25
Gr 7 Kurikulum/1 Kurikulum ng Araling Panlipunan: Grado 7 I. Pamagat at Deskripsyon ng Kurso Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino. Kasaysayan ng Pilipinas gamit ang sipi ng mga piling primaryang sanggunian mula sa iba-ibang panahon at uri: nakasulat (liham, opisyal na report, balita); pasalita (teyp o transkrip ng panayam); biswal (karikatura, larawan); awdyo-biswal (video, pelikula); o kumbinasyon ng mga nabanggit. II. Tema A. Tao, Lipunan at Kapaligiran B. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala F. Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo III. Bilang ng oras Tatlong (3) oras/linggo; Sampung (10) linggo/markahan; Apat (4) na markahan/taon Ang kabuuang bilang ng oras ng mga modyul sa bawat markan ay 27 upang bigyang panahon ang huling linggo ng markahan para sa pagsusulit. IV. Markahan, Modyul, Gawain at Oras May tatlo hanggang limang modyul sa bawat markahan, at tatlo hanggang apat na gawain sa modyul. Makikita sa ibaba ang talaan ng mga gawain at modyul sa bawat markahan.

Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Citation preview

Page 1: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/1

Kurikulum ng Araling Panlipunan: Grado 7 I. Pamagat at Deskripsyon ng Kurso

Mga Saksi ng Kasaysayang Pilipino. Kasaysayan ng Pilipinas gamit ang sipi ng mga piling primaryang sanggunian mula sa iba-ibang panahon at uri: nakasulat (liham, opisyal na report, balita); pasalita (teyp o transkrip ng panayam); biswal (karikatura, larawan); awdyo-biswal (video, pelikula); o kumbinasyon ng mga nabanggit. II. Tema

A. Tao, Lipunan at Kapaligiran B. Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala F. Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo III. Bilang ng oras

• Tatlong (3) oras/linggo; • Sampung (10) linggo/markahan; • Apat (4) na markahan/taon

Ang kabuuang bilang ng oras ng mga modyul sa bawat markan ay 27 upang bigyang panahon ang huling linggo ng

markahan para sa pagsusulit. IV. Markahan, Modyul, Gawain at Oras May tatlo hanggang limang modyul sa bawat markahan, at tatlo hanggang apat na gawain sa modyul. Makikita sa ibaba ang talaan ng mga gawain at modyul sa bawat markahan.

Page 2: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/2

Markahan Modyul Gawain Oras 1. Pagpapakilala sa Primaryang Sanggunian

1. Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian 2. Limitasyon ng mga sanggunian 3. Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian

5

2. Ang Bangang Manunggul at mga Sinaunang Paniniwala

1. Ano ang artefact? 2. Mga katangian ng bangang Manunggul 3. Simbolismo ng banga 4. Mga sinaunang paniniwala

4

3. Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinaunang Panahon

1. Pagpapangalan sa mga anak 2. Pagpapakasal sa sinaunang panahon 3. Hanapbuhay 4. Mga uring panlipunan

8

1. Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol

4. Pagtatag ng Kolonyang Espanyol at mga Patakarang Kolonyal

1. Pagtatag ng kolonya 2. Kristiyanisasyon bilang paraan ng pananakop 3. Reducción: ang paglipat ng mga kinaroroonan 4. Tributo at polo bilang instrumento ng pananakop

10

1. Pag-aalsa Laban sa Pang-aabuso

1. Pag-aalsa ni Tamblot, 1621-1622 2. Pag-aalsa ni Maniago, 1660 3. Mga pag-aalsang agraryo sa mga Tagalog na probinsya,

1745

5

2. Iba-Ibang Mukha ng Progreso

1. Ang ideya ng progreso sa kasalukuyan 2. Pagsuri sa mga ideya ng progreso sa siglo 19 3. Tatlong mukha ng progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio

Sancianco, at Juan Luna

7

3. Kilusang Propaganda 1. Mga repormista at kanilang adhikain 2. Mga problema ng kolonya ayon sa propagandista 3. Sariling dyaryong pampropaganda

7

1. Pagsibol ng Kamalayang Pilipino

4. Himagsikan para sa Kalayaan

1. Ang Katipunan at ang pagmamahal sa bayan 2. Deklarasyon ng kalayaan sa Kawit 3. Saligang Batas ng Malolos

7

3. Kilusan para sa Kasarinlan sa Harap ng Imperyalismong Amerikano

1. Ang Pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas

1. Kahalaghan ng kontesktong historikal 2. Proklamasyong Benevolent Assimilation 3. Cartoon ng Benevolent Assimilation 4. Kontra sa Benevolent Assimilation

8

Page 3: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/3

Markahan Modyul Gawain Oras 2. Kolonyal na

Pamamalakad ng Pilipinas

1. Timeline ng mga patakarang kolonyal 2. Pilipinisasyon ng gobyerno sa ilalim ng Estados Unidos 3. Pagsupil ng nasyonalismong Pilipino

11 3. Kilusan para sa Kasarinlan sa Harap ng Imperyalismong Amerikano (cont.) 3. Pananakop ng Hapon at

ang Kapanganakan ng Bagong Republika

1. Paglalarawan ng okupasyong Hapon 2. Ang pamumuhay noong digmaan 3. Ang bagong republika, 1946

8

1. Problema sa Lupa 1. Kontekstong historikal ng problema sa lupa 2. Ugnayang magsasaka at panginoong maylupa sa

Gitnang Luzon, mga 1950 3. Kalayaan at katarungang panlipunan

5

2. Hamon ng Pagsasarili sa Ekonomiya at Ugnayang panlabas

1. Nasyonalismong pang-ekonomiya 2. Independiyenteng patakaran sa ugnayang panlabas

5

3. Etnisidad at Pambansang Identidad

1. Mga pananaw ukol sa katutubong Pilipino 2. “Sulong, Grupong Katutubo!” 3. Pagkakakilanlan bilang katutubo at Pilipino

5

4. Batas Militar: Banta sa Demokrasya

1. Deklarasyon ng batas militar 2. Kalagayan ng karapatang pantao 3. Pagtutol sa batas militar

8

4. Ang Republika mula noong 1945

5. People Power at ang Hamon ng Pagbabago

1. Lakas ng bayan 2. Saligang 3. Mga pangako ng EDSA

4

V. Pamantayan sa Pagkatuto Binubuo ang mga pamantayan ng mga sumusunod:

• Pamantayang pangnilalaman, na nagtatakda ng mga paksang tinatalakay ng modyul; at • Pamantayan sa pagganap, na nagtatakda ng pangkalahatan at tiyak ng kakayahan na dapat matutunan sa modyul.

