46
The Title of Your Book 1 Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon

Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

  • Upload
    lekhanh

  • View
    365

  • Download
    18

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

1

Manwal ng MANA sa

Makabagong Pamamaraan sa

Pagpili at Pagkundisyon

Page 2: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

2

RB Sugbo GT: Isang Sulyap

Sa magandang mukha ng sabong

Isang makapagpatunay sa kabutihan na maaring

maidulot ng sabong ay si kamanang Rey Bajenting, isang

masang nagmamanok. Isang masang nagmamanok na

nakakita sa magandang mukha ng sabong.

Ang may akda, Kamana Rey Bajenting

Ipinanganak, October 15, 1954, si kamanang Rey ay

nagsimulang nagmanok noong 1965, sa murang edad na sampung

taon. Ang kanyang ama, Clod Bajenting, isang tanyag na

peryodista sa Cebu at ng Manila Chronicle at inang si Manuela

Kintanar ay parehong Cebuano.

Sa loob ng mahigit apat na dekada sa sabong, si

kamanang Rey ay nagsimula bilang handler at conditioner, Sa

dekada 70 at 80 siya’y kabilang sa mga pinakatanyag na handler-

Page 3: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

3

conditioner sa Cebu. Ang kinita niya dito ang kanyang

pinagsimula ng pamilya.

Sa kabutihang palad at dahil na rin sa kanyang tagumpay

sa pagmamanok lahat ng kanyang limang anak ay nakapagtapos

sa kolehiyo. Si Duke (pinangalan kay Duke Hulsey, ang sikat na

Amerikanong breeder), ang panganay, nakapagtapos na summa

cum laude sa kursong Business Administration with Accountancy

sa University of the Philippines, Diliman; naging editor-in-chief

ng Philippine Collegian, at nag no. 1 sa CPA board examination

noong taon 2003. Si Duke rin ang kaunaunahang Pilipino na

nakasungkit ng 1st place sa buong mundo sa taunang pasulit ng

Certified Internal Auditors (CIA) na ginanap sa Chicago, USA.

Siya ngayon ay nagtratrabaho sa isang malaking multi-national

consultancy firm.

Si Ace (pinangalan sa ace cock o manok na alas), ang

pangalawa, ay nakapagtapos sa kursong Computer Engineering

sa University of San Carlos bilang scholar ng DOTC. Siya

ngayon ay konektado sa isang malaking Japanese IT company.

Ang tatlong anak na babae, Si Contessa ay graduate sa

education sa Normal State University; si Reyna sa Economics sa

UP, Diliman; at si Queenie sa Journalism sa University of San

Jose Recoletos. Lahat sila ay may kanyakanyang magandang

hanapbuhay.

Ang maybahay ni Kamanang Rey, si Elizabeth Maglinte

ng Lawaan, Eastern Samar ay may masters degree in Public

Administration at kasalukuyang empleyado ng kapitolyo ng

Cebu.

Mula 1985 hanggang 1999 pansamantalang iniwan ni

kamanang Rey ang aktibong pagsasabong. Sa loob ng panahong

iyon, kahit hindi nakapagtapos ng pormal na edukasyon, siya’y

naging mamahayag at editor ng ilang peryodiko sa Cebu; public

information officer ng Mandaue City; legislative staff chief sa

Congress; consultant to the Governor of Cebu; at executive

assistant sa Malakanyang.

Page 4: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

4

Taong 2000 nang siyay bumalik full-time sa pagmamanok

bilang isang breeder at manunulat sa Pit Games at Llamado

magazine, at ngayon, pati na rin sa pahayagang Tumbok, na

pinagaari ng Philippine Daily Inquirer group of publications.

Ang pagsulat niya sa Pit Games at Llammado ang

tinuturing niyang hagdan upang magawa niya ang gusto niyang

gawin alangalang sa sabong. Dito malaki ang kanyang

pagsasalalamat kay Manny Berbano.

Taon 2002, binuo niya ang RB Sugbo Gamefowl

Technology, na ang pangunahing layunin ay ang tumulong sa

mga ordinaryong sabungero. Ito’y bilang ganti sa mga biyayang

naibigay ng sabong sa kanya.

Kabilang sa mga serbisyo nito ay ang pagkukundisyon ng

manok. technology transfer sa mga client farms, at marketing

assistance. Nagpapalahi rin at ipinagbibili ng RB Sugbo ang mga

palahi sa mga common sabungero sa abot-kayang halaga. May

dalawang linyadang nabuo ang RB Sugbo, ang ponkan at ang

blakliz na pinangalan niya hango sa pangalan ng asawang si Liz.

Ang production farm ng RB Sugbo ay nasa Lawaan, Eastern

Samar. Ito’y pinamamahalaan ng mga bayaw niya na sina Jose,

Gerardo Jr, Ruben at Patrocinio Maglinte.

Bukod sa mga ito, ang RB Sugbo ay patuloy na nag

sisiyasat, nagsusubok, at nagtutuklas ng mga epektibong

pamamaraan sa pagmamanok, upang ipamahagi naman sa mga

masang sabungero pamamagitan ng pagsusulat at pagpaseminar.

Dalawang beses dinala ng RB Sugbo ang TJT Cocking

Academy sa Cebu. Una noong May 2006. Inulit noong May

2007.

Ang RB Sugbo aktibo rin sa pag-promote ng sabong.

Noong taong 2005, ginanap ng RB Sugbo sa Cebu ang

kaunaunahang short knife derby dito sa bansa. One-inch lang ang

haba ng tari. May mga sumaling taga ibang bansa. May 2

Amerikano, may Puerto Rican, at may entry na nanggaling sa

Malaysia.

Page 5: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

5

Sa 2006, nakipagugnayan ang RB Sugbo sa Cyberfriends,

samahan ng mga sabungero na nakabase sa ibat-ibang bansa, na

pinamumunuan ng kaibigang si Raul Ebeo, sa pagtanghal ng

Cyber Cup global derby. Halos isang daan entries galing sa Cebu,

Mindanao, Luzon at maging sa labas ng bansa ang sumali.

Sa paligsahang iyon, sa 20 ka manok na kinundisyon at

linaban ng RB Sugbo, 15 ang nanalo, 2 ang tabla at 3 lang ang

talo. Isang entry ng RB Sugbo, ang kabilang sa mga nagkampeon

(manok ni Lito Garcia ng Manila na kinundisyon ng RB Sugbo).

Masasabi na rin na sa maikling panahon mula nang ito ay

matatag, may kasaysayan na ang RB Sugbo hindi lang sa

paglalaban, pati na rin sa pagtaguyod sa sabong at kapakanan ng

mga sabungero.

Si kamanang Rey ay dati na ring namahagi ng kaalaman

at nagpabatid ng mga balita sa pagmamanok pamamagitan ng

kanyang pitak at mga artikulo sa Pit Games at Llammado

magazine. At ngayon pati na sa pahayagang Tumbok. Dahil

arawaraw ang pitak niya sa Tumbok, at ang Tumbok ay

tinatangkilik ng daandaang libo, siya ngayon ay binabasa na ng

napakaraming masang sabungero. Ito’y katuparan ng kanyang

layunin na makatulong, at, tinatanaw nyang malaking utang na

loob sa Tumbok.

Ngayon ay maglalabas ang RB Sugbo ng serye ng mga

manwal sa ibat-ibang aspeto sa pagmamanok, mga modernong

pamamaraan na makatulong sa inyong pagaaral ng larong sabong.

Ito ang una, ang “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan

ng Pagpili at Pagkundisyon.”

Kasama ni kamanang Rey sa pagsulat ng mga babasahin

na ilalabas, si Steve del Mar, ang research, information and

technology director ng RB Sugbo.

Dating editor ng Kaunlaran magazine ng San Miguel

Corp, si kamanang Steve ay co-author ni kamanang Rey sa

darating na libro na pinamagatan The Edge: Secrets Learned from

the Masters, na ilalathala ng Llamado Publications.

Page 6: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

6

Si kanamang Arturo Mosqueda ang operations manager

ng RB Sugbo. At si kamanang Teddy Bajenting ang namamahala

sa gamefowl dispersal program.

Samantalang si kamanang Marlon Mabingnay naman ang

namamahala sa partner farm ng RB Sugbo, ang JT Northern Star

ng Tuguegarao, na may katulad ding layunin ang makatulong sa

kapwa sabungero.

