37
Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7 Unang Markahan LINGGO 6 Unang Araw l. LAYUNIN 1.Nalalaman ang kahulugan ng mga malalalim na salita sa kuwento. 2. Nauunawaa ang kuwento sa pamamagitan ng paggawa ng banghay ng dalawang kuwento. ll. PAKSANG ARALIN Susuriing Akda: “Alamat ni Tungkung Langit” May Akda: Roberto Anonuevo Mga kagamitan: Kopya ng akda “Alamat ni Tungkung Langit” lll. PAMAMARAAN Panimulang Gawain Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral a. Panalangin b. Pagtala ng liban A. Panimulang Pagtaya (10 minuto) Talasalitaan. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na pangungusap. Pahulaan sa mga mag-aaral gamit ang konteksto ng pangungusap, ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Pagkatapos ng bawat bilang, humungi sa mga mag-aaral ng mga pangungusap na ginagamit ang mga talasalitaa. 1. Napapatigalgal si Tungkung Langit -natutulala, napapatahimik tuwing maririnig ang aking tinig. 2. Madalas akong gumawi sa aming -dalampasigan, ilog, pasigan , at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mabangong buhok. 3. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan -dahilan,inaalayan ng lahat ng aking pinakamamahal. at pagmamahal.

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Linggo 1

Citation preview

Page 1: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7Unang Markahan

LINGGO 6Unang Araw

l. LAYUNIN1.Nalalaman ang kahulugan ng mga malalalim na salita sa kuwento.2. Nauunawaa ang kuwento sa pamamagitan ng paggawa ng banghay ng dalawang kuwento.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: “Alamat ni Tungkung Langit”May Akda: Roberto AnonuevoMga kagamitan: Kopya ng akda “Alamat ni Tungkung Langit”

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aarala. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Panimulang Pagtaya (10 minuto)Talasalitaan. Isulat sa pisara ang mga sumusunod na pangungusap. Pahulaan sa mga mag-aaral gamit ang konteksto ng pangungusap, ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Pagkatapos ng bawat bilang, humungi sa mga mag-aaral ng mga pangungusap na ginagamit ang mga talasalitaa.1. Napapatigalgal si Tungkung Langit -natutulala, napapatahimik

tuwing maririnig ang aking tinig.2. Madalas akong gumawi sa aming -dalampasigan, ilog,

pasigan, at manalamin sa malinaw na tubig habang sinusuklay ang mabangong buhok.

3. At ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan -dahilan,inaalayan ng lahat ng aking pinakamamahal. at pagmamahal.

4. Subalit pinatititikan ko siya sa Dayaray -manggagamotupang mabatid ang kaniyang parororonan.

5. Naghunos na mga bituin ang mga -nagliliyab, kumikinanghiyas ko’t mutya.

1. Madalas na napapatigalgal si Carmelauwing naririnig niya ang huni ng Ibong Adarna.

2. Tuwing araw ng sabado pumumunta sa pasigan kaming magkakaibigan para maligo at maglangoy.

Napapatigalg

Pasigan

Page 2: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

3. Ang aking pagkatao ang kanyang sinasagkaan ng tunay pagmamahal.

4. Pinahanap ko sa Dayaray ang kinaroroonan ng aking kabiyak.

5. Hindi nagpakita ngayong gabi ang mga bituin, wala tuloy naghunos sa kaitaasan.

B. Intoduksiyon (15 Minuto)Banggiting muli ang kuwentong binasa noong nakaraang lingo.(Kung Bakit Umuulan)

Banghay ng kuwento:

C. Presentasyon (15 Minuto)Ikuwento ang “Alamat ni Tungkung Langit” na muling isinalaysay ni Roberto Anonuevo.

Sinasagkaan

Dayaray

Naghunos

Tauhan

Tungkung Langit Alunsina

Nilikha

BuwaBituin Hangin

Ulap Planeta

Ulan

Nilikh

Daigdi

Bundok Langit Buhay Karagatan

Halaman Ibon Isda

Kidlat Kulog

Page 3: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Magkaroon ng talakayan tungkol sa kuwento. Narito ang mga tanong na maaaring gamitin sa talakayan:1. Ilarawan si Tungkung Langit. -Mapagmahal na asawa, ngunit

Anong klase siyang asawa? Makasarili. Makapangyarihan.

2. Paano mo naman ilalarawan si -Mapagmahal na asawa at Alunsina. masunurin.

3. Bakit nagkaroon ng hinanakit si -Dahil pinipigilan siya ni TungkungAlunsina kay Tungkung Langit? Langit na gumawa ng gusto nya.

4. Tama bang maghihinanakit si -Opo.Alunsina kay Tungkung Langit?

5. Pagkumparahin ang kuwento ng “Kung -Ang kuwentong Kung Bakit UmuulanBakit Umuulan”, at ang "Alamat ni ay tungkol sa mag-asawang Tungkung Tungkung Langit”. Langit at Alunsina.Pareho silang Diyos at

may kapangyarihang lumikha ng mgabagay,ngunit ayaw ni Tungkung Langitna magtrabaho si Alunsina, ayaw niya itong mapagod. Nagsawa si Alunsina kaya hiniwalayan niya ito.Samantala, angAlamat ni Tungkung Langit ay tungkolsa pinagmulan ng ulan. Kapag umuulanibig sabihin umiiyak si Tungkung Langitsa pangungulila kay Alunsina, at pagkumukulog at dumadagungdonghumahagulgol siya

6. Aling bersiyon ang mas naibigan ninyo? -Kung Bakit Umuulan.

Ikalawang Araw .

LAYUNIN1. Nauunawaan ang kuwentosa pamamagitan ng paggawa ng poster na angkop sa kuwento.2. Naihahambing ang kanilang kkasarian at ang sarili nilang mga katangian.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: “Alamat ni Tungkung Langit”May Akda: Roberto AnonuevoMga kagamitan: Kopya ng akda “Alamat ni Tungkung Langit”

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aarala. Panalanginb. Pagtala ng liban

Page 4: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

A. Pagpapayaman (20 Minuto)Hatiin sa limang grupo ang klase at bigyan ng long Bond Paper ang bawat grupo.gumawa ng poster nang dalawang kuwento. pagkatapos gumawa,bigyan ng 15 minuto para sa pagbahagi sa klase ng nagawang poster.

B. Pagtalakay sa dalawang kuwento.

1. Bakit kaya pinili ng may-akda ng - “Alamat ni Tungkung Langit” na

baguhin ang ilang katangian ng mga tauhan?2. Ano ang nagging epekto ng mga -

pagbabagong ito sa pagkilala at pagturing ninyo sa mga tauhang ito?

3. Sa parehong akda, makikita ang papel -ng kasarian sa ikinilos ng mga tauhan.Ano-ano ang mga ito?

4. Sa kasalukuyang panahon, may epekto -parin ba ang kasarian sa maaaring ikilosng isang tao?

C. Sintesis (20 Minuto)Bawat mag-aaral ay bubuo ng venn diagram na pinaghahambing ang inaasahan ng mga katangian ng kanilang kasarian at ang sarili nilang katangian.

Page 5: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Masinop Masipag

Ikatlong Araw

l. LAYUNIN1.Makagawa ng sanaysay batay sa paksang limitasyon dahil sa kasarian.2. makabahagi ng ginawang sanaysay

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: “Alamat ni Tungkung Langit”May Akda: Roberto Anonuevo

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aarala. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Sintesis (50 Minuto) Magpasulat ng sanaysay na binubuo ng tatlong talata pataas batay sa paksang: Ano-ano ang mga nagiging limitasyon ninyo dahil sa kasarian?

B. Pangwakas na pagtataya (10 Minuto)Hayaang mgbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang mga isinulat na sanaysay sa klase.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7Unang Markahan

LINGGO 7Unang Araw

l. LAYUNIN1.Naihahambing ang pagkakaiba ng salitang mirror o eye glasses.2. Nauunawaaan ang ibig sabihin ng repleksiyon.S

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: SALAMINMay Akda: Assunta CuyegkengMga Kagamitan: Salamin(mirror), Salamin(eye glasses), Kopya ng akdang Salamin

lll. PAMAMARAAN

Page 6: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Panimulang pagtataya (10Minuto)

Magpakita ng isang mirror at isang eye glasses. “ Ang tawag sa dalawang ito ay salamin. Pareho ang katawagan sa ating wika. Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba?”

Mirror Eye Glasses

Ginagamit para Makita ang ayos o itsura ng buong katawan.

Ginagamit para sa proteksiyon sa mata.

Nakikita ang tunay na anyo ng sarili.

Isinusuot para maging malinaw ang paningin ng tao.

1. Ang mirror at eye glasses ay parehong salamin na ang ibig sabihin ay nagagamit ng tao para Makita nila nga tunay na kaanyuan ng isang bagay o itsura ng tao.

2. Ang mirror ay ginagamit para makita natin ang panlabas na kagandahan ng tao.3. Ang eye glasses ay ginagamit para maging malinaw ang paningin ng tao sa mga bagay

gusto niyang Makita.

B. Introduksiyon (10 Minuto)

Kapag napalabas ang mga sagot na repleksiyon at nagpapalinaw sa pagtingin; Tanungin ang mga sumusunod na tanong.

1. May dala bang halaga ang paglinaw -Opo.Dahil nakikita natin ang lahat ngng paningin? magagandang bagay. Nakakabasa ng

maayos ang isang tao.

2. May dalang halaga ba ang makita -Opo.Dahil kapag alam nating maayosang repleksiyon ng sarili? ang panlabas na ayos ng sarili natin

nakakatulong ito para magkaroon tayo ng lakas ng loob na humarap sa kahit na sinuman.tumataas ang “Self Esteem” ng isang tao.

Page 7: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

3. Kailan ba tayo naliliwanagan?Kailan -kapag nakita natin totoo at natatanggap

natin nasasabing malinaw ang pag- ang tunay na kahalagahan nito.kakaintindi natin sa isang bagay?

4. Ano ang repleksiyon? -ito ay imahe na nakikita natin sa mirrorO eyeglasses.Ito ay lumalabas at nakikita sa isang pag-uugali ng tao o sitwasyon.

C. Presentasyon (15 Minuto)

Magpaskil ng pangklaseng kopya ng akda. Ipabasa ng malakas sa klase ang tula. Hatiin sa apat ng pangkat at klase at

ipabasa ng malakas ang saknong na iniatas sa kanila. (Pansinin ang salitang bibigyang-diin ng mga mag-aaral)

D. Pagpapayaman (20 Minuto)

Talakayin ang bawat linya ng tula. Itanong sa klase ang mga sumusunod.

1. Ano ang pagkakaintindi ninyo sa -(Unang Saknong)Repleksiyon ng babaeUnang (Ikalawa/Ikatlo/Ikaapat) sa tula.saknong? (Ikalawang Saknong)pinagmamasdan ang

sarili sa salamin.(Ikatlong Saknong)Binabanggit ang kahalagahan ng buhay ng tao.(Ikaapat na saknong)Tinatapatan ng repleksiyon sa salamin ang sarili mula ulo hanggang paa at sinasabing walang retoke ang buong pagkatao.

2. Ano-ano ang mahahalagang salita -kakambal, sisipatin,magmamasid,titinginna dapat pansinin. Hininga ng Diyos, walang retoke, buong

pagkatao.

3. Bakit ang mga salitang ito ang -Dahil sa mga salitang ito maiintindihan inyong pinili? natin ang salitang repleksiyon.

4. Sa una nating pagbasa ng tula, Ano -ang kahalagahan na makita natin ang Ang nabubuo ninyong sinasabi ng tula? mga sarili natin na walang

pagbabalatkayo.

Page 8: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Ikalawang Arawl. LAYUNIN

1.Nakasusuri ng bawat saknong ng binasang tula.2. Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa tula.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: SALAMINMay Akda: Assunta CuyegkengMga Kagamitan: Salamin(mirror), Litrato ng sarili noong bata pa, pinakabagong litrato ng

sarili, Kopya ng akdang Salaminlll. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Pagpapayaman (25 Minuto)Tiyaking nakapaskil ang tula sa pisara.

Balik-aral: anu-ano ang mahahalagang punto na napag-usapan sa nakaraang sesyon?

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ipabasang malakas ang saknong na iniatas sa bawat pangkat. Susuriin ang bawat pangkatang saknong na ibinigay sa kanila. Ipaalala samga mag-aaral na dapat nilang tingnan ang relasyon ng mga saknong, na ang bawat isa’y mahalagang bahagi ng tula.

B. Pagpapalawig (35 Minuto)Iuulat ng bawat grupo ang kanilang mga sagot.Tanungin ang mga sumusunod na tanong parasa bawat saknong habang nag-uulat o pagkatapos mag-ulat ng mga grupo sa kani-kanilang saknong.?

Unang saknong:1. Anong salamin ang tinitingnan ng persona? -Mirror

2. Sino ang nakita sa salamin? Bakit “kakambal” -Repleksiyon ng persona.Dahil ang nakita ang turing niya?Bakit hindi niya tinuringang niya sa salamin ay repleksiyon ng “ako”? kanyang sarili lamang.

3. Ilarawan ang nakita ng persona? Ilang taon -mga linya at pekas, at matang na kaya ang persona? Anong bahagi ng tao kulay kape;50 anyos pataas.

Page 9: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

ang kaniyang inilarawan? Mukha, at Mata.

4. Ano ang bagong nalaman ng persona -kulay kape pala ang kanyang mata.Sa kaniyang kaharap?

Ikalawang saknong:1. Ano ang paglalarawan ng persona sa -mapagmasid.

kaharap?Anong bahagi ng tao ang dibdib kaniyang inilalarawan?

2. Ano ang ibig sabihin ng dibdib na -kinakabahan. kumakabogkabog? Natutulog? Walang pangangamba,relaks

3. Ano ang nararamdaman ng persona sa tula? -ang pagtibok ng kanyang dibdib

Ikatlong saknong:1. Ano ang tinutukoy ng salitang “Dito” -dibdib2. Ano ang kahulugan ng mangingibig? -mga taong mahalaga sa kanyang buhay

asawa ba ito? Kasintahan? Lover(ano ang konotasyon nito?)Ano ang sinisabinito sa inilalarawan?

3. Babae ba o lalaki ang persona? -babae4. Ano ang halaga ng ang “Diyos ay -patuloy na binibigyang buhay ang

nakikinig? persona.

Ikaapat na saknong:1. Ano ang kahulugan ng salitang “tatapatan”? -nakatayo sa harapan.

Ano ang kahulugan ng “tapat”?Ano ang -loyalkahulugan ng tapat para sa tulang ito? -pagsasabi ng kung ano ang totoo.

2. Sa huli, ano ang napagtanto ng persona -walang retoke ang buo niyang pagkataosa kaniyang nakita?

3. Pansinin ang salitang “titingin”, -titingin, ibig sabihin nakatingin lang. “magmamasid”, at “sisipatin”. -magmamasid, ibig sabihin may nabubuoAno ang pagkakaiba ng bawat isa? Bakit ng interpretasyon sa nakikita o tinitingnan ito ang ginamit na mga salita? Pansinin at, sisipatin ay susulyapan mula ulo ang progreso ng kahulugan ng bawat salita hanggang paa.na umaakma sa progreso ng pagtingin ng persona.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7Unang Markahan

Page 10: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

LINGGO 8Unang Araw

l. LAYUNIN1.Nabibigyang interpretasyon ang iginuhit na larawan ng pintor.2.Naipapakita ang talent sa pagguhit ng larawan.3.Maunawaan na kailangang ibahagi at maging isnpirasyon sa iba ang pagpapakita ng talent.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: ANG PINTORMay Akda: Jerry GracianoMga Kagamitan: Kopya ng akda “ Ang Pintor”, kopya ng teksto, larawan ng isang painting na

abstractlll. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Panimulang pagtaya at pagganyak (10 Minuto)Magpakita ng isang larawan (painting na hindi dapat abstract)ang guro sa harap ng klase. Hayaan silang suriin ito. Kung maari ay ipasuri ito sa mga bata ng malayuan at malapitan. Siguraduhing magkakaroon sila ng pagkakataong Makita ang kabuuan nito.

Talakayin ang mga sumusunod na tanong sa mga mag-aaral: 1. Ano ang mga nakita mo sa loob ng larawan? -mga kulay, globo, iba’t-ibang hugis, at

Arrow o pana2. May mga nakita ba kayong iba mula sa -wala

inyong paglapit at paglayo?3. Kalian nagkaroon ng kalinawan ang -sa malapitang pagtingin.

larawan sa inyo?

Page 11: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

4. Ano kaya ang ipinahahayag ng larawan? -kahit saang parte ng mundo ang tao anroroon ay may kumunikasyon sa paggamit ng kompyuter o internet.

B. Introduksiyon (10 Minuto)Talakaying muli ang mga sagot nilatungkol sa larawan.1. Mula sa mga sagot kanina, ano kaya -lahat ng impormasyon sa internet ay

ang ipinahahayag ng pintor sa larawan? naglalakbay sa buong mundo galling sa isang lugar patungo sa ibang lugar kapag ang dalawang kompyuter ay konektado sa bawat isa.