Page 4: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/4

Unang Markahan. Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol

Modyul Pangnilalaman Pagganap Kakayahan 1.

Pagpapakilala sa

Primaryang Sanggunian

• Kahulugan at anyo ng primarya at sekundaryang sanggunian

• Pagkakaiba at limitasyon ng mga uri ng sanggunian

• Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay at sa kasaysayan

• Nakauunawa ng kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian

• Natutukoy ang kaibahan at limitasyon ng mga uri ng sanggunian

• Nakauunawa ng kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay at sa kasaysayan

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian

• Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling buhay

• Nakapagbibigay ng halimbawa ng primaryang sangguniang pangkasaysayan ayon sa uri ng impormasyon

• Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa kahalagahan ng primaryang sanggunian sa kasaysayan

• Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga ito mula sa pang-araw-araw o sariling buhay

• Natutukoy ang iba-bang anyo ng primaryang sanggunian

• Naisasakategorya ang iba’t ibang halimbawa ng sanggunian ayon sa uri nito

• Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng sanggunian at ang limitasyon ng bawat isa

• Natutukoy at naipaliliwanag ang iba’t ibang primaryang sanggunian tungkol sa sariling buhay

• Natatasa ang kontribusyon at limitasyon ng bawat sanggunian

• Nakakukuha ng impormasyon mula sa mga sanggunian

• Nakahihinuha mula sa impormasyon • Nakapaghahambing at nakapag-uugnay ng sari-

saring impormasyon mula sa mga sanggunian • Nakagagawa ng buod ng mahahalagang

impormasyon sa sariling salita • Nakasusuri ng mga primaryang sangguniang gamit

ang graphic organizer

Page 5: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/5

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

1. Pagpapakilala

sa Primaryang Sanggunian

(cont.)

• Naipaliliwanag ang graphic organizer sa klase • Nakabubuo ng salaysay tungkol sa sarili base sa

nasuring impormasyon • Naihahayag ang salaysay na ito sa maayos na

paraan

2. Ang Bangang

Manunggul at Sinaunang Paniniwala

• Kahulugan at kahalagahan ng artefact sa kasaysayan

• Ang bangang Manunggul

• Mga sinaunang paniniwala

• Konsepto ng panahon, pagpapatuloy at pagbabago

• Nakauunawa sa artefact bilang primaryang sanggunian

• Nakasusuri ng bangang Manunggul bilang sanggunian ng sinaunang paniniwala

• Nakabubuo ng impormasyong nakukuha at nahihinuha mula sa banga at mga nakasulat na primaryang sanggunian

• Nakapag-uugnay ng mga paniniwala ng nakaraan sa kasalukuyan

• Naipaliliwanag kung ano ang artefact • Natutukoy ang iba-ibang artefact at mga gamit nito

sa pang-araw-araw na buhay • Naipailiwanag kung bakit ang artefact ay isang

primaryang sanggunian • Nakasusuri ng disenyo at katangian ng bangang

Manunggul • Nakasasagot ng graphic organizer tungkol sa banga • Nasasabi ang gamit ng bangang Manunggul • Naihahambing ang una at pangalawang paglibing • Nakahihinuha ng impormasyon mula sa banga • Nakauunawa ng simbolo ng bangang Manunggul • Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa simbolo ng

banga • Nailalahad ang sinaunang paniniwala ng mga Pilipino

ayon sa gamit at simbolo ng banga • Mapanuring nakababasa ng sipi ng mga primaryang

sanggunian tungkol sa paglilibing at sinaunang painiwala

• Nakakukuha ng datos mula sa mga siping ito • Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling

salita

Page 6: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/6

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

2. Ang Bangang

Manunggul at Sinaunang Paniniwala

(cont.)

• Nakapag-uugnay ng kaalaman na nakuha sa mga sipi at sa bangang Manunggul

• Nakasusulat ng talata tungkol sa sariling paniniwala • Nakagagawa ng heneralisasyon tungkol sa

kahalagahan ng sinaunang paniniwala • Nakauunawa ng konsepto ng pananatili at

pagbabago • Nakabubuo ng kamalayan tungkol sa sinaunang

paniniwala at nakikilala ang pagkakaiba at/o pagkakatulad nito sa kasalukuyan

• Nakaguguhit ng mga imaheng inilarawan sa sipi • Nabibigyang kahalagahan ang kultura noon at

ngayon 3. Sulyap ng

Buhay Panlipunan

sa Sinaunang Panahon

• Pamumuhay sa sinaunang pamilya

• Hanapbuhay at gawain

• Mga uring panlipunan • Kahalagahan ng

sinaunang kultura

• Nakauunawa ng pamumuhay, gawain at lipunan ng mga Pilipino sa sinaunang panahon

• Kritikal na nakababasa ng mga sipi ng dokumento at biswal na primaryang sangguniang

• Nakasusuri ng nakasulat at biswal na sanggunian

• Naihahayag ang resulta ng pagsusuri sa klase

• Nailalarawan ang kaugalian sa pagpapangalan noong sinaunang panahon

• Nakapagbibigay ng pangalan batay sa gawi ng sinaunang panahon

• Nakasusuri ng mga sinaunang kaugalian sa pagpapakasal

• Nakauunawa ng kahalagahan ng babae at mga anak sa lipunan

• Nailalahad ang sinaunang gawain at hanapbuhay • Nakikilala ang halaga ng paggawa sa buhay ng tao

at ng lipunan • Nakapaghahambing ng terminolohiyang Tagalog at

Bisaya ukol sa mga uring panlipunan • Naipaliliwanag ang kaayusan at mga uring

panlipunan ng sinaunang pamayanan

Page 7: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/7

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

3. Sulyap ng Buhay

Panlipunan sa Sinaunang

Panahon (cont.)

