Kabanata II Fil.pptx

Embed Size (px)

Citation preview

Kabanata II: Ang Pagsulat Bilang Kanlungan ng Kaalaman

Kabanata II: Ang Pagsulat Bilang Kanlungan ng KaalamanMga Batayang Kaalaman sa PagsulatAng Tekstong Ekspositori: Katangian at Bahagi Mga Hulwaran ng Tekstong EkspositoriA. Mga Batayang Kaalamansa PagsulatKahulugan at KalikasanSosyo-kognitibong Pananaw sa PagsulatMga Layunin sa PagsulatElemento ng PagsulatProseso sa Pagsulat (Bago Sumulat,Habang Sumusulat, Pagkatapos sumulat)KAHULUGAN AT KALIKASANIbat ibang Kahulugan ng PagsulatKahulugan at Kalikasan- Ayon kina Bernales, et,al. (2001), ang pagsulat aypagsasalin sa papel o ano Mangkasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kaniyang/kailangang kaisipan.---- Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa ibat ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaring hindi gamitin ang utak sa pag sulat (Bernales,et al.,2002) Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pag suong sa gawaing ito ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain (Bernales,et al.,2002)

Kahulugan at KalikasanAyon kina Xin at Jin (1989, sa Bernales, et al., 2008), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Kung gayon maituturing bilang isang mataas na uri ng komunikasyon sapagkat esensyal dito ang napakaraming elemento at rekwayrment ng gramatika at bokabularyo.

Kahulugan at KalikasanAng pagsulat naman ayon kay Keller (1985, sa Bernales, et al., 2008),ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat ito, kasama ang kanyang pakikinig,pagbasa at pagsasalita, ay may malaking impluwensiya upang maging ganap ang ating pagkatao.Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining, maaari itong maging hanggang satispaksyon ng sinoman sa kanyang pagpapahayag ng naiisip o nadarama (Bernales, et al.,2008)Kahulugan at KalikasanSamantala, ganito naman ang paglalarawan nina Peck at Buckingham (sa Bernales, et al.,2008) sapagsulat: Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasaSOSYO-KOGNITIBONGPANANAWSA PAGSULATSosyo-kognitibong Pananaw Hindi na bago sa atin na sa mga pagtatalakay ay may ibatibang pananaw na maaaring kapitan at magpatibay pa sa mga konseptong naistalakayin. Mahalagang mabigyang kahulugan at mahimay natin ang sosyo-kognitibong pananaw sapagsulat upang mas lalong maintindihan natin ang konseptong kasanayang ito. Ang sosyo ay isang Salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang kognitibo naman ay anomang tumutukoy sapag-iisip. Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktuwal na kaalaman (Bernales, et al., 2008).Sosyo-kognitibong Pananaw Ayon sa sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat, kung gayon, ay isang paraan sa pagtingin sa prosesong pagsulat. Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa mental naaktibitiang pagiisip at pagsasaayos ng isang tekstong pasulat. Nakapaloob naman sasosyal naaktibiti ang pagsaalang alang sa mga mambabasa at kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto. (Bernales, et al., 2008).Sosyo-kognitibong Pananaw Masasabirin, kung gayon, na ang pagsulat at kapwang isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong prosesong pakikipagusap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tulad ng Ano ang aking isusulat? Paano koiyon isusulat? Sino ang babasa ng aking isusulat? Ano ang nais kong isulat? Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat? Isa rin itong paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa (Bernales, et al., 2008).MGA LAYUNINSA PAGSULATLayunin sa Pagsulat Ayon kay (Bernales, et al., 2008) may roong layuning ekspresibo o transaksyonal.

Ito ay iniuri nya sa tatlo:Impormatibong pagsulatMapang hikayat na pagsulatMalikhaing pagsulat

May karagdagang layunin naman na dinagdag si Kenneavy(1971)Pormularing pagsulat

ELEMENTO NGPAGSULATElemento ng PagsulatNabanggit ni Bernales, et al. (2009) ang apat na salik ng diskurso na siya ring elemento ng pagsulat, dahil ang pagsusulat ay isang anyo ng diskurso.

