12
Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 Nagagamit ang Angkop na Pagtatanong tungkol sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari, Ano, Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano, at Sino-sino Nakapaglalarawan ng mga Tao, Bagay, at Lugar sa Pamayanan Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Otheza Rosa R. Cortes Manunulat Maila C. Lorenzo Rowena R. Dulay Sahlee Y. Donceras Maricel P. Dimaano Jhanne M. Victorino Mga Tagasuri Rhodora V. Mandap Reynaldo O. Comisario Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan Melesa L. Calapano Nelia G. Abejar Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

  • Upload
    others

  • View
    31

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 3 Nagagamit ang Angkop na Pagtatanong tungkol

sa mga Tao, Bagay, Lugar at Pangyayari, Ano,

Sino, Saan, Ilan, Kailan, Ano-ano, at Sino-sino

Nakapaglalarawan ng mga Tao, Bagay, at Lugar

sa Pamayanan

Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Otheza Rosa R. Cortes

Manunulat

Maila C. Lorenzo Rowena R. Dulay Sahlee Y. Donceras

Maricel P. Dimaano Jhanne M. Victorino

Mga Tagasuri

Rhodora V. Mandap Reynaldo O. Comisario

Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan

Melesa L. Calapano Nelia G. Abejar

Mga Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

2

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:

Nagagamit ang angkop na pagtatanong sa tao, bagay

lugar at pangyayari sa pangungusap (F3WG-IIIa-b-6)

Nagagamit ang mga salitang pananong na ano, sino, saan,

ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino (F3WG-IVab-6)

Natutukoy ang mga panghalip na pananong na isahan o

maramihan sa pangungusap

Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang panghalip

na pananong sa loob ng panaklong.

1. (Ano, Alin) ang nangyari sa aso, nabalian ba?

2. (Ilan, Kailan) ang lapis ni Carl?

3. (Kailan, Saan) napunta ang kalderong pilak?

4. (Sino, Ano) kaya ang gumuhit ng larawang ito?

5. (Ano, Sino) ang ulam natin mamaya?

Panuto: Basahin ang teksto at isulat ang mga maaaring

mabuong tanong sa patlang.

ANG KAHALAGAHAN NG TUBIG

Malaking bahagi ng ating pagkain ang tubig. Kung walang

tubig sa katawan, paanong dadaloy ang dugo, matutunaw ang

pagkain, at mapapantay ang init ng ating katawan?

Kailangan ang tubig sa paliligo, paglilinis ng tahanan,

paglalaba ng damit at pagluluto ng pagkain. Tunay na

napakahalaga ng tubig!

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

3

1. Kahalagahan ng tubig sa katawan.

___________________________________________________________

2. Tubig sa buhay ng tao.

___________________________________________________________

3. Ang tubig ang malaking bahagi ng ating pagkain.

___________________________________________________________

Basahin ang dayalogo nina Nanay at Alex. Alamin kung

ano-ano ang ginamit na salitang pananong.

REACH OUT

Nanay: Saan ba kayo pupunta?

Alex: Sa White Cross po.

Nanay: Ano ang kailangan mong dalhin?

Alex: Mga sandwich po para sa tatlong batang taga White

Cross at para sa akin.

Nanay: Sino ang gurong kasama mo?

Alex: Si Bb. Cruz po. Inay, maaari po ba akong magdala ng

isa pa para sa drayber ng aming bus?

Nanay: Oo, ba. Kailan naman kayo lalakad?

Alex: Bukas po ng umaga.

Nanay: Aling sasakyan ang gagamitin ninyo? Sasakyan ng

paaralan o sasakyan ng kaklase ninyo?

Alex: Sasakyan po ng paaralan.

Ano ang malaking bahagi ng ating pagkain ang binabanggit sa

teksto?

Paano naging mahalaga ang tubig sa buhay ng tao?

4. ___________________________________________________________

Bakit mahalaga ang tubig sa ating katawan?

5. ___________________________________________________________

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

4

Nanay: Bakit kailangang pumunta pa kayo roon?

Alex: Dadalawin namin iyong mga batang napabayaan ng

Nanay at Tatay nila. Kaya pasasayahin namin sila kahit

paminsan-minsan man lang.

Pansinin Natin

Ano-ano ang mga salitang pananong ang ginamit sa

pagtatanong?

