14
Mga Bayani sa Panahon ng Kastila

Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Tags:

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

MgaBayani sa Panahon

ngKastila

Page 2: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Lapu-lapu

Page 3: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si  Magallanes sa labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapu-lapu ng bansa.

Jose Rizal

Si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang

Page 4: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa. Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

Apolinario Mabini

Isang napakatalinong tao at may napakatibay na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang Utak ng Himagsikan.

Page 5: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa España.

Page 6: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Melchora Aquino

Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang mga Katipunero. Binigyan niya sila ng pagkain at tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na Pilipino.

Page 7: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

MgaBayani sa Panahon

ngAmerikano

Page 8: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Emilio Jacinto 

Isinilang si Emilio Jacinto noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa kolehiyo ng San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa UST ngunit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1893. sa gulang na 19 siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng Katipunan.Kinilala siyang Utak ng Katipunan. Gumamit siya ng sagisag-panulat na Pingkian sa Katipunan. Itinatag niya ang pahayagang Kalayaan, ang pahayagan ng katipunan. Ito'y pinamatnugutan katulong si Pio Valenzuela. ang sagisag-panulat na kanyang ginamit ay Dimas Ilaw. Siya ang sumulat ng Kartilya ng Katipunan. Si Jacinto ay lubhang nasugatan ngunit pinakawalan dahil sa sakit na malaria at disenterya. siya ay binawian ng buhay sa Sta. Cruz, Laguna noong abril 16, 1899 sa edad na 24.

Manuel Luis Quezon

Page 9: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15,1935–Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.

JOSE PALMA

Page 10: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Si Jose Palma ay isang makata at sundalong Pilipino. Siya ay naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas.Siya ay isinilang sa Tondo, Maynila noong ika-6 ng Hunyo, 1876. Siya ay kapatid ni Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanilang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez. Nakatagpo ni Jose Palma noong nag-aaral siya sa Ateneo Municipal de Manila, si Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral ng mga hukbong manghihimagsik. Kahit bata pa sa Ateneo Municipal, si Jose Palma ay kumatha ng mga lirikong tula at pinahanga ang marami sa pamamagitan ng pagpapalimbag ng isang aklat ng mga tula noong siya’y labimpitong taong gulang pa lamang. Ayon sa kanyang kapatid na si Dr. Rafael Palma, si Jose ay tahimik at mahiyain subalit emosyonal at romantiko.Ang kanyang pag-aaral ay naantala nang maganap ang Unang Sigaw sa Balintawak noong Agosto, 1896. Dahil sa pag-ibig sa bayan ay sumama siya sa pangkat ni Koronel Rosendo Limon at nakipaglaban sa ilalim ni Heneral Servillano Aquino.Noong ikalawang bahagi ng labanan sa pakikipaglaban sa mga Amerikano para makamit ang kalayaan ay nakasama siya sa editorial staff ng noo'y popular na pahayagang La Independencia. Dito niya napatunayan na higit siyang isang manunulat kaysa isang kawal.

Sergio Osmeña y Suico 

Page 11: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ay ang ikaapat naPangulo ng Republika ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina SenadorSergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya siManuel L. Quezon.Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.

Baybay Elementary SchoolBaybay, Tiwi, Albay

Page 12: Mga BAYANI SA PANAHON NG KASTILA

Ipina ni:

JERICK D. ALENIADO (Estudyante)

Ipinasa kay: