17
MGA PARAAN NG PAG-IIMBAK NG PAGKAIN Pagpapatuyo

Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Paraan ng Pag-iimbak

Citation preview

Page 1: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

MGA PARAAN NG

PAG-IIMBAK NG PAGKAIN

Page 2: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pagpapatuyo -Ang pagpapatuyo ay isang payak

at madaling paraan ng pag-iimbak ng maraming uri ng pagkain. Ang mga pagkaing tulad ng isda, karne, prutas at ilang gulay ay maaaringn iimbak sa ganitong paraan. Kapag ang pagkain ay nakalapat o nasisikitan ng matinding init, ang taglay nitong tubig ay lubhang nababawasan hanggang ito ay matuyo.

Page 3: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pagpapausok

– Ang mga isda at karne ay pinauusukan sa nagbabagang kahoy, tabas ng kahoy o mga dahon ng bayabas. Ang Pyroligneous acid, na nanggagaling sa nagbabagang kahoy o dahon ay tumatagos sa karne. Ito ang nag-iimbak at nagpapasarap sa lasa ng karne. Ang paraan na ito ay ginagamit para sa paggawa ng hamon at bacon. Upang lalong sumarap ang lasa, inihahalo rin ang

Page 4: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

magkakasanib na lasa ng asin, asukal at suka.

Pag-aasin

– Ang asin ay ginagamit na pampalasa ng karne, sa paggawa ng sausage, pagtimpla ng isda at iba pang naprosesong pagkain. Ang pagbudbod ng asin sa pag-iimbak ng karne ay hindi lamang nagpapatuyo sa karne. Pinapatay din nito ang mikroorganismo na may kakayahang magpabulok sa pagkain. Ngunit kinakailangang sundin ang paglagay ng

Page 5: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

tamang dami ng asin upang maging katanggap-tanggap ang produkto.

Pagyeyelo – Ang mababang temperature ay

nakapipigil sa pagdami ng mga baktirya at mikrobyo sa mga sariwang pagkain. Ang mga sariwang karne ng baka, baboy, manok at isda ay kailangang ilagay sa pinakamalamig na bahagi ng palamigan at ang gatas, gulay, itlog

Page 6: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

at iba pa ay may kani-kanilang lugar sa palamigan.

Pagsasalata

– Ginagamit ang pamamaraang ito sa malalaking pabrika ng pagkain upang mapanaliti ang mataas na uri ng kanilang produkto. Kabilang sa mga pagkaing isinasalata ay ang

Page 7: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

gatas, sardinas, sarsang kamatis, katas ng pinya, karne norte at iba pa. Pag-aatsara

-Paggamit ng solusyon ng suka, asin at asukal at iba pang pampalasa sa pag-iimbak ng pagkain. Ang mga preserbatibang ito ang nagpipigil sa pagtubo ng mikrobyo bukod sa nagbibigay pa ito ng kakaibang lasa sa pagkain. Ang mga gulay na kadalasang

Page 8: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

ginagawang atsara ay hilaw na papaya, karots, pipino, labong, singkamas, at iba pa. Pagmamatamis

- Ang pagmamatamis ay ang pag-iimbak na kadalasang ginagawa sa mga prutas. Ang mga pinakulong asukal at tubig ay isang mabisang paraan sa pagpigil ng mikrobyo. May ibat-ibang katawagan sa

Page 9: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

pagmamatamis ng prutas. Ito ay ang jelly, jam at preserve.

Pagpapatuyo

Page 10: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pag-aasin

Page 11: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pagpapausok

Page 12: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pagyeyelo

Page 13: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pagsasalata

Page 14: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pagmamatamis

Page 15: Mga Paraan Ng Pag-iimbak

Pag-aatsara