47
EL FILIBUSTERISM O

Kabanata 19 "Ang Mitsa" El Filibusterismo Powerpoint

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kapakinabangan ay garantiyado, serbisyong mula sa puso! Nilalaman:Pambungad na Panalangin (Video)Motibasyon (Video)TalasalitaanMga Pangyayari (Buod)Aral/Berso Mula sa BibliyaMahahalagang Pahayag(with voice record)p.s. Ginang yan po, tinag ko na rin po kayo para sure na napasa namin =) Salamat po ng marami!Line9.IV-13S.Y.2010-2011

Citation preview

EL FILIBUSTERISMO

Pambungad na Panalangin

Pambungad na Panalangin

Bago natin umpisahang talakayin ang Kabanata 19,

sulyapan muna natin ang maikling

pagsasadula ng Noli Me Tangere

bilang pagbabalik-tanaw. (Trailer ng El Filibusterismo)

Kabanata 19:

“Ang Mitsa”

Panimula:

Sa ating kabanata, nakahanda nang pasabugin ni Simoun ang mitsa – ang damdamin ng pagkagalit.

Matapos niyang udyukan at palusugin ang masasamang hilig at sa tulong ng kanyang salapi’y nagawa niyang

ipapatay ang mga kalalakihan at ipagahasa ang kababaihan at ipatapon ang mga ama ng tahanan.

Ngayong dumating na ang pagkakataong maipaghiganti niya ang kanyang ama at ang taong umaasa ng

pagbabago’y inusig naman siya ng kanyang sariling budhi . . .

Pagkasawi

Paghihiganti

Pag-aalinlangan

Pag-isipan:

Makatwiran ba na ituloy ni Simoun ang kanyang mga binabalak? Tandaan na ang mga ito’y gagawin niya rin para sa kabutihan ng bayan.

Talasalitaan:

nagngingitngit - labis na galit

bazar - tindahan

lipakin - hamakin

promotor piskal - pinunong abogado ng isang distrito

procurador - pinuno ng isang relihiyosong korporasyon

Talasalitaan:

ciriales - mahabang tubo na may krus sa dulo

Candelabra - mahabang tubo na may kandila sa dulo

arabal - hangganan ng bayan

nakaririmrim - nakapandidiri

malamlam - mapanglaw

Talasalitaan:

kinatitirikan - kinatatayuan

pamanhikan - pakiusapan

fenix - isang mahimalang ibon na nabubuhay ng 500 taon

iginugupo - pinaghihina

kabuluhan - may kapupuntahan , may katuturan

Motibasyon:

Sa kabanatang ito, si Placido Penitente ay napuno na at nagpasyang tumigil na sa pag-aaral. Sang-angyon ka ba sa kanya? Bago natin talakayin ang kabanata 19,

tunghayan niyo muna ang maikling awiting ito na tila sumasalamin sa hinaing ng

makabagong kabataan. Matapos nito ay iugnay niyo ito sa ating aralin.

Mga Tauhan:

Placido Penitente

Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Naaayon nga sa kanya ang kanyang

pangalan, na ang ibig sabihin ay “Tahimik na Nagdurusa,” kapag siya ay mahinahon. Ngunit kahit na anong hinahon ng

isang tao kapag iyong ginalit ay nagiging mas mabangis na walang makapipigil na makapatay o mamatay.

Mga Tauhan:

Kabesang Andang

Ina ni Placido na mula pa sa Batangas at naghihintay na sa kanyang tahanan upang mamili at bigyan siya ng kuwalta. Si Kabesang Andang ay isang halimbawa ng ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak

ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang makapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay

bilangguan o bibitayin, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon, ay papag-aralin pa kaya niya ito?

Mga Tauhan:

Simoun

Ang paghihimagsik na inilunsad ni Simoun ay may iisang layon – paghihiganti. Hindi siya maghihimagsik para sa kabutihan ng bayan kundi upang pagbigyan ang kauhawan niya sa paghihiganti. Ngunit sa paniniwala niya, ang kanyang tunay na layunin ay pagsugpo sa kasamaan ng pamahalaan. At ang masama

niyang pamamaraan ay binibigyang katwiran niya sa inaakala niyang layuning makabayan. Ang sandaling pag-aatubili ni Simoun sa kanyang mga balak ay nagpapatotoong sa kaibuturan ng kanyang diwa ay nag-aalinlangan siya sa

kanyang pamamaraan.

Mahahalagang Pangyayari:

Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang maghiganti.

Mahahalagang Pangyayari:

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Di niya ito inaasahan. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina at nakiusap kay Placido. Nagpaalam si Placido sa

ina. Mainit pa ang ulo niya. Nakaramdam siya ng gutom kaya’t naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ang ina`t nagtungo na sa kapitbahay.

Ngunit nagkamali siya. Naroon pa si Kabesang Andang at naghihintay.

Mahahalagang Pangyayari:

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko ngunit ayaw ni Placido at sinabing tatalon muna

siya sa ilog o manunulisan bago bumalik sa unibersidad. Sinabihan

siya ng kaniyang ina ukol sa pagtitiis. Di na muna kumain ang binata at muling umalis ng bahay. Nagtungo siya sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa

Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle.

Mahahalagang Pangyayari:

Ginabi siya. Wala siyang natagpuang kaibigan. Nagtungo siya sa perya at doon nakita niya

si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pumuntang Hongkong.