• Nakauunawa sa konsepto ng pananatili at pagbabago sa pamumuhay noon at ngayon

• Nakagagawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng ritwal sa sinaunang panahon batay sa nakuhang impormasyon sa mga dokumento

• Nabibigyang kahalagahan ang kultura at pamumuhay sa sinaunang panahon

• Nakakukuha ng datos mula sa mga dokumento • Nakasusuri ng lawaran • Nakagagawa ng hinuha mula sa nakasulat at biswal

na sanggunian • Nakapag-uugnay ng mga datos at hinuha mula sa

biswal at nakasulat na sanggunian • Nakasasagot ng tanong base sa ebidensiya mula sa

sanggunian • Nakabubuo ng pangkalahatang interpretasyon ukol

sa sinaunang kultura at pamumuhay • Nakapaghahambing ng mga gawi, ritwal at

pamumuhay noon at ngayon • Nakapagbibigay ng halimbawa ng pananatili at

pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino 4. Pagtatag

ng Kolonyang Espanyol at

mga Patakarang

Kolonyal

• Mga pananaw ukol sa labanan nina Lapu-lapu at Magellan

• Mga kolonyal na patakaran: reducción, tributo, at polo

• Iba’t ibang pananaw tungkol sa mga patakarang kolonyal

• Nakauunawa ng pagtatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas

• Mapanuring nakababasa ng nakasulat at biswal na primaryang sanggunian

• Nailalahad ang mga pangyayaring nagbigay daan sa labanan nina Lapu-lapu at Magellan

• Nakauunawa ng iba-ibang pananaw tungkol sa labanang ito

• Nakikita ang papel ng isang punto de bista o perspektibo sa pagkakaunawa ng nakaraan

• Nailalarawan ang papel ni Magellan sa malikhaing paraan

• Naipaliliwanag ang ugnayan ng Kristiyanisasyon at kolonisasyon

• Nakasusuri ng mga instrumentong ginamit ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas

Page 8: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/8

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

4. Pagtatag ng Kolonyang Espanyol at

mga Patakarang

Kolonyal (cont.)

• Epekto ng patakarang kolonyal sa mga Pilipino

• Nakatataya ng epekto ng mga patakarang kolonyal sa mga Pilipino

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng kolonyalismo

• Naipaliliwanag ang kahulugan, pagsagawa at epekto ng mga instrumentong ito sa mga Pilipino

• Nailalarawan ang naging reaksyon at pagkilos ng mga sinaunang Pilipino sa mga Espanyol

• Naiuugnay ang mga instrumentong ito sa isa’t isa sa loob ng konteksto ng mga layunin ng Espanya sa Pilipinas

• Nakapupuna at nakasasagot ng taliwas na posisyon o punto, batay sa impormasyon mula sa sanggunian

• Nabibigyang kahulugan ang kolonyalismo • Nakasasagot ng mga tanong base sa sanggunian • Nakahihinuha mula sa mga datos o ebidensya

Nakapag-aayos ng datos mula sa sanggunian sa isang graphic organizer

• Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto • Nakakukuha at nakapag-uugnay ng datos mula sa

iba’t ibang sanggunian • Nakatutukoy ng punto de bista ng mga may-akda • Nakikita ang epekto ng punto de bista sa

pagsasalaysay o pagalalarawan ng pangyayari • Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng

pagkilala sa punto de bista ng awtor • Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at

paggalang sa mga may ibang pag-iisip • Nakapaghahambing at nakapag-uugnay ng iba-ibang

impormasyon tungkol sa kolonisasyon ng Pilipinas • Nailalahad ang impormasyong nakuha at nahinuha

sa maayos at malinaw na paraan • Nakasasagot ng mga argumento o posisyon laban o

taliwas sa sariling pagtingin base sa ebidensiya

Page 9: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/9

Ikalawang Markahan. Pagsibol ng Kamalayang Pilipino

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

4. Pagtatag ng Kolonya …

(cont.)

• Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng impormasyon mula sa mga sanggunian

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

1. Pag-aalsa Laban sa

Pang-aabuso

• Ang konteksto ng mga pag-aalsa laban sa Espanya

• Dahilan ng mga pag-aalsa

• Ang mga historikal na aktor na kumilos laban sa pang-aabuso

• Epekto ng mga pag-aalsa sa mga Pilipino

• Historikal na kahalagahan ng mga pagkilos laban sa patakarang kolonyal

• Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto

• Nakasusuri ng sipi ng mga primaryang sanggunian tungkol sa pag-aalsa

• Naipaliliwanag ang kalahagahan ng mga pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas

• Naipaliliwanag ang konteksto ng mga pag-aalsa • Natutukoy ang mga historikal na aktor sa mga pag-

aalsa • Nailalarawan sa sariling salita ang kilos ng mga

lumahok sa pag-aalsa at ang reaksyon ng mga Espanyol

• Nakauunawa ng sanhi at epekto ng mga pag-aalsa • Base sa mga sanggunian, naipaliliwanag kung bakit

hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa • Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pag-aalsa

sa kasaysayan ng Pilipinas • Nakakukuha ng datos mula sa mga salaysay • Nakahihinuha mula sa mga salaysay • Nakagagawa ng buod ng impormasyon mula sa iba-

ibang sipi • Nailalahad ang impormasyon sa maayos na paraan • Natatalakay ang resulta ng pagsuri ng mga

sanggunian

Page 10: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/10

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

2. Iba-Ibang Mukha ng Progreso

• Mga ideya ng progreso o pag-unlad nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sanciano at Juan Luna

• Pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ideyang ito

• Kahalagahan ng mga ideya ng progreso sa ika-19 na siglo

• Nakauunawa ng iba-ibang konsepto ng progreso sa ika-19 na siglo

• Nakasusuri ng mga pasulat at biswal na primaryang sanggunian

• Nakapaghahambing ng iba-ibang pananaw

• Nakauunawa sa konsepto ng pananatili at pagbabago

• Nabibigyang kahulugan ang ideya ng progreso mula sa iba’t ibang panahon

• Naipaliliwanag ang pananaw ng bawat may-akda ng sanggunian tungkol sa progreso

• Naipaliliwanag kung bakit iba-iba ang kanilang pagtingin

• Naisasaayos ang kanilang mga ideya sa concept map at iba pang graphic organizer

• Nakasasagot ng tanong tungkol sa iba-ibang pananaw

• Naihahayag at naipaliliwanag sa maayos at kaakit-akit na talumpati ang mga pananaw na ito base sa interpretasyon ng mga kanilang nilika

• Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang maunawaan ang historikal na konteksto ng sanggunian at ang motibo at pananaw ng may-akda

• Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor o manlilikha

• Nakatataya ng impormasyon sa pamamagitan ng pagkilala sa punto de bista ng awtor/manlilikha

• Nakakukuha ng datos mula sa iba’t ibang primaryang sanggunian

• Nakahihinuha mula sa datos o ebidensya • Nakagagawa ng buod ng impormasyon sa sariling

salita • Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto • Nakapaghahambing ng impormasyon mula sa mga

sanggunian at nakikilala ang mga punto ng pagkakasundo at di pagkakasundo

Page 11: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/11

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

2. Iba-Ibang Mukha ng Progreso

(cont.)

