga bagay, maaari nating mapagtagumpayan ang

mga masasamang bagay na nais nating gawin.”

Dagdag ni Mom, “Dumadaloy sa ating ang buhay ni Jesus, gaya ng ginawang pula ng makulay

ng tubig ang puting bulaklak.”

“Mahal ko si Jesus at gusto kong mabago,” ang sabi ni Luc.

“Ako rin”, wika ni Tess.

Page 8: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

8

Talata sa Biblia:

“Subalit siya’y nasugatan para sa maling bagay na ating ginawa. Nabugbog siya para sa

maling bagay na ating ginagawa. Ang kaparusahan, na siyang nagpagaling sa atin, ay ibinigay sa

Kanya. At tayo’y gumaling dahil sa kanyang mga sugat.” (Isaiah 53: 5 ICB)

Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating

mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng

kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. (Isaian 53:5 Dating Biblia 1905).

Gawain:

Ang dugo ni Jesus ang humuhugas ng ating mga kasalanan at ginagawang bago muli ang ating

buhay. Kasama ng inyong pamilya, awitin ang awit na “Nothing but the Blood of Jesus.” O kaya ang

awiting “Nais Mo Bang sa Sala’y Maligtas”

Pangkaisipang Katanungan:

Papaano kayo magiging katulad ng mga bulaklak sa kuwento at para punuin ni Jesus ang

iyong buhay?

Sanglinggong Panalangin Ng Mga Bata

Miyerkules

Sino ang Tumatapik sa Iyong Balikat?

Walang pasok sa paaralan nang araw na iyon, at ang bagong kaibigan ni Luc na si Simon ay

gustong maglaro ng video games. Ayaw ni Luc na magpaalam na siya’y pupunta sa bahay nina Simon.

Alam na niya kung ano ang sasabihin ng kanyang Mommy at Daddy.

“Hi, Mommy. Maaari ba akong magpunta kina Simon?” ang mabilis na wika ni Simon habang

kanyang ibinababa ang kanyang packbag sa may pintuan. Nang anyayahan siya ni Simon na magtungo

sa kanilang bahay at maglaro ng video games, nahihiya si Luc na sabihing hindi siya pinapayagang

maglaro nito.

“Nasa kanilang bahay ba ang kanyang mga magulang?” tanong ng Mommy niya. “At ano ang

inyong gagawin doon habang kayo’y nandoon? Nagtanong ng dalawang katanungan ang kanyang

Mommy na kanyang kinatatakutan nang labis.

“Hindi ko alam kung nasa bahay ang kanyang mga magulang,” amin ni Luc. “Gusto ni Simon

na umistambay at maglaro kami ng video games?”

Page 9: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

9

Nang dumating si Simon sa kanilang klase anim na linggo na ang nakalilipas, inanyayahan siya

ni Luc na tumabi sa kanya sa tanghalian. Parang mabuti naman si Simon, subalit naasiwa si Luc sa

ilang bagay na sinabi nito.

“Natutuwa akong sinisikap mong madama ni Simon na bahagi siya ng inyong klase,” ang wika

ng kanyang Mom. “Mahalagang pinakikitunguhan ang bawat isa nang may kabaitan. Gayon pa man

alam mong hindi ka pinapayagang maglaro ng video games na hindi muna namin nasusuri ito.”

Napuno ng katahimikan ang silid habang hinihintay ang pagsasalita ni Luc. “Bago si Simon

at walang maraming kaibigan. Gusto kong abutin siya. Subalit mayroon siyang ginagawa at sinasabi

na hindi ako naaaliw,” wika ni Luc.

“Kapag nararamdaman mong hindi ka naaaliw sa isang bagay na alam mong mali, iyan ang Banal

na Espiritu na sumisiko sa iyo nang lihim,” ang wika ng Mommy niya. “Naala-ala mo ba nang pinag-

uusapan nating hilingin araw-araw kay Jesus na pamahalaan Niya ang ating buhay?”

“Opo, at ipinanalangin ko iyan tuwing umaga,” ang wika ni Luc.

