Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 1 Edukasyon sa Pagpapahalaga I Ikalawang Markahan Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOB TUKLASIN ANG IYONG PAG-UNAWA (EXPLORE) Sa unang markahan, naipamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Tinuklas mo rin ang iyong mga talento, kakayahan at kahinaan, at hilig. Naunawaan mong ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga ito ay gabay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin bilang nagdadalaga o nagbibinata. Sana ay nagawa mo ang inaasahang pagganap sa bawat aralin sa unang markahan upang umunlad ka sa paggawa ng iyong mga tungkulin at magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. Sa modyul na ito, inaasahang: a. masasagot mo ang tanong na: Paano nagiging bukod-tangi ang tao? b. matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa ng pasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik b: a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya, paaralan o pamayanan b. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat sitwasyon c. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay ang sumusunod: Isip - Tungo ba sa katotohanan? Kilos-loob – Tungo sa kabutihan?
Edukasyon sa Pagpapahalaga IOpen High School Program, EP I Modyul 5
Page 1
Edukasyon sa Pagpapahalaga I
Sa unang markahan, naipamalas mo ang iyong pag-unawa
sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga
o
pagbibinata. Tinuklas mo rin ang iyong mga talento, kakayahan at
kahinaan, at
hilig. Naunawaan mong ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng
pagtuklas ng
mga ito ay gabay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin bilang
nagdadalaga o
nagbibinata. Sana ay nagawa mo ang inaasahang pagganap sa bawat
aralin sa
unang markahan upang umunlad ka sa paggawa ng iyong mga tungkulin
at
magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.
Sa modyul na ito, inaasahang:
a. masasagot mo ang tanong na: Paano nagiging bukod-tangi ang
tao?
b. matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa
ng
pasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng awtput mo sa titik
b:
a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya,
paaralan
o pamayanan
b. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat
sitwasyon
c. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay
ang
sumusunod:
Kilos-loob – Tungo sa kabutihan?
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 2
Ang pagsagot mo sa tanong na ”Paano nagiging bukod-tangi ang tao?
”
ay makatutulong sa pagbuo mo ng Kakailanganing Pag-unawa sa modyul
na ito.
Kaya mahalagang gawin mo nang nang may determinasyon ang mga gawain
sa
modyul na ito.
Ngayon, sagutin mo ang Paunang Pagtataya upang matuklasan mo
ang
mga konsepto sa araling ito na tama ang pagkaunawa mo at ang
mga
konseptong mali ang iyong pagkaunawa.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba.
Isulat sa
kuwaderno ang salitang Tama kung ito ay nagpapahayag ng tamang
konsepto.
Isulat ang salitang Mali kung ito ay nagpapahayag ng maling
konsepto.
1. _____ Ang isip ay ginagamit sa pag-unawa.
2. _____ Walang kakayahan ang taong tuklasin ang totoo.
3. _____ Likas sa tao ang inklinasyon na gumawa ng mabuti.
4. _____ Ang kilos-loob ay ginagamit sa pagkilos at paggawa.
5. _____ Walang epekto sa ating pagkatao ang
pagsisinungaling.
6. _____ Ang tao ay may kakayahan na piliin ang mabuti sa
masama.
7. _____ Nababawasan ang pagkatao ng tao kung gumagawa siya
ng
masama.
8. _____ Imposibleng gumawa ng mabuti kung ang mga nasa paligid mo
ay
masama.
kaalaman.
10. _____ Walang pananagutan ang taong nasa sapat na pag-iisip
kung
gumawa siya ng masama.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 3
Pagtuklas ng Dating Kaalaman
Maayos mo bang nasagot ang Paunang Pagtataya? Kung gayon,
binabati
kita! Kung hindi naman, huwag mabahala dahil ang mga susunod na
gawain ay
susubok ng mga karanasan at kaalamang iyong natutuhan na. Gawin mo
ang
mga sumusunod na gawain.
1. Masdan mo ang mga larawan sa ibaba.
2. Sagutin sa iyong kwaderno ang mga tanong sa ibaba ng mga
larawan.
Mga Tanong
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Sagutin ang mga tanong sa ibaba ng mga larawan
Halaman Tao Hayop
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 4
Mga Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng pagtugon ng lalaki at ng aso sa
paalala?
Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Ano ang taglay ng tao upang maunawaan at sundin niya ang
paalalang ito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 5
LINANGIN ANG IYONG PAG-UNAWA (FIRM UP)
Marahil ay unti-unti mo nang natutuklasan ang mga konseptong
kaugnay
ng aralin. Ngayon, lilinangin mo ang iyong pag-unawa upang iyong
maibigay
ang Kakailanganing Pag-unawa para sa araling ito. Gawin mo ang
sumusunod.
A. Gamit ang ilustrasyon o drowing ng angkop na speech balloon,
isulat sa
iyong kwaderno ang iyong iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon.
Gabay
mo ang simbolo sa bawat sitwasyon:
Ang aking dapat na iniisip
Ang aking sasabihin o gagawin
1. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpass o tulay
kaya kahit
na may nakasulat na, “Bawal Tumawid,” hinikayat ka ng iyong
kaibigang
tumawid na sa kalye. Ano ang iisipin at gagawin?
Higit na mabilis tayong makakarating sa pupuntahan natin kung
tatawid tayo kaysa umakyat sa tulay. Wala namang pulis kaya, halika
na.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 6
Sagutin:
1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat
sitwasyon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip na gawin ay lagi bang tugma sa iyong
ginagawa?
Ipaliwanag.
3. Bakit may pagkakataong mabuti ang naiisip mong gawin
subalit
hindi ito ang iyong ginagawa?
______________________________________________________________
________________________________________________________
4. Paano ka magiging matatag upang isagawa ang mga mabuti
mong
iniisip?
______________________________________________________________
________________________________________________________
2. Ikaw at ang kapareha mo ay nahuling magpasa ng takdang aralin.
Hinikayat niya
na magsinungaling ka sa guro tungkol sa dahilan ng pagkahuli ng
pagpasa ng
inyong takdang aralin. Sinabi niyang umayon ka lamang sa lahat ng
kanyang
sasabihin. Ano ang iisipin at gagawin?
Pasensya na po. Nahuli kaming magpasa ng takdang aralin dahil
marami pong ibinigay ang lahat ng guro naming takdang aralin at
proyekto.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 7
PALALIMIN ANG IYONG PAG-UNAWA (DEEPEN)
Kumusta na ang iyong pagtuklas ng Kakailanganing Pag-unawa?
Basahin at unawaing mabuti ang babasahin sa ibaba upang mapagtibay
ang
iyong nabuong Kakailanganing Pag-unawa. Pagkatapos, punan ang
mga
patlang sa graphic organizer sa ibaba tungo sa pagbuo mo
nito.
TAO: ANG NATATANGING NILIKHA
Mayroong tatlong uri ng nilikhang may buhay sa mundo: ang
halaman,
ang hayop at ang tao. Katulad ng halaman, ang tao ay
nangangailangang
alagaan upang lumaki, kumilos at dumami. Kumukuha siya ng sapat
na
sustansya upang makaya niyang suportahan ang sarili. Katulad ng
hayop ang
tao ay may damdamin kaya’t siya’y nasasaktan, marahil dahil sa
kapabayaan o
pagpapahirap. Natatakot siya sa kalamidad o sa epekto ng pangyayari
na hindi
inaasahan. Nagagalit siya kapag pinakikitunguhan nang hindi tama
subalit
kumakalma sa tuwing pinakikitaan ng pagkalinga. Subalit higit pa sa
mga ito ang
kayang gawin ng tao sapagkat ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng
Diyos”,
kaya nga ang tao ay tinatawag na kanyang obra maestra.
Paano naiiba ang tao sa ibang nilikha? Ang bawat indibidwal
ay
biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya. Ang
mga
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 8
katangiang ito ay nagpapatingkad sa kanya, katangiang taglay lamang
ng tao na
nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ayon kay Dr.
Manuel Dy Jr.,
ang tao ay may tatlong mahahalagang sangkap: ang isip, ang puso at
ang
kamay o katawan.
Isip. Ang isip ay ang kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod
ng
isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran,
magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Kaya’t
ang
isip ay tinatawag na katalinuhan (intellect), katwiran (reason),
intelektuwal
na kamalayan (intellectual consciousness), konsensya (conscience)
at
intelektuwal na memorya (intellectual memory).
Puso. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa
buong
pagkatao ng tao. Nakararamdam ito ng lahat ng bagay na nangyayari
sa
ating buhay. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon. Sa puso
hinuhubog
ang personalidad ng tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng tao ay
dito
natatago.
