28
Pumasok Mga Mabilisang Koneksyon Respeto para sa Isa’t Isa ...........................8 Respeto para sa CEVA at sa ating Mga Kasosyo...........................11 Respeto para sa Ating Mga Kustomer, Supplier, at Iba Pang Mga Kasosyo sa Negosyo...16 Respeto para sa Ating Mga Komunidad........................18 Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA Integridad at Respeto ang ating paraan ng pamumuhay.

Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

  • Upload
    voxuyen

  • View
    320

  • Download
    16

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

Pumasok

Mga Mabilisang Koneksyon

Respeto para sa Isa’t Isa ...........................8Respeto para sa CEVA at sa ating Mga Kasosyo...........................11

Respeto para sa Ating Mga Kustomer, Supplier, at Iba Pang Mga Kasosyo sa Negosyo...16Respeto para sa Ating Mga Komunidad........................18

Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVAIntegridad at Respeto ang ating paraan ng pamumuhay.

Page 2: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

2—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Isang Mensahe mula sa ating CEO na si Xavier Urbain........3

Pag-unawa sa Mga Alituntunin.......................................................4

Misyon, Hangarin, at Mga Pagpapahalaga ng CEVA..............7

Respeto para sa Isa’t Isa....................................................................8

Pantay-pantay na Oportunidad, Pagkakaiba-iba, at Pagsasama-sama....................................................................................8

Respeto sa Isa’t Isa at Patas na Pagtrato....................................8

Mga Karapatang Pantao at Dignidad.............................................9

Kalusugan at Kaligtasan.......................................................................9

Mga Droga at Alak...............................................................................10

Privacy ng Datos.....................................................................................10

Respeto para sa CEVA at sa ating Mga Shareholder.............11

Mga Pagsasalungat ng Interes........................................................11

Pag-aari ng Kumpanya, Datos at Oras........................................12

Impormasyon ng Tagaloob...............................................................12

Mga Pinansyal na Tala........................................................................13

Mga Elektronikong na Komunikasyon, Social Media, at Mga Panlabas na Komunikasyon..............................................................15

Respeto para sa Ating Mga Kustomer, Supplier, at Iba Pang Mga Kasosyo sa Negosyo..................................................................16

Pagtuon sa Kalidad...............................................................................16

Kasiyahan ng Kustomer......................................................................16

Mga Kasosyo sa Negosyo..................................................................16

Antitrust at Patas na Kumpetisyon................................................17

Respeto para sa Ating Mga Komunidad......................................18

Mga Komunidad....................................................................................18

Katiwalian at Panunuhol....................................................................18

Mga Regalo at Libangan....................................................................19

Pagsunod sa Mga Pamantayan sa Pangangalakal........................................................................................21

Pagkontrata sa Gobyerno..................................................................22

Mga Pulitikal na Aktibidad................................................................23

Proteksiyon ng Kapaligiran...............................................................23

Disiplina....................................................................................................24

Pag-uulat at Pangangasiwa ng Mga Alegasyon......................25

Paano mag-ulat.....................................................................................25

Anong mangyayari kapag nag-ulat ka........................................26

Fine Print...................................................................................................27

Sertipikasyon...........................................................................................28

Talaan ng Mga Nilalaman

Page 3: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

3—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Sa mga kapwa ko empleyado ng CEVA,

Ikinalulugod kung ibahagi sa inyo Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA. Ito ay sumasakop sa maraming importanteng bahagi, at bilang CEO ako ay umaasa na maintindihan at susunod tayong lahat sa Alituntunin.

Ang ating pangunahing responsibilidad ay ang mga kustomer na gumagamit ng ating serbisyo at umaasa sa ating kadalubhasaan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Mahalaga na maihatid natin ang mataas na kalidad, sulit na serbisyo na kanilang hinihingi at patuloy na pagbutihin ang ating mga pamantayan ng pagganap, upang tayo ay mas maging competitive sa merkado. Ito ang dahilan kung bakit ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ay napaka kritikal. Tinutulungan nito ang pagkaka-hanay, pinatataas ang pagkakapare-pareho, at nagpapalaganap ng pananagutan, sa gayon ay maipatupad natin ang parehong pamantayan ng trabaho, ibahagi ang parehong mga halaga, at maghatid ng walang kamaliang pagpapatupad. Ito ang pangakong dapat natin ibigay sa ating mga kustomers.

Ang Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ay nakakatulong din na protektahan ang ating mga empleyado- ang mga kababaihan at kalalakihan na magkakasamang nagtatrabaho saan mang panig ng mundo upang makapaghatid ng halaga sa ating kustomer. Ang mga empleyado ay ang ating pinakamahalagang pag aari at kinakailangan nating ibigay ang ating pinakamahusay na suporta at pinakamahusay na kasanayan para tulungan silang magtagumpay sa isang matiwasay na kapaligiran. Ang ating mga alituntunin ay nagbibigay ng pamantayan para magawa ang mga nabanggit at para maibigay din natin ang mga inaasahan ng ating mga shareholders, partners at komunidad

Lahat tayo ay dapat nabubuhay sa pagkakapantay pantay, tapat at malinaw, at makamit ang pinakamataas na pamantayan ng

etika, kung saan ito ay ang bumubuo ng pundasyon ng apat na haligi ng respeto ng CEVA:

• Pangkat ng CEVA • Mga Kustomers at Partners ng CEVA • Mga Shareholders ng CEVA • Mga Komunidad

Panghuli, gusto kong maramdaman niyong mayroon kayong kapangyarihang mag-ulat ng mga alalahanin tungkol sa maling asal. Kung may nakikita kayo, sabihin ninyo ito! Sinasabi ng alintuntuning ito kung paano. Dapat ding maintindihan ng lahat na hindi natin binabalewala ang anumang anyo ng paghihiganti laban sa mga empleyadong nag-uulat ng kanilang mga alalahanin nang may magandang loob.

Ang CEVA ay isang nakakatuwa at dinamikong kumpanya, at nagtatrabaho tayo sa isang mabilis at kumpetitibong industriya. Tumatakbo tayo sa lahat ng sulok ng mundo. Upang magtagumpay ang CEVA sa ganitong kapaligiran, ang bawat isa sa atin ay dapat manindigan sa matataas na mga pamantayan ng pagsunod, etika, at integridad ayon sa itinakda sa mga Alituntuning ito.

Xavier UrbainCEO

Isang Mensahe mula sa ating CEO na si Xavier Urbain

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 4: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

4—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Narito ang ilang tip at instrumento upang gawing mas madaling gamitin at unawain ang ating bagong Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo:

Konektado ito sa ating mga pagpapahalagaAng mga alituntuning ito ay mahigpit na konektado sa mga layunin ng tatak at pagpapahalaga ng CEVA; pinakanatatangi sa mga iyon ay “Ang integridad at respeto ang ating paraan ng pamumuhay.” Sa madaling salita, dapat tayong magsumikap lahat na gawin ang tama sa lahat ng oras. Tinutukoy ng mga alituntuning ito ang mga pangunahing pamantayan upang gawin iyon at nagbibigay ito sa atin ng kaunting gabay.

Isipin ang “Respeto”Pinagpangkat-pangkat namin ang lahat ng paksa sa ating mga alituntunin sa apat na malalaking grupo; bawat isa ay may mga sub-topic na lohikal na umaakma nang magkakasama:

• Pangkat ng CEVA • Mga Kustomers at Partners ng CEVA • Mga Shareholders ng CEVA • Mga Komunidad

May sari-sariling seksyon ang bawat isa sa mga ito, at mayroong tala sa online na bersyon na maaari ninyong i-klik upang makita kung ano ang saklaw. Pagkatapos ay may ilan pang seksyon at mga tala sa pag-uulat, disiplina, at “ang fine print.”

Palatandaan ng mga AlituntuninUpang maipamalas ang aming mahahalagang punto, nagdagdag kami ng ilang tulong sa pag-aaral na

tinatawag naming “Palatandaan ng mga Alituntunin.” Binibigyan kayo nito ng dalawa o tatlong halimbawang pangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap sa isang kakumpetensiya tungkol sa mga presyo, may Palatandaan ng mga Alituntunin sa seksyon ng antitrust na tungkol lang doon.

Ilang nangingibabaw na temaUpang makatulong na maitaguyod ang respeto para sa isa’t isa at para sa iba pa nating mga stakeholder, may ilang nangingibabaw na tema ang ating mga Alituntunin na paulit-ulit ninyong makikita, kaya nararapat na tandaan ang mga iyon: • Mahalaga ang Hitsura. Tinatawag ito ng mga abugado na “ang histura ng pagiging hindi tama” – maaaring alam ninyo ito bilang “smell-test.” Kung hindi tama ang hitsura o amoy nito, maaaring hindi nga ito tama. • Kasarinlan at Kalidad. Tayo ay nakikipagkumpitensya para sa negosyo, pumipili ng mga vendor, gumagawa ng mga desisyon, at nagtatakda ng mga presyo nang hiwalay batay sa transparency at • ÇWalang Mga Pagsasalungat. Dapat tayong kumilos lahat para sa pinakamainam na interes ng CEVA araw-araw. Nangangahulugan iyon, halimbawa, na ang ating oras at mga pagsusumikap sa CEVA ay para dapat sa CEVA – hindi sa isa pang negosyo – at ang pagha-hire o pakikipagnegosyo sa isang kapamilya ay hindi maaaring payagan. • Pagiging Patas, Katapatan, at Transparency. Lahat ng ating pakikipag-ugnayan at komunikasyon ay

Pag-unawa sa mga Alituntunin

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 5: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

5—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

dapat patas, matapat, tumpak, at transparent.

Isaisip ang SMARTSa bawat isa sa ating mga pang-araw-araw na trabaho,

maaaring maging mahirap subaybayan ang lahat ng

hinihiling ng mga Alituntunin, ng Mga Panuntunan ng

Negosyo ng CEVA, at lahat ng ating mga patakaran. Narito

ang isang simpleng paraang maaari ninyong sundin upang

isaayos ang inyong pag-iisip kapag mayroon kayong

katanungan sa mga alituntunin – Isaisip ang SMART:

• Stop and think (Huminto at mag-isip). Ang ilang

katanungan at sitwasyon sa mga Alituntunin ay

maaaring maging mahirap. Huwag magmadali:

huminto at mag-isip.

• Master the rules (Alamin nang mabuti ang mga

panuntunan). Suriin ang mga naaangkop na

patakaran ng CEVA para sa gabay at upang

maunawaan ang mga panuntunang naaangkop sa

inyong sitwasyon.

• Analyze (Magsuri). Suriin ang inyong mga

pagpipilian nang nakaayos na ang inyong mga

iniisip at nasa isip na ang mga panuntunan. Isipin

ang inyong mga Compass Point: Pinapahintulutan

ba ito ng mga alituntunin? Ito ba ay tama, tapat, at

etikal? Pinapayagan ba ito ng ating mga patakaran?

Legal ba ito? Ano ang nasa pinakamainam na interes

ng CEVA? Ano’ng magiging hitsura at amoy nito?

• Request help! (Humingi ng tulong!) Komplikado

ang ilang isyu, at maaaring walang malinaw na

sagot. Huwag manghula. Maaari kaming tumulong.

Tanungin ang inyong boss, o isang tao sa Compliance

& Ethics o sa Legal Department para sa tulong.

• Take action (Kumilos). Sa sandaling nagawa

na ninyo ang nasa itaas, handa na kayong kumilos.

Kumilos kayo nang hindi padalos-dalos at batay sa

mga panuntunan at prinsipyo, nakakuha ng tulong

kung kailangan ninyo ito, at isinasaisip ang SMART.

Kaya, kung nahaharap kayo sa isang etikal na problema o

mahirap na pagpipilian, isaisip ang SMART.

Nakakapaghanap ditoKailangan ba ninyong malaman kung saklaw ng ating

patakaran sa panunuhol ang mga “facilitation payment?”