“Sinasagot ni Jesus ang iyong panalangin ipinapadala Niya sa iyo ang Banal na Espiritu,” wika

ng Mommy niya. “Gawain ng Banal na Espirito na tulungan tayong mag-isip kung ano ang ating gagawin

maging ito man tama o mali. Hiningi mo kay Jesus na maging bahagi siya ng buhay mo,” patuloy ni

Mommy. “Nais kang tulungan ng Banal na Espiritu na pasya ng tamang pagpili. Habang pinapayagan

mo Siyang gumawa sa iyong buhay, makikita ito ng iba.” Huminto sumandali ang kanyang Mommy,

at tinanong si Luc, “Kaya ano ang iyong gagawin ngayon?”

Sa palagay ko tatawagan ko si Simon at titingnan kong pupunta siya rito,” ang sagot ni Luc.

“Kailangan ng tulong sa paggawa ng aking kuta sa likod bahay!”

Talata sa Biblia:

“Ang tunay anak ng Dios ay yaong pumapayag na pangunahan sila ng Espiritu ng Dios”

(Romans 8:14, ICB).

“Sapagka't ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng

Dios.” (Ang Dating Biblia 1905).

Gawain:

Balutin ang sarili sa kumot at ipagpalagay na ang kumot ay ang Banal na Espiritu na

bumabalot sa iyo. Anong damdamin ang nagagawa nito sa iyo?

Pangkaisipang Katanungan:

Kung hindi natin nakikita ang Banal na Espiritu, papaano natin malalamang kasama natin Siya?

Page 10: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

10

Sanglinggong Panalangin Ng Mga Bata

Huwebes

Puspos ng Kagalakan Ang Aking Puso

Nakatingin si Luc sa mga bag na nasa may pintuan. Puspos siya ng kasabikan sa kaalamang

sa ilang oras na lang makikita na niya ang kanyang mga lolo’t lola.

Habang naglalakbay si Luc naisip niya ang kanyang mga lolo’t lola. Laging nagkukuwento sa

kanila ang kanyang lolo at nagluluto naman ng masasarap na pagkain ang kanyang lola. Isang mainit

na damdamin ang pumuspos kay Luc at di-natagalan nakatulog siya sa pag-iisip sa kanila.

“Hoy, antukin.” kinusot ni Luc ang kanyang mga mata. “Matutulog ka na lang ba sa buong

panahon ng iyong pagdalaw?” ang tanong uli ng tinig.

“Lolo!” napasigaw sa kaligayahan si Luc. “Palagay ko nakatulog ako sa aking paglalakbay.”

Hinawakan ni Luc sa isang kamay ang kanyang bag at kamay ng kanyang lolo sa kabilang

kamay. Magkasama silang pumasok ng bahay, ang amoy ng bagong hurnong tinapay ang kumiliti sa

ilong ni Luc.

Habang kumain ang pamilya ng kanilang hapunan bawat isa’y nagbahagi kung ano ang

nangyayari sa kanilang buhay. Di-natagalan natapos ang hapunan at oras na para sa kanilang

pagsambang pampamilya. Nanalangin ang lolo para pasimulan ang mga bagay-bagay. “Ngayong gabi

nais kong ang bawat isa’y magbahagi kung ano ang kanilang dapat ipagpasalamat at kung bakit”, ang

wika ng Lolo. “Jake pasimulan natin sa iyo.”

At sa wakas sumunod na si Luc. “Nagpapasalamat ako’t nagkaroon ako ng pamilyang

napakasaya.” Ang wika ni Luc. “Ang ilan sa aking mga kaibigan ay may pamilyang nag-aaway sa lahat

ng panahon. Nagagalak ako na akin ay hindi.”

Nang tumingin si Luc sa kanyang Lolo napansin niyang may luha ang mga mata nito.”

“Ang mga sinabi mo’y masyadong mahalaga sa akin,” ang wika ng Lolo. “Alam ba ninyong may

panahong ako’y naging malupit.”

“Nabigla si Luc. Hindi maaaring nagmalupit si Lolo. Siya’y isa sa pinakamabait na taong

kanyang nakilala.

Pinatunayan ito ng Lola. “Maraming taon na ang nakalipas ang Lolo ninyo may masamang pag-

uugali.”

Napatingin sa malayo ang Lolo at naala-ala ang isang bagay mula sa nakaraan. “Ang lola

ninyo’y tama. Hindi ko mapigil ang init ng ulo ko o aking ugali,” ang wika ng Lolo. “Iyan ay noong

Page 11: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

11

hindi ko pa tinatanggap si Jesus sa aking puso. Nang ikumpisal ko sa Kanya ang aking mga kasalanan,

hiniling kong sa Kanyang baguhin Niya ako at alisin niya aking masamang pag-uugali.”