Kamay o katawan. Ang kamay o ang katawan ay sumasagisag sa
pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig
o
pagsusulat). Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng
isang
kilos o gawa. Hindi sapat na naiisa-isa ng tao ang iba’t ibang
bahagi ng
kanyang katawan, ang mahalaga ay maunawaan niya kung anu-ano
ang
gamit ng mga ito. Mahalagang bahagi ng pagkatao ang katawan, dahil
ito
ang ginagamit upang ipahayag ang nilalaman ng isip at puso sa
kongkretong paraan. Sa pamamagitan ng katawan, naipakikita ng tao
ang
nagaganap sa kanyang kalooban. Ito rin ang instrumento sa
pakikipag-
uganayan sa ating kapwa.
Kawangis ng tao ang Diyos dahil sa kakayahan niyang makaalam
at
magpasya nang malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatwiran ay
tinatawag
na isip. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang
pinili ay
tinatawag na kilos-loob.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 9
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.
Isip Kilos-loob
Tunguhin Katotohanan Kabutihan
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan;
kaya’t
patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon
sa
katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong
upang
makamit ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang
natuklasan,
maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang
isip ng
tao ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha,
siya ay
nakadarama ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa
katotohanan ay
hindi nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng isip.
Sa kabilang dako, ang kilos-loob ayon sa paglalarawan ni Santo
Tomas de
Aquino ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency),
sapagkat ito ay
pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Kung
kaya’t ang
tunguhin ng kilos-loob ay ang kabutihan. Ang kilos-loob ay hindi
naaakit sa
kasamaan; hindi nito kailanman magugustuhan ang mismong
masama.
Nagaganap lamang ang pagpili sa masama kung ito ay nababalot ng
kabutihan
at nagmumukhang mabuti at kaakit-akit. Ang kilos-loob ay umaasa sa
ibinibigay
na impormasyon ng isip. Naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob,
dahil hindi
nito nanaisin o gugustuhin ang isang bagay na hindi niya alam o
nauunawaan.
Ito rin ang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao na gumawa at pumili,
kung kaya’t
ang kilos-loob ang siyang ugat ng mapanagutang kilos.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang
mabuti.
Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay
sa tao ang
pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang
kanyang
piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan,
ay kailangang
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 10
sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang
layunin.
Kung hindi, magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang
sa
pagkamit ng kaganapan ng tao.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap
ang
isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi
masira ang
tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao.
Inaasahang
magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob.
Habang
marami siyang natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan
ng pag-
aaral o pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang
pagkatao ang
mapanagutang paggamit ng mga ito.
Kung gayon, higit siyang magiging mabuting nilalang na may
mabuting
kilos-loob. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa dami ng nalalaman
at taas ng
pinag-aralan, kundi kung paano ginagamit ang kaalaman upang ilaan
ang sarili
sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglilingkod sa kapwa at
pakikibahagi o
paglilingkod sa pamayanan. Natatangi ang tao dahil sa kakayahan ng
isip at
kilos-loob na kumilos ayon sa kanyang kalikasan … ang
magpakatao.
Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan
upang
makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa
pagpapaunlad ng
pagkatao.
Ang paggamit ng isip at kilos-loob ng dating Senador
at Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, Juan Flavier ay
magagamit na halimbawa.
Inisip niyang magiging mahusay siyang doktor kahit
na maraming pagsubok sa kaniyang buhay. Ang nais niya ay matulungan
ang
mahihirap na walang kakayahang magbayad sa doktor. Pinalad siyang
maging
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 11
doktor at naging pinuno pa ng isang sangay ng pamahalaan, ang
Kagawaran ng
Kalusugan (1992-1995). Doon, sinubok ang kaniyang katapatan.
Pinilit ng isang
doktor na ibalik niya sa puwesto ang isang empleyadong nagkaroon ng
kaso
tungkol sa paglustay ng pera ng pamahalaan. Inisip niyang, pinalaki
siya ng
kaniyang mga magulang na dapat na laging maging mabuti at tapat,
kaya
tinanggihan niya ito at pinaglaban ang katotohanan.
O, kumusta? Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Nakatulong ba
ito
upang mabuo mo ang Kakailanganing Pag-unawa? Narito ang ilang
tanong na
sasagutin mo sa iyong kwaderno upang maglinaw ito sa iyo.
Mga Gabay na Tanong:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Paano naipakikita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa
pang-araw-
araw na kilos?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang inaasahang dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang
may isip at
kilos-loob?
