Author
truongnguyet
View
265
Download
12
Embed Size (px)
MAHUSAY NA MGA KONTADOR
AT
PANAHON-NG-PAGGAMIT o TIME-OF-USE MGA SINGIL
ISANG MABILISANG GIYA
Ipinakikilala ang isang makabagong pamamaraan sa pamamahala ng inyong mga
gastusing pang-elektrisidad at maging kabahagi ng panlalawigang
planong pagtitipid.
Ang mga paniningil sa MAHUSAY NA MGA KONTADOR
at sa Panahon-ng-Paggamit ay mga makabagong
pamamaraan sa pamamahala ng enerhiya na
makapagbibigay pagkakataon sa inyo na makatulong
sa isang masaayos na "malakasang paggamit".
Ang inyong MAHUSAY NA KONTADOR ay isang
pangunahing bahagi ng makabagong sistema ng
mahusay na pagkokontador–at ng pagtatatag ng
isang kultura sa pagtitipid sa buong lalawigang ito.
Bago mag-2010, ang bawa't tahanan at maliit na mga
negosyo sa Ontario ay magkakaroon ng isang
MAHUSAY NA KONTADOR.
Ang paniningil sa MAHUSAY NA MGA KONTADOR at
sa Panahon-ng-Paggamit ay makatutulong sa
Ontario na maisakatuparan ang mga
pangangailangang pang-enerhiya. Sa pagitan ng kasalukuyang panahon at ng 2025, kailangan ng Ontario na makapagpatayo ng halos makabagong sistema pang-enerhiya.Kinabibilangan dito ang pagpapalit ng humigi't
kumulang na 80 porsiyento ng ating kasalukuyang
gumaganang mga kagamitang paluma na, at ang
pagpapaunlad ng sistema upang maisakatuparan ang
ating pangkinabukasang paglago.
Ang mga simpleng pagbabago ay maaaring makapagbigay ng mga
mabubuting benepisyo.
Ang presyo ng paggamit ng inyong elektrisidad ay
ikakalkula sa pamamagitan ng bagong paniningil ng
"Panahon-ng-Paggamit" o "Time-of-Use" (TOU). Iba-iba ang pagbibigay presyo ng TOU sa mga presyo ng elektrisidad, nakabatay sa kung kailan ito ginamit. Kasama dito ang pamamagitan ng oras ng ano mang araw, ang ano mang araw ng buong sanlinggong iyon (sa araw-araw kumpara sa sabado
at linggo), at sa pamamagitan ng pana-panahon
(tagyelo o tag-araw). Sa pamamagitan ng paniningil sa
Panahon-ng-Paggamit upang maisaayos ang
kabayaran ng inyong elektrisidad, makatutulong kayo
sa pagbababa ng mga pangangailangan upang
maiwasan ang pagdaragdag ng mga plantang
lumilikha ng elektrisidad sa mga panahon ng
malakasang paggamit. Ang mga simpleng pagbabago
sa regular na pamamalakad ninyo ay maaaring
makatulong sa masaayos na malakasang paggamit at
makapagsasagawa ng mga makatotohanang paggamit
at mga pangkapaligirang benepisyo.
Tandaan, kung inyong nabili ang gamit pang-elektrisidad
mula sa isang nagtitingi, ipagpapatuloy ninyo ang
pagsunod sa mga kasunduan at presyong nakasaad
sa inyong kontrata.
Ang pagtatatag ng isang panustos ay napakahalaga. Gayundin ang pagtitipid.Ang pagtitipid ay makatutulong sa atin na magamit ng
wasto ang pinagkukunan ng ating kasalukuyang
elektrisidad at bagalan ang paglaki ng ating mga
paggamit.
Kaya naman ipinakikilala ng Ontario ang makabagong mga pamamaraan – katulad ng paniningil sa MAHUSAY NA MGA KONTADOR at sa Panahon-ng-Paggamit – na makatutulong.Hihimukin tayo ng mga pamamaraang ito na
pag-isipan pang mabuti kung paano at kailan natin
gagamitin ang elektrisidad.
Kung tayong lahat ay sabay-sabay na gumagamit ng
higit na elektrisidad lumilikha tayo ng panahon ng
"malakasang paggamit". At ang pagtustos ng
elektrisidad sa mga panahon ng "malakasang
paggamit" na may pamantayan ng mga epekto:
• Nagiging sanhi ito ng mga dagdag singil sa ating
mga ginamit na elektrisidad dahil ang higit na mas
mataas na paggamit ay nagiging daan sa higit na
pagtaas ng presyo.
• Mahirap din para sa ating kapaligiran dahil upang
matustusan ang malakasang gamit, maaaring
mangailangan tayo ng karagdagang mga plantang
lumilikha ng elektrisidad.
• Nagiging sanhi ito ng mga karagdag bilang ng
lumilikha ng eletrisidad, transmisyon at
distribusyon ang imprastraktura ng Ontario na
kailangang itayo; at ang mga gumagamit ay
kailangang magbayad.
• Nakapamiminsala sa sistema ng ating elektrisidad.
Kaya ang magkakasamang nagsasagawa ay mabuting
gawin upang mabawasan ang ating paggamit sa mga
panahon ng malakasang paggamit.
Ang pagtatalaga sa inyo upang mag-kontrol.
Ang pagpe-presyo sa Panahon-ng-Paggamit ay nagbibigay gantimpala sa inyo para sa inyong paggamit ng elektrisidad sa mga panahon ng mga mahinang paggamit hangga‘t maaari (makikita sa kulay berde). Ang mga paniningil na ito sa panahon-ng-paggamit – sa mga panahon ng hindi malakasan, kalagitnaan ng malakasan, at sa higit na
malakasang paggamit, ay maaaring magkaka-iba sa pagitan ng mga panahon ng tag-araw at tagyelo. Makikita ninyo sa mga talaan ng mga pana-panahon sa ibaba na ang pinakamababang paniningil ay sa gabi, sa mga sabado at linggo, at sa itinakdang mga araw ng walang pasok.
*Kasama na ang kabayaran sa elektrisidad na nagpapainit ng tubig.
Ang mga presyong nakikita dito ay para lamang sa ginamit ninyong mga eletrisidad o kagamitan. Hindi kasama dito ang paniningil sa pagpapadala, regulatoryo o iba pang mga paniningil batay sa inyong paggamit o nakatalaga pang mga bayarin. Ang mga presyo ng elektrisidad ay nagbabago tuwing ika-anim na buwan. Maaari kayong bumisita sa Lupon para sa Enerhiya ng Ontario sa www.oeb.gov.on.ca para sa mga detalye ng kasalukuyang pagpepresyo.
Ang inyong MAHUSAY NA KONTADOR ay nagtatala ng inyong paggamit ng elektrisidad sa bawa‘t oras kaya maaari ninyong samantalahin ang presyo ng Panahon-ng-Paggamit:
• Sa mga panahon ng higit na malakasang paggamit, kung saan mataas ang pangangailangan, ang mga presyo ng paniningil ay mataas din.• Sa mga panahon ng kalagitnaan ng malakasang paggamit, kung saan katamtaman ang pangangailangan, ang mga presyo ng paniningil ay may kababaan.• Sa mga panahon ng hindi malakasang paggamit, ang mga presyo ng paniningil ay napakababa sa pinakamatumal na mga oras ng araw.
Depende din sa kung anong kagamitan ang inyong ginagamit, narito ang ilang halimbawa ng mga kabayaran para sa mga pangkaraniwang kagamitan. Maaari din ninyong malaman ang kunsumo mismo ng inyong kagamitan/modelo sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng Natural Resources Canada’s Office of Energy Efficiency sa www.oee.nrcan.gc.ca o sa pagtawag sa NRCan’s Office of Energy Efficiency sa 1 800 387 2000 (libreng linya).
Pumili ng sariling ninyong mga oras.Pamahalaan ang inyong mga paggamit.
Kagamitan
Patuyuan ng Mga Damit (1 lagayan)
Labahan ng Mga Damit(1 lagayan – mainit na paglalaba)*
Lutuang De-kuryente(1 pampamilyang pagkain)
Hugasang De-kuryente (1 lagayan)*
AC Pang-kabuuang bahay 25 degre (1 oras):
AC Pang-kabuuang bahay 20 degre (1 oras):
Mga Halimbawa ng Pagpe-presyo saPanahon-ng-Paggamit
Sa mga panahon ng hindi malakasan
4.2¢Sa bawa‘t kWh
Sa kalagitnaan ng malakasan
7.6¢Sa bawa‘t kWh
Sa higit na malakasan
9.1¢Sa bawa‘t kWh
9¢
33¢
21¢
15¢
12¢
13¢
17¢
59¢
38¢
27¢
21¢
24¢
20¢
71¢
46¢
33¢
25¢
29¢
Kuryente. Mas Mahusay.
Para sa mga karagdagang mga impormasyon, bumisita sa www.ontario.ca/smartmeters
HATINGGABI
KATANGHALIAN
HATINGGABI
KATANGHALIAN
HATINGGABI
KATANGHALIAN
Paalala: Bumisita sa Lupon Para sa Enerhiya ng Ontario o Ontario Energy Board sa www.oeb.gov.on.ca para sa mga kasalukuyang pagpe-presyo.
N.H. N.U. N.H. N.U. N.H. N.U.
Mga Araw ng Sabado at Linggo atMga Araw ng Walang Pasok
* Ang panahon ng hindi malakasan sa tag-araw ay mula sa 9 n.h. at magsisimula naman sa Mayo 1, 2010.
Tag-araw(Mayo 1 – Oktubre 31)
mga pangkaraniwang araw
Tagyelo(Nobyembre 1 – Abril 30)
mga pangkaraniwang araw
Hindi malakasan
Kalagitnaan ng malakasan
Higit na malakasan