18
MAPEH (Arts) Unang Markahan – Modyul 8: Ang Aking Komunidad 5

MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

  • Upload
    others

  • View
    68

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

MAPEH (Arts) Unang Markahan – Modyul 8:

Ang Aking Komunidad

5

Page 2: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

MAPEH (Music) – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Ang Aking Komunidad Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte

Telefax: (053) 323-3156

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glichel B. Formentera Editors: Celestino I. Sapiler, Jr., Analou R. Montilla, Mark Joevel Buante Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Jose Aldrin F. Avellana, Abelardo G. Campani Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino

Joy B. Bihag Ryan R. Tiu

Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei B. Masias

David E. Hermano, Jr. Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-Ann C. Rapada

Page 3: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

5

MAPEH (Arts) Unang Markahan – Modyul 8:

Ang Aking Komunidad

Page 4: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

ii

Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Aking Komunidad.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng

Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-

ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon

din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad

nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,

inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa

ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Page 5: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na

ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung

nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong

iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit

ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan

ang patlang ng pangungusap o talata upang

maproseso kung anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa

iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng

buhay.

Page 6: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

iv

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat

ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng

tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama

sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

1

Alamin

Matatagpuan sa Pilipinas ang napakaraming magagandang tanawing likas at

artipisyal. Dahil sa kagandahan ng mga ito, madalas ay nagiging tampok ang mga tanawing

ito sa mga likhang sining at mga memorabilia sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa modyul na ito matutunan mo ang paglalarawan tungkol sa inyong pamayanan sa

pamamagitan ng kaniyang likhang sining at inaasahan na makamit mo ang mga sumusunod:

1. Nakikilala ang mga likhang sining na nagbibigay ng kuwento sa ating bansa o

komunidad.

2. Nakapagkukuwento tungkol sa kaniyang pamayanan o komunidad sa pamamagitan

ng kaniyang likhang sining

3. Napapahalagahan ang kaniyang pamayanan sa pamamagitan ng sariling likhang

sining.

Subukin

Tingnan ang mga larawan at isulat sa sagutang papel ang isinasaad nito. Limang (5) puntos

ang pinakamataas na ibibigay sa bawat aytem kapag kasiya-siya ang sagot at apat (4) pababa

kapag hindi masyadong kasiya-siya ang sagot.

________________________________________________________

________________________________________________________

1.

Page 8: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

2

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

2.

Page 9: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

3

Aralin

1 Payak na Exhibit:

Makibahagi

Balikan

Ang mga sinaunang bagay o gusali ay bahagi ng kultura ng ating bansa. Kabilang dito

ang mga mosque at ang simbahan, mga lumang bahay, pati na rin ang mga museo at ilang

tanggapan. Sa loob ng mga gusaling ito ay ang mga antigong kagamitan.

Magtala ng tatlo haggang limang kagamitan na makikita sa mga lumang bahay, gusali,

mosque o simbahan na matatgpuan sa iyong komunidad. Isulat ito sa sagutang papel.

1. _____________________________________

2. _____________________________________

3. _____________________________________

4. _____________________________________

5. _____________________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

Page 10: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

4

“Doon po sa amin” Ito ang aking tahanan. Dito nakatira ang aking pamilya. Masaya kaming naninirahan

dito. Sa silangan ng palaruan makikita ang aming paaralan. Dito hinuhubog ang kaisipan

tungo sa pag-unlad. Marami ang nag aaral dito at magagaling ang mga guro rito.

Sa pinakacentro ng komunidad makikita ang aming simbahan. Dito sama samang

nanalangin ang mga tao. Ito din ang namumuno sa mga pagdiriwang ng panrelihiyon.

Malapit sa bahay naming ang pook-libangan. Dahil sa palaruang ito, nabuo ang

pagsasamahan ng bawat isa. Dito ginaganap ang programa at palabas ng aming komunidad.