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 12
5. Ibigay ang sariling pananaw tungkol sa taong hindi kayang gawin
o isabuhay
ang alam niyang mabuti at tama.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Paghinuha ng Kakailanganing Pag-unawa (Essential Understanding o
EU)
Sa iyong kwaderno, kopyahin ang graphic organizer sa ibaba. Isulat
sa
mga patlang nito ang mga konsepto kaugnay ng nahinuha na
Kakailanganing
Pag-unawa mula sa babasahin. Ang clue ay ang sagot sa tanong na:
Paano
naging bukod-tanging nilalang ang tao?
.
Isip na _______________________ ____________________________
Kilos-loob na__________________
__
__
Kaya, nararapat na ______________, _______________, at
_____________ ang
isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kaloob ng Diyos sa
tao.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 13
Isulat mo sa iyong kuwaderno ang Kakailanganing Pag-unawa, ang
sagot
sa tanong na: Paano naging bukod-tangi ang tao? Ipaliwanag.
Sagot:
Mabuhay ka sapagkat natapos mo ang bawat bahagi ng
modyul na ito! Ngayon ay isagawa mo na ang iyong naunawaan sa
araling ito.
Pagganap
Sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:
matataya mo ang paggamit ng iyong isip at kilos-loob sa paggawa
ng
pasya at kilos tungo sa katotohanan at kabutihan
Narito ang mga kraytirya ng paggawa mo ng inaasahang pagganap
na
binanggit:
a. Nailarawan ang dalawang sitwasyon na kinaharap sa pamilya,
paaralan
o pamayanan
b. Nailahad nang malinaw ang naging pasya at kilos sa bawat
sitwasyon
c. Nataya ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon gabay
ang
sumusunod:
Kilos-loob – Ginamit ba tungo sa kabutihan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 14
Nasa talahanayan sa ibaba ang isang halimbawa. Pag-aralan ang
sitwasyong inilahad at ang pagtatayang ginawa sa pasya o kilos ng
tauhan.
Sitwasyon Ang Naging Pasya at
Kilos ng Tauhan sa Sitwasyon
Pagtataya ng Pasya o Kilos ng Tauhan sa Sitwasyon
Isip – Ginamit ba tungo ba sa katotohanan?
Kilos-loob – Ginamit ba tungo sa kabutihan?
Tinanghali si Ainil ng
paaralan dahil tungkulin
niya bilang mag-aaral
pagpasok sa paaralan
tungo sa kabutihan.
Ngayon, ikaw naman. Gunitain at ilarawan ang dalawang sitwasyong
kinaharap mo sa
nakaraang linggo – una sa pamilya o tahanan at ikalawa sa paaralan
o pamayanan o
kapitbahayan (halimbawa, sa computer shop o internet cafe). Kung
mahirapan ka sa
pagtataya (sa ikatlong kolum), humingi ka ng tulong sa iyong guro
magulang.
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 15
Sitwasyon Ang Naging Pasya at Kilos Ko sa Sitwasyon
Pagtataya ng Pasya o Kilos Ko sa Sitwasyon
Isip - Ginamit ko ba tungo ba sa katotohanan?
Kilos-loob – Ginamit ko ba tungo sa kabutihan?
1. Sa pamilya
pamayanan
Kumusta? Nahirapan ka ba sa gawain? Malapit ka ng matapos,
kaya
huwag bibitiw. Gawin ang pagninilay sa ibaba.
Pagninilay
Sa iyong journal, magsulat ng isang pagninilay. Gabay mo ang
mga
sumusunod na tanong:
1. Anu- ano ang mga natuklasan ko sa paraan ko ng paggamit ng isip
at kilos-
loob sa mga pang-araw-araw na sitwasyon ng buhay?
2. Paano ako magpapakatatag upang:
a. gamitin ang aking isip para sa katotohanan lamang?
b gamitin ang aking kilos-loob para sa kabutihan lamang?
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 16
Pagsasabuhay
Sinabi ni Lao-Tzu, isang Pilosopong Tsino ang pahayag na: ”The
journey
of a thousand miles begins with the first step.” Anu-ano ang mga
unang hakbang
na dapat mong gawin upang magamit mo ang iyong isip at kilos-loob
nang tama?
Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
1. Balikan mo ang iyong mga tungkulin sa bawat gampanin mo sa
Modyul 4. Alin
dito ang hindi mo nagagampanan nang maayos o kulang sa
determinasyon?
Tunghayan muli ang talahanayan na nasa Modyul 4.