2. Maayos ba niyang naitawid ang ideyang -Opo.ito?

3. Kung oo paano? -lahat ng impormasyon sa larawan ay Naipakita.

4. Kung hindi, bakit? Ano pa kaya ang -maaari niya sanang gawin?

C. Presentasyon (5 Minuto)Ipabasa sa mga mag-aaral ang akda ng sabay-sabay.

Babasahin ng guro (ng mag-isa) ang tula sa harap ng klase. Bigyang diin ang mahahalagang salita/linya

D. Pagpapayaman (20 Minuto)

Hatiin ang klase sa 8 pangkat. Ang bawat pangkat ay aatasang gumuhit ng larawan ng saknong na itatakda sa kanila.

I. Taludtud 1-2 ---- Pangkat 1 at 2II. Taludtud 3-4 ---- Pangkat 3 at 4

III. Taludtud 5-6 ---- Pangkat 5 at 6IV. Taludtud 7-8 ---- Pangkat 7 at 8

E. Pagpapalawig (15 Minuto)

Talakayan:1. Ano ang nangyari sa mga iginuhit -nawawala

ng pintor?2. Anong mga salita ang magpapatunay -lumupad palayo, lumangoy sa hangin,

sa iyong sinabi? Nagkalat ang halimuyak sa dilim, inangkin ng kambas.

3. Maituturing bang nabigyang-buhay -hindi.ng pintor ang kaniyang larawan?

Page 12: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

4. Ano ang nangyari sa pintor sa huling -nasirasaknong? Nagbigyang-buhay ba siya o nasira ang kaniyang buhay?

5. Para saan ngayon ang talento na -Pagguhit ng larawan mayroon tayo?

Sa pagsusuri ng sarili, mayroon kang matutuklasan. May mga kakayahan kang hindi dapat itinatago subalit dapat na ibinagahagi. Kailangan ritong makapagbigay-inspirasyon ang guro na mahikayat niya ang mga mag-

aaral na gamitin ang kanilang talento upang bigyang-buhay ang sarili at ang iba.

Ikalawang Arawl. LAYUNIN

1. Naipapakita ang talent sa pag-aarte gamit ang mga pangungusap.2. Nalalaman ang mga uri ng tayutay at kung paano ito gamitin.3. Naipapakita ang husay sa pagpapahayag ng konteksto ng tayutay.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: ANG PINTORMay Akda: Jerry GracianoMga Kagamitan: Maliit na piraso ng papel na may mga tayutay (5 piraso)

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Introduksiyon (15 Minuto)Isulat ang mga sumusunod na pangungusap sa maliliit na piraso ng papel:1. Amoy basang medyas ang kwarto natin ngayon.2. Gaposte na si Marya ngayon3. Ngumiti sa akin ang araw sa aking pagtingala.4. Kumakaway ang mga bulaklak sa hardin.5. Pakiramdam ko nilitson ako sa sobrang init.

Pumuli ng limang kalahok mula sa klase na aarte ng mga nabanggit na pangungusap.Tanungin ang mga mag-aaral kung may kakaiba sa mga ginamit na pangungusap.

B. Presentasyon (25 Minuto)Sa nakaraang sesyon, napag-aralan natin ang pagbibigay-buhay ng pintor sa kanyang guhit o larawan. Kanina, nakita natin ang pagbibigay-buhay ng inyong kamag-aral sa ilang pahayag. Ngunit paano kung salita lamang ang makikita natin? Paano natin mabibigyang-buhay sa isipan ng tao ang nais nating iparating kung mababasa lamang niya ay mga salita?

Uri ng mga tayutay:

Page 13: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Pagtutulad Pinakasimpleng paraan ng paglalarawan at paghahambing. Madalas na gumagamit ng mga salitang: Tulad ng, Parang, Gaya ng, Kasing-, Sing-, at

Ga- Gaano ka kaya kasuwerte ngayon? Sing- alat ng bagoong ang suwerte ko ngayon! Gaano kataas ang ginagawang gusali? Sintaas ng tore ni Babel ang bagong gusali!

Pagwawangis Paglalarawan na hindi gumagamit ng mga katagang nabanggit sa pagtutulad. Gaano siya kagaling lumangoy?Pating yan’ sa tubig. Ano ang amoy ng bagoong? Kapag mas amoy-paa ang bagoong, masmasarap.

Pagtatao Paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang mga katangiang pantao lamang. Ano ang nangyari sa mga puno? Yumuyugyog ang puno ng niyog. Paano kumikilos ang oras? Tumatakbo ang oras.

Pagmamalabis Sobra-sobrang paglalarawan, madalas na hindi na makatotohanan. Gaano siya kapawis? Timba-timba ang pawis niya. Gaano kalamig sa bundok ngayon? Pakiramdam ko’y nasa loob ako ng freezer!

Magtala sa pisara ng mga halimbawa ng paggamit ng tayutay na galling sa mga mag-aaral.

-Sing-lamig ng yelo ang relasyon ng mag-kasintahan.

-Ga-bundok na labada.-Usad pagong ang kilos niya.-Luksong daga.

C. Pagpapayaman (20 Minuto)Bumuo at isa-konteksto ang mga sumusunod na halimbawa gamit ang mga tayutay.

1. Bilang ng taong nagwewelga dahil sa dagdag presyo ng langis. 2. Amoy ng bagong tabas na damo.3. Lawak ng sakahan/dagat/gubat. (iayon sa konteksto ng mag-aaral)4. Dami ng kamag-aral na nasa parehong nibel/baiting.5. Lasa ng pagkaing paboritong lutuin ng Nanay.

