20
1 FARMING! SA ORGANIC MAS MASAYA Isang Manual Tungkol sa mga Paraan ng Pag-oorganic Farming

MAS MASAYA SA ORGANIC FARMING! - · PDF fileng panahon. Ang mga paraan sa ... ng paraan ng pagtatanim sa organic farming, ... Ito ay kadalasang nagaganap tuwing panahon ng pamumulaklak

  • Upload
    vudiep

  • View
    382

  • Download
    44

Embed Size (px)

Citation preview

1

FARMING!SA ORGANICMAS MASAYA

Isang Manual Tungkol sa mga Paraanng Pag-oorganic Farming

2

Mga Nilalaman:I. Organic farming ........................................3II. Organic Pest Control ................................7 a. Aromatic Insect Attracant .................... 8 b. Flourescent Insect Attractant ............... 9III. Organic Fertilizer ..................................... 11 a. Indigenous Micro-organisms .............. 11 b. Mga Paraan ng Pagkolekta ng IMO ............................................................ 10IV. Buod ........................................................... 15

3

PanimulaAno nga ba ang Organic Farming? Ang organic farming ay isang paraan ng pagsasaka kung saan hindi gumagamit ng kahit anong kemikal sa pagpapatubo ng tanim ang mga magsasaka. Matagal na itong ginagawa sa ating bansa gayunpaman patuloy ang agham at teknolohiya sa pagpapabuti ng organikong paraan ng pagsasaka. Ayon sa datos ng Organic Trade Association, malaki ang pangangailangan o demand ngayon ng lipunan ng mga pagkaing organiko. Organikong prutas at gulay ang nangunguna sa listahan ng hinahanap ng mga tao ngayon. Bunga na rin ito mas lumalakas pang kilusan tungo sa “all natural” na gawi ng pamumuhay. Bukod sa mataas ang demand ng lipunan sa mga pagkaing organiko, ang organic farming ay maraming magandang epekto sa kapaligiran. Nakatutulong din ang pagkonsumo ng organikong produkto sa kalusugan at seguridad ng pagkain (food security). Ang organic farming ay masasabing isang sustainable source of income. Ito ay dahil mas abot kaya ang mga paraan upang ito ay gawin. Kung magiging masinop at matiyaga sa pag-o-organic farming, sigurado ang inyong magiging kita. Bukod pa dito sigurado na ligtas at walang kemikal ang inyong mga kinakaing gulay.

O, mas masaya sa organic farming!

4

Epekto ng Organic Farming sa Kapaligiran Ayon sa Food and Agriculture Organization, ang mga naidudulot na magandang epekto sa kapaligiran ng organic farming ay ang mga sumusunod:

Ang mga pagbabago sa paligid ay nakikita sa paglipas ng panahon. Ang mga paraan sa organic farming ay naglalayon makapagbigay ng pagkain habang pinapanatili ang ecological balance upang maiwasan ang pagkawala ng sustansya sa lupa dulot ng matagalang pagbubod rito ng mga nakalalasong kemikal.

1. Napapanatili sa loob ng mahabang panahon (Sustainability)

5

2. Matabang Lupa Ang paggamit ng organikong pataba ay parte ng mga paraan ng organic farming. Kadalasang dumi ng mga alagaing hayop at mga tira-tirang pagkain (tulad ng pinagtabasan ng gulay) ang ginagamit bilang organikong pataba. Ginagamit rin ang mga uod tulad ng African Nightcrawler para mas lalo pang matunaw ang mga nutrients na taglay ng pataba sa lupa. Dahil dito, ang lupa ay nagiging mas malusog ng hindi gumagamit nang anumang kemikal.

Ang pagkakontamina ng tubig sa ilalim ng lupa ay dulot ng paggamit ng kemikal na pataba at pesticides. Sa pamamagitan ng pagsuot ng tubig sa mga maliliit na butas sa lupa nakakaabot ang mga kemikal na ginagamit bilang fertilizer at pesticide sa water table o reserba ng tubig na natural na nakukuha sa lupa. Sa mga water tables na ito karaniwang kumokonekta ang mga balon at paigiban na sila namang ginagamit ng mga tao para sa iba’t ibang mga gawain. Ito ay nagiging malaking problema na sa ilang lugar, kung kaya’t iminumungkahing gamitin ang mga paraan ng organic farming upang maiwasan ang kalaunang pagkakontamina ng tubig sa ilalim ng lupa.

3. Malinis na Tubig

6

4. Malinis na Hangin at Maayos na Klima

Bukod sa natural ito at ligtas, ang organic farming ay nakatutulong sa pagpigil ng greenhouse gas effect o ang patuloy na paginit ng panahon. Dahil ang organic farming ay mas nakaka-enganyong magtanim ng maraming halaman, mas marami ring nakokolektang carbon dioxide (CO2) sa hangin ang halamang pananim, na siyang ring pangunahing sanhi ng global warming. Gumagawa rin ang mga halaman ng oxygen bilang produkto ng photosynthesis kung saan kailangan ang CO2, kaya bukod sa pagtulong sa paglaban sa global warming, nakakapagpaganda rin ng kalidad ng hangin ang organic farming!

Ang pagpapanatili ng mga lugar sa paligid ng mga organikong taniman ay nakapaggagawa ng mainam na tirahan para sa mga hayop. Nakatutulong din ang organic farming sa pagpapanatili ng iba’t-ibang uri ng mga indigenous microorganisms sa lupa. At dahil din sa kaibahan ng paraan ng pagtatanim sa organic farming, nakakapagtanim ang mga magsasaka ng iba’t ibang uri at klase ng pananim.

Ayon naman sa Secretariat of Pacific Community, isang organi-sasyon na nakabase sa Australia, ang organic farming ay nakapagbibigay ng masustansyang pagkain at pagkakataong kumita para sa mga maliliit na komunidad.

5. Biodiversity

7

Ayon kay Rohini Reddy sa kanyang libro na Cho’s Global Natural Farming, may dalawang paraan upang makontrol ang mga peste ng hindi gumagamit ng kemikal; ito ay ang paggamit ng Aromatic Insect Attractant (AIA) at Fluorescent Insect Attractant (FIA). Ang AIA ay isang uri ng pest control na gumagamit ng Fermented Fruit Juices (FFJ)/ Fermented Plant Juices (FPJ). Ang amoy ng FFJ at FPJ ay umaakit sa mga insekto palayo sa mga tanim.

Ang FIA naman ay isang uri ng pest control na gumagamit ng flourescent light upang ma-attract ang mga insekto at sila ay mapuksa. Ito ay karaniwang ginagamit pamuksa ng mga lamok, ngunit maari rig gamitin kontra peste ng mga pananim.

Organic Pest ControlAno ang ginagamit na pest control sa organic farming?

8

Halinang Gumawa ng Aromatic Insect Attractant!

Mga kagamitan:• Plastic na Bote ng Soft drink• Brandy / taddy / rice wine• (FFJ)/(FPJ)

Mga Hakbang: 1. Hiwaan ang magkabilang gilid ng bote. 2. Ilagay ang rice wine at ang FPJ o rang FFJ. 3. Ilagay sa mga punong pinupuntahan ng mga insekto. Ilagay ito sa panahon na nangingitlog ang mga ito.

O, mas masaya sa organic farming!

9

Halina’t Gumawa ng Fluorescent Insect Attractant!

Mga kagamitan:• Zinc sheet• Fluorescent light• Yero• Batyang puno ng tubig• Gasolina o kerosene

Mga hakbang: 1. Itupi ang zinc sheet sa hugis “L.” 2. Isabit ang fluorescent light ng patayo sa lupi ng zinc sheet. 3. Gamitin ang yero bilang bubong upang hindi masira ng ulan ang fluorescent light. 4. Ilagay ang batyang puno ng tubig sa ilalim ng fluorescent light. 5. Maglagay ng ilang patak ng gasolina o kerosene sa tubig upang malunod ang mga insekto.

Simple lang ang mga hakbang, tama? Mas masaya sa organic farming!

10

Maaaring gamitin ang AIA at FIA sa panahon ng pangingitlog ng mga insekto. Ito ay kadalasang nagaganap tuwing panahon ng pamumulaklak ng mga puno at mga gulay.

Kailan dapat gamitin ang AIA at FIA?

11

Organic Fertilizers

Sa organic farming, ang ginagamit na pataba sa lupa ay ang Indigenous Microorganisms o IMO. Ang mga organismong kagaya ng earthworms, aphids, fleas, nematodes, bacteria, at fungi ay natural na makukuha sa lupa. Ang mga organismong ito ang tumutulong sa pagpapataba ng lupa sa pamamagitan ng pagbabalanse ng mga soil nutrients.

Ano ang indigenous microorganism?

Paano ba mangolekta ng mga IMO?

May iba’t ibang paraan ng pagkolekta ng IMO. Sa mga susunod na pahina ay makikita ninyo kung papano ito gawin.

12

Mga Kagamitan:• Kahon na kahoy• Kanin• Paper towel• Laste / tali• Brown Sugar• Paso / Glass jar

Mga Hakbang: 1. Punuin ang kahon ng kanin. 2. Takpan ng paper towel at gamitin ang laste o tali upang hindi ito matanggal. 3. Gumawa ng hukay na kasukat ng kahon at may lalim na 2”. 4. Ilagay ang kahon sa hukay at takpan ito ng mga dahon. 5. Makalipas ang tatlong araw, magkakaroon ng mga IMO sa kanin. Ilipat ang mga ito sa paso o sa glass jar at lagyan ng label na “IMO-1.” 6. Ihalo ang brown sugar sa “IMO-1” (1:1 ratio). Ito ay le-labelan na “IMO-2.” 7. Takpan ito ng papel at gamitan ng laste o tali upang hindi matanggal.

Pagkolekta mula sa Native Soil

13

Pagkolekta mula sa Kawayan o Bamboo Stumps

Mga Kagamitan:• Kahon na gawa sa kahoy• Kanin• Kutsilyo• Plastic Sheet• Paper towel• Laste / tali• Brown Sugar• Paso / Glass jar

Mga Hakbang: 1. Pumili ng kumpol ng kawayan (bamboo stump). 2. Putulin ang bamboo shoot 10cm mula sa lupa. Putulin ito sa paraang hindi matatapon ang katas ng kawayan. 3. Lagyan ng kanin ang guwang o gitna ng kawayan. Hayaang umapaw ng kaunti ang kanin sa guwang. 4. Takpan ito ng kahon. 5. Takpan ang kahon ng mga tuyong dahon. 6. Takpan ng plastic upang hindi masira ng ulan. 7. Pagkatapos ng tatlo hanggang limang araw, putulin ang kawayan. Ilipat ang kanin sa paso o sa glass jar at lagyan ng label na “IMO-1.” 8. Ihalo ang brown sugar sa “IMO-1” (1:1 ratio). Ito ay le-labelan na “IMO-2.” 9.Takpan ito ng papel at gamitan ng laste o tali upang hindi matanggal.

14

Pagkolekta mula sa Palayan o Rice Paddy

Mga Kagamitan:• Kahon na gawa sa kahoy• Kanin• Kutsilyo• Plastic Sheet• Paper towel• Laste / tali• Brown Sugar• Paso / Glass jar• Steel wire net

Mga Hakbang: 1. Lagyan ng kanin ang ¾ kahon. 2. Pagkatapos mag-ani ng palay, agad na itakip ang kahong may kanin. 3. Balutan ng steel wire net ang kahon upang hindi masira ng mga daga. 4. Takpan ng plastic sheet upang hindi masira ng ulan. 5. Matapos ang isang linggo, nakakolekta na ang kanin ng IMO. Ilipat ang kanin sa paso o glass jar. Ito ay le-labelan na “IMO-1.” 6. Ihalo ang brown sugar sa IMO-1 (1:1 ratio). Ito ay le-labelan na “IMO-2.” 7.Takpan ito ng papel at gamitan ng laste o tali upang hindi matanggal.

15

Paggamit ng IMO

Matapos kumolekta ng IMO, maaari na itong ihalo sa lupang tatamnan. Ang mga organismong ito ang magsisilbing katulong sa natural na pataba ng inyong lupa.

... isang natural na paraan ng pagtatanim. at kasalukuyan pang dumarami ang mga proseso at paraan ng paggamit nito. Patuloy rin ang pagdami ng mga mamamayang nahihikayat gumamit ng paraang ito. Bukod sa marami itong magandang bunga sa kapaligiran tulad ng kalinisan ng hangin at tubig, ligtas din ang ating kalusugan. Bilang paraan ng paglutas ng pagkukulang sa pagkain, ito ay isang mura at ligtas na alternatibong nakapagbibigay ng dagdag na kabuhayan sa mga mamamayan. Halina at mag organic farming, mas masaya dito!

Sa makatuwid ang organic farming ay ...

16

Sources:

• Chow, L. (2015). Organic Food Industry Explores as Consumer Demand Spikes. Retrieved October 12, 2015 from http:// ecowatch.com/2015/04/02/organic-food-industry-explodes/• Organic Agriculture FAQ. (n.d.). Retrieved September 12, 2015 from htp://www.fao.org/organicag/oa-faq/oa-faq6/en/• Reddy, R. (2011). Cho’s Global Natural Farming. South Asia Rural Reconstruction Association (SARRA), India.• Secretariat of the Pacific Community (August, 2009). [PDF document] Benefits of Organic Agriculture (p. 1 Policy Brief).

17

Notes:

18

Notes:

19

Notes:

20

For more information, contact:

PCAARRDAddress:Paseo de Valmayor, Timugan Economic Garden, Los Baños, Laguna 4030,PhilippinesPhone numbers: (6349)536-0014; 536-956; 536-2305; 536-2383; 536 -5907;536-6980; 536-7927; local 201Fax Numbers: (6349) 536-0016; 536-7922

Los Baños Municipal HallNational Highway, Los Banos, Laguna, PhilippinesPhone: +63(49)5360050

Ang handbook at ang mga nilalaman nito ay bunga ng pakikipagtulungan ng Los Baños Municipal Gender at Development Office (GAD) at ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Reserch and Development Socio-Economic Research Division(PCAARRD-SERD).

Ang output na ito ay ginawa ng mga studyante mula sa UPLB College of Development Communication DEVC 150: Scientific and Technical Information Processing 1st Semester AY 15’-16’ class Team Logos:

Balajadia, Ramei Faraon, Marc Lester

Halili, Klarissa CamilleOracion, Vhernadette

Santos, Inzle Jarred