1. Paksa2. Layunin3. Pagsasawika ng Ideya4. MambabasaElemento ng PagsulatPaksaAng proseso ng pagsulat ay laging nagsisimula sa isang paksang siyang iikutan ng sulatin. Hindi dapat isipon lamang ng manunulat kung ano ang kaniyang personal na interes, kundi dapat din niyang isipin na ito ay kawiwilihan ng kaniyang ninanais na mambabasa. Dapat ito ay naaangkop sa sitwasyon at mambabasa, napapanahon at kawili-wili.Elemento ng PagsulatSa pagpili ng paksa, pinahahalagahan natin na dapat ito ay may saysay upang basahin ang ating mga iniakda. Tiyakin din natin na tayo ay mayroong sapat na kaalaman sa paksang ating pipiliin. Pagplanuhan ng maige ang pagpili sa paksa. Ilista ang mga paksang posibleng gamitin sa pagsusulat.Elemento ng Pagsulat2. LayuninSa pagsusulat, nais nating kawilihan ng ating mambabasa ang ating isinulat bukod pa sa makapagharid ng mahalagang kaalaman. Karaniwan na ang pamamaraan ng ating pakikipag-ugnayan ay nadidiktahan ng ating layunin o ninanais na makamtam sa katapusan ng gawain. Sa isang manunulat, ang pagsulat ay karaniwang daan sa pagpapahayag ng kaniyang saloobin, kaisipan, at mga mithiin.Elemento ng Pagsulat3. Pagsasawika ng IdeyaMahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa iasng akda. Sa pagsasawika, mabubuo ang isang teksto. Ang husay ng isang manunulat ay nasusukat sa kanyang kakayahang bigyang buhay ang mga kaisipan niya sa paglalapat ng mga salitang muli namang bubuhayin ng kaniyang mambabasa sa kanilang isipan, na kung kanilang maiibign ay maaari nilang isabuhay.Elemento ng Pagsulat4. Mambabasa

Ang isang akda ay hindi magkakaroon ng kabuluhan kung ito ay walang mambabasa. Maging tayo, sa ating pagsusulat, ay ang unang mambabasa ng mga isinusulat. Nagiging mga kritiko tayo at gumagawa ng ating komento upang mapabuti ang ating isinulat. PROSESO SAPAGSULATProseso sa PagsulatBago Sumulat

Paano ko sisimulan?Saan ako magsisimula?

Mayroong limang teknik na maaaring makatulong sa pagdedebelop ng tekstong ekspositori (Langan, 2010)Proseso sa PagsulatMalayang Pagsusulat (Freewriting)

Itoy pagsusulat ng mga pangungusap o parirala sa papel nang tuloy-tuloy hanggang makabuo ng burador. sa pamamagitan nitoy maaring pagmulan ito ng magandang paksang puwede mong idebelop.

Proseso sa Pagsulat2. Pagtatanong (Questioning)Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring panggalingan ng mga ideya at detalye na posibleng magamit sa pagsusulat. katulad ng mga katanungang nag-uumpisa sa sino? ano? saan? kailan? bakit? o paano? itoy isang epektibong paraan upang matulungan ang iyong sarili na makapag-isip ng mga posibleng paksa sa ibat ibang anggulo. ang mga katanungan ay makatutulong din sa pagbuo ng mga detalye ng isang paksa.

Proseso sa Pagsulat3. Paglilista (Listing) - sa paglilista, kinokolekta mo ang mga ideya at detalye na may kaugnayan sa paksang susulatin mula sa nabuong burador. ilista ang mga paksang may kaugnayan sa isat isa na maaaring gabay sa pagsusulat.4. Pagkacluster (Clustering) - ang pagkaklaster o diagramming ang isa sa pamamaraan na maaaring pagmulan ng magandang materyal para sa teksto. ang metodong itoy mabisa kung nais mong ipakita ang ideya sa paraang biswal. kinokonek ang mga ideyang nakapaloob sa mga kahon/bilog sa isat isa sa pamamagitan ng mga linya.

