12
1 Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 Pagwawangis (Metapora) Pagsasatao (Personipikasyon) Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Nelia G. Abejar Manunulat Mary Ann O. Wijetunge Mga Tagasuri Rhodora V. Mandap Reynaldo O. Comisario Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan Rowena R. Dulay Melesa L. Calapano Mga Validator Marissa S. Muldong Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

  • Upload
    others

  • View
    43

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

1

Kagawaran ng Edukasyon

MTB-MLE 3 Pagwawangis (Metapora)

Pagsasatao (Personipikasyon)

Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Nelia G. Abejar

Manunulat

Mary Ann O. Wijetunge

Mga Tagasuri

Rhodora V. Mandap Reynaldo O. Comisario

Jennifer S. Joson Jayson S. Manikan

Rowena R. Dulay Melesa L. Calapano

Mga Validator

Marissa S. Muldong

Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

2

Inaasahan

Ginawa ang araling ito bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga

makabuluhang pagkakataon sa pagkatuto habang wala ka sa

loob ng paaralan. Taglay ng modyul na ito ang mga gawain sa

pagkatuto sa Ikapitong Linggo ng Ikalawang Markahan.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling

nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Natutukoy ang metapora (pagwawangis) at

pagsasatao (personipikasyon) sa pangungusap

Unang

Pagsubok

A. Panuto: Buuin ang pangungusap. Mag-isip ng isang

metapora upang mabuo ang diwa nito.

bato bakal makopa

ilaw haligi

1. Ang nanay ang ___________ ng tahanan.

2. Ama naman ang ___________ ng tahanan.

3. Matigas na ________ ang kamao ni Manny Pacquio.

4. Ang pisngi ng bata ay _____________ sa kapulahan.

5. Ang puso niya ay _____________ sa katigasan.

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

3

B. Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin sa kahon ang

angkop na salitang nagpapakita ng pagsasatao.

liham dahon ulap

buwan hangin

1. Sumasayaw ang mga _______ sa ihip ng _________.

2. Lumuluha ang _________ ng ina sa mga anak.

3. Nahiya ang ___________ at nagtago sa ___________.

Balik-tanaw

Isulat ang iyong reaksiyon sa dalawang larawan na

nagpapakita ng kalagayan ng kapaligiran.

_______________________________ ______________________________

_______________________________ ______________________________

_______________________________ ______________________________

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

4

Pusong bato ang

kanyang damdamin.

damdamin. Matatamis na ngiti ang

isinukli ng babae.

i

s

i

n

u

k

l

i

n

Ang ina ay ilaw ng

tahanan.

tahanan.

Maikling Pagpapakilala

ng Aralin

Ang susunod na aralin ay tungkol sa paggamit ng mga salita

upang mas maging kawili-wili o kaakit-akit basahin ang

pangungusap. Ang pagpapalit ng tawag sa ilang mga salita sa

pangungusap ay nakatutulong upang mapalawak ang gamit ng

mga salita.

Panuto: Pagtapatin sa pamamagitan ng guhit ang larawan

at pangungusap na gumamit ng metapora.

Anghel ng tahanan ang

batang mabait.

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

5

Gawain

Gawain 1:

Panuto: Salungguhitan ang salitang nagbibigay buhay sa

bagay na ginamit sa pangungusap

_____1. Ang bulkan ay nagbabanta ng panganib sa tao.

_____2. Ang bagyong Quinta ay nagmamadaling umalis sa bansa.

_____3. Galit na galit ang kalikasan.

_____4. Tumatakbo ang oras.

_____5. Bumulusok ang matalim na kidlat at tinamaan ang

nakaupo sa puno.

Gawain 2:

Panuto: Makipaglaro sa mga kasama sa bahay ng larong

Taguan. Magtalaga ng unang taya sa pamamagitan ng

Bato-Bato Pik. Kapag may nahuli ang taya, magbibigay ito

ng pangungusap na ginagamitan ng metapora o kaya’y

pagsasatao.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

6

Gawain 3:

Panuto: Kumuha ng isang kapareha sa bahay, maaaring

nanay, tatay, o kapatid. Maglaro ng “Simon Says”. Magsabi ka ng

isang bagay na bibigyang buhay ng kapareha sa pamamagitan

ng isang salita.

Halimbawa:

1. Puso

2. Alon

3. Langit

4. ulan

Araw Ngumiti ang

araw

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

7

Tandaan

Ang metapora (pagwawangis) at personipikasyon

(pagsasatao) ay ginagamit sa pagbuo ng pangungusap upang

mas kawili-wili o kaakit-akit basahin ang pangungusap.