Sa Kanluran ay may health center. Sa health center pumupunta ang mga tao upang

magpakonsulta ng kanilang karamdaman. Ang health center din ang nangangalaga sa mga

kalusugan ng mga tao.

Mayroon din kaming pamilihan. Dito rin kami namimili ng aming mga pangangailangan.

1. Ano- ano ang mga inilirawang gusali at lugar na bumubo sa kanilang komunidad? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

2. May mga ganitong mga gusali din ba sa inyong komunidad? Ipaliwanag ang sagot.

___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________

Suriin

Bawat komunidad ay may kanya-kanyang likhang sining na nagbibigay ng kuwento at

ito ay pinapahahalagahan ng mga taong nakapaligid dito. Iilan sa mga ito ay ang mga

sumusunod:

Ang museo ay isang lugar o gusali na pinaglalagakan ng

mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan at mga

bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya. Kabilang

na sa mga museo sa Pilipinas ay ang “National Museum”

o Pambansang Museo na itinakdang pamahalaan bilang

espesyal na lagakan ng mga pamanang bansa. Dito

nakatago ang mahalagang kagamitan na ginamit ng mga

unang Pilipino at mga dakilang bayani ng bansa.

Pambansang Museo

Page 11: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

5

Mga lumang bahay na ginawa daang taon na ang

nakalilipas sa ibat-ibang dako ng Pilipinas ay karaniwang

yari sa bato at adobe. Ang mga bintana ay malalaki at

pinapalamutian ng kapis. Malalaki ang mga pinto.

Maluluwang ang mga silid kabilang dito ay lumang bahay

ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit Cavite.

Lumang simbahan at mosque. Ang unang simbahan o

parokya sa Maynila ay ang “Manila Metropolitan

Cathedral” na itinatag noong 1571.

Pagyamanin

Gawain 1

Pagmasdang mabuti ang mga larawan na nasa ibaba. Kilalanin kung ito ba ay isang Museo,

Lumang Bahay, o lumang simbahan o mosque. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

Lumang Bahay ni Heneral E.

Aguinaldo

Pambansang Museo

Page 12: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

6

3.

4. 5.

Gawain 2

Gumuhit ng tanawin o likhang sining na makikita sa inyong pamayanan at lumikha ng

kuwento tungkol dito.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

Page 13: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

7

Gawain 3

Gamit ang iyong mga naiguhit sa itaas, paano mo mapapahalagahan ang inyong

pamayanan sa pamamagitan ng likhang sining? Sumulat ng dalawang pangungusap na

nagpapakita ng pagpapahalaga nito

1. ___________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________

Isaisip

Sa pamamagitan ng likhang-sining, naipagmamalaki natin at nabibigyang halaga ang

mga bagay na nasa pamayanan maging ang mga likas na pamana at ang ating mayamang

kasaysayan. Taglay ng mga ito ang pambihirang disenyo na maaaring likas o gawa ng tao.

Ang mga arkitektural na disenyo ng mga ito ay nakapagpapatanyag din sa angking galing ng

mga Pilipino.

Gaano ako natutuo sa araling ito? Lagyan ng tsek (/) ang kahon sa napiling sagot.

Napakahusay

Bahagyang Mahusay

Nangangailangan ng karagdagang Pagsasanay

Isagawa

Gamit ang natutunan mo tungkol sa crosshatching at contour shading techniques.

Iguhit sa loob ng kahon ang magandang tanawin sa inyong komunidad. Maaring ito ay

lumang bahay, gusali, mosque o simbahan. (sumangguni sa Rubriks na makikita sa

“Tayahin” sa pagbigay ng puntos)

Page 14: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

8

Magkuwento tungkol sa komunidad na iyong nilikha.