Pagbotohan ng klase ang pinakamahusay na pagkakapahayag sa bawat bilang.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Page 14: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Unang Markahan

LINGGO 9Unang Araw

l. LAYUNIN1.Napapayaman ang talasalitaan.2.Nakabubuod ng akda ng kuwento.3.Nauunawaan ang salitang rasismo o racism.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: IMPENG NEGROMay Akda: Rogelio R. Sikat Mga Kagamitan: Manila paper 4 piraso, kopya ng akdang Impeng Negro,

Mag larawan ng Ayta, Ifugaw, Maranaw at Badjawlll. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Panimulang pagtataya (10 Minuto)Talasalitaan. Isulat ang mga sumusunod sa pisara. Ipabasa ang mga salita at kahulugan.. ipagamit sa mga mag-aaral ang mga salita sa sariling pangungusap.

Talungko- pag-upo na dikit ang binti sa hita at nakabitin sa puwit. Giray- sira Ginagad- ginaya na gusting magpatawa Nanghinamad- nag-inat dahil sa pakiramdam ng katamaran Namamarilong- namamaga Nangangalirang- labis na natutuyo Sumusuno- sumama Tinutop- tinatakpan ng kamay Nagkalugkugan- nagkalampagan

Page 15: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Pahalipaw- nagkalat ng mga maliliit na bagayB. Introduksiyon (15 Minuto)

Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Ilalarawan ng bawat pangkat ang pisikal na katangian ng bawat pangkat etniko. Ibahaging isang miyembro mula sa bawat pangkat ang kanilang napag-usapan.

C. Presentasyon (15 Minuto)

Ipaliwanag ang buod ng akda. magpatulong sa mga mag-aaral sa pagbuo ng buod sa pamamagitan ng paglalarawan kay Impeng Negro at Ogor, ang tunggalian ng kuwento, tagpuan ng kuwento at kung paano nalalabanan ni Impeng Negro ang pang-aapi.

"Sa matinding sikat ng araw, tila siya mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagihang larangan."

 MgaTauhan: 

Impen- 16 taong gulang, maitim ang kulay ng balat, may mga kapatid sa ibang ama, isang agwador o taga-igib ng tubig Ina ni Impen- iniwan ng huling asawa habang kanyang ipinagbubuntis ang bunsong anak Mga Kapatid ni Impen na sina Kano, Boyet, Diding Taba- tinderang uutangan ng gatas para sa bunsong kapatid ni Impen Ogor- matipunong agwador na laging nanunukso at nang-aapi kay Impen. Mga Agwador.

Page 16: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Naghuhugas ng kamay sa batalan si Impen nang kausapin o pangaralan siya ng kanyang ina. Binalaan siya ng kanyang ina na huwag na siyang makipag-away at uuwing basag ang mukha. 

Nagpunta si Impen sa igiban ng tubig dahil isa siyang agwador. Mahina na ang kita ng kanyang ina sa paglalaba at mahina na rin ang kanyang kita sa pag-aagawador ngunit patuloy siya sa pagtatrabaho kahit na maraming nang-aapi sa kanya. Inaapi siya dahil sa estado ng kanilang pamilya at dahil sa kanyang kulay. Isa sa mga matinding manukso sa kanya ay ang kapwa agwador na si Ogor. 

Napansin ni Impen ang langkay ng mga agwador sa may gripo. Nakaanim na karga siya at may sisenta sentimos nang kumakalansing sa bulsa ng kanyang maong. Nanatili siya roon upang mag-igib pa at tatanghaliin siya ng pag-uwi. Nakita niya si Ogor sa isang tindahan malapit sa gripo. Tulad ng nakagawian nito, agad siya nitong tinawag na Negro at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sumingit si Ogor sa pila nang si Impen na ang sasahod ng balde niya. Sa kagustuhang makaiwas sa gulo, hindi na umimik si Impen at nagpasyang umalis na lamang. 

Pinatid ni Ogor si Impen nang papaalis na ito sa pila. Nabuwal si Impen. Tumama ang kanan niyang pisngi at nagalit si Impen at nagsuntukan sila. Hindi tumigil si Ogor sa pagtadyak, pagsuntok, at pananakit kay Impen hanggang sa labis nang napuno ng poot si Impen. Humina si Ogor sa sunud-sunod na dagok at bayo ni Impen sa kanya. Sumuko siya kay Impen, na ikinagulat ng lahat. Maraming sandaling walang nangahas na magsalita. Naramdaman ni Impen ang paghanga mula sa mga taong pumalibot sa kanila ni Ogor. Tiningnan ni Impen ang nakabulagtang si Ogor. Nakadama siya ng kapangyarihan.

D. Pagpapayaman (20 Minuto)

1. Ipaliwanag ang konsepto ng rsismo (racism).

-Ang rasismo ay ang pandidiri o galit sa taong kaiba ang pamumuhay, relihiyon o lahi.

2. Ano ba ang dahilan ng pang-aapi ni Ogor -Inaapi ni Ogor si Impeng Negro dahil sa kay Impeng Negro? katayuan nila sa buhay at sa kulay nitong

itim.3.Anong ginawa ni Impeng Negro para -Sa una pilit na pinagpapasensyahan ni malabana ang pang-aapi sa kanya ni Ogor? Impeng si Ogor dahil sinusunod niya ang Naging matagumpay ba si Impeng Negro pangaral ng kanyang nanay.Pero sa sa huli? bandang huli nawalan na ng pasensya si

Impeng dahil sa ginawang pang-aapi sa kanya ni Ogor. Opo. Naging matagumpaySiya at may paghanga na naramdaman siya sa mga tao na nakapaligid sa kanila.

Ikalawang Arawl. LAYUNIN

1. Nakapagbibigay halimbawa ng rsismo sa silid-aral, paaralan, at pamayanan.

Page 17: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

2. Naipapahayag ang sariling ideya tungkol sa rasismo.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: IMPENG NEGROMay Akda: Rogelio R. Sikat Mga Kagamitan: Lapis at ¼ pad at manila papaer

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A. Pagpapayaman (25 Minuto)Hatiin sa apat na pangkat ang klase.1. Unang grupo: bubuo ng isang story

mountain tungkol sa mahahalagang pangyayari sa akda.