“Salamat sa Diyos sa mga magagandang bagay na

naibigay ng sabong sa akin, hindi pinansyal na yaman, kung di sa

mas mahalagang uri ng yaman,” Wika ni kamanang Rey. Kaya

gusto niyang makabayad pamamagitan ng pakikipaglaban para sa

sabong at makatulong sa pangangalaga ng kapakanan ng masang

sabungero.

Kamana Arturo Mosqueda, operations manager and chief breeder ng RB Sugbo GT

Page 7: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

7

Nilalaman

Inside cover: RB Sugbo GT: Isang Sulyap

sa Magandang Mukha ng Sabong

P.5 Nilalaman

P7-Pambungad: Una ang Huli, Huli ang Una

P9-Paglinaw: Inihaw Lang

P11.Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya

Dami at Pagkaaisa

Sandaang Libong Kamana

Mga Benepisyo ng mga Kamana

Pangalawang Bahagi: Pagpili at Pagkundisyon

Kabanata 1. Pagpipili Susi sa Tagumpay,

Ano ang Susi sa Pagpili?

Kabanata 2. Abot-Kayang Nutrisyon

ng Kampeon

Kabanata 3. Pagsasanay na Tugma

sa Pilipino Knife

Kabanata 4. Mga Pasilidad

Kabanata 5. Pagpatuktok: Stress Management

Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan

ng RB Sugbo sa Pagkundisyon

Kabanata 7. Conditioning Pyramid

Kabanata 8. Paghanda sa ulutan

Madaliang Pagsangguni

Pangwakas: Dapat sa Ating Pagsasabong

Pambungad: Una ang Huli,

Page 8: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

8

Huli ang Una

Ang Manwal na ito ay nagtatalakay sa mga makabagong

pamamaraan sa pagpili at pagkundisyon ng manok pansabong.

Dahil ang RB Sugbo gamefowl technology ay naniniwala na ang

pagsasabong ay dapat matutunan paatras. Hindi dapat magsimula

sa umpisa, ang pagpapahalahi. Dapat ang huling yugto sa buhay

ng manok ang una nating pagaralan, ang paglalaban.

Pamamagitan lamang sa paglalaban tayo magiging

dalubhasa sa pagkilala sa manok na magaling. Pamamagitan ng

ating panay na pagpunta sa sabungan, pagalaga at paglaban ng

sariling mga tinale, tayo’y masasanay at maging bihasa sa

pagtingin at pagkilala sa magaling na manok. At ito ang

magbibgay ideya sa atin kung anong uri ng manok ang ipalalabas

sakaling pasukin na natin ang pagpapalahi.

Kung magpapalahi tayo habang mangmang pa tayo kung

anong uri ng manok ang nagpapanalo sa sabungan, wala tayong

ideya kung anong uri ng manok ang ating ipalabas sa ating

pagpapalahi.

Unahin ang paglalaban. Pag dalubhasa na tayo dito, saka

natin pasukin ang larangan ng pagpapalahi.

Nararapat lang na ang manwal sa pagpili at paglalaban

ang unang handog ng RB Sugbo sa masang sabungero dahil

karamihan sa kanila ay sila mismo ang nagaalaga at naghahanda

ng kanilang mga manok. At saka, mas marami sa atin ang

naglalaban lang, kaysa nagpapalahi.

Dito sa “Manwal ng MANA sa Bagong Pamamaraan

ng Pagpili at Pagkundisyon” ay matutuklasan ninyo:

Kung paano nabuo ang MANA pamamagitan ng Tumbok

Ang layunin ng MANA na ipaglaban ang sabong at

pangalagaan ang kapakanan ng mga ordinaryong

sabungero

Ano ang susi patungong matagumpay na pagmamanok

Page 9: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

9

Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo, at

ang negative selection

Ang abot-kayang nutrisyon ng mga kampeon

Ano ang tugmang mga ehersisyo para sa Pilipino knife

Ang conditioning pyramid: hagdanan patungong tuktok

Paano maging kasiyasiya ang sabong.

Ang “Quick energy: Creatine, glucose at ribose”

Ang bagong tuklas:”Hindi na kailangan ang carbo

loading.”

At, marami pang ibang bago ngunit subok na pamamaraan

na maaring ngayon lang ninyo mabasa o marinig.

Page 10: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

10

Paglinaw: Inihaw lang Upang mapanatiling buo ang integridad ng nilalaman ng

Manwal na ito, ang RB Sugbo ay hindi humingi ng kahit ano

mang tulong na kaugnay sa paglalabas nito, galing sa mga

kumpaniya na gumagawa ng mga produktong pangmanok. Oo,

kahit doon sa kanila na may produktong kabilang sa mga

nabanggit natin at inirekomenda.

Ang ating pagtukoy dito sa naturang mga produkto ay

dahil totoong nasubukan natin ang mga ito at nagustuhan, hindi

dahil sponsor o advertiser natin ang gumawa.

Hindi rin na dahil tinukoy natin ang mga ito, ibig sabihin,

ito na nga ang mga pinakamainam. Maaring ang ilan sa mga ito

ay dahil lang na sa pagbigay payo natin sa ating mga kamana

palaging may isang konsiderasyon tayong pinahalagahan- ang

magtipid.

Pagtitipid din ang dahilan kung bakit ang Manwal na ito

ay payak at hindi mapagkunwari. Walang makukulay na mga

pahina. Walang magagarang mga litrato.Dahil gusto nating

makapagtipid nang kayo’y makapagtipid din.

At, isa pang dahilan bakit hindi nating makaya na maging

magara ang Manwal na ito, ay dahil nga, hindi tayo kumuha ng

advertisement at sponsorship na sanay makatulong sa gastusin at

makadagdag sa dami ng pahina.

Datapwat kaunti ang mga pahina, puno naman ng

kaalamang praktikal, kaalaman na magagamit at makakatulong.

Ang nilalaman ng bawat kabanata ay bunga ng masugid na

pagsiyasat, at pananaliksik, matinding pagsubok at mahabang

karanasan ng RB Sugbo Gamefowl Technology.

Kung sa pagkain pa, ang Manwal na itoy’y inihaw na

baboy. Walang maraming rekados, ngunit nandiyan ang laman at

sarap.

Sinadya natin na maging payak, simple at manipis ang

Manwal na ito upang makapagtipid tayo at makapamahagi ng

Page 11: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

11

kaalaman sa halagang abot-kaya ng masang nagmamanok, na

siyang tunay na gulugod ng industriya, at kaninong kapakanan ay

dapat pangalagaan.

Ano man ang pagkukulang ng Manwal na ito ay

mapupunan ng pagmamahal ng RB Sugbo sa masang sabungero.

Para sa ano mang katanungan, paglilinaw o simpleng mensahe

ukol sa nilalaman ng Manwal na ito, huwag mag atubiling mag

text o tumawag sa numerong esklusibo lang sa inyo (0927-995-

4876).

Ito ay hindi pangkaraniwang manwal, kung hindi isang

handog ng RB Sugbo sa masang nagmamanok at sagisag ng

aming pakikiisa sa adhikain ng MANA.

Page 12: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

12

Unang Bahagi: Gulugod ng Industriya

Page 13: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

13

MANA: Dami at Pagkakaisa Walang duda napakalaki na ng pinagunlad ng sabong

mula sa paging libangan tuwing araw ng Linggo, ito ngayon ay

isa nang napakatanyag na isport, malaking industriya at kaakitakit

na mapagkakitaan.

Napakarami nang nagpapalahi ng manok panabong.

Nagsilabasan ang mga babasahin at programa sa telebisyon ukol

sa sabong. Panay ang pa-derby at hakpayt sa buong kapuluan.

Samantalang bumabaha sa merkado ang mga produktong pang

manok. Sa likod ng lahat ng ito ay ang napakaraming masang

sabungero na siyang tunay na gulugod o backbone ng industriya.

Sa bawat nagpapalahi, ilan ang tagapagalaga ng kanyang

manok? Sa bawat may-ari ng sabungan, ilan ang

naghahanapbuhay sa sabungan niya? Sa bawat kasali sa derby,

ilan ang nagbabayad sa pinto upang manood? Sa bawat malaking

sabungero, ilan ang mayroon lang iilang pirasong tinale sa

kanilang bakuran? Dapat lang, at napapanahon na siguro, na ang

masang sabungero ay mapagtuonan ng pansin, mabigyan ng

kinatawan, at, marinig ang boses sa isport at industriya ng

sabong.