Ang metapora ay ginagamit sa tuwirang pagwawangis o

pagkukumpara sa isang bagay sa pamamagitan ng pagpapalit

ng tawag dito. Hindi ito ginagamitan ng mga salitang tulad, sing,

kasing, kawangis at tila.

Ang personipikasyon ay ginagamit upang bigyang buhay

ang mga bagay sa pangungusap na walang buhay. Ito ay

ginagamit upang mailarawan ang isang bagay ayon sa simbolismo

nito.

Halimbawa:

METAPORA (PAGWAWANGIS) PERSONIPIKASYON

(PAGSASATAO)

1. anghel ang tinig ni Sarah

Geronimo

1. lumuha ang kandila

2. dyamanteng baso ang

singsing ng babae

2. nangangalit ang alon

3. makopa sa kapulahan ang

pisngi ni Rica

3. sumisipol ang hangin

4. bulak sa kaputian ang balat

ng bata

4. lumundag ang puso

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

8

Pag-alam sa mga

Natutunan

A. Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang salita ayon sa

iyong natutuhan sa aralin.

1. Ang __________ ay salitang tuwirang pagkukumpara sa isang

bagay o tao.

2. Kapag ang isang bagay ay binigyang buhay sa

pangungusap ito ay tinatawag na __________________.

3. Ang pangungusap ay _____________ basahin kung

ginagamitan ng mga salitang matayutay.

B. Pagbasa

Panuto: Piliin ang mga tayutay na ginamit sa talata. Isulat

ito sa patlang.

Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Luis. Ang

katabi niyang bentilador ay tila bumubulong. Lumilikha ng ingay na

kinainisan na rin ni Luis dahil para bang nagdaragdag pa ito ng

pasakit para sa kaniya. Isinindi niya ang ilaw sa silid at agad na

tumambad sa kaniya ang ga-bundok na papel sa kaniyang mesa

na nakikipagtititigan sa kaniya. Umupo siya sa silya at sinimulan

niyang isa-isahin ang bawat piraso ng papel. “Hay…. Lalo pa yata

akong pinahihirapan ng pagsusulit na ito,” wika niya.

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

9

1. _____________________________________________________

2. _____________________________________________________

3. _____________________________________________________

Pangwakas na

Pagsusulit

A. Panuto: Piliin ang salitang bubuo sa pangungusap na

ginamitan ng metapora.

Piliin ang letra ng wastong sagot.

1. Ang mga doktor at nars ay mga ____________ sa panahon ng

pandemya.

A. bayani B. huwaran C. susi D. mandirigma

2. Ang ama ang _________ ng tahanan.

A. gabay B. batas C. ilaw D. haligi

3. Ang buhay ng mga artista ay bukas na ____________.

A. aklat B. bintana C. ilaw D. pinto

4. Ang ________ ay bulak sa kaputian.

A. kendi B. ulap C. tubig D. balat

5. Kulay kape ang __________ng iniwan ni Ulysses.

A. baha B. ulan C. tubig D. ilog

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

10

B. Panuto: Salungguhitan ang mga tayutay na

nagpapahiwatig ng personipikasyon.

1. Nagsasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

2. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

3. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.

4. Galit na galit ang haring araw.

5. Umuungol sa galit ang ihip ng hangin.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

11

Sanggunian

Belvez, Paz M. Ang Guro at ang Sining ng Pagtuturo, 1997. PNU.

Dane Publishing House

2-ADM-Template-Grades 1 to 3 Tagalog

Condez et al. Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3.

Binagong Edisyon

Elvira DV. Et al. National Achievement Test Grade III. 2009

MTB –MLE Curriculum Guide Grade 3

MELC, Grade 3

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon MTB-MLE 3 - DepEd Muntinlupa

12

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok:

2.ilaw 1. dahon

3.haligi 2. hangin

4.bakal 3. liham

5.makopa 4. buwan

6.bato 5. ulap

Pag-alam sa natutuhan

1.Metapora

2.Personipikasyon

3.Kawili-wili

Huling Pagsusulit: A

1.A

2.D

3.A

4.ulap

5.baha

Unang Pagsubok:

B.

1. nagsasayaw ang mga dahon

2. nagtago ang buwan

3. bituin sa langit ay kumikindat

4. galit ang araw

5. umuungol sa galit