9
Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Maging Mahinahon sa Pagtanggap ng mga Biro Ikalawang Markahan- Modyul 8 Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Cielo R. Tojos Manunulat Noema O. Gillego Tagasuri

Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

  • Upload
    others

  • View
    92

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Kagawaran ng Edukasyon

Edukasyon sa

Pagpapakatao 4 Maging Mahinahon sa

Pagtanggap ng mga Biro Ikalawang Markahan- Modyul 8

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Cielo R. Tojos

Manunulat

Noema O. Gillego

Tagasuri

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

2

Inaasahan

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at

kilos ng kapwa tulad ng:

1. Pagpili ng mga salitang di-nakakasakit ng damdamin sa

pagbibiro

Unang Pagsubok

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at MALI kung hindi wasto.

1. Huwag tumugon kung may nananakot sa iyo. 2. Gumanti ka sa nambu-bully sa iyo. 3. I block ang nananakot sa iyo. 4. Ipinagbabawal ang paggamit ng teknolohiya sa pambu-bully. 5. Lumapit sa taong iyong mapagkakatiwalaan. 6. Isumbong sa guro kung may kaklaseng nambu-bully. 7. Huwag gantihan ang taong naninira sa iyo. 8. Gumamit ng masasakit na salita sa pagbibiro. 9. Maging mahinahon sa lahat ng oras.

10. Ipinagbabawal sa paaralan ang bullying.

Balik-tanaw

Panuto: Iguhitt ang kung ang mga pangungusap ay

nagpapakita ng pagtitiyaga at kung hindi.

_____1. Dinadaya ni Erica ang pagsusulat ng aralin upang siya ay makauwi ng maaga. _____2. Itinapon lamang ni nanay ang mga damit niyang may punit sapagkat ayaw niyang manahi. _____3. Oras na nang recess, sumingit sa pila si Oscar dahil gutom na gutom na siya.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

3

_____4. Magdamag na binalatan ni Albert ang munggong naani niya kanina dahil alam niyang kailangan na itong itinda sa palengke para may pambaon siya. _____5. Pinilit ni Amer na tapusin ang kaniyang takdang aralin

kahit antok na antok na siya.

Maikiling Pagpapakilala ng Aralin

Ito sina Mico at Roel. Mahilig silang magbiro sa kanilang mga

kakilala

ESP4 LMU2

1. Kung ikaw ang sinabihan ng mga salitang ito sa pagbibiro

ng iyong kapuwa, ano ang iyong mararamdaman?

______________________________________________________________________________________________________________________

Kiko, ang taba mo naman, para ka tuloy aparador na naglalakad. Ha ha ha!

May kamukha kang artista, kontrabida nga lang. Ha ha ha!

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

4

2. Balikan ang diyalogo nina Mico at Roel. Paano mo sasabihin ang

kanilang mga biro na hindi ka makasasakit ng iyong kapuwa?

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

3. Paano maipakikita ang pagiging mahinahon sa pakikipag-

usap sa kapuwa? ________________________________________________________________

________________________________________________________________

4. Ano ang epekto ng masasakit na biro sa sarili? _____________________________________________________________

_____________________________________________________________

5. Ano ang dapat gawin kapag nabu-bully? _____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Gawain

Panuto: Buuin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin ang

mga salita sa loob ng bilog.

Nakakatuwang isipin na nakapagpapasaya tayo ng

_____1_______ng ating kapwa. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging

masayahin at _______2_____. Hindi masamang ____3________.

Subalit may mga pagkakataong naaabuso at ____4__________ ang

kapuwa. Kaya dapat pumili ng mga salitang hindi ______5________

sa damdamin ng iba.

nabubully

magiliw damdamin

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

5

6-10. Basahin ang sitwasyon at magpasya kung ano ang nararapat

gawin.

Nakita mo ang iyong kaklase na binibiro ng ibang bata.

Napansin mo na hindi na natutuwa ang iyong kaklase at naluluha

na sa sinasabi sa kanya ng mga bata. Ano ang gagawin mo?

__________________________________________________________

__________________________________________________________

__________________________________________________________

Gawain 2

Gamit ang graphic organizer, isulat sa loob ng bilog ang hindi

magandang epekto ng masasakit na biro o biro na nauuwi sa

pambu-bully.

nakasasakit magbiro

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

6

Tandaan

Ang “Anti-Bullying Act of 2013” ay kilala rin bilang

“Republic Act 10627”. Ang batas na ito ay pinirmahan ni

Pangulong Benigno Aquino III noong ika-12 ng Setyembre, 2013.

Naglalayon ang batas na ito na ipagbawal sa mga paaralan sa

buong bansa ang bullying. Ang pambu-bully ay

mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na

ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa - pisikal man, berbal o

mental - na nagbubunga ng kawalang gana o takot na pumasok

ng isang estudyante sa eskuwelahan. Kasama rin dito ang

tinatawag na cyber-bullying.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng paaralan sa

elementarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa ng mga

alituntunin laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya

ng mga alituntunin ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at

magulang nila.

Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob

ng mga paaralan at kahit sa mga school-related activities.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying. Ang

pananakot gamit ang teknolohiya ay isang napakalaking isyu

sapagkat ang mga kabataang tulad mo ang higit na

naaapektuhan nito. May mga mungkahi upang maiwasang ma-

bully sa internet o “cyber bullying”:

Ang pagiging mahinahon sa damdamin ay naipakikita

maging sa mga salitang ginagamit sa pagbibiro. May mga

pagkakataong sa kagustuhan nating makapagpasaya ng ating

kapuwa, hindi na natin napipili nang maayos ang mga salita at

nakasasakit tayo sa ating kapuwa.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

7

Pag-alam sa mga Natutunan

Panuto : Isulat ang A sa patlang kung ang pangungusap ay

nagsasaad ng pagkamahinahon at B kung hindi.

_____1.Sunod – sunod ang utos ng nanay ni Lorna. Kahit na madami

siyang ginagawa ay sinunod pa din niya ang utos ng kanyang

nanay.

_____2.Matapos iligpit ni Alliah ang maraming kalat na laruan sa

kuwarto ng nakababatang, muli itong ikinalat ng kanyang kapatid

kaya nagalit siya.

_____3.Kahit maingay at magulo ang klase ni Gng. Santiago,

patuloy pa rin niya itong tinuturuan.

_____4.Kahit iyak ng iyak ang kapatid ni Nene ay hindi siya nagalit

kahit marami pa siyang gawain.

_____5.Punong-puno na ang basurahan nina Lanie, inutusan niya

ang kanyang kapatid na itapon ito ngunit ininis pa siya nito at

tinakbuhan, kaysa magalit siya na lamang ang nagtapon ng

basura.

_____6.Ang pagiging mahinahon ay isang ugaling dapat

ipagmalaki.

_____7.Magiging masaya, maayos at maunlad ang buhay ng

taong mahinahon.

_____8.Kung tinutukso o kinakantiyawan dapat na nakasimangot

upang maipakitang ikaw ay nagagalit.

_____9.Ang taong mahinahon ay laging nag-iisip ng maganda sa

kanyang kapuwa.

____10.Ang taong mahinahon ay may mapanuring pag-iisip sa

pagtuklas ng katotohanan at hindi pabigla-bigla sa

pagdedesisyon.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

8

Pangwakas na Pagsusulit

Lagyan ng kaukulang tsek (/) ang pinaniniwalaang

pahayag.

Mga Pahayag Tama Mali

1. Kunin ang pera ng kaklase para

magkabaon.

2. Isumbong sa guro ang nananakot sa

iyo.

3. Huwag pansinin ang taong nambu-

bully.

4. Gayahin ang ginagawa ng kaklaseng

nangunguha ng baon.

5. Makipagkaibigan sa mga nambu-

bully.

6. Alamin ang batas tungkol sa pambu-

bully.

7. Maging mahinahon sa lahat ng oras.

8. Gumamit ng salitang di nakasasakit sa

pagbibiro.

9. Makipag-away sa mga nambu-bully.

10.Huwag matakot sa nambu-bully sa iyo.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao 4

9

Sanggunian:

1. Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina LM 98-106

2. Edukasyon sa Pagpapakatao Pahina TG 56-62

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok

Tama 1,3,4,5,6,7,9,10 Mali 2,8 Balik tanaw

4,5

1,2,3

1.malungkot,naiiyak

2.sasabihin ko ng mahinahon at gagamit ako ng di nakasasakit na salita

3. Ang pagiging mahinahon ay maipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang di

nakasasakit ng damdamin. Mahalaga din ang tono ng ating pagsasalita. Maging sa pagbibiro,

isipin lagi na ang layunin ay magpasaya at hindi makasakit.”

4. Ang emosyon, katawan, at kaisipan ng tao ay naaapektuhan ng masasakit na salitang

ginagamit sa kaniya. Bumababa ang pagpapahalaga at tiwala niya sa sarili

5. “Sabihin agad sa guro at mga magulang. Maaari din na magsumbong sa kinauukulan, at

mahalagang alamin ang tungkol sa batas na Anti-Bullying

Gawain 1.damdamin 2.magiliw 3. magbiro 4. nabubully 5.nakasasakit 6-10 depende sa sitwasyon na ibibigay at isasagot ng bata. Pag-alam sa natutunan

A- 1,3,4,5,6,7,9,10 B- 2,8

Pangwakas na Gawain

Tama Mali

1 /

2 /

3 /

4 /

5 /

6 /

7 /

8 /

9 /

10 /