• Nasusuportahan ang sariling interpretasyon base sa impomasyong nakuha at nahinuha

• Nakabubuo ng konklusyon base sa interpretasyon ng impormasyon

• Nakasasagot ng tanong base sa angkop at sapat na ebidensya

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng progreso sa kasalukuyang panahon

• Naihahambing ang kahulugang ito sa kahulugan noong ika-19 na siglo

• Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba sa konsepto ng progreso noon at ngayon

• Nakauunawa ng kahalagahan ng historikal konteksto at personal na background ng may-akda sa pagbuhog ng kanyang pananaw tungkol sa progreso

• Nakapagpapakita ng pantay na pakikitungo at paggalang sa mga may ibang pag-iisip kahit hindi ito sumasang-ayon sa sariling ideya, posisyon o pagtingin

3. Kilusang Propaganda

• Mga repormista at ang kanilang simulain

• Mga suliranin ng kolonya sa siglo 19

• Layunin at pamamaraan ng Kilusang Propaganda

• Papel at kahalagahan ng kilusan sa paghubog ng kamalayang Pilipino

• Nakauunawa ng konsepto at layunin ng reporma sa ika-19 na siglo

• Naipaliliwanag ang layunin, tunguhin at paraan ng Kilusang Propaganda

• Nakauunawa ng mga problema ng siglo 19

• Nabibigyang kahulugan ang salitang ilustrado • Nakatutukoy ng mga ilustrado na kasapi ng Kilusang

Propaganda • Nabibigyan ng historikal na konteksto ang

pagkakatatag at simulain ng Kilusang Propaganda • Nakasasabi at nakauunawa ng mga layunin at

adhikain ng Kilusang Propaganda • Naipaliliwanag ang mga repormang hiniling ng mga

repormista • Nakauunawa ng papel ng mga propagandista sa

pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19

Page 12: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/12

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

3. Kilusang Propaganda

(cont.)

• Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago

• Nakapag-uugnay ng mga problema noon sa kasalukuyan

• Nakagagawa ng sariling dyaryo bilang aplikasyon ng mga natutunan sa modyul

• Naipaliliwanag sa sariling salita ang mga suliranin ng siglo 19 at mungkahing reporma sa pamamagitan ng sariling dyaryo

• Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga problemang ito at ang kanilang epekto sa mga Pilipino

• Nakapagtataya ng papel ng mga propagandista sa pagmumulat sa mga Pilipino noong siglo 19

• Mapanuring nakababasa ng satiriko at sipi ng mga sanaysay

• Nakapagsusuri ng mga sipi at nakasasagot ng tanong tungkol sa punto de bista at nilalaman ng mga ito

• Naihahayag ang personal na saloobin tungkol sa sinasaad ng mga manunulat

4. Himagsikan

para sa Kalayaan

• Layunin ng himagsikan at ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng Pilipinas

• Kahulugan ng kalayaan mula sa pananaw ng himagsikan at mga kaugnay na konsepto katulad ng soberanya at kasarinlan

• Konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago

• Nakauunawa ng kahulugan ng pagmamahal sa bayan

• Nakauunawa ng mga aral ng Katipunan at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

• Naipaliliwanag ang mga konsepto ng kalayaan, kasarinlan at soberanya

• Mapanuring nakababasa at nakasusuri ng mga sipi mula sa sinulat ng mga rebolusyonaryo

• Naipapakita ang pag-unawa ng paggiging kasapi ng Katipunan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong, pagpili ng pangalan, at panunumpa bilang katipunero

• Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng tula ni Bonifacio tungkol sa pagmamahal sa bayan

• Nasusuri ang mga aral (Kartilya) ng Katipunan at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

• Nakasusuri at nabibigyang interpretasyon ang deklarasyon ng kalayaan, ang kahulugan nito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

• Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa mga primaryang sanggunian

• Nabibigyang kahulugan ang mga batayang konsepto ng Saligang Batas ng Malolos katulad ng kalayaan, kasarinlan, soberanya, republika, karapatan

Page 13: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/13

Ikatlong Markahan. Kilusan para sa Kasarinlan sa harap ng Imperyalismong Amerikano

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

4. Himagsikan para sa

Kalayaan (cont.)

• Konsept, uri at kahalagahan ng karapatan

• Mapanuring nakababasa ng mga sipi mula sa sinulat ng mga propagandista

• Nakapag-uugnay ng mga problema noon at ngayon

• Nakapagtataya ng kahalagahan ng mga simulain ng himagsikan

1. Nakakukuha at nakapag-uugnay ng datos mula sa iba't ibang sanggunian Nakatutukoy ng papel ng La Solidaridad sa pagpapalaganap ng layunin at gawain ng Kilusang Propaganda

• Nakapaghahambing ng kahulugan ng kalayaan mula sa iba-ibang sipi

• Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol na kahalagahan ng kalayaan sa mga kilusan sa ika-19 na siglo at sa kasalukuyan

• Nakapag-aayos ng datos mula sa sanggunian sa isang graphic organizer at naipapaliwanag ito sa klase

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

1. Ang ‘Mahinahong’ Pananakop ng Estados Unidos

sa Pilipinas

• Kontesktong historikal ng digmaan ng Pilipinas laban sa Estados Unidos (EU)

• Layunin ng EU na nakasaad sa Proklamasyong Benevolent Assimilation at ibang primaryang sanggunian

• Nakauunawa ng historikal na konteksto ng digmaang Piipino-Amerikano, kasama ang timeline

• Naipaliliwanag ang benevolent assimilation mula sa iba-t ibang pananaw

• Nakauunawa ng timeline • Nakapag-uugnay ng impormasyon sa timeline sa

konteksto ng mga primaryang sanggunian • Naipaliliwanag kung paano naapektuhan ng

konteksto ang nilalaman at perspektiba ng iba-ibang sanggunian

• Nakikita ang kahalagahan ng kontekstong historikal sa pag-aaral ng digmaan at ng mga sanggunian

• Nailalahad at naipaliliwanag ang posisyon ng iba’t ibang panig tungkol sa digmaan ng Pilipinas para sa kalayaan: ang pamahalaang Amerikano, isang pulitikal na cartoon, ang Republika ng Pilipinas, at ang American Anti-imperialist League

Page 14: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/14

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

1. Ang ‘Mahinahong’ Pananakop ng Estados Unidos

sa Pilipinas (cont.)