“Araw-araw nanalangin ako na tulungan ako ni Jesus na mapigil ko ang init ng ulo ko,” sabi

ng Lolo. “Ilang mga araw nagawa ko ito. At nagpapasalamat ako kay Jesus na tinulungan Niya ako.

Kung minsan may mga araw na talagang nagagalit ako. Kaya kailangan kong humingi uli ng tawad sa

Dios. Sa tulong ng Dios sa huli napigilan ko na rin ang init ng aking ulo.”

“Wow!” wika ni Luc. “Napag-aralan namin ang tungkol sa bunga ng Espiritu, gaya ng

kapayapaan, kabaitan, kagalakan, at pagpipigil sa sarili. Sa palagay ko po mayroon kayong bunga ng

Espiritu, Lolo!”

Napatawa nang marahan si Lolo, “Tama ka riyan Luc. Kapag ating tinanggap si Jesus at

ikinumpisal ang ating mga kasalanan, mababago ang ating buhay.”

Talata sa Biblia:

“Gayun din, tuturuan ko kayo na igalang ninyo ako nang buong-buo. Ilalagay ang bagong

paraan ng pag-iisip sa kalooban ninyo. Kukunin ko ang matigas ninyong puso gaya ng bato sa inyong

mga katawan. At bibigyan ko kayo ng masunuring pusong laman. (Ezekiel 36:26 ICB)

Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa;

at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong

laman. (Ezekiel 36:26 Ang Bagong Biblia).

Gawain:

Haluin ang apat na kutsarang puting suka na may isang kutsaritang iodized na asin. Maghulog

ng ilang barya sa pinaghalong suka at asin at pabayaan mababad nang ilang minuto. Kunin ang mga

barya mula sa pinagsamang suka at asin at patuyuin. Anong nangyari sa mga barya?

Pangkaisipang Katanungan:

Ano ang nasa inyong buhay na kailangan ninyo ang tulong ni Jesus upang magbago kayo?

Page 12: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

12

Isang Linggong Panalangin ng Mga Bata

Biyernes

Ano Ang Aking Masasabi?

Umuulan, kaya ang pinanukalang sama-samang tanghalian sa parke’y kailangan ipasok.

Dumating si G. Jones at tumayo sa tabi ni Luc. “Nalungkot ako hindi tayo makakapunta sa

parke,” ang wika ni G. Jones. “Ang parke ay magandang lugar para kumain at makatagpo ng mga

taong mabibigyan ng ating pagsaksi.”.

“Makakasumpong ka ng mga tao sa parke at magiging saksi ka sa kanila? Paano?” ang tanong

ni Luc.

“Kung minsan naghahanap ako ng mga taong mukhang malungkot.” Ang wika ni G. Jones.

“Ngingitian ko sila at sasabihin na magkaroon sila ng magandang araw. Kung minsan nagsasabi kung

ano ang gumagambala sa kanila. Nakikinig ako at tinatanong ko kung maaari ko silang ipanalangin.”

“Maaari mong gawin ang mga bagay na ito sa paaralan. Tiyak akong mayroon mga

estudyanteng nakikipagpunyagi sa kanilang mga suliranin,” dagdag ni G. Jones.

“Nakita ko ang ilan sa kanila, subalit hindi ko kailanman alam kung ano aking sasabihin sa

kanila,” ang amin ni Luc. “Nais kong sabihin sa aking mga kaibigan sa paaralan ang tungkol kay

Jesus, subalit nauumid akong magsalita. Tunay na nakakahiya,”

“Mayroon akong bagay na kailangan mo, at ang magagawa mo itong mag-isa,” ang wika ni G.

Jones. Dinukot niya sa bulsa ang maliit na aklat at iniabot kay Luc.

Ang aklat ay may kulay berdeng pabalat. Sa loob ay mga blankong pahina na kulay itim, pula,

puti at dilaw. “Paano makatutulong sa aking magsalita ang isang aklat na walang salita?” ang tanong

ni Luc.