Proseso sa Pagsulat5. Pagbabalangkas (Preparing an Outline)

Sa pamamagitan ng balangkas ay maaaring taglayin ang sariling gawa, kung mayroong pa bang kakulangan ang bubuuing teksto. kung hindi makabubuo ng isang kongkretong balangkas, maaaring balikan ang ibat ibang teknik sa yugtong ito.

Proseso sa Pagsulat Sa isang balangkas, pinagiisipan nang mabuti ang ipapasok na mga punto at ang mga pansuportang aytem dito. tinitingnan din ang order ng bawat aytem upang masigurado ang kaisahan, kohirens at organisadong ideya na magiging teksto. kung gayon, ang balangkas ay maihahalintulad sa isang blueprint na gabay para makabuo ng isang magandang tekstong ekspositori.

Proseso sa PagsulatSina Pharr at Buscemi (2005) ay mayroong tatlong paraan nito-impormal, pangungusap at pormal na balangkas na maaaring makatulong sa mas mabilis na pagbuo nito:

Impormal na BalangkasHalos katulad ito ng pormal na balangkas pero hindi kailangang mahigpit na sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya at detalye. Itoy gamitin lamang sa pagpaplano ng susulatin.

Proseso sa Pagsulat2. Pormal na Balangkas

Ang balangkas na ito ay hindi ginagamit sa pagpaplano ng pagbubuo ng teksto. Madalas itong nabubuo pagkatapos ng preliminaryo o pinal na burador. Ang bawat entri sa pagbabalangkas na ito ay nasa anyong pangungusap.

Proseso sa PagsulatHabang SumusulatAng hakbang na ito ay nakakapagod at nakakaaliw na bahagi. Dito masusukat ang iyong kasanayan sa pagsulat

Proseso sa PagsulatMga gabay upang mabuo ang bubuuing teksto:

Magsimula sa isang paksang pangungusap.Simulan sa paksang pangungusap ang unang talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang talata. Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan.Nararapat na maipresenta ang mga tiyak na detalye sa iyong teksto upang maging kapani-paniwala at makahikayat sa mga mambabasa.

Proseso sa PagsulatAyusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya.Obserbahan ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideyang ipinasok. Dapat isaisip ng mabuti upang hindi maguluhan ang mga mambabasa.Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap.Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga tamang estraktura ng gramatika o maging simpleng mga paggamit ng bantas.

Proseso sa PagsulatPagkatapos Sumulat

Sa yugtong ito kinakailangan ng tiyaga. Dahil posibleng mangyari ang pagkakonteto pagkatapos ng pahirapang pagsulat. Dapat iwasan ang ganitong pakiramdam upang matamo ang isang epektibong teksto.

Proseso sa PagsulatMga Dapat Isaalang-alang sa Pagrerebisa:KohirensKakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya.KaisahanKailangan ang mga ideya ay malinaw na magkaugnay sa isat isa at umiikot ang talakay sa isang sentral na ideya.EmpasisAng mga mahahalagang salita ay dapat nakahaylayto nagbibigyang-diin.

Proseso sa PagsulatKasapatanSapat ang mga materyal (detalye, paliwanag at mga datos) para masuportahan ang paksang tinatalakay.

Kasanayan sa Pangungusap Obserbahan ang estraktura ng gramar na ginamit (tamang pagbabantas, ispeling at pormat)

Proseso sa PagsulatAyon kay Rozakis (2008) Revising is the essence of writing. Kahit pa mga propesyonal na manunulat ay nagrerebisa gaya nina E.B. White at James Thurber na kilala sa pagre-rewrite ng kanilang akda ng nang walo o siyam na ulit.Sa pagrerebisa, pinaghuhusay mo ang iyong akda sa lahat ng antas: salita, pangungusap, talata, at kabuuan.

B. Ang Tekstong Ekspositori: Mga Katangian at BahagiKatangianPanimula: Paksa at TesisKatawan ng TekstoWakas: Paglalagom at KongklusyonKatangianKATANGIAN

Ayon kay Alejo (2008 sa Bernales, et.al., 2012), ang tekstong ekspositori ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian.KatangianNakapagbibigay ng ibat ibang pamamaraan ng paglalahad sa isang teksto, kung papaano ito babasahin at susulatin;Gumagamit ng ibat ibang awtoridad sa pagtalakay sa mga paksa;Sinusundan ng mga mambabasa ang mga pagpapaliwanag ng manunulat at sa pagsulat naman, mas pinagtutuunan ng manunulat ang paraan ng pagpapaliwanag sa paksa; atGinagamitan ng mga pantulong grapiko gaya ng grap, ilustrasyon at iba pa.

PANIMULA:PAKSA AT TESISPanimula: Paksa at TesisMahalaga ang bahaging ito ng teksto sapagkat ditoy parang hinahatak mo ang iyong mambabasa upang basahin ang iyong isinulat. Wika nina Bernales, et.al. (2001), maihahalintulad ito sa display window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga abeylabol na paninda o haylayt na paninda.Kung gayon, ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon, bukod pa sa nagsisilbi itong pang-akit at panawag-pansin.Kailangang maging mabisa ang bahaging ito ng teksto dahil dito nakasalalay ang pagkuha ng atensyon ng mambabasa.Kinakailangang mailahad nang maayos ang pagpapakilala ng paksa at tesis ng teksto upang mahatak din ang kanilang kuryosidad.

KATAWANNG TEKSTOWakas: Paglalagom at KongklusyonIto ang tinaguriang pinakamalaki at pinakamahalagang bahagi ng isang teksto.Kailangan maging maingat ang manunulat sa bahaging ito sa kadahilanang dito nakapaloob ang pinakamahalagang impormasyong nauukol sa tesis at paksa.Ayon kina Bernales, et,al, (2009), ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto at ang esktraktura naman ang pinakakalansay nito.Inaasahan kasi rito ang matalinong paraan ng manunulat, kung papaano sinuportahan ang kanyang tesis o pangunahing ideya upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang teksto.May ilang hulwaran sa pag-organisa sa bahaging ito upang matulungan ang manunulat at maging ang mambabasa na mapahalagahan ang kabuuan ng isang teksto.

WAKAS:PAGLALAGOMATKONGKLUSYONKatawan ng TekstoAng wakas ang panghuling bahagi ng isang teksto. Tulad ng panimula, kailangang makatawag-pansin din ang magiging wakas ng isang teksto sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbuo nito ay pang-iwan ng isa o ilang mahalagang kakintahan sa mga mambabasa.Ayon kina Bernaleas, et al. (2009), ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Inalalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan.Inilalahad naman sa kongklusyon ang inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa pagtalakay sa teksto.

C. Mga Hulwaran ng TekstongEkspositoriDepinisyonPag-iisa-isa o EnumerasyonPagsusunod-sunod o OrderPaghahambing at PagkokontrastProblema at SolusyonSanhi at BungaDEPINISYONDepinisyon Ano nga ba ang Depinisyon? - Ito ay ang pagbibigay kahulugan sa isang di-pamilyar na termino.

3 Bahagi ng Depinisyon1.Termino-salitang binibigyang-kahulugan.2.Uri, Class, Specie - saan nabibilang ang terminong binibigay.3.Natatanging Katangian - paano ito naiiba sa katulad na uri.Depinisyon3 Paraan sa Pagbibigay ng Depinisyon1.Sinonim - salitang katulad ang kahulugan o kaisipan.2.Intensib - paggamit ng tatlong bahagi ng depinisyon.3.Ekstensib - pagpapalawak ng kahulugan.

Dimensyon sa Isang Tekstong Depinisyon1.Dimensyong Denotasyon: kahulugang mula sa diksyunaryo.2.Dimensyong Konotasyon: matalinhagang kahulugan.DepinisyonHalimbawa:

Pangungusap: Filipino ang ating pambansang wika. Depinisyon: Wika lenggwahe (pangngalan)

Pangungusap: "Tayong lahat ay mga Pilipino", ang wika ni Propesor Rovina.

Depinisyon: Wika- sabi (pandiwa)50PAG-IISA-ISAOENUMERASYONEnumerasyonAno ba ang Enumerasyon?

Ang ENUMERASYON o pag-iisa-isa ay isang uri ng kohesyon na nagpapakita ng pagkakasunod sunod ng mga detalye.