Sino = ginagamit sa pagtatanong ng pangalan ng tao.

Ano=ginagamit sa pagtatanong ng pangalan ng bagay o

pangyayari.

Saan=ginagamit sa pagtatanong ng pangalan ng lunan o pook.

Kailan=ginagamit sa pagtatanong ng panahon o petsa.

Alin= ginagamit sa pagtatanong ng pangalan ng tao, bagay,

lugar o pangyayaring pinipili o ibinubukod.

Ilan= ginagamit sa pagtatanong sa bilang o numero.

Pangngalan Isahan Maramihan

tao Sino

Kanino

Sino-sino

Kani-kanino

bagay Ano

Alin

Ilan

Ano-ano

Alin-alin

Ilan-ilan

panahon Kailan Kai-kailan

pook Saan Saan-saan

Panuto: Tukuyin kung isahan o maramihan ang mga salitang

pananong na may salungguhit. Isulat sa patlang.

Halimbawa:

Maramihan 1. Ano-ano ang inihanda mo sa pagdating ng

malakas na bagyo?

___________1. Saan ba ang punta ninyo?

___________2. Alin-alin ang pipiliin mo sa mga aklat na iyon?

___________3. Sino ang ibig mo magwagi sa kompetisyon?

___________4. Ano- anong kulay ang napili mo sa payong?

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

5

___________5. Ilan-ilan ba ang dala mong lapis?

Tandaan:

Ang mga salitang pananong na ano, sino, kailan, ilan at saan ay

mga panghalip na pananong.

Ang ano ay sumasagot sa tanong ng pangalan ng bagay o

pangyayari, ang sino ay sa pangalan ng tao, ang kailan ay sa

panahon o petsa, ilan ay sa bilang o numero at ang saan ay sa

pangalan ng lunan o pook.

Kapag ang mga katanungan ay inulit, tulad ng ano-ano, sino-

sino at iba pa ay nasa bilang na maramihan.

Panuto: Lagyan ng angkop na salitang pananong ang bawat

patlang.

Ano Sino Kailan Ilan Saan

1. __________________ang tinapay na dadalhin mo?

2. __________________ ang maglilinis ng sala?

3. __________________ ang alis ng bisita?

4. __________________ ang nakakuha ng mataas na marka sa

pagsusulit?

5. __________________ ba nagpapagawa ng sirang kalan?

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

6

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang angkop na panghalip pananong na bubuo

sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. _______ kayong magkakapatid?

A. Ilan B. Kailan C. Alin D. Saan

2. _______ ang maganda sa mga ito?

A. Kailan B. Alin C. Saan D. Ilan

3. ________ ang bida sa pelikulang napanood nina Anita?

A. Ano B. Saan C. Sino D. Kailan

4. ________ bumagsak ang tulay sa baryong iyon?

A. Kailan B. Ano C. Ilan D. Sino

5. ________ ang kasama ni Kuya Gil sa palengke?

A. Sino B. Ano C. Kailan D. Alin

Sanggunian

Filipino sa Nagbabagong Panahon, 1990, Salesiana Publisher, Inc., Pasay Road, Makati,

Metro Manila Philippines. p. 83-85.

Bandila Aklat sa Wika at Pagbasa, 2010, Sunrise Publication Hauz Inc., Ramon Magsaysay St.

Sta. Mesa, M.M., p. 100-105.

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: 1Ano, 2Ilan, 3Saan, 4Sino, 5Ano

Pangwakas na Pagsusulit: 1A, 2B, 3C, 4A, 5A

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

7

Pagkatapos ng aralin na ito inaasahang:

Nakapaglalarawan ng mga tao, bagay at lugar sa

pamayanan (F3WG-IIIc-d-4)

Nagagamit ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay at

lugar sa pangungusap.

Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa pangngalan

Panuto: Piliin at bilugan ang salitang naglalarawan sa

tao, bagay, at lugar.

1. Palabiro ang kaibigang kong si Patty.

2. Mabaho ang bagoong na niluluto ni Nanay.

3. Ang imburnal sa tapat ay maalingasaw.

4. Maaligasgas pa ang kahoy na kinakatam ni Tatay.

5. Maiksi ang damit ni Dolly.

Panuto: Isulat sa patlang ang panghalip pananong na

ginamit sa pangungusap.

