35
METALINGGUWISTIKONG PAGTALAKAY SA WIKA AT WIKANG FILIPINO

Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FIL10

Citation preview

Page 1: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

METALINGGUWISTIKONG PAGTALAKAY SA WIKA AT

WIKANG FILIPINO

Page 2: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

KAHULUGAN NG WIKA

Masistemang istruktura ng sinasalitang tunog

Sintaks, may kaayuan, at pagkakasunod-sunod

Isang sistema o kaparaanan

Nagbabago at may pagpapalit

Kaugnay ang kalinangaan ng lugar na pinanggagalingan

Kailangan sa pagkakaunawaan

(Pagbasa/Pagsulat)Binubuo ng piling sagisag at mga kaugalian/kultura

Pagbigkas, kaya kailangan ang pagsasanay

Page 3: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA, KATUTURAN, AT KATANGIAN

- Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.

- Ayon kay Gleason (Tumangan, et al., 2000) sa wika. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Page 4: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

KATANGIAN NG WIKA

ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS- Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong

nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.PONEMA – Tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika.PONOLOHIYA – Makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog.

Page 5: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

MORPEMA – Pinakamaliit na yunit ng salita.MORPOLOHIYA – Makaagham na pag-aaral sa mga morpema ng isang salitaSINTAKS – Tumutukoy sa palabuuan ng mga sugnay, parirala, at pangungusapSEMANTIKS – Pag-aaral ng kahulugan ng isang wikaPRAGMATIKS – Pag-aaral ng aktwal na pagsasalita

Page 6: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat

hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Maaaring tunog na nililikha sa bawat titik o letra at nililikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nangagaling sa baga o ang pinanggagalinagang lakas o enerhiya na lumilikha ng tunog.

Page 7: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY ARBITRARYO- Pinagkasunduan ng isang grupo ng taong

gumagamit ng wika gayundin, ang bawat wika ay may kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang wika.Hal. BAHAY – WIKANG FILIPINO HOUSE – WIKANG INGLES BALAY – WIKANG ILOKANO

Page 8: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY NAKABUHOL SA KULTURA- Pinatutunayan lamang na walang superyr

na wika sapagkat ang bawat wika may sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin, hinuhubog ng wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika. (Sapir at Whorf, w.p)

Page 9: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA- Naaayon ang kanilang wika batay sa

kanilang kultura, ginagamit nila ito sa kung anong pagbabago ang nagaganap sa kanilang kultura at sa kanilang wika ngunit may mga bansa na limitado lamang ang bokabularyo.Hal. WIKANG INGLES – “ICE” WIKANG FILIPINO – “YELO O NYEBE”Pero sa iba ay “GLACIER, ICEBERGS, FROST, HAILSTORM, at iba pa.

Page 10: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

WIKANG INGLES – “RICE”WIKANG FILIPINO – “PALAY, BIGAS, KANIN, BAHAW”Dahilan sa kung kaya’t marami tayong tawag sa “RICE” dahilan ang AMERICA ay Industriyal samantalang ang PILIPINAS ay Agrikultural

Page 11: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY DINAMIKO/DAYNAMIKO- Nagbabago ang wika batay sa

nagbabagong panahon. Nagkakaroon ng mga bagong salita at nakapaglilinang din ng bagong pagpapakahulugan batay sa sumusulong na panahon.

Page 12: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY MALIKHAIN- Paggamit ng wika sa sariling kaparaan at

batay sa sumusulong na mga pangkast ng taong may itinatampok na identidad. Binibigyang-diin nito ang pagiging distinct na anyo ng ekspresiyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag ng damdamin, saloobin o naiisip.Hal. Pamamaraan ng JEJEMON at BEKIMON

Page 13: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN- Ginagamit ang wika sa pagtatamo ng

impluwensya para makapagpabago ng pananaw, makaimpluwensiya ng kaisipan, makabuo ng mga bagong ideya, makapaapekto ng mga pamamaraan at polisiya at higit ay makapagpakilos.

Page 14: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANG WIKA AY NANGHIHIRAMWalang wikang nagtataglay ng kaniyang

sariling galing. Ang pag-unlad ng isang wika ay likas o natural. Ayon sa Resolusyon 96-1 KWF (1996) na ang Filipino ay dumanaranas ng iba’t ibang proseso ng pag-unlad sa pamamagitan ng panghihiram.

Page 15: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

KAPANGYARIHAN NG WIKA

- Makapangyarihan ang wika. Sa ano mang lipunan, kultura at lahi, kinikilala ang hindi matatawarang kapangyarihan ng wika. Wika ang pinakaprominenteng behikulo ng paghahatid ng mga imahe, positibo man o negatibo. Kung baga sa digmaan, ang wika ay isang armas o sandata na panggapi o gagapi sa mga kalaban o kaya’y sandata upang lumaya.

HAL. Mga Akda ni Jose Rizal - El Filibusterismo at Noli Me Tangere

Page 16: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

- Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa mas mabisang pagpapahayag at sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa lipunan.

- Ayon kay Alfonso Santiago, ang wikang di nanghihiram ay patungo sa pagkamatay.

- Nanghihiram ng salita dahil may pangangailangang dala ng pag-usbong ng teknolohiya.

Page 17: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

WIKA, KULTURA, AT POLITIKA

Ang kapangyarihan ang nag-uugnay sa politika at wika. Kung sa politika’y kapangyarihan ang bunga ng mabisang paggamit ng wika, sa wika nama’y kapangyarihan ang dahilan ng impluwensiya ng wika sa ibang tao.

