11
Kabanata 20 Siruhano sa Mata sa Hongkong (1891-1892)

Kabanata 20

Embed Size (px)

DESCRIPTION

rizal

Citation preview

Kabanata 20

Kabanata 20Siruhano sa Mata sa Hongkong (1891-1892)

Spain Hongkong Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong:

Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.

Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.

Para kupkupin ang kanyang pamilya.

Pamamaalam sa EuropaNagpaalam ng maayos si Rizal kaydelPilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga Pilipino sa Europa.

Mula sa Merseilles sumakay ng barkongMelbournepatungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ngEl Filibusterismo.

Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa usapan na ipinahiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan.

Pagdating sa HongkongDumating si Rizal sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891. Sinalubong siya ng mga kaibigan at siya ay nanirahan sa5 D' Aguilar Street No. 2Rednaxola Terrace at dito ay nagbukas ng isang klinika.

Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, atTrinidad.

Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.

Narito kaming lahat, ang aking mga magulang, mga kapatid, namumuhay nang mapayapa at malayo sa pag-uusig na pinagdurusahan nila sa Pilipinas. Labis silang nasisiyahan sa pamahalaang Ingles.

-J.P. RIZALSiruhano sa MataNagsanay ng medisina si Rizal upang kumita para sa sarili at pamilya. Si Dr. Lorenzo P. Marques ang tumulong sa kanya upang magkaroon ng mga kliyente.Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano.Matagumpay niyang naoperahan ang kaliwang mata ng kanyang ina.Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.

Nasa kanya ang lahat ng katangian ng isang ideal na siruhano sa mata matalas at mapanuring pag-iisip, magaan at malikhaing kamay ng isang pintor, katapangan at pagiging kalmante, malawak at malalim na kaalaman sa medisina at optalmolohiya, at siyay nagsanay mula sa mahuhusay na siruhano sa mata.

-Dr. Geminiano de OcampoProyekto sa Kolonisasyon ng BorneoBinalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya saBorneona bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa.

Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 100,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad.Proyekto sa Kolonisasyon ng BorneoIpinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan.

Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang ProyektongBorneo ngunit hindi ito sumagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin ito sumagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.

Kulang sa mga manggagawa ang Pilipinas at hindi makabayang gawi ang magtungo sa dayuhang lupain para doon magbungkal.

-Gobernador Despujol