(sumagguni sa rubriks na gagamitin sa pagbigay ng puntos)

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Tayahin

Rubriks para sa Paggawa ng Sariling Disenyo/Guhit

Pamantayan (5) (3) (1) Marka

Tamang pagguhit ng istraktura

Sadyang tama o wasto ang

pagguhit ng disenyo ng istraktura

Malinaw na hindi gaanong tama ang disenyo ng

istraktura

Halatang hindi tama ang

disenyo ng naiguhit na istraktura

Wastong paggamit ng techinique

Ang ginamit na technique ay

wasto, malinaw at masining

Malinaw ang ginamit na

technique pero hindi masyado

masining

Hindi masining at malinaw ang technique na

ginamit

Kalabasan Ang kalabasan ng ginuhit ay may

kaisahan at kaugnayan sa mga sinauang

gusali

Karamihan sa nilalaman ay may

kaugnayan sa tema

Walang kaisahan at kaugnayan sa tema ang ginuhit

Rubriks para sa Pagsusuri ng Sanaysanay Tungkol sa Inyong Naguhit

Pamantayan (5) (3) (1) Marka

Kalinisan at Kahalagahan

Ang kalinisan ay nakikita sa

kabuuan ng sanaysay

gayundin ang nilalaman ay makabuluhan

Ang nilalaman ng sanaysay ay

makabuluhan at malinis

Walang kabuluhan at

kalinisang nakikita sa sanaysay

Istilo

Ang ginamit na istilo ay malinaw,

masining at nababasa

Ang istilo sa pagsulat ay malinaw at nababasa

Walang kalinawan at

pagkamalikhain

Tema

Ang kabuuan ng sanaysay ay may

kaisahan at kaugnayan

Karamihan sa nilalaman ay

kaugnay sa tema

Walang kaisahan at kaugnayan sa

tema ang nilalaman

Page 15: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

9

Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling liham sa inilaang kahon sa ibaba para sa inyong kaibigan. Ang liham na

ito naghihikayat sa kanya na pahahalagahan ang mga lumang gusali, bahay, simbahan o di

kaya ay magandang tanawin sa kanilang komunidad.

Page 16: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

10

Subukin 1.Depende sa tugon ng mag-aaral 2.Depende sa tugon ng mag-aaral 3.Depende sa tugon ng mag-aaral

Balikan

1.Depende sa tugon ng mag-aaral Pagyamanin

1.Paaralan, tahanan, simbahan, pook-libangan and health center

2.Depende sa tugon ng mag-aaral

Gawain 1 Depende sa Tugon ng Mag-aaral

Gawain 2

Depende sa guhit ng mag-aaral (refer to rubrics)

Gawain 3

Depende sa tugon ng mag-aaral

Isa-isip

Depende sa tugon ng mag-aaral

Isagawa

Depende sa guhit ng mag-aaral (refer to rubriks)

Depende sa tugon ng mag-aaral (refer to rubriks)

Tayahin

Depende sa guhit ng mag-aaral (refer to rubriks)

Karagdagang Gawain Depende sa guhit ng mag-aaral (refer to rubriks)

Susi sa Pagwawasto

Page 17: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

11

Sanggunian Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Gregorio

Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Incorporated. 2016, 2016 pahina

102 -105, 128-129

Valdecantos, Emelita. Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Guevarra St., Sta. Cruz Manila: Saint

Mary's Publishing Corp., 1999, pahina 167-168

"Download - Simbahan". 2013. Simbahan. http://simbahan.net/download/.

2020. Upload.Wikimedia.Org. Accessed June 12.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/7f/Bahay_na_bato_houses_of_philippine

s.jpg.

Al-Dahab, Masjid. 2014. "List Of Mosques In The Philippines". En.Wikipedia.Org. https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_mosques_in_the_Philippines#/media/File:Golden_Mosque_10.JPG.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Roca_Encantada_House_-

_Buenavista,_Guimaras.jpg (retrieved: June 4, 2020)

https://ceb.wikipedia.org/wiki/Payl:Pacific_Ocean_View_from_Light_House_Top,_Palaui_Island_Cagayan_Philippines.jpg (retrieved: June 4, 2020)

Page 18: MAPEH (Arts) · iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Arts) 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Komunidad.Ang modyul na ito ay ginawa bilang

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]