Ang mga kulay ang tutulong sa iyo,” ang wika ni G. Jones. Ang itim ay nagpapaala-ala sa atin

na tayo’y makasalanan na gumawa ng masasamang bagay. Ganito ang ating buhay gaya ng kasalanan.”

Binuklat ni G. Jones ang pahina sa pahinang kulay pula. Ang pula’y nagpapaala-ala sa akin na

namatay si Jesus at nagbuhos ng Kaniyang dugo sa krus para sa atin.”

Ang sumunod na pahina ay puti. “Ang kahulugan ng puti’y nahugasan ang ating kasalanan!”

ang wika ni Luc na natutuwa.

“At narito ang pinakamagandang bahagi – ang dilaw ay mga pangako na maaari nating

puntahan at mabuhay kasama si Jesus nang walang hanggan! Ano ang kahulugan ng pabalat na kulay

berde?” ang tanong ni G. Jones.

“Ang karaniwang kahulugan ng berde ay mga bagay na tumutubo”, ang sabi ni Luc.

Page 13: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

13

“Tama ka riyan,” ang wika ni G. Jones. “Kapag ating tinanggap si Jesus, kailangang nating

lumago sa ating bagong buhay. Magagawa natin iyon sa pamamagitan ng pagbasa ng Biblia, ibahagi

si Jesus sa iba, at gamitin ang oras na dumalo sa mga pagtitipon-tipon ng kapwa mananampalataya.”

“Nagkataong mayroon akong ilang piraso ng papel na may iba’t ibang kulay. Gusto mo bang

gumawa ng aklat ng pagsaksi pagkatapos ng ating tanghalian?

“Oo gagawa ako niyan,” ang nakangiting wika ni Luc. “Parang di ko na mahintay na ipakita

ito sa aking mga kaibigan sa paaralan!”

Talata sa Biblia:

“Ang wika ni Jesus, ‘Halikayo sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng

tao,” (Mateo 4:19, ICB).

At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga

mamamalakaya para sa mga tao. (Mateo 4:19, Ang Biblia )

Gawain:

Gumawa ng inyong aklat ng pagsaksi. Maaari kayong gumamit ng may kulay na papel, damit

o felt.

Kailangan ninyo ang mga sumusunod:

Itim (2 ½” x 3” kwadrado)

Pula (2 ½” x 3” kwadrado)

Puti (2 ½” x 3” kwadrado)

Dilaw (2 ½” x 3” kwadrado)

Berde (5” x 3” kwadrado)

1. Pagpatung-patungin ang papel sa ayos na: itim, pula, puti at dilaw.

2. Ibalot ang berdeng papel, damit o felt upang makabuo ng isang aklat.

3. Kung ang ginamit ninyo ay mga kwadradong papel, staple ang gilid ng aklat ito ang magiging

gulugod. Kung ang ginamit naman ay damit o felt na mga kwadrado, itahi ang isang pulgada

pababa sa tagiliran ng berdeng felt, tiyaking natahi nang lagpasan sa mga iba’t ibang kulay

na mga kwadrado. Ang tahi ay kailangan napagkabit-kabit ang bawat pahina nang sama-sama

upang makabuo ng isang aklat.

Pangkaisipang Katanungan:

Paano ninyo malalampasan ang iyong takot na maibahagi ang inyong walang salitang mga

aklat ng pagsaksi sa ibang tao?

Page 14: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

14

Sanglinggong Panalangin Ng Mga Bata

Ikalawang Sabado

Ang Pinakamagandang Pagsama-sama Ng Pamilya

“Sabik na sabik ako, parang hindi na ako makapaghintay,” ang bulalas ni Tess habang

nagwawalis ng sahig. “Sina Tito Jack at Tita Mary ay darating na. Sa wakas makikita ko nang muli

si Beth!”

Maging si Luc ay nasasabik. “Si Billy, Sam at ako’y makapaglalaro ng bola nang sama-sama”,

ang wika niya. “Magiging tunay itong masaya.”

Tumunog ang orasan habang naghihintay sila sa pagdating ng kanilang tito, tita at mga pinsan

subalit parang ang orasan ay di kumikilos. Sa wakas ang busina ay tumunog sa daan patungo sa

kanila.

Ibinukas ni Tess ang pinto bago pa nakakatok ang kanyang Tito Jack. “Akala namin hindi na

kayo darating,” ang wika ni Tess.