Ito ang nais abutin ng MANA (Masang Nagmamanok),

isang pambansang kilusan at samahan ng mga masang sabungero.

Ang mga layunin ng MANA ay ang sumusunod:

1. Ang pangalagaan ang kapakanan ng mga maliit

na sabungero, partikular na, ang mga

naghahanapbuhay sa sabungan. Inaasam na sa

darating na panahon, ang mga handlers,

mananari, casador, kristos, sentensiyador, farm

hands ay magkakaroon ng mga benepisyo tulad

ng insurance, pension at iba pa.

2. Ang mapatingkad ang kaalaman ng

ordinaryong sabungero sa pagmamanok. At,

sila’y mabigyan ng pagkakataon na magkaroon

Page 14: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

14

ng angkop na materyales sa pagpapalahi at

paglalaban.

3. Ang ipaglaban ang sabong sa gitna ng banta na

itoy gawing labag sa batas tulad ng nangyari

kamakailan lang sa Estados Unidos, at

ipreserba ito bilang isport, hanapbuhay,

industriya at bahagi ng ating kultura at tunay na

mana.

4. Ang magtulungan at makipagtulungan sa iba

pang haligi ng industriya sa ikabubuti ng

sabong at ikauunlad ng lahat na mga sabungero.

Inaasahan na matupad ng MANA ang nasabing mga

layunin pamamagitan ng pagpakita ng dami at pagkakaisa.

Ang pagkatatag ng MANA ay bunsod ng mungkahi ni

kamanang Boying Santiago ng Camarines Sur na lumabas sa

pitak na” Llamado Tayo,” na magtayo ng samahan ang mga

masang sabungero. Ang pitak na ito ay arawaraw na lumalabas sa

pahayagang Tumbok, na pagaari ng Philippine Daily Inquirer

group of publications.

Ang Llamado Tayo ay tumatalakay sa ibatibang aspeto sa

pagmamanok at binabasa ng napakarami arawaraw, kaya di

nagtagal marami ang sumapi sa MANA.

Kasunod nito, ang MANA ay nakapagpaseminar sa

ibatibang lugar at rehiyon ng Pilipinas, sa tulong ng mga

kumpaniya tulad ng Sagupaan, Secret Weapon, Excellence

Poultry & Livestock Specialist, at Thunderbird.

Page 15: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

15

Mga Benepisyo ng mga Kamana Sa kasalukuyan hindi pa gaano karami ang mga benepisyo

na matatanggap natin mga kamana, ngunit inaasahan na lalaki at

dadami ang mga ito habang padami tayo at palakas ang MANA.

Sa ngayon ang pinaka gawain natin arawaraw ay ang

bigyan prioridad sa pagsagot ang mga katanungan ng ating mga

kamana na tinitext nila sa pitak Llamado Tayo sa Tumbok.

Napakarami nating natatanggap na katanungan arawaraw.

Sinisikap nating sagutin ang lahat ngunit talagang hindi natin

magawa. Kaya inuuna natin ang mga mensahe at katanungan

galing sa ating mga kamana.

May mga libreng paseminar tayo. May malaking discount

ang mga kamana sa mga training courses sa National Gamefowl

Training Center, (NGTC) sa San Mateo, Rizal.

May mga naka schedule na rin tayong mga subsidized

stay-in training courses kung saan, dahil subsidized, maliit lang

ang mababayaran ng ating mga kamana. Ang mga ganitong uri ng

training at seminars ay magkakahalaga sana mula 8 thousand

hanggang 10 thousand pesos. Sa atin sisikapin natin na wala pang

1/3 ang magagasta ng mga kasapi ng MANA na gustong sumali.

May sinisimulan tayong gamefowl dispersal program sa

City of Naga, Cebu. Binigyan tayo ng Sagupaan ng malaking

diskwento sa pakain at gamot bilang tulong sa ating programa. Sa

Camarines Sur may plano ang chapter natin doon na

pinamumunuan nila kamanang Jessie Abonite at Boying Santiago

na magtatag din ng dispersal program.

Ang MANA ay hindi nangongolekta ng membership fee o

monthly dues. Kaya wala tayong pundo. Pero aasa tayo na sa

darating na mga araw ay makapagpatuloy tayo dahil sa suporta

ng marami.

Ang mga susuporta sa atin ay may mga mensahe na nais

ipaabot sa mga kasapi ng MANA. Mas marami ang kasapi ng

MANA, mas masaya sila, dahil mas marami ang makakatanggap

Page 16: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

16

ng kanilang mensahe, at mas nanaisin nilang makatulong sa atin.

Kaya ang susi sa lahat ng ito ay ang ating dami at pagkakaisa.

Datapwa’t sa puntong ito, ang mahalaga ay hindi ang

ating makukuhang biyaya, kung hindi ang atin munang

pakikipaglaban sa pwersa kontra sabong. Kung maipakita natin

ang ating dami at pagkakaisa, magiisip ang mga pulitikong

gustong sumuporta sa hakbang kontra sabong na sinusulong ng

mga dayuhan gamit ang mga kapatid natin na ginagawa nilang

galamay at hinihikayat na ipagkanulo ang sarili nating kultura.

Page 17: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

17

Ikalawang Bahagi: Papili at Pagkundisyon

Midnight grey, isa sa mga sariling linyadang binuo ng RB Sugbo GT.

Page 18: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

18

Pagpili: Susi sa Tagumpay

Ano ang Susi sa Pagpili? Ang susi sa matagumpay na pagsasabong ay ang wastong

pagpili. Kaya sa manwal na ito ay binbigyan natin ng

kahalagahan ang aspeto ng pagpili. Ang magaling na

nagmamanok ay magaling sa pagpili. Ano mang pamamaraan sa

pagkundisyon, pagsanay at pagpakain ay walang magagawa

upang mapagaling ang manok na kulang sa likas na kagalingan.

Ang magaling na nagmamanok ay bihasa sa pagpili ng

magaling na manok. At, alam niya kung paano pananatiliing

magaling ang magaling na manok pamamagitan ng wastong

pagalaga at pagkundisyon.

Ngunit iba-iba ang pamantayan ng mga sabungero sa

pagpili. At ang pamamaraan at batayan sa pagpili ay nag iiba rin

kasabay sa paglipas ng panahon at pagpalit ng konsepto at pag-

iba ng dimensiyon ng sabong na bunsod ng paglabasan ng mga

bagong lahi ng manok at sistema sa pagmamanok.

Dahil nga ang pagpili ay ang susi sa tagumpay sa

pagsasabong, sa sumusunod na mga talataan ng kabanatang ito,

ay subukan nating tuklasin ang susi sa pagpili

Unahin mga konkretong katangian

Kung noong araw ang mas binibigyan ng kahalagahan sa

pagpili ng manok panlaban ay ang kagalingan sa bitaw, ngayon,

kung kailan napakahigpit na ng kumpetisyon, ang payo natin ay

ang unahin ang mga konkretong katangian tulad ng uri o kalidad,

hugis ng katawan at balanse, tamang tangkad, at kisig.

Magkaganoon paman, dapat mahigpit din ang ating

pamantayan sa pagpili ng manok pansabong batay sa kagalingan

sa bitaw. May mga epektibong pamantayan na makakatulong sa

pagpili batay sa kagalingan sa bitaw.

Cutting ability

Page 19: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

19

Killing is the name of the game. Kaya ang

pinakamahalagang katangian ng manok sa pakikipaglaban ay ang

kakayahan nitong pumatay.

Kagalingan sa pagpaa. Cutting ability sa Inglis.

Ang kagalingan sa pagpaa ay matitiyak lang sa panahon

ng tunay na laban sa sabungan. Kahit ang mga dalubhasa ay hindi

makapagsalita ng tapos kung sa bitaw lang ibatay ang

pagpahalaga sa kagalingan sa kating.

Tapang, tibay at lakas

Tapang, tibay at lakas. Ang mga itoy kinakailangan ng

manok upang manatili sa laban hanggang sa kahulihulihang

sandali. Tapang ay kailangan upang magpatuloy ang manok sa

pakipaglaban kahit malubha nang sugatan. Tibay ay upang

makatayo, makalapit pa sa kalaban at makapalo kahit malubha na

ang tama. At, lakas para maari pang makapalo ng may sapat na

lakas na makapatay sa kalaban.

Kailangan magkasama ang tatlong kakayahang ito.

Aanhin ang tibay at lakas kung aayaw na ang manok. Aanhin

naman ang tapang at lakas kung walang tibay at lugmok o

lupaypay kaagad ang manok sa unang tama pa lang. Bale wala

naman ang tapang at tibay kung walang sapat na lakas ang palo

ng manok upang makapatay o makasugat man lang ng malubha

sa kalaban.

Kailangan magkasama ang tatlong ito, upang ang manok

ay may kakayahang manatili sa laban hanggang sa

kahulihulihang sandali, at maaring pang makabalik kahit malubha

na ang tama.

Utak, liksi at bilis

Kung ang manok ay matalino, malalaman nito ang dapat

gawing sa bawat sitwasyon. Alam nito kung bagay bang pumalo,

o mag-abang muna. Dapat bang umangat o umilag. O kaya’y

umatras o umabante.

Page 20: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

20

Ang liksi ang magbibigay paraan upang magawa ng

manok ang nararapat at ninanais nitong gawin. Iutos man ng utak

na dapat umangat o pumalo, hindi ito magagawa ng manok kung

itoy walang sapat na liksi. Halimbawa dahil matalino ang manok

ay alam nito na sa partikular na sitwasyon kailangan niyang

umangat. Ngunit kung kulang ito sa liksi upang gawin ang pag

angat, hindi ito makakaangat.

Bilis ang kinakailangan upang magawa ng manok ang

dapat gawin bago ito maunahan ng kalaban. Gustuhin man ng

utak ang umangat, may sapat naman sanang liksi ang manok na

gawin ito, ngunit kung kulang sa bilis maaring patamaan na ito

ng kalaban bago makaangat.

Bagong konsepto sa pagpili: Katangian, hindi istilo Ang wastong pagpili ng manok pang sabong ay ang

pinakasusi sa tagumpay. Kaya sa ating pitak na Llamado Tayo,

na lumalabas arawaraw sa pahayagang Tumbok, marami sa mga

katanungang natatanggap natin ay hinggil sa pagpili.

Oo, mga katanungang tulad ng alin ang pinakamahusayng

laro ng manok? Ang abang at angat? Ang agresibo at mabilis? O,

ang mailag at nagaantay lang sa ibaba?

Ang mga ito’y istilo sa pakipaglaban, at tayo’y may

kanya-kanyang hilig na istilo. Malamang tayo’y

naimpluensyahan ng ating mga malimit na kasama at kabarkada

sa sabong. Maari ring sa ating panay na pagpunta sa sabungan at

pag panuod ng laban ay nakabuo tayo ng sariling pamantayan sa

pagpili.

Halimbawa, marami sa mga baguhan ay mahilig sa manok

na agresibo, yong palo ng palo. Samantalang ang mga matagal-

tagal na sa pagmamanok ang gusto naman ay ang abang at angat.

Kung istilo ang paguusapan, mahirap masabi alin talaga

ang pinakamaige. At saka mahirap kung istilo ang ating gawing

batayan sa pagpili dahil, halimbawa, may abang na magaling,

may abang din na mahina. Ganoon din sa mga agresibo, at iba

Page 21: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

21

pang mga istilo. Kaya tayo sa RB Sugbo mas binibigyan natin ng

kahalagahan ang mga katangian kaysa istilo. Halimbawa bangitin

natin dito na ang manok na sugod ng sugod ay malimit matalo sa

manok na nag-aabang. Totoo. Pero hindi ang pagiging agresibo

ang nagpatalo sa manok na sulong ng sulong kung di ang

pagiging bobo nito. Sumusulong kahit hindi dapat. May manok

na agresibo ngunit matalino. Sulong ng sulong nga pero panay

naman ang patama sa kalaban.

Cutting ability; tapang, tibay at lakas; at utak, liksi at bilis.

Ang mga ito ang mga kanaisnais na katangian na gusto nating

taglay ng manok sa kanyang pakikipaglaban.

Hindi ang istilo sa pakikipaglaban, kung di ang mga

katangian ang mas maigeng gamiting batayan sa pagpili ng

manok base sa kagalingan sa bitaw. May mga nagmamanok ng

binabatay ang kanilang pagpili sa istilo na nakakahiligan nila.

May mga sabungero na ang gusto ay manok na angat sarado. Ang

iba naman ay yong agresibo at palo ng palo ang hilig. Delikado

ito. Dahil kalimitan nabubulagan sila sa mga kahinaan na taglay

ng manok kung ang istilo nito’y angkop sa kanilang gusto. Mas

mahalaga na taglay ng manok ang mga kanaisnais na mga

katangian, na nabanggit natin, maging ano pa man ang istilo nito

sa pakipaglaban. Ang istilo, tulad ng angat, ay maapektuhan ng

istilo ng kabilang manok, halimbawa, kung ang kalaban ay hindi

rin papasok. Samantalang ang mautak na manok ay mananatiling

mautak kabila ng pagiging mautak din ng kalaban. Ganoon din

ang manok na matapang, malakas, mabilis at maliksi. Mananatili

itong taglay ang katangian ano paman ang istilo ng kalaban o ano

pa man ang kakayahan nito.

Hindi ang pagiging angat o pagiging shuffler ang dahilan

bakit manalo ang isang manok, kung hindi ang cutting ability,

tapang, tibay at lakas, at utak, liksi at bilis. Sa pagpili ng manok

panlaban, katangian at hindi istilo ang mas bigyan halaga.

Negative selection

Page 22: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

22

Kabilang din sa mga makabagong pamamaraan sa pagpili

ang pagbantay sa mga negative traits. Hindi dahil ang manok ay

may cutting ability, may tapang, tibay at lakas, may utak, liksi at

bilis, itoy isa nang alas. Ang isang malaking pagkakamali ng

marami ay ang kamangmangan pagdating sa mga negative traits.

Maraming sabungero ang sanay na tumingin ng mga kanaisnais

na katangian ng manok sa pakipaglaban, ngunit wala silang ideya

na naipag-sawalang bahala pala nila ang nga negatibong

kaugalian.

Makikita ang kamaliang ito kahit sa mga malalaking

derby tulad ng world slasher Cup at ibang international derby.

Marami ito sa mga labanan ng stag tulad ng Bakbakan at Heritage

Cup. Hindi kasi ito madaling mapansin, lalo na kung ang manok

ay nagtataglay ng mga kanaisnais na katangian. Ang bilis,

halimbawa, ay makakapagtago sa ilan sa mga kapintasan, dahil

mabubulagan tayo sa bilis at hindi na natin mapansin ang

negative traits ng manok.

Anu-ano ang mga negatibong katangian?

. (Kung nais nyo ng buong kaalaman, mag oder ng

kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery to your

address. To order text 0927-995-4876)

Page 23: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

23

Abot Kayang Nutrisyon ng Kampeon

Ang katawan ay nangangailangan ng sustansya upang

gumana. Ito ay ang carbohydrate, protein, fats, at vitamins and

minerals. At saka, tubig. Ibigay sa manok ang lahat ng mga ito sa

tamang proporsyon.

Ngayon mabibili na sa merkado ang mga pakain na taglay

ang mga nutrisyong ito, at sa tamang proporsyon para sa manok

panabong. Hindi katulad noong araw na tayo pa ang gumagawa

ng sariling halo na sa palagay natin ay angkop. Noong araw

napakaraming pang food suplement ang pinaghalohalo natin tulad

ng dog food, carrots, kamatis, iba’t-ibang grains, mga juice at pati

na milk, na hindi pala dapat ipakain sa manok. Ngayon

impraktikal na ang ganito. Maliban sa nakakapagod, hindi pa

tiyak kung tama ba ang proporsyon ng sustansya. Makabibili na

tayo sa merkado kumpletong pakain sa tamang proporsyon pang

manok. Ang hangganan lang ay ang ating kakayahang pinansyal.

Tuwi-tuwina’y kailangan pa rin natin magsuplemento, pero hindi

na marami at iba’t-iba.

Sa mga pakain na mabibili sa merkado ay may mamahalin

yong pangkundisyon. May medyo mura naman, yong pang pre-

con at maintenance. Kung magtitipid tayo pwede nang

pangkundisyon kahit yong mga pang maintenance na sinasabi.

Kung hindi naman tayo sa big time maglalaban, at hindi naman

kalakihan ang ipupusta natin, bakit pa tayo gagastos ng malaki?

May mga conditioning pellets, tulad ng Sagupaan

Winning Line, Thunderbird Platinum, at iba pa. Matataas ang

crude protein (CP) content ng mga ito, nasa 22%. Ngunit may

kamahalan din. May mga ordinaryong pellets naman tulad ng

PDP (Pullet developer pellets) pigeon pellets, at mga

maintenance pellets. Nasa 16-18% lang ang CP ng mga ito. Kung

Page 24: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

24

ang mga ito ang gagamitin natin at ang nais natin ay taasan ang

protina sa ating pakain pwede tayong magsuplemento ng atay ng

baka o kaya’y itlog. Pwede rin na haluhan natin ng BSC (Broiler

starter crumbles) dahil 22% ang protina nito. O kaya’y haluan ng

kaunting protein expander pellets. Mas makatipid pa rin tayo

kaysa puro hi-protein pellets ang gamit natin.

Talagang angat sa kalidad ang mga mamahalin na pakain

ngunit hindi ibig sabihin na hindi uubra ang mga pangkaraniwang

pakain.

Suplemento Kung tayo’y magsusuplemento, iwasan nalang siguro

nating ang mga hormone, steroid, stimulant at iba pang uri ng

mga druga.Mahirap maperpekto ang paggamit sa mga ito. Iba-

ibang indibidwal ay may iba’t-ibang pagtanggap at reaksyon sa

druga. Maaring ang dami o dosis na maganda ang epekto sa isang

manok ay makakasama naman sa ibang manok. Kahit ngayon, sa

panahon ng makabagong pamamaraan, hindi pa sapat ang

pagpananaliksik upang maging tiyak ang magandang epekto ng

druga sa manok pansabong.

Multi vitamins, minerals at mga natural na nutrisyon lang

ang idagdag natin. Halimbawa ang atay ng baka at itlog ng

manok ay mga maiigeng protein supplement. Para sa bitamina at

mineral may mga MVE’s tulad ng Electrogen D Plus at

Selectrogen. Hindi mahal ang mga ito at napakamadaling ibigay

dahil ihalo lang sa tubig.

Walang sekretong at mapaghimalang gamot na mag-isang

magiging sanhi ng pagpanalo. Bitamina man ito o mineral, o B

complex, B15 o ano man. May kanya-kanyang gamit at kailangan

magtulungan ang mga ito upang umubra ng husto ang katawan.

Lalo nang walang magic na druga, maging hormone,

steroid, stimulant man o ano pa, na makakatiyak ng panalo.

Blood conditioning

Ang dugo ang nagdadala ng sustansya, enerhiya at oxygen

sa kalamnan at iba’t-ibang parte ng katawan kaya

Page 25: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

25

napakamahalaga na ito’y nasa tamang kundisyon. Ang mga

bitamina B complex, partikular ang B12, at mineral na iron ay

maiigeng blood conditioner. Pinaparami ng mga ito ang

hemoglobin sa dugo. Ang hemoglobin ang nagdadala ng oxygen

sa iba’t-ibang parte ng katawan, pati na ang utak. Ang

kakulangan ng oxygen sa utak ay isa sa mga sanhi kung bakit ang

manok ay mag pass out.

Ang B15 o pangamic acid ay makakatulong bilang

vasodilator. Pinaluluwang nito ang mga blood vessels at tissues at

maging mas marami at malakas ang daloy ng dugo.At dahil

maluwang ang blood vessels mas marami ding body heat ang

maipalabas ng manok at makakatulong sa thermal regulation o

ang pagkontrola sa init sa katawan.

Energy boosting Sa pag-ehersisyo, sa aktwal na laban, at sa ano mang

gawain na gumagamit ng enerhiya, ang katawan ay umaasa sa

tatlong magkaibang proseso. Ang mga ito’y ang ATP-CP

pathway, ang glycolysis, at ang electron transport chain.

Ang pagaaral ng RB Sugbo sa mga ito ay kabilang sa mga

sanhi ng pagdagdag natin ng ilang makabagong dimensiyon sa

pagkundisyon. Subalit masyado nang teknikal kung tatalakayin

natin ang mga ito ng husto. Mahalaga lang na malaman natin na

sa tatlo ang ATP-CP pathway ang mas kinakailangan ng manok

sa uri ng laban natin dito sa Pilipinas na ang ginagamit na sandata

ay ang slasher o long knife.

Sabihin na lang natin na ang ATP (Adenosine

Triphosphate) ang panggatong sa apoy ng enerhiya sa katawan.

Sa unang mga saglit ng labanan ang ginagamit ng katawan ay ang

ATP na laman na ng muscles sa panahong iyon. Kapag nagamit

na ang ATP, ito’y magiging ADP (Adenosine Diphosphate)

Dalawang phosphate molecules na lang sa halip na tatlo sa ATP.

Sa kabutihang palad, maaring maagapan ito ng creatine

phosphate (CP) pamamagitan ng pagbigay ng phospate molecule

nito sa ADP. Ngayon, ang ADP ay balik sa pagiging ATP at

Page 26: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

26

maari na namang gamiting panggatong upang makagawa ng

enerhiya ang kalamnan.

Ang kinakailangan naman upang maging mas mabilis ang

prosesong ito ay ang ribose. Kung mapabilis ang proseso sa pag

recycle ng ATP hindi agad maubusan ng ATP ang kalamnan.

Kapag naubusan ng ATP sa muscles, ang katawan ay

aasa na sa dalawang iba pang proseso ang glycolysis at electron

transport chain. Medyo mabagal ang mga prosesong ito kaya

lalabas na pagod ang manok habang naghihintay sa panggatong

sa paggawa ng enerhiya.

Kaya mas maige na paigtingin natin ang ATP-CP energy

pathway pamamagitan ng pagbigay ng creatine at ribose. May

mga nagkukundisyon na ang ginagamit ay ang creatine na pang

tao. Sa katunayan mabibili na ang mga creatine na pang tao sa

mga agrivet outlets. Muli, babanggitin natin na delikado gumamit

ng pang tao at baka, tulad ng paggamit ng druga, hindi natin

makuha ang dosis na tama pang manok.

Tayo sa RB Sugbo, ang binibigay natin ay ang

produktong pang manok na Voltplex KQ. May taglay itong

creatine, coQ10, at L carnethine na nagpapalakas pa sa muscles

ng puso. Para sa ribose naman, ang ginagamit natin ay ang

Reload Plus. Produktong pang manok din ito. B50/2 Forte,

Respigen 15, Voltplex KQ at Reload Plus ang ating mga

suplemento kung malapit na ang laban, at sa araw mismo ng

laban.

Halimbawa ng pakain

Ngayon na may ideya na tayo sa mga sustansya na

kailangan ng manok, maari na trayong makapagpasya kung

anong pakain ang ibibigay sa ating mga panabong.

Tiyak, para sa ating mga masang sabungero, ang dapat ay

yong di gaanong mahal, at madaling ihanda dahil tayo lang ang

nagaalaga sa ating mga manok, kasi hindi natin kayang

magsuweldo pa ng tagapagalaga. Kailangan simple at madali lang

Page 27: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

27

ihanda para hindi magiging sagabal sa iba pa nating gawain tulad

ng paghanapbuhay. Mahalaga na may sapat itong sustansya

upang hindi na kailangan bumili pa tayo ng maraming

suplemento, na dagdag gastusin na naman.

Ang sumusunod ay isang halimbawa ng naturang pakain:

Apat na parte ng Thunderbird GMP na grower

maintenance pellets o kaya’y special pigeon pellets; tatlong parte

Power Bullet Asintado; at tatlong parte Thunderbird Platinum ok

kaya’y Derby Ace Power Conditioner pellets. Ito ang gawing

pellet mix. Makatitipid tayo sa mix na ito dahil isa lang sa tatlo

ang conditioner pellets. Ang GMP at Asintado ay mga

maintenance pellets lang.

