12
Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I Mahal Ko, Mga Magulang Ko Ikalawang Markahan – Unang Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Ma. Theresa C. Apil /Christine-Ann O. Pastrana / Jocelyn M. Borromeo Manunulat Cunegunda B. Mejica / Annie D. Pesito Tagasuri

Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

  • Upload
    others

  • View
    65

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

Kagawaran ng Edukasyon

Edukasyon sa

Pagpapakatao I Mahal Ko, Mga Magulang Ko

Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Ma. Theresa C. Apil /Christine-Ann O. Pastrana /

Jocelyn M. Borromeo

Manunulat

Cunegunda B. Mejica / Annie D. Pesito

Tagasuri

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

2

Inaasahan

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang

matutuhan mo ang mga aralin kung paano ipinapakita

ang pagmamahal at paggalang sa mga magulang.

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito ay

mas maipamamalas mo pa ang pag-unawa sa

kahalagahan ng wastong pakikitungo sa iyong mga

magulang nang may paggalang at pagmamahal na

siyang magbubuklod sa inyo bilang isang mabuting

pamilya.

Unang Pagsubok

Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagmamahal

at paggalang sa mga magulang?

A. C.

B. D.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

3

2. Kaarawan ng nanay ni Nita, maagang siyang

gumising, hinalikan at binati niya ito. Tama ba ang

ginawa ni Nita?

A. Opo C. Marahil po

B. Hindi po D. Ewan ko po

3. Masayang magkuwento si Dan. Iyon ang kanyang

katangian. Pag-uwi niya mula sa paaralan, ugali na

niya na magkuwento sa Tatay ng kanyang mga

ginawa sa paaralan. Tama ba ang gawaing ito ni Dan?

A. Opo C. Marahil po

B. Hindi po D. Ewan ko po

4. Kinakantahan ni Rica ang kanyang kapatid habang

naglalaba ang kanyang nanay. Nagpapakita ba siya ng

pagmamahal sa kanyang magulang?

A. Opo C. Marahil po

B. Hindi po D. Ewan ko po

5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang

nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga magulang?

A. Agad nanood ng telebisyon si Rico pagkagaling

sa paaralan.

B. Dumaan muna si Mona sa kanyang kaklase

bago umuwi ng bahay.

C. Nagmano at humalik sa nanay si Dindo

pagkagaling niya sa paaralan.

D. Dinaanan lang ni Juan ang nanay habang ito ay

nasa kusina at naghahanda ng pananghalian.

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

4

Balik-tanaw

Pag-aralan ang mga larawan. Lagyan ng tsek (√) ang

kahon sa loob ng malaking kahon na nagpapakita ng

pagmamalasakit sa magulang at ekis (X) naman kung

hindi.

magiliw na pakikinig sa

kuwento ng magulang

pagbibigay ng kard sa

tuwing Araw ng mga Tatay

pagbibigay ng munting regalo

sa tuwing kaarawan ni Nanay

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

5

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Kasama ang magulang o tagapagturo, basahin at

unawain ang kuwento.

“I Love You ‘Nay, I Love You ‘Tay”

Masaya ang lahat nang umagang iyon. Ngayon ang

araw ng pagbibigay-parangal sa natatanging mag-aaral

para sa programang “Batang Modelo sa Asal at Talino”.

Napili kasi si Ruth para sa parangal na ito dahil sa kaniyang

angking kahusayan sa paaralan, mabuting pakikitungo sa

kapuwa, at higit sa lahat, sa kaniyang pagiging

mapagmahal na anak.

Nagsimula na ang programa. Napuno ng malakas na

palakpakan ang gymnasium ng paaralan kung saan

idinaraos ang programa.

Tumayo ang mga magulang ni Ruth nang tawagin

ang kaniyang pangalan bilang batang bibigyan ng

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

6

parangal. Halos mapaiyak sa tuwa si Ruth habang

umaakyat sa entablado. Tinanggap niya ang medalya at

nagsalita. “Iniaalay ko po ang medalyang ito sa aking

mga magulang. Marami pong salamat sa inyong

pagmamahal sa akin. Mahal na mahal ko po kayo. I love

you Nanay at Tatay, emosyonal na pahayag ni Ruth.

Niyakap ni Ruth ang kaniyang mga magulang. Hinubad

niya ang medalya at isinuot ito sa kanila. “Kayo po ang

tunay na modelo ko ‘Nay at ‘Tay,” wika ni Ruth.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot

sa patlang.

1. Bakit si Ruth ang napiling bigyan ng parangal?

_____________________________________________________

_____________________________________________________

2. Kung ikaw si Ruth, ano ang mararamdaman mo na

ikaw ay napiling modelong bata?

____________________________________________________

____________________________________________________

3. Bakit inialay ni Ruth ang medalya sa kaniyang mga

magulang?

____________________________________________________

____________________________________________________

4. Gusto mo bang maging katulad ni Ruth? Bakit?

_________________________________________________

_________________________________________________

5. Ano ang iyong magagawa upang maipakita ang

iyong pagmamahal at paggalang sa iyong mga

magulang?

_________________________________________________

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

7

Gawain

A. Magdikit ng mga larawan na nagpapakita ng

pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang.

Idikit mo ito sa loob ng hugis-puso.

B. Panuto: Lagyan ng tsek ang larawang nagpapakita

ng paggalang at pagmamahal sa magulang at ekis X

naman kung hindi.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

8

1

2

A. Larawan

____________

B. Sa pamamagitan ng

____________________________________________________________________________________________.

3

A

https://clipartstation.com/brother-helping-father-clipart-6/

4

A

https://tinyurl.com/ydb72rxc

https://tinyurl.com/y9qff7dj

5

A

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

9

Tandaan

Mahalin at igalang ang mga magulang. Sundin ang

kanilang mga payo dahil ito ay para sa ating ikabubuti.

Walang magulang ang naghahangad ng ikasasama ng

kanilang mga anak. Pasayahin sila sa pamamagitan nang

pagpapadama ng pagmamahal at paggalang sa kanila.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gaano mo kadalas ginagawa ang mga sitwasyon

sa ibaba? Lagyan ng tsek (/) ang kahon.

Sitwasyon Palagi

Paminsan

- minsan Hindi

Sumasagot ako nang magalang kapag tinatawag ako ng aking tatay.

Nakikinig ako nang mabuti kapag ako ay pinagbibilinan

Gumagamit ako ng po at opo sa

pakikipag-usap sa aking mga

magulang.

Iniiwasan kong magalit kapag

pinagsasabihan ako ng nanay

ko.

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

10

Malumanay akong

nakikipag-usap sa aking

mga magulang.

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos sagutan ang tseklis? Bakit?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

A. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng

tamang sagot at isulat sa kahon ang madarama mo

tungkol sa pagpapakita ng pagmamahal at

paggalang sa iyong mga magulang.

A. - Masaya C. - Gulat

B. - Malungkot D. - Nasasaktan

1. Mahinahon at magalang na nakikipag-usap sa

magulang.

2. Nag-aaral nang mabuti upang maipakita na

mahal at pinahahalagahan ang pagod sa

pagtatrabaho ng mga magulang.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

11

3. Yumayakap at humahalik ako sa aking mga

magulang.

4. Nagpapasalamat sa mga magulang sa mga

bagay na naipagkakaloob nila.

5. Sumisimangot at hindi nagsasalita kapag hindi

ibinigay ng mga magulang ang gusto.

B. Gumuhit o magdikit na larawan na nagpapakita ng

pagmamahal sa magulang.

C. Gumawa ng isang liham ng pagmamahal at

pasasalamat sa magulang. Isulat ito sa loob ng

hugis-puso.

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Edukasyon sa Pagpapakatao I

12

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

1. Most Essential Learning Competencies (MELCS)

2. ESPI Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 57-58

3. ESPI LM Q1-Q4, pahina 36, 45, 49, 79

4. Curriculum Guide

5.https://www.google.com/search?q=clipart+showing+lo

ve+for+family

Gawain B

1. 2.X

3.

4. 5.X

Pangwakas na

Pagsusulit

1.A

2.A

3.A

4.A

5.B

Subukin

1. A

2. A

3. A

4. A

5. B