• Posisyon ng Republika ng

• Posisyon ng American Anti-Imperialist League

• Kahulugan ng imperyalismo

• Kaugnayan ng adhikain ng unang republika sa kasalukuyan

• Mapanuring nakababasa ng nakasulat at biswal na primaryang sanggunian

• Naipaliliwanag ang imperyalismo base sa mga primaryang sanggunian

• Nakatutukoy ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga posisyon ng tungkol sa pananakop ng Piipinas

• Nakatutukoy ng basehan ng posisyon ng bawat panig o grupo

• Nakapagsusuri ng katangian at mensahe ng cartoon ukol sa benevolent assimilation: ang mga simbolo, talinghaga (metaphor), balintuna (irony), at stereotype

• Nakasasagot ng mga graphic organizer tungkol sa cartoon

• Naipaliliwanag ang basehan ng reaksyon ni Aguinaldo sa proklamasyong benevolent assimilation

• Nailalahad ang sariling pagtingin sa mga nilalaman ng sipi

• Nakatataya ng kahalagahan ng mga primaryang sanggunian sa pag-aaral ng digmaan

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng imperyalismo at an gang pepel nito sa kasaysayan ng Pilipinas

2. ‘Pilipinisasyon’ ng Gobyerno at

Pagsupil ng Nasyonalismong

Pilipino

• Timeline at kontekstong historikal ng mga patakarang kolonyal ng pamahalaang sibil ng Estados Unidos sa Pilipinas

• Nakauunawa ng kontekstong historikal ng mga patakaran ng gobyernong Estados Unidos sa Pilipinas

• Nabibigyan ng historikal na konteksto ang mga patakaran ng administrasyong kolonyal ng Estados Unidos sa Pilipinas

• Nakapagbabasa ng timeline ng mga pangyayari at nakapag-uugnay ng mga ito sa mga patakarang kolonyal

• Nabibigyang kahulugan ang Pilipinisasyon • Nakapagtutukoy ng mga batas at paraang ginamit

ng Estados Unidos sa Pilipinisasyon ng pamahalaan

Page 15: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/15

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

2. ‘Pilipinisasyon’ ng Gobyerno at

Pagsupil ng Nasyonalismong Pilipino (cont.)

• Patakarang kolonyal ukol sa sa ‘Pilipinisasyon’ ng gobyerno sa ilalim ng pamamalakd ng Estados Unidos

• Konsepto ng awtonomiya Kwalipikasyon ng mga botante sa pamamahala ng Amerikano

• Patakarang kolonyal sa pagsupil ng nasyonalismong

• Nakauunawa ng Pilipinasyon ng gobyerno at pagsupil ng nasyonalismong Pilipino bilang repleksiyon ng patakarang benevolent assimilation

• Nakauunawa ng mga epekto ng patakarang kolonyal

• Mapanuring nakababasa at nakapaghahambing ng mga sipi

• Nakatutukoy ng mga nakinabang sa patakarang Pilipinisasyon

• Naipaliliwanag ang layunin at limitasyon ng Pilipinisasyon ng gobyerno

• Nakasusuri ng mga batas kolonyal • Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa mga batas

at patakaran • Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula

sa mga sipi • Nakabubuo ng konklusyon mula sa impormasyong

nakuha at nahinuha • Nakagagawa ng buod ng mga sipi gamit ang sariling

salita • Nailalahad ang iba’t ibang paraang ginamit ng

Estados Unidos upang supilin ang nasyonalismong Pilipino

• Naihahayag ang personal na saloobin tungkol sa nilalaman ng mga patakaran

• Nakapag-uugnay ng mga patakaran sa panahon ng administrasyong Amerikano (katulad ng pagboto, kahalagahan ng watawat) at ngayon

3. Pananakop ng Hapon at ang Kapanganakan

ng Bagong Republika

• Mga alaala ng okupasyong Hapon ng ilang karaniwang Pilipino

• Pamumuhay at pera sa panahon ng digmaan

• Pagtatatag ng republika matapos ang digmaan

• Nakapaglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan at pananakop ng Hapon

• Nakatataya ng mga epekto ng okupasyong Hapon sa Pilipinas

• Naipaliliwanag sa sariling salita at larawan ang kondisyon ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapon

• Nailalarawan ang pamumuhay noong digmaan • Nakatutukoy ang mga epekto ng okupasyong Hapon

sa mga Pilipino • Nabibigyang kahalagahan ang mga naranasan ng

mga Pilipino sa panahon ng digmaan

Page 16: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/16

Ikaapat na Markahan. Ang Republika mula noong 1946

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

3. Pananakop ng Hapon at

ang Kapanganakan

ng Bagong Republika

(cont.)

• Mga kondisyon ng kasarinlan base sa Bell Trade Act at Kasunduang Base Militar

• Epekto ng mga kondisyong ito sa soberanya ng bagong republika

• Nakauunawa ng kahulugan ng kasarinlan noong 1946 sa konteksto ng mga batas at kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

• Nakababasa at nakasusuri ng mga nakasulat at biswal na primaryang sanggunian

• Nakikita ang implikasyon at epekto ng mga ito sa kasarinlan ng bagong republika

• Nakababasa ng biswal na sanggunian, ang mga pisikal nitong katangian at ang mensahe at kahulugan ng mga ito

• Naipaliliwanag ang nilalaman ng mga batas at kasunduan kaakibat sa pagtatag ng Republika ng Pilipinas noong 1946

• Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa sanggunian • Nakapag-aayos at nakagagawa ng buod ng

impormasyon mula sa mga sipi gamit ang sariling salita

• Nakahihinuha mula sa datos upang bumuo ng konklusyon

• Nakauunawa ng ugnayang sanhi at epekto • Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor o

manlilikha

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

1. Problema sa Lupa

• Kontekstong historikal ng problemang agraryo

• Kalagayan ng mga magsasaka sa Gitnang Luzon noong mga 1950

• Nakauunawa ng konteksto ng problema sa lupa

• Naipaliliwanag ang sitwasyon sa Gitnang Luzon noong mga 1950

• Nailalahad ang kasaysayan ng suliraning agraryo mula sa panahon ng mga Amerikano

• Nakasusuri ng cartoon tungkol sa problema sa lupa bilang bahagi ng kontekstong historikal ng sitwasyon noong mga 1950

• Nakasasagot ng mga tanong tungkol sa katangian at mensahe ng cartoon

Page 17: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/17

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

1. Problema sa Lupa (cont.)

• Kahulugan at kahalagahan ng katarungang panlipunan

• Konsepto ng karapatang pantao

• Nakapaghahambing ng iba’t ibang pananaw ukol sa problema sa lupa

• Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng katarungang panlipunan at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