Ang kultura ay tumutukoy sa ano mang natutunan at pinagsasaluhan ng mga tao sa lipunan. Kasama rito ang wika. At sa politika ng mga kultura, ang mga nananaig at nananatili ay iyong kulturang makapangyarihan at malakas. Ang mga kulturang naglalaho at napapalitan ay ipinapalagay namang mahina.

Page 18: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY MICHAEL A.K. HALLIDAY

INTERAKSYONAL- Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa

pagtatatag, pagpapanatili, pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan ang pinakamahusay na halimbawa nito ay mga pormulasyong panlipunan (Magandang Araw, Maligayang kaarawan, “Hi/Hello” at iba na gamit sa pakikipagkomunikasyon.

Page 19: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

INSTRUMENTALAng tungkulin ng wika na ginagamit sa

pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.

HAL.Paggawa ng liham-pangangalakal ay isang

halimbawa na pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t ibang pangangailangan.

Page 20: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

REGULATORIAng tungkulin ng wikang ginagamit sa

pagkontrol o paggapay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling salita, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. HAL.

Pagbibigay ng direksiyon, paalala o babala

Page 21: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

PERSONALTungkulin ng wikang ginagamit sa

pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.

Page 22: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

IMAHINATIBOTungkulin ng wikang ginagamit sa

pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag, at simbolismo. Gimitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, at maikling katha.

Page 23: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

HYURISTIK AT IMPORMATIBOTungkulin ng wika na ginagamit sa

paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibong ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay hyuristik ay ang pagsagot sa tanong ay impormatibo.

Page 24: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

ANTAS NG WIKA

BALBAL O SLANG- Pinakamababang antas ng wika na

kadalasang gamit ng mga taong kalye o tambay.

HAL. 1. Siya ang syota ko! 2. Naku! Si ermat padating. 3. Hoy! Dyan na ang mga parak!

Page 25: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

KOLOKYALIto’y mga pang-araw-araw na salita na

ginagamit sa mga pagkakatong impormal.

HAL. 1. Paabot ng brush. 2. Ganoon ang cellphone ko. 3. Ang cute niya talaga.

Page 26: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

LALAWIGANINIto ang mga bokabularyong dayalektal. Mga

iba’t ibang dayalektong gamit sa ibang lugar.

HAL. 1. Doon ang tirahan namin 2. Si Maria ang aking bana 3. Kahapon ay natayen ang aking alagang aso.

Page 27: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

PAMBANSAIto ang mga salitang karaniwang ginagamit sa

mga aklat na pangwika at wikang tanggap ng marami.

HAL. 1. Saan ka pupunta nanay? 2. Magsumbong ka sa pulis! 3. Nobyo ko yun!

Page 28: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

PAMPANITIKANIto ang mga salitang malalalim na kahulugan

ng mga salita karaniwang ginagamit ng may mataas na pinag-aralan at ito rin ang gamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.

HAL. 1. Sila ay nag-iibigan. 2. Siya na ang magiging ilaw ng aking nais na tahanan 3. Karapat-dapat silang parangalan!

Page 29: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

MGA BARAYI AT REHISTO NG WIKA

Ang VARAYTI ng wika ay nagsasabi ng isang set ng mga linguistic item (morpema, morpolohiya, at ponema) na may magkaparehong distribusyon sa kaligiran.

Ang katangian ng isang varayti ay umaayos lamang sa relasyon nito sa uri ng lipunan, kung sino ang gumagami at kailan ito ginagamit alinsunod sa proseso ng diskurso.

Page 30: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

MGA URI NG BARAYTI

IDYOLEK Isang tiyak na wikang ginagamit ng isang

tao, pansariling wikang na nakabatay sa kanyang pagkatao.

DAYALEKMaituturing itong panrehiyon na wika.

Pinapaunlad mula sa rehiyong kinabibilangan ng tao.

Page 31: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

EKOLEKWikang ginagamit mula sa loob ng tahanan ng isang pamilya.

ETNOLEKNabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga

etnolinggwistikong pangkat ng tao.

SOSYOLEKNabubuo ito dala ng isang malayang talakayang panlipuna,

mula sa tiyak na pangkat ng tao. Ito ay di nagtatagal dala ng panahon at pangangailangan.

REGISTERBaryasyon batay o ayon sa gamit. Tinatawag din itong paraan

o istilo ng pananalita.

Page 32: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

TATLONG DIMENSYON NG REGISTERAYON KAY MICHAEL A.K. HALLIDAY (1978)

1. FIELD – Ayon sa layunin ng diskurso2. MODE – Paano maipapahatid ang mensahe3. TENOR – Batay sa relasyon ng mga kalahok ng

komunikasyon

Ito ay ang istilo ng paggamit ng wika ayon sa antas ng kausap o lagay sa lipunan.

Page 33: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

Ang register ng wika ay may kinalaman sa pormal o di-pormal na pananalita (matanda ba ang kausap mo o may mataas na posisyon sa lipunan pormal ang gamit ng wikang ginagamit.

Mula sa sermon sa simbahan, pormal ang register na wikang gamit.

Page 34: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

HALIMBAWA NG MGA REGISTER NA WIKA

1. WIKA SA PRINT MEDIA2. WIKA SA BROADCAST MEDIA3. WIKA SA ELEKTRONIK MEDIA4. WIKA SA PANGISDAAN5. WIKA SA PAGHABI NG DAMIT6. WIKA SA SEX EDUCATION7. WIKA SA MGA PAGKAING KALYE

Page 35: Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

PIDGINSinasabing walang pormal na anyo ng

istruktura. Nagkaroon ng pagpapalitan ng gamit sa wikang sinasalita at wikang nahahalo sa isang lipunan.

CREOLENagmula sa pidgin ang pagkakabuo nito. At

nagkakaroon ng tiyak na istruktura ng wika.