2. Pangalawang grupo: pagguhit ng tagpuan ng akda at maikling paglalarawan ditto.

Page 18: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

3. Pangatlong grupo: paghahambingkay Ogor at Impeng Negro gamit ang isang ven diagram.

4. Pang-apat ng grupo: pagbibigay

ng halibawa kung paano naipapakita ang racism sa kasalukuyang panahon.

B. Pagpapalawig (25 Minuto)Ipakita ng bawat grupo ang kanilang mga ginawa at talakayin ang kanilang mga sagot. Pag-usapan din kung paano naipapakita sa mga simpleng bagay ang rasism, lalo na sa loob ng silid-aralan, sa paaralan at sa pamayanan.

Racismo:Sa loob ng silid-aralan -pang-aasar ng mga estudyante sa kaklase na iba

ang estado sa buhay.Sa paaralan -pagpili ng kaibigan (maganda-masmaraming

kaibigan)Sa pamayanan -Ikinakahiya at iba ang pakikitungo sa mga

mahihirap.C. Sintesis (10 Minuto)

Page 19: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Pakuhain ng ¼ pad ang mga mag-aaral. Pasulatin sila ng ilang ideya at saloobin nila tungkol sa rasismo. Ididikit ang mga ¼ sa isang manila paper na magsisilbing Freedom Wall ng klase.

Ikatlong Arawl. LAYUNIN

1.Makabubuo ng tula na may paksang buhay nina Impeng Negro at Ogor.

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: IMPENG NEGROMay Akda: Rogelio R. Sikat Mga Kagamitan:

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

A.

B. Sintesis (10 minuto)

Talakayin ng mga mag-aaral sa tulong ng guro ang mga mahahalagang nangyari sa akda at ang mensahe nito tungkol sa rasismo

C. Pangwakas na pagtataya (50 Minuto)

Ipasulat ng maikling tula ang bawat grupo. Maaaring paksa ng tula ang buhay ni Impeng Negro o buhay ni Ogor.

Page 20: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

LINGGO 10Unang Araw

l. LAYUNIN1.Mabasa nang malakas at madamdamin ang tula2.Maibigay ang kasingkahulugan ng mga ilang salita sa tula3.Magamit ang mga salita upang makabuo ng isang pangungusap4.Makasagot sa mga tiyak na tanong tungkol sa tula5.Maibigay ang sariling kaisipan tungkol sa tula6. malapatan ng musika o tugtog ang dalawang ambahan; at7. mapahalagahan ang pagkakaroon ng isang kaibigan

ll. PAKSANG ARALINSusuriing Akda: “Ang Ambahan ni Ambo”May Akda: Ed Marana Mga Kagamitan:

lll. PAMAMARAANPanimulang Gawain

Gawaing Guro

A .Pagganyak (Minuto)

 Gawaing Guro

Magandang umaga mga mag-aaral!

Maaari bang pumaharap si Axcel upang pangunahan tayo sa pananalangin.

Maraming salamat Axcel!Ngayon ay papangkatin ko kayo sa dalawang grupo. Magkakaraon muna tayo ng isang gawain bago natin simulan ang ating talakayan. Magbilang ang bawat isa sainyo ng isa hanggang dalawa.

Maaari bang magsama-sama na ang lahat ng kabilang sa una at ikalawang grupo.

Bawat grupo ay bumuo ng isang bilog. Pagkatapos ay pumili kayo ng isa sa mga miyembro ninyo na siyang bubunot ng sobre dito sa harapan.

Ngayong nakabunot na kayo, tignan ang larawan na nasa loob ng hawak ninyong sobre.

Page 21: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

             Gawaing Mag-aaral

Magandang umaga rin po Gng. Cabalquinto!

(Pupunta sa harapan si Axcel)

(Magbibilang na ang mga mag-aaral)

(Magsasama-sama na nga ang mga magkakagrupo)

Pipili sila ng isang miyembro nila na bubunot sa harapan)

Ang larawang inyong nabunot ay siyang  bubuuin ninyo gamit ang mga larawang nagupit na nasa loob ng inyong sobre. Bibigyan ko kayo ng dalawangminuto upang buuin ang mga larawan. Maaari na kayong magsimula.

Pagkatapos niyo itong mabuo ay maaari niyo na itong idikit sa pisara upang makita ng lahat kung ano ang nabuo ninyong larawan.

Napakahusay ninyo!Kung kanina ay isa sa inyong miyembro ang bumunot, ngayon naman ay muli kayong pipili kung sino sa inyong miyembro ang magpapaliwanag sa mga larawang nabuo ninyo. Mabibigyan ang dalawang mag-aaral ng tig-iisang minuto upang ibigay o sabihin ang pagkakaintindi niya tungkol sa larawan.

Napakaganda ng iyong pagpapaliwanag Rowelyne!Tama nga ang iyong sinabi. Ito aylarawan ng isang kagubatan na nagpapakita kung anu-ano nga ba ang taglay na kagandahan at kayamanan ng ating kalikasan.Ngayon naman ay pupunta si Charisse sa harapan upang magbigay-paliwanag sa nabuo nilang larawan.

(Sisimulan na ng mga mag-aaral ang pagbubuo sa mga larawan)

(Makalipas ang dalawang minuto ay mabubuo na ng magkaibang grupo ang mga larawan. Pagkatapos ay ididikit na nila ito sa pisara.)

(Magpapaliwanag na nga ang dalawang mag-aaral)

(Pupunta si Rowelyne sa harapan at sisimulan na niyang magbahagi ng kanyang kaalaman tunkol sa nabuo nilang larawan.)

Ang larawan po na aming nabuo ay isang larawan ng kagubatan. Kagubatan na nagpapakita ng kagandahan ng ating kalikasan. Ang kalikasan na siyang pinagkukunan natin ng makakain at iba pang pangangailangan katulad na lamang ng mga punongkahoy

Page 22: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

na siyang ginagamit nating panluto at panggawa ng ating bahay at iba pang kasangkapan.