• Nakapag-uugnay ng katarungang panlipunan sa karapatan ng tao at lipunan

• Mapanuring nakababasa ng nakasulat at biswal na primaryang sanggunian

• Nakapag-uugnay ng mensahe ng cartoon sa problema sa lupa noong 1950

• Nakapagsasabi ng sariling pagtingin ukol sa mensahe ng cartoon

• Nailalarawan ang kalagayan ng mga magsasaka base sa sipi ni Luis Taruc

• Nakauunawa ng datos istatistikal tungkol sa problema sa lupa at sa ugnayang kasama at panginoong maylupa

• Nakapaghahambing ng datos istatistikal sa sipi ni Taruc

• Nakapaghahambing ng iba-ibang pananaw hinggil sa problema sa lupa, kasama ang mga probisyon ng batas ukol sa paghahati-hati ng ani sa pagitan ng may-ari ng lupa at mga kasama

• Nabibigyang kahulugan ang katarungang panlipunan kaugnay sa problema sa lupa

• Naipaliliwanag ang katarungang panlipunan bilang karapatan ng tao at lipunan

• Nakasusuri ng mga sipi • Nakatataya ng kahalagahan at kaugnayan ng

problema sa lupa noong 1950 at sa kasalukuyan 2. Hamon ng Pagsasarili sa Ekonomiya at

Ugnayang Panlabas

• Konsepto ng kasarinlang pang-ekonomiya

• Kahulugan ng independiyenteng ugnayang panlabas

• Mga hamon sa pagsasarili

• Nakauunawa sa konsepto ng kasarinlang pang-ekonomiya at kaugnay nito, ang nasyonalismong pang-ekonomiya

• Nakababasa ng mga sipi mula sa mga talumpati ng iba-ibang lider ng bansa noong mga 1950 at 1960

• Nakasusuri ng mga siping ito • Nakasasagot ng mga tanong ukol sa nilalaman at

punto de bista ng mga may-akda • Naipaliliwanag ang konsepto ng kasarinlang pang-

ekonomiya at nasyonalismong pang-ekonomiya • Nakapaglalahad ng mga balakid sa pagsasarili ng

bansang Pilipinas

Page 18: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/18

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

2. Hamon ng Pagsasarili sa Ekonomiya at

Ugnayang Panlabas (cont.)

• Mga mungkahing hakbang bilang tugon sa hamon

• Kaugnayan ng kasarinlang pang-ekonomiya sa kabuuang kasarinlan ng bansa

• Naipaliliwanag ang kaugnayan ng kasarinlang pang-ekonomiya sa kabuuang kasarinlan ng bansa Nakauunawa ng mga hamon sa pagsasarili ng republika sa mga dekadang 50 at 60

• Mapanuring nakababasa ng mga sipi

• Naipaliliwanag ang ilang hakbang nagpapalakas sa kasarinlan at soberanya ng republika

• Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga konseptong ito sa nakaraan at kasalukuyan

• Nakapaghahambing ng iba’t ibang pananaw ukol sa pagsasarili sa larangan ng ekonomiya at ugnayang panlabas

• Nakapagpapaliwanag ng mga mungkahing hakbang tungo sa pagsasarili ng bansa, katulad ng patakarang Filipino First

• Nakapagbibigay ng sariling kaisipan ukol sa mga pananaw at minungkahing hakbang

• Nakapaglalahok sa debate ukol sa pagsasarili • Nakauunawa ng kahalagahan ng pagsasarili sa

konteksto ng mga dekadang iyon at sa kasalukuyan

3. Etnisidad at Pambansang

Identidad

• Ugat ng negatibong pagturing sa mga katutubong Pilipino  

• Nakauunawa kung bakit negatibo ang karaniwang pagtingin sa mga katutubong Pilipino

• at ng lipunang Pilipino

• Nakapagpapakita ng paggalang sa iba’t ibang kultura sa Pilipinas

• Nakagagamit ng mapa at atlas upang matukoy ang iba’t ibang lugar, lokasyon at ibang impormasyong pangheograpiya na may kinalaman sa mga katutubong grupo sa Pilipinas

• Nakasusuri ng bahagi ng lumang teksbuk sa sibika para sa ika-1 grado na nagsasaad na iba ang kultura ng mga Agta at Igorot

• Nakakikilala ng historikal na perspektibo ng awtor • Naipaliliwanag ang mga salik na nakaaapekto sa

pagbuo ng pananaw ukol sa mga katutubong grupo • Nakakukuha ng datos mula sa iba’t ibang

primaryang sanggunian

Page 19: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/19

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

3. Etnisidad at Pambansang

Identidad (cont.)

• Paggigiit ng mga Igorot at mga Muslim ng kanilang identidad bilang bahagi ng malawak na proseso ng pagbubuong pambansa pagkatapos ng  

• digmaan • Magkakaibang

kulturang mayroon sa Pilipinas at paggalang sa mga ito

• Konsepto ng etnisidad

Kahalagahan ng pagkakakilanlan

• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggigiit ng mga katutubo ng kanilang identidad bilang miyembro ng kanilang komunidad at bilang Pilipino

• Nabibigyang kahalagahan ang pagkakakilanlan

• Nakapagsusuri ng mga sipi mula sa mga sinulat ng mga katutubo

• Nailalahad ang pag-iisip ng mga katutubong grupo tungkol sa kanilang identidad

• Nakahihinuha mula sa datos o ebidensya • Nakapag-aayos at nakagagawa ng buod ng

impormasyon mula sa sanggunian • Nakasasagot ng tanong tungkol sa mga sanggunian • Nakapaghahambing ng iba’t ibang pananaw ukol sa

mga katutubo Nakabubuo ng interpretasyon tungkol sa magkaiba at posibleng magkasalungat na paliwanag

• Nakapaghahambing ng sariling kaisipan sa kaisipan ng awtor ng sipi

• Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng etnisidad • Naigagalang at nabibigyang kahalagahan ang

pagkakaiba ng mga tao, komunidad, kultura, at paniniwala, at ang kanilang karapatang pantao

• Nagiging maingat sa sariling naisin, paniniwala, punto de bista o posisyon

• Nabibigyang kahalagahan ang pangkakakilanlan bilang miyembro ng komunidad at ng bansang Pilipinas

4. Batas Militar: Banta sa

Demokrasya

• Kahulugan, layunin at pamamaraan ng batas militar

• Dahilan ng pagdeklara ng batas militar

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng batas militar at ang opisyal na basehan nito

• Nakapagsusuri ng mga dahilan kung bakit inihayag ang batas militar mula sa iba-ibang pananaw

• Nabibigyang kahulugan ang batas militar • Naipaliliwanag ang iba’t ibang pananaw ukol sa

dahilan at layunin ng pagdeklara ng batas militar • Nakatataya ng kabisaan ng mga pananaw ukol sa

dahilan at layunin ng paghayag ng batas militar • Nakasusuri ng mahahalagang probisyon ng

Konstitusyon ng 1973 • Nailalarawan ang pagbabago sa pamamalakad at

patakaran ng gobyerno sa ilalim ng batas militar

Page 20: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/20

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

4. Batas Militar: Banta sa

Demokrasya (cont.)

• Epekto ng batas militar sa mamamayan at bansa

• Konsepto ng karapatang pantao, kalayaan, kapangyarihan, at demokrasya

• Kahalagahan ng karapatang pantao at ng demokrasya

• Nakauunawa ng mga paraang ginamit upang pairalin ang batas militar

• Nakauunawa ng karapatang pantao

• Nailalahad ang mga epekto ng kawalan ng mga karapatan

• Nabibigyang kahalagahan ang karapatang pantao, kalayaan at demokrasya at ang pagpapatupad ng mga ito

• Mapanuring nakababasa ng mga primaryang sanggunian ukol sa batas militar

• Natutukoy ang epekto ng mga pagbabagong ito sa kalayaan ng bayan

• Nakatataya sa paggamit ng kapangyarihan ng gobyerno noong batas militar

• Nakatutukoy ng mga dekreto at pamamaraang ginamit upang ipatupad ang batas militar at ang epekto ng mga ito

• Naipaliliwanag ang kalagayan ng karapatang pantao sa panahon ng batas militar

• Nakapag-uugnay ng karapatang pantao sa kalayaan at demokrasya

• Naipapaliwanag ang pagtutol sa batas militar tungo sa malaya at demokratikong pamamalakad

• Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa iba’t ibang priaryang sanggunian

• Natutukoy ang bias o punto de bista ng may-akda ng sanggunian

• Nakabubuo ng heneralisasyon tungkol sa tungkulin ng gobyerno at ng bawat isa na ipatupad ang karapatang pantao

• Nakasusulat ng sanaysay tunkol sa batas militar at karapatang pantao

5. People Power at ang Hamon ng Pagbabago

• Kilusang people power at ang pagpapatalsik kay Ginoong Marcos noong Pebrero 1986

• Nakasusuri ng mga pangyayari na humantong sa kauna-unahang People Power revolution sa buong daigdig

• Nababatid ang pagkakasunud-sunod na mga pangyayaring naging dahilan upang maibalik ang demokrasya noong 1986

• Nailalagay sa timeline ang mahahalagang pangyayari na naganap patungo sa at sa panahon ng People Power 1986

Page 21: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/21

VI. Balangkas ng Modyul sa Pagkatuto at Gabay ng Guro A. Modyul sa Pagkatuto Ang modyul ng mag-aaral ay parang workbook na punung-puno ng mga gawain. Mahahati ang modyul sa sumusunod na bahagi:

• Pangkalahatang ideya; • Gawain (kasama ang primaryang sanggunian o sipi nito, glosari at karagdagang impormasyon katulad ng timeline

at kontekstong historikal); at

Modyul Pamantayang Pangnilalaman

Pamantayan sa Pagganap Kakayahan

5. People Power at ang Hamon ng Pagbabago

(cont.)

• Freedom Constitution ng 1986 at Saligang Batas ng 1987

• Mga hangaring pagbabago at ang hamon sa pagkakamit ng mga ito

• Nakauunawa ng kapangyarihan ng lakas ng bayan mula sa nagkakaisang mamamayan

• Nakasusuri ng hamon ng pagbabago bunga ng kilusang people power sa kasalukuyan

• Nakasusuri ng mga larawan ng people power revolution upang mabigyan ito ng kahulugan

• Nakapag-uugnay ng larawan sa hangarin para sa kalayaan

• Nakapagtatalakay ng epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa kalayaan, demokrasya at karapatang pantao

• Nakasusuri ang talumpati ni Pang. Corazon Aquino sa kanyang inagurasyon bilang pangulo hinggil sa kinakaharap na hamon sa bayan sa pagpapanatili ng demokrasyaNakapag-uugnay ng mga kasalukuyang pangyayari sa mga hangarin noong 1986

• Natutukoy ang mga isyu o problemang hindi pa nalulutasan sa kasalukuyan

• Naipaliliwanag kung bakit hindi o mahirap lutasin ang mga suliraning ito

• Nakapag-iisip ng dapat gawin ng pamahalaan at ng kabataan upang malutasan ang mga problema

Page 22: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/22

• Transisyon sa susunod na modyul.

Sa ibaba ang talaan ng mga primaryang sangguniang ginamit sa mga modyul.

Markahan Modyul Sipi at Ibang Primaryang Sanggunian 1. Pagpapakilala sa

Primaryang Sanggunian

2. Ang Bangang Manunggul at mga Sinaunang Paniniwala

• Larawan ng bangang Manunggul, panahong Neolitiko • Fr. Juan de Plasencia, OSF, “Customs of the Tagalogs,” 1589 • Miguel de Loarca, “Relation of the Philippine Islands,” 1582

3. Sulyap ng Buhay Panlipunan sa Sinanunang Panahon

• Pedro Chirino, S.J., Relation de las Islas Filipinas, 1604 • Antonio de Morga, Historical Events of the Philippine Islands, 1609 • Miguel de Loarca, Relation of the Philippine Islands, 1582 • Mga larawan mula sa “Boxer Codex,” 1595 • Fr. Juan de Plasencia, OSF, “Customs of the Tagalogs,” 1589 • Francisco Colin, SJ, “Native Races and their Customs” mula sa Labor

Evangelica, 1663

Una. Sinaunang Panahon hanggang sa Pagtatag ng Kolonyang Espanyol

4. Pagtatag ng Kolonyang Espanyol at mga Patakarang Kolonyal

• Palatandaan ni Magellan, Siyudad ng Lapu-Lapu, Mactan, Cebu, 1941 • Palatandaan ni Lapu-Lapu, Siyudad ng Lapu-Lapu, Mactan, Cebu, 1958 • Antonio Pigafetta, “First Voyage Around the World,” 1525 • Coat of Arms, Haring Carlos I ng Espanya, 1520-1530 • Domingo de Salazar, “Affairs in the Philippine Islands,” 1583 • Luis de Jesus at Diego de Santa Theresa, O.S.A., “Recollect Missions,

1646-1660 • Laws of the Indies, 1523 at 1609 • Governor General Gomez Perez Dasmariñas, “Account of the

Encomiendas in the Philippine Islands,” 1591 • Obispo Domingo de Salazar, Andres de Cervantes at Francisco

Morante, liham kay Haring Felipe II, 1582 • Guido de Lavezaris, Martin de Gotti, Luis de Haya at iba pa, “Reply to

Fray Rada’s Opinion,” 1574 Ikalawa. Pagsibol ng Kamalayang Pilipino

1. Pag-aalsa Laban sa Pang-aabuso

• Francisco Leandro de Viana, “Memorial of 1765” • Pedro Murillo Velarde, History of the Philippine Province of the Society of

Jesus, 1749

Page 23: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/23

Markahan Modyul Sipi at Ibang Primaryang Sanggunian

1. Pag-aalsa Laban sa Pang-aabuso (cont.)

• Casimiro Diaz, Conquista de las Islas Filipinas, 1890 • Pedro Calderon Enriquez, ulat tungkol sa problemang agraryo, 1739 • Juan de la Concepcion, Historia General de Philipinas, 1788-1792 • Haring Felipe V, “Usurpation of Indian Lands by Friars,” 1751

2. Iba-ibang Mukha ng Progreso

• Sinibaldo de Mas, Report on the State of the Philippines 1842 • Gregorio G. Sancianco, El Progreso de Filipinas, 1881 • Juan Luna, España y Fiipinas, oil on canvas, 1886

3. Kilusang Propaganda • Marcelo H. del Pilar, “Monarchism in the Philippines,” 1888 • Marcelo H. del Pilar, “Aba Ginoong Maria” • Graciano Lopez Jaena, “The Distressing Situation of the Philippines” • Jose P. Rizal, “On the Indolence of the Filipinos,” 1890

Ikalawa. Pagsibol ng Kamalayang Pilipino (cont.)

4. Himagsikan para sa Kalayaan

• Panunumpa sa Katipunan • Andres Bonifacio, “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” • Emilio Jacinto, “Mga Aral ng Katipunan,” 1896 • Deklarasyon ng kalayaan sa Kawit, 1898 • Saligang Batas ng Malolos, 1899

1. Ang ‘Mahinahong’ Pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas

• William McKinley, Proklamasyong Benevolent Assimilation, 1898 • “Popular Song Illustrated—Because I Love You” 1899 (pampulitikang

cartoon) • Emilio Aguinaldo, proklamasyong tutol sa benevolent assimilation, 1899 • Anti-Imperialist League, “Address to the People of the United States,” 1898

2. ‘Pilipinisasyon’ ng Gobyerno at Pagsupil ng Nasyonalismong Pilipino

• Kodigong Munisipal (Act No. 82), 1901 • Batas Jones, 1916 • Sedition Law, 1901 • Flag Law, 1907

Ikatlo. Kilusan para sa Kasarinlan sa Harap ng Imperyalismong Amerikano

3. Pananakop ng Hapon at ang Kapanganakan ng Bagong Republika

• Minyong Ordoñez, “We World War II Kids Can Still Remember,” 2011 • Pera ng Hapon (perang ‘mickey mouse’) • Tydings-McDuffie Law, 1935 • Isang daang piso nnong mga 1970 • Bell Trade Relations Act, 1946 • Kasunduang Base Militar, 1947

Page 24: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/24

Markahan Modyul Sipi at Ibang Primaryang Sanggunian 1. Problema sa Lupa • “Why the ‘Aparcero’ Rebels,” editoryal na cartoon sa Independent, 18 Mayo

1918 • Luis Taruc, Born of the People, 1953 • Mga istatistiko tungkol sa tenancy • Batas ng tenancy

2. Hamon ng Pagsasarili sa Ekonomiya at Ugnayang Panlabas

• Claro M. Recto, talumpati ukol sa nasyonalismong pang-ekonomiya, 1957 • Carlos P. Garcia, “Filipino First Movement,” 1961 • Lorenzo M. Tañada. “The Folklore of Colonialism,” 1961 • Sipi mula sa interpelasyon sa Senado

3. Etnisidad at Pambansang Identidad

• Teksbuk sa sibika (Makabayan) ng ika-1 baitang sa lumang kurikulum • Bantas Suanding, editoryal sa Baguio Midland Courier, 13 Hulyo 1947 • Camilo Madadsic, editoryal sa Baguio Midland Courier, 8 Abril 1962 • Sipi mula sa sinulat ng isang Muslim

4. Batas Militar: Banta sa Demokrasya

• News clipping ukol sa ambush ni Kalihim ng Depensa, Juan Ponce Enrile, 1972

• News clipping kung saan inamin ni Enrile na peke ang ambush sa kanya, 1986

• Video ng deklarasyon ng batas militar, Setyembre 1972 • Konstitusyon ng batas miitar, 1973 • Arrest, Search and Seizure Order • Alaala ng isang detenidong pampulitika • Larawan ng rali at ibang pagkilos • Ulat ng Amnesty International

Ikaapat. Ang Republika mula noong 1946

5. People Power at ang Hamon ng Pagbabago

• Mga larawan ng people power revolution • Corazon Aquino, talumpati sa kanyang inagurasyon bilang pangulo • Freedom Constitution, 1986 • Saligang Batas, 1987 • “26 Years of Freedom,” editorial ng Philippine Star, 25 Pebrero 2012

B. Gabay ng Guro Ang mga bahagi ng gabay ng guro ay sumusunod:

Page 25: Kurikulum Ng Araling Panlipunan

Gr 7 Kurikulum/25

• Pangkalahatang ideya; • Layunin at pamantayan sa pagkatuto; • Mga sagot sa graphic organizer at iba pang pagsasanay sa bawat gawain (gamitin ang modyul sa pagkatutuo para

sa mga gawain); • Pagtataya; at • Transisyon sa susunod na modyul.

Lahat ng impormasyong kailangan ng guro upang isagawa ang modyul ay nasa gabay.

VII. Pagtataya Ang pagtataya ay nanggagaling sa primaryang sanggunian. Kung gagamitin ang sangguniang ginamit na sa gawain, ang pagtataya ay nakapokus sa ibang aspeto ng nilalaman ng sanggunian; halimbawa, ang paghahambing ng isa o dalawang sipi na hindi ginawa sa modyul. Mayroon ding pagtataya na nakabase sa iba o bagong sanggunian. Mahalaga sa pagtataya ang sumusunod:

• Pagdebelop ng mga kakayahan sa mapanuring pagbasa, pagsuri at interpretasyon ng iba-ibang uri ng primaryang sanggunian; at

• Mas malalim na pag-unawa ng kasaysayan ng Pilpinas.