Para sa ating grain mix ang gamitin ay ang Thunderbird

multi grain concentrate o ano mang magandang concentrate na

available sa inyong lugar. Concentrate lang at hindi grain

conditioner ang gamitin, mahal ang mga ito.

Ang halo ay 60-70% pellet at 30-40% grains. Sapat ang

crude protein nito nasa 17-18%. Ang halaga naman nito ay nasa

kulangkulang P30 ang kilo.

Gumagamit tayo ng GMP dahil ayos naman ito at abot-

kaya ang halaga; ng Asintado dahil may taglay itong mga blood

conditioner; Platinum o Derby Ace conditioner pellets dahil sa

taglay na creatine. Medyo kumpleto na ang diet na ito. Hindi na

kailangan ang marami pang suplemento.

Napakadali rin nitong ihanda. Hugasan lang ang grains,

ihalo sa pellet mix at ibigay sa manok.

Regular lang tayong maghalo ng electrogen D Plus sa

inuming tubig sa umaga. May bitamina, mineral at glucose ito

para enerhiya. Saka na tayo magbigay ng karagdagang

suplemento sa peaking at pointing periods, isang linggo bago ang

laban (basahin sa kabanata hinggil sa conditioning pyramid).

Page 28: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

28

Pagsasanay na Angkop sa Pilipino Knife Dekada 60 nang magsimulang nagsidatingan sa bansa ang

mga manok Amerikano. Malaki ang lamang ng mga Texas sa

abilidad, tapang at lakas kung ihambing sa mga native tinale kaya

nagpapanalo ang mga ito. Hindi naman nagpahuli ang iba pang

may kayang sabungero kayo dumami ng dumami ang mga

imported na manok.

Bunsod ng pagdami ng mga manok Amerikano, ay

nainpluwensiyahan din ang ating pagpapakain at pagaalaga ng

manok tinale. Sinunod ng mga sabungerong Pilipino ang

natutunan nila sa mga Amerikano nagmamanok. Ngunit hindi

pala dapat. Napakalaki ng kaibahan sa uri ng laban sa Amerika sa

ating nakasanayan dito. Doon magtatagal ang labanan dahil gaff

o kaya’y short knife ang kinakabit sa manok. Dito ginagamit

natin ay ang Pilipino slasher knife. Napakadali matapos ang

labanan dito sa atin.

Kaya iba ang nararapat na ehersisyo sa manok para sa

Pilipino knife sa manok na para sa gaff o kaya’y short knife. Para

sa atin ang mga maiinam na ehersisyo ay ang kahig, sampi,

handspar, bitaw, at ang rotation o paglipatlipat sa manok sa iba’t-

ibang kinalalagyan ilang beses sa bawat araw.

. (Kung nais nyo ng buong kaalaman sa ibat-ibang

pagsasanay na angkop sa long knife, mag oder ng kopya ng

Manwal na ito P300 lang including delivery to your address.

To order text 0927-995-4876)

Page 29: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

29

Ang Iba’t Ibang Pasilidad Sa pagkundisyon ng manok ay may iba’t-ibang pasilidad

at gamit na kinakailangan. Sa sistema natin ng rotation exercises

kinakailangan natin, maliban sa cord, ang iba’t-ibang mga uri ng

conditioning pens. Ang conditioning pens ay yong mga ginagamit

sa pagkundisyon. Mayroon din kasing mga breeding pens ang

ginagamit sa pagpapalahi; at may mga growing pens, ang

kinakailangan sa brooding at pagpalaki ng mga sisiw sa hindi pa

pawalan sa pagalaan.

Ang ating mga conditioning pens ay hinati natin sa

dalawang uri—ang exercise pens at ang rest pens. Ang exercise

pens ay para sa pag-ehersisyo ng manok. Ang rest pens ay para sa

pagpapahinga ng manok.

Ang ating mga exercise pens ay: ang big pen, fly pen,

scratch pen, running pen, at scratch box. Ang mga rest pens

naman ay ang multipurpose pen, pointing pen, limber pen, at ang

stall o kulungan.

(Kung nais nyo ng buong kaalaman sa ibat-ibang

pasilidad para pagsasanay na angkop sa long knife, mag oder

ng kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery to

your address. To order text 0927-995-4876)

Page 30: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

30

Pagpatuktok: Stress Management

Ang pagpatuktok ay ang salitang inampon ng RB Sugbo

Gamefowl Technology upang isalin sa Pilipino ang salitang

Inglis na pointing. Ang ibig kasing sabihin ng mga Amerikano sa

paggamit ng salitang pointing kung ang manok ang pagusapan ay

“peaking.” Ang pagdala sa manok sa peak ng kakayahan. Ito ang

hangad natin sa pagpatuktok, ang marating ng manok ang tugatog

o tuktok ng kakayahang pisikal at mental sa mismo oras ng laban.

Ang pagpatuktok, ay isa sa mga aspeto ng pagkundisyon na

pinagaralan natin ng husto. Ito ang huling yugto, kung magkamali

tayo dito, maaring maging pinal na ito. Maaring wala nang

panahon upang ituwid ano man ang pagkakamaling iyon.

Ayon sa nakasanayang katuturan o depinesyon, ang

pagpatuktok ay ang pagpapahinga, pagkontrola ng tubig sa

katawan ng manok at timbang, at carboloading. Sa atin, sa RB

Sugbo Gamefowl Technology ang ating makabagong palagay ay

na ang pagpatuktok ay simpleng stress management lang.

Sa ating conditioning pyramid, ang pagpatuktok ay sa

araw ng laban lang. Ngunit ang proseso ng stress management at

energy priming any nagsimula ilang araw bago ang araw ng

laban, na sakop sa tinatawag natin na peaking period.

Stress management

Ang makabagong konseptong ito ng RB Sugbo ay

nakasalalay sa prinsipyo na ang stress ay mitsa ng pag bugso ng

adrenaline o ang tinatawag na adrenaline rush. Ang adrenaline ay

isang hormone sa katawan. Ang pagbugso nito ay bahagi ng

natural defense mechanism ng katawan sa gitna ng panganib.

Page 31: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

31

Sa panahon na gumagana ang adrenaline, ang tao o hayop

ay mas matapang, malakas at mabilis kaysa pangkaraniwan. Tayo

sa panahon na may sunog, halimbawa, ay mabubuhat natin ang

mabigat na bagay. Kapag hinahabol tayo ng itak, ang tulin natin

tumakbo. Ang mga sundalo pag nakarinig ng putok ay

makararama ng nakaiibang katapangan.

Paglipas naman ng adrenaline rush, ang pagkahapo ang

papalit. Ito ang sanhi ng pagiging “off” ng manok. Kaya ang

layunin sa pag pamamahala natin sa stress, ay hindi ang pagiwas

nito, dahil sa sabungan, sa dami ng tao, ingay at nakakaaibang

kapaligiran, hindi maiiwasan na makakaranas ng stress ang

manok. Ang gusto natin ay ang itaon ang stress at pagbugso ng

adrenaline sa panahon ng paglalaban.

Hindi natin maiiwasan ang stress. Gamitin nalang natin.

Quick energy loading, hindi basta carboloading

Sa panahon ng adrenaline rush, ang katawan ay

mangangailangan ng sapat na enerhiya upang suportahan ang

pangangailangan na maging malakas at mabilis. At, dahil biglaan

ang pagbugso ng adrenaline kailangan ang instant energy. Kaya

tulad ng nasabi natin sa naunang kabanata, ATP-CP quick energy

pathway ang ating pagtuunan ng pansin. Ang kailangan ng

manok ay pakain na may mataas na antas ng glycemic index.

Kailangan din ang suplemento ng creatine, glucose at ribose.

Isang bagay na mapait siguro lunukin ng maraming

nagmamanok at mga nagtuturo ng pointing sa mga cocking

schools, academy, magazine at telebisyon ay ang katotohanan na

ang carboloading o glycogen loading ay hindi kinakailangan sa

uri ng sabong natin dito sa Pilipinas. Ang nangangailangan ng

carboloading ay ang mga atleta na sa endurance na kumpetisyon

lumalaban tulad ng triathon, marathon at long distance cycling.

Sa sabong , saglit lang tapos ang laban.