1. Anong kulungan ang nilibot ni Julie? ________________

2. Kanino nakikipaghabulan ang aso? _________________

3. Sino ang nag-utos sa kanilang makipaglaro ng holen? _________

4. Ano-ano ang makikita sa dalampasigan?____________

5. Ilang paso ang binili ni Jim sa Tagaytay? _____________

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

8

Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Batang Matulungin

Si Mike ay isang batang matulungin dahil nakahanda siyang

tumulong sa lahat ng tao sa kanilang pamayanan. Kilala siya ng

lahat ng tao roon.

Isang araw, nagkaproblema siya. Nawala ang

pinakamamahal niyang aso. Nagprisinta ang mga kapitbahay

niya na tulungan siya sa paghahanap. Kailangang makita niya ang

aso kaya lumakad din siya.

Marami siyang nakitang tao sa daan at napagtanungan.

May masaya, malungkot, maganda, matangos ang ilong at

mahaba ang buhok sa mga ito.

Pang-uri

Bahagi ng

pananalita na

naglalarawan sa

tao, bagay,

hayop, lugar at

pangyayari o

pangngalan.

Ano ang tawag

sa naglalarawan

ng pangngalan?

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

9

Nadaanan niya ang malawak na bukirin ng kanyang tatay

na may malamig na simoy ng hangin at matataas na palay na

malapit nang anihin.

Sa kanyang paghahanap, napadaan din siya sa bahay ng

kanyang kaklase. Maganda pala at malinis ang paligid ng bahay

nila. Makintab ang sahig at malambot ang kanilang upuan.

Matamis na kalamansi juice ang ipinainom sa kaniya.

Nagpasalamat siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hapon na

nang siya ay makabalik. Nanlaki ang mga mata niya nang makita

niya ang kaniyang aso. Nakita ito ng kaniyang kapitbahay na

natulungan din niya noon.

Hanapin sa kuwento ang mga salitang naglalarawan sa mga

salitang nakasulat sa loob ng kahon.

Tao

Bagay

Lugar

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

10

Panuto: Bilugan ang mga salitang naglalarawan sa tao, bagay at

lugar sa pangungusap.

1. Ang Lungsod ng Muntinlupa ay isa sa pinakamaunlad sa NCR.

2. Karamihan sa mga mamamayan dito ay masisipag.

3. Makukulay ang mga bulaklak na matatagpuan sa kabahayan.

4. Matatagpuan dito ang pinakamaliit na lawa sa bansa.

5. Makikita sa loob ng Museo ng Muntinlupa ang mayamang

kultura nito.

Panuto: Basahin at unawain ang talata. Punan ng angkop na pang-

uri ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng kuwento.

Ang bahagi ng pananalita na

naglalarawan sa tao, bagay, at lugar sa

pamayanan ay tinatawag na pang-uri.

kayumanggi mapupungay makintab

busilak katamtaman ang tangos mapula

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

11

Maganda si Dolor

__________________ ang kulay ng balat ni Dolor. Malalaki

at _____________ ang mga mata niya. ___________ ng kanyang

ilong. Manipis at ____________________ ang mga labi niya. Maayos

na nakaayos ang kanyang makapal na kilay. Mahaba at

____________________________ ang buhok niya. Maraming natutuwa

kay Dolor dahil maganda siya at may ____________________ na

puso.

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Isulat sa

patlang kung tao, bagay o lugar ang salitang

inilalarawan.

Hal. __bagay Sariwang gulay ang nabili ni Ate.

_________1. Manipis na seda ang telang tinatahi ni Nanay.

_________2. Natutulog ako sa madilim na silid.

_________3. Tanaw namin sa likod bahay ang malawak na

Lawa ng Laguna.

_________4. Natusok ang mananahi ng matulis na karayom.

_________5. Matangkad ang kaibigan ni Ate.

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Filipino 3 - DepEd Muntinlupa

12

Sanggunian

Tamaca, Evangeline. Abella, Marietta. Garcia, Concepocion(eds). Filipino sa Nagbabagong Panahon 4. Salesiana Publisher

Inc. Makati Metro Manila, Philippines.

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: 1Patty, 2bagoong, Nanay, 3imburnal, 4kahoy, Tatay,

5damit, Dolly

Pangwakas na Pagsusulit: 1manipis, 2madilim, 3malawak, 4matulis,

5matangkad