12
Kagawaran ng Edukasyon Music 2 Mga Tonong Bumubuo sa Melodiya Ikalawang Markahan – Unang Linggo Nesona R. Ellar Manunulat Ma. Aurora S. Bartolaba ED. D Efleda F. Enerlas Teacher III Tagasuri Wilson F. Pascual Jinky DC Santos Rogelio Cabanting Efleda F. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

Kagawaran ng Edukasyon

Music 2 Mga Tonong Bumubuo sa

Melodiya Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Nesona R. Ellar

Manunulat

Ma. Aurora S. Bartolaba ED. D

Efleda F. Enerlas Teacher III

Tagasuri

Wilson F. Pascual

Jinky DC Santos

Rogelio Cabanting

Efleda F. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

1

Aralin 1: Iba’t ibang Tono o Pitch na Bumubuo sa Melodiya.

Pagkatapos mong makumpleto ang SLeM na ito, ikaw ay

inaasahang:

Nakatutukoy ng mataas at mababang tunog sa isang awitin;

Nakakakanta ng awiting pambata na may angkop na pitch;

Nakapagpapahalaga sa pitch ng isang awitin.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay

wasto at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

_______1. Ang la ay may mas mataas na tono kaysa sa re.

_______2. Mas mataas ang tono ng fa kaysa sa tono ng ti.

_______3. Ang so ay may mas mababang tono kaysa mi.

_______4. Ang paisa-isang daloy ng magkakasunod na tunog ay

lumilikha ng himig o melody.

_______5. Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog

na maaaring mataas o mababa na tinatawag na pitch.

Panuto: Awitin nang masaya at masigla ang “Sampung mga Daliri”

1

2

3

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

2

Ang isang awit o tugtugin tulad ng “Sampung mga Daliri” ay

binubuo ng mga tono o pitch na maaaring mataas o mababa.

Ang paisa-isang daloy ng magkakasunod na tono ay lumilikha ng

himig o melody. Ang

himig ay naririnig natin

sa mga awitin at

tugtugin. Kadalasan,

nagugustuhan natin

ang isang awitin o

tugtugin ng paborito

nating artista dahil sa maganda nitong himig o melody.

Tingnan ang human piano sa itaas. Ang bawat tao ay

kumakatawan sa iba’t ibang tono o pitch. Ang pinakamababang

tao ang tatawaging mababang do, sumunod ay re, mi, fa, so, la,

ti at ang pinakamataas na tao, ang mataas na do.

Sanayin ang pag-awit sa mga tono ng ayon sa taas ng bawat

bata. Awiting muli upang iyong higit na makilala ang mga tunog.

Panuto: Pagmasdan mo ang apat na batang ito sa larawan at

sagutin ang mga tanong.

Ano ang mga tono nila? _____ _____ _____ _____. Ano ang

pinakamababang tono? ______. Ano naman ang pinakamataas

na tono? ______. Anu-anong tono ang mas mababa sa so? _____

______. Anong mga nota ang mas mataas sa mi? _____

_____Ano ang mas mababa, mi o so? Ano naman ang mas

mataas, so o mataas na do? Bilugan ang iyong sagot.

do mi so do

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

3

Ang awit ay binubuo ng iba‘t ibang tono o pitch na maaaring

mataas, mas mataas, mababa at mas mababa. Ang

pinagsama-samang mga tono ay bumubuo ng himig o

melodiya

Panuto: Umawit ng isang paborito mong kanta sa harap ng iyong

kasama sa bahay. pagkatapos ay lagyan ng tsek (√) ang tapat ng

bilang ayon sa pagkakaawit mo ng mga mataas at mababang

tono sa awitin. Gamitin ang rubriks. Isulat ang pamagat ng awiting

pambata sa loob ng kahon.

Rubrics Buong

Husay

(5)

Mas

Mahusay

(4)

Mahusay

(3)

Hindi

Gaanong

Mahusay

(2)

Hindi

Nakapa

gsagaw

(1) 1.

Panuto: Balikan ang awiting “Sampung mga Daliri” sa pahina 1.

Awitin ito nang malakas sa harap ng kapamilya. Isagawa din ang

mga sumusunod.

1. Bilugan ang pinakamataas na tono sa bawat melodic line o

linya

2. Salungguhitan naman ang pinakamababang tono sa

bawat linya

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

4

Aralin 2: Pagtaas at Pagbaba ng Tono

Pagkatapos mong makumpleto ang SLeM na ito ikaw ay

inaasahang:

Nakapagpapakita ng angkop na himig ng awitin sa

pamamagitan ng pagkilos, pag-awit o pagtugtog ng

instrumento.