Napakahusay ng iyong pagpapaliwanag Charisse!Totoong nagpapakita ito ng uri ng pamumuhay ng mga taong nakatira malapit sa kagubatan. Dahil dito, napapakain nila ang kanilang pamilya at ang kanilang sarili. Dito sila nabubuhay.

Napakahusay ng inyong pagpapaliwanag! Sadya ngang alam na ninyong magbigay-interpretasyon sa mga larawang nakikita ninyo

B. Pag-alis ng Sagabal

Ang mga larawang nabuo ninyo ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin natin mamaya.Ang mga larawang ito ang magsisilbing gabay ninyo upang sa gayon ay maintindihan ninyo ang paksang ating pag-aaralan.

Ngunit bago ang lahat ay nais ko muna kayong bigyan ng mga kaalamang mas makatutulong pa sa inyo upang sa gayon ay mas mapadali  ninyo ang inyong pag-unawa at pag-intindi sa tekstong ating pag-aaralan.

  Narito ang isang talasalitaan na tutulong sa inyo. Ngayon ay sasagutin ninyo ito.

Ang larawan naman po na aming nabuo ay isang larawang nagpapakita ng mga mangangaso. Ito rin po ay larawan ng isang kagubatan ngunit ang pinagkaiba lamang po ng dalawa ay ang nabuo naming larawan ay nagpapakita ng pangangaso ng mga tao sa kagubatan o dili naman kaya’y  mga taong nakatira malapit sa kagubatan. Ipinapakita rin po rito ang pamumuhay ng mga tao-ang pangangaso. Ang pangangaso ay isang paraan ng paghuli o pagkuha ng mga mababangis na hayop katulad na  lamang ng baboy-damo na siyang nagsisilbing pantawid-gutom nila.

TALASALITAAN:

Panuto: Gamit ang mga pangungusap na siyang tutulong sa inyo sa pag-unawa sa mga salitang nasalungguhitan, ibigay ninyo ang kasingkahulugan ng mga salitang ito.

1. Ang tubig sa ilog ay dumadausdos sa tuwing dumarating ang tagtuyot.

2. Dahil sa pagguho ng lupa, napuno ng suklab ang kalsada.

3. Magaling siyang humilis ng gitara sapagkat tinuruan siya ng kanyang tatay.

4. Kumakalanting ang kampana tu-wing alas-sais.

Page 23: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

5. Ang agung ay ginagamit nila upang magbigay ng isang hudyat.

6. Ang manik ay isang palamuti sa katawan.

bumababatabontumugtogtumutunoggongbutil

7. Ang hihip ay nangangailangan ng pag-ihip upang tumunog.

8. Makasabatko lamang siya ay   masaya na ako.

9. Anas lamang ang narinig ko.

10. Ang dalisdis ng bundok ay mapanganib lalung-lalo na kapag umuulan.

11. Ang mga puno ay nakayungyongsa atin.

Nagbibigay ng _________ ang mga ito.Sa tulong ng talasalitaang sinagot ninyo  ay mas madali niyo nang maiintindihan ang paksang ating tatalakayin ngayon.

3. Pagbibigay ng Pagganyak na Tanong

Bago natin simulan ang ating pagbabasa sa tula, narito ang ilang katanungan sa pisara na siyang magsisilbing gabay ninyo sa pagbabasa.

B. Habang Bumabasa

1. Unang Pagbasa sa Tula

Ngayon, nakatitiyak na akong wala ng sagabal sa inyong pagbabasa.

plawtamakasalubongmahinagilidlilim

Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay pinamagatang “Ang Ambahan ni Ambo” na isinulat ni Ed Maranan.

Ngayon ay bibigyan ko kayo ng tig-iisang kopya. Ngunit hayaan niyo na ako muna ang bumasa sa tula nang malakas at madamdamin upang sa gayon ay magkaroon kayo ng

Page 24: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

batayan kung paano ang pagbasa nito nang wasto.

(Babasahin ng guro ang tula sa harap ng kanyang mga mag-aaral.)

2. Ikalawang Pagbasa sa Tula

Ngayon ay tapos ko nang basahin ang tula nang madamdamin at malakas. Ngayon naman ay bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang basahin ito. Babasahin niyo ito ngayon gaya ng ginawa ko kanina, madamdamin at malakas.

C. Pagtatalakay-Estetiko

Alam ko na hindi na bago sa inyo ang pagbabasa at pagtatalakay tungkol sa isang tula. Ngayon ay una nating bigyan ng pansin kung anu-ano ang mga sangkap ng isang tula.

Kung gayon, ano ang sukat at tugma ng unang ambahan ? Jane Rose.

Mahusay Jane Rose!Ano naman ang sukat at tugma ng pangalawang ambahan? Reymar.

Magaling mga mag-aaral!Sadyang mas magandang pakinggan o basahin ang isang tula kung nagtataglay ito ng sukat at tugma.

C. Pagkatapos Bumasa

1. Pagtatalakay sa Binasa

Nabasa na nga ninyo nang maayos, wasto, malakas at madamdamin ang tula. Ngayon naman ay bibigyan na natin ng kaukulang pansin ang nilalaman ng tula.

Sa una po ma’am, pituhan ang bawat linya at ang mga huling salita sa bawat linya ay may tunog na “o” na walang impit. May sinusunod na tugmaan ang nga taludtod.

Sa pangalawa naman po ma’am, pituhan ang pantig ng bawat linya at ang mga huling salita sa bawat linya ay may tunog na “a” at mahinang katinig (l,m,n,ng,r,w,y).

Sa tingin niyo, sino ang nagsasalita sa tula? Czarina?

  Maraming salamat, Czarina!  Oo, maaari ngang ang may-akda ang siyang nagsasalita sa tula. Mayroon pa bang ibang kasagutan? April?