52EnumerasyonDalawang Uri ng Pag-iisa-isa o Enumerasyon

1. Simpleng Pag-iisa-isa pagtatalakay sa pangunahing paksa.Halimbawa:Ang apat na makrong kasanayan -Pakikinig -Pagsasalita -Pagbasa -Pagsulat

53Enumerasyon2. Komplikadong Pag-iisa-isa - pagtalakay sa pamamaraang pagtatalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa. Tinatalakay nangsunud-sunodonangmagkakahiwa-hiwalayatmagkakaugnay na talataang mga bagay na iniisa-isa (Bernales, et al.,2007)54EnumerasyonHalimbawa:Ang Computer Networking Ang Computer Network ay interkoneksyon ng mga kompyuter na ginagamit ng mga tao sa iisang lugar. Kalimitang ginagamit ang ganitong sistemang mga kumpayan upang mapadali ang ugnayan o komunikasyon.

55EnumerasyonResource Sharing

Ang pinakauna sa lahat ng layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng access o pagkakataon na mabasa o makita ng bawat indibidwal ang iba't ibang inpormasyong abeylabol sa network.

56EnumerasyonHigh Reliability Ang ikalawang layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng high reliability o ang pagkakaroon ng tumpak o wastong impormasyon.57PAGSUSUNOD-SUNODOORDERPagsusunod-sunodAng pamamaraang ito ay ang pagsusunod-sunod o order ng mga pangyayari o ng isang proseso.

Mauuri ito sa tatlo, Sikwensyal, Kronolohihal at Prosidyural.

59Pagsusunod-sunodSikwensyal - Batayan ng order ay ang panahon o pagkakasunod-sunod na pagkakaganap ng mga pangyayari.Kronolohikal Ang paksa ay ang tao o kung ano pa mang mga bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol, tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pa. Prosidyural Isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta (Bernales,et al.,2007).

60PAGHAHAMBING ATPAGKOKONTRASTPaghahambing at PagkokontrastPaghahambing ipinapakita ang kanilang pagkakatulad.

Pagkokontrast ipinapakita ang kanilang kaibahan.62Paghahambing at PagkokontrastDalawang paraan:

Halinhinan o alternating - ang pagtalakay sa katangian.

Isahan o block - magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang paksang pinaghahambing at kinkontrast.63Paghahambing at PagkokontrastHalinhinanIsahanPagkakatulad ng A at BPagkakatulad 1Pagkakatulad 2Pagkakatulad 3II. Pagkakaiba ng A at BPagkakaiba 1Pagkakaiba 2Pagkakaiba 3Mga Katangian ng AKatangian 1Katangian 2Katangian 3II. Mga Katangian ng BKatangian 1Katangian 2Katangian 3Ganito ang karaniwang balangkas ng dalawang paraan ng pagtalakay ng tekstong hambingan at pagkokontrast (Bernales, et al., 2009)64PROBLEMAATSOLUSYONProblema at SolusyonProblema suliranin na kailangan lutasin.

Solusyon kasagutan na makakalutas sa problema.66Problema at SolusyonHalimbawa:

Problema: Maraming nagkakaroon ng dengueSolusyon: Maging maingat sa paligid at mga bagay na maaaring pamahayan ng lamok. Panatilihing malinis ang kapaligiran Siguraduhing walang maaaring maipunan ng tubig.67SANHIATBUNGASanhi at BungaSanhi : ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Sa salitang ingles ito ay ang CAUSE.

Bunga : ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa salitang ingles ito ay ang EFFECT.

69Sanhi at BungaHalimbawa:Ang mga bata ay palaging nag tatapon ng basura sa kalsada kaya ngayon ang ating sari-sariling lugar ay binabaha na.

SANHI : Ang mga bata ay palaging nag tatapon ng basura sa kalsada. BUNGA : Kaya ngayon ating sari-sariling lugar ay binabaha na.

70Sanhi at BungaNahulog si Juan sa kanal dahil hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan.

SANHI : Hindi nya tinitignan ang kanyang dinaraanan.BUNGA : Nahulog si Juan sa kanal.

71