Panuto: Isulat ang malaking DO kung ang isinasaad ng

pangungusap ay wasto at maliit na do naman kung hindi.

_______ 1. Mayroong dalawang uri ng tunog, mababa at mataas.

_______ 2. Kaaya-ayang pakinggan ang awiting may tamang

tono.

_______ 3. Maaaring makita ang paghahambing ng tono sa

pamamagitan ng pagkilos ng katawan.

_______ 4. Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay direksyon upang

malaman ang tamang himig ng isang awitin.

_______ 5. Ang dalawang uri ng tono ay hindi maaaring saliwan ng

galaw ng katawan, pag-awit o pagtugtog.

Ang awit ay binubuo ng iba‘t ibang nota o tono na maaaring

mataas, mas mataas, mababa at mas mababa at ito ay

tinatawag na .

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

5

Tulad ng tao, ang mga tono ay

may pagkakaiba rin. May

tonong mataas, katamtaman

at mayroon ding mababang

tono. Ang mga tono ay

maihahambing sa mga kilos ng

tao at mga bagay sa paligid. Makikita din ang pagtaas at

pagbaba ng tono sa pamamagitan ng pag-awit at

pagtugtog ng instrumento. Pagmasdan ang dalawang bata

na naglalaro ng seesaw. Kapag tumaas ang isang bata,

banggitin ang pantig na “Ding” at kapag nasa baba “Dong”

naman ang sasabihin. Ano ang iyong napansin sa tono?

Ang Awiting “High

and Low” ay

nagpapakita ng

pagtaas at pagbaba

ng mga tono.

Pag-aralan ang

awitin. Sabayan ng

angkop na galaw ng

katawan. Kapag

mataas ang tono ay

tatayo ka at kung mababa naman ay uupo ka. Unti-unti

namang tatayo kung tumataas ang tono ng awit at unti-

unting uupo kung bumababa ang tono ng awit.

Sagutin ang mga katanungan;

Ano ang iba‘t ibang direksiyon ng tono sa awitin?

____________________________________________________________

Aling pantig ang may mababang tono? ____________________

Anong pantig ang nagpapahayag ng katamtamang taas ng

tono? ______________________________________________________

https://www.youtube.com/watch?v=1UV11DlXOMw

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

6

Panuto: Umawit ng isang kantang pambata. Sabayan ito ng

mga instrumentong makikita sa inyong bahay. Maaari ding

gumamit ng mga stik, kutsara, boteng plastik na may maliliit

na bato sa loob o dalawang takip ng kaldero o kaserola

bilang pansaliw sa iyong aawitin. Irecord ang iyong pag-awit

at ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng messenger.

Ang pagtaas at pagbaba ng tono ay ang dalawang direksiyon

ng tunog sa awit na maaring saliwan din ng iba‘t ibang galaw

ng katawan, pag-awit at pagtugtog.

Panuto: Awitin ang Leron Leron Sinta sa pahina 7 nang may

tamang taas at baba ng tono. Samahan din ng kilos ng

katawan. Sagutan ang rubrics ayon sa pagkakaawit ng

mataas at mababang tono.

Rubriks

Paano inawit

Mababang

tono

Mataas na

tono

Mahusay

Hindi gaanong mahusay

Hindi nakapagsagawa

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

7

Panuto: Lagyan ng masayang mukha () kung nagawa mo

ang pag-awit at malungkot na mukha () naman kung hindi

nagawa

Kaalaman Nagawa Hindi

nagawa

1. Natutunan ko ang dalawang uri ng

tunog?

2. Naawit ko nang may wastong tunog ang mataas at mababang tono?

3. Naipakita ko sa pamamagitan ng

tono ang mga bagay na mataas at mababa?

4. Natukoy ko ang mga instrumentong

nagbibigay ng mataas at mababang tono?

5. Naawit ko nang wasto ang “Leron

Leron Sinta”

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

8

Aralin 3: Melodic Contour.

Sa pagtatapos ng SLeM na ito, ikaw ay inaasahang:

Nakapagpapakita ng hugis ng musika sa pamamagitan

ng pagkilos ng katawan, pagsulat ng musika sa papel o

sa hangin at biswal na imahe; at

Nakapagpapahalaga sa isang musika sa pamamagitan

ng paggamit ng melodic contour.