Ang kailangan ng manok ay hindi ang maraming

glycogen sa atay kung hindi ang glucose sa dugo na agad agad

Page 32: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

32

magagamit. Dapat, mga pakain na mataas ang glycemic index

(GI). Ibig sabihin,mga pagkain na madaling magpatataas ng sugar

level sa dugo, kahit na madali rin ang pagbaba nito dahil, yon na

nga, madali lang matapos ang labanan ng manok. Halimbawa

may mga uri ng bigas na mataas ang GI tulad ng sticky rice at

parboiled rice. Sa mga prutas naman ang patatas, kamote,

watermelon at kalabasa. Mataas rin ang GI ng mga cornflakes,

popped corn, at rice krispies. Kung gagamit ng mais ang fine corn

ang pinakamaige. Katuwang sa pagbigay ng mga high glycemic

na pakain ay ang pag suplemento ng creatine at ribose, dahil sa

mga katwiran na natalakay na natin sa naunang kabanata.

May mga pagkain na mayaman man sa enerhiya ay hindi

mataas ang glycemic index. Karamihan ay yong mataas ang fiber

content tulad ng whole corn at ibang grains na may balat pa, at

mga prutas tulad ng saging at mansanans. Matagal tagal bago

mapataas ng mga pagkaing ito ang sugar level sa dugo. ngunit

mas mahabahabang panahon naman ang lilipas bago bababa ulit

ang sugar sa dugo. Sa matagalan na kumpetisyon magagamit ito

ng husto kasi magsisilbeng time-released energy ito.Ang mga ito

ang ginagamit sa pag-carboload, na para sa atin ay hindi naman

kinakailangan ng manok.

Ang tinutukoy natin ay ang nakasanayang pamamaraan ng

pag-carboloading na tinuturo ng iba. Ang pamamaraan na

magbibigay ng mas mataas na bahagdan ng carbohydrate simula

tatlo o dalawang araw pa bago ang laban. Sa pagaaral natin hindi

na kailangan ito, lalo na’t kung ang sistema ay tulad din ng

tinuturo ng iba na umpisahan ang keeping o pagpahinga sa

manok sa loob ng kulungan dalawang araw bago ang laban. Sa

ganitong sistema sa pagpapahinga, hindi na gaanong gumagamit

ng enerhiya ang manok kaya hindi na ito magkakailangan ng

naraming carbohydrate.

Tayo nga, hindi na tayo nagka-carboload, kahit na ang

sistema ng ating pagpapahinga ay ang tinatawag nating “active

rest.” Hindi natin pinapasok ng matagal ang manok sa kulungan,

Page 33: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

33

maliban lang sa araw ng laban. Kung paminsanminsan ay

pinapasok natin sa kulungan ito ay upang ang manok ay masanay

at di manibago pagdating sa araw ng laban.

Ang RB Sugbo ay dati ring nagka-carboload. Ginawa din

natin ito, at hindi naman kasamaan ang naging resulta. Ngunit sa

ating pagpapatuloy na pagsisiyasat at pag esperimento ay natukoy

natin ano ang talagang dapat. Hindi naman nakakasama ang

carboloading, ang sinasabi lang natin ay hindi na kailangan. Ang

kailangan ay ang pagtiyak lang na may sapat na glucose sa dugo

at creatine at ribose sa kalamnan sa araw ng laban.

Page 34: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

34

Makabagong Pamamaraan

Ng RB Sugbo sa Pagkundisyon

Ang pamamaraan ng RB Sugbo sa pagkundisyon ng

manok panabong ay medyo naiiba sa nakasanayan ng maraming

sabungero. Ang sa atin ay hindi 14, 21 o 28-day keep tulad ng sa

marami. Sa iba ay may kalendaryo kung saan nakalagay anu-ano

ang mga gawain sa bawat araw mula day 1 hanggang araw ng

laban.

Ang ganitong pamamaraan ay magandang tingnan sa

programa ngunit sa praktikal magkakaproblema dahil sa kawalan

ng flexibility. Hindi lahat ng manok ay magkatulad ng reaksyon.

Maaring ang iba ay mapaaga ang pag-peak, samantalang ang iba

naman ay wala pa sa tuktok pagdating ng araw ng laban.

Ang sa atin ay parang hagdanan. Ang lahat ng manok ay

dadaan sa unang baitang, ang “foundation stage” kung kailan

inaayos natin ang mga kakulangan ng manok sa pisikal, mental at

nutrisyunal na aspeto. Inaayos muna natin ang pangangatawan,

ang kundisyon ng mga kalamnan at ang pokus ng manok sa

pakikipaglaban. Sa puntong ito pinaiiral natin ang tibay at lakas

ng manok.

Walang takdang bilang ng araw sa pagpananatili ng

manok sa stage na ito. Kung sa ibang pamamaraan, kalendaryo

ang nagdidikta, sa atin, ang aktwal na kundisyon ng manok ang

Page 35: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

35

makapagsasabi kung ang manok ay kailangan pang manatili sa

baitang na ito o aakyat na sa susunod.

Ang pangalawang baitang ay ang “battle-ready stage.”

Dito ang pakain at pagsasanay ay nakatuon sa pagpairal ng bilis,

liksi, at ang kakayahang makahugot ng quick energy na

kakailanganin sa laban. Dito ang mga manok ay para nang boy

scout na laging handa. Kung may nalalapit na laban, pagpipilian

natin ang mga boy scout kung alinalin ang mga pinakahanda.

Ang mga ito ang iakyat sa susunod na baitang, ang “peaking

period.”

Ang peaking phase ay ang huling isang linggo bago ang

laban. Kasunod nito ay ang pangapat na stage, ang”pagpatuktok”

o “pointing.” Ito ay sa araw ng laban.

Sa sistemang ito ang kundisyon ng manok ang

masusunod hindi ang bilang ng araw. Ang sistema nating ito ay

tinatawag natin na “conditioning pyramid.”

(Kung nais nyo ng buong kaalaman hinggil sa RB

Sugbo conditioning pyramid, mag oder ng kopya ng Manwal

na ito P300 lang including delivery to your address. To order

text 0927-995-4876)

)

Page 36: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

36

Paghahanda sa Ulutan

Ang paghahanda ng manok ay halos katulad lang kung sa

derby o sa hackfight ito ilaban. May kaunting kaibahan lang

pagdating sa pagpatutok o pointing. Ang pagkakaibang ito ay

mangyayari lang sa araw ng laban.

Ang mga ito ang tandaan:

1. Sa hackfight dahil inuulot ang manok, hindi ito

mapapahinga tulad ng sa derby kung saan

naghihintay lang tayo na tawagin ang laban.

Kaya mahalaga na bihasa sa pag hawak ang

handler upang hindi ito masyadong mahapo.

2. Hindi dapat pagaanin o patuyuin ang katawan

ng manok kung sa hackfight ilalaban. Dahil

mainit sa ulutan at ang kamay ng handler na

palaging may hawak ng manok ay may init din.

3. Ang pagpakain ay dapat untiunti dahil hindi

natin alam kung kailan ito mailaban. Basta ang

tandaan huwag ilaban ng busog. Huwag din

sobrang gutumin.

4. Sa hackfight mas mahalaga ang mga quick

acting energy aid tulad ng mga pakain na

mataas ang glycemic index, at mga suplemento

tulad ng glucose at Reload at Voltplex. Dahil

wala ngang pahinga ang manok,

nangangailangan ng enerhiya na pangpalit sa

nagamit habang ito ay inuulot. Kailangan nito

ang glucose, ribose at creatine.

5. Huwag ilagay sa madilim na kulungan. Ang

biglang liwanag galing sa dilim at ang

panibagong kapaligiran sa ulutan ay maaring

maging sanhi ng di napapanahong adrenaline

Page 37: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

37

rush at maagang pagtuktok. Kahit sa hakpayt,

gamitin pa rin ang prinsipyo ng stress

management.

Page 38: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

38

Dapat sa Ating Pagsasabong Ang pagunawa ay ang pundasyon ng kaalaman.

Pagaralan natin, at higit sa lahat, unawain ang mga gawain na

ugnay sa ating pagmamanok. Hindi sapat na alam natin ang mga

gagawin. Kailangan alam natin bakit ang mga ito’y gagawin.

Hindi basta lang na alam natin kung anu-ano ang

gagawin, at paano ang pag-gawa. Dapat maunawaan natin bakit

ginagawa. Ito ang dapat sa pagmamanok, ganoon man sa tunay

na buhay.

“It is not the what or the how that is important, but the

why.”

Learn cockfighting a step at a time, backwards. Ang

unang dapat pagaralan ay ang pagpili ng magaling na manok at

ang paghanda nito. Pagpili at paglaban ang unang pagaralan hindi

ang pagpapalahi at pagpapalaki ng sisiw. Hindi tayo

magtatagumpay sa pagpapalahi kung hindi natin alam kung

anong uri ng manok ang ating ipapalabas.

“Know what to seek and you will find.”

Don’t leave luck to chance. Oo, naniniwala tayo sa

buwenas at malas, ngunit huwag natin ito basta ipaubaya sa pa-

suwerte lang. Tayo’y mag-aral, magsikap, at magtiyaga.

Ating gawin ang dapat gawin upang mapalapit sa atin ang

suwerte. Kalimitan ang masuwerteng sabungero ay ang magaling

na sabungero.

Huwag na basta lang hintayin na mahulog ang mansanas.

Sungkitin natin ito nang di tayo maunahan ng iba.

Hindi dapat na pabigat. Ang sabong ay isang magandang

libangan at maaring mapagkakitaan. Ngunit makakasama ito

kung maging pabigat sa bulsa.

Page 39: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

39

Kung matalo na tayo ng halagang higit sa nararapat; kung

pati pera na dapat ilaan sa pamilya at ibang mas mahalagang

bagay, ay naipatalo natin, ang sabong ay magiging isang

masamang bisyo.

Ganoon din kung sobra-sobra na ang gastos natin sa ating

pagmamanok. Kaya magingat tayo at magtipid upang patuloy na

kasiyasiya ang ating pagsasabong.

Magsumikap na manalo ngunit maging handa sa

pagkatalo. Walang tiyak sa sabong. Kaya hanggang ngayon ay

wala pang natanghal na haring kampeon. Mahigpit ang labanan

lalo na sa pinaka mataas na kumpetisyon tulad ng World Slasher

Cup, Bakbakan, Heritage Cup at ibang mga bigtime derbies.

Makitid lang ang agwat ng isang magaling na

nagmamanok sa ibang magagaling na nagmamanok. At, nandiyan

pa ang element of luck. Kaya dapat, kahit sino ka man, sa sabong

maging handang tumanggap ng pagkatalo.

Ang tatlong malalaking kasalanan sa ating pagsasabong

ay: sobrang sugal, sobrang gastos, at sobrang espektasyon sa

manok o sobrang bilib sa sarili..

Page 40: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

40

Piramide sa Pagkundisyon

(Conditioning pyramid)

(Kung nais nyo ng buong kaalaman hinggil sa

Makabagong Pamamaraan sa Pagpili at Pagkundisyon, mag

oder ng kopya ng Manwal na ito P300 lang including delivery

to your address. To order text 0927-995-4876)

Pointing: Day of the fight

*Stress management

*Energy boosting

Peaking Stage: 7 days before the fight

*Slowdown on workouts * Blood conditioning

* B Complex, B15, iron supplement * Build up creatine,

glucose and ribose reserves

Battle-ready stage: * Intense, quick exercises to develop capability for

quick burst of energy

* Hi-carbohydrate diet

Foundation Stage: * To correct any physical, nutritional deficiency

* Build up body and muscles * Develop strenght and stamina. *Hi-protein diet

Page 41: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

41

About RB Sugbo

Gamefowl Technology

(Visit rbscal.webs.com)

“Measured against the eternity, our time on earth is just a blink

of an eye. But the consequence of it will last forever. The deeds

of this life are destiny of the next” --- Rick Warren in his book

the Purpose Driven Life.

The above quotation is in dedication to a friend who

passed away a few years ago. Ernesto “Erning”Panuncillo. To us,

who had known him well, he was more than just a dedicated

sabungero. Ever helpful to anybody who needed his expertise; he

was extremely honest; and selfless, almost to a fault, he was

indeed an epitome of a Filipino cocker.

We called each other “Sanga”(partner in

Cebuano).We were more than just cocking buddies. We were

life-long friends— like brothers indeed.

He was always helping me in my cocking ventures.

When I decided to go full blast with breeding some years back,

he helped me sourced out top breeding materials.

It was because of him that I was able to acquire the

patriarch of all the RB Sugbo ponkan lines -- my favorite brood

cock “Ponkan,” an EDL/Excellence sweater, who at the time was

otherwise,definitely not for sale in the hands of his brother

Arthur, proprietor of the cockers and agrivet product distribution

chain,Pacific Barato.

Page 42: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

42

Most of all, he was the one who first mentioned my

name to publisher Manny Berbano. It led to my writing for Pit

Games and Llammado magazines, an opportunity I cherished

most.

Because of my knowing Manny I was able to acquire

more top-quality imported and local materials; and, met in

person, distinguished breeders, and legends of our time. And,

because of Pit Games and Llammado, I gained new friends and

customers from as far as the Ilocos regions in the north, and

Basilan in the south, not to mention the many others outside the

country. These things, I owed to Sanga.

Erning was also instrumental to the mission-vision of

RB Sugbo chicken venture. Sanga had repeatedly told me:

“Breed for the common sabungeros, the ordinary cockers and

small time breeders who have neither the access nor the means to

acquire expensive fowl. And, don’t just sell them chickens, also

afford them technology.”

His idea was that we will not just breed and sell fowl

but also take active part in technology transfer, thus the name RB

Sugbo Gamefowl Technology.

On our part, with right technology, we could produce

more good chickens at much lower cost. Therefore,we could

priced our fowl at a level affordable to the common sabungeros.

Now, RB Sugbo Gamefowl Technology is committed

to helping the common sabungeros.

RB Sugbo breeds quality fowl affordable to the

common sabungero. It is also engaged in the transfer of

gamefowl technology, for as economically as possible. RB Sugbo

Page 43: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

43

GT has been doing this since 2003 . RB Sugbo is constantly into

research on the different aspects of cockfighting such as

selection, handling, conditioning, pointing, and effective knife

designs.

The Blakliz, one of the bloodlines formed by RB Sugbo

Gamefowl Technology. Named after wife Liz, the blakliz also

carries the blood of “Ponkan,” the sweater broodcock from Doc

Ayong Lorenzo, the patriarch of ponkan the bloodline and

other RB Sugbo lines.

Page 44: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

44

Since 2007, RB Sugbo GT has been totally committed to

helping Masang Nagmamanok (MANA) Inc., a nationwide

movement championing the cause of the common sabungeros.

Sugbo bloodlines such as the Ponkans and Sugbo Lemons,

priced well within the reach of the common sabungero,are

holding their own against respectable opposition.

RB Sugbo publications are also well circulated among the

common sabungeros, mainly through MANA. It also conducts

seminars, trainings and at-farm-hands -on and/or on-line

technology transfer.

RB Sugbo GT is also technical and marketing consultant to

a number of upstart breeders in the Philippines. Founder Rey

Bajenting is also founder of MANA, writer in Pit Games and

LLammado Magazines, Editor of Dyaryo Larga and founding

director of Central Visayas Breeders Association (CVBA).

Page 45: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

The Title of Your Book

45

The Blueface of RB Sugbo. This bloodline is a very good

blender with most other bloodlines. The RBS blueface came

from good friend Jason Garces, who in turn got this valuable

bloodline from Gov. Arthur “Chongkee” Uy of Davao.

Page 46: Manwal ng MANA sa Makabagong Pamamaraan sa Pagpili … 1.pdf · Kabanata 6. Makabagong Pamamaraan ng RB Sugbo sa Pagkundisyon Kabanata 7. Conditioning Pyramid Kabanata 8. Paghanda

www.obooko.com

46

PowerPointing Published worldwide by RB Sugbo GT

Visit rbscal.webs.com

Free Edition

Copyright 2011 RB Sugbo GT

This edition is available free of charge as service to the sabungero public by Masang Nagmamanok (MANA) Inc. and RB Sugbo Gamefowl technology; it may be amended and updated at any time by the author so please visit manainc.web.com or rbscal.webs.com to ensure you have the latest edition. Although free of charge, this work remains protected by Copyright and must not be sold in digital or printed form. Free circulation of this edition is, however, encouraged. You may forward this copy to friends.