Kung tinitingnan ninyo ito sa isang electronic na device,

pindutin lang ang “Ctrl F” o pumunta sa inyong Menu,

i-klik ang “Find,” at i-tipa ang “facilitation.” O kaya, maaari

ninyong hanapin ang mga pangunahing paksa at ang

naaangkop na numero ng pahina sa Talaan ng Mga

Nilalaman sa umpisa ng mga alituntunin.

Mga link sa iba pang mga patakaranHindi kayo mabibigyan ng mga alituntunin ito ng mga

detalyadong sagot sa lahat ng kailangan ninyong malaman

upang gawin ang inyong trabaho nang nakakasunod.

Ibinabalangkas nito ang mga pangunahing prinsipyo.

Upang matulungan kayong makarating sa mga detalyadong

patakaran at gabay na kinakailangan ninyo, may mga

hyperlink ang mga alituntunin na kaugnay ng mga

pangunahing patakaran sa buong mga alituntunin. Kung

hindi ninyo magamit ang hyperlink, matatagpuan ang lahat

ng patakaran sa CEVANet sa ilalim ng nauugnay na

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 6: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

6—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

tungkulin, o maaari kayong humingi ng kopya sa inyong

manedyer.

DisiplinaTatalakayin ang disiplina sa mga susunod na bahagi ng

mga alituntunin, ngunit sabihin na lang natin na maaaring

magkaroon ng malubhang kahihinatnan ang paglabag

sa mga alituntuning ito, kasama ang pagkakatanggal

sa trabaho at legal na suliranin ayon sa pinapayagan ng

naaangkop na batas.

Alamin ito. Tukuyin ito. Iulat ito.Kung lalabagin natin ang mga alituntunin o mabibigong

siyasatin nang mabuti ang mga paglabag, maaari

nating malantad ang CEVA – at ang ating mga sarili – sa

malubhang pang-empleyo, sibil, gayundin sa kriminal na

pananagutan at kahihinatnan. Ang paglabag sa mga

alituntunin ay maaaring humantong sa pagkakatanggal

sa trabaho, mga kabayaran sa malalaking halaga, at

pagkakakulong. Hinihingi namin sa inyo na iulat kahit na

ang mga posibleng paglabag sa mga alituntunin at iba

pang mga patakaran sa amin upang masiyasat namin ang

mga iyon. Bantayan ang mga senyales na babala o mga

“red flag” ng hindi wastong asal. Kung may nakikita kayo,

sabihin ninyo ito!

• May hiwalay na seksyon sa dulo para sa pag-uulat ng

mga pinaghihinalaang paglabag sa mga alituntunin,

ngunit para sa mabilis na batayan:

– Mag-click dito para sa isang link sa ating

Compliance Hotline:

maaari kayong tumawag sa isang toll-free na

numero o mag-ulat on-line.

– Maaari kayong mag-ulat nang hindi nakikilala

kung gusto ninyo

• Maaari din kayong mag-ulat sa inyong boss, sa

Legal and Compliance & Ethics Department, Human

Resources, sa ating Chief Legal and Compliance

Officer, at kahit sa ating CEO… kahit na sino na

kailangan ninyong makaugnay upang matugunan

ang iyong problema.

Bawal maghigantiMahigpit nating ipinagbabawal ang paghihiganti laban

sa sinumang empleyadong nag-uulat ng isang kilala o

pinaghihinalaang paglabag nang may magandang loob!

Hindi natin babalewalain ang sinumang maghihiganti o

magsasagawa ng masamang pagkilos laban sa isang tao

para sa pag-uulat ng potensyal na maling asal. Kasama sa

paghihiganti ang mga kapansin-pansing bagay (tulad ng

pagpapatalsik sa isang tao para lang sa pag-uulat ng isang

paglabag sa mga alituntunin), at gayundin ang mga hindi

gaanong kapansin-pansing bagay (tulad ng pagsasagawa ng

mga pagkilos hinggil sa empleyo na hindi pinapahintulutan,

ngunit dahil may “kumanta” lang)..

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 7: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

7—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Sa pinakapangunahin nitong antas, wala nang iba pang ginagawa ang ating Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo kung hindi ang itakda ang mga pinakamababang pamantayang dapat tugunan ng bawat empleyado ng CEVA at ng mga kumikilos sa ating ngalan. Ang mga pinakamababang pamantayang ito ay mahigpit na nakakonekta sa Hangarin, Mga Pundasyon, Misyon, at Mga Pagpapahalaga ng CEVA. Sasangguni kami sa mga iyon sa buong Mga Alituntunin, kaya narito ang mga iyon bilang isang paalala:

Ang Ating HangarinAng CEVA ang magiging pinakahinahangaang kumpanya sa industriya ng supply chain na nagpapamalas ng Pagkakaisa, Paglago at Kahusayan.

Ang Ating Mga Pundasyon

• PAGKAKAISA Isang kumpanya – isang koponan • PAGLAGO Lagpasan ang paglaki ng merkado • KAHUSAYAN Ang pagiging perpekto ay ang ating layunin

Ang Ating MisyonCEVA – nagpapadaloy ng negosyo

Ang Ating Mga Pagpapahalaga

• Magiliw tayo sa mga Kustomer • Masigasig at puno tayo ng enerhiya • Nakatuon tayo sa pagganap • Matagumpay tayo • Listo at mabilis tayong tumugon • Itinataguyod at pinapahalagahan natin ang pagkakaiba-iba • Pinapahalagahan natin ang mga tao • Mga dalubhasa tayo sa supply chain • Integridad at respeto ang ating paraan ng pamumuhay

Misyon, Hangarin, at mga Pagpapahalaga ng CEVA

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 8: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

8—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Natural na nagbubunga mula sa ating hangarin ang pagrespeto sa isa’t isa. Ibinubuod ito ng isa sa siyam na sentral na pagpapahalaga sa loob ng tatlong simpleng salita: “Pinapahalagahan natin ang mga tao.” Nagsisimula iyon sa pangunahing pagha-hire at mga desisyon sa empleyo at saklaw nito ang mga pang-araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa lahat ng ating kasamahan sa trabaho. Kasama dito ang lahat mula sa mga miyembro ng Executive Board hanggang sa ating mga empleyadong naglilipat ng kargamento o nagtatrabaho sa bodega. Nangangailangan ito ng bukas at tapat na komunikasyon, patas na pagtrato, at pundamental na kabaitan sa kapwa – lahat ng ito ay nasa ating pinakamainam na interes at idinisenyo upang gawin ang CEVA na magandang lugar upang magtrabaho.

Pantay-pantay na Oportunidad, Pagkakaiba-iba, at Pagsasama-samaNaninindigan kami sa patas na mga kasanayan sa pagha-hire at empleyo, at sa pagtitiyak na may oportunidad ang lahat ng empleyado na umunlad patungo sa ganap nilang potensyal, nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kasarian, katayuang marital, oryentasyong sekswal, pagkakaroon ng kapansanan, edad, opinyong pulitikal, relihiyon, paniniwala, o pinagmulang etnisidad o bansa. Bagkus, gumagawa kami ng mga desisyon sa empleyo na batay sa mga kasanayan, pagganap, paninindigan, etikal na asal, at iba pang mga kwalipikasyon para sa partikular na trabaho. Pinagbabawalan namin ang diskriminasyon laban sa sinumang kandidato para sa empleyo o empleyado sa anumang basehang pinoprotektahan ng batas. Kung pinaghihinalaan ninyong nakakaranas kayo o ang ibang tao ng diskriminasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Human Resources o tumawag sa aming hotline upang masiyasat namin ito, upang makita kung may isyu, at lutasin ito kung mayroon man.

Itinataguyod at pinapahalagahan natin ang pagkakaiba-iba sa lahat ng bahagi ng pagrecruit, empleyo, pagsasanay at promosyon, at nagsusumikap tayong panatilihin ang isang kapaligiran sa lugar na pinagtatrabahuhan na nababatay sa galing at pagsasama-sama. Panghuli, sumusunod tayo sa mga naaangkop na batas sa kalayaan ng pagtitipon-tipon at kolektibong pag-aareglo.

Respeto sa Isa’t Isa at Patas na PagtratoNagsusumikap tayong panatilihin ang isang kapaligiran ng pagtatrabaho na nagbibigay-daan sa ating mga empleyado na makamit ang kanilang ganap na potensyal at nanghihikayat ng pagkamalikhain at

Palatandaan ng mga Alituntunin Mayroon akong isang mapilit na boss, at may mga tiyak siyang deadline at istriktong numerong kailangan kong makamit pagdating ng katapusan ng taon. Sinasabi ba ninyong hindi ko maaaring udyukang magtrabaho nang maigi ang aking koponan upang matugunan ang mga iyon?

Hindi, nagtatrabaho tayo sa isang kumpetitibong negosyo, may mga mataas na inaasahan sa mga sarili natin, at nangangailangang panatilihing masaya ang ating mga kustomer. OK lang na magkaroon ng matataas na pamantayan para sa inyong koponan at mag-udyok ng pagganap. Ngunit, iba iyon sa pagiging mapang-abuso sa isang taong nagtatrabaho para sa inyo, pang-aalipusta ng kasamahan, o pagbu-bully sa isang taong mas mababa ang katungkulan – lahat ng ito ay ipinagbabawal natin.

Respeto para sa Isa’t Isa

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 9: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

9—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

pagiging produktibo. Ang lahat ng ating empleyado ay may karapatang tratuhin nang may konsiderasyon at respeto. Hindi natin pinapayagan ang anumang anyo ng karahasan, pananakot, o panggigipit, kasama ang sekswal na panggigipit at mga hindi kanais-nais na sekswal na pahiwatig, sa pinagtatrabahuhang lugar. Halimbawa, hindi natin pinapayagan ang “pagbu-bully” o pagbabanta ng mga supervisor o iba pang mga empleyado. Dapat naman talagang may asahan ang ating mga manager sa kanilang mga kawani, ngunit hindi natin pinapayagan ang mga personal na pag-atake, mga banta, o iba pang mga anyo ng mapang-abusong pag-uugali. Sa halip, mataas ang inaasahan natin sa ating mga boss at manager na sumunod sa mga alituntunin at mamuno sa pamamagitan ng pagiging halimbawa. Dahil sa katangian ng pagiging samu’t sari ng ating lakas-paggawa, dapat isagawa ang lahat ng ating aktibidad sa isang paraang nagsasali sa lahat. Halimbawa, dapat iwasan ang ilang partikular na anyo ng libangan kung hindi maisasama ang mga

miyembro ng ating lakas-paggawa.

Mga Karapatang Pantao at DignidadNirerespeto natin ang mga pangunahing karapatang pantao at dignidad ng lahat ng ine-employ at

kinakatrabaho natin. Pinagbabawalan natin ang lahat ng anyo ng pang-aalipin, pangangalakal ng tao, sapilitang paggawa, at pagpapatrabaho sa mga bata ayon sa tinutukoy ng naaangkop na batas. Sinusunod natin ang mga naaangkop na legal na pangangailangan para sa mga pinakamababang edad ng pagtatrabaho sa mga bansa kung saan tayo nagtatrabaho. Sumusunod tayo sa mga pambansa at lokal na batas sa mga oras, sahod at benepisyo ng pagtrabaho.

Kalusugan at KaligtasanNagsusumikap tayong magtrabaho sa isang malusog at ligtas na paraan. Tayo ay naninindigan sa pagbibigay sa ating mga empleyado ng isang malusog at ligtas na kapaligiran sa pagtatrabaho na sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas at pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho. Tayo ay nagsasagawa rin ng trabaho sa isang paraang rumerespeto sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga kustomer at ng mga komunidad kung saan tayo tumatakbo. Upang suportahan ang mga pagsusumikap ng Kumpanya, ang lahat ng empleyado ay dapat mag-ulat kaagad ng mga hindi kanais-nais na pangkalusugan o pangkaligtasang insidente o kundisyon, kasama ang nasirang kagamitan o makinarya at mga aksidente, sa kanilang boss o lokal na pangkaligtasang tauhan. Ang lahat ng pinsala ay dapat iulat sa inyong supervisor. Gaya ng sinasabi ng ating salawikain sa kaligtasan, “Huwag kailanman daanan ang isang problema.”