Lahat ay nakaupo na at pinuno ng kanilang Mommy ang mga baso ng malamig na tubig na may

lemon.

Tinanong ng kanilang Mommy kung may nais magpadagdag ng inuming malamig. “Gusto ko pa

ng isa, maaari ba. Napakahaba ng aming nilakbay ngayong araw at malamig na inuming ito’y

masarap,” wika ni Tito Jack. “Ang mahabang paglalakbay ay mahalaga sa pagsasama ng pamilya.”

“Pangarap kong manatili kayo rito nang walang hanggan”, ang wika ni Luc.

“Maganda iyan, di ba,” ang wika ni Tita Mary.

Nag-isip sumandali si Luc at nagwika, “Balang araw magkakaroon tayo ng pagsama-sama ng

pamilya na hindi kailanman magwawakas.”

“Iyan ay tama,” ang ayon ni Daddy. “Hindi na ako makapaghintay!” Bawat isa’y tumango ng

pagsang-ayon.

Dapat nakita ninyo sina Luc at Tess bago kayo dumating,” sabi ni Mommy. “Bawat minuto

tumatakbo sila sa bintana upang tingnan kung dumating na kayo. Isa itong magandang paala-ala

kung paano natin babantayan ang ikalawang pagdating ni Jesus.”

“Hindi lang kami ngayon naghanda. Si Mommy ang nagluto at nag-bake nang buong linggo.

Ang wika niya gusto niyang handang-handa siya sa pagdating ninyo,” ang sabi ni Tess.

“Nagpapaala-ala sa akin iyan ng talata sa Biblia ngayong linggo,” ang wika ni Tito Jack. “Nasa

1 Korinto 16:13. Ang wika rito, “Mag-ingat. Magpatuloy na maging malakas sa inyong

pananampalataya. Magkaroon ng katatagan, at maging malakas.”

Page 15: Isang Linggong Panalangin Ng Mga Bata · Kinuha nina Luc, Tess at Jake ang kani-kanilang Biblia at pagkatapos manalangin nagtanong ... “Isang araw habang binabasa ni Martin ang

15

Nang sumunod na ilang araw ang mga bata’y naglaro at ginalugad ang likod bahay at

nanalangin at nag-aral ng kanilang Biblia nang sama-sama. Ang mga pamilya’y umawit sa palibot ng

piano. Bilang espesyal na pagbibigay kasiyahan lahat nagtungo sila sa lawa para sa picnic at

lumangoy. Mabilis na natapos na ang pagsama-sama ng pamilya.

Habang ang sasakyan ay napuno na, hindi mapigil ni Tess ang kanyang luha. “Nagkaroon tayo

na tunay na kasiyahan nang sama-sama”. Ang wika niya. “Pinapangarap kong hindi na ninyo kailangang

umalis.”

Yinakap siya ni Tito Jack nang mahigpit. “Malungkot, gayonpaman magkikita pa tayong muli,”

ang wika ni Tito Jack. “Kung hindi, alalahanin nating magbantay at tumayong matatag. Gusto nating

lahat na maging handa sa pagdating ni Jesus. At ang pinakamaganda at walang-katapusang

pagsama-sama ng pamilya kasama si Jesus ay magpapasimula.”

Talata sa Biblia:

“At kung si Cristo, ang Pinuno ng mga magpapastol, ay darating, magkakaroon kayo ng

korona. Ang koronang ito’y magiging kaluwalhatian at hindi mawawala ang kagandahan nito”

(1 Pedro 5:4 ICB)

At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng

kaluwalhatian. (1 Pedro 5:4 Ang Biblia)

Gawain:

Gumuhit ng larawan ng lahat ng tao mula sa inyong pamilya na gusto mong makasama sa

inyong muling pagsama-sama. Kilala ba ng lahat ng mga taong inyong iginuhit kung sino si Jesus at

alam ba rin nilang Siya’y magbabalik? Kung hindi, tiyaking inanyayahan ninyo sila sa inyong salu-

salo.

Pangkaisipang Katanungan:

Mayroon ba kayong nararamdamang hindi tayo isasama ni Jesus sa Kanyang tahanan sa

langit? Ano ang inyong magagawa upang matulungang kayong manatiling nasasabik sa Ikalawang

Pagdating?