Mahahalagang Pangyayari:

Isinama ni Simoun si Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Kinainisan niya sina Simoun at Isagani. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido

hanggang sapitin nila ang isang bahay na munting pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng isang dating guro sa San Diego. Nagtanong ang guro sa di

pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging

kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating

guro.

Mahahalagang Pangyayari:

Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni

Simoun ang magaalahas at ang binata bago umuwi

sa kaserahan si Placido.

Mahahalagang Pangyayari:

Nang mapag-isa si Simoun, ay nagtalo

ang loob niya . Sinurot siya ng budhi dahil

bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain.

Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang

ginawa.

Ngunit umiling siya. Kung ako`y

tumulad sa inyo ay patay na ako,

aniya. Gumawa ako ng masama

upang mabigyang daan ang mabuti. Nilalagnat noon si

Simoun.

Mahahalagang Pangyayari:

Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito.

Ipinayo na lamang sa ina na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na naroon si

Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.

Pagsasadula ng ilang bahagi ng kabanata:

Aral/Berso Mula sa Bibliya:

Matapos ang ating mga natalakay, ano nga ba ang iyong napulot na

panibagong aral ng buhay? Halina’t suriin ang ating mga damdamin sa

pamamagitan ng pagsulyap sa mukha ng katotohanan . . .

Aral/Berso Mula sa Bibliya:

Efeso 6:1-4 “Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa

Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na

pangakong. "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."Mga magulang, huwag kayong gumawa ng

mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng

Panginoon.”

Ecclesiastico 21:27 “Kapag sinumpa ng makasalanan ang

kanyang kaaway, para na ring sinumpa niya ang kanyang sarili.”

Aral/Berso Mula sa Bibliya:

Aral/Berso Mula sa Bibliya:

Ecclesiastico 21:19-21 “Para sa hangal ang pag-aaral ay isang tanikala sa kanyang mga paa, parang posas na nakagapos sa

kanyang mga kamay. Ngunit para sa matalino, ang pag-aaral ay isang gintong hiyas, isang pulseras na

nakasuot sa kanyang bisig. Ang hangal, kung matuwa'y humahalakhak, ngunit ang marunong ay

mahinhing ngumingiti lamang kung hinihingi ng pagkakataon.”

Aral/Berso Mula sa Bibliya:

2 Tim. 2:15“Sikapin mong maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, isang manggagawang

walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Sige Placido ipakilala mo sa kanilang may karangalan ka, na ikaw ang nanggagaling sa lalawigan ng mga matatapang, gumanti ka,

gumanti ka.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Ano ang mangyayari sa iyo ngayon, tatawagin kang isang filibustero’t baka ipabitay ka pa. Sinasabi ko sa iyong magtiis at magpakumbaba. Hindi ko sinasabing humalik ka sa kamay ng

mga kura at alam kong may maselan kang pang-amoy katulad ng iyong ama na hindi makakain ng kesong Europeo, ngunit dapat

tayong magtiis, huwag umimik at sumagot ng oo sa lahat. Anong magagawa natin? Ang mga prayle ay mayroon ng lahat ng bagay,

kung ayaw nila ay walang magiging abogado o doktor, kaya magtiis ka anak ko, magtiis ka.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Di na kakaunting tiis ang ginawa ko inang at hindi na ako makapagtitiis.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Tatalon muna ako sa dagat, manunulisan muna ako bago ako

bumalik sa unibersidad.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Nagtataka ba kayong makakita ng isang kastilang bata pa’y sakitin na? Dalawang taon pa lamang ang nakalilipas ay malusog

pa siyang katulad ninyo, nalakad ng kanyang mga kaaway na siya’y mapatapon sa balabak upang doon makasama ang mga

pinahihirapan sa paggawa. Kaya hayan siya ngayon, may rayuma at iginugupo ng malaria na magdadala sa kanya sa nalalapit na

hukay. Ang sawimpalad ay nakapag-asawa lamang ng isang napakagandang babae.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Ang kasumpa-sumpang lungsod na ito na puno ng pagmamataas at

pagsasamantala sa mga mangmang at kapos palad ay magliliyab na.”

Mahahalagang Pahayag sa Kabanata:

“Ang gawa niya ay malapit ng matapos at ang kanyang tagumpay

ang magbibigay ng katwiran sa akin.”

Mga Tulong sa Pag-aaral

Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral?

Iisa ang unibersidad noon para sa karera, ang Unibersidad ng Sto. Tomas.

Ayaw na siyang tangapin doon.

Mga Tulong sa Pag-aaral

Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara?

Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito

mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y

nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan

niya ng bagong buhay ang mongha. Sabi ni Simoun patungkol kay Maria Clara: Isang paghihimagsik ang

naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo. 

Mga Tulong sa Pag-aaral

Bakit nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias?

Ang dalawa`y di sang-ayon sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat

dahil ang nag-uudyok sa kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at

makatarungan kundi payak na paghahangad ng paghihiganti.

Mga Tulong sa Pag-aaral

Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasan ng

kanyang ina?

Sa ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang ina. Kunwa’y payag na siya sapagka’t batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong himagsikan

kaya’t wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan.

Mga Tulong sa Pag-aaral

Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun?

Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na

sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may

layon: pagbawi kay Maria Clara.

Pangwakas na Panalangin