Para sa ilan sa atin, ang kahulugan ng pagiging ligtas ay ang wastong pagpapatakbo sa isang forklift sa isang bodega at pagsusuot ng naaangkop na pangkaligtasang kasuotan, gaya ng pananggalang salaming de kulay o mga bota. Para sa iba, ito ay nangangahulugang pagsusuri ng dokumentasyon ng daungan para sa mga mapanganib na materyales. At para naman sa iba, maaari lang itong mangahulugang pakikilahok sa mga emergency na drill

Palatandaan ng mga Alituntunin Kamakailan lang nagkaroon ang aking site ng isang malaki at bagong kustomer mas puno at mas abala ang aming bodega kaysa dati. Nag-aalala akong hindi namin nagagawa ang mga pulong pangkaligtasan na dapat naming ginagawa, at nagiging pabaya ang mga tao dahil sinusubukan nilang matapos ang kanilang trabaho nang mabilis. Ano ang dapat kong gawin?

Iulat ito! Sabihan ang inyong boss, makipag-ugnayan sa aming Health, Safety and Environment Group, o tumawag sa hotline – sa CEVA, gusto naming magsalita ang mga tao kapag mayroon silang mga pangkaligtasang alalahanin! Tandaan: Huwag kailanman daanan ang isang problema!

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 10: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

10—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

at mga pagsasanay para sa kaligtasan. Ibig sabihin, tayong lahat ay dapat magtrabaho sa isang paraang makakapagpanatili sa atin, sa ating mga kasamahan sa trabaho at sa ating mga komunidad na ligtas.

Droga at AlakAlinsunod sa ating kultura ng pagpapahalaga sa kaligtasan, patakaran ng CEVA na panatilihin ang isang walang droga at walang alak na kapaligiran sa trabaho. Ang paggamit ng alak at ilegal na droga ay maaaring lumikha ng malulubhang panganib sa kalusugan at kaligtasan sa pinagtatrabahuhang lugar. Dapat sumunod ang mga empleyado sa lahat ng batas at regulasyon hinggil sa paggamit o pagmamay-ari ng alak, ilegal na droga, at mga pinaghihigpitang substansiya. Istrikto nating ipinagbabawal ang paggamit, pagbebenta, pamamahagi, o pagmamay-ari ng alak, ilegal na droga, o iba pang mga ilegal na substansiya habang nasa trabaho, nasa pag-aari ng Kumpanya, o habang abala sa negosyo ng Kumpanya. Kasama dito ang ilegal o hindi wastong paggamit ng mga pinaghihigpitang substansiya. Sa mga hiwalay na pagkakataon, gaya ng mga handaan ng Kumpanya, ang paghahanda ng alak sa mga opisina ng CEVA at iba pang mga gusali ay pinapayagan pagkatapos ng pag-apruba ng pamamahala. Hindi maaaring mag-ulat ang mga empleyado sa trabaho o manatiling naka-duty (i) nang may tama ng alak o anumang pinaghihigpitang substansiya, (2) kung sila ay pinahina ng pagkonsumo ng anumang substansiya, o (3) kung nagtataglay o kumonsumo sila ng isang ilegal o hindi pinapahintulutang pinaghihigpitang substansiya.

Privacy ng DatosPinapahalagahan at nirerespeto namin ang personal na privacy ng aming mga empleyado at ang lahat ng kanilang personal na impormasyong pinoprotektahan ng batas. Kasama dito ang pagprotekta sa pribadong impormasyong pangkalusugan at medikal, personal na nakapagpapakilalang impormasyon, at iba pang personal at pribadong impormasyong nasa pag-aari ng Kumpanya. Kasama rin dito ang personal at kumpidensyal na impormasyon ng ibang mga tao na maaaring mayroon tayo bilang bahagi ng ating negosyo. Maaaring maging halimbawa ang pangalan at apelyido, direksiyon ng bahay, at numero ng telepono ng isang indibidwal na ginagamit upang maghatid ng kargamento para sa isa sa ating mga kustomer. Bilang isang Kumpanya, tayo ay sumusunod sa ating Patakaran sa Privacy at sa lahat ng naaangkop na batas sa privacy ng datos, at dapat din nating respetuhin ang privacy ng ating mga kasamahan.

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 11: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

11—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Kasabay ng pagrespeto sa bawat isa sa libu-libong indibidwal na nagtatrabaho upang Padaluyin Ang Negosyo para sa ating mga kustomer, dapat din nating respetuhin ang CEVA bilang isang institusyon at ang mga shareholder nito, na nagkakaloob sa atin ng mga pag-aari ng CEVA. Narito kung paano:

Mga Pagsasalungat ng InteresAng pinakamahalagang paraan upang magpakita ng respeto para sa CEVA ay ang pag-iwas sa mga pagsasalungat sa pagitan ng mga interes ng CEVA at ng iba pang mga interes. Dapat gawin ng bawat isa sa atin ang ating mga trabaho nang tapat sa CEVA, batay sa mga pinakamainam na interes ng CEVA, at walang mga personal na konsiderasyon. Dapat nating iwasan ang anumang aktibidad, ugnayan, o pagkakataon kung saan sumasalungat, o kahit na nagmumukhang sumasalungat lang, ang sarili nating mga personal na interes sa mga interes ng CEVA. Maaaring magkaroon ng mga pagsasalungat ng interes sa maraming iba’t ibang sitwasyon. Kaya dapat tayong maging maingat na bantayan, tukuyin, iwasan, iulat, at siyasatin ang mga iyon. Narito ang ilang halimbawa ng mga sitwasyon ng potensyal na pagsasalungat:

• Mayroon kayong miyembro ng pamilya na gustong magtrabaho sa CEVA. (Maliban kung iba ang hinihiling ng lokal na batas, ang mga miyembro ng pamilya ay hindi maaaring magtrabaho sa isang direktang supervisory na ugnayan o kung saan ang kanilang empleyo ay maaaring magdala ng mga problema hinggil sa pangangasiwa o moral, o lumikha ng anumang iba pang pagsasalungat ng interes. Ang dahilan ay maaari kayong magkaroon ng pagsasalungat sa pagitan ng inyong katapatan sa pamilya at sa inyong mga tungkulin sa CEVA. Bagama’t hindi natin istriktong ipinagbabawal ang pagha-hire o pag-employ ng mga kamag-anak, ito ay isang lugar kung saan kritikal ang transparency at pagpapasyang walang kinikilingan.) • Mayroon kayong pinansyal na interes o trabaho para sa isang potensyal na kakumpitensya ng CEVA, o isang interes sa isa pang kumpanyang may potensyal na pangnegosyong ugnayan sa CEVA. (Sa unang halimbawa, kikilos kayo nang direktang laban sa mga interes ng CEVA, para sa sarili ninyong personal na kapakanan. Sa pangalawa, magkakaroon pa rin kayo ng pagsasalungat dahil magkakaroon kayo ng mga magkahiwalay na insentibo na maaaring hindi makabuti sa CEVA.) • Papasok kayo sa empleyo sa labas o iba pang mga pangnegosyong aktibidad na nakakasagabal sa inyong trabaho para sa CEVA. (Halimbawa, kayo at ang inyong asawa ay mayroong dadag na hanapbuhay na ganap na walang kaugnayan sa negosyo o industriya ng CEVA, na karaniwan ninyong ginagawa tuwing gabi at tuwing katapusan ng Linggo. Kahit na maaaring hindi direktang laban sa mga interes ng CEVA ang mga aktibidad na iyon, maaaring makasagabal ang mga iyon sa inyong responsibilidad

Respeto para sa CEVA at ating Mga Shareholder

Palatandaan ng mga Alituntunin Maaari ko bang i-kuhanin ang aking kapatid upang magtrabaho para sa akin?

Sa karamihan ng mga bansa, hindi. Ngunit maaari ninyong irekomenda ang inyong kapatid para sa isang posisyong sa tingin ninyo ay kwalipikado siya hangga’t inaamin ninyo ang inyong ugnayan, walang magiging direktang ugnayan ng pag-uulat sa inyong kapatid, at ang maaari itong hiwalay na pagpasyahan ng taong gagawa ng desisyon sa pagha-hire.

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 12: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

12—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

na gawin ang inyong trabaho para sa CEVA. Kayo ang bahala kung ano ang gagawin ninyo sa sarili ninyong oras, ngunit hindi maaaring makasagabal sa inyong trabaho para sa CEVA ang ibang mga pangnegosyong interes.) • Mayroon kayong kaibigan na may negosyong makikinabang kung bibigyan ninyo siya ng mga pangalan ng kontak ng mga kustomer ng CEVA, at hinihiling ng inyong kaibigan na maghanda kayo ng mga pulong kasama ng mga kontak ng inyong kustomer. (Malamang na hindi ninyo maaaring gawin iyon, maliban na lang kung mayroon talaga itong aktwal na pakinabang para sa CEVA at mga kustomer nito – hindi lang para sa inyo at sa inyong kaibigan.) Transparency ang susi sa lahat ng mga isyu ng pagsasalungat. Sabihan ang inyong boss o makipag-ugnayan sa Legal, Compliance & Ethics Department upang makatulong kaming gumawa ng magandang desisyon. Maaari naming matugunan nang madali ang marami sa mga sitwasyong ito, hangga’t bukas at tapat tayo tungkol sa mga iyon.

Pag-aari, ng Kumpanya, Datos, at OrasBukod sa pagkilos nang nasa mga pinakamainam na interes ng CEVA, dapat tayong maging magagaling na tagapangalaga ng Kumpanya at mga asset nito. Para sa respeto sa CEVA at mga kasosyo nito, lahat tayo ay may responsibilidad na bantayan at gamitin nang wasto ang mga ari-arian ng CEVA. Kaya hindi natin maaaring gamitin ang kagamitan, paggawa, panustos, pasilidad, at iba pang mga pag-aari o ari-arian ng Kumpanya para sa personal o iba pang mga layuning hindi para sa CEVA maliban kung inaaprubahan ng pamunuan. Gayundin, dapat nating ingatan ang pagmamay-ari at iba pang mga yaman ng CEVA at hindi sayangin ang mga iyon. Maaari itong magkaroon ng maraming anyo. Maaari itong maging kasing-simple ng pagsunod sa mga kinakailangan ng badge sa inyong pasilidad at ang hindi pagpapabayang makapasok ang mga hindi pinapahintulutang bisita sa

pintuan sa inyong likod. O kaya, ang hindi pagbabahagi sa inyong password. O ang pag-imprinta kapag talagang kailangan lang ninyo. O kung nagbibiyahe kayo para sa CEVA, ang pagtiyak na ligtas ang inyong laptop sa paliparan at sa inyong hotel. O ang paniniguradong nakukuha ninyo ang pagsusuri at mga pag-apruba na kinakailangan ng ating Mga Panuntunan sa Negosyo para sa paggastos ng pera o pag-oobliga sa CEVA.

Kasama rin dito ang pagprotekta sa intelektwal

na pag-aari ng CEVA, gaya ng mga patente, tatak-pangkalakal, paglalathala, sekretong pangkalakal, at iba pang propyetaryo na impormasyon laban sa hindi pinapahintulutang paggamit o pagkabunyag, Maaaring maging iba’t ibang bagay ang intelektwal na pag-aari, gaya ng mga planong pangnegosyo, teknikal na datos, pinansyal na datos, datos ng operasyon, mga listahan at impormasyon ng kustomer, personal na datos ng mga empleyado, at iba pang kumpidensyal na impormasyon tungkol sa negosyo, mga operasyon, at mga plano ng CEVA. Hindi tayo maaaring magbunyag ng impormasyong hindi nalalaman ng pangkalahatang publiko para sa

personal na kapakanan o para sa pakinabang ng sinuman maliban sa Kumpanya. Gayundin, dapat din nating respetuhin ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari ng iba pang mga tao at kumpanya. Halimbawa, hindi tayo dapat gumamit ng isang sikretong listahan ng kustomer na dinala ng isang taong na-hire natin sa CEVA, o kumopya ng mga impormasyon sa mga talaarawang pangkalakal na nakalathala, o maglipat ng mga pekeng produkto nang sinasadya.

Dagdag pa rito, ang ating mga tala at impormasyon ay mga yaman ng kumpanya, at dapat nating tratuhin ang mga iyong bilang ganoon. Nangangahulugan iyon na panatilihin nating maayos ang kalagayan ng mga iyon hanggang sa panahong kinakailangan nating gawin iyon, ayon sa itinakda sa ating patakaran ng Total Records and Information Management (“TRIM”) at sa iskedyul ng pagpapanatili. Kailangan din nating sumunod sa ating patakaran sa Abiso ng Pagpreserba ng Dokumento (Document Preservation Notice Policy) na hinihingi sa ating panatilihin ang lahat ng dokumento at impormasyong may kinalaman sa partikular na paglilitis at mga pagsisiyasat hanggang sa maabisuhang huwag na.

Kasama sa pagrespeto sa mga pag-aari ng CEVA ang tamang paggamit sa ating oras. Bagama’t pinapahalagahan natin ang mga pahinga sa araw ng trabaho at pinapayagan ang mga nagkataong personal na tawag, email, at iba pang aktibidad, sa pangkalahatan, ang oras natin sa CEVA ay dapat na oras para sa CEVA. Hindi tayo kailanman dapat nagtatrabaho para sa mga negosyo maliban sa CEVA habang nagtatrabaho sa CEVA.

Impormasyon ng TagaloobIpinagbabawal ng patakaran ng CEVA at mga batas ng karamihan ng mga bansa ang hindi wastong paggamit ng kumpidensyal na impormasyon sa seguridad ng pangangalakal. Sa pamamalakad ng ating mga pangnegosyong aktibidad, maaari tayong makaalam ng impormasyong hindi pampubliko hinggil sa negosyo, mga operasyon o seguridad ng CEVA, o ng ating mga kustomer o vendor. Maaari itong mangyari dahil sa inyong

Palatandaan ng mga Alituntunin Nangangahulugan ba iyon na hindi ako pinapayagang gamitin ang aking computer para sa anumang mga personal na layunin? Maaari ba akong makakuha ng mga email tungkol sa koponan sa football ng aking anak, o gamitin ito para sa isang dagdag hanapbuhay ko at ng aking asawa? Hindi pinagbabawalan ng CEVA ang lahat ng personal na paggamit ng mga computer, hangga’t kaunti lang ito, hindi nakakasagabal sa inyong trabaho para sa CEVA, at legal, naaangkop, at pinapayagan naman ng ating mga patakaran. Kaya OK lang na mag-email tungkol sa koponan sa football ng inyong anak, ngunit hindi OK na gamitin ito para sa negosyo maliban sa CEVA.

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 13: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

13—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

trabaho – halimbawa, kung nagtatrabaho kayo sa pinansya at naghahanda ng mga panghuhulang pinansyal – o dahil nakarinig lang kayo ng bagay sa koridor o kantina Anuman ang paraan kung paano ninyo natutunan ang isang bagay, mahigpit na ipinagbabawal ng CEVA ang pangangalakal ang seguridad pangangalakal sa basehan ng impormasyong hindi pampubliko (karaniwang tinatawag na “Impormasyon ng Tagaloob”) kung makabuluhan ito. Ipinapalagay na makabuluhan ang impormasyon kung ituturing itong mahalaga ng isang mamumuhunan sa

pagpapasya kung bibili, magbebenta, o magpapanatili ng seguridad.

Kasama sa mga halimbawa ng mga bagay na maaaring

makabuluhan ang mga pinansyal na resulta at panghuhula; mga posibleng merger, acquisition, divestiture, joint venture, at pamumuhunan; pagkuha o pagkawala ng mahahalagang kontrata; at iba pang mahahalagang kaganapan sa paglilitis. Labag sa batas at sa ating patakarang seguridad ng mangalakal batay sa makabuluhang impormasyon ng Tagaloob. Nangangahulugan iyon na hindi ninyo maaaring gamitin ang impormasyon sa inyong sarili, at hindi rin kayo maaaring magbigay ng “tip” sa isang tao upang magamit niya ito.

Mga Pinansyal na TalaIsa sa mga pangunahing paraan kung paano tayo nagpapakita ng respeto para sa ating mga shareholder ay ang pagtitiyak na ang lahat ng ating mga libro, tala, at account ay kumpleto, napapanahon, totoo at tumpak na nagpapakita ng ating mga yaman, pananagutan, at transaksyon. Kinakailangan ito upang siguraduhin ang katapatan at transparency, pigilan ang panloloko, at gayundin upang maaari tayong makapaghanda ng mga maaasahang pinansyal na pagpapahayag alinsunod sa mga naaangkop na prinsipyo ng pagtutuos at mga pamantayan ng pinansyal na pag-uulat. Pinagbabawalan natin ang pamemeke ng ating mga libro at tala (balance sheet, mga ledyer, at mga pinansyal na ulat, atbp.), gaya ng maling pagkatawan sa mga transaksyon, pagtatago ng mga pondo o mga kwenta, pag-uulat ng mga transaksyong nasa maling yugto ng panahon, o iba pang mali o mapanlinlang na impormasyon. Ang ating Mga Panuntunan sa Negosyo, mga patakaran sa pinansya at accounting, at iba pang mga kontrol ng CEVA ay sumusuporta sa prinsipyo ng katumpakan. Istriktong ipinagbabawal ang mga wala sa mga libro na transaksyon

Palatandaan ng mga Alituntunin Katapusan na ng quarter, at gusto ng aking boss na baguhin ko ang ilan sa aming mga ulat sa pinansya upang makatulong na maabot ang aming mga layunin. Hindi ako sigurado tungkol dito, ngunit sinasabi niyang ginagawa ito ng lahat, maaari naming ibalik ang mga iyon sa dati sa mismong pagtatapos ng quarter, at walang makakaalam. Ano ang dapat kong gawin? Magalang ngunit may-paninindigang sabihin sa inyong boss na hindi ka kumportable sa ganoon. Kung ipinipilit niyang gawin mo ang isang bagay kung saan hindi ka kumportable, tumawag sa isa pang miyembro ng pamamahala, sa inyong contact sa Legal o Compliance & Ethics o sa hotline.

Palatandaan ng mga Alituntunin Gusto kong “i-personalize” ang lagda ng aking email upang magsama ng isang maigsing pulitikal na pahayag sa isang isyung mahalaga sa akin at gayundin ng isang nakakatawang logo na sa tingin ko ay magiging nakakatuwa para sa iba – OK lang ba iyon?

Hindi. Una, walang kinalaman ang mga iyon sa negosyo ng CEVA at hindi dapat isama. Pangalawa, tandaang kinakatawan ninyo ang CEVA: bagama’t maaaring iniisip ninyong mahalaga ang isyu at nakakatawa ang logo, maaaring makasakit ang mga ito sa iba, na maaaring tumuring dito bilang posisyon ng CEVA. Siguraduhing sundin ang mga alituntunin ng CEVA sa mga digital na komunikasyon. Kung gusto ninyong mag-email tungkol sa ganoong mga bagay, gamitin ang inyong personal na email account sa sarili ninyong oras at huwag gamitin ang pangalan ng CEVA sa mga komunikasyong iyon.

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 14: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

14—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

at mga “pangalawang pangkat ng mga libro.”

Dapat siguraduhin ng bawat isa sa atin na kumpleto, napapanahon, at tumpak ang lahat ng impormasyong napupunta sa mga libro at tala ng CEVA. Isipin, halimbawa, ang mga ulat ng gastusin. Maaaring magmukhang nakakainip o hindi mahalaga ang mga ito, ngunit tinutulungan tayo nitong siguraduhing tama ang ating mga libro at tala. Tumpak ba ang iyong ulat ng gastusin? Nakamit ba nang aktwal at patas ang lahat ng mga gastusin? Kung humihiling kayo ng na maisauli sa inyo ang ginasta para sa hapunan, nagsama ba kayo ng resibo, at itinala kung sino ang dumalo? Walang maaaring mag-apruba ng sarili nilang mga gastusin, kaya kapag maraming antas ng mga empleyado ng CEVA ang dumalo, ang pinakamataas na lokal na antas ang dapat magbayad. Isa pang halimbawa ang mga tala ng oras. Matapat bang ipinapakita ng mga tala ng inyong oras ang mga oras na tinrabaho ninyo? O upang tumingin sa ibang konteksto: tumpak bang ipinapakita ng inyong mga daungang dokumento ang pinagmulan at patutunguhan ng ating mga kargamento? Inihahayag ba ng mga iyon ang totoong shipper, tagagawa, at paraan ng pagbayad? Ang bawat isa sa atin ay may papel na gagampanan sa pagsuporta sa mga tumpak na libro at tala.

Ipinagbabawal din natin ang lahat ng anyo ng money laundering. Ang money laundering ay isang hindi lehitimong pinansyal na aktibidad at pamemeke ng mga pinansyal na tala upang magtago ng kriminal na aktibidad o mga kita, na karaniwang konektado sa terorismo, pangangalakal ng ipinagbabawal na gamot, at hindi wastong pag-iwas sa mga buwis. Halimbawa, inilo-”launder” ng mga tulak ng droga ang perang kinikita nila nang ilegal sa pamamagitan ng pagpapasa nito sa isang legal na kumpanya, upang gawin itong mukhang lehitimo. Upang maiwasang magamit ang CEVA sa pagtulong na mag-launder ng pera para sa ilegal na aktibidad, napakahalagang “kilalanin ninyo ang inyong

kustomer” at maging alerto sa kahina-hinalang aktibidad (mga cash na transaksyon, hindi kilalang pangkat, kakaibang kahilingan sa pagbayad o paglilipat ng pondo).

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 15: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

15—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Mga Electronik na Komunikasyon, Social Media, at Mga Panlabas na KomunikasyonPinapahalagahan natin ang privacy ng lahat ng ating empleyado at ang lahat ng kanilang personal na impormasyong pinoprotektahan ng batas. Dapat din nating kilalanin na ang lahat ng ating mga elektronikong komunikasyon at impormasyon (kasama ang mga email, kaagad na mensahe, tekstong mensahe, aktibidad sa internet, at iba pang elektroniko na datos at impormasyon sa mga computer, kagamitan, at mga sistema ng Kumpanya) ay inilaan para sa negosyo ng Kumpanya, pagmamay-ari ng CEVA, at nasa ilalim ng kontrol ng Kumpanya, alinsunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon.

Alinsunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon, at sa ilalim ng ating Patakaran sa Privacy at Patakaran sa Seguridad ng Impormasyon, tayo, bilang mga empleyado ng CEVA, ay dapat walang inaasahang privacy habang ginagamit ang mga sistema o kagamitan ng CEVA, at may karapatan ang CEVA na subaybayan at siyasatin ang mga elektronikong komunikasyon, computer, kagamitan, at sistema, kasama ang mga email, paggamit ng internet, telepono, at iba pang mga aparatos alinsunod sa mga naaangkop na batas. Katanggap-tanggap ang responsable at nagkakataong personal na paggamit ng mga empleyado ng CEVA, ngunit paminsan-minsan lang dapat ito, nasa labas ng mga oras ng trabaho hangga’t maaari, at hindi dapat makasagabal sa ating mga responsibilidad o pagiging produktibo.

Gayundin, pinapahintulutan ng CEVA ang paggamit ng sosyal medya na angkop, responsable, at nauugnay sa negosyo upang paigtingin ang ating mga pakikipag-ugnayan at komunikasyon sa mga kustomer, kasamahan sa trabaho, vendor, pinuno sa negosyo, medya, at iba pa, at upang palawakin ang kamalayan sa tatak ng CEVA. Ang ating Patakaran sa Sosyal Medya ay humihiling ng

katapatan at transparency para sa lahat ng paggamit ng sosyal medya, pag-apruba kung opisyal kayong gumagamit ng sosyal medya para sa CEVA, and na mayroon kayong marunong na paghusga. Kung personal kayong gumagamit ng sosyal medya at sa sarili ninyong oras, huwag katawanin ang inyong mga pahayag, komento, posisyon, o paniniwala bilang sa CEVA.