Panuto: Lagyan ng tsek () ang pangungusap kung tama

ang isinasaad at ekis (X ) naman kung hindi tama.

___ 1. Ang himig ng isang awit ay mailalarawan sa

pamamagitan ng iba’t-ibang bahagi ng ating katawan.

___ 2. Ang melodic line ay ginagamitan ng kamay at katawan

sa paglalarawan ng galaw ng himig.

___3. Kapag ikaw ay gagawa ng guhit na tuwid na may

pakurbang pababa o pataas mula kaliwa pakanan, ito

ay tinatawag na melodic line.

___ 4. Ang line notation ay ang guhit na pahiga na

naglalarawan sa taas at baba ng tono ng isang kanta.

___ 5. Upang mailarawan ang melodic contour ng isang awit,

nararapat lamang na pakinggan muna ito ng mabuti.

Ang mataas at mababang tono ay maaaring makilala at

maipakita sa pamamagitan ng pagkilos ng katawan. Maaari

ring sabayan ang tugtog o pag-awit nang mga instrumento.

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

9

Ang himig ng isang awit ay mailalarawan natin sa

pamamagitan ng iba‘t ibang bahagi ng ating katawan tulad

ng kamay, ulo at iba pang bahagi nito. Mailalarawan din ang

hugis ng himig sa pamamagitan ng mga linyang tuwid at

pakurba gayon din sa paggalaw ng kamay.

Ang melodic contour ay ang hugis ng melody o himig ng isang

bahagi o kabuuan ng awit na mailalarawan sa pamamagitan

ng body staff, melodic line at line notation.

Tinatawag na body

staff kapag ginamit natin

ang ating kamay at

katawan sa paglalarawan

ng galaw ng himig.

Kapag ikaw ay gagawa ng

guhit na tuwid na may pakurbang

pababa o pataas mula kaliwa

pakanan, ito ay tinatawag na

melodic line.

Ang line notation naman ay

ang guhit na pahiga na

naglalarawan sa taas at baba

ng tono ng isang kanta.

Page 11: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

10

Panuto: Awitin ang “Bahay Kubo” Tumayo kapag mataas

ang tono at umupo kung ang tono ay mababa. Umindak

naman o lumakad- lakad kung katamtaman lamang ang

taas ng tono. Gawin ang tatlong kilos na ito hanggang sa

matapos ang pag-wit.

Ang himig ng isang awit ay mailalarawan natin sa

pamamagitan ng paggamit ng melodic contour.

Panuto: Awitin at iguhit mo ang hugis o contour ng apat na

bahagi ng awiting “Tiririt ng Maya” sa paraang melodic line.

Sundan lamang ang direksyon ng mga nota.

1

2

3

4

1. __________________________ 2. ____________________________

3. __________________________ 4. ____________________________

Page 12: Kagawaran ng Edukasyon Music 2 - DepEd Muntinlupa

11

Panuto: Sukatin ang natutunan sa aralin. Lagyan ng puso

kung ito ay nagawa mo at tatsulok kung hindi nagawa.

Aralin 1: Aralin 2:

Aralin 3

Sanggunian

Rubriks 3 2 1

Naisagawa

Hindi gaanong naisagawa

Hindi naisagawa

Kaalaman Nagawa Hindi

nagawa

1. Natutunan ko ang melodic contour?

2. Naipakita ko ang body staff sa pag-

awit ko ng “Bahay-Kubo”?

3. Naisagawa ko ang paglalagay ng melodic contour sa ibinigay na gawain?

4. Natukoy ko ang kaibahan ng body

staff, melodic line at line notation?

5. Naawit ko nang wasto ang “Tiririt ng

Maya”?

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: , , , ,

Susi ng Pagwawasto: Unang Pagsubok: DO, DO, DO, DO, do Balik-tanaw: pitch

Aralin 1: Grade 2 MAPEH Learners’ Material page 38 – 42

https://youtu.be/5Sde67l0lnk (Tayo na! Tayo na!)

Sampung Mga Daliri https://images.app.goo.gl/ywvZXnERdjoxWcMQ8

Aralin 2: Grade 2 MAPEH Learners’ Material page 43 – 51

Aralin 3: Grade 2 MAPEH Learners’ Material page 57 – 62

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsubok: TAMA, MALI, MALI, TAMA, TAMA

Pangwakas na Pagsusulit: re, fa, so, ti, do

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT