12
Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 Pabula at Pagtatanong sa Larawan Ikalawang Markahan – Unang Linggo Jonalyn M. Dungca Manunulat Emily Kinna B. Caluza Tagaguhit Juvy T. Cortez Tagasuri Rhodora V. Mandap, Reynaldo O. Comisario, Raul T. Felix Mga Validator Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 1 Pabula at Pagtatanong sa Larawan

Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Jonalyn M. Dungca

Manunulat

Emily Kinna B. Caluza

Tagaguhit

Juvy T. Cortez

Tagasuri

Rhodora V. Mandap, Reynaldo O. Comisario, Raul T. Felix

Mga Validator

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

2

Makatutulong ang araling ito upang lalong mapaunlad ang

iyong kasanayan sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa

napakinggang pabula/kuwento, gayundin sa pagtatanong sa

larawan, kuwento at napakinggang balita.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang araling ito, inaasahang:

1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula,

tugma/tula, at tekstong pang-impormasyon (Koda: F1PN-IIa-3; F1PN-IIIg-3; F1PN-IVh)

2. Nakapagtatanong tungkol sa isang larawan at napakinggang

balita(Koda: F1PS-IIa-2; F1PS-IIIc-10.1; F1PS-IVh-10.2)

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ano ang tawag sa kuwento na ang mga hayop ang gumaganap na tauhan?

A. tula B. balita C. pabula D. Alamat

2. Alin sa mga pamagat ang halimbawa ng pabula?

A. Ang Alamat ng Pinya

B. Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

C. Ang Langgam at ang Tipaklong

D. Si Tikboy at ang Dalawang Duwende

3. Ano ang ibinibigay ng pabula sa mga mambabasa?

A. nagbibigay-aral

B. nagbibigay ng problema

C. nagbibigay ng takot

D. nagbibigay ng kasiyahan

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

3

4. Ano ang tawag mo sa bagong virus na nasa larawan na madalas mong napapakinggan sa mga balita ngayon? Ito ay sakit

na may sintomas na ubo, lagnat, hirap sa paghinga at pananakit ng lalamunan.

A. tigdas

B. dengue

C. bulutong

D. Corona Virus 2019 (COVID-19)

5. Masdan ang mga larawan. Ano ang tawag sa mga

makabagong bayani ngayong panahong mayroong COVID-19 sa ating bansa at sa buong mundo?

A. frontliners C. kaibigan

B. pamilya D. artista

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ano ang iyong natutuhan sa mga kuwentong pambata na

binasa ng iyong guro noong ikaw ay nasa kindergarten?

A. kabutihang-asal/ugali

B. magbasa

C. magsulat

D. magsayaw

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

4

2. Ano ang nararamdaman mo kapag ikaw ay binabasahan ng

mga masasayang kuwentong pambata?

A. nagagalit B. natatakot C. natutuwa D. nalulungkot

3. Ano ang tawag mo sa mga nasa larawan?

A. tao B. Hayop C. Lugar D. Bagay

4. Tungkol saan ang larawang ipinakita na madalas mong

napapanood sa telebisyon upang makaiwas sa COVID-19?

A. Tamang Paraan ng Paglalaba

B. Tamang Paraan ng Paghuhugas ng Paa

C. Tamang Paraan ng Paghuhugas ng Kamay

D. Tamang Paraan ng Paghuhugas ng Pinggan

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

5

5. Ano ang nasa larawan na isinusuot mo bilang proteksyon o

pantakip sa iyong ilong at bibig laban sa polusyon o anumang

mikrobyo, bakterya at virus?

A. bota

B. guwantes

C. face mask

D. safety shoes

A. Panuto: Pakinggan ang pabulang babasahin sa iyo na may

pamagat na “Ang Langgam at ang Tipaklong”. Sagutin ang

mga tanong tungkol dito.

Ang Langgam at ang Tipaklong

Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang

tipaklong na masayang naglalaro. Patalon-talon siya sa damuhan.

Di nagtagal, dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil

ng bigas.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

6

“Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan

mo ako, masayang naglalaro. Halika, maglaro tayo at maganda

ang sikat ng araw,” ang anyaya niya sa kaibigang si Langgam.

“Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami pa akong

hahakuting pagkain. Kailangan ko itong gawin upang kapag

dumating ang tag-ulan ay may sapat akong kakainin. Sa gayon,

hindi ako gugutumin.”

“Matagal pa iyon. Tingnan mo’t napakaganda ng sikat ng

araw. Kaysarap-sarap sumayaw! Halika na,” pamimilit ng

tipaklong.

“Iyon na nga. Maganda ang sikat ng araw kaya dapat

tayong magtipon ng pagkain,” at nagpatuloy ang langgam sa

paglakad. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa

damuhan. Maghapon siyang sasayaw-sayaw at pakanta-kanta.

Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip

niya ang kaibigang langgam. Marami itong tinipong pagkain.

Isang gabi habang naghahapunan ang langgam, nakarinig

siya ng marahang katok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto.

“Ako’y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit

kaunting pagkain ako’y iyong bigyan,” ang pagsusumamo ni

Tipaklong. Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito.

Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing naitabi ni Langgam.

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

7

Magbibigay ng iskolarsyip si Mayor Fresnedi sa lahat ng mga

mag-aaral sa unang baitang sa lahat ng mga paaralan ng

Lungsod ng Muntinlupa. Pinapayuhan ang lahat ng mga

magulang ng mga mag-aaral sa unang baitang na mag sumite ng

mga kinakailangang papeles para dito. Makipag-ugnayan sa

pamunuan ng paaralan tungkol dito.

“Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi

mong habang maganda ang panahon ay dapat magtipon. Hindi

katulad ko na walang ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon

ng tag-araw,” ang wika ni Tipaklong.

“Huwag ka nang mag-alala. Marami akong pagkain. Heto

kumain ka na. Ang mahalaga ay natuto ka na sa iyong

pagkakamali,” ang may kababaang-loob na sagot ni Langgam.

Nahihiyang kumain si Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa

nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.

Tanong:

1. Sa pabulang “Ang Langgam at ang Tipaklong”, sino ang

matiyagang nag-ipon ng pagkain habang maganda ang

panahon?

2. Sino naman ang pakanta-kanta at pasayaw-sayaw lamang sa

buong maghapon?

3. Anong ugali ang ipinakita ni Tipaklong sa napakinggang

pabula?

4. Ano naman ang ugali na ipinakita ni Langgam sa

napakinggang pabula?

5. Anong aral ang natutuhan mo sa pabulang “Ang Langgam

at ang Tipaklong”?

B. Panuto: Pakinggang mabuti ang balitang narinig ni Nanay.

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

8

Mahalagang nakikinig ka sa pabula, kuwento o balita upang

lubos mong maunawaan at masagot nang wasto ang mga tanong

tungkol dito.

Malaking tulong din sa iyo na pagmasdan mo ang mga

larawang iyong nakikita habang binabasa ang pabula, kuwento o

balita.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang magbibigay ng iskolarsyip?

2. Ano ang kailangang isumite ng mga magulang?

3. Kanino makikipag-ugnayan?

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ano ang mga nasa larawan na

kailangan ng katawan para hindi

magutom?

A. damit

B. laruan

C. pagkain

D. halaman

2. Anong insekto ang nasa larawan?

A. langgam

B. tipaklong

C. bubuyog

D. gagamba

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

9

3. Anong uri ng panahon ang nasa

larawan?

A. maulap

B. maulan

C. maaraw

D. mahangin

4. Anong insekto ang nasa larawan?

A. langgam

B. tipaklong

C. bubuyog

D. gagamba

5. Anong uri ng panahon ang nasa

larawan?

A. maulap

B. maulan

C. maaraw

D. mahangin

Ang Pabula ay maikling kuwento na ang mga tauhan ay

mga hayop na nagsasalita. Ito ay nag-iiwan ng magandang

aral sa mga mambabasa.

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

10

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang magandang aral sa buhay n

iyong natutuhan sa napakinggang pabula at kulayan ito.

a

Masasagot mo nang tama ang mga tanong kapag nakinig

kang mabuti sa mga binasang kuwento, pabula at mga balita.

Nakatutulong nang malaki na pagmasdan ang mga

larawan sa pagsagot sa mga tanong.

Pamantayan ng Guro sa Pagbibigay ng Puntos:

5 puntos (nakaguhit nang may buong konsepto at may kulay)

4 puntos (nakaguhit subalit di buo ang konsepto at may kulay)

3 puntos (nakaguhit ngunit walang konsepto at may kulay)

2 puntos (nakaguhit ngunit walang konsepto at walang kulay)

1 punto (nakaguhit subalit hindi natapos)

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

11

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Sino ang nag-ipon ng pagkain sa pabulang “Ang Langgam at ang

Tipaklong”,

A. langgam B. tipaklong C. bubuyog D. gagamba

2. Sino naman ang pakanta-kanta at pasayaw-sayaw lamang sa

buong maghapon?

A. langgam B. tipaklong C. bubuyog D. Gagamba

3. Anong ugali ang ipinakita ni Tipaklong sa napakinggang

pabula?

A. tamad B. masipag C. magalang D. Matulungin

4. Sino ang Mayor na magbibigay ng iskolarsyip sa balitang

napakinggan?

A. Mayor Vico Sotto C. Mayor Sarah Duterte

B. Mayor Isko Moreno D. Mayor Jaime Fresnedi

5. Pagmasdan ang larawan. Ano ang gagawin ni Langgam sa

tipaklong na humihingi ng tulong?

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 1 - depedmuntinlupa.ph

12

Pangwakas na Pagsusulit

1. A

2. B

3. A

4. D 5. C

Gawain

1. C

2. A

3. B

4. B 5. C

5. maging masinop, matulungin at

matutong mag-impok

B. 1. Mayor Fresnedi

2. papeles

3. Pamunuan ng

paaralan

A.1. langgam

2. Tipaklong

3. Tamad

4. Masipag

Pagpapakilala sa Aralin (sagot sa mga tanong tungkol sa pabula)

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok

1. C

2. C

3. A

4. D

5. A

Balik-Tanaw

1. A

2. C

3. B

4. C

5. C

A. Pagsasarhan ng pinto C. Papapasukin at pakakainin

B. Papapasukin at paliliguan D. Papapasukin at patutulugin

Sanggunian Sancho Calatrava, Bumasa at Sumulat: Filipino 1 Kagamitan ng Mag-aaral (Kagawaran ng

Edukasyon, Republika ng Pilipinas) pahina 8 – 10.

Super Cutie Jasmine, Ang Langgam at ang Tipaklong (Istoryang Pambata)

https://youtu.be/hrO86NjL7zs

Wikakids Free Education for Every Juan, Pabula: Ang Langgam at ang Tipaklong

https://www.wikakids.com/filipino/pabula-fables/ang-langgam-ang-tipaklong/

Jean Demate, Pabula

https://www.slideshare.net/maryjeandemate/pabula-77162625

Minnesota Department of Health, Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19)

https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materials/basicstagalog.pdf

Department of Health Philippines, Tamang Paraan ng Paghuhugas ng Kamay

https://youtu.be/sDEKMeCF0Lo