  Tama! Napakahusay, April!Si Ambo ang siyang nagsasalita sa tula sapagkat gaya nga ng sinabi ni April, ang kanyang sarili at ang uri ng kanyang pamumuhay ang tinutukoy niya. At isa pa, ang tula ay umiikot sa kanyang buhay. 

Page 25: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

  Sa sagot naman ni Czarina kanina, hindi ang may-akda  ang nagsasalita sa tula sapagkat ginamit ng may-akda ang pangunahing tauhan upang masabi niya ang kanyang gustong ipabatid sa mga mambabasa.  Ilarawan mo nga ang mga tauhang gumanap sa kwento? Jade?

Tama! Sino pa ang makapaglalarawan sa iba pang tauhan? Michael?

Magaling Michael!  Sino naman sa inyo ang makapagbibigay sa kahulugan ng salitang “ambahan”? Peter?

Mahusay Peter!Ano pa? John?

Sa tingin ko po ay ang may-akda ang siyang nagsasalita sa tula.

Ma’am, sa tingin ko po ay si Ambo ang nagsasalita sa tula sapagkat tinutukoy niya ang kanyang sarili. Siya raw ang dinalaw ng kanyang mga nakilalang kaibigan na nagmula pa sa malayong lugar.

Ang mga tauhan sa kwento ay sina Jack, Anne, Ambo at ang mga Mangyan. Sina Jack at Anne ay magkapatid at pareho silang mabait sapagkat tumulong sila sa mga Mangyan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang misyon.

Si Ambo po ay isang batang nakatira sa kagubatan. Kasapi rin siya sa grupo ng mga Mangyan. Mayroon siyang maliit na kubo na tahanan niya. Isa rin siyang batang masayahin at palakaibigan.

Ang ambahan po ma’am ay isang tradisyunal na tula ng mga Mangyan.

Ang ambahan po ay mayroong isahang tugma at may sukat na pituhang pantig bawat linya. Wala po itong nakatakdang haba.

  Napakahusay mo naman John!Maaari mo pa ba itong dagdagan, Marivy?

Magaling, Marivy!Tungkol sa ano ang unang ambahan? Selwyne?

Magaling Selwyne!    Tungkol sa ano naman ang ikalawang ambahan ? May-anne?

Tama May-anne!Sa tingin niyo ano ang uri ng pamumuhay ang nararanasan ng mga Mangyan, kabilang na si Ambo? Fredelyne?

Magaling Fredelyne!  Ano sa tingin niyo ang naging kinalabasan ng pagdalaw nina Jack at Anne sa tirahan nina Ambo? Chinky?

Page 26: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

 Tama!Sa tingin niyo, bakit pinamagatan ng may-akda ang tula na “Ang Ambahan ni Ambo”? Mary-anne?

Ang ambahan po ay karaniwang kinakanta at maaaring sabayan ng isang instrumento. Karaniwang tungkol po sa isang sitwasyon sa buhay ang nilalaman ng ambahan.

Ang unang ambahan po ay tungkol sa pakikibagay ng mga dumayo sa buhay ng mga Mangyan.

Ang pangalawang ambahan naman po ay tungkol sa pamamaalam ng mga dayuhan at sa pag-asa ng mga Mangyan na balang araw ay magbalik silang muli.

Batay po sa pagkakaintindi ko sa tula ay katamtamang antas lamang ang pamumuhay nila. Ang tangi po nilang ikinabubuhay ay ang kinukuha nila sa kagubatan at ang pangangaso nila upang mayroon silang pantawid-gutom.

Sa tingin ko po ay nakabuti ang pagdalaw nina Jack at Anne kina Ambo sapagkat natutunan nila kung paano mabuhay sa uri ng pamumuhay na mayroon sina Ambo. Natuto rin ho silang makibagay sa mga tao roon, lalung-lalo na sa mga Mangyan. Naging magkaibigan sina Ambo, Jack at Anne kaya naman masasabi kong mabuti o maganda po ang kinalabasan ng pagdalaw nina Jack at Anne kay Ambo at sa mga Mangyan.

Pinamagatan po itong “Ang Ambahan ni Ambo” sapagkat ang dalawang ambahan ay ginawa ni Ambo upang magpasalamat sa mga dayuhang dumayo o nagpunta sa kanilang lugar. Nagpasalamat siya sa mga karanasang ibinahagi nina Jack at Anne sa kanya at sa mga Mangyan. Sina Jack at Anne ay naging bahagi ng magandang karanasan ng mga Mangyan.  Napakagaling niyo mga mag-aaral. Sadya ngang naunawaan niyo nang mabuti ang tula. Ipagpatuloy niyo iyan mga. Sa pagtatalakay natin sa tulang ito ay napalawak niyo nang husto ang inyong mga isipan at nakapagbahagi kayo ng kaalaman sa inyong mga kasamahan at sa akin.

4.  Pagpapayamang Gawain

Matapos nating matalakay ang tula, magbibigay ako ng ilang gawain upang sa gayon ay mas mapagyaman pa natin ang inyong kaalaman tungkol dito.

  Papangkatin ko kayo ngayon sa apat na grupo. Magbilang kayo ng isa hanggang apat.

 Ngayon, maaari na bang magsama-sama ang lahat ng magkakagrupo.

Bawat grupo ay magtatalaga ng lider. Ngayon, ang bawat grupo ay inaasahang lapatan ng musika o tugtog ang dalawang ambahan o tula.

 Bibigyan ko kayo ngayon ng tatlo hanggang anim na minuto upang malapatan ng musika o tugtog ang dalawang tula.

Page 27: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 1

Pagkatapos niyo itong malapatan ng  musika ay itatanghal niyo ito sa harapan ng klase upang sa gayon ay makita ko kung gaano kayo kagaling sa paglikha ng musika o tugtog.

Prepared by:

GERALDINE CABALQUINTO