Upang siguraduhing nagbibigay tayo ng alinsunod, tapat at wastong mga panlabas na komunikasyon, mga pinapahintulutang tauhan ng CEVA (ating tauhan sa executive na pamamahala, Legal, at Marketing & Communications) lang ang maaaring tumugon sa mga hiling ng pangatlong partido. Ang anumang pakikipag-ugnayan mula sa pamahalaan, mga mamumuhunan, tagasuri, medya, at publiko, ay dapat pangasiwaan ayon sa isinaad sa ating patakaran at alituntunin sa mga komunikasyon. Kaya kung nakakuha kayo ng tawag mula sa medya, mangyaring tumawag sa Marketing & Communications; kung isang subpoena mula sa pamahalaan, tumawag sa Legal; o kung isang abiso sa buwis, tumawag sa Tax.

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 16: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

16—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Ang dalawa sa ating siyam na sentral na pagpapahalaga ay magiliw tayo sa ating mga kustomer, at hinihikayat tayo ng pagganap. Mahalaga ang mga ito sa pagpapakita ng respeto ng CEVA para sa mga kustomer, supplier, at iba pang mga kasosyo sa negosyo nito. Sa CEVA, nakikipagkumpitensya tayo para sa negosyo at binibigyan ang ating negosyo nang patas, walang kinikilingan, at sa basehan ng kalidad ng mga serbisyong binibili at ibinebenta natin. Sa paggawa nito, at sa pagiging madaling pakitunguhan, makakagawa tayo nang higit pa kaysa sa alinman sa iba pa nating mga pagpapahalaga upang matulungan tayong maging pinakahinahangaang kumpanya sa industriya ng supply chain.

Pagtuon sa KalidadMahalaga sa ating negosyo ang paninindigan sa kalidad. Kinakailangan ito ng ating pundasyon ng Kahusayan at pananalig sa Pagganap nang Walang Kamalian. Gayundin, mayroon tayong kultura ng tuluy-tuloy na pag-unlad. Upang makamit ang pinakamatataas na pamantayan sa kalidad, walang tigil tayong magtatrabaho upang pahusayin ang ating mga proseso para sa pakinabang ng ating mga kustomer. Hindi lang ito naaangkop sa ating mga operasyon, ngunit pati na rin sa ating ugali at asal. Sa lahat ng ating mga pakikitungo sa mga kustomer, kakumpitensya, at supplier, makikipagnegosyo tayo – at mahuhusgahan – batay sa kalidad ng ating mga serbisyo.

Kasiyahan ng KustomerGaya ng inihahayag ng ating mga pagpapahalaga, hinihikayat tayo ng pagganap at tayo ay matagumpay, at mga dalubhasa tayo sa supply chain. Nakadepende sa atin ang ating mga kustomer. Pinagkakatiwalaan nila tayo na ilipat ang kanilang mga produkto at pamahalaan ang kanilang mga imbentaryo. Kaya nagsusumikap tayong gawing matagumpay ang ating mga kustomer. Ang ating kaalaman sa mga pandaigdigan at lokal na kinakailangan ng ating mga kustomer at merkado ang namumuno ng ating mga aktibidad. Isinasama at binibigyan natin ng priyoridad ang pagtuon sa kustomer sa lahat ng mga proseso, proyekto, at transaksyon ng ating negosyo. Halimbawa, kung kasali kayo sa pagsisilbi sa isang partikular na kustomer, dapat ninyong maunawaan kung ano ang ipinangako ng CEVA sa isang kustomer sa kontrata nito at ng kustomer at paano ito nalalapat sa inyong trabaho, at pagkatapos ay tiyaking ginagawa natin ang sinabi nating dapat gawin.

Mga Kasosyo sa NegosyoNaninindigan tayo sa pakikisosyo sa iba pang mga pangkat at indibidwal na nakakatugon sa mga pamantayang itinatakda natin para sa ating Kumpanya. Sa pagpili ng mga kasosyo sa negosyo, naghahangad tayong makatrabaho ang mga supplier, vendor, subkontraktor, kasangguni, at ahenteng nagsasagawa ng kanilang negosyo at magsasagawa ng kanilang negosyo kasama at sa ngalan ng ating Kumpanya alinsunod sa mga panuntunan ng batas at regulasyon at sa ating integridad na mataas ang mga pamantayan.

Respeto para sa Ating Mga Kustomer, Supplier, at Iba Pang Mga Kasosyo sa Negosyo

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 17: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

17—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Antitrust at Patas na Kumpetisyon

Naninindigan ang CEVA sa malayang proyekto at patas na kumpetisyon. Bilang isang pandaigdigang kumpanya ng supply chain, nabubuhay ang CEVA sa malayang pangangalakal. Samakatuwid, makikipagkumpitensya

tayo at makikipagnegosyo na ang batayan lang ay galing, kumpetisyong bukas sa lahat, at sa pamamagitan ng

pagbibigay sa ating mga kustomer ng napakahusay na serbisyo. Hiwalay nating itinatakda ang lahat ng presyo at dagdag singil, batay sa ating sariling pagsusuri, tugonng kustomer, at impormasyong available sa publiko. Hindi natin tatalakayin ang mga presyo, atas, kita, pagsasaayos ng mga kustomer o teritoryo, o iba pang mga tuntunin at kundisyon ng pagbenta sa mga kakumpitensya, at hindi kailanman makikipagkasundo sa sinumang kakumpitensya sa mga bagay na ito. Hindi tayo makikilahok sa mga kasunduang huwag tumangkilik o makipagnegosyo sa ilang partikular na tao o pangkat. Sa ilalim ng patakarang “mahalaga ang mga hitsura,” ang bawat isa sa atin ay dapat umiwas sa anumang asal na maaaring mukhang lumalabag sa Mga Patakaran at Pamamaraan sa Batas ng Antitrust at Kumpetisyon ng Kumpanya o sa anumang mga batas ng antitrust o kumpetisyon. Gayundin, dapat nating sundin lahat ang mga proseso ng pagtakda ng mga presyo at karagdagang bayarin ng Kumpanya. Kapag nakikilahok sa mga asosasyon ng pangangalakal, dapat ninyong sundin ang ating Mga Alituntunin sa Asosasyon ng Pangangalakal at maglaan ng espesyal na pansin upang siguraduhing sumusunod tayo sa ating mga pananagutan sa antitrust.

Bilang karagdagan sa pakikipagkumpitensya para sa negosyo nang patas at walang kinikilingan, ginagawad din natin ang negosyo nang patas at walang kinikilingan. Kumukuha ng mga supplier, ahente at kanilang mga tagapamagitan sa pamamagitan lang ng patas na pagtatasa – hindi sa basehan ng iba pang mga pakikitungong maaaring mayroon sila sa atin o sa ating mga empleyado. Hindi lang ito naaangkop sa ating mga pangunahing tauhan sa pagkuha (Procurement), ngunit sa kahit sinong may impluwensya sa pakikipag-ugnayan sa sinumang vendor o iba pang pang pangatlong partido na nagtatrabaho para sa CEVA.

Panghuli, bagama’t agresibo tayong makikipagkumpitensya para sa negosyo, gagawin natin iyon nang patas at batay sa galing. Halimbawa, hindi natin susubukang makakuha ng hindi patas na kalamangan sa ating mga kakumpitensya sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang sikretong impormasyon mula sa mga dating empleyado o pagsasabi ng mga hindi totoong bagay tungkol sa kanila. Magiging matapat at tumpak ang ating mga materyales pangkalakal, mga komunikasyon, at mga pangako sa mga kustomer. Pagkatapos, alinsunod sa ating pananalig sa Pagganap na Walang Kamalian, ihahatid natin kung ano ang ipinapangako natin.

Palatandaan ng mga Alituntunin Gusto kong makilahok sa isang lokal na asosasyon ng pangangalakal na sa tingin ko ay makakatulong sa aking gawin ang aking trabaho nang mas maayos at makakalikom ng kalakalan para sa CEVA – sinasabi ba ninyo na hindi ako pinapayagang gawin iyon?

Hindi naman sa ganoon, ngunit kakailanganin ninyong sumailalim sa wastong proseso ng pag-apruba bago makalahok, upang maaari nating makumpirma na talagang nakakapagdagdag ng halaga ang asosasyon at hindi nagdadala ng masyadong malaking panganib. Ang dahilan nito ay nakagawa dati ng malulubhang problema sa antitrust sa ating industriya ang mga asosasyon ng pangangalakal, at gusto lang nating maging alisto tungkol sa pakikilahok sa mga iyon.

Palatandaan ng mga Alituntunin Tutugon ako sa isang kahilingan sa bid ng kustomer at kailangan maging kumpetitibo ang aking pag-atas hangga’t maaari. Kailangan kong malaman kung ano ang ginagawa ng kakumpitensya. Maaari ba akong tumawag sa isang kaibigang nasa isang kakumpitensya upang malaman, kahit sa isang kumpidensyal na paraan lang? Hindi – ipinagbabawal ito ng ating patakaran sa antitrust. Hindi ninyo kailanman dapat talakayin ang mga presyo, kustomer, o pag-atas sa isang kakumpitensya. Sa halip, tinutukoy natin ang lahat ng ating presyo nang walang kinikilingan, batay sa sarili nating pagsusuri, impormasyong wastong ibinigay ng mga kustomer upang mapantayan natin ang isang pag-atas, at impormasyong makukuha ng publiko.

Quick Links Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 18: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

18—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Nagsimula tayo sa pagrespeto sa isa’t isa, pagkatapos ay nagpatuloy sa pagrespeto sa CEVA at sa ating mga shareholder, pagkatapos sa pagrespeto sa ating mga kustomer at iba pang mga pangatlong pangkat. Panghuli, dumarating tayo sa pinakamalawak na kategorya sa lahat: pagrespeto sa mas malawak na mundo kung saan tayo tumatakbo. Bilang isang mabuting mamamayang kawani, dapat respetuhin ng CEVA ang mga komunidad kung saan tayo tumatakbo, dapat itong kumilos nang responsable, at dapat nitong galangin ang mga batas ng mga bansa kung saan tayo nakikipagnegosyo.

Mga KomunidadNaninindigan tayo sa pagsuporta sa mga komunidad kung saan tayo nagtatrabaho. Mahalaga para sa atin na unawain at respetuhin ang iba’t ibang kultura at ang mga isyu sa komunidad ng mga lugar kung saan tayo nagtatrabaho. Nakakabuo ng tiwala at kredibilidad ang paggawa nito. Dapat nating respetuhin lahat ang lokal na kultura.

Nagbibigay ang Mga Panuntunan sa Negosyo ang CEVA ng impormasyon sa pagkuha ng pag-apruba para sa mga kontribusyong mapagkawang-gawa (ang lahat ng kontribusyong mapagkawang-gawa ay dapat maaprubahan ng inyong Rehiyunal na Pangulo, ating CEO, o kahit ng ating mga Direktor ng Konseho).

Katiwalian at PanunuholAng katiwalian ay pumipinsala sa mga lipunan at sumisira sa malayang kalakalan, na mahalagang-mahalaga para sa ating negosyo. Ang mga pamahalaan sa buong mundo ay sumusubok na puksain ang panunuhol at katiwalian, at naninindigan din doon ang CEVA. Sa madaling salita: Ipinagbabawal ng CEVA ang lahat ng anyo ng panunuhol at katiwalian. Hindi tayo magbibigay o tatanggap ng kahit

anong may halaga na maaaring magmukhang maling impluwensya sa isa nating desisyon o ng ibang tao. Sa halip, makikitungo tayo sa ating mga kustomer at supplier, at mga nagpapatakbo ng regulasyon sa isang paraang matapat at diretso. Susunod tayo sa ating Patakaran Laban sa Katiwalian at sa mga batas na laban sa katiwalian na naaangkop sa ating negosyo; ang pinakanatatangi sa mga ito ay ang United States Foreign Corrupt Practices Act (o FCPA), ang UK Bribery Act, ang United Nations Global Compact, ang Organization for Economic Cooperation and Development (“OECD”) Anti-bribery Convention, at iba pang mga naaangkop na batas laban sa katiwalian.

Ano ang praktikal na kahulugan nito? • Walang panunuhol sa pampublikong sektor. Hindi tayo magsasagawa ng anumang anyo ng panunuhol ng mga opisyal ng pamahalaan. Halimbawa, hindi tayo magbabayad o mag-aalok na magbayad ng kahit ano sa isang taong nagtatrabaho para sa pamahalaan upang hindi wastong maimpluwensyahan angkanilang mga pagkilos upang bigyan tayo, halimbawa, ng magandang pagtrato sa pagkuha ng isang permit, balewalain ang mga isyu sa regulasyon, o bigyan tayo ng pakikipagnegosyo sa pamahalaan. • Walang mga pasilitasyong bayad. Ang mga pasilitasyong bayad ay maliliit na kabayaran sa mga opisyal ng pamahalaan ng anumang antas upang hikayatin silang gumawa (o mas mabilis na gumawa) ng mga pangkaraniwang bagay na kailangan naman talaga nilang gawin, tulad ng pagbibigay ng mga visa o pagproseso ng papeles sa pamahalaan na kinakailangan ninyo. Halimbawa, hindi tayo personal na magbabayad ng cash sa mga opisyal ng customs upang makapag-apruba ng kargamento sa customs nang mas mabilis.

Respeto para sa Ating Mga Komunidad

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 19: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

19—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

(Pinapayagan natin ang mga pasilitasyong bayad sa mga kaso ng mga nakaambang banta sa kalusugan o kaligtasan, hangga’t agad na inuulat at wastong itinatala ang mga iyon.) • Walang panunuhol sa pribadong sektor. Hindi natin tinatangkilik ang “komersyal” o pampribadong sektor na panunuhol. Halimbawa, hindi tayo magbabayad ng mga “kickback” sa pribado at komersyal na mga kustomer upang makakuha ng pakikipagnegosyo. Samakatuwid, hindi natin tinatangkilik ang panunuhol, sangkot man ang

pamahalaan o hindi. • Walang pagtanggap ng mga suhol. Hindi tayo tatanggap ng anumang mga uri ng mga suhol o hindi wastong kabayaran. Halimbawa, hindi tayo tatanggap ng mga hindi wastong regalo mula sa mga vendor na sumusubok na hikayatin tayong bigyan sila ng pakikipagnegosyo. Ang hangganan ng pagtanggap ng mga regalo ay napakababa at ang pinakamainam na kasanayan ay iwasan ang lahat ng regalo. • Walang iba pang mga maling impluwensya o panghihikayat. Hindi tayo magbibigay, mag-aalok, o tatanggap ng iba pang mga anyo ng panunuhol, gaya ng mga personal na pabor para sa pangunahing

nagpapasya at sa isang kustomer na pinag-iisipang bigyan tayo ng pakikipagnegosyo, mga donasyon sa paboritong charity ng opisyal ng pamahalaan, pagsang-ayon na ipasok sa trabaho ang anak ng isang ministro ng pamahalaan na may impluwensya sa negosyo ng CEVA, o kahit na anong iba pang bagay na may halaga. • Mga ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan. Kung isa kayong opisyal ng pamahalaan o kamag- anak ng isang opisyal ng pamahalaan, kailangan nating malaman iyon upang siguraduhing gagawa tayo ng mga angkop na hakbang upang iwasan ang mga aktibidad na maaaring magmukhang mali. • Karampatang pagsisikap. Susundin natin ang mga proseso ng Kumpanya para sa pagsusuri ng mga pangatlong pangkat na ahente, kasosyo, at sub kontractor upang tiyaking sila ang mga uri ng kumpanyang gusto ng CEVA na makatrabaho at susundin natin ang ating matataas na pamantayang etikal, lalo na pagdating sa katiwalian at panunuhol.

Mga Regalo at LibanganAng isang mahalagang paraan upang iwasan ang katiwalian at panunuhol ay maging maingat tungkol sa mga regalo at libangang ibinibigay at tinatanggap natin. Karaniwan, hindi kasing-halata ang katiwalian tulad ng sa isang taong nagbibigay ng portpolyo na puno ng pera sa isang tao sa isang sikretong lugar. Sa halip, karaniwang mas dahan-dahan ito at hindi halata. Halimbawa, maaari itong nasa anyo ng mga mamahaling regalo at marangyang libangan na inilaan upang impluwensyahan nang hindi wasto ang isang tao. Maaaring sangkot dito ang kahit na anong may halaga – pagkain at libangan, mga tiket sa palakasan, paggamit ng bahay-bakasyunan, o pag-sponsor ng mga corporate o charitable na kaganapan. Kahit na hindi aktwal na suhol ang mga regalo at libangan, lumilikha pa rin ang mga iyon ng pagsasalungat ng interes o hitsura ng pagsasalungat. Sa halip na gumawa ng desisyon batay sa pinakamainam na interes ng CEVA, maaari kayong matuksong gumawa ng desisyon batay sa mga regalong natanggap ninyo. At minsan, ang mga regalo at libangang mukha namang OK ay maaaring magmukhang hindi: pagdating sa mga regalo at libangan, mahalaga talaga ang hitsura.

Palatandaan ng mga Alituntunin Sa aking bansa, nakaugalian ang pagbibigay ng maliliit na cash na bayad sa mga opisyal ng customs upang bilisan nila ang pag-apruba ng clearance, na lubhang kailangan ng aking kustomer para sa isang mahalagang piraso ng kagamitan sa isang malaking proyekto. Ang mga kabayaran ay napakaliit, ilang dolyar lang. Maaari ko bang ibigay ang mga iyon?

Hindi, kahit na maliit at pangkaraniwan ang mga pagbabayad sa inyong bansa, ipinagbabawal ng samu’t saring batas at ng ating patakaran ang mga iyon bilang mga pasilitasyong bayad, tulad lang ng anumang iba pang suhol.

Palatandaan ng mga Alituntunin Nangangahulugan ba itong hindi ko maaaring dalhin ang aking kustomer sa hapunan?

Hindi. Ang makatwirang libangan ay isang legal at tanggap na bahagi ng pakikipagnegosyo, at pinapayagan ng CEVA ang makatwiran at angkop na paglilibang sa ating mga kustomer hangga’t pinapayagan din ito ng mga patakaran ng kustomer.

Paano ninyo matatandaan ang ating mga panuntunan sa mga regalo at libangan? Gamitin ang panuntunang “GIFT”

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 20: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

20—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Sa CEVA, makikipagkumpitensya tayo at magbibigay ng negosyo nang walang tinatago at sa basehan lang ng galing at sa pinakamainam na interes ng CEVA – hindi sa mga hindi wastong personal na pakinabang na ibinibigay natin o sa atin. Hindi tayo dapat maimpluwensyahan ng mga regalo, libangan, o pakinabang ng anumang uri mula sa mga kustomer o supplier o mula sa mga potensyal na kustomer o supplier na maaaring magmukhang iniaalok ang mga ito nang may tiwaling intensyon, na maaaring makaapekto sa kawalan ninyo ng kinikilingan, o maaari magmukhang nagbibigay ito sa isang tao ng hindi wastong kalamangan o pinapaburang pagtrato. Hindi rin tayo dapat gumawa o mag-alok ng anuman sa mga bagay na iyon sa iba pang mga pangkat: hindi tayo nakakakuha o nagbibigay ng mga hindi wastong regalo o libangan. Huwag kailanman humingi ng isang regalo mula sa isang vendor, supplier, o kahit sino para sa inyong sarili, sa inyong mga kaibigan, o sa inyong pamilya.

Ang mga makatwiran at hindi madalas na regalo at libangan na wala naman masyadong halaga ay OK lang. Ngunit hindi maaaring ibigay o tanggapin ang mga iyon bilang kapalit ng mga pakinabang sa negosyo, nang may tiwaling intensyon, o kahit magmumukha lang na ganoon. Itinatakda ng Patakaran Laban sa Katiwalian ng CEVA ang mga limitasyon sa mga regalo at libangan: • Bilang isang pangkalahatang panuntunan, ang mga hindi madalas na pagreregalo at libangan na $100 o mas mababa ang halaga at hindi sangkot ang isang opisyal ng pamahalaan ay OK lang. • Ang kahit anong hihigit sa $100 at hindi nagsasangkot ng isang opisyal ng pamahalaan ay dapat maaprubahan ng inyong supervisor • Ang kahit anong $250 o higit pa o nagsasangkot ng isang opisyal ng pamahalaan ay dapat aprubahan muna ng Compliance & Ethics. • Huwag magbayad para mga gastusin sa biyahe ng anumang iba pang pangkat o tumanggap ng pagbabayad ng anumang iba pang pangkat para sa inyong mga gastusin sa biyahe nang wala munang pag-apruba ng Compliance & Ethics.

Ngunit sigurado rin dapat kayo na OK lang iyon sa ilalim ng mga patakaran ng kabilang pangkat at pati na rin

ng lokal na batas, kaugalian, at nakasanayan. Ang lokal na batas o ang mga patakaran ng kabilang pangkat ay maaaring mas istrikto pa kaysa sa CEVA – dapat nating sundin kung alinman ang pinakamahigpit. Sa ilang partikular na pagkakataon, maaaring maging angkop ang mga regalo at libangang higit sa ating mga inihayag na limitasyon, ngunit dapat muna kayong magpaalam sa inyong boss at sa Compliance & Ethics. Gayundin, palagi munang magpaalam sa kanila kung hindi kayo sigurado kung pinapayagan ang inyong regalo o libangan o kung maaaring sangkot ang isang opisyal ng pamahalaan! Ang lahat ng regalo at libangan ay dapat ding naaangkop at disente (hindi mahalay o masagwa). Panghuli, hindi tayo dapat magbigay o tumanggap ng cash o mga katumbas ng cash bilang mga regalo gaya ng mga gift card o gift certificate, dahil partikular na kahina-hinala ang mga iyon.

Narito ang isang trick upang matulungan kayong matandaan ang ating mga panuntunan sa mga regalo at libangan: gamitin ang panuntunang “GIFT”:

• Government official (Opisyal ng pamahalaan). – Sangkot ba ang isang opisyal ng pamahalaan? Posible bang isang kumpanyang pagmamay- ari ng estado ang inyong kumpanya? O nagtatrabaho para sa isang sangay ng pamahalaan? – Kung ganoon nga, o kung hindi kayo sigurado, tumawag muna sa Compliance & Ethics.

Palatandaan ng mga Alituntunin Gusto ng isa sa aking mga vendor na bigyan ako ng mga tiket sa isang kaganapan ng palakasan – maaari ko bang kunin ang mga iyon?

Depende. Kung gusto ng vendor na isama kayo sa isang lokal na kaganapan ng palakasan upang palaguin ang inyong ugnayan sa labas ng opisina, at makatwiran ang presyo ng mga tiket, malamang na OK lang ito. Sa kabilang banda, kung gusto niyang magpadala sa inyo at sa inyong asawa ng isang first-class at all-expense-paid na biyahe sa isang malaking internasyonal na kaganapan ng palakasan, hindi iyon OK.