Gampanin Tungkulin
2. Bilang anak Halimbawa:
a. Pag-aaral nang mabuti upang makatapos b. Paggastos o pagiging
masinop sa pera c. Pagpapanatiling malinis at maayos ang sariling
silid d. Pagsunod sa mga utos ng magulang
3. Bilang kapatid
4. Bilang mag-aaral
5. Bilang mamamayan
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 17
Halimbawa, balikan mo ang isang tungkulin mo bilang anak na
nasa
talahanayan sa itaas - Pag-aaral nang mabuti upang makatapos.
Anu-ano ang
mga sagabal upang maisagawa mo ito? Anu-ano ang mga gawi mong
dapat
mong baguhin upang makapag-aral ka nang mabuti. (Halimbawa, kung
may ire-
research ka sa internet kaugnay ng takdang aralin ninyo sa
Edukasyon sa
Pagpapahalaga, naalala mong buksan sandali ang Facebook upang
kamustahin
ang isang kaibigan. Kaya nagugol mo ang oras para rito imbes na sa
pag-aaral.)
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba. Gabay mo ang unang
halimbawa.
Isulat sa kwaderno ang tatlong sariling gawi na balakid sa
pag-aaral mo nang
mabuti. Punan ang tsart.
Mga tungkulin bilang anak
Ano ang dapat kong isipin upang maituwid ang maling gawi
Ano ang aking gagawin upang maituwid ang maling gawi at malampasan
ang kahinaan
Ano ang sasabihin ko sa harap ng salamin tuwing mapagtatagum- payan
ko ang kahinaang ito
a. Pag-aaral nang mabuti upang makatapos
Naalala kong buksan sandali ang Facebook upang kamustahin ang isang
kaibigan imbes na mag-research tungkol sa takdang- aralin. Kaya
nagugol ko ang oras para rito imbes na sa pag-aaral.
”Kailangan kong maging mabuting tagapangalaga (steward) ng mga
biyayang ipinagkaloob sa akin ng Diyos – tulad ng oras o panahon.
Mas mahalaga sa akin ang pag-aaral kaysa pakikipagkaibigan sa
panahong itinakda para sa pag-aaral. Kaya uunahin kong gawin ang
aking takdang-aralin.”
Magdarasal muna ako pagkagising sa umaga upang humingi ng basbas at
gabay ng Diyos sa lahat ng aking gagawin sa araw na iyon – lalo na
ang paglampas sa aking mga kahinaan. Gagawa ako ng maayos na
iskedyul o listahan ng mga dapat kong gawin sa maghapon at
sisikapin kong sundin ang iskedyul na ito. Kaya, uunahin ko ang
research sa internet para sa takdang-aralin
”Mabait ka talaga! Congratulations!”
Open High School Program, EP I Modyul 5 Page 18
kaysa buksan ang Facebook.
b.
c.
d.
Masaya ka ba sa pinuno mong tsart? Mabuti kong ganoon. Binabati
kita?
Tandaan na ang pagpuno ng tsart ay unang hakbang lamang. Ang
hinihingi ng
Pagsasabuhay ay konsistent o palagiang pagsasagawa ng mga kilos at
pag-
iisip ng mga pahayag at pangangatwiran na inilista mo. Kung
may
determinasyon ka sa pagsasagawa ng mga mabuting gawi, tunay na
magagamit
mo ang iyong isip at kilos loob nang ayon sa tunguhin ng mga ito:
ang isip para
lamang sa katotohanan at ang kilos-loob para lamang sa
kabutihan.
Maligayang bati sa iyong tagumpay na matapos ang Modyul 5!
Ngayon
ay maiuugnay mo ang lahat ng iyong natutuhan sa Modyul 6.
Mga Sanggunian:
Brenan, Robert Edward (1948). The Image of His Maker. Milwaukee:
The Bruce
Publishing Company.
Esteban, Esther J. (1990). Education in Values: What, Why and for
Whom.
Manila: Sinag-tala Publishers Inc.
(1992). Perspective: Current Issues in Values Education 4. Manila:
Sinag-tala
Publishers Inc.
Intellect, Will, and Feelings in the Process of Fulfillment (n.d.)
Retrieved June 3,
2009 from http://www.cormacburke.or.ke/node/113
The Philosophy of Man: A Brief introduction to Rational Psychology
adapted
from various sources and edited by Jonathan Dolhenty, Ph.D. (n.d.)
Retrieved
June 1, 2009 from http://radicalacademy.com/jdpsychology8.htm
4 Ang Puso (n.d.) Retrieved November 11, 2009 from
http://dspadua.tripod.com/kaluluwa4.html
Mga Larawan:
back=http%3A%2F%2Fsearch.
Retrieved May 15, 2011 from
http://www.fotosearch.com/BDX269/bxp46537/