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 21: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

21—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

• Intent (Layunin). – Kung nagbibigay kayo ng isang regalo sa isang kustomer, ano ang inyong layunin? Isang tanda lang ng pasasalamat para sa kanyang pakikipagnegosyo noong nakaraang taon? O nagbibigay ba kayo ng mamahaling bagay upang “bumili” ng pakikipagnegosyo sa hinaharap? Iisipin ba ng iba na mayroon kayong “tiwaling layunin”? – Kung nililibang kayo ng isang vendor, magmumukha ba itong parang gusto lang niyang palaguin nang wasto ang inyong ugnayan at unawain nang mas maayos ang negosyo ng CEVA? O kaya naman, para ba niya kayong sinusubukang impluwensyahan

nang hindi wasto sa pagpapasya kung aling vendor ang pipiliin? Kung naisapubliko ito, ano ang magiging hitsura nito? • Frequency and timing (Dalas at tiyempo). – Gaano kadalas nagbibigay ng mga regalo ang isang supplier sa inyo? Paminsan-minsan lang ba ang mga iyon at nasa mga naaangkop na panahon (gaya ng sa mga holiday o sa isang forum ng kustomer), o madalas bang nagpapadala ang supplier ng mga basket ng prutas, mga tiket sa palakasan, mga bote ng

alak, o higit pa? Magkano ang kabuuan ng mga regalo at libangan mula sa isang supplier na iyon para sa taon? Dumarating ba ang mga regalo tila tuwing nagpapasya kayo kung kanino magbibigay ng kontrata? Nagsisimula na ba kayong makaramdam ng obligasyon sa supplier dahil sa lahat ng mga pasalubong? – Gayundin, gaano ninyo kadalas nililibang ang inyong pinakamabuting kustomer: isang beses sa isang quarter o sa mga partikular na okasyon? O lumalabas ba kayo nang maraming beses sa loob ng isang buwan? O maraming beses sa tuwing sinusubukan ninyong makakuha ng isang kontrata? • Too much (Sobra ba)? – Gaano kamahal ang regalo o libangan? Nasa loob ba ito ng mga limitasyon natin? Sa mga limitasyon ng kabilang pangkat? – Nakagawian ba ito sa inyong bansa?

Pagsunod sa Mga Pamantayan sa PangangalakalAng bawat bansa ay may mga batas na kaugnay ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at teknolohiya. Kinokontrol ng mga bansa ang pagsunod sa mga pamantayan sa pangangalakal dahil sa mga dahilang pang-ekonomiya, pulitikal, at panseguridad, gaya ng paghadlang sa terorismo. At, minsan, gumagawa ang CEVA ng mga desisyon sa negosyo upang limitahan ang kalakalan sa ilang partikular na tao at bansa kahit na pinapayagan ng naaangkop na batas.

Palatandaan ng mga Alituntunin Mayroon akong kontrata sa pamahalaan na maglilipat ng kagamitang pangmilitar at sa tingin ko ay maaari kong patungan ang ating mga invoice nang hindi nila nalalaman upang pataasin ang mga kita natin. Maaari ko ba itong gawin? O maaari ko bang markahan ang ilang item na malapit nang matapos – ngunit hindi pa talaga – upang maaari akong maningil para sa mga iyon?

Hindi! Lalabagin nito ang pangangailangan nating maging matapat at transparent sa ating mga pakikitungo sa pamahalaan at sa iba pang mga tao.

Quick Links Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 22: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

22—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Dapat sumunod ang mga empleyado ng CEVA sa lahat ng naaangkop na batas ng pagkontrol sa pag-angkat at pagluwas, iba pang mga regulasyon sa kalakalan sa mga hurisdiksyon kung saan nakikipagnegosyo ang Kumpanya, gayundin sa mga patakaran ng CEVA sa Pandaigdigang Pagsunod sa mga Pamantayan sa Pangangalakal kasama ang pag-usisa sa mga kinakailangang pag-apruba ng pamahalaan para sa ilang partikular na transaksyon. Halimbawa, maraming bansa ang naghihigpit ng kalakalan sa iba pang partikular na bansa bilang bahagi ng patakarang panlabas, at dapat nating siguraduhing sumusunod tayo sa mga paghihigpit na naaangkop sa atin. Tulad ng nabanggit, nangangailangan ang ilang bansa ng mga lisensya upang magpadala ng kargamento na itinuturing na kasangkapang pandigma, armas, at sandata, at kailangan nating siguraduhing lisensyado nang wasto ang mga produktong iyon kapag naglilipat tayo ng mga ganoon. Itinaguyod ng grupo ng Pandaigdigang Pagsunod sa mga Pamantayan sa Pangangalakal ng CEVA ang mga patakaran ng CEVA sa Pandaigdigang Pagsunod sa mga Pamantayan sa Pangangalakal upang siguraduhing sumusunod tayo sa mga naaangkop na kinakailangan. Panghuli, dapat tayong sumunod sa mga naaangkop na pagsasabatas laban sa pag-boycott.

Pangongontrata sa PamahalaanKasama ang mga sangay ng pamahalaan sa ilan sa ating mga pakikipagnegosyo. Ang pakikipagnegosyo sa mga pamahalaan ay karaniwang nagsasangkot ng mga kinakailangan na hindi sakop ng mga normal na komersyal na pangongontrata dahil maaaring humiling o magbawal ang mga pamahalaan ng mga partikular na tuntunin, kundisyon, at kasanayan sa pamamagitan ng batas. Halimbawa, ang proseso upang magsubasta sa mga kontrata ng pamahalaan ay maaaring mas pormal at kumpidensyal. May mga istriktong limitasyon sa paglilibang (o tinatawag na “wining and dining”) sa mga empleyado o kontraktor ng pamahalaan. At ang ilang trabaho ay maaaring magsangkot ng lihim na impormasyon at maaaring mapailalim sa mga napakahigpit na kinakailangan sa pagiging kumpidensyal at seguridad. Sa CEVA, naninindigan tayo sa istriktong pagsunod sa mga batas at regulasyon sa pangongontrata

sa pamahalaan kapag nagbibigay tayo ng mga serbisyo sa mga sangay ng pamahalaan (nang direkta, bilang isang pangunahing kontraktor, o hindi direkta, bilang isang sub kontraktor).

Gaya ng iba pang mga kinakailangan ng ating mga alituntunin, pagdating sa pangongontrata sa pamahalaan, ang katapatan, katumpakan, at pagiging bukas sa lahat ay napakahalaga. Upang ilarawan ito, sa maraming bansa, ang paniningil nang sobra sa pamahalaan (paniningil nang higit pa sa pinapayagan ng kontrata o higit sa kung ano ang patas o makatwiran) at pagsisinungaling sa pamahalaan ay mga krimen. Lubos dapat na nauunawaan at sinusunod ng mga taong napapailalim sa mga kontrata ng pamahalaan ang mga batas at regulasyon ng CEVA para sa pangongontrata sa pamahalaan at ang mga naaangkop na batas at regulasyon nito.

Quick Links Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 23: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

23—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Mga Pulitikal na AktibidadIsinasagawa natin ang ating mga aktibidad sa negosyo sa paraang ang mga hindi naaangkop na pulitikal na aktibidad o pahayag ay hindi nakakapinsala sa mga pinakamainam na interes ng CEVA. Bilang isang pangkalahatang panuntunan, ang Kumpanya ay hindi nakikialam sa mga isyung pulitikal, at lahat tayo ay dapat na istriktong sumunod sa lahat ng pinansyal, etikal, at iba pang mga batas at regulasyon sa mga pulitikal na aktibidad, kasama ang pagla-lobby. Dahil doon, hinihingi ng ating Mga Panuntunan sa Negosyo sa ating Board of Directors na aprubahan ang lahat ng mga pulitikal na kontribusyon. Siyempre, bilang mga pribadong mamamayan, tayong lahat ay maaaring makilahok sa mga pulitikal na aktibidad at magbigay ng mga kontribusyon sa kampanya sa sarili nating oras at gamit ang sarili nating pera. Ngunit hindi natin maaaring gamitin ang pangalan ng CEVA, pera, mga mapagkukunan, o oras ng CEVA upang gawin iyon.

Pagprotekta sa KapaligiranNaninindigan tayo sa sustainability at sa pagsasagawa ng ating negosyo sa isang paraang rumerespeto sa kapaligiran, na lubos na sumusunod sa mga batas at regulasyon sa kapaligiran na naaangkop sa ating mga aktibidad. Tinutulungan tayo ng ating paninindigan sa sustainability na magbawas ng basura at ibahagi ang mga pakinabang sa ating mga kustomer. Iniimpluwensyahan nito ang paraan kung paano tayo nakikipagnegosyo, at hinihimok tayong gumawa ng mga pagbabago at maging malikhain sa lahat ng bagay mula sa mga operasyon sa bodega hanggang sa transportasyon, mula sa pagdisenyo ng solusyon hanggang sa patakaran sa pamimili. Nagbibigay ito ng pakinabang sa ating mga kustomer, sa ating mga komunidad, sa ating mga tauhan, at sa ating planeta. Etikal at matalino itong gawin pagdating sa komersyo.

Dapat maging pamilyar ang bawat isa sa atin sa lahat ng mga regulasyon at alalahanin sa kapaligiran na maaaring malapat sa ating trabaho. Para sa marami sa atin, maaaring maging kasing simple iyon ng kamalayan sa pag-imprenta ng mga dokumento at sa epektong mayroon iyon sa kapaligiran. Para sa iba, maaari itong mangahulugang

pagsasaalang-alang sa mga paglabas ng green-house gas sa transportasyon. Anuman ang mangyari, dapat tayong maging maingat lahat sa epektong mayroon ang ating mga aktibidad sa ating kapaligiran at dapat iulat kaagad ang mga posibleng paglabag sa mga batas, regulasyon, o permit sa kapaligiran.

Quick Links Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 24: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

24—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Hanggang sa pinapayagan ng naaangkop na batas, maaari nating disiplinahin ang sinumang empleyadong:

• Nagpapahintulot, nakikilahok o kung hindi naman ay nasasangkot, nang direkta o hindi direkta, sa anumang pagkilos na maituturing bilang isang paglabag sa mga naaangkop na batas o regulasyon, sa mga Alituntuninng ito, o sa mga patakaran o pamamaraan ng Kumpanya

• Hindi kaagad nag-uulat ng mga alam o pinaghihinalaang paglabag o nagkakait ng impormasyon tungkol sa isang paglabag

• Hindi wastong namamahala o nangangasiwa sa sinumang empleyadong sangkot sa isang paglabag sa pagsunod o kung hindi naman ay nagdidirekta, nag-aapruba, o nangungunsinte ng hindi wastong asal ng sinuman sa kanyang mga empleyado

• Sinusubukang maghiganti o nakikilahok sa paghihiganti, nang direkta o hindi direkta, o nag-uudyok sa iba na gawin iyon, laban sa isang empleyadong nag-uulat ng isyu sa pagsunod nang may magandang intensyon (at gayundin ang mga manager na mabibigong humadlang o tumugon nang wasto sa paghihiganti ng iba)

• Nananadyang gumawa ng mga hindi totoo o mapanlinlang na ulat sa pagsunod o iba pang mga tala

• Hindi nakikipagtulungan nang buo sa mga pagsusumikap ng Kumpanya na siyasatin o kung hindi naman ay tugunan ang isang isyu sa pagsunod.

Maaaring kasama sa mga pandisiplinang aksyon ang mga nakasulat o sinabing babala, mga multa (halimbawa, pagiging karapat-dapat para sa bonus), pagsuspinde, at pagkakatanggal sa trabaho hanggang sa sukdulang pinapayagan ng naaangkop na batas. Bilang karagdagan, maaaring kailanganin naming isangguni ang ilang partikular na maling asal sa mga kinauukulan sa pamahalaan o sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas para sa kriminal o sibil na pag-uusig o upang magsagawa ng legal na aksyon upang bawiin ang mga pagkalugi o danyos na idinulot ng maling asal. Nagsasagawa kami ng mga pandisiplinang aksyon nang mabilis, tuluy-tuloy, mabisa, at patas hangga’t maaari. Nasa natatanging pagpapasya ng Kumpanya ang disiplina. Kahit na may kinalaman sa pagsasaalang-alang ng disiplina ang pag-uulat ng isang empleyado ng maling asal at nakikipagtulungan sa pagsisiyasat dito, hindi nito binabalewala ang maling asal o humahadlang sa disiplina kung naaangkop.

Disiplina

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 25: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

25—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Inaasahan at hinihikayat natin ang lahat ng ating empleyado na mag-ulat ng mga paglabag at pinaghihinalaang paglabag at makipagtulungan sa Kumpanya sa pagtugon sa mga iyon. Sa totoo lang, inaatasan natin ang mga empleyadong gawin iyon kung saan pinapayagan ng batas. Kung nag-uulat kayo ng mga isyu sa amin, tinutulungan talaga ninyo ang Kumpanya na mangasiwa ng mga problema nang wasto at maniguradong nagpapatakbo tayo ng isang kumpanyang sumusunod sa mga pamantayan. Paano mag-ulatNarito ang iba’t ibang paraan kung paano kayo maaaring mag-ulat – gamitin ang kahit anong paraan kung saan kayo pinakakumportable:

• Pamamahala. Sabihan ang inyong boss kung hindi siya sangkot sa diumano’y maling asal at kung kumportable kayo na gawin iyon. O kaya, sa isa pang miyembro ng pamunuan kung sa tingin ninyong mas magiging mabisa iyon. • Legal, Compliance & Ethics, or Human Resources na kinatawan. Kung hindi kayo kumportable sa pakikipag-usap sa inyong boss, tumawag sa isa sa ating mga eksperto na maaaring makatulong. Ang CEVANet ay may pinakabagong impormasyon sa pakikipag- ugnay para sa lahat ng ating tauhan sa Legal, Compliance & Ethics, kasama ang inyong Chief Legal and Compliance Officer, ang inyong Regional Compliance Manager, at mga kinatawan ng Human Resources. • Compliance Hotline. Maaari din kayong mag-ulat

ng mga paglabag o pinaghihinalaang paglabag sa mga alituntunin sa pamamagitan ng pakikipag- ugnayan sa toll-free na compliance hotline: – +1 (888) 723-2453 kung kayo ay tumatawag mula sa US. Kung tumatawag kayo mula sa labas ng Estados Unidos, i-dial muna ang inyong AT&T local country access number, na maaari ninyong makita sa: http://www.business.att.com/bt/access.jsp?c=A – Sabihin sa operator na gusto ninyong kumonekta sa toll-free na numero sa itaas, o kayo na mismo ang tumipa sa numero. – May isang kinatawan na laging handa para kunin ang problema ng mga empleyado o pwedeng tanungin tungkol sa mga alituntunin. – May mga kawani ang compliance line 24 oras bawat araw, pitong araw bawat linggo, at mayroon nito sa maraming wika. – Tandaan: nasa Estados Unidos ang mga kinatawan, at maruruta doon ang inyong tawag. Sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline at paglagda sa mga Alituntuninng ito, nagbibigay kayo ng pahintulot sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa privacy ng datos sa pagpapadala ng inyong ulat sa Estados Unidos. Kung hindi kayo kumportable doon, pakigamit ang isa sa iba pang mga paraang itinala sa itaas

• Web-based na pag-uulat. Iniaalok din ng ating mga serbisyo ng hotline ang web-based na pag-uulat, kaya kung mas kumportable kayo on-line, gawin ninyo iyon. O kaya, maaari ninyong gamitin ang email address na ito: [email protected].

Pag-uulat at Pangangasiwa ng Mga Alegasyon

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 26: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

26—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

• Pagiging Hindi Kilala. Hinihikayat namin kayong ibigay ang inyong pangalan kapag nag-uulat ng pinaghihinalaang paglabag at ibigay ang pinakamaraming impormasyong kaya ninyong ibigay upang matulungan kaming siyasatin ang isyu. Ngunit maaari kayong manatiling hindi kilala kung gusto ninyo at kung pinapahintulutan ng lokal na batas, at tatratuhin namin ang lahat ng ulat bilang kumpidensyal hangga’t maaari.

• Ibig sabihin. Mag-ulat sa anumang paraang kayo ay kumportable! Kung sa tingin ninyo ay hindi inaasikaso ang inyong isyu, iulat itong muli o subukan ang isa pa sa mga pamamaraan sa itaas.

Ano’ng nangyayari kapag nag-ulat ka

• Pagiging Kumpidensyal. Ang inyong ulat at ang pagsisiyasat ay pananatilihing kumpidensyal hangga’t maaari. Kung nais ninyong manatiling hindi kilala, maaari ninyong gawin iyon.

• Pagsisiyasat. Ang CEVA ay mayroong Committee on Corporate Conduct na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Audit, Compliance and Ethics, Human Resources, Operations, at Communications. Ang mga kasalukuyang miyembro ay nakalista sa CEVANet. Kapag nag-ulat kayo, itatalaga ng Committee ang ulat sa isang naaangkop na taong titingin dito. Huwag magsiyasat nang kayo lang – hayaan ninyong asikasuhin ito ng ating mga eksperto. Gagawin nila iyon nang kasing propesyunal at kasing bilis at kumpidensyal hangga’t maaari. • Pagwawasto. Kapag kumpleto na ang pagsisiyasat, susuriin ito ng Committee at magtatalaga ng naaangkop na pagwawasto.

• Follow-Up. Maaari ninyong i-follow up ang inyong ulat sa pamamagitan ng paggamit ng personal na tracking number na ibinigay noong kayo ay nag-ulat o pagtawag muli sa hotline.

Siyempre, wala sa atin ang dapat manadyang magsumite ng mga hindi totoo o mapanlinlang na ulat. Gayundin, ang ating mga resource sa hotline at compliance ay hindi nararapat para sa tsismis, mga personal na hindi pagkakasundo, o hindi mahahalagang reklamo.

Ngunit kung ginawa nang may magandang intensyon, ang isang ulat (nagbibigay ang empleyado ng impormasyong kumpleto at pinaniniwalaan niya itong totoo), istrikto nating ipinagbabawal ang lahat ng anyo ng paghihiganti laban sa sinumang empleyadong naghahayag ng mga alalahanin at nag-uulat ng alam o pinaghihinalaang maling asal. Kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa mga proteksyon ng mga whistleblower, makipag-ugnayan sa Legal, Compliance & Ethics, o Human Resources.

Palatandaan ng mga Alituntunin Sa tingin ko ay nagsagawa ang isa sa aking mga empleyado ng isang hindi kilalang pagtawag sa hotline tungkol sa mga bagay na nangyayari sa aking koponan. Nakasagabal ang pagsiyasat sa ulat, naging magastos ito, at nakakahiya, at lumabas na nagkamali ang empleyado. Maaari ko bang disiplinahin ang empleyado?

Hindi. Kung gagawa ang mga empleyado ng ulat nang may magandang intensyon – kahit na lumabas na mali ang mga alegasyon – karapat-dapat sila para sa proteksyon bilang isang whistleblower at hindi kayo maaaring maghiganti sa anumang paraan. Sa kabilang banda, kung naniniwala kayong alam ng empleyadong hindi totoo ang mga alegasyon, iyon ay maaaring maging isang hiwalay na isyu, na dapat ninyong iulat (kaysa sa asikasuhin ito nang mag-isa).

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 27: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

27—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Walang mga Alituntunin ang makakapagtakda ng bawat isang bagay na kakailanganin nating sundin sa isang kumplikadong negosyo na tulad ng sa atin. Inilaan ang Alituntuning ito upang ibigay ang mga patnubay at pangunahing pamantayang mayroon tayo para sa lahat ng ating asal sa negosyo. Ang ating Mga Panuntunan sa Negosyo ng CEVA at iba pang mga patakaran at pamamaraan ay may karagdagang detalye sa dapat o hindi natin dapat gawin, at isinasama ang mga iyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa alituntuning ito.

Itinatakda ng Alituntuning ito ang mga pangunahing pamantayan para sa lahat ng patakaran at pamamaraan sa loob ng CEVA. Maaaring magbigay ang mga patakaran at pamamaraang lokal o hinggil sa negosyo ng mga karagdagan, mas istrikto, o mas tukoy na gabay o pamantayan, ngunit hindi ito maaaring sumalungat o maging mas maluwag kaysa sa mga alituntunin maliban kung inaprubahan ng Legal Department. Hindi ninyo kinakailangang maging eksperto sa lahat ng iyon, ngunit kinakailangan ninyong magkaroon ng praktikal na pag-unawa ng iyong mga may kinalaman sa inyong trabaho, magsanay sa mga iyon, at makaalam ng sapat upang huminto at magtanong kung may pangamba kayo.

Sa buong mga Alituntunin, ang “CEVA,” “Corporate” at “Kumpanya” ay ginagamit upang tukuyin ang CEVA Group, Plc, at ang mga subsidiary at joint venture nito. Nalalapat ito sa lahat ng empleyado ng CEVA, kahit saan sa mundo, gayundin sa iba pang mga kumikilos sa ngalan ng CEVA (mga ahente, kasosyo, mga joint venturer, mga kinatawan, mga kontractor, atbp.); ang lahat ng ito ay dapat sumunod doon pagdating sa trabaho para sa CEVA. Available iyon sa maraming wika sa ating website: www.cevalogistics.com.

Bilang isang pandaigdigang kumpanya, kinikilala ng CEVA na nag-iiba-iba ang mga batas sa iba’t ibang bansa, at maaaring limitahan ng ilan kung ano’ng maaaring hilingin ng isang mga alituntunin ng asal sa negosyo. Halimbawa, hindi pinapahintulutan ng mga batas sa empleyo ng ilang bansa ang mga empleyado na mag-ulat ng maling asal, at pinapayagan ng ilan ang mga kasanayan sa empleyo na ipinagbabawal ng CEVA. Binabalak ng CEVA na ilapat ang Alituntuning ito sa bawat bansa sa sukdulang pinapayagan ng mga batas ng bansang iyon.

Inilalaan ng CEVA ang karapatang suriin, repasuhin, tanggalin, at bigyang kahulugan ang Alituntunin sa natatangi nitong pagpapasya. Ang Board of Directors at Executive Board ng CEVA ay responsable para sa paglathala, pagpapahayag, at pagpapatupad sa mga alituntunin. Sila lang ang maaaring magsagawa ng anumang pagbabago sa alituntunin o pagpapawalang-bisa ng anumang probisyon. Agad na ibubunyag ang mga pagbabago sa ating Corporate na website: www.cevalogistics.com. Ang Alituntuning nakikita sa www.cevalogistics.com ay ang Opisyal na Bersyon. Hindi kayo maaaring umasa sa anumang nakalimbag na kopya bilang isang Opisyal na Bersyon.

Ang Alituntuning ito ay hindi gumagawa, nang tahasan o nagpapahiwatig, ng anumang mga pangkontrata o iba pang mga karapatan at hindi ito isang kontrata ng empleyo o kasunduan ng anumang uri.

COBC ng CEVA, Enero 2013

Fine Print

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad

Page 28: Mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA · PDF filepangungusap sa kahulugan ng mga alituntunin sa totoong buhay. Halimbawa, kung kailangan ninyong malaman kung maaari kayong makipag-usap

28—Kodigo ng Asal sa Negosyo ng CEVA Nakaraang Pahina / Talaan ng Mga Nilalaman / Susunod na Pahina

Alinsunod at hanggang sa sukdulang pinapayagan ng naaangkop na batas:

Kinakatawan ko na natanggap ko at nasuri, naunawaan, at susundin ang mga Alituntunin ng Asal sa Negosyo ng CEVA.

Nauunawaan kong ang paglabag sa mga Alituntunin o sa iba pang mga patakaran at pamamaraan ng CEVA ay maaaring magresulta sa pandisiplinang aksyon, kasama ang posibleng pagkakatanggal sa trabaho.

Sumasang-ayon akong agad na mag-uulat ng anumang kilala o pinaghihinalaang paglabag sa mga alituntunin, sa iba pang mga patakaran at pamamaraan ng CEVA, o anumang naaangkop na batas o regulasyon, gayundin ang anumang aktwal o kapansin-pansing pagsasalungat ng interes.

Pangalan:

Posisyon:

Lagda:

Petsa:

Lokasyon ng CEVA:

COBC ng CEVA, Enero 2013

Sertipikasyon at Personal na Paninindigan sa mga alituntunin ng Asal ng Negosyo ng CEVA

Mga Quick Link CEVA at sa ating ShareholderRespeto para sa Isa’t Isa Kustomer, Supplier, at Kasosyo sa Negosyo Mga Komunidad